Joke
Kating's POV
Parang gusto kong putulin ang dila ko sa nasabi ko. Kitang - kita kong nagulat si Lee sa sinabi ko sa kanya.
Gaga ka Kating! Gaga ka! Ano ba ang sinabi mo? Hindi mo ba mapigil ang bibig mo?
"Joke lang! Naniwala ka naman!" At tumawa ako ng malakas. Leche! Ano ba? Kung bakit naman kasi ang guwapo - guwapo nitong si Lee kaya hindi ko napigil ang sarili kong magtapat sa kanya.
Bahagyang naging kalmado si Lee. Nakakatawa talaga ang itsura niya ng sabihin ko na gusto ko siya. Talagang gulat na gulat at parang nanigas pa yata.
"It's not a good joke, Katrina." Seryosong sabi niya.
Inirapan ko siya. "O siya, hindi na uulitin. Joke nga lang, eh. Pero sa totoo lang, ayoko talaga kay Sir Lester."
"Pero sino 'yung sinasabi mong gusto mo?" Tanong niya.
Ikaw nga 'yun, gago. Tanga ka lang.
Gustong - gusto ko 'yung sabihin sa kanya.
Umiling ako at kumain ulit. "Wala iyon. Nasa imagination ko lang."
Huminga ng malalim si Lee. "Katrina, I know your parents love you kaya inaayos lang nila ang lahat. If you don't want to marry Lester, sabihin mo na lang sa kanila. Ayoko na kasing maulit ang nangyari noon. Ayokong masira ang relationship 'nyo ng magulang mo. Katulad ng nangyari kay Louraine. Your parents suffered enough."
Diyos ko. Ito bang lalaking ito ang hindi ko mamahalin? Napaka - selfless. Sobrang bait! Sobrang guwapo pa.
"Ewan ko. Bahala na." Tumunog na naman ang telepono ko. Si Eunice ang tumatawag ngayon.
"Bakit?" Iyon ang bungad ko sa kanya.
"Nasaan ka ba? Galit na galit na si daddy. You are not answering his calls. Bigla kang umalis kanina," dama kong tonong naiinis din si Eunice.
"Umalis ako kasi ayoko ng pinapangunahan niya ang buhay ko. Bakit niya ako ipapakasal kay Sir Lester?" Sagot ko sa kanya. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Lee. Na - conscious yata ako. Baka may tinga ako sa ngipin. Kulangot kaya? Ano ba?
"He is just thinking of something good. Lester Samson is a good catch," sabi ni Eunice.
"Ayoko. Kahit siya pa ang may-ari ng universe. Ayoko pa rin. Hindi na muna ako uuwi diyan. Doon muna ako sa bahay namin," sabi ko.
"Kating naman. Depressed na si daddy. Huwag ka namang ganyan."
"Itigil niya ang gusto niya na ipakasal ako kay Lester, uuwi ako diyan."
Napahinga ng malalim si Eunice. "Fine. I'll call you again." At pinatayan na niya ako ng telepono.
Napapailing sa akin si Lee.
"You really that hard headed. And I thought Louraine is just like that with her dad. Mas matigas pala ang ulo mo sa kanya." Komento ni Lee.
"Dun lang ako sa tama. Saka ang tanda ko na 'no! Kung gusto kong mag - asawa pipiliin ko 'yung gusto ko. Hindi 'yung gusto nila." Napatingin ako sa cellphone ko kasi nag - beep iyon. May nag - text sa akin. Si Eunice.
Daddy is going to call you. Please answer.
Iyon ang nabasa kong text. Tapos ay tumutunog na ang telepono ko. Si Mr. Alba ang tumatawag. Napahinga ko ng malalim.
"Answer it. I know its your dad. Nag - aalala lang sa iyo 'yan." Sabi ni Lee.
Kahit ayaw ko ay napilitan akong sagutin iyon.
"Kating, honey. Where are you?" Napakalumanay ng boses ni Mr. Alba.
"Dito lang ho. Nagkakape lang," sagot ko.
"Honey, I am so sorry about what I said. Nag - panic lang ako kasi nakita ko si Lee. Kalimutan mo na ang nasabi ko. Ang tungkol sa pagpapakasal 'nyo ni Lester. Walang mangyayaring ganoon. Hindi kita papakielaman sa gusto mo. Kung sino ang gusto mo tatanggapin ko," sabi ni Mr. Alba.
Napatingin ako kay Lee at tahimik lang siyang nakatingin sa kape niya.
"Please go home, anak. Please? Hihintayin kita," parang gumagaralgal ang boses ni Mr. Alba.
Para naman nadurog ang puso ko. Kahit naiinis ako sa ginagawa niya kay Lee, naaawa pa rin ako sa kanya.
"Uuwi na ako. Sige ho."
"I'll wait for you, iha. Maghihintay kami ng mommy mo."
"Sige ho," at pinatay ko na ang telepono.
"That's good. What you did is good." Sabi ni Lee sa akin.
"Uuwi na ako. Puwede mo ba akong ihatid?" Sabi ko sa kanya.
Umiling si Lee. "I want to. Kaya lang magagalit ang daddy mo kapag nakita akong hinatid kita. I'll call someone who can send you home."
Para akong nadismaya ng sabihin iyon ni Lee. Pero pumayag na rin ako para hindi na magkaroon pa ng issue.
———————->>>>>>>
Lee's POV
I called my dependable Uber driver na madalas naghahatid at nagsusundo sa akin sa tuwing tinatamad akong mag - drive. Sa kanya ko ipinahatid si Katrina para alam kong safe siyang makakauwi.
"Please call me once she gets home," bilin ko sa driver. "See you tomorrow," baling ko kay Katrina.
Ngumiti siya sa akin. "Salamat sa libre. Sana bukas meron ulit. Kahit lunch. Puwede ba tayong sabay?" Sabi pa niya.
"Bahala na kung wala akong meeting. Ingat," sabi ko at isinara ko na ang pinto ng kotse. I just want her to go home. Ayokong magkaroon pa sila ng mas malalang problema ng parents niya.
I thought it was real. What Katrina told me that she likes me, I thought it was real. 'Tang ina, kinabahan ako ng todo. Pakiramdam ko parang dumagundong ang puso ko. And I hate this feeling. Kasi si Louraine lang ang nagpapakabog ng ganito sa dibdib ko. At hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito ngayon kay Katrina.
But good thing it was only a joke. Kasi malaking problema kung totoo iyon. Baka ipapatay na ako ni Mr. Alba kung mangyayari iyon.
Narinig kong tumunog ang telepono ko. Si daddy ang tumatawag.
"Dad," sabi ko ng sagutin ko iyon.
"Lee, anak. Can you come home now? Kahit sandali lang." Sabi ni daddy.
Hindi agad ako nakasagot. I know he is just going to ask about Louraine.
"Dad, if you are just going to ask about Louraine. Okay na po. Okay na ako," sagot ko.
"Hindi okay iyon, Lee. I saw what Rod did to you. I heard every word he said and he is mad at you. He is blaming you for his daughter's death. And I hate it. Mali na sisihin ka niya sa nangyari sa anak niya. Aksidente iyon," ramdam ko ang concern ni daddy.
"Hey, dad. Stop stressing yourself about this. Ang tagal na nito. Its been nine years since she died. Sanay na ako," sagot ko.
Hindi sumagot si daddy tapos ay narinig kong huminga ng malalim. "Can you just go home tonight? Please? We miss you."
Hindi ko maipaliwag ang nararamdaman ko. Masaya ba? O nababaduyan ba ako? Hindi kasi ako nasanay na. Parang ang awkward na marinig mula sa tatay ko iyon.
"Sige dad. Uwi ako ngayon," parang hindi ko din kasi kayang hindi siya pagbigyan. Ayoko ding sumama ang loob niya.
"Salamat. Hintayin ka namin ng mommy mo."
Napapailing ako habang ibinulsa ko ang telepono ko at sumakay sa kotse ko. Nag - drive ako pauwi. Nakakatawa. Andito lang ako kanina tapos babalik na naman ako.
Naabutan ko sila daddy na nasa sala. Andoon din si Lei na busy sa pagpipindot ng telepono niya. Naipagpasalamat ko na wala si Les doon. Kasi siguradong bubuwisitin lang niya ako.
"Iho. Why you didn't tell me about what happened to you?" Si mommy iyon. Yumakap agad sa akin ng makapasok ako.
"Tapos na iyon, mommy." Iyon na lang ang sinabi ko. Puwede ko ba naman sabihin sa kanila na huli na para sa ganito. I need this nine years ago. I think its too late for their sympathy. I don't need it anymore.
Pare - pareho kaming napatingin sa dumadating na si Lester. May kausap siya sa telepono. Ang lakas - lakas ng boses niya.
"Yes. She won't be working as an encoder. She will be transferred to the Marketing department. I want her to work closely with me," sabi nito sa kausap.
Nagkatinginan kami ni mommy. Naupo si Lester sa sofa malapit sa amin. Wala talaga siyang pakielam na nag - uusap kami doon.
"I want her office to be fixed. Pagpasok niya bukas kailangan maayos na iyon. Put some flowers. I want her to have flowers tomorrow," sabi pa ni Les.
I know he is talking about Katrina. My brother is really a douche. Talagang gagawin niya ang lahat para masunod ang mga plano niya sa negosyo.
"Sige. Maaga rin naman ako papasok bukas," sabi pa nito at pinatay ang telepono. Parang nagulat pa siya ng makita niya ako doon. "Brother! You're here?"
Tiningnan ko lang siya.
"You know, Mr. Alba and I talked about Katrina's position in our company. He asked if I can put her in another department. She doesn't like to work in their business," sabi pa nito.
"But did you ask her if she wants to be transfered?" Tanong ko sa kanya.
"She likes it or not, its already been arranged," sagot ni Les at tumayo na. "And she likes it or not, she'll be mine." At tinalikuran na niya ako.
Hindi na ako nagsalita at napailing na lang. I don't know what will happen now. Feeling ko kung anuman ang plano ni Les about Katrina, parang masasangkot pa rin ako and this is not going to be easy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top