"It will never be you"
Ito na po ang inaabangang update. 😊
——————————>>>>>>
Kating's POV
Naipagpasamalat kong hindi na ako kinulit pa nila Mr. Alba ng makauwi ako kagabi. Tinanong lang nila kung saan ako pumunta. Nagsinungaling na lang ako. Sinabi kong si Mona ang kasama ko.
Hindi ako halos nakatulog magdamag. Iniisip ko ang sinabi ko kay Lee. Hay, dyosko naman. Bakit naman kasi sa dinami - dami ng lalaki, sa asawa pa ng kapatid ko ako na - inlove? Parang ang hirap naman nito. Alam na alam ko naman kung gaano niya kamahal si Louraine. Ako naman si gaga, na - inlove pa.
Kahit naman kasi sino maiinlove sa lalaking iyon. Sobrang bait. Sobrang gentleman at sobrang guwapo pa! Ano ba? Masisiraan na yata ako ng ulo.
Walang - wala ang nararamdaman kong ito 'nung magkagusto ako kay Clyde. Siguro nga attracted lang ako sa hinayupak na 'yun kasi guwapo din naman. Pero walang - wala siya sa kalingkingan ng itsura ni Lee.
Bumangon ako at naupo sa kama. Nilinga ko ang paligid ng kuwarto ni Louraine. Wala pa naman akong inaayos dito. Bumaba ako sa kama at kinuha ko ang mga kahon ng gamit niya. Muli kong tiningnan ang mga litrato nila ni Lee. Parang kinurot ang puso ko. Ang saya - saya talaga niya. Kung puwedeng ako na lang sana ang inaakbayan niya ngayon. Sana ako na lang ang mahal niya.
Napahinga ako ng malalim at binuklat ko pa ang mga nasa ilalim ng kahon. Mga damit. Mga gamit. Tiningnan ko isa - isa. In fairness magaganda ang damit ni Louraine. Kahit matagal na nakatago at amoy baul, magaganda pa rin. Mga mukhang mamahalin. Puwede ko naman sigurong isuot ito. Nagsusuot nga ako ng mga galing sa ukay, eto pa kaya na kapatid ko naman ang nagsuot.
Hinugot ko ang isang bestida na hanggang tuhod at itinapat ko sa katawan ko tapos humarap ako sa salamin. Uy. Bagay. Mukhang nasa uso pa din naman ang style. Sinukat ko at napangiti ako. Ganda ko. Bagay na bagay ang damit sa akin. Inamoy amoy ko. Puwede ko na itong isuot papasok sa office. Hindi naman masyadong amoy baul. Maliligo na lang ako sa pabango.
Nasa harap na ng mesa sila Mr. Alba ng dumating ako doon. Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mag - asawa at ni Eunice ng makita ako.
"Okay lang ho ba? Ginalaw ko ang mga gamit ni Louraine. Nakakita ho ako ng mga damit. Mga mukhang bago pa. Sayang naman," sabi ko. Kasi nakatingin lang sila sa akin.
"Hindi ho ba, okay? Sige ho. Magpapalit na lang ako ng damit," sabi ko at tumalikod na. Maya maya ay naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran ko kaya napaharap ako. Si Mrs. Alba. Umiiyak siya tapos titig na titig siya sa mukha ko.
"Okay lang. Okay na okay lang. Kahit anong gusto mong gamit ni Louraine. Its yours," umiiyak na sabi ni Mrs. Alba habang hinahaplos niya ang mukha ko.
Tumingin ako sa gawi ni Eunice at nakangiti lang siya sa akin.
"I thought you are Louraine's ghost. Ang creepy," at napahalakhak siya. "That was a gift to her. Once lang niya isinuot 'yan. Bagay sa 'yo," sabi pa niya.
Umupo ako at nakatingin lang si Mr. Alba sa akin. Weird niya, ha? Usually siya ang laging may comment tungkol sa akin at Louraine. Pero ngayon wala siyang imik. Nakatingin lang siya sa akin.
"Ayaw 'nyo ho ba na ginalaw ko ang gamit ni Lou?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya at yumuko. Tapos umiiyak na siya ng mag - angat ng mukha.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka," sabi niya.
Hindi ako nakasagot. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa boses niya habang nakatingin sa akin. Masaya din naman ako na kasama ko sila. Kasi talagang masaya sila na nandito ako. Naiintindihan ko naman si Mr. Alba. Nawalan na siya ng anak, kaya ganito na lang ang pag - aalala niya sa akin.
Ngumiti lang ako. "Hindi naman ho ako mawawala," sagot ko at pinasaya ko ang boses ko.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"I want to start over, Katrina. Whatever I said last night, I am sorry about that. You can choose whoever you like. Kahit sino. Hindi ako hahadlang," huminga siya ng malalim. "I thought about what Lee said to me. He was right. I did it to Louraine and I don't want to do it to you. I just want you to be happy," sabi niya sa akin.
Tama ba ang narinig ko? Parang gusto ko yatang magtatalon. So may pag - asa na kami ni Lee?! Ay! Puwedeng sumigaw?
Pero pinigil ko ang sarili ko kahit nga gusto ko ng magtatalon sa tuwa. Asa pa ako kay Lee? Hindi naman ako gusto 'nun. Pero, subukan ko muna. Tutal nagtapat na naman ako sa kanya kagabi. Binawi ko nga lang. Pero aamin na lang ako ulit.
Parang ang gaan - gaan ng pakiramdam ko ng bumiyahe ako papasok sa office ng LES Construction. Excited kasi akong makita si Lee. Excited na akong sabihin sa kanya na gusto ko naman talaga siya. Pero saglit akong nag - isip. Gusto din ba niya ako? Siguro naman. Hindi naman ako pangit. Saka kamukha ko nga si Louraine na pinakasalan pa niya. So, parang ang labo naman na hindi niya ako magustuhan.
"Bes!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mona. Kakarating lang din.
"Bru! Akala ko sinong artista! Ang ganda - ganda mo naman. Ibang - iba ka na, ha? Mukha ka ng mayaman," sabi niya sa akin.
"Luka - luka. Ako pa rin ito. Naka - iskor ako ng mga damit dun sa kuwarto ni Lou," sabi ko.
"In fairness, ang ganda! Mukhang mamahalin 'yan, bes. Bagay na bagay sa 'yo. Hindi nga kita nakilala," at inikutan pa niya ako.
Sabay kaming pumasok sa elevator at bumaba si Mona sa 12th floor at dumiretso ako sa 14th floor. Binati ako ng secretary ni Sir Les ng makita ko.
"Miss Domingo, what are you doing here?"
Napakunot ang noo ko. "Papasok po. Dun sa cubicle ko," sagot ko.
"Hindi ka ba sinabihan ng mga guards? Ano ba 'yan? Magagalit si Sir Les kapag nalaman ito," parang natataranta si Ms. Freda at may tinawagan sa telepono.
Ang weird. Natawa na lang ako at pumunta na ako sa cubicle ko.
"Miss Domingo, your office is at the 12th floor." Sabi sa akin ni Ms. Freda.
"Ms. Freda, dito po ang cubicle ko. Baka nagkakamali kayo," sabi ko.
"No. Doon na ang office mo. Go to 12th floor at naghihintay na si Mich doon sa iyo. She will be your secretary," sabi pa niya.
Secretary? Encoder lang ako, paano ako magkakaroon ng secretary? Pero mukhang hindi naman nagjo-joke si Ms. Freda kaya sumunod na lang ako. Bumaba ako sa 12th floor at may naghihintay na babae nga sa akin doon.
"Mam Katrina?" Paniniguro niya.
Mam? Mam Katrina talaga?
"Oo. Ikaw ba 'yung Mich?"
Ngumiti siya sa akin at tumango. "This way is your office, mam."
Naguguluhan man ako ay sumunod ako sa kanya. Nadaanan ko ang office ni Lee. Nakabukas pero nadismaya din ako kasi wala pang tao. Wala pa siya? Alas nuebe na, ah? 'Di bale. Mamayang lunch na lang pupuntahan ko siya. Aayain ko siyang sabay kaming mag - lunch.
Huminto kami sa tapat ng isang office. Pagpasok namin ay nagulat ako sa ganda noon. Kumpleto ang mga office equipments. Ang linis! Ang ganda! Ang dami pang bulaklak.
"Office ko 'to?" Paniniguro ko. Baka nagkakamali lang itong babaeng ito.
"Yes, mam. And I'll stay outside. If you need anything, just press 1 from this phone so you can connect to me. Just let me know what else you will need. Mr. Samson will be here anytime. Parating na daw po siya," sabi niya at tinalikuran na ako.
"Ah, sinong Mr. Samson?" Sino nga ba sa mga Samson ang kakausapin ko?
"Si Sir Lester Samson po," sabi niya.
Napa - wow ako sa ganda ng office ko. Pero nagtaka din ako. Bakit ako nagka - office? Lumapit ako sa mesa ko at may papel na nakalagay doon. Parang memo. Nakalagay ang pangalan ko. Katrina Domingo as the new Marketing Director.
Ano daw? Kalokohan ba ito?
"Good morning. Do you like your new office?"
Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakangiti si Sir Les sa akin ng makapasok sa loob. Ang bango niya, ha. At ang fresh ng itsura. Mukhang bagong shave pa.
"Ah, Sir. Parang mali ho 'ata ito."
Napakunot ang noo niya. "Anong mali? This is your office." Naupo siya sa couch na nandoon. "Your dad told me you don't want to work in his company kaya I decided to give you a better position here."
"Pero maayos naman ang trabaho ko," sagot ko.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Bahagya naman akong napaurong.
"Katrina, you belong here. This is your new job. Do it well. I know you can do this." Nakangiting sabi niya. "You look good in that dress. I like it," sabi niya.
Parang nahiya naman ako sa sinabi niya. Tinungo na ni Sir Les ang pinto.
"We will work closely together, Katrina. See you later. Maybe we can grab lunch together? I'll call you. I have a meeting lang this 10am," sabi niya at umalis na doon. Hindi na ako nakapagsabi na may iba akong plano ng lunch.
Parang ang bilis naman. Hindi ako makapaniwala. Marketing Director? Anong gagawin ko dito?
Umupo ako sa office chair ko at para pa rin talagang panaginip ang lahat. Sinubukan kong pindutin ang 1 button na sinabi ni Mich at tumunog iyon.
"Yes, mam? Do you need anything?" Ismarteng sabi ni Mich.
"H-ha? Ah - w - wala. Wala." Ano nga bang sasabihin ko? "Ah, puwede talaga akong mag - utos sa 'yo?"
"Yes mam."
"Ahh... puwede mo bang i-check kung dumating na si Mr. Lee Samson?" Ano ba 'to? Pinapatanong ko pa lang si Lee kinakabahan na ako.
"Sure mam. I'll call his secretary and I'll get back to you," at ibinaba niya ang telepono.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung saan ako nae - excite. Dito ba sa bagong posisyon ko dito sa opisina o sa pagkikita namin ni Lee.
Nagulat pa ako ng tumunog ang telepono.
"Mam. Mr. Lee Samson is still in a meeting. He well be in his office around lunch time," sabi ni Mich.
Napa - ah lang. Para akong nadismaya. Wala pa pala siya. "O sige. Sabihan mo na lang ako kapag dumating na siya, ha?"
"Sure mam. Anything else?"
"Wala na. Salamat."
Napasandal ako sa upuan ko. Ano naman ang gagawin ko dito? Parang nakaka - bore naman. Mag a-alas diyes pa lang. Buti pa dun sa taas na encoder ako marami akong ginagawa. Nauubos ang oras ko sa ginagawa ko. Pero dito, wala akong magawa. Mag - uutos lang ako may gagawa na ng trabaho ko para sa akin. Ganito ba ang mga boss?
May mga papel sa ibabaw ng mesa ko. Magbabasa na lang ako. Baka matutunan ko naman ang mga pasikot - sikot dito.
Nagulat pa ako ng tumunog ang telepono sa harap ko.
"Hello?" Alanganing sagot ko.
"Mam, Mr. Lee Samson is in his office. Am I going to set an appointment with his secretary?" Tanong ni Mich.
Napatingin ako sa relo ko. Aba, pasado alas onse na pala. Umandar din ang oras ko sa pagbabasa ko.
"Ay, hindi na. Ako na lang ang pupunta sa office niya. Thank you," sabi ko at binabaan ko na siya ng telepono.
Bongga ang kaba na nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog. Nag - retouch muna ako ng make up ko. Nag lipstick ng konti. Ay, keri na. Ang ganda ko. Bagay na bagay din ang damit ko sa akin.
Panay ang hinga ko ng malalim habang papunta ako sa office ni Lee. Nginitian ko lang ang sekretarya niya na abala sa pakikipag - usap. Mukhang alam na rin naman sa buong building na bagong boss ako dito kasi hindi na ako sinisita. Mga yumuyuko pa nga kapag nakikita ako.
"Pasok na ako, ha?" Sabi ko sa sekretarya niya at tumango lang sa akin.
Naabutan ko si Lee na nakaupo sa office chair niya at subsob ang ulo sa mga nakalatag na mga folders. Hindi nga niya napansin na nakapasok na ako sa loob.
Kahit nakayuko ang guwapo pa rin. Kahit saang anggulo tingnan, ang yummy.
"Hi Lee. Sabay na tayong mag - lunch," nakangiti kong bati sa kanya.
Nag - angat siya ng ulo at tingin ko para siyang nakakita ng multo ng makita niya ako.
Ngumiti ako sa kanya. 'Yung ngiti ko na alam kong kahit na sino ay hindi makakatanggi sa charm ko. Pero kakaiba, hindi siya ngumiti. Unti - unting nagbago ang mukha niya. Para siyang nagagalit?
"Where did you get that dress?" Tanong niya sa akin. Matigas ang tono niya.
Tiningnan ko naman ang suot ko. Mukhang nagustuhan din niya. Lahat na lang kasi ng makasalubong ko sinasabing maganda ang suot ko.
"Maganda 'no? Nakita ko sa kuwarto ni Lou. Sinukat ko kasya naman sa akin," sagot ko.
Narinig kong mahinang nagmura si Lee.
"You shoudn't do that. That dress is for Louraine. I gave that dress to her," matigas na sabi ni Lee.
Nawala ang ngiti ko sa labi. Nagagalit siya? Bakit? Masama ba na isinuot ko ang damit ni Lou?
"Nasa kahon na lang naman kasi ito. Sabi naman nila Mr. Alba bahala na ako sa mga gamit doon. Sayang naman kung itatapon. Maganda pa naman," sagot ko.
"Sana nga itinapon mo na lang 'yan at hindi mo na isinuot! Wala kang karapatang isuot ang mga gamit niya," galit na sabi ni Lee. Tumayo siya at nagpalakad - lakad sa office niya.
Aray naman. Ang sakit 'nun, ah!
"Masama ba 'to? Wala na naman 'yung may -ari nito. Ibinigay na nga sa akin. Saka damit lang naman ito. Bakit ba nagagalit ka?" Pinigil kong mabasag ang boses ko dahil naiiyak ako. Nagpaganda ako para sa kanya kasi gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya pero bakit ganito?
"Oo! Dahil kay Louraine lang iyan! You are thrashing Louraine's memory. My wife's memory!" Malakas na sabi niya. Galit na galit talaga siya.
"Oo na! Oo na! Isampal mo pa sa mukha ko na kahit kailan hindi mo makakalimutan ang asawa mo! 'Tang ina, naman. Patay na 'yung tao." Hindi ko na napigil ang hindi umiyak.
Hindi nakapagsalita si Lee. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Patay na si Louraine. Ang tagal - tagal na. Nandito ako. Buhay na buhay. Kamukha niya. Hindi ba puwedeng ako na lang?" Sabi ko.
Nagtagis ang bagang ni Lee. Parang lalo pa siyang nagalit sa sinabi ko.
"You think because you have the same face, you can replace her in my life?" Nat napailing si Lee. "I love my wife. Noon. Ngayon. No one can replace her in my life. Not even you. Because you are not Louraine. You will never be Louraine," mahinang sabi niya.
Parang sinaksak yata ang dibdib ko sa sinabi niya. Ang sakit - sakit naman noon. Sobra naman.
"Bakit ka nagtitiyagang maghintay sa taong patay na? Hindi na siya babalik," sabi ko at lumapit ako kay Lee. "'Yung sinabi ko sa iyo kagabi. Totoo iyon. Ayoko kay Lester kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko," sobrang kapal na ng mukha ko. Ngayon ko lang ginawa ang magpakababa ng ganito.
Napailing si Lee at huminga ng malalim.
"I cannot give the love that you are looking for. I already buried my heart a long time ago. That is when my wife died," sagot ni Lee.
Napaiyak ako sa sagot niya.
"Gago ka. Ang gago mo! Sa tingin mo ba natutuwa si Louraine sa ginagawa mo? Hindi na siya babalik!" Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. "Dahil ba sa damit na ito? Huwag kang mag - alala ibabalik ko sa 'yo ang damit na ito kasama ang lahat ng gamit niya. Pasensiya ka na, ha? Kung sinuot ko 'to. Kung pinakaelaman ko ang gamit ng asawa mo. Huli na 'to. At least alam ko na sayang lang pala na ikaw ang minahal ko."
Tinalikuran ko na siya. Umaasa ako na sana pigilan niya ako. Na sabihin niyang mahal niya din ako kasi nararamdaman ko naman na may atraksyon din siya sa akin. Pero walang Lee na nagsalita. Walang Lee na pumigil sa akin hanggang makalabas ako.
Inayos ko ang sarili ko. Ayokong makahalata ang mga tao dito na may nangyari. Nginitian ko lang ang sekretarya niya at dire - diretso ako sa office ko pero huminto ako sa table ni Mich.
"Yes, mam?" Napakunot ang noo niya sa akin. Siguro ay napansin niyang naiiyak ako at nanumugtl ang mata.
"Puwede mo ba akong ibili ng damit? Kahit na ano. Bahala ka ng pumili. Kailangan ko lang palitan ang damit na ito," sabi ko sa kanya at kinuha ko ang debit card ko na bigay ni Mr. Alba.
"Papalitan mo mam? Ang ganda
niyan. Bagay na bagay sa inyo," sabi ni Mich.
Pinilit kong ngumiti. "Hindi nagustuhan 'nung taong pinaghandaan ko, eh. Sige na." At dire - diretso na ako sa loob ng opisina ko at doon ako bumulalas ng iyak.
Parang pinira-piraso ang dibdib ko. Literal ang sakit - sakit talaga. Akala ko mabait si Lee. Pero siya lang pala ang wawasak sa puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top