Happiness is ❤️
Last Chapter na ito for Lee's story. Thank you for reading his story. Thank you for all the comments, suggestions, messages. Nakakataba ng puso. God bless everyone!
❤️ Herby M.
——————->>>>>
Kating's POV
Parang bao ang isip ko ng bumalik ako sa opisina ko. Ang dami – daming tanong sa isip ko kung ano ang nangyari. Maayos kaming naghiwalay ni Lee kagabi kaya hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit siya biglang nag – resign.
Nagpaalam ako kay Mich na aalis muna. Pupuntahan ko si Lee. Hindi puwedeng ganito na bigla na lang siyang mawawala. Wala man lang explanation. Walang dahilan. Hindi siya ganoon. Napaka – reasonable na tao ni Lee kaya alam kong hindi niya ito basta – basta gagawin na umalis dito at umalis ng walang paalam sa akin.
Sinubukan kong pumunta sa bahay nila. Pero maid lang ang humarap sa akin at hindi naman daw doon umuuwi si Lee. Dumadalaw lang daw. Naiiyak na naman ako. Saan ko siya hahanapin? Hindi ko nga alam kung saan ang bahay na inuuwian niya. Hindi ko alam kung saan ang mga kabanda niya.
Naisip kong umuwi na lang. Kailangan kong makausap si Mr. Alba dahil sigurado akong may alam siya kung bakit biglang nag – resign si Lee.
Naabutan kong nag – uusap si Mrs. Alba at si Mr. Alba. Parang nagtatalo nga kasi papasok pa lang ako sa bahay ay naririnig ko ng medyo mataas ang boses ni Mrs. Alba.
"Tigilan mo na ang anak mo, Rod. Pabayaan mo na si Katrina," sabi ni Mrs. Alba.
"I know what I am doing, Estella. This is for Katrina's own good." Matigas ang boses ni Mr. Alba.
"Own good? Sa tingin mo lalapit ang loob sa atin ng anak mo kapag nalaman niya ang ginawa mo? Malalaki na sila. Hindi na ito puppy love na ipinipilit mong nangyari kay Louraine noon. Nagmahal ang anak mo. Kasalanan ba nilang magmahal sila sa iisang lalaki?"
Hindi nakasagot si Mr. Alba.
"You know Lee is a good person. He came from a good family. He is just different pero alam mo na maayos siya kaya siya ang minahal ng mga anak mo," sabi pa ni Mrs. Alba.
"But he is the reason why Louraine rebelled against us. He is the reason why Louraine is no longer with us."
"No, Rod. You are the reason why she rebelled against us. Kung pinabayaan mo na lang siya noon, hindi mangyayaring nagtatago siya. Nagrerebelde. It was her choice. Hindi natin kailangan pangunahan ang mga desisyon ng anak natin. We are their parents and we are here to support them," nakita kong lumapit si Mrs. Alba sa asawa niyang nakaupo sa sofa. Ang itsura ni Mr. Alba ay parang natalo sa sugal. Nakayuko lang ito.
"Rod, I don't want to lose our daughter again. Nawalan na tayo ng anak noon. Hindi na ako papayag na mawala ulit si Katrina sa atin," naupo si Mrs. Alba sa harap ng asawa niya.
Nakita kong nag – angat ng mukha si Mr. Alba. Umiiyak siya.
"Am I that selfish? Am I selfish if I want the best for my children?"
"You are a good father, Rod. Hindi mo lang naipakita iyon ng lubos kay Louraine. Do it right this time."
Yumakap si Mr. Alba sa asawa niya. Doon na ako lumabas at lumapit sa kanila.
"Ano ang ginawa ninyo?" matigas kong tanong.
Nakita kong parang nagulat silang dalawa ng makita ako doon.
"Nag – resign si Lee. Ano ang ginawa 'nyo?" sabi ko. Kay Mr. Alba ako nakatingin.
Tumayo siya at lumapit sa akin pero mabilis akong umiwas.
"Katrina, anak. I want you to understand that –"
Pare – pareho kaming napatingin sa taong dumating at pinipigilan ng mga maids. Para yatang tumalon ang puso ko kasi si Lee iyon. Parang wala pang tulog ang itsura niya. Mukhang aburido sa malaking problema. Ang suot niyang damit ay ang suot pa niya kagabi. May mga dala siyang mga folders at pabagsak na inilapag sa mesa sa harap ni Mr. Alba.
"I am sorry. But I cannot do what you are asking me. Hindi ko kayang layuan si Katrina," sabi ni Lee. "I know my own company is not enough to pay our debts to you but I'll give it to you anyway. If my tattoos are your problem, I already scheduled a tattoo removal surgery. If you don't like me in a band, I am willing to quit. Just don't ask me to stay away from Katrina."
Seryosong – seryoso ang mukha ni Lee habang nakatingin siya kay Mr. Alba.
"Sabihin 'nyo lang kung anong kailangan kong gawin para matanggap 'nyo ako. Dahil gagawin ko ang lahat para lang kay Katrina. Mahal ko siya hindi dahil kamukha niya si Louraine. Mahal ko siya dahil siya si Katrina." Sabi pa ni Lee.
Hindi ko na napigil ang mapaiyak. Ganito niya ako kamahal? Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya ang pagbabanda niya. Parang pamilya na niya iyon. Pero tatalikuran niya iyon para sa akin.
"Can you please leave us?" sabi ni Mr. Alba. Tumingin siya sa amin ni Mrs. Alba.
Hinawakan ako sa kamay ni Mrs. Alba. "Let's go, Kating. Let's leave the two gentlemen here."
Pero hindi ako gumalaw. Ayokong umalis dito. Baka 'pag umalis ako, wala na si Lee pagbalik ko.
"We will just going to talk," sabi sa akin ni Mr. Alba.
"Don't worry. I won't go anywhere," sabi sa akin ni Lee.
Kahit labag sa loob ko ay napilitan akong sumunod kay Mrs. Alba. Umakyat kami sa taas at pumasok ako sa kuwarto ko. Sumunod naman siya sa akin.
"May kailangan kayo?" tanong ko sa kanya. Gusto kong mag – isa. Ang dami – daming pumapasok sa isip ko. Ang gulo – gulo ng utak ko. Ngayon lang ako namuroblema ng ganito at dahil pa sa pag – ibig.
"I just want to talk to you, Katrina." Nakangiting sabi ni Mrs. Alba at naupo sa kama doon. Tumitingin siya sa paligid. "Wala ka pang inaayos dito sa kuwarto mo. Puwede mong papalitan ang pintura nito kung gusto mo."
Hindi ako sumagot. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Mrs. Alba. Tinititigan ang mukha ko.
"I can see Louraine's face but Lee is right. You two are really different."
Talagang magkaiba kami ni Louraine. Pero iisa ang lalaking minahal namin.
"Can I ask something from you?" sabi pa niya.
Napakunot ang noo ko. "Ano ho?"
"Can you please say mom? Napakatagal na kasing panahon na walang tumatawag na mommy sa akin bukod kay Eunice. Gusto ko lang marinig na galing sa iyo. Kahit ngayon lang." Nakita kong parang nangingilid and boses ni Mrs. Alba.
Parang kinurot ang puso ko sa nakita kong itsura niya. Alam kong hindi lang siya nagsasalita pero alam kong nasasaktan siya sa tuwing tatawagin ko siyang Mrs. Alba.
"Mom." Sabi ko.
Ngumiti siya at tuluyan ng napaiyak. Ang weird pero parang ang gaan din sa pakiramdam na tinawag ko siyang ganoon.
"Mommy," ulit ko at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya at yumakap din siya ng mahigpit sa akin. Ang sarap ng feeling.
"Don't worry, Kating. Everything will be alright now." Sabi niya.
Napatingin kami sa pinto ng kuwarto ng may kumatok doon. Ngumiti si Mrs. Alba at tumayo. "I think that is my cue, dear." Sabi niya at tinungo ang pinto at binuksan. Si Lee ang nakita kong nakatayo doon.
"Please take care of my daughter, Lee." Narinig kong sabi ni Mrs. Alba bago lumabas.
Ngumiti si Lee. "I will mam." Sagot niya. Masaya na ang mukha niya ngayon. Hindi katulad kanina na parang problemadong - problemado siya.
Mabilis na lumapit sa akin si Lee ng maisara ang pinto. Yumakap siya ng mahigpit sa akin at hinawakan ang mukha ko tapos ay hinalikan niya ako.
Wala akong masabi. Iyak lang ako ng iyak.
"I told you I'll fix everything," sabi niya sa akin.
"Anong nangyari? Bakit ka nag - resign? Hindi kita matawagan. Ayaw mong sagutin ang tawag ko," nanunumbat ang tono ko.
"I am sorry. I need to do something kaya nag - resign ako. Hindi naman ako basta - basta mapipigil ng daddy mo and nagkaroon lang kami ng family emergency," sagot niya.
"Ano ng mangyayari ngayon? Saka paano ka nakaakyat dito? Pinayagan ka ni Mr. Alba?" Taka ko.
Natawa si Lee. "Your dad allowed me," sabi niya at muli akong hinalikan. "Everything is fine now, Kating. Hindi na tayo pipigilan ng daddy mo."
Kumunot ang noo ko. "Talaga?" Parang hindi ako makapaniwala. Alam ko kung gaano ang galit ni Mr. Alba kay Lee.
Nagkibit siya ng balikat at humiga sa kama ko. "Naisip siguro niya, sasakit lang ang ulo niya kapag pinigilan niya ako. Kasi hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha. Gagawin ko kasi ang lahat para lang sa iyo."
Napangiti ako. Nakakakilig naman.
"Talagang ipapatanggal mo ang mga tattoos mo? Saka magku - quit ka sa banda 'nyo?" Tanong ko pa.
"If he ask me to do it. Gagawin ko iyon. Para sa iyo," tumayo siya at yumakap sa akin. "But maybe he realized na bagay sa akin ang mga tattoos ko at magkakaroon siya ng sikat na son in law kaya okay lang daw sa kanya na nasa banda ako." Sabi pa niya.
Napakagat labi ako at humalik sa kanya. "Son in law?" Paniniguro ko.
"Well, I'll be his son in law for the second time around. I asked him if I can marry you."
"Lee -" parang nabibingi yata ako.
Ngumiti siya sa akin at marahang hinaplos ang mukha ko. "I want to spend the rest of my life with you, Katrina. If I can marry you right here, right now, gagawin ko iyon. But your dad asked me kung puwedeng huwag daw muna. Gusto daw muna nilang mag - asawa na masulit na kasama ka."
Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya ng nararamdaman ko.
"Your parents love you so much. Maybe its about time you stop calling them Mr. and Mrs. Alba," natawa si Lee. "Your dad has one request before I can date you."
"Ano 'yun?" Taka ko.
"You need to call him dad."
"Iyon lang?" Paniniguro ko.
Tumango siya.
"Kahit minu - minuto ko siyang tawaging daddy." Natatawang sabi ko.
Tumitig sa akin si Lee. "I love you, Katrina. I won't let go of you. I'll do everything, anything just to be with you."
Humalik ako kay Lee. Alam ko. Alam kong gagawin niya iyon. Ganoon kabuo ang loob niya. Ganoon niya ako kamahal. At kahit ako, hindi ako bibitaw. Gagawin ko rin ang lahat para sa kanya.
——————————->>>>>>>
Lee's POV
After my conversation with Mr. Alba last night, I decided to resign from my post in LES Construction. I talked to my dad first and explained everything. Sinabi naman niya sa akin ang totoo and hindi na rin niya ako pinigilan sa desisyon ko.
Kaya overnight, inistorbo ko talaga ang lahat ng staff ko. I want everything to be settled first thing in the morning. At iyon ang ginawa ko. Ipinaayos ko ang mga documents ng company ko. I made a draft that I'll transfer my company for him. Hindi biro ang value ng kumpanya ko kaya hindi na siya lugi doon.
Handa akong gawin ang lahat ng gusto ni Mr. Alba. Handa akong talikuran ang lahat para sa anak niya. But I don't know what happened, pero parang ibang tao siya ng kausap ko kanina. Walang bahid ng galit ng mag - usap kami. Hindi siya nagtaas ng boses. He just listens to everything I said.
Para akong nabunutan ng tinik. Ang saya - saya ko rin na nandito na ako kasama si Katrina.
Everything is fine now. Hindi tinanggap ni Mr. Alba ang offer ko about my company. He just said, he will just talk to my dad. Bahala na daw silang mag - usap tungkol doon.
I looked at Katrina quietly staring at me. Alam kong kahit siya ay hindi makapaniwala na nangyayari ito. We can date, we can go out like a normal couple.
"Totoo na kaya 'to? Wala ng problemang darating?" Sabi niya sa akin.
"I guess. Its up to us this time on how are we going to handle our relationship. Wala namang perpektong pagsasama," sagot ko.
"Selosa ako," sabi niya sa akin.
"Wala ka naman dapat ipagselos kasi ikaw lang."
Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. "Ang saya - saya ko."
I thought about Louraine. Nandito pa rin siya sa isip ko but I think hanggang doon na lang iyon. We made memories but right now, I want to start new memories with Katrina. I never felt this happiness before. Only Katrina can give me this kind of happiness and I know this will last forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top