First day

Kating's POV

Maaga kami kinabukasan nagkita ni Mona sa sakayan ng UV express. First day namin sa trabaho at ayokong magkaroon kami ng problema dahil late kami. Nakabili na rin ako ng maayos na mga damit sa ukay para naman presentable ako pagpasok sa opisina.

"Ganda mo, 'neng. Bagay pala sa 'yo ang office attire," parang nanunuksong sabi ni Mona sa akin.

Natawa lang ako at tiningnan ang sarili ko. Pencil cut na itim na palda na hanggang tuhod ang suot at binagayan ko ng apple green v-neck longsleeves. Nabili ko lang sa ukay. Maayos pa rin naman hindi mukhang gamit na gamit na. Pati sapatos nga doon ko din binili sa ukayan ni Aling Edna.

"Anong nangyari sa gig 'nyo kagabi?" Tanong niya.

Napahinga lang ako ng malalim at napailing. Ayoko ng maalala pa iyon kahit naaalala ko lang ang ginawang paghalik sa akin ng demonyong Mr. Samson na iyon.

"Nagkita kami ni Clyde," sabi ko habang pasakay kami sa van.

Nanlalaki ang mata ni Mona. Alam naman ni Mona kung sino si Clyde sa buhay ko. Alam niya sa dinami ng nanligaw sa akin, si Clyde lang talaga ang minahal ko. Hindi ko nga rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ko siya nagustuhan. Kilala naman kasi na talagang babaero si Clyde. Marami nga ang nagsabi sa akin na mag - ingat daw ako at baka buntisin lang ako ng lalaking iyon. Marami na daw kasing naging babae iyon na mga kasamahan ko sa pagmo - model. Pero siguro kasi guwapo siya, saka deep inside umaasa ako na isang araw, isang lalaki ang talagang magmamahal sa akin kung ano at sino ako. At inakala kong si Clyde nga iyon. Pero mali. 'Tang ina. Maling - mali. Sa tatlong buwan naming pagiging mag - on, wala ng inungot ang gagong iyon kundi ang mag-sex kami. At hindi ako tanga para pumayag ako sa gusto niya. Kaya ayun, iniwan na lang ako at humanap ng iba.

"Anong nangyari?" Excited na tanong ni Mona.

"Wala. Nandoon din si Judith. Alam mo na. Nagtaray na naman doon," sabi ko. Hindi ko na ikukuwento ang tungkol sa nangyaring paghalik ni Mr. Samson sa akin. Sigurado kasing kukulitin ako nito.

Napasimangot si Mona. "Sus. Sobrang insecure naman kasi sa iyo ang babaeng iyon. Nakatisod lang ng matandang mayaman akala mo kung sino na."

"Pero maaga rin akong umuwi kagabi. Nagtaka nga ako kay Nilo. 'Di ba 3k lang ang tf dapat? Nagulat ako binigyan niya ako ng 5k." Sabi ko pa.

"Talaga? Himala 'yun, ha? Sobrang kunat kaya ni Nilo. Hindi nagpapasobra ng tf 'yun," sagot niya.

"Kaya nga nagtaka ako. Eh, ikaw? Anong nangyari sa date 'nyo ni Johnson?"

Nakita kong ngumiti ng matamis si Mona. "Okay lang. Ang sweet nga niya." Parang nasa cloud nine ang itsura ng kaibigan ko.

"Mukhang bumigay ka kagabi," natatawang sabi ko.

"Hoy! Hindi ah! Dalagang pilipina ako. Kasal muna bago dyug - dyug. Mahirap na," sagot ni Mona.

"O? Eh ano nga ang nangyari?"

"Wala naman. Kumain lang kami. Tapos nanood ng sine. Gentleman siya. Saka alam mo iyon. Hindi niya pinaparamdam sa akin na malayo ang agwat ng buhay namin."

Napangiti ako. "Masaya ako para sa iyo."

"Sana nga ito na ang forever ko. Mahal ko na yata si Johnson."

Napahinto ang usapan namin ni Mona dahil nasa terminal na kami ng van. Maglalakad na lang kami ng isang kanto at nandoon na kami sa building ng LES Construction. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Ayoko kasing magkita kami ulit ng Mr. Samson na iyon.

Dumirecho kami sa hr department ng makarating kami sa building. Binigyan kami ng id's at temporary pass card para maka - access kami sa department namin. Sa 12th floor si Mona at ako naman ay sa 14th floor. Directly reporting daw ako kay Mr. Lester Eduardo Samson. Ito daw ang acting CEO ng LES Construction.

Nang pabalikan ako dito para sa interview ulit, hindi ko naman nakaharap ang Lester Eduardo Samson na ito. Ang sekretarya lang niya ang humarap sa akin at nagsabing tanggap na daw ako at bumalik ako ng Miyerkules para makapag - umpisa sa trabaho. Saka kaano - ano niya kaya si Tattoo boy? Pareho silang Samson. Magkapatid kaya sila?

Naabutan ko ang sekretarya ni Mr. Lester na abala sa pagta - type sa computer niya. Hindi na nga niya napansin na dumating ako doon.

"Hello po. Ako si Katrina Domingo. First day ko ngayon sa trabaho," sabi ko ng makalapit ako.

Tiningnan ako ng medyo may edad na sekretarya at parang sini - sino ako. Tapos ay biglang nagliwanag ang mukha niya ng parang maalala ako.

"Oh! Ikaw 'yung naka micro mini last time. 'Yung neon pink ang kulay?" Parang paniniguro pa nito.

Alanganin akong tumango. Talagang hindi nila makalimutan ang neon pink kong palda. Itatapon ko na talaga iyon pag - uwi ko sa bahay.

"I like your dress today. Siguradong matutuwa si Mr. Samson kapag nakita kang naka - corporate attire. Get inside. Patapos na ang breakfast meeting niya. He wants to meet you personally," sabi pa ng sekretarya sa akin.

"Puwede po bang dito na lang ako mag - intay? Baka may mawala pa sa loob ng office ni Sir mapagbintangan pa ako," sabi ko. Mahirap na 'no?

Natawa ang sekretarya sa akin.

"I like you. So blunt. I like that attitude," nakangiting sabi nito. "I am Freda. You can call me Miss Freda. Kung mayroon kang mga tanong, don't hesitate to ask me," sabi niya.

Puwede daw magtanong. Sige nga. Susubukan kong magtanong.

"Ano po ni Mr. Lester Samson 'yung isa pang Samson sa 12th floor? 'Yung Lee Samson?"

Nawala ang ngiti sa mukha ng sekretarya.

"Well, they are brothers. But please don't ask anything about them. Everyone in this building knows that they don't go along well. Request lang ng father nila na magtrabaho dito si Lee," sagot ng sekretarya.

Tama nga ako. Magkapatid nga.

Napadiretso ng upo si Miss Freda ng makita ang isang lalaking papunta sa lugar namin. Seryoso ang mukha at may kausap sa telepono.

"I don't care if dad gave him a power to decide in this company. Ako pa rin ang masusunod dito. That asshole doesn't have any say in my company!" Malakas na sabi nito. Huminto ito 'di kalayuan sa amin. Tingin ko ay namumula ang mukha nito sa galit.

"Fucking asshole. Nasaan ba ang gagong iyon? Anong alam niya sa construction? At bakit nag - decide siyang magpa - bid ng bagong supplier for our cement?"

"Kapag dumating, tell him to go to my office. Sigurado akong hindi na naman mahahagilap ang gagong iyon dahil kung hindi lasing, sabog na naman. Palibhasa adik at walang magawa sa buhay kundi ang pagbabanda niya. Sige na. Fix this god damn mess na ginawa ng gagong Lee na iyon. Stop that bidding," at nakita kong inis na pinatay nito ang telepono at ibinulsa. Dire - diretso ito sa sekretarya niya. Hindi nga ako halos napansin.

"Cancel all my meetings today. I need to fix something," sabi nito at tumalikod na.

"Ah, sir. Ms. Katrina Domingo is here. It is her first day today as an encoder for your group," sabi ni Ms. Freda.

Tiningnan lang ako ni Lester Samson. "Get inside my office," sabi niya at nauna ng pumasok doon.

Shet. Parang ngayon pa lang ayoko ng pumasok. Parang wrong timing yata ang first day of work ko.

"Go Ms. Domingo," sabi ni Ms. Freda.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako tuluyang pumasok. Naabutan ko si Lester Samson na nakatayo sa isang sulok at uminom ng kung ano tapos ay humarap sa akin. Nakita kong bote ng alak ang binitiwan niya.  Matindi rin ang isang ito.  Ang aga mag - inom.  Sa pagkakataong ito, maaliwalas na ng konti ang mukha niya. Parang kumalma na.

"Sit down. Katrina Domingo, right?" Paniniguro niya. Itinuro niyang maupo ako sa upuan malapit sa mesa niya.

"Opo sir," sagot ko at naupo ako itinuro niyang upuan.

"I am so sorry about that. So this is your first day?" Tanong pa niya.

Tumango lang ako.

"I expect you know some basic computers. If you have some questions - "

Hindi niya naituloy ang sinasabi niya at pareho kaming napatingin sa pinto dahil biglang bumukas iyon. Galit na galit ang itsura ni Lee Samson kasunod nito si Miss Freda na pumipigil dito.

"Why did you stop the bidding for the cement?! Who gave you the right to do that?!" Galit na sigaw ni Lee Samson at sumugod sa kapatid niya. Napatayo ako at lumayo ako sa kanila kasi tingin ko talagang magsusuntukan ang dalawang ito.

"You asshole! Anong alam mo sa kumpanya ko?!" Galit na sigaw din ni Lester.

"Gago ka! Kumpanya mo?! As far as I know si daddy pa rin ang may - ari ng kumpanyang ito! Huwag kang baliw!" Sigaw ni Lee at sinugod nito si Lester para suntukin pero mabilis na nakaiwas si Lester.

Tingin ko ay talagang magpapatayan ang dalawang ito kaya gumitna ako sa kanila.

"Sandali! Sandali! Tumigil kayong dalawa!" Sigaw ko.

Parang noon lang ako napansin ni Lee at parang nagulat pa siya na makita ako doon. Mabuti na lang at huminto naman ang dalawa sa pagbabangayan nila habang nakagitna ako.

"Puwede ba, bago kayo magpatayan na dalawa, ayusin 'nyo muna ang kumpanya 'nyo? Hindi ba kayo puwedeng mag - usap ng maayos? Hindi na kayo nahiya sa mga tao 'nyo! Para kayong mga batang nag - aagawan sa kendi!" Sabi ko.

Parang dalawang batang napagalitan ang itsura ni Lee at Lester. Napatingin ako sa pinto at nakita kong ilang mga empleyado na ang nakasilip doon. Mabuti na lang at mabilis si Miss Freda na pinaalis ang mga iyon at isinara ang pinto ng opisina.

Kitang - kita ko ang pagpipigil ng galit ni Lee habang nakatingin sa akin tapos ay sa kapatid niya.

"Wala akong pakielam sa problema 'nyo. Pero puwede ba, umakto naman kayo ng maayos. Puwede 'nyo naman pag - usapan ng matino ito," sabi ko pa.

"Who do you think you are to tell that to me?" Narinig kong sabi ni Lee sa akin.

"Wala. Wala nga akong karapatan dito pero muntik na akong atakihin sa puso dahil sa pag - aaway 'nyo. Kung ganitong kagulo lang din naman sa kumpanyang ito, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. Mas gugustuhin ko pang manyakin gabi - gabi ng mga lalaki sa bar kesa mamatay ng maaga dito," sabi ko at tumayo na ako para lumabas.

"Miss Domingo sit down!" Malakas na sabi ng kung sino. Parang boses yata ni Lester Samson iyon.

Inis akong tumingin sa kanila at naupo ako ulit.

"Tigilan mo ang panggugulo sa trabaho ko. I am here because dad asked me to be here. Kung hindi lang sa kanya, hinding - hindi ako tutuntong dito lalo na para makita. You tested my patience, Lester. May hangganan din ang pasensiya ko," sabi ni Lee Samson at tinalikuran na kami. Dire - diretso siyang lumabas. Napa - ngiwi pa ako ng malakas na ibalibag ni Lee ang pinto.

Napahinga ako ng malalim. Ano ba naman ito? Ang inaasahan kong matinong trabaho, mukhang first day pa lang matatanggal na agad ako.

"Sir, kung tatanggalin 'nyo na ako ngayon dahil sa pakikielam ko, okay lang ho. Naiintindihan ko. Wala akong karapatan na makielam sa away 'nyo," sabi ko kay Lester Samson.

Huminga ng malalim si Lester at inayos nito ang nagusot na polo at kurbata.

"I apologize for that, Miss Domingo. My brother and I," at napailing pa ito. "We don't get along well. I won't fire you. Why would I fire you? You just did what you think is right," sabi pa nito.

"Hindi 'nyo ako tatanggalin?" Paniniguro ko.

Ngumiti sa akin si Lester. "No. You have your job, Miss Domingo. You can go to Freda and ask for your cubicle. Again, I am so sorry for what happened."

Tumayo na ako at umalis doon. Baka bumalik na naman ang Lee na iyon at mag - away na naman ang dalawang ito. Ayoko ng maipit sa gulo nilang dalawa.

----------------->>>>>

Lee's POV

I am shaking in anger. I worked hard for that bidding. I even asked dad if my decision is correct. I found out that one of our cement suppliers are using substandard materials that is why I decided to terminate all our cement suppliers and find new ones. Kaya nga ako nagpa - bidding. At ang magaling kong kapatid, pinahinto naman without even informing me. Napahiya ako sa lahat ng na - invite na suppliers.

He tested my fucking patience kaya talagang sinugod ko na siya. This is what I hate. Ayokong sumasabog ang galit ko kasi talagang nakakagawa ako ng hindi maganda. Hangga't kaya kong magpasensiya, iyon ang gagawin ko. But this is too much. I know I said I don't have any plans on staying in this company but I am just doing this for my dad.

Inis akong naupo sa swivel chair ko. Shit. Siguradong usapan na naman kami sa buong opisina. And I don't care.

Napahinga ako ng malalim at naalala ko si Katrina. What is she doing inside my brother's office? Naalala ko. Dito na nga pala siya magta - trabaho. Kahit papaano, thankful ako at nagkataon na naroon siya. Tinulungan niya akong kumalma. Kasi tingin ko sa kanya kanina, si Louraine na sinasaway ako.

Bumuga ako ng hangin at nagbukas ako ng isang bintana sa opisina ko. Nagsindi ako ng sigarilyo. Kailangan ko pang kumalma ng husto. I'll talk to Lester later. We need to work together kung gusto niyang hindi bumagsak ang kumpanyang inaangkin niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top