Father and daughter

Kating's POV

     Naroon na sa loob ng conference si Mr. Alba ng dumating kami ni Sir Lee sa office ng LES construction.  Nakita kong napasimangot ang mukha ni Mr. Alba ng makitang kasama ako ni Sir Lee.

     "Lester.  What is this?  Bakit kailangan na kasama pa ang walanghiyang lalaki na iyan dito?  I want to talk to my daughter," galit na sabi ni Mr. Alba.

     Nakita kong masamang tiningnan ni Sir Les ang kapatid niya.

    "Ako ang may gusto na kasama siya dito.  Asawa niya ang sinasabi mong kapatid ko.  Siguro karapatan niya na nandito siya," ako na ang sumagot noon.

     Alam kong naguluhan si Sir Les sa sinabi ko.

    "Anong asawa?  What the hell is this?" Naguguluhang tanong niya.

    "Hindi mo alam?  Si Sir Lee ang asawa ng namatay na anak ni Mr. Alba," sabi ko.

    Napailing si Sir Lee.  "This is fucking nonsense.  I can't stay here," sabi niya at tinungo ang pinto pero mabilis ko siyang hinabol.

    "Sir.  Please.  Huwag mo naman akong iwan dito.  Hindi ko siya kilala," nagmamakaawa ako sa kanya.

    "He is your father, Katrina.  You'll be fine here," sabi niya sa akin at iniwan na ako doon.

     Parang gusto kong umiyak.  Hindi ko ito kayang mag - isa.

     "Sit down, Katrina." Utos ni Sir Les sa akin.

    Kahit masama ang loob ko ay ginawa ko ang sinabi niya.

    "Kamusta ka?  Mukha kang puyat.  Kumain ka na ba?" Punong - puno ng pag - aalala ang boses ni Mr. Alba.

     Hindi ako sumagot at tumingin lang ako kay Sir Les.  Nahuli ko siyang nakatitig sa akin pero mabilis din siyang nag - iba ng tingin.

     "Iha, kamusta na si Gildo?  May kailangan pa ba siyang gamot?  May kailangan pa bang bayaran sa ospital?" Tanong pa ni Mr. Alba.

     "Ano hong kailangan 'nyo sa akin?" Balik - tanong ko sa kanya.

      Parang gustong umiyak ang itsura ni Mr. Alba.

     "We lost Louraine.  Sa totoo lang, kahit sa panaginip hindi ko akalain na posibleng mangyari ang ganito.  I haven't seen my wife happy after your sister died.  But when your mom saw you, ang saya - saya niya.  Kahit na nga ipinagtabuyan mo kami sa ospital," sabi niya sa akin.

     Hindi ako sumagot.

     "Hindi namin alam kung anong nangyari sa iyo.  Hindi namin alam na may kapatid pa si Louraine.  Kaya namin inampon si Eunice ay para magkaroon siya ng kapatid.  Pero nandito ka.  Totoong anak namin," nangingilid ang luha ni Mr. Alba.

     "Katrina, I'll do everything you ask me just let me be your father.  Mahal na mahal namin si Louraine and we will give you that same love that you truly deserve," tuluyan ng nahulog ang mga luha ni Mr. Alba.

     Parang kinurot naman ang puso ko sa sinabing iyon ni Mr. Alba.  Katulad ni Sir Lee, parang ang lungkot - lungkot din niya.

     "I'll let the two of you talk.  Just call me when you're done," paalam ni Sir Les at lumabas na ito.  Iniwan kami doon ni Mr. Alba.

     "Sa totoo lang.  Nagagalit ako kay Gildo.  Kasi ninakaw ka niya sa amin.  Hindi ka niya ibinalik.  We lost that twenty seven years to be with you.  Pero sabi nga ng mommy mo, ang mahalaga nandito ka.  Nakita ka namin.  At babawi kami sa iyo," sabi ni Mr. Alba ng makaalis si Sir Les.

     Napahinga ako ng malalim.

     "Gusto kong gumaling ang tatay ko," iyon ang sagot ko sa kanya.  Kung aangkinin lang din naman nila ako at kukuhanin kay Tatay Gildo, mas mabuting gamitin ko na ang pera nila para gumaling ang taong nag - alaga sa akin mula ng ipinanganak ako.

     "We will do everything para gumaling si Gildo.  We will transfer him to the best hospital and we will get the best doctors for him," sabi ni Mr. Alba.

     "Gusto kong makatapos mag - aral," sabi ko pa sa kanya.

     Nakikita kong lumiliwanag ang mukha ni Mr. Alba sa mga sinasabi ko.  Mga kundisyon ko na kasi  iyon para pumayag akong maging anak niya.

    "Where do you want to study?  Kahit saan mo gusto."

     "Payagan 'nyo si Sir Lee na dalawin ang anak 'nyo sa libingan niya.  Tanggapin 'nyo siya bilang manugang 'nyo," diretso kong sabi sa kanya.

     Nawala ang ngiti sa labi ni Mr. Alba.

     "Iyan lang ang mga hiling ko bago ako sumama sa inyo at ipakilala 'nyong anak 'nyo," sabi ko sa kanya.

     "Katrina, I can give whatever you want.  But if this is about that man who killed my daughter, your sister, I think I can't -"

     "Wala na ho tayong pinag - usapan.  Uuwi na ako," sabi ko at tumayo na.

     "Wait.  Fine.  I'll try my best to be nice to him," tonong napipilitan si Mr. Alba.

     Muli akong naupo.

     Napahinga ng malalim si Mr. Alba at ngumiti sa akin.  "Puwede ba akong lumapit sa iyo?  Puwede ba kitang hawakan?  Yakapin?"

     Tumango lang ako.  Lumapit sa akin si Mr. Alba at niyakap niya ako ng mahigpit.  Naramdaman kong umaalog ang katawan niya.  Umiiyak siya.  Humahagulgol habang yakap niya ako.

     "Thank you.  Thank you, anak." Sabi niya habang umiiyak.

     Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.  Hindi ko kilala ang taong ito pero sa totoo lang, parang gumaan ang pakiramdam ko ng yakapin niya ako.

————-—————

Lee's POV

      I went straight to my office and sat on my office chair.  Parang ang bigat ng ulo ko.  Thinking about what is happening with Katrina after meeting her father is really giving me a headache.  What will happen after this?  For sure, Mr. Alba will tell Katrina to stay away from me. 

     I took a deep breath.  I miss Louraine so much and seeing Katrina is helping me cope that loneliness.  Seeing her, looking at her makes my day complete.  At ayokong makasanayan iyon.  Ayokong masanay na lagi kong nakikita si Katrina kasi baka hindi ko mapigil ang sarili ko at hindi na ako humiwalay sa kanya.

     Ano daw?  'Tang ina.  Ano na naman itong naiisip ko?  I am just missing Louraine kaya kung ano - ano ang pumapasok sa utak ko. 

     I received a text from Kyle.  Pinapapunta ako sa bar ni Vlad.  Kailangan daw ng band meeting.  For sure, pag uusapan lang namin ang tungkol kay Lars.

     Napatingin ako sa pinto at nakita kong si Lester ang pumasok.  Dire - diretso siya at naupo sa couch ko doon.  Patingin - tingin sa paligid.

     "What do you want?" Seryosong tanong ko sa kanya.

     "You should put some colors on the wall.  Medyo malamya ang kulay.  Colorful paintings can add as an accent here in your office," sabi niya habang iniikot ang paningin sa office ko.

     "What do you want, Lester?" Alam kong bubuwisitin lang ako ng kapatid kong ito.

     Tumingin siya sa akin at tumawa.

     "So your late wife was Mr. Alba's daughter?" Naninigurong sabi ni Les.

     Hindi ko na lang siya pinansin.  Nagkunwari akong busy sa ginagawa ko.

     "And Katrina is her twin sister?  Wow, brother.  You really know how to choose a real beauty.  What did you do and you made Louraine marry you?"

     Tiningnan ko lang ng masama si Les.  I know he is just fucking with me at ayoko ng maulit ang nangyari 'nung nakaraan na naubos ang pasensiya ko sa kanya.

     "No wonder Mr. Alba is really pissed with you.  Kahit ako.  Hindi ko ma - imagine na papatulan ka ni Louraine.  Mr.  Alba showed me her photos," sabi pa niya.

     Napailing na lang ako at tumayo na.  Walang kuwenta makipag - usap sa taong ito.

     "Are you and Katrina an item?  I mean, she really looks like your dead wife.  Do you like her?  Replacement for Louraine?"

     Gusto ko ng suntukin ang mukha ni Lester pero talagang pinigil ko ang sarili ko.

     "Kung wala kang matinong sasabihin, ako na lang ang iiwas sa iyo," iyon na lang ang nasabi ko.

      Natawa si Les sa sinabi ko.  "Why?  I am just asking.  Para alam ko kung paano ako gagalaw.  You know, I hate you but I still respect you.  So I just wanna know if you like Katrina." Tumayo din si Les.

     "No.  I don't like her," diretso kong sagot.

     Napatango - tango siya.  "Good.  At least I know wala akong masasagasaan if I ask her out.  She's pretty and she is the daughter of one of the biggest investor of my company.  Win win 'di ba?" Nakangiti pa si Lester sa akin.

     I really wanted to punch Lester in the face.  May hand is already rolled into a fist.   But I need to calm down.  I told myself, in front of Louraine's grave na hindi na ako magwawala pa sa harap Les.

     "Bahala ka," iyon na lang ang nasabi ko at iniwan ko siya.  Hindi ko na kayang magtagal doon.

     Parang echo pa rin sa tenga ko ang sinasabi ni Lester kanina.  Kahit nagda - drive ako, lumilipad naman ang utak ko sa sinabi ng kapatid ko sa akin.  He likes Katrina.  At hindi imposibleng magustuhan ni Katrina ang kapatid ko.  Lester is good looking, tall, clean.  Hindi katulad ko na parang tinadtad ng tinta ang katawan.  Kahit saang anggulo tingnan, kapag niligawan niya si Katrina, siguradong boto na sa kapatid ko ang pamilya niya.

      "Fuck," mahina kong sabi.  Pero saglit din akong napaisip.  Bakit ba ako apektado?  Ano naman sa akin kung ligawan ni Lester ang babaeng iyon?  She means nothing to me.  Kamukha lang siya ni Louraine kaya ako tumutulong sa kanya.  Period.

     Kumpleto na ang banda ng dumating ako sa bar ni Vlad.  Lars is sitting in the middle.  He looks like a mess.  Mukhang hindi pa ito umuuwi.

     "What happened?" Tanong ko at naupo ako sa tabi ni Kyle.

     "He doesn't want to go home," napapailing na sabi ni Vlad.  "Beer?" Tanong niya sa akin.

     Umiling ako.  "I want water," sagot ko.  Ilang araw na akong inom ng inom ng alak kaya magpapahinga naman ako.  Tumingin ako kay Lars.  He is just sitting and looked so pissed.

     "You need to go home, dude.  You need to talk to Maddie," sabi ko sa kanya.

     Tiningnan lang niya ako ng masama.

     "I am not going home until she tells me that she is having an affair," galit na sagot niya sa akin.

     "Jesus, Lars.  Hindi magagawa ni Maddie iyon.  It's all in your head," naiinis na si Kyle at tumingin sa akin.  "He keeps on telling that.  I know Maddie.  She cannot do that," sabi niya sa akin.

     "I know.  I can feel it. Her secret phone calls.  Her deleted messages.  I know," umiiling na sabi ni Lars.  This is the first time I saw him like this.  "And she even wants to work again.  I can provide anything she wants.  Bakit niya ipinipilit na magta - trabaho siya ulit?  Because she wants to be with that god damn man!  Makilala ko lang kung sino iyon.  Talagang mapapatay ko siya," nagtatagis ang mga ngipin ni Lars.

     "This is fucking unbelievable.  I know how Maddie loves him.  Maddie cannot do that," sabi ni Vlad.

     "Where is she?" Tanong ko kay Vlad. 

     "She is at home.  Really upset.  Lars doesn't want to talk to her.  Kanina pa nga tawag ng tawag sa kanya pero ayaw niyang kausapin," naiiling na sabi ni Vlad.

     "Ikaw is Lars 'di ba?  Lars fucking Rodriguez.  Drummer of Black Slayers.  And every women wants to get a hold of your dick," sabi ko sa kanya.  Nakita kong pinanlakihan ako ng mata ni Kyle.  Para bang sinasaway ako sa sinasabi ko.  But this idiot should learn how to deal with his marital problems.  Hindi puwedeng ganito.

     Tiningnan niya lang ako masama. 

     "If you think your wife is having an affair, then leave her.  Kung ayaw mong pakinggan ang explanation niya, leave her.  Hindi 'yung ganyan.  Nagdududa ka pero ayaw mong kausapin.  Ayaw mong i-confirm.  Putang ina.  Para kang walang bayag," inis kong sabi sa kanya. 

     "Lee, chill.  We are here para maayos ito,"
Saway ni Vlad sa akin.

     "We cannot fix this.  Only he and his wife can fix this.  But if his attitude will be like that, talagang sasama sa ibang lalaki ang asawa mo." Sabi ko kay Lars.

     "Dapat hindi ka na lang pumunta dito.  Wala ka din namang sasabihing maganda," inis na sabi ni Lars sa akin.

      "Why?  Do you think I am going to tolerate that attitude?  Man up, dude.  You are fucking married and you cannot solve your marital problems kung nandito ka.  Kausapin mo ang asawa mo at itanong mo kung ano ang totoo.  And besides, paano mo ba nasabing she's having an affair?  What is your proof?"

      Huminga siya ng malalim at sinabutan ang sariling buhok.

     "Ilang beses ko na siyang nahuhuling may kausap sa cr.  She always whispers everytime she talks then she will cut the calls kapag nakita niyang nandoon na ako.  This is been going on for a month now.  I asked who was it but she told me it was just a friend.  I don't know who are my wife's friends.  Si Ciara lang ang lagi niyang kasama.  Ang lagi niyang kausap," punong - puno ng sama ng loob ang boses ni Lars.

     "I love Maddie and Keith.  I am faithful to her.  Kaya hindi ko matanggap na ganito.  Na niloloko niya ako," tuluyan ng napaiyak si Lars.

     "Shit.  This is fucking huge.  'Tang ina.  Lars is crying?" Parang hindi makapaniwala si Vlad.

     Naaawa ako sa kaibigan ko kaya tumabi ako sa kanya. 

     "Fine.  If you want to stay here, go ahead.  I'll talk to Maddie," sabi ko.

     Tiningnan lang ako ni Lars at parang bata na pinahid nito ang mga luha.  Alam kong natutuwa siya sa sinabi kong gagawin ko.

     "Tigilan mo na 'yang emote mo.  Mukha kang bakla," natatawang sabi ko.

      "Just help me fix this.  I don't want anything to happen to my marriage." Sabi ni Lars. 

     "Nothing will happen, dude.  Kaya umayos ka na," si Kyle iyon.  "We have a gig tomorrow night sa Johnny's bar." Paalala niya sa akin.

     "I know," maikling sagot ko.

     "Practice later?  And dude, tumawag sa akin si Katya.  Miss ka na daw na," tonong nanunukso.

      "Call her later," sabi ko.  Mas mabuti nga sigurong si Katya na lang ang kinakalantari ko.  And I don't want to go back to the office.  Baka mag - init lang ang ulo ko kapag nakita kong hinaharot na ng kapatid ko si Katrina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top