Confusion
Hello. Sorry for the late UD. So busy these past few days. Hopefully maka - UD ulit tomorrow.
Happy reading everyone!
PS.
Salamat nga pala sa mga nag - add sa FB. Kahit di ako makadalas maka - online. Please bear with me, bago kasi 'yun sa akin. 'Di pa ako marunong
hehehe 😜
❤️ Herby M.
----------->>>
Lee's POV
Lakad - takbo ang ginawa ko para makalabas agad sa hotel at maabutan sila Katrina. Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag ni Dindo. Malaki na siya at kaya na niyang umuwi mag - isa. Sigurado naman ako sa dami ng babae noon, madali siyang makakakuha ng kapalit ni Katrina.
I gave my parking ticket to the valet and I kept on looking everywhere for her. The fuck! Where the hell is she? Imposible naman na makaalis agad siya. Mahirap kumuha ng taxi dito. Mabilis akong sumakay sa kotse ko ng dalhin iyon ng valet driver at pinaandar paalis doon. Tinitingnan ko ang paligid kung makikita ko pa siya. Where is she?
Madilim sa paligid ng Sofitel kaya talagang sinusuyod ko ng tingin ang paligid. Hanggang sa makita ko sila ng kaibigan niya na nakatayo sa may kanto. Naghihintay ng taxi. Huminto ako sa tapat nila.
"Get inside. I'll bring you home," sabi ko.
Napakunot ang noo ni Katrina sa akin.
"Hindi na Sir. Maghihintay na lang kami ng taxi," sagot niya at pinara ang taxi na dumaan sa harap nila pero hindi huminto.
"Kating, sumakay na tayo. Nagmamadalit tayo 'di ba? Emergency nga. Baka hindi mo na maabutan ang tatay mo," narinig kong sabi ng kaibigan niya.
Kita ko ang pag - aalala sa mukha ni Katrina pero nag - aalangan talaga siya kung sasabay siya sa akin.
"Lika na, Kating." Sabi pa ng kaibigan at nauna ng sumakay sa kotse ko. Sa likod ito umupo.
Parang wala ng magawa si Katrina kaya kahit napipilitan ay sumakay siya sa passenger seat side ng kotse.
"Saan ko kayo ihahatid?" Tanong ko sa kanya.
"Sa may Pasay, Sir. San Lorenzo Hospital," sagot niya.
Tumango - tango lang ako at itinuon ko ang pansin sa kalsada. Pero gustong - gusto kong magtanong sa kanya. Kung ano ang tungkol sa narinig kong sinasabi ng kaibigan niya na pinuntahan siya ni Mr. Alba.
"Katrina, I would like to apologize about what happened earlier," sabi ko.
Nakita kong parang naasiwa siya sa sinabi ko.
"I know Mr. Alba is going to talk to you again. He will not stop until he knows what is the reason why you look like her daughter," sabi ko pa.
"Bes, kilala ni Sir 'yung nagpapakilalang tatay mo?" Narinig kong sabat ng kaibigan niya mula sa likod.
"'Wag ka magulo," mahinang saway niya dito.
Kunwari ay hindi ko sila pinansin.
"I heard from Freda that he set a meeting tomorrow with you and Lester arranged that already," sabi ko pa.
Napahinga ng malalim si Katrina.
"Nagpunta sila sa ospital kanina. Si Mr. Alba saka 'yung asawa niya. May kasama silang isang babae din. Parang anak yata nila," mahinang sagot ni Katrina.
Mahina akong napamura. So talagang tinunton niya kung nasaan si Katrina.
"What happened?"
Umiling lang siya at hindi na sumagot. Hindi na rin ako nagtanong kasi ayoko ng dagdagan ang problema niya. Nag - drive na lang ako at tinatanong ko na lang siya kung saan ang way ang ospital ng tatay niya.
"Are you still going to pose nude sa magazine ni Dindo?" Iyon na lang ang naisip kong pag - usapan namin.
"Hindi ko alam, Sir. Pero makakatulong iyon para sa pagpapagamot ng tatay ko." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.
I looked at Katrina and she really looked tired and worried. Unlike her tough and fierce persona when I first met her. Ngayon parang punong - puno ng pag - aalala ang mukha niya.
"Why don't you ask Lester to lend you some money? He is your boss?"
Umiling siya. "Ang bago - bago ko pa lang, sir. Makakagawa naman ako ng ibang paraan."
"Bes, humingi ka ng pera dun sa nagpapakilalang tatay mo," sabat ulit ng kaibigan niya.
"Mona, tatahiin ko na 'yang bibig mo. Huwag mo na ngang isingit iyon. Hindi ko tatay 'yun. Si Tatay Gildo lang ang tatay ko," inis na sagot bi Katrina. "Pakiliko sa unang kanto, Sir."
Sinunod ko ang sinabi niya at nakita kong doon na nga ang ospital. Maliit na ospital lang iyon. Wala ngang parking space na available.
"Puwede ba akong mag - park sa gilid ng kalsada?" Tanong ko.
"Bakit?" Taka niya.
"Ihahatid kita hanggang sa loob. You might need help," sagot ko.
Hindi siya sumagot. Ipinark ko sa gilid ang kotse ko. Agad na bumaba si Katrina at sumunod ang kaibigan niya. Mabibilis ang lakad. Ganoon din ang ginawa ko ng mai-lock ko ang sasakyan. Sumunod lang ako sa kanila.
People are staring at me. I don't know if they know my face or dahil sa dami ng tattoos ko sa dalawang braso ko. Pero sanay na ako sa tingin ng mga tao kaya wala ng bearing sa akin.
"Bes, nakasunod pa rin si Sir Lee. Anong gagawin natin?" Kahit pabulong ay narinig kong sabi ng kaibigan niya.
"Pabayaan mo siya. Bilisan mong maglakad." Sabi niya. Dire - diretso kami sa second floor ng ospital. Parang gusto kong magsisi na sumama pa ako kasi naroon si Mr. Alba, si Mrs. Alba at si Eunice. Nakatayo sila sa gilid ng hallway.
"Nandito pa rin kayo?" Halatang iritado na ang boses ni Katrina ng makalapit sila ng kaibigan niya. I distanced myself from them kahit alam kong nakita na ako ni Eunice kasi kumaway siya sa akin. Parang nagtataka pa nga kung ano ang ginagawa ko doon.
"Katrina, paalis na talaga kami. Kaya lang nalaman namin na may emergency na nangyari kay Gildo kaya kami bumalik. Nasa ICU siya," sagot ni Mrs. Alba.
"Umalis na kayo," pagtataboy ni Katrina.
"Katrina, we already paid the hospital bills of Gildo. Just let me know if you still need anything," sabi naman ni Mr. Alba.
"Bakit ninyo ginawa iyon? Hindi ko kayo kilala. Bigla kayong susulpot sa buhay ko tapos manggugulo kayo?" Parang maiiyak na siya.
"But we are your real parents. Gildo told that to you. You are Louraine's twin sister. Katrina, please. We already lost her. We are not going to let you lose too," bahagyang nanginig ang boses ni Mr. Alba.
Napalunok ako sa narinig ko. Hindi ko maintindihan ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Katrina is Louraine's twin? Ayokong maniwala. This is fucking impossible.
Nakita kong napatingin sa akin si Mr. Alba at naningkit ang mata niya tapos ay mabilis akong sinugod.
"Anong ginagawa mong animal dito?!" Galit na galit na sigaw niya sa akin. Isinalya pa niya ako sa pader. Mabilis namang umawat si Mrs. Alba at Eunice.
"Rod, tama na. Ano ba? You are making a scene," awat ni Mrs. Alba.
"Ang tarantadong ito! Una si Louraine ang inagaw niya sa atin. Ngayong nandito si Katrina, gusto mo na namang agawin?" Nanlilisik ang mata niya sa sobrang galit.
Gusto ko na siyang patulan pero katulad pa rin ng dati, pinagpasensiyahan ko na lang. He is still my wife's father and I need to respect him. Saka alam ko kung saan nagmumula ang galit niya. He is projecting his anger to me dahil alam kong sa sitwasyon siya galit dahil hindi niya mapaniwala si Katrina.
"Mr. Alba!" Malakas na sigaw ni Katrina.
Pare - pareho kaming napatingin sa kanya.
"Umalis kayong lahat dito. Ayoko na kayong makita dito. Babayaran ko ang ginastos 'nyong pera para sa tatay ko. Pero utang na loob. Pabayaan 'nyo muna kami." Pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko ng makita kong tuluyang umiyak si Katrina. I remembered Louraine when she cries dahil sa hindi nila pagkakasundo ng daddy niya.
Binitiwan ako ni Mr. Alba at laglag ang balikat na tumabi kay Mrs. Alba. Malungkot lang na nakatingin sa akin si Eunice.
"Dad, come on. Lets go. Hindi tayo kailangan dito," narinig kong sabi ni Eunice.
"Please lang ho. Gusto ko kami lang ng tatay ko," mahina pang sabi ni Katrina habang humihikbi.
Tahimik na naglakad sila Mr. Alba paalis sa lugar na iyon hanggang sa hindi ko na sila makita. Inayos ko ang polo kong nagusot at ngumiti ako sa kaibigan ni Katrina na parang naaawang nakatingin sa akin.
"I'll go ahead," iyon na lang ang nasabi ko at naglakad na ako paalis doon.
"Sir Lee," boses ni Katrina iyon.
Taka akong tumingin sa kanya. Nagpapahid siya ng luha at lumapit sa akin. I don't know pero pakiramdam ko parang ang lakas - lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasi ibang - iba ang itsura niya sa harap ko. So soft, so feminine, so fragile. Just like Louraine when I first met her.
I cleared my throat kasi parang hindi ako makahinga.
"What?"
"K-kung okay lang po, puwede 'nyo bang sabihin sa akin kung sino si Louraine?" Tonong pakiusap iyon.
Hindi agad ako nakasagot. Gusto kong sabihin na ayoko. Kasi babalikan ko ang lahat and I'll miss my wife more. But looking at Katrina's face? She looks desperate. Parang gulong - gulo talaga siya sa nangyayari sa buhay niya.
"Why don't you ask her family?" Sagot ko sa kanya.
"Family ka di naman niya 'di ba? Asawa mo pa. So mas kilala mo siguro siya," sabi niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim.
"It's late already. Bukas na lang. I think your father needs you now. Take a rest. I'll tell you everything tomorrow." Sabi ko sa kanya.
"Sana maaga, Sir. Baka sakaling mabago mo ang isip ko na makipagkita sa Mr. Alba na iyon bukas," sagot niya.
Oo nga pala. Lester arranged that meeting tomorrow. My brother will do anything for Mr. Alba dahil big investor ito ng company na inaangkin niya.
Tumango ako. "I'll pick you up early tomorrow. We will go to Louraine," sabi ko at iniwan ko na siya.
Kulang na lang ay tumakbo ako paalis doon. Ayokong nakikita ang soft side ni Katrina. Kasi si Louraine iyon. And I hate whatever feeling that is creeping inside me everytime I see that side of Katrina. Because I only felt this for Louraine. Only for her. But everytime I see Katrina, that feeling is coming back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top