Choice
Hello lovely readers, bawi ako kasi Easter Sunday naman 😊 kaya mag - UD ulit ako today. Malapit - lapit na ring matapos ang story ni Lee. Magko - crossover ang story niya sa story ni Vlad. Susulpot - sulpot din siya sa story ni Lester. So magkasabay kong gagawin ang story ni Vlad and ni Lester. 😊Sana i-follow 'nyo din, ha?😘❤️
Thank you!
Herby M.❤️❤️❤️
----------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>
Lee's POV
It is past midnight already but me and Katrina are just driving around the Metro. I don't want to go home yet. Tingin ko, marami ng problema sa bahay namin at ayoko ng dumagdag pa doon.
But this, what is happening right now is bullshit. All of it is full of shit. For nine years after Louraine died, Katrina is best thing that ever happened in my life. I've never been happy until now.
Looking at Katrina, I know she is worried. I know she is tough but I can see in her eyes, on her face that she is worried. And I brought this on her. She should be happy, enjoying his new life right now. But instead, I just gave her a fucking hardtime.
"Babe, you should go back. You need to go home," sabi ko sa kanya.
We are parked somewhere in Makati. Hindi ko din naman alam kung saan kami pupunta.
Umiling lang siya tapos ay nagpahid ng luha niya.
"Ayokong umuwi," sagot niya sa akin.
"Lalo lang mag - aalala ang daddy mo. I am sorry," at napahinga ako ng malalim. "Alam kong mangyayari ito pero sumige pa din ako."
Tumingin sa akin si Katrina. "Ano ang pinagsisisihan mo? Ito? Tayo? Sabi ko sa iyo handa akong iwanan lahat. Sasama ako sa iyo kahit saan," sagot niya sa akin.
This happened before. This conversation happened before. Sa amin ni Louraine. And I messed up. I don't want to mess up again. I don't want to ruin Katrina's life. I love her and I would do everything for her welfare.
"Katrina, right now, running away is not the answer for this. Ikaw na ang nagsabi, hindi na tayo bata. So we should fix this like adults. I am going to talk to your dad and try to reason to him," at napahinga ako ng malalim. Kasi tingin ko naman hindi makikinig si Mr. Alba.
"Sa tingin mo makikinig ang tatay ko sa iyo? Lee, tatalikuran ko lahat ng kung anong meron ang pamilya ko. Sanay ako sa hirap. Kaya ko basta kasama kita," parang nakikiusap ang tono ni Katrina.
If only she knew that I wanted to run away with her. But I won't do it this time. I did it before and everything was ruined.
I reached for her hand and kissed it. "Kating, I will fix this. I promise, I'll fix this and everything will be fine. Right now, you need to go home and be with your family. Tomorrow will be another day. And I promise, tomorrow, everything is going to be alright." Sabi ko sa kanya.
"Sa tingin mo makikinig siya sa iyo? Si Mr. Alba?"
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "I'll make him listen to me. Don't worry. Ako ang bahala."
Pinahid niya ang luha niya at ikinabit ang seatbelt niya. "Pangako mo sa akin 'yan, ha? Puntahan mo ako sa office bukas. Gusto ko lahat okay na. Boyfriend kita, girlfriend mo ako." Parang batang sabi ni Katrina.
Natawa ako. "Yes. I'll be your boyfriend forever," at hinalikan ko siya. Ini - start ko ang kotse at nag - drive ako. Wala kaming kibuan ni Katrina habang binabagtas namin ang daan hanggang sa bahay nila.
Para kaming nakahinga ng maluwag pareho ng makita naming na wala pa doon ang kotse ni Mr. Alba. Ibig sabihin, hindi pa siya nakakauwi. At mas mabuti iyon. Ayoko ng magharap pa kami ulit ng ganito. Alam kong mainit siya, galit siya dahil sa nangyari. Pero puwede ko ba naman pigilan ang nararamdaman ko?
"Get inside," sabi ko sa kanya.
Alam kong parang ayaw bumaba ng kotse ni Katrina. "Sigurado ka na magiging okay bukas?"
"Yes. Stop worrying. Get inside and get some sleep. Late na," sabi ko.
"I love you, Lee." Sabi niya at humalik sa labi ko.
"I love you, too. Katrina." It felt good. Saying her name and telling her I love her.
Ngumiti siya sa akin at bumaba na. Sinenyasan ko pa siyang pumasok sa loob. Kumaway lang siya sa akin at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay nila. Nag drive ako pabalik sa company party. Marami ring problema doon. Alam kong usapan ang nangyari sa amin ni Mr. Alba pero kailangan ko ding malaman kung ano ang nangyari kay Les at sa asawa niya. Isa pa, nahihiwagaan ako dito kay Vlad at kay Lei. Parang meron akong hindi nalalaman sa dalawang iyon
Pag - park ko pa lang sa tapat ng venue ay Nakita ko na ang blue Subaru Forester na naka – park hindi kalayuan sa sasakyan ko. I know that car. It is Mr. Alba's car. Hindi pa pala siya umalis dito.
Bumaba ako at tinungo ko ang kotse niya. Nakita kong bumaba din si Mr. Alba sa kotse at hinintay akong makalapit. Inihanda ko na ang sarili ko kung susuntukin man niya ulit ako. Tatanggapin ko iyon kung iyon ang gusto niyang gawin at makakaluwag ng galit niya.
"Why?" iyon lang ang bungad na tanong niya sa akin.
Anong klaseng tanong iyon?
"Why Katrina?" ulit niya.
"I love her, Mr. Alba. I am sorry but I love your daughter." Sagot ko. Tingin ko mukhang maayos kaming makakapag – usap ngayon. Parang mas kalmado na siya hindi tulad kanina.
Umiling si Mr. Alba. "You don't love Katrina. You love Louraine. Magkamukha lang sila pero hindi sila pareho. Alam mo iyon. I know Katrina is in love with you but please, don't give her a chance that you will love her because we both know that you're not over with Louraine."
"Nagkakamali ho kayo, Mr. Alba. I am over Louraine. I loved your daughter Louraine but I moved on already. I realized there is life after her death. I mourned for too long and when Katrina came, I realized that I can love someone else." Sagot ko.
Umiling si Mr. Alba. "We just got her back and you are taking her away from us. Again. Lee, you took Louraine from us. I would do any father will do to take care of my daughter," sabi pa ni Mr. Alba.
"Hindi ko naman ho inaagaw si Katrina sa inyo," katwiran ko.
"Do you love your family, Lee?" tanong niya sa akin.
"Yes."
"Would you do anything for them?" sabi pa niya.
Saan papunta ang usapang ito?
"Yes."
"And so am I. I would do anything for the sake of my daughter," sabi niya at kinuha ang ilang mga folders at envelopes sa kotse niya at iniabot sa akin.
"What are these?" taka ko at binuklat ko ang mga iyon.
"Did Lester tell you that most of the buildings that are being built by LES Construction are funded by my company? Your brother is a good businessman, Lee. He knows how to do things even if it will cost him his happiness. I know you know that," sabi ni Mr. Alba.
Hindi ako sumagot. Binabasa ko lang ang mga papel na ibinigay niya. Contracts, merging between business at kung ano – anong kasulatan.
"Ellie's father is my business partner in the US. I know you know Ellie already. Sa dami ng nangyari ngayong gabi, alam kong alam mo na lahat. Your brother is married to Ellie. You know why? Because Lester knows that he can use Ellie to partner with my company in US. And he did. Gago lang ang kapatid mo but he is really good in business."
"Get to the point, Mr. Alba." Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya.
"If you continue this crazy shit with my daughter, I am going to get your family's company. You know I can do that. You read in the contracts. Your company is in the verge of bankruptcy. If I pull out my funds, bagsak ang negosyo ninyo. That's why your dad had his heart attack. I was the one who helped your company to get back on its feet," paliwanag niya.
"What do you want me to do?" pakiramdam ko ay pinipiga ang dibdib ko sa mga nalaman ko. At alam ko rin kung ano ang gusto niyang gawin ko.
"Leave Katrina and everything will be fine." Diretsong sabi niya.
"Sir, we love each other. Katrina loves me and I feel same," punong – puno ng pakiusap ang boses ko.
"That is all I am asking. And besides, I think she is just infatuated with you. You know you are in a band, good looking, famous. Just like what happened to Louraine. If she doesn't see you anymore, she will forget you." Mr. Alba is just like Lester. Everything is like a business deal.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. This is not a fucking infatuation. We are both in love. We are fucking too old to be infatuated. Katarantaduhan ang sinasabi nitong matandang ito.
"Think about it, Lee. Think about what will happen if you continue this bullshit. Alam kong matalino ka. Siguro kung sa ibang panahon tayo nagkakilala, malamang magustuhan kita para sa anak ko. But now, just like before, I don't want you to be part of our lives. Keep that in mind." At pagkasabi noon ay sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar ang sasakyan paalis doon.
Pakiramdam ko ay ipinako lang ako sa kinatatayuan ko. Parang umuulit sa isip ko ang mga sinabi ni Mr. Alba sa akin. Para akong robot habang naglalakad ako papasok sa venue. Maingay sa loob. Alam kong tinitingnan ako ng mga tao pero wala akong pakielam. Bakit ganoon? Bakit ang hirap? Bakit kailangan problema lahat? Talaga bang ganito ang buhay ko? Everything is complicated? Hindi na ba talaga ako sasaya?
Hinanap ko ang mga kabanda ko. I found Vlad at the back. Sino ba ang kausap niya? Is that Allie? Anong ginagawa ni Allie dito? Nakita kong tumakbo si Vlad at hinahabol si Lei na sumakay sa kotse niya. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"Hey! Where are you going?" Taka ko. Ano ba ang nangyayari? Vlad looks worried. Ang bilis ng paandar ni Lei ng kotse niya paalis doon.
"Vlad! She is just another groupie!" Sigaw ni Allie.
Mabilis naming inawat si Vlad dahil susugurin talaga niya si Allie. Galit na galit si Vlad.
"Stay the hell away from me! Matagal na tayong tapos! Yes, I was crazy about you. Was! Nagpakagago ako sa iyo! But not this time. I am over you, Allie. May mahal akong iba at si Lei iyon!" Malakas na sigaw ni Vlad.
What? Gulat akong tumingin kay Vlad.
"Vlad? Anong sabi mo?" Gusto kong makasiguro na tama ang narinig ko.
"I am sorry, Lee. But I love your sister," sabi ni Vlad at sumakay sa kotse niya para sundan si Lei.
Hindi ako nakapagsalita. Ayokong maniwala sa sinasabi ni Vlad. I know him. I know that he only love Allie. He cannot love anyone else. Paulit - ulit niyang sinasabi sa amin iyon.
Malakas at mahabang preno ang narinig namin at malakas na pagbangga ng kung ano. Nakita kong nagtatakbuhan ang mga tao papunta sa kung saan.
"Dude, something is going on. Sundan natin si Vlad," sabi ni Kyle.
Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive paalis doon. Hindi pa kami nakakalayo ay nakita ko na ang kotse ni Vlad tapos nakita ko ang kotse ni Lei. Nakabangga sa puno.
"Leila!" Sigaw ko. Hindi pa hustong nakahinto ang kotse ni Kyle ay bumaba na ako. Nakita ko si Vlad na buhat - buhat si Lei. He is crying?
"No. No. Lei!" Sumisigaw si Vlad at lumapit ako. Nanginginig ako sa takot. Ang daming dugo. Hindi na yata humihinga ang kapatid ko.
---------------------------------------->>>>>>>>>>>
Kating's POV
Maaga akong bumangon. Maaga akong papasok sa office para magkita kami ni Lee. Saka maaga rin akong aalis dito sa bahay kasi ayokong makita si Mr. Alba. Basta mamaya, kakausapin ko si Lee. Sasabihin ko sa kanya na lumayo na lang kami para wala ng kontrabida sa buhay pag – ibig namin.
Para akong tanga na napaupo sa kama ko. Bahagya ko pang sinalat – salat ang labi ko. Parang na – miss ko agad ang halik niya.
Tinext ko siya at nag – good morning ako. Pero walang reply. Baka tulog pa naisip ko. Gabi na rin kasi kami umuwi kagabi.
Tumayo ako sa kama at nagbihis. Dire – diretso ako sa sala ng marinig ko ang boses ni Mr. Alba mula sa kusina. Tinatawag ako.
Kahit naiinis ay pumunta ako doon. Naabutan ko si Mr. Alba at Mrs. Alba sa harap ng mesa. Nag – aalmusal. Wala doon si Eunice.
"Hindi ka ba magbi – breakfast, Kating?" masaya ang boses ni Mr. Alba. Parang walang nangyaring hindi maganda sa amin kagabi.
"Sa office na lang ho," sagot ko.
"Sige. Ingat sa biyahe," nakangiti pa siya ng sabihin iyon at ipinagpatuloy ang pagkain. Si Mrs. Alba ay tipid lang na ngumiti sa akin.
Napakunot ang noo ko. Parang ang weird. Anong nangyari sa matandang iyon? Kagabi lang, halos pilipitin niya ang leeg ko sa galit dahil nalaman niyang boyfriend ko si Lee. Tapos ngayon, hanggang tenga pa ang ngiti niya. Parang ang saya – saya pa niya.
Hindi ko na lang sila pinansin at sumakay ako sa GRAB car na pina – book ko. Diretso ako sa office. Past ten na rin ako dumating kasi traffic pa. Ibinaba ko muna ang gamit ko sa office ko at inayos ang ilang mga papel na naiwan sa ibabaw ng mesa ko.
"Mam Katrina, did you get the memo on your table?" narinig kong sabi ni Mich ng pumasok sa office ko.
"Ngayon ko pa lang titingnan. Ano ba itong mga ito?" wala na akong intensyong intindihin pa ito. Gusto ko ng pumunta sa office ni Lee. Miss na miss ko na siya.
"Leave of absence ni Sir Lester. He will be gone for a while. Hindi sinabi kung kelan babalik. For now Mr. Gilbert Samson, ang magti – take over sa position niya," sabi ni Mich.
Okay. Siguro aayusin ang problema tungkol sa asawa. Aba, dapat lang. Buntis pa naman ang asawa niya. Dapat lang na gawan niya iyon ng paraan.
Nagtaka ako kasi naroon pa rin si Mich sa loob ng office ko. Parang nag – aalangan siya na aalis o parang may gusto siyang sabihin sa akin.
"May sasabihin ka pa?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong seryoso ang mukha ni Mich at lumapit sa akin. "Mam, we all know that you and Sir Lee are a couple 'di ba? Last night marami ang nakakita sa nangyari sa party," sabi niya.
"Ah, iyon ba? Misunderstanding lang iyon. Huwag 'nyong intindihin," pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Mam, he resigned." Sabi ni Mich.
Napakunot ang noo ko. "Sino ang nag – resign?" Imposibleng si Lee iyon. Hindi niya iyon gagawin ng hindi niya sasabihin sa akin. Saka ano ang dahilan? Walang dahilan para mag – resign siya.
"Si Sir Lee. Walang formal resignation letter. Itinawag lang ng sekretarya niya sa akin. Alam 'nyo naman na close kami 'nun kaya nabanggit niya. Tumawag lang daw sa kanya si Sir Lee and sinabi na hindi na siya papasok and he wants to get rid of all his things in his office," tingin ko ay parang kinakabahan si Mich habang sinasabi iyon. "Saka kasi may family emergency sila. Naaksidente si Mam Lei kagabi."
Tumayo ako at kinuha ko ang telepono ko. Idinayal ko ang number ni Lee. Pero hindi siya sumasagot. Inis akong lumabas ng office ko at dumiretso ako sa office niya. Pakiramdam ko ay parang nanlambot ang tuhod ko ng makita ko ang mga kahon sa labas ng office niya.
"Nasaan si Lee?" pinilit kong huwag mapapiyok ng tanungin ko ang sekretarya niya.
"A – ah mam, nag – resign na po si Sir. Hindi na po siya papasok." Parang kinakabahan ang sekretarya niya.
"Anong nag – resign? Anong dahilan?" pinipigil ko ang pagsambulat ng galit ko.
"Hindi ko alam, mam. Basta tumawag lang po siya sa akin kanina at ibinilin na ipaligpit ang mga gamit niya. Hindi na daw siya papasok. Saka may emergency po sa family nila. Nasa ospital si Mam Lei," sabi niya sa akin.
Muli kong idinayal ang number ni Lee. Sa pagkakataong ito, cannot be reached na ang phone niya. Naka – off na.
Para yata akong hindi makahinga. Pigil na pigil ang sarili kong mapaiyak sa harap ng sekretarya niya kaya dumiretso ako sa cr at doon nagkulong. Idinayal ko ulit ang number niya. Pero ganoon din. Cannot be reached.
Tuluyan na akong napaiyak. Ano ang nangyari? Nasaan siya? Ang ayos – ayos ng usapan namin kagabi.
"Lee, sagutin mo naman ang tawag ko," umiiyak na sabi ko habang idinadayal ko ulit ang number niya. Pero ganoon pa rin. Cannot be reached. Malakas kong ibinato ang telepono ko at napasubsob ako sa mga palad ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero iisa ang nasa isip ko. Nag – resign si Lee para iwasan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top