And when you thought everything is fine...
Happy Easter everyone!
Kating's POV
Teka. Sandali! Ano ba 'to? Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito?
"Katrina, we are standing infront of the tomb of my wife. You know how much I loved her. But yet, I brought you here. Because I want her to know that I already moved on and I am ready to love someone else. I am ready to love you," seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ko maintindihan kung maiihi ba ako o nanginginig ako sa sobrang kaba. Basta hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Ano ba 'to? Joke?
"Ano bang sinasabi mo? Bumalik na tayo doon," sabi ko at tinalikuran ko na siya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"I hate it when you wore Lou's dress. You know why? Because I thought she was you. Bagay na bagay sa iyo. At hindi ko maintindihan kasi natatakot ako sa feelings na nabubuhay sa dibdib ko. Ayoko kasing maging unfair. Sa iyo. Sa sarili ko. Kay Lou. I kept on telling myself that I love her. Na siya lang. But I was wrong. I thought about it. Hundreds of times. I thought I like you because you look like her. Pero hindi, eh. I love you because you are Katrina. I love you not because you look like my dead wife. I love you because you are you and I don't want you to change to be like Lou," mahabang sabi niya.
Hindi ako makapagsalita. Totoo ba ito?
"Lee, sabog ka ba?" Hindi na ako nakatiis na hindi iyon itanong sa kanya kasi parang ang imposible ng sinasabi ng gagong 'to.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Anong sabog? Hindi ako addict." Napailing si Lee na parang naiinis. "Ano ba, Kating? I am trying to express my feelings for you and you're asking me if I am high?"
"Imposible naman kasi ang sinasabi mo. 'Nung kelan lang, halos ipagtabuyan mo ako at kulang na lang, isampal mo sa mukha ko na wala akong karapatang pumalit sa asawa mo," sagot ko sa kanya.
"Kaya nga tayo nandito ngayon," napahinga ng malalim si Lee. "Ang labo mo naman. You told me you like me. You love me. Now that I am telling you that I am also inlove with you, you don't believe me. Ano ba talaga?" Parang naiinis na siya.
"Wow, ser ha? Sa lahat ng nagtatapat ikaw ang iritable." Sagot ko at inirapan siya. "Hindi lang ako maniwala kasi nga alam ko naman kung gaano mo kamahal si Lou."
"You want proof?"
"Anong proof?"
Walang sabi - sabing hinawakan ni Lee ang batok ko at bigla akong hinalikan sa labi.
Parang huminto ang lahat sa paligid ko. Ang lambot ng labi niya! Ang tamis ng lasa. Ang sarap niyang humalik!
"I am kissing you infront of my wife," mahinang sabi niya ng bahagya lumayo ang bibig niya sa akin. "I love you, Katrina. And I want to taste your lips for rest of our lives." At muli niyang hinalikan ang labi ko.
Totoo ba talaga ito? Kasi kung panaginip ito, talagang hindi na ako gigising. Pero naisip ko, ganito kabilis lang ba ako bibigay sa lalaking ito? Binigyan ako nito ng matinding sama ng loob! Hindi naman yata puwede na konting halik lang niya at konting pakiyeme na mahal niya ako ay bibigay na ako. Malakas ko siyang itinulak at taka siyang napatingin sa akin.
"What?" Gulat na gulat na sabi niya.
"Tingin mo makukuha mo agad ako sa mga halik mo? Hindi ganoon iyon 'no? Saka magagalit ang boyfriend ko," at inirapan ko pa siya. Naku ha? Siyempre magpapakipot muna ako ng konti. Dalagang Pilipina kaya ako.
"Boyfriend? Sino namang boyfriend ang sinasabi mo?" Taka niya.
"Si Lester," walang anuman na sagot ko.
Pero pinagtawanan lang ako ni Lee. "Ano 'to? Are you trying to make me jealous? Si Lester? Hindi ka iintindihin 'non dahil mas malaki ang problema 'nun kesa sa pagiging boyfriend mo. Or unless you are willing to become his mistress."
Kumunot ang noo ko. "Mistress?"
"My brother is married. In fact her wife is pregnant with his child," sabi niya.
Hala! Iyon siguro ang babaeng kausap niya kanina. Asawa niya? Pero bakit ganoon niya tratuhin? Sobrang salbahe naman talaga ng Lester na iyon!
Nagulat pa ako ng bigla akong yakapin sa bewang ni Lee at ilapit sa kanya. Ang lapit - lapit ng mga mukha namin.
"So, what are you going to say? Can you tell me again what you said to me?"
"A - alin?" Diyos ko. Nanginginig yata ang tuhod ko.
"Tell me you love me." Sabi ni Lee.
Hihimatayin yata ako!
"T - teka. Teka lang. Talagang kailangan dito tayo sa sementeryo?" Tumingin ako sa paligid. Ang dilim - dilim tapos ang tahi - tahimik pa.
"What's wrong? At least walang istorbo sa atin," sagot niya.
"Weirdo mo. Umalis na tayo dito." Sabi ko.
Huminga ng malalim si Lee. "I just want to say my respect to my wife for the last time. I know its been long enough so maybe she would understand that I am inlove with you now."
"Sigurado ka na ba? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Kasi gusto ko talagang makasiguro sa sinasabi ni Lee. Alam ko kung gaano niya kamahal si Lou.
Hinalikan ako uli ni Lee. "I love you, Katrina. Today, tomorrow, forever."
Mahigpit akong yumakap sa kanya. Kahit hindi siya sigurado sige na lang. Susugal ako. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako ng buo katulad ng pagmamahal niya kay Lou.
———————>>>>>>
Lee's POV
Pabalik na kami sa venue. I am driving but I am not letting go of Katrina's hands. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. She is already mine. Hindi ko maintindihan ang saya ko.
I glanced at Katrina and she is sleeping while we travel. Her face is lit up now, hindi katulad nung mga nakakaraang araw na lagi siyang nakasimangot. Natawa ako ng maalala kong gusto pa niya akong pagselosin kay Lester. Sabagay kung hindi ko alam na may asawa ang gago kong kapatid, I might believe her.
Pero nawala din ang ngiti sa labi ko lalo na ng mapansin kong malapit na ulit kami sa venue. How would I explain this to Katrina's dad? Shit. Is this another battle to get the woman I love? I know how much her father hates me and if he knows about this, I am sure everything will be ruined.
I parked my car away from the crowd. Marami - rami din kasing mga tao na nakatambay doon sa parking area. Ayokong makita ng mga tao na magkasama kami ni Katrina.
"Katrina, honey. We're here," sabi ko habang ginigising ko siya.
"Saan tayo?" Parang naalimpungatan pa siya.
"At the party," sagot ko.
Napasimangot siya. "Ayoko dito. Uwi na lang tayo. Gusto ko kasama lang kita." Sabi niya.
"We need to get back here. Kanina pa tumatawag sa akin si Lei," napahinga ako ng malalim. Ang dami ko nga palang iniwang problema dito.
Napahinga ng malalim si Katrina. "Sige. Pero mauna ka na doon. Kakausapin ko muna si Mr. Alba. Nandito na rin naman siya," sabi niya.
"Para saan?" Taka ko.
"Sasabihin ko ang tungkol sa atin. Ayoko ng nagtatago tayo. Hindi na tayo bata para gawin ang ganoon."
Hindi agad ako nakapagsalita. Am I ready for this? Shit. Sigurado na ako sa mangyayari. Isusumpa lang ako ni Mr. Alba kapag nalaman ito. It happened before and I know what will happen next.
"Katrina, can we take it slow? I mean can we do this another time? I'll talk to your dad but not tonight. I love you and I will fight for you but I want to do it right this time. Ayoko ng mangyari ang nangyari noon. I don't want your relationship with your family be ruined because of me," mahabang sagot ko.
"Pero ganoon din iyon. Magalit man siya, sila, wala akong pakielam. Ikaw ang pipiliin ko," sabi niya.
I kissed Katrina on her lips. "I know and I don't want that to happen. Ako na ang bahalang kumausap sa daddy mo. I promise I'll do right this time." Pangako ko kahit hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon.
Ngumiti siya sa akin at bumaba sa kotse. Ganoon din ang ginawa ko. Nagulat ako ng tumabi siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan iyon.
"So hhww tayo, ha?" Nakangiting sabi niya.
Natawa ako. She is so cute. I never felt this happiness for a long time and napakasarap talaga ng feeling.
Parang walang pakielam si Katrina habang naglalakad kami at magkaholding hands kami. Hindi naman kami pansin ng mga tao kasi busy sila sa pag - eenjoy sa event. My plan is to leave Katrina with her friend for the meantime then I'll talk to dad and Lei para malaman ko kung anong nangyari kay Lester. Papunta kami sa bar area ni Katrina na masalubong namin si Mr. Alba.
Mabilis kong binitiwan ang kamay ni Katrina pero pinigilan niya iyon. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Where have you been, Kating?" Seryosong tanong ni Mr. Alba. Papalit - palit ang tingin niya sa aming dalawa tapos ay sa mga kamay namin.
"May pinuntahan lang ho kami," sagot niya.
Alam kong nagpipigil lang ng galit si Mr. Alba. "What is this, Katrina? Why are you with this man?"
Tumingin sa akin si Katrina at umiling ako. Ayokong sabihin niya ang tungkol sa amin.
"Siya ho ang boyfriend ko," walang gatol
Na sabi niya sa tatay niya.
Shit! Fuck! She said it!
Nakita kong namula yata ang mukha ni Mr. Alba sa narinig niya.
"God damn you!" Malakas na sabi ni Mr. Alba at malakas akong sinuntok sa mukha.
Hindi ako handa doon kaya bagsak ako sa lapag. Nagkagulo ang mga tao. Nakita ko ang mga kabanda ko na naroon at inalalayan ako. Si Kyle ang nakita kong umaawat kay Mr. Alba.
"Damn you! Damn you! Kinuha mo na ang isang anak ko, pati ba naman si Katrina kukunin mo pa rin?!" Galit na galit na sigaw ni Mr. Alba.
Inalalayan ako ni Katrina at nila Vlad na makatayo. Ang sakit ng panga ko. Lakas sumuntok ni Mr. Alba.
"Mr. Alba, I love her." Iyon na lang ang nasabi ko.
"You love her? No! Sa iyo na nga nanggaling na hindi mo kayang palitan si Louraine. Tapos sasabihin mo sa akin na mahal mo si Katrina? Why? Dahil magkamukha sila? Huwag mong lokohin ang sarili mo, Lee. Hindi mo mahal si Katrina. You are just using her to pretend that you are with Louraine." Sabi niya.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin na sa amin ang mga tao.
"Can we talk in private, sir?" Malumanay kong sabi kay Mr. Alba.
"No! I am not going to allow you to get near to my daughter. You stay away from her! You already took Louraine. I am not going to allow you to take Katrina!" Galit na galit si Mr. Alba. Inaalalayan na rin ito ng mga assistant niya.
"Am I not worthy for your daughter? Is it because of how I look? Is it because of these fucking tattoos on my body? Because I play in a band?" Napailing ako. I hate this. Sanay na ako sa mapanghusgang tingin ng mga tao but I cannot let this pass. "I loved Louraine. And I love Katrina. I know you know that I am good person." Napahinga ako ng malalim. I looked at Katrina and I saw her crying.
"Yes! You are not worthy for my daughter!"
"Mr. Alba!" Malakas na sigaw Katrina.
Pare - pareho kaming napatingin sa kanya. Shit. This is getting out of hand. Nakakahiya na ito. Ayokong ako ang maging dahilan para masira ang relationship ng mag - ama na ito.
"Please Katrina, we do this somewhere else. Not here." Pakiusap ko sa kanya.
"Umalis na tayo dito. Sasama ako sa iyo kahit saan," sabi ni Katrina sa akin.
"We need to talk to your father. We need to fix this."
"Hindi iyan marunong makinig. Umalis na tayo dito," sabi niya at hinila ang kamay ko paalis doon. Hindi na niya pinakinggan ang pagtawag ni Mr. Alba.
Maybe Katrina is right. We need to get out of here. Masyado ng magulo. I thought everything will be fine, but it turned out to be the other way around.
I think history is repeating itself. This happened before. And I don't want it to happen again. I promised to myself that I'll do right this time. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi nga marunong makinig si Mr. Alba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top