9.Saved
Kating's POV
Si Clyde. Bakit nandito si Clyde? Shet. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kapag nakakaharap ko ang lalaking ito, talagang tumitiklop ako. Ang daming lalaking nanliligaw sa akin pero sa kanya ako na - inlove ng husto. Hindi ko maintindihan. Iba ang epekto niya sa akin. Nawawala ang katarayan ko kapag kasama ko siya. Pero iniwan niya ako. Kasi hindi ako mayaman at hindi ko kayang ibigay ang bagay na gusto niya.
Huli na para umiwas ako. Nakita na niya ako. Alam naman ni Clyde kung gaano ko siya kagusto kaya siguro mayabang siya na kaya pa rin niya akong makuha ngayon. Pero hindi na ako katulad noon. Oo at gusto ko siya pero hindi naman ako ganun' katanga na magpauto sa kanya. Ipinagpalit nga niya ako sa Judith na ito. Diyosko naman. Bakit naman sama - sama sila? Nandito pa si Judith! Ang bruhang babaeng ito na syota nitong si Clyde ngayon.
Diyos ko po naman. Utang na loob! Kainin na ako lupa. Tamaan na ako ng kidlat. Anurin na ako ng baha makaalis lang ako dito. Lord! Tulong po!
"Beer please."
Napatingin ako sa lalaking lumapit sa amin. Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito? Bakit nandito ang lalaking puro tattoo na ito? Pero kakaiba ang itsura niya kumpara ng makita ko siya sa opisina. Hindi na siya naka - amerikana. Naka pantalong sira - sira at puting t-shirt lang siya na v-neck. Naka - pony tail ang mahaba niyang buhok. Litaw ang mga tattoos niya sa magkabilang braso at kita kong kahit sa dibdib pataas sa leeg ay meron ding tattoos.
"Oh my god! Lee?!" Napairap ako kasi sobrang arte ni Judith at talagang nagpapansin na siya sa lalaking puro tattoos. Tinalikuran na nga niya si Clyde. Pati ang kasama niyang babae ay ganoon din.
"Your band is playing tonight?" Malandi pang tanong ni Judith. Leche talaga ang babaeng ito. Nandito na si Clyde, nilalandi pa niya ang lalaking puro tattoos! Gusto ko na siyang sabunutan.
"I am just killing time and waiting for my girl," narinig kong sagot ni Mr. Lee Samson at patuloy lang sa pag - inom ng beer. Sino naman kaya dito ang girl na sinasabi niya? Tatatlo lang kaming babae dito. 'Yung kasama kaya ni Judith ang sinasabi niya?
"Girl? Girlfriend? Sino ang girlfriend mo? Single pa kayo ni Vlad 'di ba?" Parang hindi makapaniwala si Judith.
Nakita kong ngumiti si Mr. Samson. Kahit naman maraming burda ang katawan nito, guwapo pa rin kahit ngingiti lang. Pantay - pantay ang puting ngipin. Mapupula ang mga labi kahit alam kong laging naninigarilyo ito.
"Sorry girls. I am taken already by this lovely lady," narinig kong sabi niya at lumapit sa akin.
Teka. Teka nga. Anong nangyayari? Pumulupot ang kamay at braso niya sa bewang ko. Kakalas sana ako pero mahigpit talaga niya akong hinapit palapit sa kanya. Ayaw niya akong bitiwan.
"She's your girlfriend?" Kitang kong gulat na gulat si Judith. Talagang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.
Magpo - protesta na lang ako ng unahan akong magsalita ni Mr. Samson.
"My one and only," at hindi na ako nakagalaw ng bigla niya akong halikan sa labi.
Gusto kong magwala dahil sa kapangahasan ng lalaking ito. Hinahalikan ako ng demonyong ito! Pero grabe ang lambot ng bibig niya. Ang sarap niyang humalik! Parang sanay na sanay siyang paglaruan ang mga labi ko. Pakiramdam ko nga ay nanlambot ang mga tuhod ko kasi para talaga akong nawalan ng lakas sa sarap ng halik niya. Pero naalala ko si Clyde. Hinahalikan niya ako sa harap ni Clyde kaya mabilis ko siyang itinulak.
"You'll thank me for this," narinig kong mahinang sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Let's go," at pahila niya akong inalis doon.
Naririnig kong tinatawag ako ni Clyde pero mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Mr. Samson. Ayaw niya akong bitiwan habang naglalakad kami.
"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Inis na sabi ko sa kanya. Nagpipilit talaga akong kumawala sa kanya pero hindi niya iyon binibitawan. Pumasok kami sa isang pinto at umakyat kami paitaas. Isang pinto ulit ang pinasukan namin at naabutan ko doon ang isang lalaking nakahiga sa couch. Parang nagulat pa nga ito ng makita kaming biglang pumasok. Doon niya lang binitiwan ang kamay ko.
"Lee, what is this?" Kita ko ang pagtataka sa mukha ng lalaking naroon.
"Just give us a minute, Vlad." Sagot ni Mr. Samson sa lalaki. Vlad. So isa ito sa mga kabanda niya? Aba. Guwapo rin. Parang mas guwapo ito, ah. Kasi parang konti lang ang tattoos.
Nakita kong napatawa ang lalaki at napailing.
"Husband and wife quarrel. I never saw you fight with your wife," tumatawang sabi nito. Anong husband and wife ang sinasabi ng siraulong 'to?
"A minute Vlad," seryosong sabi ni Mr. Samson.
"Fine. Fine," tumatawang sabi ng lalaki at lumabas na ito at iniwan kami.
"Anong problema mo?! Bakit mo ako hinalikan?!" Galit na sabi ko sa kanya.
"I just saved you from your embarrassment down there," sagot niya sa akin.
"Anong saved me? Hinalikan mo ako sa harap ng boyfriend ko! At sasabihin mo pang girlfriend mo ako!" Galit ko pang sigaw sa kanya.
Natawa si Mr. Samson sa sinabi ko.
"Boyfriend? That asshole?" Naiiling na sabi niya. "I can't believe you. I have known you to be fierce. Tough. Wala ka ngang inuurungan 'di ba? But in front of that fuck boy? You should have seen yourself. Nakakatawa ka," sabi pa niya at nagbukas ng ref at kumuha ng isang bote ng mineral water. "And if didn't kiss you, lalo kang pagtatawanan ng mga iyon. I just saved you."
Hindi ako sumagot at inirapan ko lang siya.
"They were talking about you. How he dumped you. Saka anong nakita mo sa lalaking iyon? Sex lang ang habol 'nun sa 'yo," sabi pa niya. "And look at yourself. May trabaho ka na 'di ba? Natanggap ka na sa kumpanya namin. Why do you need to work like this tonight? Minamanyak ka na ng mga lalaki sa baba."
"Wala ka ng pakielam 'dun Mr. Samson. Saka bakit ba nakikielam ka?"
Napailing siya na parang hindi mapaniwalaan ang sinasabi ko.
Pareho kaming napatingin sa pinto ng biglang bumukas iyon. Dalawang lalaki ang pumasok at katulad din niya, guwapo din ang mga ito. Kailangan bang napapaligiran ako ng mga lalaking guwapo?
"What the fuck? What is she doing here?" Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ng isang lalaki at nakatingin sa akin.
"Just give us a minute, Lars. Hindi ba kayo sinabihan ni Vlad?" Dama ko ang iritasyon sa boses ni Mr. Samson.
"Well, he told us. We just need to see it ourselves. Shit, Lee. You are really like arguing with your wife. It's kinda creepy," natatawang sabi ng isa pa.
"Fuck you, Kyle. Leave us alone please," sagot ni Mr. Samson.
Ang weird, ha? Bakit ba kanina pa sinasabi ng mga ito ang tungkol sa wife ni Mr. Samson? Lecheng 'to may asawa na pala ginugulo pa ako.
"Come on, Lars. Lets give this couple their privacy," tumatawang sabi ni Kyle. "Lee, thirty minutes. We'll be playing in thirty minutes."
"Fine. Fine. Get the hell out of here," iritadong sabi nito at patulak na pinaalis ang dalawang lalaki.
"Paalisin mo na ako dito at kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko," sabi ko sa kanya.
"How much is your pay for tonight?" Tanong niya sa akin.
"Wala ka ng pakialam doon. Paalisin mo na ako dito. At sa susunod, puwede ba huwag kang pakielamero." Iritang - irita talaga ako sa kanya
Naiiling lang siya at napahinga ng malalim.
"Can you please change your clothes?" Sa pagkakataong ito ay malumanay na ang pagsasalita niya.
"Ano bang pakielam mo? Nagta - trabaho ako. Baliw ka ba?" Kung may toyo man ang lalaking ito, sayang talaga. Sayang ang kaguwapuhan.
"Fine. You can go if you really want," mahinang sabi niya at naupo sa couch na inuupuan ko.
Inirapan ko lang siya at padabog ko siyang iniwan doon. Mabilis akong bumaba at agad kong tiningnan ang bar area. Para akong nanghinayang kasi wala na doon sila Clyde. Pati si Judith ay wala na din. Pakiramdam ko ay may kumurot sa dibdib ko. Sigurado akong magkasama na silang dalawa.
"Kating. Bakit hindi ka pa nagbibihis?"
Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko at nakita ko si Nilo doon.
"Hanggang alas dose pa dito 'di ba? Hindi pa nga ako nakakadami sa pamimigay ng mga samples," sagot ko.
"Hindi na. Ito na ang suweldo mo. Magbihis ka na. Puwede ka ng umuwi," at iniabot niya ang limang tig - iisang libo sa akin.
"Anong umuwi? Saka bakit sobra 'to?" Taka ko.
"Sige na nga. Okay na 'yan. Dinagdagan ko talaga kasi nabanggit ni Mona na natanggap na pala kayo sa trabaho. Kailangan mo ng pambili ng mga damit pang - opisina. Umuwi ka na hangga't maaga pa. Alas nuebe pa lang 'o? Mag - taxi ka ha?" Sabi pa nito.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga kasamahan kong busy sa pamimigay ng samples. Ang iba nga sa kanila may mga kausap na mga customers.
"Bihis na Kating at baka mapagalitan pa ako at ma - ban ako dito." Sabi pa ni Nilo.
"Bakit? Anong ma - ban?" Ano ba ang sinasabi ng baklang ito.
"Wala nga. Sige na. Umuwi ka na," at tinalikuran na niya ako.
Weirdo nitong baklang ito. Pero ayos na din. Hindi na ako gagabihin, lumaki pa ang kita ko.
--------------------
Lee's POV
Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Katrina. Her handler is talking to her and sending her home. Just like what I instructed him to do. Dahil kung hindi niya iyon gagawin, talagang kakausapin ko si Vlad na i-ban sila dito. I don't want to see Katrina wearing those kinds of clothes. I don't want to see other men looking at her like that. Putang ina. Ano ba itong nangyayari sa akin? I am a fucking possessive pero kay Louraine lang. Ayokong - ayokong makikitang may tumitingin man lang kay Louraine noon. But right now, talagang nabubuhay ang damdaming iyon because I can see my wife in her. Tingin ko si Louraine ang pinagpipiyestahan ng mga lalaki dito.
In just a matter of minutes ay nakita ko ng nakasuot ng jeans at t-shirt si Katrina. Better. At nagpaalam na siya sa mga kasama niya at tuloy - tuloy ng lumabas.
"Sino naman tinatanaw mo diyan? We'll be playing in a bit," alam kong si Vlad ang nagsalita sa likod ko.
Hindi ako kumibo at tiningnan ko lang ang papalabas na si Katrina.
"She really looks like Louraine, man. Parang hindi ako makapaniwala kanina. Parang kayo talaga ni Louraine ang nag - aaway kanina," sabi pa niya.
"I don't know, Vlad. This is fucking insane. She is not Louraine pero naiinis ako kapag may kumakausap na lalaki sa kanya. Putang ina, nagseselos ako. Shit!" Hindi na ako nakatiis na hindi sabihin iyon dahil iyon talaga ang nararamdaman ko.
"You like her?" Paniniguro ni Vlad.
"No!" Sagot ko.
"Bakit nagseselos ka?"
"Fucking I don't know," hindi ko talaga alam kung bakit.
Lumapit sa akin si Vlad at umakbay sa akin.
"Dude, she just looks like your wife. But she is not your wife. Louraine is dead. Why don't you try to talk to her family about this? So you will know what is the mystery behind why she and Louraine really look exactly the same. Maybe you feel that way because you are just missing her," mahabang litanya ni Vlad.
"'Tang ina mo. Naglitanya ka na naman," tumatawang sabi ko sa kanya.
"Napa - praning ka kasi," sagot niya. "Nandiyan si Katya sa baba. Hinahanap ka."
Thank god. I need a diversion and I know Katya can give me that. Napa - praning nga lang siguro talaga ako. I need to let that woman out of my system. I need to put in my head that she is not Louraine ans she can never be Louraine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top