7.Hired

Kating's POV

    Alam kong para na akong tanga dahil kanina pa hindi mawala ang ngiti sa bibig ko.  Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na mayroon na akong maayos na trabaho.  Natanggap akong encoder sa LES Construction Company.  At hindi reliever lang.  Three months probationary at kapag nagustuhan ang performance ko, puwede akong ma - regular.

     "Kating, anong nangyari sa interview mo?" Tanong ni Mona habang sabay kaming palabas ng building.

     Ngumiti ako sa kanya.  "Natanggap ako." At bahagya pa akong napatili.  Nakita kong nanlaki ang mata ni Mona sa akin.

     "Ay!  Yehey!  Pareho tayo!  Ako din!  Sino boss mo?" Excited na tanong niya.

     "'Yung Lester Samson." Sagot ko.  "Akala ko nga hindi na ako tanggap kasi na - interview na ako 'nung lalaking maraming tattoo." At napairap pa ako.  "Nagtataka nga ako bakit nandoon siya?  'Di ba nagbabanda 'yun?" Parang hindi pa rin ako maniwala na nagtatrabaho doon ang lalaking iyon.

     "Sino?  Si Mr. Lee Samson?  Ay girl, siya ang boss ko." Sagot ni Mona.

     Napailing ako sa kanya.  "Nako.  Goodluck.  Mukhang mahihirapan ka sa lalaking iyon.  Ang daming problema sa buhay.  Pati ang palda ko pinakealaman," naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ang interview niya sa akin kanina.

     "Mukha naman siyang mabait sa akin.  Actually, tatlo kaming sabay - sabay na na - interview.  Lahat kami natanggap.  Wala ngang masyadong tinanong," sabi ni Mona.  "Pero alam mo, guwapo 'yun si Sir Lee.  Kahit parang puro burda ang katawan niya, ay ibang level ang kaguwapuhan.  Mabait pa," parang kinilig pa si Mona ng sabihin iyon.

     Napaikot ang mata ko.  "Mas mabait si Sir Les." Tanging sabi ko.  Kasi naniwala siya sa kakayahan ko.   "Kelan ka mag - start?  Ako sa Wednesday." Sabi ko.

     "Wednesday din.  Sabay na tayong papasok.  Saka kailangan natin ng matitinong damit.  Bumili tayo sa ukay mamaya," sabi niya.

     Oo nga.  Kailangan ko ng mga damit.  Hindi naman ako puwedeng pumasok na ganito kaikli ang mga palda ko.  Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga tingin ng mga lalaki sa akin.

     "Kating, tumawag na naman sa akin si Nilo.  Baka gusto mo daw talagang mag pose uli sa magazine," sabi ni Mona.

     "Ayoko na nga.  Ayoko na 'nun.  Ibubuyangyang ko na naman ang katawan ko sa madla." Sagot ko.

    "Fifty thousand na daw ang offer," tumataas - taas pa ang kilay ni Mona.

    Hindi agad ako nakasagot.  Fifty thousand.  Malaki - laking pera iyon.  Kahit kumuha ng porsiyento niya si Nilo, malaki pa rin ang mapupunta sa akin kung sakaling tanggapin ko.

     "Saka hindi ka naman daw totally nakahubad. Artistic shot naman daw ang gagawin," sabi pa ng kaibigan ko.

     "Ano lang?  Nakalabas lang ang boobs ko?  Ganun?"

     "Tanungin mo na lang si Nilo.  Ang kulit talaga kasi, eh.  Ikaw daw kasi talaga ang request ng publisher kasi marami daw ang tumatawag para tanungin kung sino ka," sabi pa niya.

     Malaking pera ang fifty thousand.  Kaya lang, magkakalat na naman sa madla ang hubad kong katawan. 

     "Puwede kaya kung nakatakip ang mukha ko?" Tanong ko.

     "Kausapin mo nga si Nilo.  Saka nga pala, kung wala kang gagawin mamayang gabi, may gig siyang binibigay sa akin.  Kaya lang may lakad na ako.  3k daw ang bigay.  Tagabigay lang ng free sample ng sigarilyo sa Roadside Trip Bar." Sabi ni Mona.

     "Bakit? Saan ang lakad mo mamaya?" Tanong ko.  Nakita kong sinenyasan kami ng barker sa may terminal ng UV express na sumakay na.

     Parang nahiya pa si Mona.  "Inaya akong mag - date ni Johnson." Parang kinilig pa siya.

     "Sinong Johnson?" Sino ba ang sinasabi nito?  Ang Johnson lang naman na kilala ko na sinasabi niya ay ang anak ng tv producer na nakilala namin sa isang bar 'nung isang linggo.  Nagkaroon kasi kami ng sampling doon ng isang alak naman.

      "'Yung guwapo.  'Yung anak ng tv producer," parang nahihiya pa siya.

     Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako natuwa sa nalaman ko.  Best friend ko si Mona kaya ayokong masaktan siya.  Alam ko ang karakas ng itsura ng Johnson na iyon.  Guwapo nga pero alam kong hindi gagawa ng matino.  Mga itsurang magagaling mambola.  Paasa.  Fuck boy.

    Ipinikit ko ang mata ko ng maalala ko na naman ang isang pangyayaring iyon sa buhay ko.  Bahagya pa akong umiling para mawala iyon sa isip ko.  Ayoko na iyong maalala.

    "Sigurado ka ba diyan?" Iyon na lang ang naitanong ko.

    Ngumiti ng parang kinikilig si Mona.  "Mabait naman si Johnson.  Saka alam naman niya kung ano talaga ako.  Wala siyang pakielam kahit mahirap lang ako," sabi ni Mona.

    Hindi ako nakasagot.  Ayokong sirain ang ilusyon ni Mona kaya hindi ako nagsalita.  Malaki na siya.  Alam na niya kung mali ang gagawin niya o tama.

    "Ano?  Sasabihin ko kay Nilo ikaw na lang mamaya, ha?  Nandoon naman si Kara kaya may kakilala ka din.  Saka kayang - kaya mo naman iyon.  'Yung uniform pala mamaya ibibigay ni Nilo sa bar.  Ala siyete daw ang call time 'nyo," bilin pa ni Mona.

     Tumango na lang ako at tumingin sa kaibigan ko.  Itsurang nasa cloud nine ang mukha ni Mona.  Nakikipag - text.  Napahinga na lang ako ng malalim.  Sana nga hindi siya masaktan sa Johnson na iyon.  Sana hindi mangyari sa kanya ang nangyari sa akin.

---------->>>>>

Lee's POV

    I went straight to Vlad's place pagkagaling ko sa office ni daddy.  Naipagpasalamat ko at hindi na kami nagkita pa ni Les doon at baka kung ano na naman ang mangyari sa aming dalawa.  Iiwas na lang ako hangga't kaya ko.

    Naabutan ko si Vlad na nakahilata sa sofa niya at nanonood ng tv.  Naka boxers lang si kumag at napakunot ang noo ko ng mapansin kong may mga piraso ng damit ng babae sa lapag. 

    "You're with someone?" Tanong ko sa kanya at naupo ako sa tabi niya sa sofa.  Napaangat ako ng bahagya kasi parang may naupuan ako.  Tiningnan ko iyon at kinuha.  'Tang ina, naka - balumbon na piraso ng thong panty.  Kulay red.

     "Give this to your chick," at ihinagis ko iyon kay Vlad.

    "Fuck off," natatawang sabi niya sa akin.  "Hey!  Move faster!  You need to go now!" Sigaw niya.

    Maya - maya ay may nakita akong naglalakad na babae na nakatapi lang ng tuwalya at isa - isang dinampot ang mga damit pambabae na nasa lapag. Alanganing ngumiti sa akin ang babae at parang nahihiyang dinampot nito ang red panty na nasa sofa malapit kay Vlad.

     "I'll just get dressed," alanganin ang ngiti ng babae at mabilis na umalis doon.

    "Who was that?" Tanong ko.

    Nagkibit - balikat si Vlad at inilipat ang channel ng tv.  "Nakilala ko sa bar ni Den.  Sumama, eh.  She's pretty." Sagot ni Vlad at tumingin sa akin.  "How's your hand?  Lars told me about the stunt that you did.  How's your steering wheel?  'Tang ina,  hindi na lang kasi mukha ni Les ang winasak mo."

    Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko.  "Healing already.  Don't worry, I can still play my guitar." Sagot ko.

    "Fucking idiot.  Magang - maga pa 'yan," inis na sabi niya at tumayo at tinungo ang ref.  Kumuha ito ng ice cubes at inilagay sa ziplock tapos ay ibinato sa akin.  "Put this on your hand," sabi niya.

     Nakita kong lumabas ang babae at nakabihis na.  Lumapit ito kay Vlad at humalik sa pisngi niya.  "Call me?" Sabi pa nito.

    "I'll try.  Sige na," halatang tinataboy na ni Vlad ang babae.  Naiiling na natatawa ako.

    Kumaway pa ang babae sa akin bago tuluyang umalis.

    "Sexy," komento ko habang nakatingin sa dinaanan ng babaeng umalis.

    Nagkibit lang ng balikat si Vlad at nagbato ng beer can sa akin.  "Good in bed, too."

   Natawa lang ako at binuksan ko ang beer na ibinigay niya.  "Sabay na ako sa 'yo papunta sa bar mo.  Tugtog ba tayo?" Tanong ko pa.

    "Can you play?  Your hand is still swelling." Komento niya. 

    "Oo nga.  Wala naman 'to."

    "Kahit isang set lang.  Eight songs.  Nag - text na sa akin si Kyle at papunta na daw sila ni Lars.  Susunod na lang daw si Ciara at may meeting pa." Sagot ni Vlad.

     "Fine with me." Sagot ko at inubos ko ang laman ng beer can ko.

     "How's your dad?"

     "Bumiyahe na kanina pa - US.  In two days, operation na niya.  Hopefully, everything is going to be fine."

    "How are you and Les?  Hindi pa kayo nagbubugbugan?" At natawa si Vlad sa tanong niya.  Nagsuot na ito ng pantalon.

    Napahinga ako ng malalim.  "Umiiwas na lang ako.  Les is provoking me.  Talagang pinipikon niya ako," sagot ko.

     Napatawa si Vlad.  "Malaki kasi insecurity sa 'yo 'non.  Huwag mo na lang pansinin," sabi niya.

    "That's what I am doing," sabi ko at tumayo.  Kinuha ko ang gitara na nakasabit sa wall ng sala niya.  I tried to play with it.  Shit.  Ang sakit pa ng mga daliri ko.  Parang wala pang lakas na maglaro sa mga string ng gitara.  Pero kailangan kong tiisin.  Pinilit kong kumapa sa gitara.  I tried to play Nothing Else Matters. 

     "Nice.  'Di ka pa rin kumukupas, dude." Sabi ni Vlad at tumabi sa akin.

     Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagtugtog.  Its fucking painful.  Pero naisip ko, iindahin ko pa ba ito.  Louraine's death is painful than this physical pain pero nakaya ko. 

     "Hey, remember the chick that really looked like Louraine?  Why you didn't talk to her?" Sabi ni Vlad.  Dinampot niya ang susi ng kotse niya at sumenyas sa akin na umalis na kaya binitiwan ko na ang gitara. Sumunod ako sa kanya palabas ng bahay niya.

    Naisip ko ang nangyari sa office at napailing ako. "It's just weird to find someone who looked like my dead wife.  Ang tagal ko ding hinanap ang babaeng iyon.  But she is not Louraine.  Ibang - iba," sagot ko.

     "Of course she in not Louraine.  Ano ka ba?  Matagal ng patay asawa mo," sagot niya.

    "But, is it possible?  They are really look alike.  Kung hindi ko nakitang sunog ang katawan ni Louraine, hindi talaga ako maniniwalang patay na siya," sabi ko.  Pero naalala ko din kung paano sumagot at magsalita si Katrina Domingo.  "She is really not Louraine.  Magkamukha lang sila."

     Natawa si Vlad sa akin.  "Kasi naman, ang dami mo namang babae.  Tigilan mo na si Louraine.  Baka kahit sa langit, hindi matahimik iyon." Sabay kaming pumasok sa kotse ni Vlad.  "Nakita mo si Katya kagabi?  Hinahanap ka."

     Napangiti lang ako at tumango.  "Sa bahay ko natulog."

     Napahalakhak si Vlad.  "Tang ina mo!  Libog mo!" Nagsimula na siyang mag - drive papunta sa bar niya.

     "Sumama sa akin.  Alangan naman paalisin ko.  Saka she is pretty and good in bed."

     "So kayo na?" Tanong pa niya.

     Tinawanan ko siya.  "Girlfriend?  No.  Fuck buddy?  Yes."

     Bahagya akong sinuntok sa braso ni Vlad.  "Kaya idol kita, eh.  Tatahi - tahimik ka lang pero ikaw ang pinaka - matinik sa babae."

     Ngumiti lang ako at tumingin sa kalsadang dinadaanan namin.  Malayo pa lang ay kita ko ng maraming tao sa bar ni Vlad.  Alam kong masaya siya kasi kahit mag - iisang taon pa lang ito, talagang kilala at dinadayo na. 

     "May mga models na darating ngayong gabi.  May product sampling kasi.  Let's check kung magaganda," kumindat pa sa akin si Vlad habang pina - park ang kotse niya.

     Pareho kaming bumaba at dumiretso sa bar.  Marami agad sumalubong sa aming fans at pinagbigyan naman namin ng picture taking.  Iniwan ko na doon si Vlad alam ko naman mas gusto niya iyon at mas sanay siya doon dahil siya ang frontman ng banda namin.

     Dumiretso ako sa bar area at sumenyas ako ng isang beer sa bar tender doon.  I checked the area and saw people inside waiting for the band to play.  Napangiti ako at nakita ko sa isang tabi ang grupo ng mga model na magpa - product sampling.  Parang bini - brief ng isang lalaki at bakla.  Napakunot ang noo ko ng makita ko ang pamilyar na mukha na iyon.

     Shit.  What is she doing here?  Katrina Domingo is here.  She is one of the models.  Ibang - iba ang itsura niya kanina sa office at ngayon.  This time she is wearing a tight white pants and white halter top.  Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok.  Lalo siyang nagmukhang sexy kasi she is wearinh a three inched heel stiletto. 

    Damn it!  Naiinis ako.  Kasi I can't take off my gaze at her.  Because I can see Louraine and its making me crazy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top