5.Interview

Kating's POV

     Pagod na pagod ako.  Pasado alas dose na kami natapos sa catering event na iyon sa Batangas at bumiyahe pa kami pabalik ng Manila. Kaya ito, mag - a - alas tres na ng madaling araw ako nakauwi sa bahay namin.

    Hindi ko na inistorbo ang tulog ni Tatay.  Alam ko naman masama ang pakiramdam niya.  Ilang linggo na rin kaming atrasado sa check up niya.  Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam kong nahihirapan na siya sa sakit niya.

    Three months ago ng dumaing sa akin si tatay na sumasakit daw ang likod niya.  Hindi niya ugali ang magsabi na may masakit sa kanya kaya nag - alala ako kasi unang beses iyon na talagang dumaing siya na may masakit sa kanya.  Akala ko nga normal na ngalay lang kasi 'yun ang sinasabi niya sa akin.  Saka ibang klase ang pag - ubo niya. Ilang boteng cough syrup na ang naubos niya pero hindi nawawala ang ubo niya.

     Pacheck up kami sa center.  Ganoon din.  Binigyan lang ng antibiotic tapos pahinga lang daw ang kailangan.  Pero ilang buwan na ganoon pa rin ang ubo niya.  Kaya kahit walang pera, dinala ko na siya sa ospital.  At doon parang binagsakan ako ng langit.  May lung cancer ang tatay ko.  Stage 2 daw.  Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi ng mga doktor.  Basta ang naintindihan ko lang, kailangan ng pera sa pagpapagamot.  At saan naman ako kukuha noon?  Wala akong permanenteng trabaho.  Paraket - raket lang ako.  Makapasok man ako sa mga opisina, laging contractual lang.  Pinakamatagal na ang tatlong buwan. 

     Matanda na ako.  Beite siyete na ako pero wala pa akong maayos na trabaho.  Ang hirap naman kasi talagang mag - apply lalo na nga at hindi naman ako nakatapos. 

     Dumirecho ako sa kuwarto ko at nagbihis.  Nakakaraos pa naman kami ni tatay kahit paano kaya okay na ang ganito.  Magpapahinga na muna ako at bukas, siguradong panibagong pagsubok na naman.  Maghahanap na naman ako ng trabaho.

     Pero hindi pa rin naman ako dalawin ng antok.  Nagbukas muna ako ng cellphone at nagtingin - tingin sa facebook.  Wala naman akong hilig sa facebook na 'yan pero kailangan ko kasi minsan dito ako nakakakuha ng raket.  Browse lang ako ng browse hanggang sa makita ko ang isang page.

     OFFICIAL BLACK SLAYERS PH

     Naalala ko ito ang kinakikiligan nila Hailey kanina.  Sino ba ang mga ito?  'Di ko naman kilala.  Pero madami silang likes saka mga followers.  Napataas ang kilay ko kasi naroon ang mga pictures ng mga miyembro ng banda.  In fairness, mga guwapo pero ang dadaming tattoos.  Bakit kailangan na kapag nasa banda maraming tattoo?  Pero ang dami nilang fans.  Sa mga pictures pa lang parang magpapakamatay na ang mga babae mapansin lang nila.

     Napakunot ang noo ko at nakilala ko ang lalaking nakita ko sa event namin.  'Yung lalaking pumitik ng sigarilyo sa amin ni Mona.  'Yung buwisit na lalaking puro tattoo na pakielamero.  Siniguro ko talaga.  Siya talaga ang nandoon.  Napairap ako.  Kaya pala mayabang kasi miyembro ng sikat na banda.  Hinanap ko ang pangalan.  Bassist of Black Slayers is Leandro Eleazar Samson.  Friends and fans calls him Lee.  Iyon ang nabasa ko sa profile niya.  Aba, mukhang may laman ang utak.  Kasi nabasa ko din doon graduated cum laude sa kursong Advertising ang lalaking iyon at may sariling business na pinapatakbo.

-------------

      Malakas na tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin.  'Tang ina, anong oras na ba?  Nagpi - facebook lang ako kanina, ah.  Nakatulog na pala ako.  Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong si Mona ang tumatawag.  Gaga talaga 'tong babaeng ito.  Alas otso pa lang.  Ilang oras pa lang akong nakakatulog.

     "Ang istorbo mo naman.  Wala pa akong tulog," reklamo ko sa kanya.

    "Kating, may interview tayo.  Naalala mo 'yung pinasahan natin ng resume para encoder last month?  Tumawag sa akin ang hr ngayon lang.  May interview tayo ng alas diyes," sabi ni Mona.

     Parang nawala yata ang antok ko sa narinig kong iyon at mabilis akong bumangon.  Last month pa kami nagpasa ng resume dito ni Mona.  Hindi ko na nga inaasahan na tatawagan pa kami. 

    "Joke ba 'to?" Baka kasi ginu - goodtime lang ako netong si Mona.

    "Hindi!  Baliw ka talaga.  Bilisan mo.  Magkita tayo sa may terminal ng alas nuebe.  Magbihis ka ng maayos ha?  Baka naman mag shorts ka na naman at t-shirt.  Dapat daw naka - palda at dapat presentable tayo," sabi niya at pinatayan na niya ako ng telepono.

    Mabilis akong kumilos at naghanap ako ng damit na puwede kong isuot.  Pucha ito ang problema.  Puro maong, t-shirt at shorts ang damit ko.  Meron akong nag - iisang palda pero ang iksi noon.  Mini skirt na pink.  'Tang ina, puwede na ito.  Ternohan ko na lang ng puting longsleeves na uniform ko sa catering.

     Naligo na ako at nagbihis.  Naglagay lang ako ng konting make up kasi hindi naman talaga ako sanay maglagay ng mga kolorete sa mukha.  Tiningnan ko maige ang sarili ko.  Hindi naman ako mukhang bastusin pero ang iksi talaga ng palda ko.  Bahala na nga.

     Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga tingin ng mga kapitbahay namin.  Lalo na ng mga lalaki.  Sabi ko na lang sa sarili ko, sige.  Tumingin lang kayo.  Hanggang diyan lang naman kayo.

     Buti na lang at naroon na agad si Mona sa terminal ng UV Express.  Mas maayos ang damit ni Mona kasi may kapatid siyang nagta - trabaho sa opisina.

     "Medyo kinulang yata sa tela ang palda mo," natatawang sabi niya.

     "Siraulo ka.  Ito lang ang palda ko.  Saan mo naman ako paghahagilapin ng ganitong kaaga?" Inis na sagot ko at pilit kong hinihila pababa ang palda ko.

     "Yaan mo na.  Maganda naman ang legs mo kaya keri lang 'yang suot mo.  Tara na at baka ma - late pa tayo," sabi ni Mona.

     Walang masyadong pila sa terminal kaya nakasakay kami agad.  Sa Salcedo St., sa Makati ang opisina na pupuntahan namin.  Construction company 'yata iyon hindi ko na maalala.  Sa dami ng inaplayan namin ni Mona, hindi ko na alam kung ano ito.

     Naglakad kami hanggang sa parking lot.  Nag - ayos muna kami ng sarili namin kasi mukha na kaming bilasang isda dahil nilakad lang namin mula sa terminal ng van hanggang dito.  Tatlong kanto din.  Ang init pa naman. 

     "Maayos pa ba ang make up ko o hulas na?" Tanong ko.

    "Okay pa.  Halika na dali.  Late na tayo," sabi ni Mona.

    Patakbo kaming pumapasok sa loob ng opisina.  Kailangan pang pumirma sa reception at mag - iwan ng id.  Dire - diretso kaming pumasok sa loob.  Ang daming tao!  Karamihan pa mga lalaki kasi construction firm nga ito.  Pakiramdam ko ay hinuhubaran kami ng tingin ni Mona pero hindi ko na lang pinansin.  Patakbo kaming pumasok sa papasarang elevator.

     "Anong floor daw tayo?" Tanong ko at bahagya akong tumingin sa likod ko.  Hindi ko napansin ang itsura pero kanina pa ang lalaking ito.  Nakasunod sa amin.

     "14th floor daw," sagot ni Mona.

     Pipindutin ko ang number 14 button ng magkasabay kaming magpindot ng lalaki sa likod ko.  Tiningnan ko siya at napairap ako.  Parang kilala ko ang lalaking ito.  Saan ko nga ba siya nakita?  Naka - taling buhok, puno ng balbas at bigote ang mukha.  Mukhang hindi gagawa ng maganda pero nakasuot ng amerikana.  Aplikante din ba ito?

     "Parang kinulang yata sa tela ang palda mo," narinig kong sabi ng lalaki.  Tatlo lang kasi kaming sakay ng elevator.

     Nagtinginan kami ni Mona at yumuko lang siya.

    "Sana inangat mo pa ng konti para hindi na naitago ang dapat itago," sabi pa niya.

    Humarap ako sa lalaking bastos at nakita kong nakatingin lang siya sa akin.  Kilala ko talaga ang siraulong ito.  Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

    "Pakielamero ka talaga?  Ano naman sa 'yo kung inurong ang tela ng damit ko?  Nakikitingin ka na nga lang nagrereklamo ka pa," inis kong sabi sa kanya.

    Ngumisi ang lalaki at tumingin sa mga numbers ng floor.  "What's your business here?  You're an applicant?" Tanong pa nito sa akin.

    "Wala ka ng pakielam.  Pare - pareho lang tayong aplikante dito kaya manahimik ka na lang," sagot ko sa kanya.  Buwisit na lalaking ito.  Nakakasira ng araw.

     Nakita kong umiiling - iling si Mona na parang sinasabing tumigil na ako.

    "Kung ako ang mag - iinterview sa iyo, definitely I won't hire you." Sabi niya at humakbang palapit sa pinto ng elevator.  Huminto ito sa 12th floor at mabilis na lumabas ang lalaki bago pa ako makasagot.

     "Gagong lalaki iyon!  Sino ba 'yun?!  Kapal ng mukha!  Napakapakielamero!" Inis na inis na sabi ko.

     "Diyos ko naman, Kating.  Kelangan ba lagi kang fighting mood.  Baka hindi pa tayo matanggap sa trabaho kasi lahat na lang inaway mo," reklamo ni Mona sa akin.

    "Narinig mo naman.  Pati damit ko pinakealaman.  Aplikante lang din naman," sagot ko.

    "Hindi ka nga sigurado kung aplikante din 'yun.  Mukhang may - ari, eh."

    "May - ari ba iyon?  Mukhang hindi naman kagalang - galang.  Naka-tali ang buhok.  Puro bigote at balbas.  Hindi ako naniniwalang may - iyon?" Sagot ko.

     Napahinga na lang ng malalim si Mona at napailing.  Pareho kaming lumabas ng elevator ng dumating kami sa hr department.  Nagkaroon kami ng initial interview from hr director tapos may interview daw sa magiging department heads namin.  Si Mona ay pinapunta sa 6th floor at ako ay sa 12th floor.

    Pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad ako.  Ang taas pa naman ng heels ko tapos ang ikli ng palda ko.  Para na nga din talaga akong nagsisisi at ito ang naisuot ko.  Sobrang igsi naman talaga kaya kada hakbang ko ay hinihila ko pababa ang palda ko. Kasalanan ko ba na biglaan ang interview na ito at hindi man lang ako nakabili sa ukayan sa kanto namin? 

     Office of the Director for Operations ang nakalagay sa papel na final interview ko.  Agad akong lumapit sa sekretarya na naroon.

    "Miss, final interview ko daw dito,"'alanganing sabi ko.

    Parang gusto kong sabunutan ang babae dahil sa paraan niya ng pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa.  Tingin ko nga ay parang natatawa pa sa suot ko. 

     "Interview ba talaga ang business mo dito?  Sa suot mo kasi parang dapat sa bar ka.  Or isa sa mga groupie ni sir," parang nanunuyang sabi ng sekretarya na naroon.

     Groupie?  Ano 'yun?  Hindi ko alam ang ibig sabihin noon.

    Padabog kong inilapag sa mesa ng babae ang hawak kong folder ng resume ko.  Kinuha naman niya at binuklat - buklat.

    "Katrina Domingo?" Paniniguro niya.  "Please get inside.  Mr. Samson will be there in a minute," sagot niya sa akin.

     Walang imik akong pumasok at naupo sa couch na naroon.  Patingin - tingin lang ako sa paligid.  Parang bagong gawa lang ang kuwarto na ito.  Amoy pintura pa.  Saka ang mga gamit parang halatang bago.

    Napatingin ako sa lalaking biglang pumasok sa loob ng kuwarto.  Nakita kong para din siyang nagulat ng makita akong nakaupo sa couch.  'Tang ina.  Parang gusto kong bumuka ang lupa at kainin ako.  Ito ang lalaking nasa elevator kanina. 

    Pero teka, kilala ko talaga siya.  Hindi na siya nakasuot ng amerikana ngayon.  Naka short sleeve polo lang siya at kita ko ang napakaraming tattoos sa parehong braso niya.  Nakita ko na ito.  Basta alam ko na siya.

     Nanlaki ang mata ko ng maalala ko kung saan ko siya nakita.  Sa Batangas!  Yung lalaking pumitik ng sigarilyo sa amin.  Siya 'yung lalaking nakita ko sa facebook na miyembro ng Black Slayers. 

     Siya si Leandro Eleazar Samson.  Si Lee Samson!

     Anong ginagawa niya dito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top