4. Sibling Rivalry

Lee's POV

"Letty, Lee is going home. And he agrees to help Les in running the construction while I am gone," nakangiting sabi ni daddy kay mommy.

What?! Ano ba 'tong sinabi ni dad? Hindi pa naman ako umu - oo sa mga sinabi niya. I can't go home. May sarili akong bahay. At lalong hindi ako papayag na magtrabaho sa kumpanya niya.

But can I say no now? Kitang - kita ko ang kasiyahan sa mukha ni daddy. Pati si mommy. Ang saya - saya niya sa nalaman niya. Parang hindi ko kayang madisappoint sila ngayon.

"Really? You don't know how many times I wished that you come home already," sabi ni mommy sa akin.

"Ipapalinis ko na ang kuwarto mo, Lee." Nakangiting sabi ni Lei.

"You have your own house 'di ba? Why don't you just stay there. You can visit dad anytime without staying in our house," narinig kong sabat ni Les. Diniinan niya ang salitang "our house". Talagang parang ibang tao ang turing niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim at naramdaman ko ang tensiyon sa paligid namin. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni daddy. Alam naman ng lahat na hindi kami magkasundo ni Les kahit noon pa. Lalo pa nga siyang nagalit sa akin ng sa tingin niya ay pagrerebelde ko sa pamilya namin noon.

"Les, your brother has been gone for so long. Gusto ko siyang sa bahay natin umuwi," sabi ni daddy.

"He has his own house. He has his own life. Why would you take a person who turned his back from us?" Hindi na napigil ni Les na sabihin iyon.

"You turned your backs on me. I was all alone. So stop saying that I was the one who did that," sagot ko sa kanya.

"Les, please stop. Kakabalik lang ni Lee." Si Lei ang narinig kong nagsabi noon. Grabe ang tensiyon sa aming dalawa.

"'Yun na nga. Babalik siya kung kelan niya gusto?" At napailing pa si Les habang tumatawa ng nakakaloko. "How many years? How many years that he lived with those assholes na katulad din niyang mga mukhang durugista? Hindi man lang tayo naalala? Look at him?" At tumingin siya sa akin. "Tao ka pa ba? Napakadumi ng katawan mo. Tingin mo, gusto ng mga tao na makita kang ganyan? Lalo na ng mga empleyado namin?" At bumaling siya kay daddy. "And you want this person to help us run our company? Baka mawalan pa tayo ng negosyo dahil sa kanya."

I wanted to punch my brother's face pero pinigil ko ang sarili ko. I don't want to give my dad a hard time dahil alam kong nahihirapan na siya sa sakit niya.

Pinilit kong ngumiti kay daddy. "I'll go now. Magpahinga ka na muna." Sabi ko at bumaling ako kay mommy. "It's nice to see you, mom. Call me if you need anything." Sabi ko at tinungo ko na ang pinto.

"It's been arranged, Lee. Please do this for me. You are now one of the Director for Operations together with Les. You can start anytime. You'll have your own office, your own secretary. Just tell me what else do you need," sabi pa ni daddy.

Nakita kong ibinato ni Les and hawak na telepono. Alam kong ayaw niya sa narinig niya pero wala lang siyang magawa dahil si daddy na ang nag - decide noon.

I know, si Les na halos ang nagpapatakbo ng construction business pero, si daddy pa rin ang lahat ng nagde - desisyon para doon.

"I'll just call you, dad. Be safe." Sabi ko at umalis na ako doon.

Wala akong imik na sumakay sa kotse ko. I can still remember Les' words.

Tao ka pa ba? Napakadumi ng katawan mo.

And you want this person to help us run our company? Baka mawalan pa tayo ng negosyo dahil sa kanya.

Durugista.

Walang kuwenta.

"Fuck you!" Malakas kong sigaw at sinuntok ko ng malakas ang manibela ng kotse ko. Isa. Dalawa. Tatlo. I lost count anymore. My knuckles are now bleeding and I can't feel anything from it at all.

I drove far from there. I don't know where to go. It's too early and I know my friends are still sleeping. Pero nagbakasakali ako. Sa bahay ni Lars ako dumirecho.

Namamaga na ang kanang kamay ko ng pindutin ko ang doorbell sa bahay ni Lars. Si Ate Salve ang nagbukas sa akin ng gate.

"Ang aga mo, Lee. Tulog pa sila Lars," sabi niya at pinatuloy ako.

"Okay lang, ate. Dito lang muna ako sa lanai. Pwedeng humingi ng kape?" Sabi ko. Sanay na naman si ate Salve na bigla akong sumusulpot sa bahay ni Lars kahit anong oras.

"Sige. Pagising na rin naman ang mga iyon. Nag - breakfast ka na ba?" Tanong pa niya.

"Mamaya na lang. Kape lang ako," sagot ko. Hindi ko na siya tiningnan ng umalis siya. I am just looking at my bleeding and swollen knuckles. Shit. Problema pa ito. We have a gig tomorrow night at makakatugtog ba ako ng ganitong namamaga ang kamao ko?

"You are so early, douche."

Hindi na ako lumingon. Alam kong si Lars iyon. Umupo siya sa harap ko at bagong gising ang itsura.

"Nagmumog ka na ba?" Sabi ko sa kanya.

Nag - dirty finger siya sa akin at humingi din ng kape kay ate Salve. Napatingin siya sa kamay ko at parang nawala ang antok niya.

"What the fuck happened, Lee?" Punong - puno ng pag - aalala ang mukha ni Lars. Ang dami kasing dugo ang kamao ko.

"Nothing," sagot ko.

"Fuck you, Lee. What happened to your hand?" Seryoso na siya. "Maddie! Please bring out the first aid kit!" Sigaw niya sa asawa niya.

"I talked to my dad. I saw Les," tanging sabi ko. Shit. Parang ngayon ko nararamdaman ang sakit ng kamay ko. I can't even move it.

Napatawa si Lars. "So what happened to his face? Malamang sabog sa tindi ng tama ng kamao mo," sabi niya.

"I punched my steering wheel," tanging sagot ko at napayuko.

"Gago ka. Wawarakin mo lang ang kamao mo, sa manibela pa. Hindi ka mananalo dun. 'Tang ina, matuwa pa ako kung binasag mo na 'yung mukha ng kapatid mong iyon." Iiling - iling na sabi ni Lars at tinitingnan ang kamao ko. "This is fucking bad, man. How can you play bass kung ganyan ang kamay mo?"

Hindi ako nakasagot kasi dumadating si Maddie at bitbit nito ang isang plastic container.

"Jesus Christ! What happened to your hand?" Nataranta na siya ng makita ang kamay ko. Agad siyang umupo sa tabi ni Lars at tiningnan ang kamay ko.

"He punched the fucking steering wheel. What an idiot 'di ba?" Naiiling na sabi ni Lars at inirapan ako.

"What? Why? Oh my god, Lee. This is bad. Ang daming dugo. Don't you think we need to bring you in a hospital?" Alalang - alala si Maddie.

"I'll be fine," sagot ko. Maddie brought out the betadine, hydrogen peroxide. She started cleaning my wounded knuckle. 'Tang ina ang hapdi.

"What happened? Okay na kayo ng daddy mo?" Tanong ni Lars at iniabot sa akin ang isang tasa ng kape.

"Dad had a heart attack. But he is fine. He just need to undergo a double bypass surgery and my brother is fixing all the necessary documents for his operation overseas," sagot ko. Shit. Ang hapdi talaga. Parang ngayon ako nagsisisi at sinuntok ko pa ang manibela ko. Kahoy pa naman iyon.

Hindi kumibo si Lars. He knows whats my problem with my family. Lahat naman sila alam ang istorya ng buhay ko.

"My dad wants me to help Les to run our family business," at napatawa ako para pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sakit ng sugat o sakit ng kalooban iyon. "Of course Les doesn't approve it. At ayoko din naman
because I have my own life. I have my own company to run. But my dad wants me to be in his company. And I don't know if I can turn him down this time. I don't know if he can still comes back after his operation," at napayuko ako kasi ayokong makita ni Maddie na naiiyak ako.

"I'll just go get some ice inside," narinig kong sabi ni Maddie at iniwan kami ni Lars.

"Dude, gulo 'yan. Alam mo naman na eversince, Les doesn't want you. Hindi ko nga maintindihan kung bakit bad trip sa iyo ang kuya mong iyon. Sobrang insecure sa 'yo," sabi ni Lars sa akin.

Hindi ko rin naman alam kung bakit nga ba. Talagang malayo na siya sa akin kahit mga bata pa kami. He always wanted my parents attention. Laging kailangan siya ang bida. And it was okay with me. I just did what I wanted. Hindi ko kailangan ang approval ng kahit na sino sa kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Siguro dahil doon. Kasi kahit hindi ako nag - e - effort, may parents are still proud of me. Nasira nga lang 'nung magsimula akong magbanda. That was the time that Les had the attention of the whole family.

Napahinga ako ng malalim. Dumadating na si Maddie at may dala siyang isang plastic bowl na punong - puno ng cube ice.

"Put your hand here so the swelling will subside," sabi niya at kinuha ang kamay ko at inilagay doon sa mga yelo.

"Thanks Mads," sabi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mainggit kay Lars. Napakasuwerte niya kay Maddie. But I don't have feelings for her anymore. Maddie is for Lars. They are meant for each other at wala akong balak na sirain ang pagsasama nila dahil lang sa naiinggit ako sa kaligayahan ni Lars.

"I'll prepare breakfast," sabi niya at muli kaming iniwan.

"What are your plans? Susundin mo ang daddy mo?" Tanong ni Lars.

"I don't know. But I can't forget his face. He asked forgiveness, Lars. You know my dad. Napakatigas ng taong iyon. But today, everything was different. I can feel that he is so proud of what I become," at napahinga ako ng malalim. "Baka nga mamamatay na 'yung daddy ko kaya inaayos na niya ang lahat."

"Gago. Tito Gilbert will not die," sabi niya.

"I hope so. Kahit anong nangyari sa amin,he still
my dad. They are still my family," at napailing ako. "I might accept the job in his company. Puwede ko namang pagsabayin iyon saka sa creatives ko. Para mapagbigyan ko lang si dad."

"Well, good luck, douche. Baka sa susunod, mukha mo na ang makita kong sabog kasi nagpatayan na kayo ni Les." Sabi ni Lars.

Umiling ako. "That won't happen. Iiwas na lang ako sa kanya." Sagot ko habang nakatingin ako sa kamay kong nakababad sa yelo. Pero sa kalooban ko, alam kong mahihirapan akong makisama sa kapatid ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top