16. Contract Signing
Kating's POV
Lumabas na muna ako sa kuwarto ni tatay dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ano ba naman ito? Ang dami - daming problema. Problema na ang pagpapagamot niya, problema pa itong mga taong nagpapakilalang magulang ko. Ang tanda ko na para sa mga ganitong drama.
"Kating, okay ka lang ba?" Nag - aalala ang tono ni Mona.
Umiling ako at naupo sa isang sulok. Naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko. Sumasakit na ang ulo ko.
"Ano ba ang nangyari? Sino ba ang mga taong iyon? 'Yung bisita ni Mang Gildo," sabi niya.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong sila daw ang totoong magulang ko?"
Nanlaki ang mata ni Mona.
"'Di nga?" Hindi siya makapaniwala.
"Ayoko ding maniwala. Pero si tatay na ang nagsabi sa akin. May kakambal daw akong namatay. Louraine ang pangalan," sabi ko pa. Naalala ko si Sir Lee ng mabanggit ko ang pangalan ni Louraine.
"Neng, ang taray ng buhay serye mo," at napahalakhak si Mona. "Akala ko sa pelikula ko lang napapanood ang ganyan. Mayaman ka na!"
Inirapan ko lang siya. "Si tatay Gildo lang ang tatay ko. Saka anong sinasabi mo na mayaman na ako? Problema ko nga ang pambayad sa ospital."
"Gaga ka! Hindi mo ba nakita ang itsura nung mga taong nagpunta kanina? Mga mukhang mayaman. Bag pa lang nung matandang babae, naku Kating! Sa magazine ko lang nakikita 'yun. Hermes ang tatak 'nun. Worth more than one hundred thousand ang presyo 'nun. Napakaraming Secosana bags natin ang katapat 'nun!" Nanlalaki pa ang mata ni Mona.
Natawa ako kay Mona. Mahilig talaga sa mamahaling gamit 'tong luka - luka kong kaibigan. Lagi itong bumibili ng mga fashion magazine at doon nagtititingin ng mga bags, sapatos na uso.
"Wala akong pakielam kahit isang milyon pa ang halaga 'nun," sagot ko at kinuha ko ang telepono kong tumutunog sa bulsa ko. Si Nilo ang tumatawag.
"Pucha! Nakalimutan ko ang usapan namin ni Nilo!" Agad akong napatayo at sinagot ko ang tawag niya.
"Kating! Punyeta ka. Nasaan ka na bang malandi ka?" Tumitili na si Nilo.
"Sorry. Sorry bakla. Papunta na ako diyan. May emergency lang kasi dito sa ospital. Alam mo naman nandito si tatay," sabi ko. Patakbo akong bumaba sa hagdan kasunod ko si Mona.
"Bilisan mong gaga ka. Kanina pa nandito si Sir Dindo," sabi pa niya.
"Oo. Paintay lang. Papunta na diyan," at pinatayan ko na siya ng telepono. "Bilisan mo, Mona. Naku, nakalimutan ko ang usapan namin ni bakla."
"Hihintayin ka naman 'nun. Mukhang ikaw kasi talaga ang gusto nilang maghubad 'dun sa magazine nila," natatawang sabi ni Mona.
Napasimangot ako. Sa tuwing maiisip ko na maghuhubad ako para kumita ng pera ay parang gusto ko na talagang umatras. Pero iisipin ko na lang si tatay. Para ito sa paggaling niya.
----------->>>>>>
Lee's POV
I am quietly drinking my beer and just looking at Dindo. Alam kong naiinis na siya kasi almost thirty minutes na kaming naghihintay dito sa Sofitel pero wala pa rin si Katrina. At natutuwa ako doon. Mas maganda kung nagbago nga ang isip niya at nag - back out na siya.
"Maybe she change her mind?" Parang sa sarili lang iyon sinabi ni Dindo. "The fuck. Sayang ang opporunity. Manghihinayang na naman ang mga readers ko," naiiling na sabi nito at tumingin sa handler ni Katrina na nasa malapit sa amin at may tinatawagan.
Natawa lang ako at uminom sa hawak kong beer.
"Ano ba ang ginagawa mo dito? Can you please remind me why did I allow you to be here?"
"Because I'll tell your wife what you did in Japan," kaswal na sagot ko.
"Fuck you, Lee. Susunugin ko talaga 'yang telepono mo kapag nakuha ko 'yan. Wala naman kaming ginawa 'nung pornstar na iyon," parang naiinis na sabi ni Dindo.
Natawa ako. "She gave you a blow job in front of me. Anong tawag mo dun? Mapapatay ka ng asawa mo kapag nalaman ang ginawa mo."
"Kung bakit kasi sumabit ka pa sa production namin 'nun," parang sising - sisi si Dindo.
Lalo akong natawa. That was the time na naka - bakasyon ang buong banda. Kyle was in rehab, Lee and Maddie had their vacation in US, so me and Vlad tagged along with Dindo's crew para sa shoot nila sa magazine nila. Just to unwind and meet pretty girls. 'Yung mga models niya.
"Bakit mo ba gustong sumama dito?"
Nagkibit ako ng balikat. "I just want to see her in person," sagot ko. Hindi kasi alam ni Dindo ang tungkol sa buhay ko. Hindi rin niya alam na kamukha ni Katrina si Louraine.
'Yun lang pala. 'Di sana I scheduled a meeting with you sa office. Ang hirap pa - oo - hin ng babaeng ito. Ang tagal - tagal kong hinanap. Baka masira lang dahil nandito ka," sabi pa ni Dindo.
Talagang hindi ako papayag na pumirma si Katrina diyan. Hindi ako gago para pumayag na ibilad ang katawan niya. Even if she is not Louraine, she is still has the face of my wife. Baka bumangon mula sa hukay si Lou kapag nakita ang kamukha niyang hubad sa magazine.
Napatingin ako sa entrance ng pinto at nakita ko si Katrina kasama ang kaibigan niya na nagmamadaling pumapasok. Shit. She must really need that money. Para saan kaya niya gagamitin iyon?
"Bruha ka. Pinag - intay mo ng matagal si Sir Dindo. Pati 'yung guwapo niyang friend naiinip na," narinig kong sabi ng baklang handler niya.
"Pasensiya na. Alam mo naman nasa ospital si tatay. Saka may aberya lang na nangyari kanina," katwiran ni Katrina. I pretended not listening to their conversation. Busy din kasi si Dindo sa pagpipindot sa telepono niya. Mukhang may ka-chat.
"Ano bang nangyari kay Mang Gildo?"
"Eh 'di naka - confine. Kaya nga magbu - burles na 'yang si Kating sa magazine kasi kailangan niya 'yung 50k," sabat ng kasama ni Katrina.
So that is the reason why she need the money.
"At alam mo ba Nilo, naku! Si Kating pang teleserye ang buhay. Akalain mo, hindi pala si Mang Gildo ang tatay niya. At may nagpunta doon na sinasabi sila daw ang magulang ni Kating! Mayaman bakla!" Bulalas pa ni Mona.
Napatingin ako sa gawi ni Katrina and she looked pissed.
"Mona! Kailangan bang ipangalandakan mo sa lahat ang nangyayari sa buhay ko?" Inis na sabi niya.
"Ito naman, bakit ba pikon ka? Excited lang naman ako sa mga ganap sa buhay mo. Parang pang - teleserye. Isipin mo naman. May kakambal ka pa palang namatay," sabi pa ng kaibigan niya.
Napalunok ako sa narinig ko. Shit. Am I hearing them right? Pakiramdam ko ay binabayo ang dibdib ko sa sobrang kaba. May kakambal si Katrina na namatay? It could be?
"Tumahimik ka na nga lang. Halika na ng matapos na ito," saway ni Katrina at sumunod kay Nilo na papunta sa table namin.
Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Katrina ng makita akong nakaupo doon at nakatingin sa kanya.
"S - Sir Lee! Anong ginagawa 'nyo dito?"
Takang napatingin sa akin si Dindo tapos ay kay Katrina.
"You know each other?" Takang tanong niya.
"Boss ko po siya," parang wala sa sariling sagot niya at nanatiling nakatingin sa akin. "Sir, bakit ka nandito?"
"Boss?" Takang - taka si Dindo na parang naguguluhan sa nangyayari.
"Masama bang nandito ako? Dindo is my friend," tanging sagot ko.
Nakita kong makahulugang nakatingin sa akin si Dindo tapos ay lihim na napangiti.
"Okay. Okay. Sit down so we can discuss about the contract," sabi nito.
Parang alanganing naupo si Katrina sa harap ko. Alam kong naaasiwa siya at alam kong ayaw niyang malaman ko ang plano niya.
"Sir, partner 'nyo pa ba siya sa publishing company 'nyo?" Tanong ni Katrina kay Dindo.
"Who? Lee? No," at umiling pa ito. Sumabit lang yan dito. Walang magawa." At kinuha nito ang ilang piraso ng papel sa isang envelope.
"Ganun' naman po pala. Baka puwedeng hindi na siya kasama dito. Baka puwedeng tayo lang?" Sabi niya.
Napatingin sa akin si Dindo. "Is there something wrong? I don't think his presence would affect our contract signing. Huwag mo na lang siyang pansinin." At inilatag ni Dindo ang mga papel sa harap ni Katrina.
Nakita kong binasa iyon ni Katrina. I wanted to rip those papers para hindi niya iyon mapirmahan. She took the pen and made a gesture to sign it when we heard her phone ring. Napatingin siya sa amin at alanganin na ngumiti.
"Sandali lang ho, ah? 'Yung bantay ng tatay ko tumatawag. Baka may ipapabili lang na gamot," sabi niya at bahagyang tumalikod sa amin para sagutin ang tawag. "Hello, Aling Rose. Balita?"
Walang nagsasalita sa amin. Parang nagpapakiramdaman lang kami.
"Ho?! Paanong nangyari? Teka. Teka! Wala ba ang doktor niya?" Kitang - kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Katrina.
"Pupunta ako. Ngayon na." At pinatay nito ang telepono at mabilis na tumayo.
"Something wrong?" Tanong ni Dindo.
"Sorry sir. Pasensiya na po. Emergency lang. Kailangan kong bumalik ng ospital kasi bigla daw nawalan ng malay ang tatay ko tapos hindi na humihinga," sabi niya at mabilis na lumakad paalis doon kasunod ang kaibigan niya. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ni Dindo at ng baklang handler niya.
Inisang lagukan ko lang ang natitirang beer sa bote ko at tumayo na ako.
"Dude, that woman has lots of problems. Kumuha ka na lang ibang model," sabi ko kay Dindo.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya.
"Home. Thanks for the treat," sagot ko at tinalikuran ko na siya.
"Fuck you, Lee! I thought you're going to treat me tonight?"
Kinawayan ko na lang siya at patakbo akong lumabas ng hotel. I need to find Katrina. I need to know what is happening right now.
------->>>>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top