15.Teleserye

Lee's POV

"She is still my sister, Vlad." Ulit ko uli sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Lei is still my baby sister. Kahit matagal kaming hindi nagkita nito, hindi pa rin ako papayag na umiyak ang kapatid ko dahil sa lalaki. And I know Vlad. Siguradong papaiyakin lang niya ang kapatid ko.

"Will you stop it, Lee. It's not funny anymore. Lei and I are just business partners. She is trying to market my bar sa mga events niya. That's it. And besides, she is just like a sister to me. Para namang hindi ko nakitang lumaki iyan," sagot niya sa akin. This time seryoso na siya.

"Alright. Ayoko mabilang si Lei sa mga babaeng pinaasa at itinapon mo," sagot ko sa kanya st tuloy - tuloy kong ininom ang beer na bigay niya.

"What are you going to do this time? I mean about Katrina and Mr. Alba?" Tanong niya sa akin.

Napailing ako. "I don't know." At napahinga ako ng malalim. Pero naalala ko ang usapan ni Katrina at 'nung handler niya. Ngayon sila magpipirmahan ng kontrata para sa pagpo - pose niya ng hubad sa magazine!

"Shit!" Naibulalas ko at mabilis kong kinuha ang telepono ko at idinayal ang number ni Dindo.

"What? What's going on?" Takang - taka si Vlad.

"I need to do something. She's going to pose nude in a magazine!" Shit! Come on, Dindo! Pick up! Bakit ba ring lang ng ring ang telepono niya.

"You are fucking impossible, dude. Sabi mo wala kang pakielam. Tapos ngayon hahabulin mo para hindi matuloy ang pagpo - pose niya ng nude. Ano ba talaga?" Natatawang sabi ni Vlad sa akin.

"Of course I won't allow it! Parang pinayagan ko na rin si Louraine na bumilad ng katawan!" Inis na sagot ko. 'Tang ina 'tong si Dindo, bakit ba ayaw niyang sumagot?

"Lee, remember. Katrina is not Louraine. Kung anuman ang gustong gawin ni Katrina, wala kang magagawa doon." Parang paalala ni Vlad sa akin.

"Kahit na. Hindi pa rin ako papayag," matigas na sagot ko. Para akong nakahinga ng maluwag ng sagutin ni Dindo ang tawag ko. "Where are you?"

"Here in Sofitel. Hinihintay ko si Nilo saka 'yung magandang chick. Si Kating," sagot niya.

"Wait for me. I'll go there. Don't let her sign hangga't wala ako," sabi ko sa kanya.

Narinig kong natawa si Dindo. "You are fucking impossible, man. Baka masira pa ang mga plano ko."

"Basta. Just wait for me. Or you want me to tell your wife what happened in Japan?" Sagot ko sa kanya.

Narinig kong bahagyang napaubo si Dindo sa narinig na sinabi ko. "Fine. I'll wait for you. Bilisan mo," at pinatayan na niya ako ng telepono.

Napatingin ako kay Vlad at nakita kong tatawa - tawa siya. "So, iyon ang pang - blackmail mo kay Dindo? What happened in Japan?"

"Bakit hindi? I still have the pictures. Kahit walang nangyari sa kanila 'nung Japanese pornstar na nakilala namin, they still made out in front of me." sagot ko.

"You are fucking desperate, dude. Sige na," pagtataboy niya sa akin. Nakita kong papasok sa loob si Lei at may kasama na itong isang babae.

"Hey, asshole. I'll be watching you. Don't fuck my sister," sabi ko sa kanya.

"Fuck you, Lee. Get out!" Binato na ako ng beer can ni Vlad. Alam kong napipikon na siya.

I gave him a dirty finger sign before I went out. Humalik pa ako sa pisngi ni Lei ng masalubong ko.

"Where are you going?" Taka ng kapatid ko.

"I just need to do some errands. Talk to you soon," at iniwan ko na siya.

Kahit wala akong plano kung paano ko mapipigilan si Katrina sa pagpirma sa kontratang iyon ay kailangan kong pumunta. I don't know. I think I'll do everything, anything just to stop that contract signing.

------------------------->>>>>>>

Kating's POV

Naipagpasalamat ko na hinintay ako ni Mona para sabay kaming umuwi. Kailangan ko pang makipag - usap kay Nilo. Sabi niya sa Sofitel daw kami magkikita kaya makikiusap ako kay Mona kung puwedeng samahan niya ako. Pero naisip ko na munang dumaan kay tatay. Gusto ko munang makita kung anong lagay niya.

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Kapag nakapirma ka ng kontrata wala ng bawian ito," sabi ni Mona sa akin.

"Sigurado na. Malaking pera ang fifty thousand. Makakatulong na iyon kay tatay sa pagpapagamot niya. Saka katulad lang din naman iyon ng ginawa ko noon," sagot ko.

"Baliw! Magkaiba 'yun. Kahit papaano may damit ka dun'. Ngayon, talagang wala kang damit. Papakita mo 'yang boobs mo saka puwet mo," sabi pa niya.

Wala sa loob na tiningnan ko ang boobs ko. "'Yaan mo ng maglaway sila dito. At least totoo 'to," tumatawang sabi ko.

Dumiretso kami ni Mona sa ospital at naabutan ko si Aling Rose sa labas ng kuwarto ni tatay. Parang talagang hinihintay ako.

"Aling Rose, anong ginagawa 'nyo dito? Kamusta si tatay?" Tanong ko.

"Kating, may bisita kasi ang tatay mo." Sabi niya sa akin.

Napakunot ang noo ko. "Bisita? Sino daw?"

Umiling lang siya. "Pumasok ka na lang. Mukhang seryosong usapan, eh. Huwag ka na lang mabibigla," sagot niya sa akin.

Mahina akong napamura at mabilis akong pumasok sa kuwarto ni tatay. Para lang mapaatras ulit ng makilala ko ang taong naroon.

Si Mr. Alba! At ngayon may kasama siyang may edad na babae at isang dalagang babae na sa tingin ko ay matanda lang ako ng konti.

'Tang ina! Paano niya nalaman ito? Paano niya nakilala si tatay? Nakita kong malungkot na napatingin sa akin si tatay kaya mabilis akong lumapit sa kanya at nagmano.

"Anong ginagawa ninyo dito? Hanggang dito ba? Hindi ko ho kayo kilala, Mr. Alba. Hindi ho ako ang anak 'nyo kaya kung puwede lang umalis na kayo," seryoso kong sabi sa kanila. Alam ko kasing nai - stress ang tatay ko.

Nakita kong tuluyang napaiyak ang matandang babae at parang hindi napigilan ang sarili at mabilis na yumakap sa akin.

"Louraine," umiiyak na sabi nito at ang higpit - higpit ng yakap niya. Mabilis akong humiwalay sa kanya.

"Katrina ho ang pangalan ko. Huwag naman ho kayong manggulo dito, please lang. Kailangan hong magpahinga ng tatay ko," naiinis na ako sa kanila. Ano ba ang problema nila? Bakit ba nila ipinipilit na ako ang Louraine na iyon?

"Kating, tumigil ka na." Narinig kong mahinang sabi ni tatay.

Taka akong napatingin sa kanya. Bakit niya ako pinapahinto? Ginugulo kami ng mga taong ito! Hindi nga namin sila kilala.

"Gildo, sabihin mo sa kanya ang sinabi mo sa amin." Umiiyak na sabi ng matandang babae.

"Tay, ano ba 'to?" Naiinis na ako.

Naramdaman kong hinawakan ni tatay ang kamay ko. "Kating, alam mong mahal na mahal ka namin ng nanay mo. Ikaw ang nagpasaya sa amin. Pero ang totoo, sila ang mga magulang mo." Nakita kong bahagyang namasa ang mata ni tatay.

Ano daw? Sabog ba 'tong tatay ko sa gamot kaya kung ano - ano ang sinasabi?

"Anong sinasabi mo, 'tay? Nasaan ba 'yang mga nurse na 'yan. Baka nasobrahan ka sa gamot," inis na sa sabi ko at akmang lalabas pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Kating, totoo ang sinasabi ko. Sila ang magulang mo." Nakita kong napaiyak na si tatay. 'Tang ina. Si tatay, umiiyak! Ano ba ito?

"Tay, ano ba?" Naguguluhan na talaga ako.

"Kating, ipinanganak ka ni Mam Estela sa Batangas. Ako ang driver niya noon. Galing kami sa pinapagawa nilang bahay sa Anilao. Kabuwanan na ni Mam noon. Kasama namin si Nanay Helen mo. Pero ng pauwi na kami, biglang sumakit ang tiyan ni Mam. Wala kaming makuhang doktor kaya si Manang Saling ang nagpaanak sa kanya. Naunang lumabas si Louraine. Tapos ikaw. Pero wala kang hininga, Kating. Akala namin patay ka na," umiiyak si tatay.

Napatingin ako sa pamilyang nandoon at iyak ng iyak ang matandang babae.

"Ayaw na ni Mam Estela na malaman ni Sir Rod ang nangyari sa iyo kaya inutusan na niya akong ilibing ka na. Pero bigla kang umiyak. Umiyak ka, Kating. Wala kaming anak ni Helen. Matagal na namin gustong - gusto na magkaroon ng anak kaya nagdesisyon kami na huwag ng sabihin kay Mam Estela na buhay ka. Minahal ka namin ng parang tunay na anak namin, Kating." Umiiyak na sabi ni tatay.

"Mahal na mahal din kita, tay. Kayo ni nanay." Sabi ko. Pero ramdam ko ang bigat ng sinasabi ni tatay.

"Pero kami ang totoo mong magulang. Ikaw ang kapatid ni Louraine." Narinig kong sabi ni Mr. Alba.

"Umalis na kayo. Umalis na kayo dito," matigas kong sabi sa kanila.

"Kating, sila ang talagang magulang mo." Sabi ni tatay sa akin.

"Kayo ni nanay Helen ang magulang ko. Hindi ko sila kilala. Umalis na kayo dito!" Hindi ko na napigil ang hindi mapaiyak. Ano ba ito? Ang tanda ko na para sa mga ganitong drama. 'Tang ina. Pampelikula lang ito. Hindi ito puwedeng mangyari sa totoong buhay. Lalong hindi puwedeng mangyari sa buhay ko.

"Katrina -" ang matandang babae ang nagsalita noon.

"Utang na loob, umalis na kayo!" Hindi ko na napigil ang hindi mapasigaw kaya pumasok si Mona at Aling Rose.

"Come on, dad. Mom. Let's go. Let her process everything." Narinig kong sabi ng kasama nilang babae.

Alam kong ayaw ng matandang mag - asawa na umalis doon pero parang wala lang silang magawa kaya kahit napipilitan ay sumunod sila.

"Gildo, babalik kami. Babalikan ko ang anak ko." Sabi ni Mr. Alba.

"Huwag na kayong bumalik. Dahil kahit anong ipilit ninyo, iisa lang ang magulang ko. Pakisara ang pinto paglabas," nakatalikod kong sabi sa kanila. Hawak ko lang ang kamay ni tatay Gildo.

Tahimik na umalis ang tatlo.

"Kating, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi ang totoo sa iyo. Patawarin mo kami ni nanay Helen mo," umiiyak na sabi ni tatay.

Umiling ako. "Tay, hindi na natin ito pag - uusapan. Walang nangyaring ganito." Sagot ko sa kanya.

"Pero kailangan mong tanggapin ang totoo, anak. Sila ang totoong magulang mo."

Hindi ako sumagot at yumakap lang ako kay tatay. Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ito. Sa isang parte ng isip ko ay pilit na nagsasabing totoo ang lahat ng nangyayari. Pero ang gulo. Ang gulo - gulo.

Ngayon parang lumiliwanag sa akin kung bakit magkamukha kami ng Louraine na sinasabi nila. Kasi kambal kaming dalawa.

'Tang ina, talaga. Katarantaduhan ang nangyayaring ito. Ano 'to? Teleserye sa tv? Nobela sa pocketbook? Ako? May kakambal?

-----


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top