14.Same face

Kating's POV

     Kamukhang - kamukha ko talaga siya.  'Yung Louraine na sinasabi nila.  Pero sino ito? 

    "S - sir?  Sino 'to?  Magkamukhang - magkamukha kami," parang sa sarili ko lang iyon nasabi habang nakatitig ako sa litrato.

    Sumandal si Sir Lee sa driver's seat pero hindi man lang niya ako tinitingnan.

    "She was my wife," ramdam ko ang sakit sa pagkakasabi noon ni Sir Lee. 

     Wife?  Asawa ito ni Sir?  Kamukhang - kamukha ko ang dating asawa ni Sir?

     "It was so sudden.  She was suppose to attend our concert.  Sabi ko sa kanya noon huwag na siyang pumunta and just stay at home and wait for me," napahinga ng malalim si Sir Lee.  "But she insisted she needed to see me.  She wanted to tell me something.  A surprise." Pakiramdam ko parang sa sarili lang iyon sinasabi ni Sir Lee.

     "But she didn't come.  I was waiting for her," umiiling na sabi niya.  "Pero hindi siya dumating.  That was when her sister called me and told me what happened.  Her car was struck by a truck.  Nasunog ang kotse niya with her inside.  She didn't had the time to go out."

     Napalunok ako.  Pakiramdam ko ang bigat - bigat ng paligid namin.  Parang ang lungkot - lungkot.  Kasi ganoon ang itsura ni Sir Lee.  Ngayon ko naisip kung bakit siya laging tahimik, laging walang - kibo.  Lagi lang siyang seryoso.  Kasi meron pala siyang dinadalang mabigat sa dibdib niya.  Hindi ko man masabi sa kanya pero pakiramdam ko, sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng asawa niya.

     "Her parents doesn't like me.  Her father?  Sinusumpa ako noon dahil tinalikuran sila ni Louraine para sa akin.  She was a good daughter.  But she loved me so much.  He accepted me for who I am." Napayuko si Sir Lee.

     "S - sir, paanong nangyari na magkamukha kami?  Wala po akong kapatid," sabi ko.

     Tinitigan ako ni Sir Lee.  Hindi ko maintindihan kung bakit parang naasiwa ako sa tingin niya.  Kasi parang nanunuot sa pagkatao ko ang tingin niya o naasiwa lang ako kasi ang guwapo - guwapo niya?

     Umiling din siya at muling nagbaba ng tingin.  "I don't know," at huminga siya ng malalim.  "This is very hard for me.  For nine years, I was telling myself that Louraine is dead even if there is a tiny voice in my head that keeps on telling me that she is alive.  I know she's gone yet you are here."

     Nakita kong pinaandar ni Sir Lee ang makina ng sasakyan niya. 

    "I should bring you back.  Baka nagwawala na si Lester," sabi niya.  Kasi tumutunog na naman ang telepono niya. 

    Babalik kami sa office nila?  Baka nandoon na naman 'yung Mr. Alba.  Parang natatakot ako
doon kasi talagang parang siguradong - sigurado siya na anak niya ako.

    Wala kaming imikan ni Sir Lee habang bumibiyahe kami.  Medyo kalmado na siya.  Tahimik lang siyang nagmamaneho.  Hindi nga niya ako tinitingnan.  Ngayon ko lang napansin ang dami palang butas ng tenga ni Sir para sa hikaw.  Lima!  Pero wala namang mga hikaw na nakalagay.  Hindi ko makita ang mga tattoos niya sa braso kasi naka - suot siya ng suit.  Naka balumbon ang mahaba niyang buhok.  Man bun yata ang tawag doon nabasa ko sa dyaryo.  Kahit ganito ang itsura ni Sir, 'yung sasabihin ng iba na mukha siyang basura, hindi pa rin.  Kasi kahit na mahaba ang buhok niya, marami siyang tattoos, mukha pa rin siyang kagalang - galang kapag naka business suit siya.  Mukhang authoritative. 

     'Yung lips niya mapula din kahit madalas kong makita na may sigarilyong nakasubo doon.  Ang tangos din ng ilong niya.  Lalo ko yatang napansin iyon ngayong nagda - drive siya at naka - side view sa akin.  Kahit 'yung balbas at bigote niya ay parang ilang araw ng hindi inaahit, bagay pa rin. 

     Hindi ko namalayan na nandoon na kami sa tapat ng office nila. 

    "Tell Lester I can't come back today.  Tawagan ko na lang siya," sabi ni Sir Lee.  Hindi man lang niya ako tinitingnan.

     Dama kong parang gusto na niya talagang umalis ako kaya ganoon ang ginawa ko.  Mabilis akong bumaba sa kotse niya.  Pagkasara ko ng pinto ay mabilis niyang pinaharurot doon paalis ang kotse niya.

     Parang ayoko ng bumalik sa office ni Sir Lester.  Hindi ko kasi kayang humarap sa kanya.  Sigurado akong marami siyang tanong sa akin.  Ayoko ng dumagdag pa ito sa problema ko.  Hindi maganda ang lagay ni Tatay Gildo.  Tapos ito pa.  Sumasakit na ang ulo ko.

     "Miss Domingo, dumiretso ka daw sa office ni Sir Lester," iyon agad ang bungad sa akin ng security officer ng building na sumalubong sa akin.

     Napahinga na lang ako ng malalim at tumango.  Diretso ako sa elevator at pumunta sa office ni Sir Lester.  Wala naman si Miss Freda kaya kumatok na ako sa office niya.

     "Come in," narinig kong boses ni Sir Les.

     "Sir," sabi ko ng makapasok.  Naabutan ko si Sir na may ininom sa gilid ng office niya.  Tulad ng dati, uminom na naman ng shot alak.  Ganito ba katindi ang stress ng taong ito at kahit anong oras sa maghapon ay kailangan nito ng alcohol?  Pero naipagpasalamat kong siya lang ang nandoon.  Wala na si Mr. Alba.

     Tiningnan lang ako ni Sir Lester at napahinga ng malalim.

    "Sit down Katrina."

    Wow.  Parang nakakatakot.  Hindi Miss Domingo.  Tinawag niya ako sa first name ko.  Sinunod ko naman ang sinabi niya.

    "Are you okay?" Tanong niya.

    Tumango lang ako.

    "Where did my brother take you?"

    "Wala naman sir.  Nag - usap lang po kami." Sagot ko.   

    Parang naasiwa ako sa tingin ni Sir Lester sa akin.  Kasi tinititigan niya talaga ako.  Parang ina - assess ang itsura ko.

    "You know, I don't know what happened to my brother.  He is been gone for too long and I don't even expect him to be back into our family." Sabi ni Sir Lester.

     "But I don't know what will I do if his broken life affect our business.  My business," diniinan nito ang huling sinabi.  Parang inaangkin talaga nito ang business ng family nila.  "Mr. Alba is one of the main  investor of some of the buildings that are being built by LES Corporation."

     Hindi ako sumagot.  Nakatingin lang ako sa kanya.

    "And I don't intend to ruin my relationship with him because of the mess that my brother did," sabi niya at naupo sa harap ko.  "Mr. Alba thinks that you are his daughter.  What was that?  What happened?"

     "Sir, hindi ko ho talaga alam.  Ngayon ko lang po nakita ang Mr. Alba na iyon.  Hindi ko ho siya kilala. Gildo Domingo ang pangalan ng tatay ko.  Patay na ang nanay ko.  Helen Domingo ang pangalan niya.  Wala akong kapatid," sagot ko sa kanya.

      Hindi sumagot si Sir Lester.  Nakatingin lang siya sa akin.  Parang sinisiguro kung nagsasabi ako ng totoo.

     "I really don't know who is Louraine.  But I saw the pictures that Mr. Alba showed me.  You really look like her." Sabi pa ni Sir.

     "Hindi ko rin ho alam paanong nangyari iyon."

     Huminga ng malalim si Sir Lester.  "Mr. Alba will be back and he asked for a meeting with you tomorrow.  I want you to be here."

     "Pero sir, hindi ko ho siya kilala.  Hindi ko -"

     "I'll fire you if you don't say yes." Matigas na sabi niya. 

     Hindi na ako nakasagot.

     "What was my asshole brother thinking when she snatched you in front of us?  Napakagago.  Wala ng ginawang matino sa buhay niya ang gagong iyon.  Bakit pa kasi bumalik?"  Parang sa sarili lang iyon sinasabi ni Sir Lester.

     Nakita kong napatingin sa akin si Sir Lester at pinilit na ngumiti.  "I'm sorry about that.  Go.  Go back to your work."

     Walang imik akong lumabas.

    Kailangan ko ang trabahong ito lalo na ngayon na maysakit si tatay.  Sigurado naman ako na misunderstanding lang ito.  Maayos din ito.

---------------->>>>>

Lee's POV

     I went straight to Vlad's bar after I dropped Katrina in the office.  Vlad is there in the bar area checking their supplies.

     "You're early man," sabi niya sa akin at muling itinuon ang pansin sa ginagawa niya.

    "Beer," sagot ko sa kanya.

    Tiningnan niya lang ako at sumenyas sa waiter niya na bigyan ako ng hinihingi ko.

     "You look like a mess.  Nag - away na naman kayo ni Lester?" Tanong niya.

     Umiling lang ako.  "I saw Mr. Alba."

     Kita kong nagulat si Vlad.  "Louraine's dad?" Paniniguro niya.

    Tumango ako at inisang inuman ko lang ang beer na ibinigay sa akin.  "He saw Katrina." Parang wala sa sariling sabi ko.

    "No fucking way," huminto si Vlad sa ginagawa niya.  "What happened?"

    Umiling lang ako.  "He cried in front of her.  Telling her she was Louraine.  She was scared, man."

    "Dude, mukhang problema 'yan."

    Napahinga ako ng malalim.  "Bahala na sila.  I'll just do my job."

    "So hindi ka magtatanong kung bakit kamukha ni Louraine si Katrina?  I am sure Mr. Alba will do some digging para malaman niya ang totoo." Sabi ni Vlad.

    "Mas mabuti nga iyon.  Nang matapos na 'to.  I don't want to be in this mess.  Patahimikin na nila ang asawa ko," sagot ko sa kanya.

    "Lee, ikaw ang hindi nagpapatahimik kay Louraine.  Do you think she will be happy seeing you like that?  Pinabayaan ka lang namin but stop torturing yourself because of what happened to her. It was an accident.  It was not your fault that she is dead," sabi ni Vlad sa akin.

     "I just want to forget her," parang sa sarili ko lang sinasabi iyon.

     "You can't forget her.  Asawa mo si Louraine.  But what you need to do is to let her go and accept that she is dead.  It's already nine years.  Akala nga namin naka - move on ka na kasi nagka - gusto ka kay Maddie.  Kahit sino nga basta alam namin na magpapasaya ka okay na.  But I know ang mga babae mo, pampalipas oras mo lang ang mga 'yan.  Because until now you are hoping that Louraine will come back.  But she won't." Mahabang litanya ni Vlad.

     Tiningnan ko si Vlad at napailing ako.

    "How you become my friend?  'Tang ina minsan hindi ko alam kung sinong pilosopo ang sumasanib sa iyo," natatawang sabi ko.

     He gave me a dirty finger at pareho kaming napatingin sa dumating na babae.  Para pa kaming nagkagulatan ng makilala ko ang dumating.

     "Lei?" Anong ginagawa ng kapatid ko dito?  Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Lei ng makita ko.

     "Lee?!  Oh my god!" Bulalas niya at mabilis na yumakap sa akin.

     Napatingin ako kay Vlad at nakita kong umiwas siya ng tingin sa akin.  Nakita kong itinuon niya ang pansin sa ginagawang pag - iimbentaryo ng mga alak.

     "How are you?  You are looking good.  Hindi ka man lang dumadaan sa bahay," tonong nagtatampo si Lei.

     "Busy.  Marami palang trabaho sa company ni Lester," sagot ko.

    "Company ni Les?" Natawa si Lei.  "As far as I remember, si daddy pa rin ang sole owner ng company ng family.  Not Les.  Is that what he told you?"

     "It doesn't matter.  I'll be gone when dad comes back," sabi ko.  "What are you doing here?"

     "Oh, I need to talk to Vlad.  I am looking for a place kasi my client's corporate event.  Product launching.  Alam mo naman 'di ba nasa events ako.  So mag - o - ocular sana ako dito," sagot niya sa akin.

     "Wala kang assistant?" Tanong ko pa.

    "Padating na din.  Nauna lang ako.  Baka kasi sakaling maka - discount kay Mr. Frontman," nakangiting sabi niya at tumingin kay Vlad.  Kita ko ang pagkislap ng mata ni Lei.  Shit!  My sister is flirting with Vlad!

    Nakita kong ngumiti lang ng tipid si Vlad.  Strange.  Kailan pa parang nahiya sa harap ng babae si Vlad. 

     Narinig kong tumunog ang telepono ni Lei at tiningnan niya iyon.  "Ooops.  I'll be back.  Sasagutin ko lang ito." Paalam niya sa akin at lumabas para kausapin ang tumawag.

     "Do you need to tell me something?" Sabi ko kay Vlad.

    "What?  What do I need to tell you?" Taka niya.

    "Are you fucking my sister?" Seryoso kong tanong sa kanya.

     Nakita kong parang namutla si Vlad at napalunok.

    "What the fuck, man?  What the hell are you saying?"

    "I know you.  She is my sister, Vlad."

    Napailing si Vlad at napatawa.  "Lei and I are talking about business.  Ano ka ba?  Pati ba ako idadamay mo sa pagiging paranoid mo?" Tonong naiinis na siya.

    "I am just reminding you.  Baka makalimutan mo lang," seryosong sabi ko. 

    Binato niya ako ng beer can.  "Uminom ka lang.  On the house." Natatawang sabi niya.

    Hindi na ako kumibo.  I know something is going on.  Kilala ko si Vlad.  If my sister likes him, walang problema.  But I know Vlad.  He is not capable of staying in a relationship.  Tulad ko, may sariling problema din ang lalaking ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top