13.Son in law

Lee's POV

I saw Katrina went inside the building and followed my brother. I cannot talk to her anymore. Magtataka ang kapatid ko kung bakit ko kakausapin si Katrina. My family doesn't know Louraine kaya wala silang idea na kamukhang - kamukha ni Katrina ang asawa ko. Kahit sa picture hindi nila ito nakilala.

I stayed outside the building. I'll just wait for her. Alam ko wala akong karapatan sa kung anuman ang gawin niya. But I am concerned that she has the face of Louraine. Iyon yata ang hindi ko mapapayagan. Hindi puwedeng bumalandra siya ng hubad sa madla.

Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon. Nakita kong isang heavily tinted na blue Subaru Forester ang huminto sa harap ko. Sino kaya ito? Bagong engineer kaya?

Muntik ng mahulog ang sigarilyo sa bibig ko ng makita ko kung sino ang bumaba mula sa passenger side ng sasakyan.

'Tang ina. Anong ginagawa ni Mr. Rodolfo Alba dito? Anong ginagawa ng daddy ni Louraine dito?

Alam kong nagulat din siya ng makita ako. Nine years ago pa ng huli kami magkita. Doon sa burol ni Louraine. Pinabitbit niya ako sa mga security ng punerarya. I was banned to go there kahit na ng ilibing si Louraine.

"Mr. Alba," tanging nasabi ko. Kahit hindi kami magkasundo ng lalaking ito, marunong pa rin akong gumalang sa tatay ng asawa ko.

He looked at me from head to foot. Just like before, his face has full of disgust looking at me.

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin at dinukot ang telepono sa bulsa niya. Nag - dial doon.

"We are the -" hindi ko na naituloy ang sagot ko kasi mukhang hindi naman siya interesado sasasabihin ko.

"Lester, I am here." Narinig kong sabi niya sa kausap. He is talking to my brother? Wait? Kilala ni Lester si Mr. Alba?

Bumaling siya sa akin habang pinatay ang telepono. "I don't know what is your business here. But just like before, I still don't like you."

Nagkibit ako ng balikat at ipinagpatuloy ko ang paninigarilyo ko. There is no sense talking to this man. Kesa may masabi akong hindi maganda, I'll just shut my mouth. Mahal ko lang talaga si Louraine kaya kahit masama ang ugali ng tatay niya sa akin ay hindi ko na lang pinapansin.

"You are still the same. Adik. Walang pangarap sa buhay kundi 'yang pagbabanda mo. And I can't believe that there was a time in my life that you became my son in law. Hindi ko nga maintindihan kung anong ginawa mo kay Louraine at nagustuhan ka ng anak ko," sabi pa niya sa akin.

Napailing lang ako. Same lines. Just like before. Binitawan ko ang hawak kong sigarilyo at inapakan iyon.

"Kung hindi ka nakilala ni Louraine, her life won't be cut short. You made her rebel against us. She was a good daughter before she met you. It was your fault why she is dead now," matitigas ang mga salita ni Mr. Alba.

Gusto kong sumagot pero pinigil ko ang sarili ko. Hahaba lang ang diskusyon namin. Mr. Alba doesn't like me for her daughter. Alam ko naman iyon. Because like my father, durugista din ang tingin niya sa akin. Walang pangarap sa buhay. Kahit nga sabihin ni Louraine noon sa kanya na I was a dean's lister and graduated with honors, walang kuwenta sa kanya. Kasi hindi daw niya pinalaki ang anak niya para mapunta lang sa patapon na katulad ko.

"It's nice to meet you again, Mr. Alba." Sabi ko na lang. Ako na lang ang iiwas para wala ng gulo.

"Mr. Alba!" Boses ni Lester iyon.

Para yata akong biglang nanlamig ng maalala kong kasama nga pala ni Lester si Katrina.

At kitang - kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Mr. Alba ng makita niya si Katrina.

"Louraine?" Parang sa sarili lang niya nasabi iyon.

--------------->>>>>

Kating's POV

"Louraine?"

Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sino ang Louraine na sinasabi ng matandang lalaki sa harap ko. Pero wala namang ibang tao doon kundi kami lang ni Sir Lester.

Tiningnan ko ang matandang lalaki at nakatingin siya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala na nakita niya ako.

"Louraine?" Ulit niya at lumapit sa akin. Napaatras naman ako. Sino ba ang Louraine na sinasabi niya?

"Mr. Alba, she is my assistant Katrina Domingo. Who is Louraine?" Kita ko din ang pagtataka sa mukha ni Sir Lester at tumingin din sa akin.

"No. She really looks like my daughter," at tumingin ang matandang lalaki kay Sir Lee. "Lee, she really looks like Louraine," parang maiiyak pa ang itsura ng matanda. Tingin ko ay parang nagpapasaklolo ito na paniwalaan siya at si Sir Lee ang magpapatunay noon.

Nakita kong napatiim - bagang lang si Sir Lee. Seryosong - seryoso ang mukha niya. Para bang hindi siya natutuwa sa nangyayari.

Ako din naman. Hindi rin ako natutuwa sa nangyayaring ito dahil naguguluhan ako. Minsan na rin nila akong napagkamalan noon. Kasama ni Sir Lee ang mga kaibigan niya. Naalala ko tinawag din nila ako ng pangalan na iyon noong nag assist ako sa catering.

"Lee? What is this?" Takang - taka si Sir Lester.

Hindi sumagot si Sir Lee.

"Oh my god! Louraine!" Parang hindi na nakatiis ang matandang lalaki at mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Umiiyak na siya habang hindi ako binibitawan. Hindi naman ako makakilos kasi talagang nagugulat ako sa nangyayari.

"Mr. Alba please you are scaring her," si Sir Lee ang nagsabi noon at inawat si Mr. Alba sa pagyakap sa akin.

"Don't touch me! She is my daughter! She is my Louraine!" Parang nawawala na sa sarili ang matandang lalaki at hinahawakan ang mukha ko kaya mabilis akong umiwas. Natatakot na ako. Ano ba ito?

"Mr. Alba! She is not Louraine! Louraine is dead! My wife is fucking dead!" Malakas na sigaw ni Sir Lee.

Gulat akong napatingin sa kanya. Kitang - kita ko ang lungkot at galit sa mukha ni Sir Lee pagkatapos niyang sabihin iyon.

Sa pagkakataong iyon ay lumayo sa akin si Mr. Alba pero nanatiling nakatingin sa mukha ko. Umiiyak siya.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa braso ni Sir Lee at mabilis akong hinila paalis doon. Hindi na niya pinakinggan ang pagtawag ni Sir Lester sa kanya at pagtawag ni Mr. Alba.

"Sir," sabi ko dahil parang walang naririnig si Sir Lee. Dire - diretso lang kami sa parking papunta sa kotse niya.

"Sir Lee. Bitawan mo ako," sabi ko sa kanya habang pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya. Pero ang higpit noon. Binuksan niya ang kotse niya at sapilitan akong pinasakay. Tapos ay mabilis siyang sumakay sa driver side at mabilis na pinaharurot ang kotse paalis doon.

Ang bilis - bilis ng patakbo ni Sir Lee ng kotse niya. Walang tigil ang tunog ng telepono niya. Si Sir Lester ang tumatawag pero hindi niya sinasagot. Nakatutok lang ang paningin niya sa kalsada. Nakakatakot ang itsura niya. Para siyang kakain ng tao.

"S - sir, saan ho tayo pupunta?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Diretso lang siyang nagda - drive.

"Mr. Samson, saan mo ba ako dadalhin? Saka sino si Louraine? Sino ba 'yun Mr. Alba?" Tanong ko ulit.

Hindi pa rin siya sumagot. Lalo lang niyang binilisan ang patakbo ng sasakyan niya.

"Sagutin mo ako! Sino ang Louraine na iyon? Bakit sinasabi nung matanda na kamukha ko? Sino iyon?!" Hindi na ako nakatiis na hindi magtaas ng boses kasi natatakot na ako sa bilis ng patakbo niya ng sasakyan.

Nagulat ako ng bigla niyang ikabig pakanan ang kotse at biglang magpreno. Nakahinto lang kami doon at siya ay nanatiling nakatingin sa kalsada. Kita kong nanginginig siya.

Huminga ng malalim si Sir Lee at tumingin sa akin.

"Louraine was the daughter of Mr. Alba. She died nine years ago because of an accident," nakita kong dinukot ni Sir Lee ang wallet niya at binuksan iyon. May kinuha siyang isang litrato at iniabot sa akin.

Parang nanginginig din ang kamay ko ng abutin iyon.

Nakita ko sa picture si Sir Lee na nakaakbay sa isang babae. Luma na ang picture na iyon. Batang - bata pa ang itsura ni Sir Lee. Mahaba ang buhok niya na naka- pony tail lang. Wala pa nga siyang mga tattoo sa katawan. Nakangiti siya. Parang ang aliwalas ng mukha niya. Halatang masayang - masaya siyang kasama niya ang babae sa picture.

At ng titigan ko ang picture ng babaeng kasama niya ay para akong nakakita ng multo. Para kasi akong nakatingin sa salamin.

Kamukhang - kamukha ko ang babaeng kasama niya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top