11. Gravestone
Lee's POV
I need to get out of this place. Kailangan ko na munang magpalamig. Mamaya ko na kakausapin si Les kapag pareho ng malamig ang ulo namin. Naiinis ako sa sarili ko. I let my emotions controlled over me. I am a reasonable person at hanggang kaya kong magtimpi, iyon ang gagawin ko.
I told my secretary that I need to go out. Tawagan na lang niya ako kung may mga importanteng kailangang pirmahan. Pero saan naman ako pupunta?
I drove around because I have no where to go. I know my friends are busy with their lives. Lars is fixing some issues with Maddie. Nadadalas ang away ng dalawang iyon dahil sa desisyon ni Maddie na magtrabaho uli and Lars is totally disagreeing. Kyle is busy with Ciara. They need to catch up those years that they missed each other. Si Vlad naman siguradong busy sa mga babae niya. Sino kaya ang pinagkakaabalahan ngayon?
I found myself in front of the tomb of my wife. Good thing there is no one in the cemetery but me. When was the last time I visited her? I can't remember because this is the first time that I come here after she died. After so many years, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na puntahan ang puntod niya. First, I was banned by her family. Kahit sa wake niya hindi ako nakapunta. Second, hindi ko kaya na puntahan si Louraine kasi pakiramdam ko para na rin akong pinapatay dahil hanggang ngayon parang hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.
"Hi Lou. How are you?" I sat in front of her gravestone. Tinanggal ko ang mga dahon na naroon para makita ko ang buong pangalan niya.
Louraine Carol Ruiz Alba
Born: April 15, 1991 - Died: October 2, 2008
A daughter. A sister. A friend.
A wife. They forgot to put there that she was a wife to me.
Pakiramdam ko ay pinipiga ang dibdib ko habang binabasa ko ang nakasalulat na iyon sa lapida niya.
"Sorry if it took me nine years to visit you. I just don't have the courage to go here and see you. Kasi talagang parang isinasampal sa mukha ko na wala ka na."
Kung may nakakarinig sa akin, iisipin na nababaliw na ako kasi nagsasalita akong mag - isa. Pero wala akong pakielam. Doing this is giving me some peace.
"This is very hard for me. Because I keep on fooling myself that you are not dead. Iniisip ko na lang na itinago ka lang ng parents mo sa akin. Sana nga ganoon na lang ang nangyari. Sana nga nagtatago ka lang. But I know, you are not coming back," I felt a lump on my throat.
"I am lost, Lou. Eversince that you're gone. I don't know what else to do. My heart is full of anger. Pakiramdam ko sasabog na ako. It was only you that can calm me," sabi ko.
"I went home. Dad had a heart attack. Everybody was happy that I come back. Si dad, si mommy, su Lei. But my brother, you know my relationship with him. I lost it earlier, Lou. Muntik ko na siyang masaktan. Good thing Katrina was there." I took a cigarette from my pocket and lit it. Para kasi talaga akong kakapusin ng paghinga.
"She really looks like you, Lou. But I know she is not you. Ibang - iba ka sa kanya," at humithit ako sa hawak kong sigarilyo. "I miss you so much."
"Lee?"
Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Isang babae iyon at may bitbit na bulaklak. She is familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
"Lee, its me. Eunice. Adopted sister ni Lou," pakilala niya.
Yeah. Now I remember her. Minsan kasi isinasama ito ni Louraine noon kapag tumatakas siya sa parents niya. Hindi ko siya nakilala kasi ibang - iba na siya. Dalagang - dalaga na. How old is she now? Twenty - four? Twenty - five? Hindi naman sila nagkakalayo ng edad ni Louraine.
"What are you doing here? Parang ngayon lang kita nakitang dumalaw dito," sabi niya at inilapag ang bulaklak sa puntod ni Louraine.
"Ngayon lang nagka - time. Paalis na din naman ako," sabi ko. Baka mabanggit pa ni Eunice sa parents nila na nandito ako at baka pati pagpunta dito ipa - ban ako.
"Hey. I won't tell mom and dad that I saw you here. Saka ang tagal ng wala ni Lou," sagot niya sa akin.
"Dumaan lang talaga ako dito. Nice meeting you," pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Lee, why don't we have a coffee for a while? Hindi ka naman nagmamadali 'di ba?" Narinig kong sabi niya.
Napahinga ako ng malalim. Maybe that is a good idea. "Sure." Sagot ko.
May malapit na coffee shop ang sementeryo at doon kami nagpunta ni Eunice. The last time I saw her, napakabata pa niya. Ngayon dalagang - dalaga na.
"How are you?" Tanong niya sa akin. "Parang punong - puno na ng drawing ang katawan mo, ah. But its nice. Cool tattoos."
Tiningnan ko lang ang sarili ko at pinilit kong ngumiti. "I am fine. Ikaw? Dalagang - dalaga ka na. Last time I saw you sa wake ni Louraine, batang - bata ka pa," sabi ko. I know Louraine was three years older than her.
Natawa siya. "Yeah. 'Yung pinabitbit ka sa security nila daddy."
Natawa rin ako. Ayoko ng maalala iyon.
"You cannot blame our parents, Lee. They loved Lou so much kaya masakit sa kanila na mawala si Lou. Matatanggap pa nila kung sumama man siya na makipagtanan at magpakasal sa iyo pero 'yung bigla siyang mawala? That was too much for them. For us. Feeling nila daddy, you are the reason why It happened." Mahabang sabi ni Eunice tapos ay humigop sa kape.
Alam ko naman iyon. Kasi kahit ako, sinisisi ko ang sarili ko. Siguro kung hindi ako naging selfish, buhay pa si Louraine ngayon.
"But okay na iyon, Lee. We all healed and moved on. I think you should do the same. Stop torturing yourself," sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Am I torturing myself because of her death?
"It shows on you. Your face, there is an unexplainable loneliness. Your eyes, it shows dark emotions. Alam mo iyon. I think you are just breathing but deep inside you feel you are dead."
Napalunok ako. Eunice told me exactly what I really feel.
"Lou loves you so much. And I think if she is alive, she won't be happy seeing you like this. You are punishing yourself because of her death. It was not your fault."
Napailing ako at pinilit kong tumawa. "Talagang nagbago ka na. Dati puro mga crush mo lang ang naririnig ko sa iyo."
Tumawa din siya.
"Eunice, do you happen to know if Louraine has another sibling? A twin?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong.
Napakunot ang noo niya at umiling. "Nag - iisang anak lang si Lou. Three years old na si Lou ng ampunin nila ako. Kung meron man dapat nabanggit na nila dad sa akin iyon," sagot niya.
Napatango - tango lang ako. Puzzle pa rin talaga sa akin kung bakit magkamukha si Louraine at si Katrina.
"Why?" She took another sip from her coffee.
Umiling lang ako at ngumiti. "Nothing. I just thought I saw someone who look exactly like her."
Natawa siya. "You are just missing Louraine kaya tingin mo sa lahat ng mga babae kamukha niya. Lee, ikaw pa? Laman ka kaya ng social
media. Girls are dying to be with you."
Tumawa din ako. "Chismis lang 'yun."
Napahalakhak siya and it made me somehow happy. Seeing someone I know who is so close to Louraine.
"So, when is your next gig? Baka puwede naman akong manood," sabi ni Eunice.
"Papayagan ka na ba ng daddy mo na panoorin ang banda namin?"
"Sus. Tanda ko na 'no? Saka wala ng pakielam si daddy at si mommy sa akin. I am living on my own now. After Louraine died, medyo naging maluwag sila. Kasi ayaw nilang magrebelde din ako tulad ni Lou," sagot niya.
Napangiti ako. "We'll have a gig in Johnny's bar in two days. Just let me know if you're going para mai - reserve kita ng magandang seat."
Tumingin siya sa relo niya. "As much as I want to stay, magkikita pa kami ng boyfriend ko. It is so nice to see you again, Lee." Sabi niya at tumayo na at humalik sa pisngi ko.
"Nice to see you too, Eunice." Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang lumabas.
Hindi na rin ako nagtagal doon. Bumalik ako sa office at dire - diretso ako sa office ni Lester. Nakita kong napatayo ang sekretarya niya at agad akong pinigilan. Akala yata aawayin ko na naman ang kapatid ko.
"Sir, baka puwedeng sa ibang araw na lang kayo bumalik dito?" Sabi niya sa akin.
"I am not going to make a scene. Makikipag - usap lang ako kay Lester," mahinahon kong sabi sa kanya.
"Let him in, Freda." Nakita kong nakatayo sa may pinto si Les at seryosong nakatingin sa akin.
"Pero sir -"
"It's okay. Can you please check if nakauwi na si Miss Domingo? I want to talk to her before she goes home," narinig ko pang sabi niya.
Hindi nakaligtas sa akin iyon. Miss Domingo. That is Katrina. Why does he wants to talk to Katrina?
"What do you need?" Tanong ni Les ng makapasok ako sa office niya. Kalmado na rin siya. Hindi na mainit ang ulo katulad kanina. Mas maayos ito. Mas makakapag - usap kami ng maayos.
"I apologize for what happened earlier. It won't happen again," sabi ko. I'll be the one to reach out. Hindi ko naman ikayayaman kung makikipagmatigasan ako sa kapatid ko. "But next time, stop meddling with my affairs."
Napangisi si Les at umiling. "I'll stop meddling with your affairs kung maayos mong gagawin ang trabaho mo sa kumpanya ko."
"Hindi ko naman inaangkin ito, Lester. Hindi ako makikihati sa iyo. I am just doing what dad said. Kapag nakabalik na si daddy, then I'll be out of here. I have my own life to live." Sagot ko sa kanya.
"Fair enough. Just let me know all of your decisions bago ka mag - execute ng kung ano - ano para hindi tayo nagkakaproblema," sagot niya. "Do you have anything else to say? Marami pa akong gagawin." Alam kong gusto na niya akong umalis.
Gusto kong itanong kung bakit kailangan pa niyang kausapin si Katrina pero hindi na ako nagsalita. Ano nga bang pakielam ko sa kanila?
"I'll go ahead," sabi ko at tinungo ko ang pinto. Pagbukas ko ay nakita kong naroon si Katrina. Nagulat pa nga siya ng makita ako doon. Tapos ay nakita kong tumingin siya sa loob.
"Okay na kayo?" Tanong niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya at iniwan ko na. Baka hindi na naman ako makapagpigil at hilahin ko siya paalis doon. Mag - aaway na naman kami ni Lester.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top