3: BLACKAMOORLUNA

Hindi maaninag ni Ram kung sino ang nilalang na nakatayo sa harapan. Pilit na iminulat ng binata ang mga mata para masipat ito.

"I-ikaw?" saad n'ya habang lumilinaw ang paningin.

Hindi naman nagsalita ang kaniyang kaharap, matalim lamang itong tumitig sa kabuuan niya.

Nang tuluyan ng bumalik ang diwa saka lang napagtanto ng binata na ang nasa pagitan nila ng estranghero ay isang rehas.

Napabalikwas siya ng bangon matapos mapagtantong nakapiit siya.

"T-teka? Anong g-ginagawa ko rito?" gulat-tanong niyang sabi habang nakatingin sa estrangherong nasa labas ng rehas.

"Anong ginawa mo sa buhok mo?" taliwas na tugon-tanong ng lalaki.

"Huh?" saka lang napansin ni Ram na naging kulay ginto ang kaunting bahagi ng buhok niya sa bandang unahan. "A-ano to?" habang inaaninag ang buhok.

Ibinalik ng binata ang atensyon sa estranghero subalit wala na ito. "Sino ba ang taong 'yon?" bulong niya sa sarili.

"Kanina ka pa ba gising?" anas ni Kelsen mula sa likuran.

Ikinabigla ni Ram ng makita ang matalik na kaibigan kasama sina Dimo at Regor. Mas lalo siyang nagulat ng masilayan ang natamo ng mga kasama.

Doon ay naalala ng binatang minero ang nangyari. Nagkaroon ng paghugo sa kastilyo, pagtapos ay may nakita siyang kakaibang liwanag sa balon na bumulusok sa kaniyang katawan at sumabog kaya nawalan siya ng malay.

"Anong nangyari? Paano tayo napunta sa piitang ito?" Lumapit si Ram sa matalik na kaibigan. "Kumusta kayo ni Tatay Dimo?"

Hindi kumibo si Kelsen. Wala pa ito sa diwa dahil sa mga nangyari sa guhong kastilyo.

"Sinalakay kami ng Blackamoorluna," mahinang wika ni Regor habang iniinda ang mga tinamo.

"B-blackamoor-l-luna?" naguguluhan si Ram. "Sino ang mga 'yon?"

Tutugon pa sana si Regor ng biglang bumukas ang pintuan papasok sa piitan at iniluwa nito ang ilang kawal kasama ang isang ginoo na may napaka-eleganteng kausutan. Sa likod ng suot nitong makintab na kulay asul na linen ay nakaukit ang simbolo ng kaharian ng Hruween. Ang alakdan.

Napaatras sila ng makalapit ang mga ito.

"Magbigay galang kayo sa hari," utos ng isang kawal habang nakatingin ng matalim.

Maliban kay Dimo na paralisado ay agad yumukod ang tatlo ng mapagtanto na isang hari ang kanilang kaharap.

"Ikinalulungkot kong sabihin na pumanaw na ang dalawa niyong kasama," malumanay na introdaksyon ng hari.

Laking gulat ni Ram ng marinig iyon. Siya lang kasi ang hindi nakaalam sa nangyaring sagupaan sa guhong kastilyo.

"Ako si Haring Caesar ng Hruween, kaisa ng Realyansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa buong mundo, sumusumpa sa banal na karagatan ng Eloim Osean na kung hindi kayo magsasabi ng katotohanan ay papatawan ko kayo ng parusang kamatayan."

Nagimbal ang mga minero sa winikang iyon ng hari.

"Ngayon mga dayuhan, ihaharap kayo sa paglilitis upang ihayag ang inyong pakay sa guhong kastilyo ng dating protektor ang aking kaharian?"



----

Pag-alis ng hari at ng mga kasama nito ay napatanong si Ram sa mga kasama kung ano nga ba ang nangyari matapos ang pagguho.

Dahil doon ay nagbaliktanaw kay Kelsen ang lahat ng nangyari.

Bago nawalan ng ulirat ay naaninag pa ni Kelsen ang lalaking may ginintuang buhok kasunod ang puting liwanag na bumalot sa buong paligid.

"Protektor," inis na wika ng namumuno sa tatlong blackamoorluna.

Agad sumalakay ang tatlo ng makita ang protektor. Magkakasunod silang naglahad ng kanang kamay. Mula roon ay lumitaw ang itim na bilugang mahika at sa nasabing bilog ay unti-unting lumitaw ang maliit na ipo-ipo.

Gumapang ang tatlong maliliit na ipo-ipo sa lupa, nagkumpulan ito sa gitna hanggang sa maging-isa. Tumriple ang laki nito saka tumungo sa kinaroroonan ng protektor.

"Zirculo?" bahagya man ang pagtataka subalit sumilay pa rin ang ngiti sa labi ng lalaking may ginintuang buhok. Pagkalahad nito ng kanang kamay sa harapanan ng papalapit na ipo-ipo ay lumitaw naman ang puting zirculo o bilugang mahika.

Ang zirculo ay ginagamit ng isang protektor upang makapagpalabas ng kapangyarihan. Bilugang mahika ito na may iba't-ibang klase ng sinaunang letra at simbolo.

"Contra Moaroum."

Hinigop ng puting zirculo ng protektor ang dambuhalang ipo-ipo matapos bigkasin ang salamangka.

Kasunod noon ay mabilis na ibinaling ng protektor ang atensyon sa mga kalaban. Gaya ng dati, nakangiti nitong inilahad ang kamay sa tatlo saka muling nagbigkas ng salamangka.

"Claudicatis!"

Mula sa tinatapakan ng tatlo ay biglang lumitaw ang puting zirculo na nagpahinto ng paggalaw nila.

Nang hindi na makakilos ang mga kalaban ay doon na nagpakawala ng isang matinding salamangka ang protektor.

"Vocat Ingenti Virtute!"

Nagkaroon ng malaking zirculong kulay puti sa kanyang paanan. Mula roon ay gumapang ang puting enerhiya patungo sa tatlong lalaki na naging sanhi ng pagkalusaw ng katawan ng mga ito.

Sa lakas ng enerhiyang pinakawalan ng lalaking may ginintuang buhok ay nayanig ang buong guhong kastilyo. Napansin iyon ng mga kawal na nagbabantay sa palibot ng Hart kaya agad nilang tinungo ang lugar.

Doon ay naabutan ng mga kawal ang grupo ng mga minero na wala ng malay.




---

Kinabukasan ay agad kumalat sa buong lungsod ng Brein ang balita ukol sa nangyari sa lalawigan ng Hart.

Brein ang kapital ng Hruween. Sa lungsod na ito naglipana ang iba't-ibang uring mamamayan ng bansa simula sa pinakamayaman hanggang sa pinaka-aba kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ang nasabing lugar ang may pinaka-angat na populasyon sa buong kaharian. Sa pinaka-sentro ng lungsod nakatayo ang mismong palasyo ng hari.

Noong umagang iyon ay naghanda na ang kastilyo para sa paglilitis ng mga minero. Maliban kay Dimo na kasalukuyang nagpapagaling ay dinala sina Regor, Ram at Kelsen sa bulwagan ng hari para sagutin ang mga katanungan.

Nakaharap ang tatlo kay haring Caesar na nakaupo sa malaasul nitong trono. May tatlong tao na myembro ng konseho sa kanan ng hari na magsisilbing karagdagang tigahatol at tigapayo. Sa likuran, sa bandang kaliwa naman ay nakatayo ang isang punong kawal.

Sa magkabilang bahagi ng mga minero, tatlong metro ang pagitan ay nakaupo ang ilang kilalang personalidad sa bansa upang tunghayan ang paglilitis. Habang sa bawat sulok ng silid ay nakapustura ang mga bantay-kawal bilang paghahanda sa siguridad.

Maugong ang bulungan sa buong paligid ng sumenyas si haring Caesar tanda ng pagsisimula ng paglilitis.

Bigla silang nanahimik at ipinako ang tingin sa trono.

Muling sumenyas ang hari sa pinakamalapit na myembro ng konseho. Tumayo ang huli, binuklat ang hawak nitong talaan bago nagbigkas.

"Ang anim na nasasakdal ay minero galing sa Merad. Dalawa sa kanila ay namatay na, ang isa ay paralisado habang ang tatlo ay nasa ating harapan upang sumagot sa mga katanungan," dinako nito ang tingin sa mga nasasakdal. "Sa ngalan ng Hruween, kaisa ng Realyansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan ng buong mundo, sumumpa kayo sa banal na karagatan ng Eloim Osean na pawang katotohanan lamang ang inyong sasabihin."

Nakatanikala man ay itinaas pa rin ng tatlo ang kanilang kamay. "Sa ngalan ng Hruween, kaisa ng Realyansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan ng buong mundo, kami'y sumusumpa sa banal na karagatan ng Eloim Osean na magsasabi ng pawang katotohanan."

Pagkatapos ng litanyang iyon ay pansamantalang iginilid sina Ram at Kelsen sa tabi ng mga kawal. Naiwan si Regor sa gitna sapagkat siya ang unang sasagot sa mga tanong.

"Regor, ayon sa aming nakalap, mayroon kayong pahintulot na magmina sa kabundukan ng Shuldir, subàlit tila ata mali ang lugar na inyong pinuntahan?" tanong ni Ixor, unang myembro ng konseho.

"Ipagpaumanhin niyo ginoo, dahil sa hindi kami pamilyar sa lugar kaya kami naligaw ng pupuntahan," mahinahong sagot ni Regor.

"Hindi pamilyar?" Dudang sambit ni Mranyull, ikalawang myembro ng konseho. "Ayon sa talaan, Regor, labinglimang taon kayo ritong nanirahan ng iyong ina habang nagsisilbi siya bilang manggagamot sa Aiy at ikaw naman ay naging minero at mangangalakal sa probinsya ng Toss." paliwanag nito habang binabasa ang talaan. "Paanong hindi ka magiging pamilyar?"

Pinagpawisan ng bahagya si Regor. Samantalang sina Ram at Kelsen ay bahagyang nagulat. Hindi kasi nila akalain na tiga rito lang ang ginoo. Isa pa kaya pala marami-rami itong alam sa kasaysayan dahil dati itong mangangalakal.

"Bakit hindi ka makasagot?" singit ng mahal na hari sa tonong maawtoridad.

Nagsimula ng umusbong ang mga daga sa dibdib ng ginoo. "Kumalma ka." babala ni Regor sa sarili subalit kahit anong pilit niyang maging panatag ay hindi niya magawa. Alam niya sa sarili na sa isang maling sagot ay kamatayan ang naghihintay.

"Kinakausap ka ng hari, sumagot ka," anas ng ikatlong myembro ng konseho na si Dystro.

Tila napako na si Regor sa kinatatayuan subalit batid sa kaniyang imahe ang panginginig ng kalamnan dala ng matinding nerbyos.

"A-ang totoo po niyan, mahal na hari," naglakas loob ng magsalita si Ram.

"Tampalasan, hindi ka pa kina—" bago pa matapos ni Dystro ang sasabihin ay pinigil na siya ng hari.

Tumango kay Ram ang huli senyales ng pagpayag nito na makapagsalita siya.

Dali-daling lumapit si Ram sa tabi ni Regor. "Ang totoo po niyan ay wala kaming mapagpipilian kung hindi ang dumaan sa lalawigan ng Hart," pagsisinungaling niya.

Nagkatinginan naman ang hari at mga konseho.

"Sabihin mo kung bakit?"

"Mayroon pong humabol sa amin. Kung tatanungin n'yo kamahalan kung sino, hindi po namin kil—"

"Blackamoorluna," ani Regor na ikinabigla ng hari at mga konseho. "Nakasalubong nami sila noong malapit na kami sa sentrong minahan."

Nagkaroon ng maugong na bulungan sa silid dahil sa rebelasyong iyon.

"Blackamoorluna?" napa-isip si haring Caesar. "Alam mo ba ang sinasabi mo minero?"

"Nakasisiguro pa ak—kami," ani Regor na sinang-ayunan na lamang ng dalawang binata.

Umugong na naman ang bulungan sa buong silid. Ang ilan ay tila natakot sa mga nabalitaan.

Iniaangat ng hari ang kaniyang kamay senyales na tumahimik ang lahat.

"Kalapastanganan sa Hruween ang inyong sinasabi dahil maaaring magbigay takot ito sa mga tao," may diing sambit ni Dystro. "Mahal na hari, malinaw na gumagawa lamang sila ng kwento."

"Nagsasabi po kami ng totoo," naglakas loob na rin si Kelsen. Gumitna ito sa mga kasama bago nagpatuloy sa sinasabi. "Inatake kami ng mga lalaking may marka sa leeg. Trianggulo na may nakaukit na buwan, ginamitan nila kami ng kakaibang kapangyarihan na ikinamatay ng dalawa naming kasama. Paniwalaan niyo po kami mahal na hari." nanikluhod na ang binata.

Sa sinabing iyon ni kelsen ay hindi na napigil ang takot ng mga taong nakarinig. Batid kasi ng nakararami, lalo na ng mga mamayang nabibilang sa mataas na antas ng pamumuhay ang tungkol sa Blackamoorluna.

"Totoo nga ang bali-balita na nagbalik na ang Blackamoorluna," anas ng isang saksi.

"Paano na tayo niyan?" ang isa pang babaeng saksi.

"Wala pa namang permanenteng protektor ang ating kaharian, paano na nga tayo?" ang isa pa.

Naalarma ang karamihan na nagdulot ng paglakas ng mga bulungan. Dahil doon ay sumenyas ang hari sa unang konseho.

"Katahimikan sa lahat!" bulalas ni Ixor. "Wag po tayong mangamba, ito ay kwento lamang na wala pang kasiguruhan. Magbabalik po ang paglilitis mamaya dahil magpupulong lamang ang mga konseho kasama ng ating hari."

Magkakasunod na lumabas ng bulwagan ang hari, mga myembro ng konseho at mga nasasakdal. Naiwan namang ang mga saksi sa pagpapalitan ng mga kuro-kuro ukol sa mga narinig ng bawat isa.

Kinse minutos ang lumipas bago bumalik ang lahat sa bulwagan ng paglilitis.

"Nakapagpasya na ang buong konseho at ang hari," sabi ni Ixor habang binubuklat ang talaang hawak. "Ang hinayag ng mga dayong minero tungkol sa balitang may gumagalang blackamoorluna sa ating kaharian ay pawang mga kasinungalingan."

Hindi makapaniwala ang tatlo sa kanilang narinig.

"Maraming kawal mula sa probinsya ng Toss, Nus, Shuldir at lalawigan ng Hart ang nagsasabi na hindi ito totoo," pagpapatuloy ng unang konseho.

Umugong ang positibong bulungan ng mga tao habang ang tatlong minero ay hindi alam ang itutugon.

"Bilang kaparusahan sa hindi pagsasabi ng katotohanan, sa kabila ng inyong sinumpaan, kayo ay pinapatawan ng hari ng parusang kamatayan sa papamagitan ng pagpugot ng ulo."

Nanlaki ang mata nina Ram at Kelsen samantalang si Regor ay napatikom na lamang ng bibig at napayukod. Alam ng ginoo na wala na siyang magagawa. Ito na ang katapusan nila.

"Mahal na hari, nagsasabi po kami totoo—" sigaw ni Kelsen na napapaluha na. "Maawa mo kayo sa amin!"

"Pugutan ng ulo ang mga 'yan!" sigaw ng mga tao.

"Kasalanan mo ito, kung hindi ka nagpumilit sa mga plano mo, hindi ito mangyayari," bulong ni Ram kay Regor habang hinahatak sila ng mga kawal papunta sa labas ng kastilyo.

Hindi pa man nakalalabas ng kastilyo ay natigilan na ang lahat ng may lalaking pumasok mula sa malaking pintuan na siyang daraanan nila palabas patungo sa entablo ng paghahatol.

Napayukod ang mga konseho ng makita ang lalaki. Maliban sa hari, ganoon na rin ang ginawa ng mga tao sa loob ng silid.

Marahang lumakad ang lalaki patungo sa kinaroroonan ng hari. Nang makalapit na ay inayos nito ang suot na salamin kasunod ng pagpihit pababa ng magara nitong kasuotan na may pakpak ng paru-paru sa likuran na siyang simbolo ng Merad. Maiksi ang buhok nito sa harapan subalit may tatlong pulgadang malagintong pabuntot na buhok sa likod na parang winawasiwas sa tuwing naglalakad.

Niluhod nito ang isang tuhod at yumukod sa hari. "Pagbati mula sa kaharian ng Merad, haring Caesar,"

"Pagbati mula sa kaharian ng Hruween, protektor Voldibur," tugon ng hari na ikinagulat ng lahat. Madalang lamang kasi na makakita ng protektor ang mga tao.

Nang tumayo si Voldibur ay nagsunuran na rin ang mga tao sa paligid. Natahimik ang lahat habang nakatingin dito.

"Salamat sa pagpapaabot ng mensahe kahapon tungkol sa mga Meradian na lumabag ng inyong batas. Naatasaan ako ni haring Valthazar na sunduin ang mga minerong iyon," Turo niya sa tatlo habang ang tingin ay nasa hari. "Iminungkahi ng aking hari na kami ang magbigay ng parusa sa kanila."

"Kamahalan, 'wag kayong pumay—" giit ni Dystro na hindi na natapos sapagkat sinaway na siya ng hari.

"Naiintindihan ko ang nais ni haring Valthazar, subalit lumabag ang mga minerong iyan sa aking batas, kaya marapat lamang na ako ang humatol sa kanila."

"Tama," segunda ng mga myembro ng konseho.

"Ayaw mo naman siguro na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang Hruween at Merad, mahal na hari?" Diretsong saad ng protektor.

Napa-ismid si haring Caesar sa sinabing iyong ng kausap. "Tampalasang protektor," bulong niya sa sarili. "Hangad ko ang kapayapaan sa pagitan ng bawat ng realms. Kaya sumasangyon ako sa mungkahi ni haring Valthazar," napipilitan nitong bigkas. "Alam kong magiging patas ang hatol niya sa mga taong nagkasala sa batas,"

"Makakaasa kayo, mahal na hari," malugod na tugon ni Voldibur.

Nagkatinginan na lang ang mga konseho, nagkaroon din ng mga bulungan ang mga taong nakasaksi.

"Bilang paggalang sa inyong batas, iiwan ko ang isa sa mga minero, kayo na ang bahalang magparusa sa kaniya," saka nito nilapitan si Regor at itinulak palapit sa hari.

Natapos na payapa ang usapin noong umagang iyon. Magkakasabay na lumabas ng palasyo sina Dimo, Kelsen at Ram. Inabangan naman sila ni Voldibur malapit sa unang entrada.

Walang ideya ang mga minero sa mga kaganapan pero sumunod na lang sila sa agos ng mga pangyayari. Ang mahalaga, maharil sa ngayon ay ligtas na ang kanilang buhay.

"Ginoong Dimo, maayos na ba ang lagay mo?"

Nakangiting tumango ang ginoo sa protektor. Hudyat na maayos na ang lagay nito. Nilapatan kasi siya kanina ng salamangka kaya mabilis na bumuti ang kaniyang pakiramdam.

Maaari na kayong sumakay ni Kelsen kay Myrlldrago," anas ng protektor matapos maituro ang dambulang dragon na nasa kanan lamang nila.

Namangha ang tatlo ng makita ang manilaw-nilaw nitong balat na nangingintab. Hindi napigilan ng tatlo na himasin ang dragon. Ngayon lamang kasi sila nakakita ng ganito kalaking hayop. Mukha man itong mabangis at nakakatakot, maamo naman pala ito.

"Ikaw Ram, sumama ka sa akin,"

"A-ako?"

Tumango lang ang protektor. Saka sinenyasan ang dragon na lumipad pagkasakay ng mag-ama.

Hindi nila masundan ang mga nangyayari subalit hindi na nakuha ng mga minero ang magtanong pa.

Nang mawala na ang dragon sa paningin ni Voldibur ay iniangat nito ang kanang kamay.

"Rodria!"

Walang anu-ano'y biglang lumitaw sa kung saan ang isang nanilaw-nilaw na tungkod. Sa dulo ng tungkod ay nakabaon ang isang uri ng mamahaling bato na hugis bilog at kulay dilaw rin.

Hindi man ipinahalata, namangha talaga ang binata sa nasaksihan. Mahirap iproseso sa kaniyang utak ang mga nangyayari ngayon.

Minasdan niya lang ang ginagawa ng protektor.

"Set Hunc Locum."

May malaking puting zirculo na lumitaw palibot sa kanilang tinatapakan. Nang ipalo ng protektor ang dulo ng tungkod sa kanilang paanan ay bigla na lamang silang naglaho na parang bula.




---

SERIHCH

Ang Serihch ay pangalawa sa pinakamalaking realm at pinakamayang sa labingdalawa. Nakapwesto ito sa timog na bahagi ng Eloim Osean.

Ang hari at protektor ng Serihch na si Cazmir ang namumuno sa Realyansa.

Ito ang alyansang itinatag ng mga hari at protektors. Nagsimula ito matapos mangyari ang karumaldumal na pagkasunog ng bayan ng mata. Ayaw ng maulit ng lahat ang ganoong pangyayari kaya nagdesisyon ang labingdalawang kaharian, sa pangunguna ng ama ni haring Cazmir, na magtatag ng liga na mangunguna sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa buong mundo. Tinawag itong Realyansa na ang kahulugan ay alyansiya ng bawat realms.

"Kamahalan narito na po ang librong kailangan nyo," Iniabot ni Devini ang makapal na pulang libro at ipinatong ito sa iba pang aklat na binabasa ng hari.

"Salamat," matapos ma-iabot ay bigla nalang naglaho si Devini.

Binuksan ni Cazmir ang pulang libro at hinanap ang pahina na nais makita. Matapos mabasa ang hinahanap ay agad siyang bumalik sa sariling silid na nasa pinakatuktok ng kastilyo.

Pagdating sa silid ay nagtungo ang hari sa malawak na paraluwangan na nasa bandang kanan saka nagbigkas ng ilang katagang may kinalaman sa salamangka.

Mula sa harapan ay unti-unting nabuo ang anyong ibon na labing-isa ang bilang. Matapos bulungan ang mga ibon na nagliliwanag ay sabay-sabay itong lumipad sa kalangitan bago tuluyang maglaho.



---

Nagtipon sa isang tagong gusali ang mga taong nakaitim na balabal. Lahat sila ay may marka sa leeg na simbolo ng kanilang samahan. Trianggulong-buwan o mas kilala sa tawag na Blackamoorluna.

Sa gitna ng silid ay may isang imahe na gawa sa itim na tanso. Anyong ahas ito, may malalaking pangil na nakalawit gaya ng dilang halintulad din sa ahas. Meron din itong napakahabang pabilog na sungay.

Nakakatakot ito kung susumain. Pero ang mga nasa loob na sumasamba rito ay tuwang-tuwa pa. Nakakakilabot ang kanilang mga tinig habang pinupuri nila ang ulo ng imaheng may malademonyong anyo.

Nanahimik ang mga tao ng lumabas.ang isang matangkad na lalaki mula mismo sa nakangangang bibig ng sinasamba nilang imahe. Seryoso at may kaunting kulobot ang mukha nito. Matalim ang mata, maangas ang tindig at halatang may ibubuga sa larangan ng pakikipaglaban. Nasa edad kwarenta na ito kung titingnan.

"Ako si Josef Demambro, anak ni Oldnick Demambro na nagtatag sa Blackamoorluna," Lumibot ito ng tingin. "Ako na ang bagong mamumuno upang tupdin ang nasasaad sa kasulatan, makaasa kayong hindi na tayo mabibigo."

Naghiyawan ang mga taong nakaitim.

"Magbunyi tayo sapagkat nalalapit na ang pagsapit ng Kradluna!" Itinaas ni Josef ang kaniyang mga kamay. "Mabuhay ang Blackamoorluna! Mabuhay ka Ysbbah ang panginoon ng kadiliman!"

"Mabuhay ang panginoon ng kadiliman!"

Umalingawngaw ang sigaw ng kadiliman sa lugar na'yon na para bang binababalaanan ang mundo sa paparating na matinding kaguluhan.




~~~

Contra Moaroum: Derived from the latin words, "Counter attack". It is use and effective for destroying others chants.

Claudicatis: Latin word means; To halt or to stop. Its a stunning/stopper spell. Use to harden the action of any living things.

Vocat Ingenti Virtute: Means, "I summon great power". It's a very dangerous and destructive spell. It can both destroy and kill all the enemies in one strike.

Set hunc locum: A latin words means; set forth this place. It's a teleportation chant. Use for instant transit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top