10: MANSON
Ayon sa tala ng kasaysayan, noong panahon ng Ylziemt (dakilang-ninuno) ay may limang angkan na siyang naging pundasyon ng mundo upang mapabilis ang pag-unlad ng sibilisasyon.
Isa sa lima ay ang angkan ng Manson.
Nakilala ang Ylziemt Manson bilang unang mangangalakal. Sa kasalukuyan naman ay tanyag ang nasabing angkan dahil sa pagiging relihiyoso nito.
Bukod sa pakikipagpalitan ng mga kalakal, bago ang Oldnick-era ay nagsimulang magpalaganap ng ebanghelyo ang Manson. Marami itong ipinatayong templo sa iba't-ibang panig ng daigdig at nagpasimula ng pagbibigay samba sa Manlilikha sa loob ng templo. Bago kasi no'n ay kung saan-saang lugar lamang nagbibigay papuri kay Eliah ang mga tao.
Malaki ang naging kontribusyon ng angkang ito sa pag-unlad kaya labis silang minahal ng marami.
Si Anton Manson ay huling tagapagmana ng angkan na nabubuhay sa kasalukuyan.
Taliwas sa akala ng mundo, pitong taon pa lamang ay lihim na siyang inihandog ng kaniyang ama upang pagsilbihan ang blackamoorluna.
Sa murang edad ay minulat na si Anton sa lahat ng klaseng karahasan ng lingid sa mata ng mga nakakikilala sa kanilang pamilya.
Nang magkaroon na ng sariling pamilya, bago mamatay ang amang si Dooke Manson ay ipinasa nito sa kaniya ang pinakatatagong lihim ng pamilya. Isang bagay na tanging Manson lamang ang maaaring magtaglay.
Kapalit ng bagay na iyon ay inalay niya ang buhay ng nag-iisang anak.
Hindi natanggap ni Magden (asawa ni Anton) ang nangyari sa kanilang anak kaya nagpakamatay ito.
Magmula noon, maliban sa karahasan ay wala ng natirang pagmamahal sa puso ni Anton. Malugod na tinanggap ng lalaki ang anumang iniatas sa kaniya ng kadiliman subalit wala pa rin ideya ang mundo tungkol dito.
-----
Probinsya ng Kaveyj.
(Ozhgo Realm)
Sa pangunguna ni Saulo, ay sinuyod ng mga kawal ang kabundukang nakapalibot sa probinsya sa paniniwalang naroon lamang nagkukubli ang mga dumakip sa mamamayan ng probinsya.
Wala si Deitrich sapagkat pansamantala itong nagbabawi ng lakas matapos gawin ang malaking kalasag sa palibot ng buong Ozhgo.
Pinaalalahanan ng protektor ang lider na si Saulo na sa oras na makita nila ang pinagkukublihan ng kalaban ay tantyahin ang anumang magaganap.
"Kapag naramdaman mo na dehado ang mga kawal, 'wag kang magdalawang-isip na umatras. Hindi mo kailangang isa-alang-alang ang buhay niyo sa panganib. Maaaring gamitan nila kayo ng salamangka, tiyak na wala kayong laban," Baliktanaw ni Saulo habang seryoso sa paglalakad sa gitna ng masukal na kabundukan.
Napahawak ang lider ng tigapag-imbestiga sa kaniyang baluti at muli na namang nagbaliktanaw.
"Sa ngayon ikaw lamang ang kaya kong mabahaginan ng enkantasyon." bumulong si Deitrich sa hangin bago ilapat ang kamay sa dibdib ni Saulo. Nakaramdam ng kakaibang init ng katawan ang huli kasabay ng paglalaho ng asul na liwanag na bumalot sa katauhan nito. "Kahit papaano ay mayroon kang proteksyon dahil sa ginawa kong labas na pananggalang."
"Patnubayan niyo kaming lahat Eliah," bulong sa sarili ng ginoo.
Nang sumapit ang gabi ay bumalik ang grupo ni Saulo sa baryong sinalanta ng kaaway upang pansamantalang makapagpahinga.
Kasama ang ilang matataas na kawal saglit silang nagpulong sa isang silong para paghandaan ang bukas na panunuyod sa iba pang parte ng kabundukan.
"Nalibot na namin ang apat na bundok sa bahaging timog na nakapaligid dito sa probinsya," Itinuro ni Bod ang bahagi ng mapa na nasa maliit na mesa.
"Kami rin pinunong Saulo ay nasuyod na namin ang mga kabundukan at mga kweba sa bandang silangan ng probinsya," ani Al.
"Ganun din kami," segunda ni Parok
"Nasaan ang grupo ni William na lumibot sa bahaging Kanluran?" tanong ni Saulo.
"Hindi pa bumabalik pinuno."
Ilang segundo pa lang ang nakalilipas ay biglang may dumating na kawal na hapong-hapo.
"Pinunong Saulo, masamang balita!" pasigaw na anas ng kawal na kararating lang at humihingal-hingal pa. "Sinalakay kami! Ang lahat ng kasama ko kabilang si ginoong William ay nasawi!"
Nagulat ang lahat sa narinig.
"Ga'no karami ang sumalakay?" mahinahon man subalit kita ang naghahalong kaba at galit sa tanong ni Saulo.
"Iisa lang po!"
"Mahika," bulong ng lider.
"Kulay asul ang buhok at may pilat na ekis sa kanang bahagi ng mata ang lalaking sumalakay sa amin," pagsasalaysay ng humahapong kawal.
"Ano ng gagawin natin, pinuno?" tanong ni Bod.
"Kailangan nating mahuli ang taong 'yon!" galit na sabi ni parok habang ihinahampas ang sandatang hawak.
Sumang-ayon ang karamihan sa sinabi ng kawal kaya nag-ingay ang mga ito hudyat na nais nilang sumalakay. Wala namang kibo si Saulo sapagkat tinitimbang niya ang mga nangyayari. Ayaw ng ginoo na marami pang masawi.
"Pinunong Saulo, kung hindi pa tayo kikilos ngayon ay baka marami pang mabiktima ang kalaban at maaaring hindi na natin mailigtas ang mga mamamayan," gatong ni Al na sinang-ayunan din ng lahat.
Wala ng nagawa si Saulo. Ayaw niyang mapahamak ang bawat isa subalit ayaw niya rin pigilan ang silakbo ng damdamin ng mga kasama. Isa pa, isa sa sinumpaan nilang tungkulin ay ang ipagtanggol ang Ozhgo laban sa anumang kasamaan.
"Tipunin ang lahat ang kawal at ngayon ay tutungo tayo sa lugar kung saan nangyari ang engkwentro!"
Habang tinitipon ang mga kawal ay gumawa ng mensahe si Saulo. Inilagay niya iyon sa kahang nasa paanan ng agila saka pinalipad patungo sa kastilyo ng hari.
"Pinunong Saulo nakahanda na po ang lahat."
Nang matipon na ang lahat ay malakas na nagsalita ang pinuno. "Makinig kayo, maaaring ang gabing ito ay ang huling gabi nating lahat, ang sinumang natatakot kay kamatayan ay maaari ng umuwi, walang sinoman ang manghuhusga sa inyo," ilang segundo siyang nanahimik at naghintay kung mayroong aatras subalit ang lahat ay desidido. "Kung ganoon," Binunot ni Saulo ang espada, "Sa ngalan ni Eliah at ng kaharian ng Ozhgo, kaisa ng realyansa sa pagpapanatali ng kapayapaan at katahimikan ng buong mundo, pinagpapala ko kayo magigiting na mandirigma! Lalaban tayo hanggang kamatayan!"
Umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw ng pag-asa at tagumpay.
---
Sa isang malaking yungib, ilang kilometro ang layo sa kinaroroonan nina Saulo ay nakapiit ang mga mamamayan ng baryong sinalakay noon ng mga kalaban.
Maliban sa pitong buntis na nalahiwalay ay nagsisiksikan sa maliit na piitan ang halos dalawang-daang katao
"Pinunong Anton, papunta na rito ang mga kawal," wika ng isa sa myembro ng blackamoorluna.
Ngumiti si Anton sa kausap katulad ng madalas nitong ginagawa. "Gaya ng plano, sa oras na marating nila ang bundok ay pakakawalan ang mga bihag maliban sa pitong nagdadalang tao," Lumapit ang ginoo sa mga buntis na nakabukod ng piitan. "Sila lang ang pakay natin."
"Masusunod po!"
Samantala, sa wakas ay narating na ng pangkat ni Saulo ang nasabing kabundukan.
Habang nakasakay sa kabayo at hawak ang mga sulo ay sinuyod nila ang masukal na bundok.
Hindi pa man sila nagtatagal sa lugar na iyon ay nakarinig agad ang lahat ng yabag. Palakas ito ng palakas habang lumalapit.
"Mga tao!" sigaw ng isang kawal matapos maulingan ang hindi bababa sa limang katao na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan nila.
Parami ito ng parami.
Sampu.
Tatlumpu.
Animnapu.
Hanggang sa daan-daan na.
Takot ang mga imahe ng mga tao habang tumatakbo pasalubong sa direksyon ng mga kawal na naguguluhan.
"Ano to?" nagtatakang sabi ni Saulo habang sinusundan ng tingin ang ilang taong nakalampas na sa kanila.
Bumaba ng kabayo ang ginoo at hinarang ang isang lalaking takot na hinihingal sa pagtakbo. "Anong nangyari? Magsalita ka?"
"A-ang mga naka-itim na tao- pinalaya kami mula sa yungib sa gitnang bundok," Nagpumiglas ang lalaki at dali-daling kumaripas ng takbo.
"Pinalaya?" hindi maganda ang kutob niya. "Anong binabalak ng kalaban?"
Pinahinto ni Saulo ang buong pangkat at kinausap. Maliban kina Bod, Al at Parok ay pinabalik niya ang lahat upang alalayan ang mga taong nakalaya pabalik sa baryo na nasa ibaba ng bundok.
Tinungo naman nilang apat ang sinasabing yungib na pinagkukublihan ng kalaban.
Nang matunton ang kweba sa gitna ng bundok ay agad nilang tinahak ang loob nito.
Sinalubong sila ng ilang blackamoorluna at nagkaroon ng sagupaan.
Si Saulo at ang tatlong kasama ay kabilang sa magigiting na mandirigma ng Ozhgo kaya naman mabilis nilang nasupil ang mga kalabang nasasalubong. Sa kabutihang palad ay hindi sila nakakaengkwentro ng blackamoorluna na mayroong mahika kaya mabilis silang nakarating sa pinakadulo ng kweba.
Agad nakita ni Saulo ang pitong babae na nagdadalang tao na nakakulong sa isang kahoy na piitan.
Lalapit sana sila ng matanaw ang isang lalaki na nakatalikod sa kanila at nakaharap sa mga buntis
"Magsalita ka! Anong pakay mo sa mga babaeng 'yan!" singhal ni Saulo na nakahanda rin sa anumang pagsalakay.
Lumingon ng marahan si Anton at ngumiti ng humarap sa kanila.
"Ginoong Anton?" gulat na sabi ni Saulo. Kaya pala pamilyar sa kaniya ang paglalathala ng kawal kanina. Si Anton lang ang kilala niyang tao na may pa-ekis na peklat sa kanang mata. "Paano? Bakit?"
Ngiti lang ang itinugon ni Anton.
"Magbabayad ka!" sigaw ni Bod na agad itong sinugod. Hindi na naawat pa ni Saulo ang kasama.
Mabilis na iwinasiwas ni Bod ang espada at magkakasunod na inatake ang huling Manson. Nakangiti naman ang huli habang madaling iniiwasan ang mga pag-atake.
Nang makita ni Al na dehado ang kasamahan ay sumalakay na rin ito.
Magkasabay nilang sinugod si Anton na madali lang nakakaiwas sa mga atake nila.
"Hindi 'to maaari? Paanong si ginoong Anton?" ani Saulo sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita. Paaanong nangyari na ang nangunguna sa pagsamba sa templo kay Eliah ay bahagi ng pangkat ng blackamoorluna na siya namang napapalaganap ng kasamaan sa mundo? Maraming katanungan ang nabuo sa kaisipan ng pinunong kawal.
Hindi niya namalayan na bumagsak na sa lupa si Bod at nawalan ng buhay matapos makatamo ng matinding pinsala sa dibdib.
Nang masaksihan iyon ng mga buntis ay nagtilian ang mga ito dahilan para mabalik sa diwa si Saulo.
"Bod!" Patungo na si Al sa kasamahan ng mahawakan siya ni Anton sa kanang braso.
Mabilis na pinihit ng huli ang kanang braso ni Al dahilan para madurog ito. Napahiyaw siya sa sakit dahil doon. Pinilit kumawala ng kawal subalit mahigpit ang pagkakahawak ng kalaban sa nadurog niyang braso. Ngumiti si Anton at minasdan si Al saka mariing itong hinatak.
Tumilapon sa malayo na kanang braso kasabay ng nagtalsikang mga dugo. Mas lalo namang napahiyaw si Al. Habang tinatakpan ang dugong tumatagas.
"Parok, pakawalan mo ang mga babae," mahinang sambit ni Sualo sa katabing kawal saka siya tumungo sa kasamahang na nakikipagsagupa.
"Bakit mo ito ginagawa ginoong Anton? Hindi ba't tigapaglaganap ang mga Manson ng ebangleyo ni Eliah? Bakit ka sumapi sa kalaban?" tanong ni Saulo. Alam niyang malabong makakuha ng sagot subalit nagbabakasakali siya na malaman ang totoo.
Kumorte ang ngiti sa labi ni Anton saka nagsalita. "Tigapaglaganap ng ebanghelyo ni Eliah?" nagpakawala ito ng malakas na halakhak. "Ang mga kagaya n'yong mangmang ay dapat ng mawala sa mundong 'to!"
"Walang hiya ka!" muling umatake si Al gamit ang natirirang braso. Paghiwa nito ng espada ay tumalon si Anton patungo sa likod at saka mabilis na humawak sa isa pang braso at hinatak itong muli ng ubod lakas. Nagtalsikan ang maraming dugo kasabay ng isa pang braso na napunta sa tapat mismo ng mga buntis kaya muli itong nagsigawan.
Pilit pa rin na lumakad si Al para sana sumalakay subalit naubusan na siya ng dugo kaya bigla na lamang itong natumba.
Napukaw ng atensyon ni Anton ang mga sumigaw na buntis kaya napansin nito si Parok na nagtatangkang pakawalan ang mga ito.
Mabilis ang mga pangyayari na parang kidlat. Naramdaman na lamang ni Parok na tumatagas na ang dugo sa kaniyang dibdib dahil sa espadang tumusok mula sa likod na kagagawan ni Anton.
Walang buhay din itong bumagsak na naging sanhi na naman ng sigawan ng mga kababaihang nagdadalang tao.
Hinarap ni Anton ang natitirang kawal na noong mga oras na iyon ay handa na rin sa pag-atake.
"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit mas pinili kong pumanig sa kadiliman?"
Humalakhak si Anton. "Walang puwang sa mundong 'to ang mga mahihinang kagaya n'yo!" ang mabait nitong imahe na tinitingala noon ng tao ay nagbago at napalitan ng maladyablong pagmumuka.
Hindi na nakapagtimpi pa si Saulo. Umatake siya sa kalaban subalit mabilis na kumilos si Anton at itinusok ang espada sa pinunong kawal. Napapikit si Saulo sapagkat alam niyang tatamaan siya. Subalit laking gulat nilang dalawa ng mabali ang espada matapos dumapi sa baluti.
Mabilis na umatras si Saulo ng makahanap ng tyempo. Saka naalala na nilukuban nga pala siya ng salamangka ni protektor Deitrich.
"Salamangka," Nagpunas ng salamin ang manson at muling ngumiti. "Sabi ng aking ama, darating ang araw na ang mga tao sa buong mundo ay luluhod sa akin," saka muling isinuot ang salamin at lumalapit sa kinaroroonan ni Saulo na nakahanda sa pagsalakay.
Mabilis na naman ang mga pangyayari. Kumurap lamang ang punong kawal, pagkadaka ay nakasandal na siya sa bato habang hawak sa leeg ng kalaban.
Ngumiti na naman si Anton. "Ang totoong layunin ng Manson ay pagharian ang mundong ito," saka nito iniuntog ng ubod lakas si Saulo.
Hindi nagpatinag ang punong kawal. Mariin nitong tinusok ang tiyan ni Anton subalit nabali rin ang espada.
"Hindi lang ikaw ang selyado ng salamangka," ilang ulit niyang inuntog ang kawal hanggang halos sa bumaon na ito sa bato. Tinigilan lamang ni Anton ng makita itong naliligo na sa sariling dugo.
Hinawakan nito sa buhok ang duguang kawal at iniaangat. "Maiiwan ang malalakas at mawawala ang mga mahihina, 'yan ang totoong batas ng mundo."
"D-demonyo ka, hindi kayo magtatagumpay," nahihirapang sambit ni Saulo.
Nginitian na naman siya ni Anton. "Tama ka-demonyo nga ako. Paalam!"
Pagkasabi noon ay biglang lumitaw ang maliit na itim na bolang enerhiya sa kamay ni Anton at pilit na isinubo kay Saulo. Nang malunok iyon ng punong kawal ay nangisay ito ng bahagya bago sumabog ang buong katawan.
Nagtalsikan ang piraso ng mga laman nito sa mukha ni Anton na natuwa sa napagmasdan.
---
Wala ng naabutang buhay sa kweba sina Deitrich at haring Conrad. Huli na kasi ng matanggap nila ang mensahe kaya naman huli na rin silang nakarating.
Kinuha ng batang hari ang medalyong pag-aari ni Saulo na tanging naiwan ng sumabog ang katawan nito.
Pagkatapos noon ay bumalik sila sa baryo ng Kaveyj para usisain ang mga mamamayan matapos makalaya sa kamay ng kalaban. Kaya lamang ay laking gulat ng hari't protektor dahil nasaksihan nila ang karumaldumal na kaganapan. Magkakasunod na nangisay ang mga tao sa baryo bago sumabog ang katawan ng mga ito.
Napatakip ng bibig ang hari.
"Hindi to maari!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top