Special Chapter 2
"OMGEEE! This is gonna be so exciting!" Tili ni Tricia.
Nasa isang suite sila ng isang hotel sa San Isidro, kung saan ginaganap ang Bridal Shower para kay Kyrene. Halos nandoon ang lahat ng kaibigan niya sa San Isidro. At ang iba niyang college friend. Mas gusto nilang dito ganapin ang kanilang kasal kung saan sila unang nagkakilala at kung saan nagsimula ang kanilang wagas na pag-iibigan.
"Okay Kyrene, just sit here and wait for the big surprise." Si Tricia uli na hindi maitago ang sobrang excitement. Pinaupo siya nito sa isang silya.
Madilim ang silid at tanging blue dim light lang ang ilaw ng silid.
"Tricia, ano ba ang surprise na 'yan?" Tanong ni Kyrene na medyo kinakabahan dahil sa tili Tricia ay parang may na-se-sense siya kalokahan nitong gagawin.
"Tricia, make sure na walang macho dancer ah. Bilin ni Khielve 'yon." Inikutan lang siya ng mata nito.
"Don't worry, walang macho dancer. Just some hot and sexy male dancers," Tricia said and acted like a roaring lion.
"Magagalit si Khielve!" Kyrene stamped her feet. Tinawanan lang siya ni Tricia. Lalo naman itong nagtititili ng may pumasok na tatlong lalaki na maydalang malaking-malaking regalo.
"Oh my God!" she muttered under her breath. Alam na niya kung ano ang laman ng huge present na iyan. Napapanood niya sa mga movie ang ganitong scene at sa isipang may malaking lalaking lalabas sa regalo na nakasuot ng kakapiranggot na makintab na trunks or thong. Diyos ko! kinikilabutan na siya ng husto.
Akmang tatayo si Kyrene pero muli siyang napaupo nang hawakan ng magkapatid na Yasmine at Jelian ang magkabilang balikat niya. Tiningala niya ang dalawa na nasa likod niya.
"Relax, twin sister," Yasmine said with a wink. Napabuntong hininga na lang siya. Nagsimulang pumailanlan sa buong silid ang isang musika. Napasentido na lang siya sa nakakakilabot na musika-- careless whisper.
Lalong naghiyawan ang lahat sa biglang paglabas ng tatlong lalaki sa loob ng malaking regalo. Nanglaki naman ang mata ni Kyrene sa nakikita. Half naked ang mga lalaki at may suot na bow-tie. Pero mabuti na lang at naka-jeans ang mga ito at hindi thong or tranks. Hindi rin naman mala-bouncer ang katawan. Malaki ang katawan pero sakto lang. Naka-maskara rin ang mga 'to.
The men started to dance. They're grinding like a macho dancer. Sandali! Macho dancer naman pala talaga ang mga 'to. Natakpan ni Kyrene ang sariling mga mata ng kanyang palad. Pero nakikita pa rin niya ang mga ito sa siwang sa pagitan ng mga daliri niya. Halos manigas ang katawan ni Kyrene nang paikutan siya ng tatlo at sayawan..
"Aahhhh! Tricia patigilin mo sila!" sigaw ni Kyrene dahil may pahawak-hawak pa sakanya ang tatlo.
"Waaahhhh! Ayoko naaa!" Kyrene screamed when a man suddenly sat on her lap. Tili naman nang tili ang mga babae.
Natigilan ang lahat sa biglang pagpasok nila Khielve! Madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin kay Kyrene at sa lalaking nakaupo sa kanya. Inilang hakbang lang nito ang kinauupuan niya. At agad na hinaltak ang lalaki. Aambahan nito ng suntok ang lalaki pero maagap si Kyrene at agad itong inawat.
"Sabi na nga ba e! Ikaw Tricia kahit kailan ka!" singhal ni Khielve dito.
"Bakit ba kayo nandito!? Panira talaga kayo e." kung irita si Khielve mas irita si Tricia.
"Sino ba 'tong mga 'to?" untag ni Khielve at tinuro ang tatlong lalaki. Nagtanggal naman ng maskara ang tatlo.
"Migs, Jacob, Oscar!" Bulalas ni Kyrene.
"Anaknang! Kaya pala ayaw niyong um-attend sa Stag Party dahil nandito kayo! Ikaw Migs ah! Sabi ko na at may-"
"Khielve!" Saway ni Kyrene dito dahil sa mala-armalayt nitong bunganga. Si Migs din kasi ang nag-lap dance sa kanya kanina.
"Pinakiusapan lang ako nila Tricia. Kung hindi daw kami papayag maghahanap sila ng iba. E, ayaw naman namin nun." Paliwanag naman ni Migs.
"Patay ka Khielve, siguradong hindi na matutuloy ang kasal niyo bukas." Pananakot ni Tricia.
"At bakit?"
"It was an ancient superstition that bad luck would soon follow if the groom saw the bride before the wedding."
"Oo nga Khielve, hindi na matutuloy ang kasal. Nakakainis ka! Ang sarap na nang panonood namin dito e!" Si Bella.
"Edi ituloy niyo! Kukunin ko na ang asawa ko!" Bigla na lang nitong hinablot ang kamay ni Kyrene at hinila na palabas.
Tumigil lang si Khielve sa paglalakad nang nasa tapat na sila ng kanyang silid. Hinarap siya ni Khielve at mukha itong balisa.
"Sorry, Khielve. Hindi ko 'yon alam. Kayo ba walang babae?" Kyrene asked.
"Mukha ngang prayer meeting ang stag party." Napalingon ang dalawa sa biglang pagsalita ni Kenneth. Hustong makalamit ito ay sumandal ito sa dingding at pinag-krus ang braso sa dibdib
"Hindi naman kasi kailangan 'yon. Gusto mo bang may mag-lap-dance sa 'kin na naka-bikini lang?" Napangiti siya sa tinuran nito. Nakapaka-swerte niya talaga at napaka- faithful ng mapapangasawa niya.
She placed her hands on his shoulders and she shook her head.
"Ayaw," Khielve coiled his arms around her waist.
"Tulog na tayo. Sa kwarto mo na lang ako," umiling siya.
"Hindi pwede. Malalagot tayo kay mommy at sa mommy mo. Bawal nga tayong magkita ngayon. Hindi daw matutuloy ang kasal." Nawala ang pagkakangiti nito.
"Totoo ba iyon? Hindi mangyayari 'yon. Wala namang dahilan para hindi matuloy ang kasal natin, at walang magiging dahilan."
"Maraming pwedeng maging dahilan bro," nagbitaw sa pagkakahawak ang dalawa at nilingon naman si Zion. Nasa labas na rin ang grupo.
"At ano naman ang magiging dahilan?" Tanong ni Khielve. Sinulyapan ni Zion si Kenneth. Umangat lang ang isang sulok ng labi ni Kenneth at yumuko.
"Gago!" Ani Khielve na alam na ang ibig sabihin ni Zion.
**
Ito na ang araw na pinaka-hihintay ni Khielve. Ang araw ng pag-iisang dibdib nila ng kanyang pinakamamahal na babae. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinatatayuan niya. He was rubbing his hands together and kept pacing back and forth. Gaganapin ang kasal sa pinakamatandang simbahan sa San Isidro. Namumutiktik ang simbahan ng maraming bulaklak na desinyo. Puro Catleya ang nasa magkabilang pasilyo.
"Khielve, ano bang problema mo?" tanong ni Kenneth.
"Ang tagal kasi ni Kyrene. Sabi ko na kasing sabay na lang kami e," lalakad uli ito at mapapahilamos sa sariling mukha.
"What if totoo nga?" he said and facing his friends.
"Ang alin?" Simon asked.
"Haist! Wala! Bakit ba ang tagal niya? She didn't even pick-up her phone!"
"Kung iniisip mo na hindi matutuloy ang kasal dahil nagkita kayo before the wedding, Don't worry bro. Matutuloy ang kasal, believe me." Kenneth reassured him.
"Oo nga naman bro. Andito si Kenneth sa tabi mo, walang ki-kidnap kay Kyrene," Zion kidded and laughed. Napa'tss' na lang siya.
Bigla naman ang paglapit ni Martha at Inday kay Khielve na humahangos.
"Anong Problema niyo, Ate Martha, Ate Inday?" tanong niya sa dalawa.
"Señorito, si... si Kyrene po."
"Bakit?! Anong nangyari kay Kyrene?!" bigla naman siyang nahintakutan dahil sa itsura ng dalawa.
"Nandiyan na po." Sagot ni Inday.
"Anaknang! E, bakit ganyan ang itsura niyo? Tinakot niyo naman ako e!"
"Sorry, Señorito, na-excite lang ako masyado. Ang ganda po kasi niya sobra." ani Inday. Bigla naman ang pagguhit ng isang napakadandang ngiti sa labi ni Khielve.
"Talaga po!? I want to see her," akmang aalis si Khielve nang pigilan siya ng lahat.
"Hindi pwede, aantayin mo siya dito," si Martha na pusturadong- pusturado dahil sa abay din ito.
Lumapit naman ang mga magulang niya sa kanya. "Khielve, son, your bride is already here. The wedding ceremony is going to start," her mom said. Lumapit ito sa kanya at inayos ang bow-tie ng kanyang tuxedo.
"I'm so happy for you, anak," medyo gumaragal ang boses nito.
"Mom, 'wag kang mag-drama. Must be happy," niyakap niya ito.
"I am, son, I am. Bigyan mo agad ako ng apo ha?"
"I will mom," Lumapit sa kanila ang wedding coordinator at sinabing magsisimula na ang kasal. Pumwesto si Khielve at Kenneth sa dulo ng pasilyo at nag-tungo naman si Zion at Simon sa labas ng simbahan.
Hindi nagtaggal ay isa-isa ngang pumasok ang mga abay sa kasal. Nagsimula sa mga magiging ninong at ninang. Sinundan ng magkakaparehang bride's maid and groom's men, isa doon sila Tricia, Jelian at Yasmine. Sinundan ng mga cute na flower girls and ring bearer, at ang Matron of Honor na si Bella-- ang pinakamatalik na kaibigan ni Kyrene mula pagkabata. He wished he could've fast forward the time gagawin niya na talaga. He can't wait to see his bride.
Ang lakas bigla ng kabog ng dibdib ni Khielve nang matapos ang entourage ng lahat. Alam niyang si Kyrene na ang susunod. Humigit siya ng malalim na paghinga nang bumukas ang napakalaking pintuan ng simbahan. Nakita niya agad ang bulto ni Kyrene na nasisinagan ng araw mula sa likuran nito. She's wearing a lovely wedding gown and it complemented her curves perfectly. Ito mismo at si Margarita ang nagdisenyon ng naturang traje de boda.
Ang Musika kanina ay biglang napalitan. Pumailanlan ang musika sa buong simbahan. Ang kanilang theme song-- forevermore. Hinawakan siya ni Kenneth sa balikat. Nilingon niya ito.
"Relax, she's already here," bahagyang niyang tinapik ang kamay ni Kenneth na nakapatong sa balikat niya.
"Yes, bro. Thanks. Salamat at binalik mo siya sa'kin," ngumiti at bahagyang tumango si Kenneth.
Muli siyang tumingin sa kinaroroonan ni Kyrene. Nagsimula na itong maglakad at kaagapay nito ang tatay at nanay nito. Pagdating nito ng kalagitnaan ng pasilyo ay doon lumapit ang mommy at daddy nito at ang mga ito naman ang naging escort ng dalaga.
Habang papalapit ito sa kinaroroon niya ay lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Lalo ng unti-unti na niyang makita ang mukha nito na natatakpan ng manipis na belo. Sobrang ganda nito! Ito ay isang panaginip na nabigyan ng katuparan. When their eyes met and locked, it's like his world stopped spinning, specially when the lovely smile appeared on her lips.
Wala na siyang mahihiling pa sa buhay bukod sa magkaroon ng maraming anak. Talagang nagiging emosyanal siya at wala siyang pakiaalam doon. When he gave up Kyrene to kenneth, talagang halos gumuho ang mundo niya noon. Seeing Kyrene in love with Kenneth is like a sharp knife being stabbed straight onto his heart.
Kahit kailan ay hindi na niya inasahan pang mangyayari ito. Nakikita niya ang sarili niyang tatandang mag-isa. But God is really good for bringing the woman he loved the most back onto his arms again.
Nang makarating si Kyrene sa kinaroroonan niya. Agad siyang lumapit. Nagbigay muna nang galang ang dalawa sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagmano.
"Ibibigay ko na ang anak ko sa'yo, Khielve. Just take care of my daughter. Once you hurt her, babawiin ko siya." Ngumiti si Khielve sa bilin ni Mr. Brizalde.
"I will take care of her, I promise," Mr. and Mrs. Brizalde hug Kyrene before they handed her to him. Kinuha ni Khielve ang kamay nito at sinukbit sa kanyang braso.
"Finally! Magiging asawa na rin kita. You're so lovely and I am the luckiest man alive. I love you so much," he said.
"I love you too, Khielve," they smile to each other and
they face toward the altar. Lubos ang kasiyahang nadarama nila sa mga oras na ito.
Nagsimula ang sermonya ng kasal.
"Khielve John Montillo, do you take Kyrene Brizalde as your lawfully wedded wife-"
"Yes father, I do," mabilis na sagot ni Khielve hindi pa man tapos ang tanong.
"Patapusin mo muna ako, hijo," nagtawanan ang halos lahat na nasa simbahan. Inulit muli ng pari ang katanungan at this time ay natapos na ang tanong bago siya sumagot ng 'I do'.
"Kyrene Brizalde, do you take Khielve John Montillo as your lawfully wedded husband, in richer and in poorer, in sickness and in health, till death do us part?" Khielve intently stared at his bride as he holds his breath as if he was waiting for his verdict. Kyrene looked and smiled at him.
"I do," she answered as she glanced at him. Khielve let out an audible sigh of relief at napahawak pa sa sariling dibdib. Rinig na rinig iyon dahil sa malapit lang din sa kanya ang microphone. He heard everyone chuckled.
The priest picked up the small pillow that holds thier rings. "You may now exchange your vows," the priest ordered.
Kinuha ni Khielve ang sing-sing. He took a deep breath before saying his vows.
"Kyrene, Señorita ko. Being a playboy jerk, I never thought and I never dreamt to fall in love. I hadn't seen myself to have an interest in a woman who had an armalayt mouth." Pinatirik ni Kyrene ang mata sa sinabi niya.
"The worst is to fall in love with a woman who doesn't like me. You're the only one who shouted at me, the only woman who said that I was look like kulugo." nagtawanan ang lahat sa sinabi niya. Maging si Kyrene ay natawa din.
"The only woman who cracked an egg on my forehead, who made me cry, at higit sa lahat ikaw lang ang bukod tanging lantaran kong magsabing hindi ako gusto at hindi ako magugustuhan. How could you do that to an awfully handsome man like me?" he kidded and everyone chuckled again.
"Pero isa 'yon sa nagustuhan ko sa'yo at walang babaeng makakapantay sa'yo sa puso ko. God knows how thankful I am because he sent you back to me again. Maybe I am not a perfect man, my attitude isn't perfect, but one thing that surely perfect, and it was my love for you. I vow in front of the altar, in front of our family and friends, in front of God and in front of you, that I will cherish and love you for the rest of my life, and I will be a good father to our upcoming six pairs of twins," nanglaki ang mata ni Kyrene sa sinabi ni Khielve. Marahan nitong sinuot ang singsing kay Kyrene.
"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay, I love you so much, señorita ko," he looks up and blinked his eyes to fight the tears back. Kinuha naman ni Kyrene ang singsing.
"Paano ko ba tatapat ang vow mo? Okay, Khielve, my señorito, I admit that you're the most annoying person that I had met. Feelingero, mayabang, hambog, and so many to mention. But you're the sweetest person that I've known, at hindi takot ipakita sa iba ang mga ka-kornihan. The most faithful and loving person I've known. I would promise you that I'll be a good wife and be a good mother to our future twins. And I promise in front of these people, in front of god and in front of you, na ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay," marahang sinuot ni Kyrene ang singsing sa daliri ni Khielve.
"Mahal na mahal na mahal kita, señorito ko," gustong-gusto na niya itong yakapan at halikan talaga. He drew himself closer to her and whispered.
"I really want to kiss you right now. Pwede mo bang sabihin kay father na bilisan na 'to," she chuckled.
"Couldn't be more patient?" bulong niya. Hindi na rin pinansin pa ang pag deklrama ng pari na ganap na silang mag-asawa.
"And now, you may kiss--"
"Ooh! Finally!" napalakas niyang sambit dahilan para maputol ang anunsyo ng pari. Nagtawanan muli ang lahat. Napangiwi naman si Khielve sa kahihiyan. Hindi na nagsalita ang pari at sumenyas na lang na pwede nang halikan si Kyrene. Mabilis na inangat ni Khielve ang belo ni Kyrene. Huminga muna ito ng malalim bago dahan-dahang nilapit ang mukha sa asawa. He kissed her with all the love he had.
They closed their eyes and savor the luscious moment. This is the best ever moment. Sa wakas ay asawa na niya ang babaeng pinakamamahal niya.
"I love you, asawa ko," he said after broke the kiss.
"I love you too, asawa ko," she replied at nagyakap sila. Mahigpit ang pagkakayakap nila sa bawat isa. Lalong nilang nadama ang pagmamahal ng isa't isa.
"Ready for the honeymoon?" bulong ni Khielve. Nag-init ng husto ang pisngi ni Kyrene sa tinuran ni Khielve. Sinubsob nito ang mukha sa balikat niya na ikinatawa naman niya. Lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Kyrene. Masayang-masaya siya dahil sa wakas masasabi na niyang kanyang-kanya na ang babaeng pinakamamahal niya.
_______________________
Honeymoon pa ba? May mga 12 years old kasing nagbabasa nito eh.. hehe! Siguro separate ko na lang ang honeymoon nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top