CHAPTER 9


"Ate Martha si Kyrene po asan?" Tanong ni khielve habang pababa siya ng hagdan.

"Nasa labas po seniorito kausap si Bella. Sa may gazebo po. Tawagin ko nalang po." Sabi ni Martha habang nag mamop ng sahig.

"Don't bother. Ako na po." Sabi nito at agad lumabas.

Naglakad siya papunta sa may gazebo. Nakita niya ang dalawa nakatalikod. Lumapit siya dito pero bigla siyang natigilan ng marinig ang usapan ng dalawa.

Hindi niya hilig makinig sa usapan ng iba pero natukso siyang pakinggan ang usapan ng dalawa. Medyo nagtago siya sa may halaman kung asan malapit ang gazebo.

"Ano friend. Kumusta naman ang dream boy mo?" Tanong ni Bella.

"Perfect friend! Siya na ata ang pinaka perfect na taong nakita ko." Sabi ni Kyrene.

Sino kaya pinaguusapan nila? - isip ni Khielve.

"Ang bait niya. Kinausap niya ako kagabi. Nag good night siya sakin." Lalong pinagbuti ni Khielve ang pakikinig.

"Friend... I'm happy for you! Dalaga ka na? Nagkakagusto kana? Akala ko hindi ka babae eh."Sabi ni Bella na niyakap pa si Kyrene.

"O.A mo naman. Akala mo naman boyfriend ko na kung maka I'm happy for you ka. Hindi naman ako magugustuhan nun. Tignan mo naman itsura ko. Nakita mo ngang laging sinasabi ni seniorito na baduy ako." Sabi ni Kyrene at narinig pa niyang bumuntong hininga ito.

"Kyrene iba naman si Kenneth.  Nakita mo yung titig niya sayo. Mukhang tinamaan sayo friend. Maniwala ka. Girl instinct! Pero........" Bella states but paused for a moment and glared at her. From head to toe. Kumunot ang noo ni Kyrene sa ginagawa nito.

"Tama si Khielve.  Baduy ka nga." Sabi nito.

Si Kenneth ang pinaguusapan nila? May gusto si Kyrene kay Kenneth?

"Salamat ang honest mo! parehas kayo ni Seniorito."

"Maganda ka naman kasi eh kung sa maganda. Kaso lang ang baduy lang talaga. Palaging maluwag na tshirt, tapos paldang mahaba o kaya jogging pants. Makinis naman ang legs mo diba?" Sabi ni Bella. Lumabas na si Khielve at lumapit sa dalawa.

"Kyrene!" Napalingon ang dalawa sa pag tawag ni Khielve.

"Ayusin mo gamit ko sa kwarto." Yun lang at tumalikod na siya.

"Sige na Belya. May sapi na naman ang alaga ko. Nakabusangot na naman." Sabi ni Kyrene.

"Ayan ka naman sa Belya eh." Pinalo siya sa balikat nito.

"Ahaha! Sige na bukas nalang tayo magkita off ko bukas. Walang istorbo." Sabi niya at tumayo na.

"Sige na layas na." Sabi niya uli at umalis na siya. Umalis na rin si Bella. Pero bago pa makalayo.

"Friend update mo ako ah." Sigaw ni Bella.

"Saan?" Pasigaw na tanong niya.
"Sa dream boy mo." Hindi na siya sumagot.  Ngumiti nalang siya dito. At naglakad na papasok ng bahay.

*

Pagtawag ni Khielve kay Kyrene agad itong umalis. Pumasok sa bahay at agad na umakyat.

"Oh khielve. Tara na swimming na tayo." Nakasalubong niya si Zion, Kenneth and Simon sa hagdan.

"Sige una na kayo. Magbibihis lang ako." Sabi niya na diretsong umakyat.

"Problema nun?" Sabi ni Zion. Dahil naka busangot ito ng makasalubong nila.

"Hi Kyrene. Halika swimming tayo." Aya ni Kenneth kay Kyrene nasa loob na rin ito ng bahay.

"Sige kayo nalang. May gagawin pa ako eh. Mukhang may sapi na naman yung kaibigan niyo eh. Baka bumuga ng apoy yun."

"Ahahaha! Ang cute mo talaga Kyrene." Sabi ni Zion. Ngumiti nalang si Kyrene dito at umakyat na.

Kumatok siya sa pinto. Pero walang nagbukas o sumagot man lang kaya pinihit nalang niya ito. Pagbukas niya saktong bubuksan narin pala ni Khielve. Medyo nagulat siya dahil half naked ito. Tumingin siya dito madilim ang mukha nito.

Ano ba tong lalaking to. Lagi naka simangot ngayon.

"Ano pala aayusin ko?" Tanong niya dito. Nilakahin nito ang bukas ng pinto para papasukin siya. Pumasok naman siya at sinara ang pinto.

"Ayusin mo lang dito. Tapos sumunod ka sa pool area. Dalhan mo kami ng snacks." Sabi ni Khielve.

"Sige." Tipid niyang sagot. Lumabas na ito.

"Ano kaya problema nun? Parang hindi naman yun ganun dati. Laging pangingisi naman yun. Pero bakit ngayon parang laging sambakol ang mukha." Nagkibit balikat nalang siya at inayos ang kwarto.

***

Paglabas ni Khielve ng Kwarto tumuloy ito sa pool area. Nandun na ang lahat masayang nags' swimming. Pati si Tricia na unang unang nag swimming.

Umupo si Khielve sa beach Chair sumandal ito.

"Khielve! Problema mo? Bakit hindi maipinta mukha mo?" Tanong ni Zion na nasa tubig. Sa gilid ng pool at pinatong ang dalawang braso sa gilid ng pool.

"Wala. Bakit? Mukha ba akong may problema? " tanong ni Khielve.

"Well, yes." Zion said and shrugged a little.

"Khielve come over here. Let's swim." Tawag naman ni Tricia dito.

"Later" tipid nitong sabi.

"Hi Kyrene!  You want to join us?" Sigaw ni Tricia. Napalingon si Khielve sa likod niya. Si Kyrene may dalang snack.

"Hindi, sige kayo nalang. Salamat." Sabi ni Kyrene.  Nilapag niya ang dala niyang meryenda. Sa table na nandun.

"Kyrene tara na. Join us!" Tawag naman sakanya ni Zion. Ngumiti siya dito.

"May gagawin pa ako eh." Sabi nalang niya at tumalikod na siya.

"Aaayyyyy!!!" Napasigaw si Kyrene ng may biglang bumuhat sakanya.

"Magrelax ka naman Kyrene. Hindi puro trabaho." Si Simon ang bumuhat sakanya.

"Simon ibaba mo ako." Sabi ni Kyrene. Pero hindi siya nito pinakinggan at walang sabi sabing tinapon siya sa swimming pool. Tumatawa ang lahat sa ginawa ni simon. Pero si Khielve hindi tumatawa nakatingin lang.

Natigil sa pagtawa ang lahat nung hindi parin umaahon si Kyrene. Kahit si Khielve napatayo bigla. Kinabahan ang lahat.

Pupuntahan na sana ni Khielve si Kyrene pero natigilan siya ng makita niyang sumisid na si Kenneth.

Umahon si Kenneth na hawak hawak si Kyrene sa bewang paharap sa isa't isa.

"Kyrene okay ka lang?" Tanong ni Kenneth.

Hindi sumagot si Kyrene nakatitig lang kay Kenneth.  Napapalunok lang siya paulit ulit. Ubos na ata laway niya sa bibig niya kakalunok niya.

"Kyrene, okay ka lang ba? Gusto mo dalhin ka namin sa hospital?" Tanong uli ni Kenneth. Hinawi pa nito ang buhok na humarang sa mukha niya.

lalo naman parang nangatog ang tuhod ni Kyrene. Hindi dahil sa lamig dahil sa pagkakalapit nila ni Kenneth.

Grabe ang gwapo niya lalo sa malapitan. In love na talaga ata ako.

"Dream boy." She mumbled

"Ano yun Kyrene?"tanong ni Kenneth.

"A-Ah wala." Parang bigla naman siyang nahimasmasan sa kahibangan niya.

"Okay lang ako. Pwede mo na akong bitawan." Sabi niya.

"Are you sure? Baka hindi ka marunong lumangoy?" Ngumiti si Kyrene kay Kenneth.

"Marunong ako. Jowk lang yun kanina. Tinakot ko lang si Simon. Hehe! Sorry." Sabi niya at ngumisi pa. Kumalas na siya sa pagkakahawak nito.

"Pasaway ka Kyrene.  Akala ko nalunod ka na talaga." Sabi ni Simon na naiiling. Si Khielve naman napaupo uli.

"Sorry. Laking ilog ako, kaya hindi ako malulunod." Sabi niya at lumangoy papunta sa gilid ng pool at umahon. Umupo siya sa gilid ng pool. Magaling siyang lumangoy dahil bata palang siya lagi na siyang naliligo sa ilog.

"Kyrene. I think you have to change proper cloth. You can barrow my suit if you want." Sabi ni Tricia. Naka jogging pants and tshirt kasi siya.

Ngumiti si Kyrene.  -Ang bait naman pala niya. Maarte lang magsalita. Siguro kasi mayaman. Sa isip niya.

"Hindi na seniorita ayos lang po." Sabi nalang niya.

"Jeezz! Wag ka ngang mag po. Don't call me seniorita. Sooo formal. Just call me Tricia." Sabi nito at umakyat na rin. Naka black two piece suit ito.

Ang sexy niya. Ang ganda niya. - sa isip niya habang sinusundan niya ito ang tingin. Lumapit ito kay khielve at hinila si Khielve patayo.

"C'mon Khielve. Get up!" Sabi nito habang hinihila si Khielve. 

Tumayo nalang si Khielve hinatak nito si Khielve papunta sa pool. Lumusong ang dalawa. Pinulupot nito ang braso sa batok ni Khielve. Nakatingin lang si Kyrene sa magkakaibigan na nags' swimming.

"Grabe naman ang g'gwapo at ang ganda nila. Bagay din si Tricia kay Khielve. Aayy hindi pala. Hindi siya bagay diyan." She mutters as she glared at them. Naalala niya ang sinabi ni Khielve kay Tricia about the kiss.

"Kyrene tara swimming na." Aya sakanya ni Kenneth at lumapit pa sakanya.

Hinawakan nito ang kamay niya para alalayan siya bumaba.

Ang gentleman talaga niya. -Ngumiti siya at lumusong na nalang din.

"Uhmm.. Kyrene ilang taon kana?" Tanong ni Kenneth.

"17. Pero malapit na rin mag 18." Sagot ni Kyrene. 

"Uhmm pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na eh. Ahaha!" Sabi niya at tumawa. Natawa rin ito.

"Isang tanong pa." Kenneth said.

"Ano yun?"

"Uhmm--

"May boyfriend ka na daw ba? Ang bagal eh." Singit ni Zion.  Natawa sila dito. Bigla nalang sumisingit na kanina naghaharutan ni Simon. Napakamot nalang si Kenneth.

"Ano Kyrene? May boyfriend ka na ba?" Tanong naman ni Simon. Umiling si Kyrene.

"Wala pa." Sagot ni Kyrene.

"Ayun naman pala eh. Pwede daw bang manligaw si Kenneth?"Tanong naman ni Zion.

"Pwede ba tigilan niyo nga si Kyrene. Kung ano ano sinasabi niyo eh. Mga pasaway to." Singhal ni Kenneth sa dalawa. Tumingin ito kay Kyrene.

"Pasensya na Kyrene ah." Hinging paumanhin nito. Ngumiti lang si Kyrene. 

Si Khielve naman nakasandal lang sa gilid ng pool sa harap naman nito si Tricia na nakikipag kwentuhan.

Pero ang mata nito kay Kyrene nakatingin.  Kitang kita niya kung paano ngumiti at tumawa si Kyrene habang nakikipagkwentuhan kay Kenneth. Napatingin si Kyrene sa gawi nila.

Biglang hinapit ni Khielve si Tricia sa bewang at hinalikan ito sa labi. Nagulat si Tricia pero gumanti rin ito ng halik at nilagay pa ang kamay sa batok ni Khielve.

Ang mata ni Khielve nakatingin kay  Kyrene habang hinahalikan niya si Tricia. Kitang kita niya na nagulat si Kyrene pero saglit lang yun. Iningusan siya nito. Sabay tingin huli kay Kenneth at ngumiti ng pagkatamis tamis na ngiti.

Tumigil siya sa paghalik at kumalas sabay alis. umakyat siya ng pool.

"Khielve where are you going?" Sigaw ni Tricia sa papaalis na si Khielve. Hindi man lang siya nilingon nito tuloy tuloy sa loob.

Bumaling si Tricia sa grupo.

"What the heck is wrong with him? Bigla nalang mang hahalik. Tapos iiwan ako bigla." Reklamo ni Tricia. At pingcross pa ang braso.

"Ahaha! Hindi ka parin ba sanay sakanya. Ganun naman talaga siya ah. Dapat nga magpasalamat ka eh! hinalikan ka niya. Diba hindi mo makalimutan ang halik niya sayo. Yun ang hinahabol-habol mo sakanya?" Sabi ni Zion.

"Well,.... that's not entirely true. I like him..... or I love him." Sabi ni Tricia. Na parang hindi sigurado ang sasabihin dahil pahinto hinto.

"Haist! Pwede ba Tricia. Wag kang mangarap. Love love ka diyan. Hindi marunong magmahal yun.  Pastime lang ang babae para sakanya. He's such a good player." Sabi naman ni Simon. Kumunot ang noo ni Kyrene sa narinig niya.

Ganun ba talaga siya. Hindi lang pala magaspang ugali niya. Masama pa siya sa mga babae. Si Kenneth kaya ganun din? - She thought herself.

"Uy Kyrene.  Pero si Kenneth hindi ganun. Good boy yan, siya ang pinaka good boy samin." Sabi ni Simon. Napangiti si Kyrene.

Mind reader ba to? hay buti naman hindi siya ganun. Oopps!! Sandali. Bakit niya sinasabi sakin yun? Hala! Gusto ba talaga ako ni Kenneth?  Dapat na ba akong kiligin? - Tulalang Napangiti si Kyrene na wala sa loob.

"Kyrene!  Okay ka lang ba?" Tanong ni Zion. Napansin nito ang wala sa sariling si Kyrene.

"A-ah... Oo. Okay lang ako." Sabi nalang niya at ngumiti.

*

Pag-ahon ni Khielve tumuloy siya sa kwarto niya at pumasok ng bathroom. Binuksan niya ang shower at malayang pinaagos ang tubig sa sarili.

Hinawak ang dalwang kamay sa sa wall at yumuko.

"What the hell is wrong with me? Anong ginagawa ko? Bakit ko ginawa yun? Pinagseselos ko ba si Kyrene?Arrgghh!" Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha niya at pinatay ang shower.

Naguguluhan siya sa paghalik niya kay Tricia. Hindi niya alam pero parang gusto niyang makita ang reaksyon ni Kyrene pag ginawa niya yun.

"Hindi! Hindi hindi, no no no! Not Kyrene. She's just a simple promdi girl. Walang dating, maingay pag galit. Baduy." Sabi nito na palakad lakad sa loob ng bathroom.

" Yeah! She's pretty...... but that's not enough para magkagusto ako. Maybe I just got curious. Tama! Curious lang ako dahil sa ginagawa niya sakin na hindi ginagawa ng ibang babae sakin. Yun lang yun!..... Stop bothering yourself idiot." He scolded himself.

" I'am Khielve John Montillo. Ang nang gugulo sa isip ng babae. Hindi ako ang ginugulo ng babae." Huminga ito ng malalim. Binuksan uli ang shower at pinagpatuloy ang pagsha'shower niya. After an hour of taking a shower. Yes an hour. Inabot siya nang ganun katagal sa pagligo dahil sa pagiisip.

Natapos siya sa pag ligo at nagtapis. Lumabas ng bathroom.  Pero nagulat siya paglabas niya nandun si Kyrene.

Gulat na gulat din si Kyrene na nanglalaki ang mata dahil sa nakita nitong itsura niya. Tumalikod ito bigla.

"S-Sorry seniorito! Kasi ano.. uhmm... Ano po... aaahhh" Nagulat siya ng bigla siya nitong hawakan sa balikat at pinaharap siya. Hinawak pa nito ang isang kamay sa balikat niya. Napalunok siya. Napangiti si Khielve habang nakatitig sakanya.

Ganyan nga Khielve.  Dapat siya ang nat'tense. Hindi ikaw. -His thought and smirk.

"Don't give yourself a nosebleed Kyrene. What was that?" He said. Dahil hindi nito masabi ang gusto nitong sabihin.

Sa ganito niya siguro dinadaan ang mga babae kaya nahuhumaling sakanya. Tsss... pwede ba Kyrene wag kang magpaapekto sa impaktong to.-huminga ng malalim si Kyrene at tinabig niya ang kamay nito na nakapatong sa magkabilang balikat niya.

"Kakain na po seniorito. 7pm na po. Lumabas na kayo. Magbihis na po kayo. O gusto niyo ako pa ang magbihis sayo?" Walang ka bahid bahid ng tense sa mukha ni Kyrene.

"What?" Kunot noong tanong nito.

"Kung gusto mo lang naman." Sabi niya sabay talikod. Binuksan niya ang pinto pero lumingon muna siya dito.

"Sumunod na po kayo seniorito ah." At tuluyan ng lumabas si Kyrene.  Naiwan si Khielve na nakatingin parin sa pinto. Confused.

Wala talaga akong epekto sakanya.  "Haist!!" -yun lang ang nasabi niya sabay bagsak ng katawan sa kama. 

He laid on the bed for a moment.  Tumayo din siya at nagbihis. Pagkatapos magbihis lumabas.

As he walked downstairs he saw his friends are laughing while chatting. Nakita niya rin niya si Kyrene na tumatawa katabi nito si Kenneth sa sofa.

"Oh hi Khielve! What took you so long?" Sabi ni Tricia nangmakita siya ni Tricia na pababa sa hagdan. Tumingin naman sa kanya ang lahat.

"Bro. Bakit ang tagal mo? Nauna kana sa amin umahon kanina, natatapos ka palang maligo." Zion said. Nangmakababa si Khielve agad na lumapit si Tricia at yumakap sakanya.

"Tricia ano ba?!" Singhal nito at inalis ang pagkakayakap sakanya.

"Khielve naman eh. What's with you ba? Kanina hinalikan mo ako, tapos ngayon ganyan ka na naman. I can't get you talaga." Tricia said.

"Tricia ilang ulit ko bang sasabihin sayo na walang tayo. Pwede ba! Ilagay mo yan sa kukute mo." Inis na sabi nito. Yumuko si Tricia na parang naiiyak sa sinabi nito. Tumayo si Kyrene at lumapit dito.

"Okay ka lang?" Alalang tanong ni Kyrene kay Tricia. Tumango lang ito. Hinarap ni Kyrene si Khielve.

"Ganyan talaga kasama ang ugali mo no?" Sabi ni Kyrene kay Khielve. Napaangat ng ulo si Tricia at tumingin sakanya.

"Wala akong ginagawa. Wala kang alam."Seryosong Sabi ni Khielve.

"Hindi ko naman talaga alam kung anong meron kayo? Pero sana lang wag kang nanghahalik ng nanghahalik ng babae at pagkatapos sasabihin mong hindi kayo. Nagpapaasa ka ng babae. Hindi mo ba alam na importante saming mga babae ang kiss. Haist! Grabe ka! Siguro ang dami mo ng pinaiya--oohh!!" Tuloy tuloy na sabi ni Kyrene akmang magsasalita si Khielve pero hindi makasingit sakanya.

Kaya hinapit siya nito sa bewang. Nagdikit ang katawan nila. Napahawak si Kyrene sa dibdib nito.

"Ang daldal mo talagang babae ka no? Baka gusto mong ikaw ang halikan ko ha?" Nilapit pa nito ang mukha niya kay Kyrene.  Nilayo ni Kyrene ang mukha niya pero sinundan ito ni Khielve. Nagsmirk pa ito.

Tumingin si Khielve sa labi ni Kyrene at lilipat sa mata. Nawala ang pagkakangisi nito sumeryoso ang mukha at titig na titig sakanya.  Binitawan siya nito bigla.

"Pero sorry! hindi kita type." Sabi nito sabay iwas ng tingin.

"Mas lalo naman ako no? Hinding hindi ko gugustuhin at papangarapin na ikaw ang maging first ko." Sabi niya. Parang nagulat naman ang lahat sa sinabi niya. Bumaling si Kyrene kay Tricia.

"At ikaw Tricia. Tignan mo ang sarili mo. Ang ganda ganda mo. Hindi lang maganda, sobrang ganda. Dapat hindi ka nagpapahalik sa katulad lang niya. Yung tipo mong babae ang dapat hinahabol, hindi naghahabol. Naiintindihan mo?" Tricia nodded her head slowly. Na hindi makapagsalita.

"Good!" Sabi ni Kyrene. Tumingin uli siya kay Khielve.

"Panget!" Sabi niya sabay alis. Sinundan siya ng tingin ng grupo na walang imik. Huminto uli si Kyrene at lumingon.

"Halina kayo! Kakain na." Aya ni Kyrene. At tumuloy na uli papuntang kusina. Tumayo si Zion.

"Tara na panget." Sabi ni Zion kay Khielve na nangingiti at tinapik pa sa bakikat.

***

"Hi" Nakaupo si Kyrene sa hagdan sa labas ng main door ng mansyon. Tumabi sakanya si Tricia. Ngumiti siya dito.

"Uhmm.... Sorry kanina Tricia ah. Hindi ko talaga mapigilan ang bibig ko pag ganun ang nakikita ko eh." Sabi niya. Natawa ng mahina si Tricia.

"That was sooo shocking actually. We were all shocked by your action.  You're really different. Alam mo bang wala pang babaeng ng ganun kay Khielve? Only you." Sabi ni Tricia.

"Bakit ka ba kasi naghahabol sakanya? Hinalikan ka niya pero wala lang sakanya yun. Siya ba ang first kiss mo? Kaya gustong gusto mo siya?"

"Ahaha! He's not my first kiss. But he's damn good kisser. That's why."  She said and rolled her eyes. Kyrene's mouth creates an 'O' shape.

"Yeah, he is." Tricia added ng makita niya ang reaksyon ni Kyrene.

"About sa sinabi mo kanina.  About the first kiss. Is that true? Hindi ka pa nakaka experience ng kiss?" Tricia asks.

"Hindi pa. Hindi pa naman kasi ako nagkaka boyfriend eh." Parang nagulat naman ito sa Sinabi niya.

"Seriously!? But why? impossible naman na walang kang suitors.  You're pretty rin kaya. Mag kasing ganda nga tayo eh. Hehe!" She said and chuckled. Natawa naman si Kyrene sa sinabi nito.

Maganda naman talaga si Kyrene.  Long shiny hair, fair complexion, small face, thin pinkish lips. Matangkad din siya, thick eyelashes. Balingkinitan ang katawan. Baduy nga lang.

Dahil ang madalas na suot niya mahabang palda at jogging pants. Laging nakatali ang buhok. Well, hindi naman talaga siya baduy. Pero wala lang talaga sa fashion ang suot niya. Siya nga daw ang fashion designer na baduy eh.

Ganyan ang porma niya not just because gusto niya. Wala lang talaga siyang pagpipilian. Ito lang ang mga damit niya. Galing pa sa baol ng nanay niya. Used clothes. Hindi siya magastos na tao. Hanggat pwede pang gamitin, gagamitin niya. Hindi rin sila mayaman para makisunod sa uso. Tsaka komportable din siya sa ganung damit. Kahit simple lang siya maraming nangliligaw sakanya.

"You know what Kyrene ang sarap ma experience ang first kiss. Ayaw mo ba maranasan yun?" Tricia asks.

"Gusto syempre. Pero gusto ko sa taong mahal ko. Gusto ko yung memorable ang first kiss namin." Sabi niya habang nakangiti.

"Ikaw Tricia. Dapat pahalagan mo ang sarili mo. Wag kang papahalik sa taong hindi karapat dapat sa halik mo. Lalo na sa Khielve na yun. Wala siyang pagpapahalaga sa babae. Ano ba nagustuhan mo dun?" Tanong niya kay Tricia nakatingin naman ito sakanya na parang nagulat pa sa huli niyang tanong.

"Hindi mo ba nakikita kung ano ang nagustuhan ko kay Khielve?  He's perfect. Goshhhh! He is the most popular guy in school. And I bet. Girls would kill to be in your place right now." Kumunot ang noo ni Kyrene sa sinabi nito.

"Look! Personal assistant ka niya. Lagi mo siyang kasama. Ganun ang gusto ng mga girls. Kahit maging pet ni Khielve gugustuhin nila. Just to be with him." Parang lalo naman napamaang si Kyrene sa sinabi nito.

Ganun katindi ang karisma niya sa babae? - sa isip niya na hindi makapaniwala.

"You heard me right! That's him. That's Khielve John Montillo." Tricia assured her kasi parang nakita nito sa expression niya na hindi siya makapaniwala.

"Pero kahit na. Hindi ka parin niya dapat hinalikan kung hindi ka naman pala niya mahal."

"Well, hindi naman talaga niya ako hinalikan. Ako ang humalik sakanya. Then I assumed na kami na. First time kaninang halikan niya ako. Nagulat nga ako eh. Kaya akala ko gusto na niya ako...... but from now on. Hindi na ako magpapahalik o manghahalik, susundin ko ang sinabi mo. Dapat boys ang maghahabol sakin." She stated and smiled. Napangiti rin si Kyrene.

"Alam mo. Kung dito lang ako nakatira or sa Manila ka lang. I think we're gonna be best friend. Sayang! Wala akong best friend eh. Sila Khielve lang ang friends ko sa school. Nakulitan nga lang yun sakin kaya ginawa nila akong friend." Sabi nito at ngumiti. Napangiti naman siya sa sinabi nito. Mabait nga pala talaga ito sa isip niya. At sa tingin niya din makulit ito.

****

Nakahiga na si Kyrene para matulog. Nangbiglang may kumatok. Tumayo siya at pinagbuksan. Si Khielve ang nasa labas.

"Seniorito bakit po?" Tanong niya.

"Sira ang aircon ko." Sabi nito.

"Hindi po ako electrician. Hindi ko maaayos yun." Sabi niya.

"Do you have a fan?"

"Meron po."

"Good! Kunin mo tas sumunod ka sakin." Sabi nito sabay alis.

"Tsss.. Hindi nalang inantay na kunin ko. Ibang klase talaga." Kinuha nalang niya ang pamaypay at lumabas. Kumatok siya.

"Pasok." Narinig niya sabi nito mula sa loob. Binuksan niya ang pinto. Nakahiga ito. Pumasok siya at lumapit dito. Bukas lang ang lampshade.

"Ito na po seniorito." Sabi niya at inabot ang pamaypay. Pero hindi nito kinuha.

"Paypayan mo ako." Sabi nito.

"ANO!?" Napasigaw siya.

"Pwede ba Kyrene! Don't shout. Nakakabulahaw ka." Sabi nito. Hindi si Kyrene kumilos.

"Bilis na Kyrene.  Ang init eh." Sabi nito. Umupo nalang siya sa kama sa tabi nito.

"Mag electric fan ka nalang kaya."

"Ayoko ng electric fan."

"Bakit hindi ka nalang sa ibang kwarto? O kaya sa kwarto ng kaibigan mo. kila Kenneth." Sabi niya at inumpisan ang pagpaypay dito.

"Ayokong may katabing lalaki sa kwarto. Pwede kay Tricia nalang ako tata--

"Hindi pwede." Agap ni Kyrene.

"At bakit hindi pwede?" Kunot noong tanong nito.

"Babae yun. Irespeto mo nga ang babae." Sabi ni Kyrene.

"Kyrene may respeto ako sa babae." Sagot naman nito.

"Respeto ba ang tawag mo sa ginagawa mo kay Tricia?"

"Walang kang alam Kyrene.  Hindi mo ako kilala. Kaya wag mo akong husgahan."

"Hindi nga kita kilala. At hindi rin kita hinuhusgahan. Base lang yun sa nakikita ko at sa narinig ko. Kaibigan mo na mismo ang nagsabi na wala lang sayo ang mga babae. Na pastime lang sila para sayo."

"ANO!? SINO NAGSABI NUN?!" Sigaw nito. At napabangon pa sa pagkakahiga.

"Tignan mo to. Naiinis ka sa pagsigaw ko pero kung ikaw makasigaw diyan... Sabagay ikaw naman ang amo." Sabi niya.

"Sino nga nagsabi nun?" Tanong uli nito.

"Si Simon. Si Kenneth daw ang pinaka matino sainyo?" Sabi nito.

"Hindi totoo yun. Playboy yun." Sabi nito sabay higa ulit. Natigilan si Kyrene. Nagpaypay nalang ito.

"Bakit natahimik ka?" Tanong ni Khielve. Tumingin sakanya si Kyrene.

"Wala. Matulog ka na. Inaantok na ako. Maaga pa ako bukas." Sabi nalang niya at nilakasan ang pagpaypay.

"Kantahan mo ako para mabilis ako makatulog." Sabi nito habang nakangiti. Tumingin sakanya si Kyrene at napangiti na medyo nailing nalang. Lalo naman lumapad ang pag kakangiti ni Khielve ng ngumiti si Kyrene.

"Dali na kanta na." Pamimilit ni Khielve.

"Pangbanyo lang ang boses ko. Matulog kana seniorito. Nakakangawit kayang magpaypay. Bakit ba kasi nasira nag aircon mo?"

"Ewan" Tipid na sagot nito at pumikit.

Sumandal si Kyrene sa headboard bumabagsak na ang talukap ng mata niya habang nagpapaypay.

Mayamaya lang naramdaman ni Khielve na hindi na nagpapaypay si Kyrene.  Dumilat siya at tinignan si Kyrene. 

"Nauna pang natulog sakin to. Pasaway." Bumangon si Khielve.  At tinignan si Kyrene.

"Himala hindi siya naka ngangang matulog. Cute siyang matulog ngayon." He mutters and smile a bit. He got up.

Kinuha ang camera sa closet. Binuksan ito at lumapit kay Kyrene. Kinuhanan niya ito ng picture habang natutulog. Tinignan niya ang picture.

"Maganda pala talaga siya. Photogenic." Sabi niya na halos pabulong.

"Haist! Ito na naman ako eh." Pinatay niya nalang ang camera at tinago uli. Pumunta siya kung asan ang aircon at binuksan.

Hindi naman talaga ito sira. Pinagtripan lang siya si Kyrene. Ganti lang niya dahil sa ginawa nito kanina.

"Kyrene! Kyrene! Hoy Kyrene." Ginigising niya ito habang tinatapik ng mahina sa balikat pero ayaw nitong magising. Inayos nalang niya si Kyrene ng higa at kinumutan. At humiga siya sa tabi nito.

Pinagmasdan niya muna ito bago din siya pumikit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top