CHAPTER 8

"Ano friend, kumusta ang maging isang P.A ng isang Khielve John Montillo?" Tanong ni Bella kay Kyrene nasa kusina sila nito nakaupo sa kitchen counter high stool.

Gusto niya sana tumulong magluto pero ayaw naman siyang patulungin ng katulong.

"Ayos lang naman, hindi na masama. Pero ang lakas niyang mang inis." Sagot niya habang nakapangalumbaba sa counter kitchen.

"Hindi ka ba talaga kinikilig pag nakikita siya?" Pabulong na tanong ni Bella dahil nandun si Martha.

"Oo nga Kyrene. Wala bang epekto sayo si Seniorito?" Biglang pumagitna si Martha sa dalawa.

"Ate Martha talaga oh! Pabulong na narinig mo pa. lakas ng radar mo." Sabi ni Bella. Ngumisi lang si Martha. At umalis.

"Pero friend hindi mo ba nararamdaman yung rapid heartbeat? Yung bell. Hindi mo ba naririnig pag nakikita mo siya." Tanong ni Bella

"Oo nga Kyrene. " sabi naman ni Martha na bigla nalang sumusulpot ang ulo sa gitna nilang dalawa.

"Nakakaramdam naman ako ng rapid heartbeat pag nakikita ko siya."

"TALAGA!" Sigaw ng dalawa. Napatingin sakanila ang katulong na nagluluto.

"Grabe naman talaga tong dalawang to. Oo nararamdaman ko yun. Dahil sa inis nah'high blood ako sakanya."

"Hay, hindi ka talaga babae." Sabi ni Bella na sumimangot pa.

"Kyrene wala pa ba si Goryo?" Tanong ni aling Simang na cook ng mansyon.

"Abangan ko po sa labas. Halika nga doon tayo sa labas."Aya ni Kyrene kay Bella.

Si mang Goryo ang sorbetero. Pinapayagan ito pumasok sa loob pag gusto ng mga tao sa hacienda kumain ng sorbetes.

Papalabas sila ng mansyo, nakita nila si Khielve sa labas ng pinto may tinatanaw. Sinundan niya ang tinitignan nito. May nakita siyang paparating na dalawang sasakyan.

"Sino kaya yan?" Sabi ni Kyrene habang nakatanaw sa paparating na sasakyan.

"Baka si Donya Clara."Sabi ni Bella na nakatanaw din.

"Hindi nextweek pa dating nun." Sabi naman niya.

Hanggang sa makalapit ang sasakyan at huminto sa tapat ng mansyon. May lumabas na lalaki mula sa itim na sasakyan.

"Oww Sino yan?" Tanong ni Bella.

"Bro Musta!" Sigaw ng lalaki at lumapit kay Khielve.

"Bro!" Nagbanggaan sila nito ng balikat. May bumaba pang isa mula sa driver seat ganun din ang ginawa.

Sa huling sasakyan may bumababa namang isang babae.

"Khielveee!!!!!" Tili ng babae at agad na tumakbo kay Khielve. At walang sabi sabing hinalikan si Khielve sa labi, matagal na halik.

"Oh my gulay." Sabi ni Bella. Napamaang nalang si Kyrene sa nakita niya.

"Woah! Miss na miss niyo ang isa't isa." Sabi ng kaibigan ni Khielve.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Khielve sa babae.

"Dude, diba tinawag ko sayo yun." Sabi naman ng kaibigan niya.

Napatingin si Kyrene sa sasakyan kung saan bumababa ang babae. Nanglaki ang mata niya sa nakita niy, may lalaking nakatalikod.

"Oh my god! Ang dream boy ko. Totoo siya." Mahinang sabi ni Kyrene. Kunot noong tumingin sa kanya si Bella, at tinignan ang tinitignan niya.

"Waaaaahhhh!!" Sigaw ni Bella ng malakas ng makita nito ang nakatalikod na lalaki.

Sa lakas ng sigaw nito napalingon sa kanila si Khielve. Nagulat ito ng makita sila, pati ang tatlo napatingin sa kanila.

Pero si Kyrene nakatuon parin ang tingin sa lalaking nakatalikod na naka red varsity Jacket na may kJ sa likod. unti-unti itong lumingon, hanggang sa tuluyan itong makaharap.

Kumunot ang noo ni Khielve at tinignan ang tinitignan ni Kyrene.

"Bro musta?" Sabi ng lalaki na papalapit na.

Napakapit ng mahigpit si Kyrene sa braso ni Bella. Parang slow motion ang lahat sakanya habang papalapit ito.

"Friend yung dream boy mo totoo siya." Bulong ni Bella na nakatingin din sa lalaki.

"Friend..... Rapid heartbeat, may naririnig akong bell." Sabi ni Kyrene na nakatingin parin sa lalaki. Bigla siyang tinulak ni Bella gamit ang katawan nito.

"Gaga! Ayan na si mang Goryo sorbetero kaya may naririnig kang bell. Ahaha!" Sabi ni Bella na natawa pa.

"Huh?" Napatingin siya sa sorbetero.

"Hi!" Bati ng lalaki sa kanila ng makalapit ito kila Khielve, lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ni Bella.

"Friend baka magkapasa na ako niyan. Grabe ka makapisil." Sabi ni Bella.

"Akala ko ba walang maganda dito bro?... Hi miss beautiful." Bati naman ng isa.

Tumingin si Khielve kay Kyrene. Napansin nito ang pagtitig ni Kyrene sa kaibigan niya. Tumingin naman si Khielve sa kaibigan niya nakangiti at nakatitig din kay Kyrene.

"Kenneth! Okay ka lang ba?"Tanong ng isang kaibigan dahil tulala din ito kay Kyrene.

"Woah! Mukhang may nakahuli na din sa atensyon mo bro ah." Sabi ng isang kaibigan niya at pinalo pa ito sa balikat.

"Halika bro bilis. Minsan lang mangyari to." Agad na kinaladkad si Kenneth ng kaibigan niya palapit kay Kyrene.

"Hi miss, I'm Zion." Pakilala ng lalaki ng makalapit sila kay Kyrene. Nilahad nito ang kamay niya at tinanggap naman ito ni Kyrene.

"Kyrene." Tipid niyang sabi. Nakipagkamay din ito kay Bella.

"I'm Bella." Sabi ni Bella habang nakikipag kamay.

"Kyrene, this is Kenneth." Pakilala ni Zion.

"Hi Kyrene." Bati ni Kenneth at nilahad ang kamay niya.

"Hi" tipid niyang sabi at tinanggap ang kamay nito. Matagal silang magkahawak ng kamay.

"Baka gusto niyo ng bumitaw." Napatingin sila ng magsalita si Khielve na lumapit na sa kanila.

Parang nahiya naman si Kyrene na agad bumitaw, pero tumingin uli siya kay Kenneth na nakatingin din sa kanya.

"Kyrene ipaghanda mo kami ng snack." Utos ni Khielve. Pero hindi siya pinansin ni Kyrene, nakangiti parin ito kay Kenneth at gan'on din si Kenneth sa kanya. Lalong sumama ang mukha ni Khielve.

"HOY KYRENE!!"

"AY kulugo ka. Bakit ka ba sumisigaw kulugo?" Inis na sabi ni Kyrene dahil sinagawan siya nito ng malakas.

"Ahahaha! Kulugo. yun ang tawag niya sayo? Kulugo."Tanong ni Zion na natatawa.

"What's kolowgow?" Tanong ng babae na nasa tabi na rin ni Khielve.

"Wow! slang!" Sabi ni Bella.

"For the first time may tumawag sayo ng ganyan. Iba yun ah. Parang mas maganda yun. Nakakasawa na ang greek god, Anghel, gorgeous man, hercules. Mas okay ang kulugo. Ahaha!" Sabi ni Zion na natatawa parin.

"Shut up!" Sabi ni Khielve at sinikmuraan niya to. Napa aahh lang ito.

"Ihanda mo kami ng meryenda." Utos ni Khielve kay kay Kyrene sabay alis.

"Sige." Sabi nalang ni Kyrene sa papaalis na si Khielve.

Bago umalis si Kyrene sinulyapan muna niya si Kenneth at nginitian bago siya tuluyang umalis, sumunod rin sa kanya si Bella.

"Friend grabe ang gwapo ng dream boy mo. Totoo talaga siya no?" Sabi ni Bella. Habang papunta sila sa kitchen.

"Sabi ko sayo totoo ang dream boy ko eh. Na makikita ko din siya." Nakangiting sabi ni Kyrene.

"Ang gwapo niya. Hindi papahuli ang kagwapuhan kay señorito Khielve." Kilig na kilig na sabi ni Bella,  nasa kusina na sila nito.

"Sinong gwapo?" Tanong ni Martha.

"Yung dream boy ni Kyrene ate Martha. Kaibigan pala ni señorito Khielve. " sabi naman ni Bella at umupo ito sa harap ng lamesa.

"Psstt! Pasaway ka." Pinangdilatan ito ni Kyrene.

"Nandiyan na pala si mang Goryo sorbetero. May mga bisita po si seniorito, dadalhan ko po ng meryenda. " Sabi ni Kyrene habang kinukuha ang concentrated Juice sa ref.

"Ay sige pupuntahan ko muna." Sabi ni Martha sabay labas ng kusina. Inayos ni Kyrene ang meryenda ng bisita.

*****

Nasa living room si Khielve at mga kaibigan nito. Katabi niya si tricia na nakakawit ang braso sa braso niya.

"Kumusta ka naman dito bro?" Tanong ni Zion, na nakaupo sa isang sofa.

"Ayos naman. Naeenjoy ko naman, nagagawa ko ang hobby ko dito, unlike when I was in Manila. Alam mo naman si dad. He's against photography." He said and he slightly twisted his head to face  Tricia.

"And you Tricia. Anong ginagawa mo dito?"He asks.

"I missed you eh. Gusto kong makipagbalikan sa 'yo."Sabay hilig sa balikat ni Khielve.

"Tricia, hindi naging tayo."Sabi ni Khielve.

"But I kissed you and you kissed me back. We were kissing  passionately." Sabi nito na lalong sumiksik.

"It was just a kiss. Hindi porket nag-kiss tayo, tayo na." Naiiling pang sabi ni Khielve.

"Ito na ang meryenda." Nilapag ni Kyrene ang meryenda sa center table.

Tumingin ito kay Khielve at sinamaan siya ng tingin nito sabay alis.

"Dude, ano dito si Kyrene?" Tanong ni Zion.

"She's my personal assistant."

"Really!? Wow! you're lucky to have her. Dito ba siya nakatira?" Kenneth asked and he nodded.

"Type mo Kenneth no? Parang tinamaan din sayo bro. Nakita mo yung titig niya sa 'yo kanina. Hindi maalis, ang lagkit." Sabi ni Zion. Ngiting-ngiti naman si Kenneth, at nailing lang si Khielve.

*****

Pagkadala ni Kyrene ng meryenda sa grupo. Bwesit na bwesit siya na bumalik sa kusina. Narinig kasi niya ang mga sinabi ni Khielve kay Tricia.

"Oh problema mo? Bat ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Bella sa kakapasok palang na si Kyrene. Hindi sumagot si Kyrene.

"Si Khielve may girlfriend na pala siya no? Ang ganda din no?" Sabi ni Bella.

"Sus! Hindi daw niya girlfriend. Ang sama ng ugali niya. Sabi ba naman niya sa babae na hindi sila. It was just a kiss hindi porket nagkiss tayo, tayo na. Ang sama diba?" Iritang irita na sabi niya. Na inulit pa ang sinabi ni Khielve.

Natigilan siya ng marinig niya ang sinabi nito kay Tricia. Nasa likod siya nito habang dala dala ang meryenda, parang gusto niya itong buhusan ng juice.

"Sinabi niya yun?" Tanong ni Bella.

"Oo! Ang sama diba?" Inis parin si Kyrene. Pinagcross pa nito ang braso niya.

"Baka gan'on lang talaga ang mga taga Manila. Wala lang sa kanila ang kiss, magkikiss sila pag gusto nila. Hay! Kung gan'on kagwapo ang magkikiss sa 'kin. Okay lang sakin magpakiss kahit hindi kami." Bella said with tantalizing eyes.

"Kyrene, tawag ka ni señorito." Sabi ni Martha, at nilingon niya ito.

"Sige po." Muling siyang tumingin kay Bella.

"Diyan ka muna ah." Sabi niya kay Bella at lumabas na uli sa kusina, pumunta siya sa salas.

"Bakit kulugo?" Tanong ni Kyrene. Lumingon sa kanya si Khielve, nasa likod siya nito.

"Pwede ba Kyrene! From now on señiorito na ang itatawag mo sakin. Dito ka nga sa harap." Pumunta naman siya sa side nito, dahil halos umikot ang ulo nito para makita siya.

"Gusto ko ng apple juice."

"Masusunod señorito kulugo."

"Stop calling me kulugo! SEÑORITO!!" Inis na sabi nito na tumaas na ang boses.

"Hindi mo naman kasi nililinaw. Sabi mo tawagin kitang señiorito, may señiorito naman yun ah." Sabi niya sinamaan naman siya ng tingin nito.

"Drop that word!" Madiing sabi nito.

"Masusunod kulugo."

"Nangiinis ka talaga no?" Inis na talaga to.

"Bakit ba? Sinusunod lang kita, sabi mo drop that word." Pero ang totoo iniinis niya talaga 'to.

"YUNG KULUGO!" Pinagdiinan nito ang salita at tiim bagang.

"Aah, okay señorito." Yun lang at umalis na si Kyrene.

"Ahaha! She's different. Siya lang ang nang ganyan sayo. Mukhang nakahanap ka ng katapat mo. Ahaha!" Natatawang sabi ng kaibigan niyang si Simon.

"Yeah, she's different." Pag sang-ayon ni Kenneth.

"Yeah, baduy eh." Sabi naman niya na naiiling .Ilang sandali lang dumating na si Kyrene na dala ang juice.

"Ito na po señorito." Nilapag niya sa center table.

Napatingin siya kay Kenneth na nakatingin din sa kanya at nakangiti, nginitian din niya ito. Nakita naman ni Khielve ang pagkakangiti ng dalawa.

Tignan lang natin Kenneth kung makangiti ka pa ng ganyan, pag narinig mo ang mala armalayt niyang bunganga. -He thought himself and smirk.

"Kyrene I change my mind. I want grape juice." Sabi nito. Lumingon si Kyrene sa kanya at  kunot noong ito tumingin kay Khielve.

Nananadya na to. - sa isip ni Kyrene,  pero sumunod na lang ito. Umalis siya para kumuha uli ng juice, may magagawa ba siya amo niya yun.

"Oh bakit ganyan naman ang mukha mo?" Tanong ni Bella pagpasok niya ng kitchen.

"Bwesit na kulugo yan. Palitan ko daw, grape na daw ang gusto niya." Bwesit na bwesit na sabi niya at binagsak niya ang baso sa lamesa.

"Alam mo mauna na ako. Hindi naman tayo makakapag chikahan, masyado kang busy." Sabi ni Bella at tumayo na.

"Mabuti pa nga."Umalis na si Bella, nagtimpla naman uli siya ng Juice.

Dinala niya sa labas ang Juice pero ayaw na naman ni Khielve. Bumalik siya ng kusina at nagtimpla uli. Pero ayaw naman uli. Nakatatlong papalit na ito. Kinuha niya ang lahat ng flavor ng concentrated juice sa ref.

"Paiba-iba ka ng gusto ah. Di timplahin lahat." She said as she poured the concentrated juices on the glasses.

Nilagay niya lahat sa tray ang baso na may iba't ibang flavor ng juices. Binuhat niya ito at dinala sa labas.

"Ito na po señorito ang juices mo." Sabi niya at nilapag ang tray sa center table. Nakatingin ang lahat sa juice na dala niya, confused.

"Ano yan? Bakit ang dami?" Tanong ni Khielve.

"Mamili ka ng juice na gusto mo." Nakangiting sabi niya.

"At yung iba masasayang?" Kunot noong sabi ni Khielve.

"Wag kang mag-alala señorito, lahat na matitira mo iinumin ko. Malaki naman ang bodega ng tiyan ko kakasya yan. Kahit na ikaw kayang kaya ko pang kainin eh." Sabi niya habang hinihimas himas pa ang tiyan niya.

"Ow really Kyrene? I love that." Sabi ni khielve at ngumisi pa. Nawala ang pagkakangiti ni Kyrene sa sinabi niya.

Ano bang sinasabi ko?

"Hindi pala! Masusuka ako pag kinain kita."

"Ahaha! That's for sure Kyrene, talagang masusuka ka pagkinain mo ako. Ahaha!" Natawa ito sa sinabi ni Kyrene. Kahit ang mga kaibigan ni Khielve natawa rin sa sinabi niya.

Haist! Parang ang bastos nga ng sinabi ko. -She thought herself.

"Pumili ka na nga ng juice." Sabi na lang niya.

"Uhmm.. Orange na lang." Sabi nito sabay turo sa orange juice. Nagpanting ang tenga ni Kyrene sa narinig niya, kunot noo niya itong tinignan.

"Orange! Sigurado ka? Orange juice ang gusto mo?" She asks as she grits her teeth. Nagtitimpi na siya ng galit.

Sige Kyrene mainis kana. Show  your armalayt mouth. -sa isip ni Khielve.

"Yeah, I want orange juice. Is there something wrong with that?" Sabi nito at sinalubong niya ang tingin ni Kyrene, pero naka ngiti ito.

"Pag katapos mo akong pagtimplahin ng sandamakmak na juice. Sa orange ka lang din naman babagsak. NANANADYA KA BA TALAGA HUH!?" Sabi ni Kyrene sa mahinang boses, pero ang mga huling salita pasigaw.

Naubos na ang pasensiya niya dito. Orange juice kasi ang una niyang tinimpla na inayawan nito. Sa lahat ng ayaw niya ay yung inaapi at pinaglalaruan siya.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Kyrene. Pero si Khielve hindi dahil kahit paano alam na nito ang ugali ni Kyrene.

"Bakit? Eh parang type ko ang orange eh." Nakangiti parin na sabi nito.

"Alam mo! ikaw ang pinaka BWESIT SA LAHAT NG BWESIT!!" Pasigaw na sabi ni kay Kyrene.

"Hoy Kyrene! wag mo akong sinisigawan sa harap ng mga kaibigan ko ah. Hindi ka ba nahihiya? Ako ang amo dito, baka gusto mong sisantihin kita." Sabi nito.

"Aba! At nanakot ka pa talaga ah. Sino ba nagsabi sayo na gusto kong magtrabaho dito.
kung sisisantihin mo ako señiorito, buong puso kong tatanggapin. Ginagawa ko lang 'to para sa lola mo, hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sa dinami dami niyo naman katulong dito, ako pa ang napili mong maging yaya mo." Tuloy tuloy niyang sabi.

Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga kaibigan nito. Tumingin siya sa mga kaibigan nito, na nakatingin lang din sa kanya.

"Pasensiya na mga señorito at señorita, pero ubos na ubos na ang pasensiya ko sa kaibigan niyo eh." Sabi niya.

Tumingin uli siya kay Khielve pero hindi na siya nagsalita. Binuhat na lang niya ang tray at umalis.

"Hoy Kyrene yung juice ko." Sabi niya sa papaalis na si Kyrene.

"Magtimpla ka ng sarili mong juice. BWESIT!!" Sigaw ni Kyrene na hindi lumilingon

"Ahahaha!" Everyone burst laughter.

"GOSH! She's a crazy girl. But I like that. " Sabi ni Tricia na natatawa din.

"Ahahaha!Grabe bro. Sinasagot ka ng ganun ng YAYA MO!" Natatawang sabi ni Zion. At Pinagdiinan ang yaya mo.

"She's amazing!" Nakangiting sabi ni Kenneth.

Nailing nalang si Khielve. Sahalip na maturn off ang mga kaibigan niya parang tuwang tuwa pa lalo sa ginawa ni Kyrene.

***

Pagkaalis ni Kyrene sa salas diretso siya sa kusina. Nilapag niya ang tray sa lamesa na inin na inis.

"Bwesit na lalaking yun. Ano bang problema niya at pinagti-tripan niya ako ng ganito." Sabi niya sa sarili na bwesit na bwesit parin. Kinuha niya ang isang basong orange juice.

"Una! orange juice. Ayaw." Ininom niya ang juice, bottoms up.

"Aaah! Whoah!" Nilapag niya ang baso. Kinuna naman niya ang isang baso ng apple juice.

"Sunod apple juice. Ayaw uli." She emptied a glass of apple juice. Again, bottoms up. Nilapag niya uli ang baso. Nakakalima na siya ng baso ng juice parang hindi na niya kaya.

"Oh Kyrene. Anong ginagawa mo?" Tanong ni Martha na kakapasok palang sa kusina.

"Ito ate Martha nagpapakalasing sa juice. Bwesit yang seniorito niyo, ang lakas ng sapak sa ulo." Sabi niya habang umiinom ng juice na paunti-unti nalang.

"Niratrat mo si seniorito ah. Wala ka talagang sinasanto Kyrene. Ahaha!" Sabi nito na natatawa pa. Nakita din kasi nito ang nangyari sakanila.

"Kilala mo naman ako ate Martha eh." Sabi niya na umiinom parin ng juice.

****

"Ate Martha si Kyrene po?" Tanong ni Khielve sa dumaang si martha.

"Sa kusina po nagpapakalasing." Sagot nito.

"Nagpapakalasing?" Kunot noong tanong ni Khielve.

"Nagpapakalasing po sa juice seniorito. Ang lakas daw po kasi ng sapak niyo sa ulo. Hehe! Sabi ni Martha na humagikgik pa.

"Sinabi niya yun?" Tanong ni Khielve.

"Opo. Sinabi niya yun. Naku seniorito kahit ganun si Kyrene mabait po yun. Ayaw niya kasing naaapi siya, lumalaban yun. Nagiging armalayt talaga ang bibig nun pag ayaw niya sa tao." Natigilan si Khielve. Nagisip.

Ibig sabihin ayaw niya talaga sakin. Ibang klase talaga siya. Walang pang babaeng umaayaw sakin ah. Haist!! Ano naman kung ayaw niya sakin. Hindi ko rin naman siya gusto at hinding hindi ko siya gugustuhin. Ang baduy niya. Wala man lang siya sa kalingkingan ng mga babaeng nagkakandarapa sakin.

****

Lumabas si Kyrene ng mansyon-- sa likod ng mansyon.

"Matakasan nga ang ugok na seniorito na yun. Bahala siya maghanap." Sabi niya habang naglalakad papunta sa may puno.

Dito talaga siya madalas magpalipas ng oras. Kahit noong bata palang siya dito siya tumatambay tuwing pumupunta siya sa mansyon.

"Kumusta puno?" She's talking to the tree. She started climbing onto the tree.

Inapak niya ang isang paa sa trunk ng puno at mabilis na nakaakyat. Sanay na sanay siya sa akyatan.

Umupo siya sa pinaka malaking sanga ng puno at sumandal.

"Hay presko dito, kasing presko ni seniorito." Sabi niya at sumipol pa.

"Oh anong ginagawa mo dito pusang gala? Sino ang amo mo? Hindi ka ba makababa?" Kinuha niya ang pusa na nasa sanga. Pinatong niya sa mga hita niya at hinimas hinmas ito.

Doon siya nagpalipas ng maghapon. Hanggang sa maisipan niya ng bumababa.

"Halika ka na pussycat baba na tayo." Bababa na sana si Kyrene ng bigla siyang matigilan.

Nakita niya si Khielve at Tricia na naglalakad papunta kung saan siya. Bumalik siya pwesto niya.

Naglalakad sila Khielve papunta sa puno. Nakahawak si Tricia sa braso nito.

Umalis si Kyrene sa pwesto niya at lumipat sa medyo malago ang dahon dahil lumapit ang dalawa sa puno.

"Khielve ayaw mo ba talaga sakin?" Narinig niyang tanong ni Tricia.

"Tricia ayan ka na naman eh. I like you as a friend. I love you as a friend." Sabi ni Khielve. Humawak si Tricia sa batok ni Khielve. Dalawang kamay.

"Just look at me Khielve." Sabi ni Tricia. Tinignan naman siya ni Khielve. Nagtitigan ang dalawa.

"I like you so much." Tricia said. She slowly drew herself closer to him. Unti-unti nitong nilapit ang mukha kay Khielve para halikan.

"Aaaaahh! Shit! What was that?" Tricia screams. Gulat na gulat ito. Kahit si Khielve gulat na gulat din ng may bumagsak na pusa sa pagitan nilang dalawa na tumama pa sa mukha nila.

"Ahahaha!" Pigil na pigil na tawa ni Kyrene. Gusto niyang humagalpak sa tawa pero hindi niya magawa.

Namumula na si Kyrene dahil sa pagpigil sa tawa. Binabayo pa niya ang dibdib niya. Masakit sa dibdib ang magpigil ng tawa.

"Ohh Oh! Shit! Woah. Muntik na ako dun ah." Yung pagtawa niya napalitan ng kaba dahil muntik na siyang mahulog.

Napahawak ang isa niyang kamay sa maliit na sanga at nabali ito. Buti nakahawak ang isa niyang kamay.

*

"Damn pussycat! Ang daming babagsakan samin pa talaga." Sabi ni Tricia na parang gulat parin. Kitang kita ang inis sa mukha nito.

"Halika na nga. Balik na tayo sa loob." Aya ni Khielve at umalis na.

Lumabas lang sila ng mansyon dahil hinahanap niya si Kyrene. Sabi ni Martha sa likod niya nakitang nagpunta kaya pumunta siya. Sumama naman si Tricia sakanya.

Pumasok sila sa mansyon.

"I'll go upstairs." Sabi ni Tricia at umalis na.

"Nakita mo po si Kyrene seniorito?" Tanong ni Martha.

"Hindi eh. Wala dun." Sagot niya.

"Baka nasa puno na naman yun. Ako nalang po ang tatawag." Martha says.

"Puno! Saang puno?" Kunot noong tanong ni Khielve.

"Opo! Sa likod. Sa punong mangga, doon yun lagi nagpapalipas ng oras." Martha states.

Siya siguro ang may gawa nun kanina. Siraulong babae yun ah. Ahaha! -he thought himself. My munting ngiting sumilay sa labi niya.

"Oh Kyrene. Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni seniorito." He heard Martha speaks. He turned a looked toward the back door. He saw Kyrene entering the house. She looks happy.

"Oh Kyrene! Where have you been? You seem happy huh!" He said and grinned. He got his arms and crossed over his chest.

"Bakit masama bang maging masaya?" She asks. But the smile is still on her lips.

"Ano po yun seniorito? Ano po ang maipaglilingkod ko sainyo." She asks. She walked towards him.

"Wala" Tipid niyang sagot. She just shrugged and went to the kitchen. Sumunod naman sakanya si Khielve.

Kumuha siya na baso at kumuha ng tubig sa ref. She poured the water onto it. She empetied the glass of water. Si Khielve naman nakatayo at nakasandal sa kanto ng kitchen counter habang nakatitig kay Kyrene.

"Aahh! Sarap! Lamig." Sabi niya pagkatapos niyang inumin ang tubig.

Hinugasan niya ang baso, pinunasan at tinago. Aalis na san siya ng makita niya si Khielve.

"Seniorito. May kailangan po kayo?" Tanong niya.

"Uhmm.. Iinom lang sana ng tubig." Sabi nito.

Bumalik si Kyrene sa kitchen cabinet at kumuha ng baso. Pumunta ng ref. At nagsalin ng tubig. Lumapit uli siya kay Khielve.

"Tubig seniorito." She said. As ahe handed it to him. Kinuha naman ito ni Khielve.

"Thank you." He said as he stared at him. Ngumiti si Kyrene at lumabas na uli. Sinundan pa ito ni Khielve ng tingin through the corner of his eyes.

"Ehem! Ang ganda ni Kyrene no seniorito?" Martha suddenly spoke.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya. At uminom ng tubig.

"Medyo! Sapat para makita ang pagtitig mo kay Kyrene." Nakangising sabi ni Martha.

"Tss. You look like a maid ghost." Sabi ni Khielve. At inubos ang tubig.

"Magandang maid ghost po." Nakangiting tanong nito.

"No! An underground creature." Sabi nito at pinatong ang baso sa counter sabay alis.

"Zombie!" Sambit ni Martha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top