CHAPTER 79
Oh god! This is torture. Gustong-gusto ko siyang yakapin pag kakita ko sa kanya. God! She's even more beautiful than the last time I've seen her.. she talks and acts confidently, ibang-iba na talaga siya...
Pagkatapos makita at makausap ni Khielve si Kyrene ng nag-daang araw, ito siya ngayon sa loob ng studio office niya, nakaupo sa swivel chair nakasandal ang ulo at nakatingin sa kisame habang kagat-kagat ang ballpen at nakapatong ang dalawang paa sa desk.
"Boss! Tulala ka naman." Ginalaw lang niya ang mata niya para tignan ang hindi man lang niya namalyan na si Aldin.
Ito ang naging kaibigan niya sa loob ng nag daang dalawang taon, nakilala niya ito sa isang photographic tutorial na pinasukan niya. Wala naman sana siyang balak mag tayo ng isang studio dahil mas prayoridad niya ang kompanya nila, pero itong si Aldin pangarap ang mag-karoon ng isang studio kaya naisipan niyang tulungan ito, nag-susyo na lang sila. Ito ang madalas na tumatao dito.
Umayos ng upo si Khielve at humarap sa kaibigan.
"We've met again." Sabi niya pag kwan.
"Who?"
"Si Kyrene"
"ANG SEÑORITA NG BUHAY MO?" Bulalas nito. Ngumiti at tumango siya.
"Anong nangyari?" Tanong nito, kilalang-kilala kasi nito si Kyrene, halos nakwento na ata niya ang love story niya dito.
"Nothing happened, but she hugged me."
"Talaga boss!? Bumalik ba ang feeling niya sa 'yo?" Inusog pa nito ng husto ang upuan sa desk.
"Not that! Akala niya kasi ako si Kenneth."
"Yong kaibigan mo, yung boyfriend niya ngayon." Tumango si Khielve.
"Hay Aldin, ang ganda-ganda niya lalo." Napasandal uli siya sa upuan na animoy nag d-day dream.
"Hindi ko in-expect na siya pala ang kakausapin ko kahapon, ng sabihin ng secretary niya na antayin ko na lang si Kyrene, para akong nabingi pag karinig ko palang sa pangalan niya." Hindi rin kasi niya inasahan na ito ang kakausapin niya, akala niya si Yasmine or Jelian.
Inulit-ulit pa niyang tanungin ang sekretarya para masiguro kung tama ang rinig niya. Kaya nag-antay siya sa opisina na sobrang lakas ang kabog ng dibdib, lalo na ng yakapin siya nito at makita ang mukha ni Kyrene, parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit.
"So bumalik na siya from London, at ngayon makaka-trabaho mo siya sa project natin." Tumango-tango si Khielve.
"Edi mabuti, itanan mo na siya, dalhin sa malayong isla at pakasalan." Mapaklang ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Sana nga gan'on kadali." Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya si Kyrene, he tried to forget her by mingle with other girls, but he ended up comparing them with her. Lagi siyang may hinahanap na katangian ni Kyrene sa ibang babae na hindi niya makita, kahit kaunti lang wala siyang makita. Kaya ang ending, hindi na niya tinutuloy kilalanin pa ang mga babaeng nakakausap niya.
*****
Nakaupo si Kyrene sa swivel chair at malalim ang iniisip.
Pagkatapos ng usapan nila kahapon nila Tricia at malaman niya ang lahat, hindi na siya mapalagay. Gusto niya talaga malaman ang totoo. Ayon kay Jelian, after a year pinatawad na si Yasmine ng parents niya, dahil si Dianna na mismo ang nagmakaawa dito.
Noong una daw ayaw ng mga ito, pero ng malaman na sobrang depression ang pinagdadaanan nito at halos sa hospital na ito nakatira, pinuntahan daw ito ng daddy niya at nakita nga ang kalagayan ni Yasmine na halos nangayayat ng husto. Pinatignan din ito sa isang psychiatrist dahil halos hindi ito makausap at laging tulala.
Kaya ang daddy na mismo niya ang nakiusap sa mommy at lola niya na puntahan si Yasmine.
Nang makita ng mga ito ang kalagayan ni Yasmine, lumambot ng husto ang puso ng mga ito. Doon uli nila ito tinanggap at binalik ang dating relasyon, doon din gumaling si Yasmine at maging kay Khielve ay humingi ito ng tawad at pinatawad na rin nito.
Pero ang pangalang Brizalde hindi na nito dala, pangalan na ni Dianna ang ginagamit nito. Pero ang gumugulo parin sa utak niya kung bakit hindi na banggit ng mommy niya ang lahat ng ito.
"Kyrene anak" Bumalik sa realidad ang utak niya sa tawag ng mommy niya, hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito.
"Parang ang lalim ng iniisip mo." Umupo ito sa tapat ng desk niya.
"Wala po mommy." Pag kakaila niya.
"Kumusta ka dito?"
"Okay naman po"
"Anyway, I'm sorry, hindi ko alam na sa 'yo pala pinakausap ni Geline si..... Khielve." Medyo alangan nitong banggit sa pangalan ni Khielve.
"It's okay mommy." Walang kasigla-sigla niyang sagot.
"Sabihin ko na lang kay Jelian at Yasmine na sila na ang bahala sa photo shoot. And sabihin ko na lang kay Jelian na siya na ang makipag usap kay Khielve."
"Ako na po ang bahalang mag sabi kay Jelian." Sumeryoso ang mukha ni Kyrene at napa-buntong hininga siya. Gusto niya talagang tanungin ito, pero parang wala siyang lakas ng loob.
"Umm.. mommy.." Tumigil siya at nagiisip.
"Bakit anak?" Umiling si Kyrene.
"Wala po. Pupuntahan ko lang po si Jelian." Ngumiti ang mommy niya at tumango.
Mamaya ko na lang siya kakausapin...
Tumayo siya at ganoon din ang ginawa ng mommy niya. Sabay silang lumabas ng office niya at nag tungo siya sa opisina ni Jelian. Kumatok siya at binuksan ang pinto.
"Jelian" Pumasok si Kyrene sa office.
"Kyrene, hi." Bati naman nito habang abala sa pag-aayos ng gamit sa desk. Umupo siya sa tapat ng desk nito.
"Jelian, kasi ano... um... pwede bang.." Tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa kanya.
"Pwede bang... ikaw ang pumunta kay Khielve, please." Sabi niya pagkwan.
"Why? I thought everything is okay." Ngumiti si Jelian sa kanya.
"Are you scared?" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Na baka pag nakita mo uli siya, sa kabila ng lahat ng nalaman mo, eh hindi mo mapigilan ang sarili mo." Hindi nakaimik si Kyrene. Sa totoo lang, yon nga ang kinatatakot niya.
"Kyrene, you have to face him. Mag-kakatrabaho din naman kayo eh. Hindi mo siya maiiwasan habang buhay. Tsaka isa pa, gustuhin ko man, hindi kita mapag-bibigyan, may pupuntahan akong client." Huminga ng malalim si Kyrene at tumango na lang.
"So paano, mauna na ako sayo. I really have to go now. Tsaka anniversary namin ngayon ni Simon, mag-ce-celebrate kami."
"Kaya naman pala. Sige na, mag paderma ka muna, may pimples ka oh. Masyadong in-love eh." Ngumiti lang ito at humalik lang ito sa kanya tsaka umalis, pero nakasalubong nito si Yasmine na papasok sa pinto.
"Ate Yas." Nag-ka-tinginan si Yasmine at Kyrene.
"Maiwan ko na muna kayo." Nag-paalam si Jelian at naiwan si Kyrene at Yasmine, umiwas ng tingin si Kyrene.
Dahan-dahan namang lumapit si Yasmine sa kanya at umupo sa tapat niya. Tumikhim muna ito bago nag salita.
"Kyrene" Umangat ng tingin si Kyrene at tumingin kay Yasmine. Nagulat siya ng bigla itong lumuhod sa harapan niya.
"I know sorry is not enough sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. But I'm so sorry... pinag-sisihan ko na ang lahat ng nagawa ko." Umiyak ito bigla. Napatingala naman siya at pinahid ang luha na bigla na lang tumulo.
"Kyrene please! Forgive me." Hindi nag-salita si Kyrene.
"Masyado akong kinain ng galit at inggit ko sa 'yo.... Si Khielve lang ang minahal ko ng gan'on pero ikaw ang gusto niya, tapos hangang-hanga pa sa 'yo si mommy sa mga design mo." Umiiyak nitong pahayag.
"Lalo na ng malaman kong kapatid kita, then later on I've found out that I'm not Brizalde, my whole world was crushing down. Sa 'yo ko sinisi ang lahat, kaya sinabi ko sa sarili ko na kukunin ko ang lahat sa 'yo."
"Please Kyrene I'm so sorry. I'm so so sorry, I'm so sorry." Lalong lumakas ang iyak nito. Tulo naman ng tulo ang luha niya habang nakikinig dito.
"Tumayo ka na diyan, akalain mo yon, marunong ka palang mag-sorry at lumuhod, eh kahit nag-sisimba tayo noon hindi ka naman lumuluhod eh." Sabi niya habang nag-pupunas ng luha. Tumayo si Yasmine at umupong muli, humihikbi parin ito.
"Totoo ba yang iyak mo?" Tanong niya.
"Totoo na 'to promise." Anito at pinahid ang luha sa mata, na hindi maampat sa pag-tulo.
"Bakit ba kasi ang evil evil mo?"
"I'm sorry Kyrene, please give me a chance." Tuloy-tuloy parin ang luha nito.
"Wag ka ng umiyak, halika na nga dito." Tumayo si Kyrene, tumayo din si Yasmine at nag-yakap ang dalawa.
Malaki ang galit niya dito, hanggang sa pag balik niya talaga sa Pilipinas dala-dala parin niya yon, hindi niya alam kung papaano niya 'to haharapin. Pero ngayon kahit anong kapa niya sa puso niya, wala na talagang galit. Sa kabila ng nalaman niyang pinag-daanan nitong hirap, siguro enough na 'yon para patawarin ito.
"Ooh! Pwede ba akong sumali sa yakapan ng dalawa kong prinsesa." Nag-bitaw sila ng yakap at tumingin sa kakapasok lang na mommy nila.
"Mom" Lumapit ang mommy nila at sumali sa yakapan nila.
"Baka pwede rin akong sumali." Nag-tawanan sila ng ang daddy naman niya ang pumasok.
Yumakap din ito sa kanila. Nag-katinginan si Yasmine at Kyrene at nag ngitian, naalala niya ang ganitong eksena noon, pero noon alam niyang galit si Yasmine sa kanya. Pero ngayon, totoo na ang lahat, walang hinanakit sa isa't-isa, walang galit.
**
Nag-mamaneho si Kyrene papunta sa studio ni Khielve, hininto niya ang sasakyan sa tabi at lumabas ng sasakyan. She's looking around at the establishment.
"Bakit ko ba nakalimutang itanong ang pangalan ng studio?" She mutters, she took her phone from her bag and dial Jelian's number.
"Yes Kyrene?" Jelian answers on the third ring.
"Jelian, ano ba ang pangalan ng studio ni Khielve?" She asks
"Señorita ko."
"What!?"
"Señorita ko." Jelian repeats. She looks around again, and she saw a establishment across the road with 'Señorita ko studio' engraved on it.
"Kita ko na." Nagpaalam siya kay Jelian at muling sinilid ang phone.
Tumawid siya ng kalsada at tumayo muna sa tapat nito, pinagmasdan niya ang naka-engrave na pangalan dito.
Bakit yan ang pangalan ng studio niya?... -Napahawak siya sa suot niyang kwentas habang naka-tingin.
Pinasok niya ang pendant ng kwentas sa loob ng damit, bago sana pumasok ng studio, pero nahagip ng mata niya ang isang kulay abo na sasakyan.
"Siya yon" Napangiti siya ng maalala ang sasakyan na biglang sumulpot sa dadanan niya sa parking lot ng mall. Tsaka siya naglakad papuntang pinto at tinulak ang glass door at tuluyang pumasok.
"Hi" Bati niya sa lalaking nasa may counter.
Tumingin sa kanya ang lalaki, napa-second look ito pag kakita sa kanya. Nang-lalaki ang mata nito habang naka-tingin sa kanya.
"I'm looking for--"
"For your Señorito. Nasa loob siya." Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Grabe, ang ganda mo nga talaga señorita." Tumingin ang lalaki sa isang larawan na nasa loob ng studio at muling tumingin sa kanya.
Tinignan naman niya ang tinignan nito, napaawang ang bibig niya ng makita ang mga pictures niya sa dingding na nakasabit. Yung iba ngayon lang niya nakita at kuha ito sa ilog sa probinsya nila. Hindi niya alam na kinuhanan pala siya nito ng larawan. Napapikit siya ng bahagya dahil sa kakaibang pakiramdam na pilit na kumakawala.
"Ikaw ang model ni boss. Ako nga pala si Aldin, his personal assistant, kaibigan, kainuman at kung ano-ano pa. Pero hindi siya nang bababae, faithful siya sa 'yo. Ako lang ang babaero." Mahaba at tuloy-tuloy nitong sabi at mabilis na lumapit sa kanya at nilahad nito ang kamay, tinanggap naman niya ito.
"Halika, nasa loob siya." Pumasok si Aldin na hindi kumakatok sa isang kwarto.
"Señorito, your señorita is here... Ahaha! Relax boss wag kang ma-tense." Narinig niyang sabi ni Aldin, tumingin ito sa kanya.
"Pasok na señorita." Nilakihan nito ang pinto at dahan-dahan naman siyang pumasok. Nakita niya si Khielve na nakatayo sa may desk.
"Boss, labas muna ako, close ko muna ang studio ah." Hindi na nito inantay na sumagot si Khielve, agad itong lumabas at sinara ang pinto. Lumapit si Khielve sa kanya.
"Kyrene, um.. hi." Dahan-dahan nitong nilapit ang mukha at nagbeso sa kanya. Pigil na pigil niya ang pag hinga niya dahil sa pag-kakalapit nila.
"Have a seat." He guides her toward the sofa. She sat down and Khielve sat next to her.
"Nice studio, ang laki ng studio mo." Sabi niya habang pinag mamasdan ang kabuan nito.
Natuon ang pansin niya sa isang napakalaking portrait. Siya ang nasa larawan, magandang-maganda ang pag-kakangiti niya, tumutawa siya sa larawan actually, nakaupo sa isang malaking bato.
"I hope you don't mind." Tumingin si Kyrene kay Khielve.
"I don't mind, maganda naman ang kuha mo, parang ang ganda ko d'yan." Tumawa pa siya ng mahina.
"Maganda ka naman talaga." Sabi ni Khielve na halos hindi maalis ang tingin sa mukha niya.
Biglang siyang umiwas ng tingin. Nakakailang itong tumitig, pakiramdam niya tutunawin siya ng mga titig nito, tumingin na lang uli siya sa picture.
"May picture pala akong ganyan."
"Yeah, si Tricia lang ang nakakita niyan. Yan yung mga panahon na nahuhulog na ako sa 'yo, pero ayaw kong aminin sa sarili ko." Sumeryoso ang mukha niya sa narinig at napalunok.
"Um.. next next week na ang photo shoot, dala ko ang contract na kailangan mong pirman, idi-discuss ko sa 'yo." Pag-iiba niya sa usapan at binigay niya ang folder dito, binuklat ito ni Khielve at pinasadahan lang ng tingin at muling sinara.
"Okay na 'to."
"Hindi mo na ba babasahin?" Tanong niya dito.
"Hindi na, wala naman sigurong nakalagay dito na makukulong ako pag hindi nagustuhan ang kuha ko." Natawa siya ng mahina sa biro nito.
"Wala naman, pero sana gandahan mo ang kuha mo." Kumuha siya ng ballpen sa bag niya at inabot dito, kinuha ito ni Khielve at pinirmahan ang naturang contrata.
Binalik sa kanya ang ballpen pero nabitawan niya ito, sabay silang yumuko para pulutin ang ballpen at sabay nila itong hinawakan.
Natigilan si Khielve ng bigla niyang makita ang kwentas ni Kyrene. Hinawakan niya ang pendant, pero agad na umayos ng upo si Kyrene at tinago ang pendant ng kwentas sa loob ng damit niya.
"Um. Mauna na ako, wala na naman tayong dapat pag-usapan." Tumayo si Kyrene, pero mabilis na hinawakan ni Khielve ang kamay niya.
"Kyrene, please let's talk." Pakiusap ni Khielve. Binawi niya ang kamay sa pag-kakahawak nito.
"Nag-mamadali kasi ako, marami pa akong gagawin." Mabilis siyang umalis at nagpunta sa may pinto, halfway na siya sa pinto ng bigla siyang yakapin ni Khielve mula sa likod niya.
"I still love you Kyrene. I still love you." Nag tubig agad ang gilid ng mata niya pero pilit niyang nilabanan na wag itong bumagsak.
"Khielve please, I- I really have to go." Binitawan siya ni Khielve at hinarap siya, pinaka-titigan siya nito.
"Kyrene walang nangyari sa 'min ni Yasmine."
"Alam ko, tapos na yon, hindi na natin maibabalik ang lahat, may sariling buhay na ako, si Kenneth na ang mahal ko." Nilagpasan niya ito at nag tungo sa pinto binuksan niya ang pinto pero agad itong tinulak ni Khielve pasara, pinaharap siya nito at sinandal sa likod ng pinto.
"Khielve, ano ba?" Lumapit ng husto si Khielve sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Alam ko mahal mo pa rin ako." Napapikit si Kyrene at umiling.
"Hindi na kita mahal." Sabi niya habang nakapikit.
"Then open your eyes and look at me, then say it again." Dumilat si Kyrene, tumitig siya sa mata ni Khielve.
God Khielve! I still love you... yan ang sigaw ng utak at puso niya.
"Hindi na kita mahal." Halos paanas niyang sabi.
"Kung hindi mo na ako mahal. Bakit suot mo pa rin ang kwentas na binigay ko sa 'yo. Bakit tinatago mo parin ang singsing na binigay ko sa 'yo?" Ginawa kasi niyang pendant ang singsing na bigay ni Khielve sa kanya n'ong birthday niya. Kasama ang kalahating puso.
"Hindi yon ang basihan." Inalis niya ang kamay ni Khielve, pero muli siya nitong hinawakan sa mukha.
"Kyrene mahal na mahal pa rin kita, akala ko kaya na kitang kalimutan eh, pero n'ong nakita kita, bumalik lahat, lahat lahat. Mahal na mahal pa rin kita."
"Kung mahal mo ako, bakit hindi mo nilinaw ang lahat? Bakit hindi mo ako hinanap? Bakit hindi mo ako pinuntahan sa London? Imposibleng hindi mo alam kung asan ako. More than two years Khielve, almost three years, bakit ngayon mo lang yan sasabihin. Kung kelan okay na ang lahat." Tumulo na ng tuluyan ang luha niya na kanina pa niya pinipigil, hindi rin nakapag-salita si Khielve sa sinabi niya.
"Tigilan na natin 'to." Pero laking gulat ni Kyrene ng halikan siya ni Khielve sa labi, matagal siya bago na ka-react sa ginawa nito, at agad niya itong tinulak, pero mas lalo lang nitong diniinan ang pag halik sa kanya.
Sa tuwing susubukan niya itong itulak lalo lang dumidiin ang halik nito. Napapikit si Kyrene, hanggang sa hindi na niya ito magawang itulak, naging magaan ang halik ni Khielve sa kanya, masuyo at punong-puno ng pagmamahal, pakiramdam niya dinadala siya sa ibang dimensyon ng mga halik nito.
Natagpuan nalang niya ang sariling tinutugon at sinasabayan ang galaw ng mga labi nito. Hindi niya kayang lokohin ang sarili niya, kahit minsan, kahit kailan, hindi nabawasan ang pag mamahal niya dito.
Napahawak siya sa batok nito, hinapit ni Khielve ang bewang niya gamit ang isang kamay, habang ang isang kamay nasa likod ng ulo niya. Lumalim ng husto ang halik nila, dalang-dala na sila sa bugso ng damdamin nila, para silang uhaw na uhaw at sabik na sabik sa mga labi ng bawat isa.
Napadilat siya ng biglang makita ang imahe ni Kenneth, agad niyang naitulak si Khielve.
"Tama na please." Pakiusap niya dito at biglang may butil ng luha ang kumawala sa mata niya. Dinikit ni Khielve ang noo sa noo niya.
"Mahal na mahal pa rin kita Kyrene. Alam ko, nararamdaman ko, mahal mo pa rin ako."
"Khielve tama na, kahit mahal pa kita hindi na tayo pwede, si Kenneth, mahal ko siya. Hindi ko siya kayang saktan, napaka-buti niya, kahit isang beses man lang sa loob ng halos tatlong taon na relasyon namin, hindi ako umiyak o sumama man lang ang loob ko dahil sa kanya." Napapikit at may luhang tumulo sa mata ni Khielve, nasasaktan siya ng husto, kahit si Kyrene sobra ding nasasaktan. Mahal niya parin si Khielve pero mahal din niya si Kenneth, hindi niya 'to kayang saktan.
"I love you so much Kyrene, ikaw lang ang minahal ko mula noon hanggang ngayon." Kitang-kita ni Kyrene sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman nito.
Para ring dinudurog ang puso niya, habang nakatingin sa mukha ni Khielve habang may luhang lumalandas.
"It's really hard for me to be near you, mas lalo lang kitang mamahalin kung mananatili tayong malapit sa isa't-isa." Halos hindi tumigil ang luha sa mga mata ni Khielve na umaagos.
"For the last time, please let me kiss you." Hilam din ang mata ni Kyrene ng luha. Tinaas niya ang kamay niya at hinaplos niya ang pisngi ni Khielve.
"I'm....so.. Sorry." Lalong naiyak ang dalawa. Hinalikan uli siya ni Khielve at buong puso naman niyang tinugon ito habang may luhang lumalandas sa mga mata nila. Mahal parin nila ang isa't isa, pero hanggang dito nalang talaga sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top