CHAPTER 77


London:

Papasok si Kyrene at Kenneth sa bahay nila Kenneth habang may dala-dalang mga paper bag ng mga pinamili nila. Pag-pasok nila ng bahay nagulat siya ng makita niya ang mommy at daddy niya.

"Mommy! Daddy!"

"Kyrene baby!" Agad na tumayo ang mommy at daddy niya at nilapitan siya, agad siyang niyakap ng mommy.

"I miss you baby."

"I miss you too mommy." Agad na kinuha ni Kenneth ang dala niya, tsaka niya niyakap ang mommy niya.

"Daddy!" Niyakap din niya ang daddy niya tsaka sila umupo sa living room, nandoon din ang buong pamilya ni Kenneth.

"Sorry baby kung medyo natagalan bago uli kami naka-dalaw."

"Okay lang po, alam kong busy din kayo. Pero akala ko po hindi kayo mag-ce-celebrate ng new year dito." Pero ang totoo halos 3 weeks palang sila nitong hindi nagkikita.

"Hmm! Sinabi ba namin yon? hindi ka na nga namin nakasama noong Christmas eh. Hindi kasi namin maiwan ang lola, naawa naman kaming iwan." Ngumiti lang siya at muling yumukap dito.

"You look so different now, noong mga nakaraan na dalaw namin sa 'yo you look sad, but now look at you." Hinawakan ng mommy niya ang pisngi niya. Paminsan-minsan kasi ang mga itong dumadalaw sa kanya, halos every two weeks.

"Hindi talaga ako nag kamali ng pasamahin kita kay Kenneth dito."

"But you have to admit Margarita na ayaw mong pumayag at first. Kung hindi ako ang tumawag sa 'yo." Singit ng mommy ni Kenneth. Ito rin kasi ang nakiusap na sa kanila na muna si Kyrene, dahil no'ng si Kenneth ang nakiusap medyo nag-alangan si Margarita.

"Well, baka kasi asawahin ni Kenneth agad eh." Nag-tawanan ang lahat sa sinabi nito. Nag-paalam din kasi si Kenneth na liligawan niya si Kyrene dito.

"By the way, kayo na pala." Sabi ng daddy niya sabay tingin kay Kenneth na medyo tinaliman ang tingin.

"Wag mo ngang takutin si Kenneth, isa pa, sinabi ko sa 'yo na sasagutin na ni Kyrene si Kenneth diba?" Pinalo ni Margarita ang asawa sa braso, pinaalam din kasi ni Kyrene sa mommy niya na sasagutin na niya si Kenneth.

"Kenneth, don't hurt my daughter or else...."

"Daddy naman, wag mong takutin si Kenneth." Saway ni Kyrene dito.

"Hinding-hindi ko po siya sasaktan tito, I promise that."

"Basta para sa 'kin, okay si Kenneth. Basta make sure Kenneth na hindi na kami lilipad ng London para puntahan si Kyrene ng hospital."

"Mommy isang beses lang po 'yon. Hindi na mauulit, promise."

"Kahit na, natakot ako n'on." Nang-maospital kasi ito minsan, gusto na siya nitong ibalik sa Pilipinas pero si Kyrene na mismo ang umayaw, wala naman nagawa ang mommy niya.

Nanatali lang ito at sinamahan siya ng isang linggo hanggang sa masiguro nitong okay na siya bago uli ito bumalik ng Pilipinas, Pumayag lang ito na tumira sa bahay nila Kenneth ng sabihin ni Kenneth na nalulungkot na naman ito at ayon na rin sa pakiusap ng mommy ni Kenneth na siya na ang bahala kay Kyrene.

**

Nakatanaw si Kyrene sa labas, pinapanood niya ang lahat na nag sisindi ng fireworks, hindi pa man sumasapit ang bagong taon, nagsisindi na agad ang mga ito.

Tumawag na rin siya sa nanay at tatay niya para batiin ang mga ito, nag-iyakan pa sila dahil miss na miss na raw sila ng mga ito. Matagal na rin niya itong hindi nakikita, pero nakakausap niya ang pamilya niya sa Skype. Binigyan kasi ito ng parents niya ng laptop para daw magkausap sila.

Sa loob ng halos mahigit kalahating taon ng buhay niya ang daming nangyari, ang daming rebelasyon. Kaya hindi niya maiwasan ikumpara ang buhay niya noon sa probinsya. Kakain, papasok sa skwela, tutulong sa bukid, makikipag kwentuhan kay Bella at mamimitas ng mangga sa Hacienda Montillo. Gan'on lang ang buhay niya, hindi interesting ang mga nangyayari, pero sa isang iglap na bago lahat, hindi lang nagulo, nagulantang ng husto ang tahimik ay simple niyang buhay.

"Ang lalim ng iniisip mo." Bigla siyang niyakap ni Kenneth mula sa likod niya.

"Wala naman, naisip ko lang.. ang dami na palang na bago sa buhay ko, sa loob lang ng ilang buwan."

"Simula ng makilala mo kami." Napangiti si Kyrene, naiisip niyang tama ito, simula ng nakilala niya ang mga ito nabago ang lahat. Sinimulan kay Khielve ng pag-tagpuin ang landas nila, ang dami ng nangyari.

"Mag-simula tayo ng bagong buhay sa darating na taon Kyrene, new and happy memories."

"Oo Kenneth, iiwan natin ang lahat ng sakit at masamang alaala sa taon na ito." Hinigpitan ni Kenneth ang yakap sa kanya.

*****

Nasa kwarto si Kyrene at nasa harap ng laptop, ngayon lang s'ya nag-bukas ng facebook n'ya. nag palit din s'ya ng e-mail address n'ya, wala ibang nakakaalam kundi ang mga magulang niya.

Ngayon, sinubukan n'yang buksan ang old account n'ya. Binuksan n'ya ang inbox, nakita n'yang maraming messages si khielve, nag-mamakaawa ito na kausapin s'ya, hindi n'ya na napigilan ang mga luha niya na tuloy-tuloy na namang rumagasa mula sa mata n'ya, agad niya itong pinahid at huminga ng malalim.

Pinaka-titigan n'ya ang propfile picture ni Khielve, hindi parin nito pina-palitan, picture parin nilang dalawa. Nakuyom niya ang palad niya, gusto n'yang buksan at tignan ang profile nito, pero nag-dadalawang isip s'ya.

Hanggang sa matagpuan n'ya ang sarili na nakatingin sa profile nito, binuksan niya ito, in-scroll-down niya para tignan ang timeline, napahawak s'ya sa dibdib n'ya and this time, hindi na n'ya kinaya, napaiyak na talaga s'ya ng husto ng makita niya ang mga pre-nuptial photos ni Khielve at Yasmine, tag photos na galing kay Yasmine.

Parang pinag-sasaksak ang dibdib niya, parang may nakadagan na kung ano sa sobrang bigat ng pakiramdam niya, parang pinag-sisihan niyang binuksan pa niya ito.

Ayon din sa caption ng photos, isang buwan na lang naka-takda nang ikasal si Khielve at Yasmine, agad-agad niyang de-ni-activate ang account niya.

"Kyrene" Agad-agad niyang pinunasan ang mga luha niya ng marinig ang mahinang pag-tawag ni Kenneth.

Naramdaman na lang niyang yumakap ito sa kanya, pinulupot nito ang braso paikot sa balikat niya. Humawak siya sa braso nito, naramdaman niyang hinalikan siya ni Kenneth sa pisngi.

"I love you Kyrene." Bigla para siyang na-konsensiya dahil ang taong lubos-lubos na nag mamahal sa kanya ay nandito, pero umiiyak na naman siya dahil kay Khielve.

"I love you too Kenneth. I'm sorry." Hinigpitan lalo ni Kenneth ang yakap sa kanya, hindi ito nag tanong ng kahit na ano kung bakit siya nag-so-sorry na parang alam nito ang dahilan.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ipag-luto kita?"

"Talaga" Inalis niya ang braso ni Kenneth at tumayo siya.

"Oo, Ipag-luluto kita. Ano gusto mo?"

"Kahit ano." Humawak si Kyrene sa braso ni Kenneth at sabay na lumabas ng kwarto.

Nagpunta sila ng kitchen, agad na hinanda ni Kyrene ang gagamitin sa pag-luluto. Naisipan niyang menudo na lang ang lutuin dahil ito ang paborito ni Kenneth na niluluto niya kahit ng buong pamilya nito. Pagkatapos niyang I-prepare ang lahat sinimulan niya itong lutuin.

Yumakap si Kenneth sa likod niya habang nag-luluto siya, napangiti na lang siya, 2 months na sila nito, at walang kapalya-palya ito na sa tuwing mag-luluto siya at nasa bahay si Kenneth nakayakap lagi ito sa kanya.

"Hay Kenneth, nakayakap ka naman kay Kyrene. Hindi kaya naiinis na yan sa 'yo." Saway ng kapatid niya sa kanya na kumukuha ng tubig, kasunod nito ang asawa.

"Inggit ka lang, palibhasa hindi ginagawa 'to sayo ni kuya." Natawa lang si Kyrene sa sinabi nito.

"Bro, ang corny naman ata kung yayakapin ko pa siya kung mag-iinit lang ng pagkain sa microwave." Biglang sabi naman ng asawa nito, kayo lalo silang nagtawanan, pinalo ito sa braso ng kapatid ni Kenneth. Dumating naman ang mommy ni Kenneth.

"Nakayakap ka na naman Kenneth." Ito naman ang pumuna sa kanya.

"I just want to make sure mom, na hindi ako iiwan ni Kyrene." Natatawa nitong sabi.

"Bakit kaya hindi na lang kayo mag pakasal."

"Oh! That's good idea." Pag-sang ayon ng kapatid ni Kenneth.

"What do you think Kyrene. Papakasal ka ba sa 'kin." Hindi na kapag-salita si Kyrene.

"Biro lang" Bulong ni Kenneth, pero ang totoo kung siya lang kahit ngayon mismo papakasalan na niya ito.

Nagpaalam lang ang tatlo at naiwan si Kenneth at Kyrene. Tumigil si Kyrene sa ginagawa at hinarap si Kenneth.

"Galit ka ba? Biro lang 'yon, sinasakyan ko lang ang sinabi ni mommy." Biglang yumakap si Kyrene dito.

"Hindi kita iiwan Kenneth, kahit anong mangyari hinding-hindi kita iiwan. Pangako." Niyakap din siya ni Kenneth ng sobrang higpit.

"Thanks Kyrene, mahal na mahal kita."

"Mahal din kita."

****

Brizalde's Mansion:

Halos abala ang lahat sa pag-hahanda para sa gaganaping kasal ni Yasmine at Khielve. Nasa living room na si Yasmine at bihis na bihis na ito, suot nito ang napa-kagandang wedding gown na gawa ng mommy niya. Kasama nito ang mga kaibigan niyang sina Stacy at Bianca.

"This is it Yas, you've won. finally!" Sabi ng kaibigan niyang si Bianca.

"Yeah, magiging Mrs. Yasmine Montillo na rin ako."

"Yas, I'm wondering kung saan mo nakukuha ang lakas ng loob mo sa pag-gawa ng mga evil plan." Sabi naman ni Stacy, ngumiti lang si Yasmine dito.

"Paano Yas, ang honeymoon niyo? Siguradong malalaman ni Khielve na wala talagang nangyari sa inyo."

"Stacy will you please shut up! May makarinig sa 'yo." Singhal ni Yasmine dito, at tumingin sa paligid, nakita niya ang lola niya na siguradong narinig ang usapan nila, pero hindi na naman yon kinabahala ni Yasmine dahil hanggang ngayon hindi parin ito makapag-salita, pero nagagalaw na nito ang mga kamay. Lagi itong may hawak na glass bell, ginagamit nito tuwing may kailangan ito.

"Tama si Stacy Yas, anong gagawin mo pag-nalaman ni Khielve, lalo yon masusuklam sa 'yo." -Bianca

"Wala na siyang magagawa, kasal na kami by that time." Walang itong kabakas-bakas ng pag-alala sa posibleng kahinatnan ng kasinungalingan niya.

"Believe talaga ako sa ability mo Yas, isipin mo na naniwala sila na may nang-yari sa inyo, specially si Khielve." -Napangiti lang si Yasmine sa sinabi na yun ni Bianca at inalala ang nangyari ng gabing yon.

Hinatid niya si Khielve ng gabing yon, iniwan nila si Zion na halos lasing ng lasing na rin, tinulungan siya ng bouncer na ihatid si Khielve sa sasakyan nito, siya ang nag-maneho ng sasakyan.

Si Inday ang nagbukas ng gate at tinulungan na rin siya nitong ihatid si Khielve sa kwarto. Sinabi niya sa katulong na siya na ang bahala kay Khielve.

Bagsak na bagsak si Khielve, at pangalan ni Kyrene ang paulit-ulit nitong sinasabi. Doon siya nag karoon ng idea na pikutin ito, tinanggalan niya ito ng damit, at gan'on din ang ginawa niya sa sarili na tanging panloob lang ang iniwan.

Kung siya lang gusto niya talagang may mang-yari sa kanila nito, pero impossible, dahil sa kalasingan nito. Maswerte pa siya dahil si Kyrene pa ang mismong nakakita sa kanila ni Khielve.

Hindi na rin siya naisipan ipa-medical ng mga ito dahil pinaniwalaan naman siya sa mga sinabi niya, kahit si Khielve hindi nag demand ng medical examination dahil siguradong iniisip din talaga ni Khielve na may nangyari sa kanila dahil sa blood stain na nasa bedsheet, nakatulong ang pagkakaroon niya ng menstruation ng araw na yon.

Laking pasasalamat niya na hindi na nagmatigas pa si Khielve dahil kung hindi itutuloy ni Dianna ang demanda at siguradong may medical examination na mangyayari, pero hindi rin niya kinabahala yon, dahil sa sobra siyang mahal ni Dianna, kahit mali pagtatakpan nito. Ito rin kasi ang talagang gumagawa ng paraan para matuloy ang kasal ni Yasmine, ayon na rin sa pakiusap ni Yasmine dito, dahil mahal siya nito at handa nitong gawin ang lahat, ito lahat ang gumawa ng paraan.

Hindi rin kasi gusto ng mag-asawang Brizalde na umabot pa sila sa demandahan, dahil sa may pinag-samahan na rin ang dalawang pamilya.

"Yasmine, halika na, nasa church na si Khielve." Napangiti siya ng husto sa sinabi ng mommy niya na pumasok ng pinto.

"Marie, paki-labas na si mama." Utos ni Margarita sa nurse.

"Ma'am, kasi po biglang tumaas ang blood pressure ni Donya Solidad."

"Gan'on ba, bakit?" Alalang tanong nito at lumapit sa Donya.

"Hindi ko nga po alam, okay naman po kanina, medyo mabilis din ang heartbeat niya." Paliwanag ng nurse.

"Mama, wag na lang po kayong sumama ah. Pahinga na lang po kayo dito." Humalik lang siya sa donya at umalis na sila.

***

Nasa simbahan na ang lahat, nakatayo si Khielve sa dulo ng aisle, habang nag-mamartsa ang mga abay.

Ito na yata ang pinaka-malungkot na kinakasal. Sumang-ayon na lang siya sa kasal na gusto ng pamilya ni Yasmine at magulang niya, wala na naman kasing dahilan para tumanggi pa, wala na si Kyrene at tinanggap na niya ang kapalaran nila. Pinag-bigyan na lang niya ang magulang niya, kesa ilagay pa sa iskandalo ang pamilya niya. Natapos ang pag-martsa ng lahat.

"Good luck bro." Sabi ni Simon na nasa tabi niya.

"Condolence bro." Sabi ni Zion na nasa tabi ni Simon, narinig naman ng daddy at mommy ni Khielve ang sinabi nito, nailing na lang ang dalawa.

Kahit ang mga ito naaawa kay Khielve, pero wala silang pag pipilian, si Dianna ang masyadong desidido na makasal ang dalawa at ito din ang nag banta ng demanda. Alam na rin nila na ito talaga ang tunay na ina ni Yasmine, dahil kwenisyon ng mga ito kung bakit ito ang atat na atat, kaya pinag-tapat nito na siya ang tunay na magulang ni Yasmine.

Bumukas ang malaking pinto ng simbahan at nag-simulang pumasok ang bride, kasama nito ang mga magulang.

Nag-simula itong mag-lakad sa aisle, napa-tingin si Khielve dito, pinakatitigan niya ito habang papalapit. Ang malungkot na mukha ni Khielve, parang biglang nag-ning-ning.

"Kyrene" Anas niya habang nakatingin dito, magandang mukha ni Kyrene ang nakikita niya, naka-ngiti ito sa kanya, pakiramdam niya huminto ang oras niya, nakatitig lang siya dito hanggang sa makalapit ito sa kanya.

"Khielve" Tawag sa kanya ng mommy niya dahil sa pag-katulala niya, doon siya natauhan at bumalik sa realidad ang diwa niya.

Bigla-bigla, parang gusto niyang tumakbo palayo, ng makita niyang si Yasmine ang nasa harapan niya.

"Khielve" Tawag uli sa kanya ng mommy niya dahil sa hindi niya pag-kilos, pumikit siya ng madiin tsaka lumapit kay Yasmine, kinawit nito ang kamay sa braso niya at naglakad sila papuntang altar.

**
London:

Lumabas si Kyrene ng kwarto niya, natigilan siya ng marinig ang tugtog ng piano, forever more ang tinutugtog nito. Napahawak siya dibdib niya ng maalala niya si Khielve.

Tama na Kyrene, kinasal na sila...

Alam niyang kahapon ang kasal ni Khielve, bumaba nalang siya ng hagdan, nakita niya si Kenneth na tumutugtog, napangiti siya at lumapit dito.

"Marunong ka pa lang mag-piano." Doon biglang huminto si Kenneth, umupo siya sa tabi nito.

"Bakit tumigil ka?"

"Sorry" Sabi ni Kenneth.

"Sorry saan?"

"Tinugtog ko ang theme song niyo." Ngumiti siya dito.

"Wala na yon, naka-move-on na ako." Tipid lang na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala ka ba sa forever?" Tanong ni Kenneth, sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Oo na naman." Mabilis na sagot ni Kyrene.

"Hindi naman kayo nag-katuluyan ni Khielve." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya, pero bigla din niyang tinamisan ito.

"Kasi, hindi siya ang forever ko... Ikaw kasi ang nakatakda talaga na maging forever ko." Tipid na ngiti lang ang sagot ni Kenneth at muling pumindot sa keyboard gamit ang hintuturo.

"Tumugtog ka, kakanta ako." Kunot noo siyang tinignan ni Kenneth.

"Ahaha! Bakit ganyan ang reaksyon mo? Kainis ka." Pinalo niya ito sa braso.

"Hindi pa kasi kita naririnig kumanta eh."

"Hmm! Ang totoo, pang banyo lang ang boses ko. At hindi pa ako kumakanta sa harap ng ibang tao, sila nanay palang ang nakakarinig ng ginintuang tinig ko." Natawa si Kenneth sa sinabi niya.

"Pero dahil love kita, at para I-prove na naka-move-on na ako. Kakantahin ko ang song na yan para sa'yo." Ngumiti si Kenneth at muling hinarap ang piano, nag-simulang uli itong tumugtog, tumikhim muna si Kyrene bago kumanta.

Napapangiti si Kenneth habang kumakanta si Kyrene, hindi naman gan'on kasama ang boses nito, pero hindi rin talaga masasabing maganda. 'Pwede na' Yon ang tamang description ng boses niya, natapos siya sa pag-kanta.

"Ano? Naniniwala ka na?"

"Hmm, yeah." Sagot ni Kenneth.

"Parang hindi naman eh." Hinawakan ni Kyrene ang mag-kabilang pisngi ni Kenneth at pinaka-titigan ito.

"I love you Kenneth. Maniwala ka sa 'kin." Hinalikan ito ni Kyrene sa labi, na ikinagulat ni Kenneth, mula ng naging sila nito hindi pa niya 'to nahalikan sa labi, sinubukan niya once, pero umiwas ito kaya never na siyang nag-attempt, sa pisngi lang siya humahalik dito.

"Naniniwala ka na ba?" Ngumiti si Kenneth, pero hindi sumagot.

Hinalikan uli ito ni Kyrene sa labi, pinikit niya ang mata niya at gan'on din ang ginawa ni Kenneth, masuyong gumalaw ang mga labi nila, tumigil si Kyrene sa pag-halik at bahagyang nilayo ang mukha.

"Naniniwala ka na?" Ngumiti si Kenneth.

"Hindi pa masyado."

"HMMP! Gusto mo lang halikan uli kita eh." Tinulak ni Kyrene ang noo ni Kenneth gamit ang hintuturo niya.

"Ahaha! Obvious ba?" Natatawang tanong ni Kenneth. Hinawakan ni Kenneth ang mukha niya at hinalikan siya ng madiin na madiin na halik sa labi.

"I love you Kyrene... mahal... na .. mahal na mahal kita, higit pa sa lahat, higit pa buhay ko." Niyakap siya nito ng sobrang higpit.

"Mahal na mahal din kita Kenneth... ikaw lang walang ng iba. Ikaw na lang, pangako." Napapikit ng madiin si Kyrene, at mas hinigpitan ang yakap kay Kenneth.

___________________________________
_________________________________

Ayan! kasal na si Khielve at Yasmine.... may pag-asa pa kaya si Kyrene at Khielve? Any question guys? Opinion and everything?

Hanggang 80 chapter na lang at epilogue..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top