CHAPTER 75

"Kenneth" Nanglalaking mata na sambit niya. Kinusot-kusot niya ang mata niya, dahil baka namamalik-mata lang siya.

"Hindi ka nanaginip, ako talaga 'to." nakangiting sabi ni Kenneth. 

"Ikaw ba talaga yan?" Nagkibit balikat lang si Kenneth. 

"KENNETH!" Niyakap niya si Kenneth ng sobrang higpit. Pagkwa'y hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

"Ikaw nga Kenneth! Ikaw nga." Niyakap uli niya ito, natawa nalang si Kenneth. 

"Baka gusto mo akong papasukin?" Natatawang sabi  ni Kenneth. Bumitaw si Kyrene sa pag-kakayap dito.

"Sorry,  masyado lang akong na-excite, halika ka." Pumasok si Kenneth at sinara ni Kyrene ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap? Saan ka nakatira? Kailan ka pa dito? Hanggang kailan ka dito?" Sunod-sunod niyang tanong hindi pa man sila nakakaupo, kaya lalong natawa si Kenneth.

"Ikaw talaga, alin ang gusto mong una kong sagutin d'on?" Umupo sila sa sofa na mag-katabi.

"Kahit alin, basta sagutin mo lahat." Sagot niya, kaya lalong natawa si Kenneth.

"Kumusta ka dito?" Nagkibit lang ng balikat si Kyrene.

Hindi niya alam ang isasagot, hindi niya pwedeng sabihin okay siya kasi lungkot na lungkot na talaga siya.

"Ang totoo, lungkot na lungkot na ako dito." Bigla nalang may namuong butil ng luha sa gilid ng mata niya at tuloy-tuloy itong bumagsak. Marahang pinahid ni Kenneth ang luha niya ng hinlalaki nito.

"Hindi ka na malulungkot, sasamahan kita dito." Ngumiti si Kyrene, mapaklang ngiti.

"Hanggang kailan naman? Isang linggo o dalawa?" Naiiyak parin niyang tanong.

"Hanggang kailangan mo ako. Gusto mo habang buhay pa eh." pilit na ngumiti si Kyrene.

"Wag kang paasa."

"Ahaha! Hindi ah, dito na talaga ako. Dito na ako mag-aaral. Diba sabi ko dati sa 'yo na nasa ibang bansa ang pamilya ko, tita ko lang ang tumitingin sa 'kin."

"Oo, pero sabi mo diba, ayaw mo dito? Anong nakapag pa-bago ng isip mo? Matagal na rin kasi talaga siyang pinapasunod sa London ng mga magulang niya, siya lang ang may ayaw.

"Ikaw" Halos pabulong nitong sagot, hinawakan ni Kenneth ang pisngi niya.

"Alam kong kailangan mo ng makakasama Kyrene,  kaya nag-decide akong sumunod sayo. Nakiusap ako kay tita Margarita na ibigay sa 'kin ang address mo."

"I know you need someone to lean on. Let me be the one Kyrene, let me take care of you." Tumango si Kyrene, at lalong siyang naluha.

"Kailangan kita Kenneth. Samahan mo ako dito. Please!" Niyakap siya ni Kenneth.

"Sasamahan kita." Masuyong hinalikan ni Kenneth ang ulo niya. Kumalas sila ng yakap, at hinawakan ni Kenneth ang mukha niya at marahang pinahid ang mga luha niya.

"Pero may request sana ako eh." Sabi nito pagkuwan.

"Ano yun?"

"Pwede bang tama ng iyak, gusto ko sana lagi kang nakangiti pag kasama mo ako." Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Kyrene.

"Ayan! Ang cute cute mo talaga pag naka-smile." Pinisil ni Kenneth ang mag kabila niyang pisngi, kaya napangiti na ng husto si Kyrene.

***

"Ms. Margarita pauwi na po ba kayo?" Tanong ni Geline habang nag-lalakad si Margarita sa lobby ng company building nila.

"Oo Geline, kailangan kong makauwi ng maaga sa bahay. Baka nag-aantay na si Kyrene." Lagi itong umuuwi ng maaga dahil bago si Kyrene pumasok ng klase nito nag-uusap muna sila sa pamamagitan ng skype, araw-araw yon. Mas-gusto nitong sa bahay nag-uusap dahil wala daw istorbo.

"Okay Ms. Margarita,  take care." Ngumiti lang si Ms. Margarita dito at lumabas na ng building. 

Tumuloy siya sa sasakyan niya  na nakaparada na sa tapat ng entrance ng building.  Agad siyang sumakay sa sasakyan niya, she was about to start the engine when she suddenly saw Dianna with someone else,  at mukha itong nag-tatalo. Lalabas sana siya uli para lapitan ito, pero bigla siyang natigilan. Pinag-masdan niya ang babaeng kausap nito,  parang pamilyar sa kanya ang babae.

"Saan ko ba siya nakita?" Inisip niyang mabuti, hanggang sa luminaw bigla sa utak niya ang lahat.

"Siya yung babaeng nag-bigay sa 'kin kay Yasmine." Napahigpit ang hawak niya sa manibela.

"Bakit sila magkasama ni Dianna?"

"Hindi kaya.... oh no!" Napatiim ang bagang ni Margarita sa biglang naisip. Umalis ang babae at sumakay naman si Dianna sa sariling sasakyan nito.

Agad niyang binuhay ang makina, pero hindi niya agad pinaandar. Nakita niyang sumakay sa isang taxi ang babae, agad niyang pinaandar ang sasakyan, at sinundan ang taxi.

Huminto ang taxi sa isang maliit na bahay, halos dikit-dikit ang mga bahay sa naturang lugar,  pero hindi naman ito masasabing squater area, mas maayos naman ang lugar sa isang squater area. Pagpasok ng babae sa bahay, hininto niya ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay nito. Agad siyang lumabas ng sasakyan at nagtungo sa pinto ng bahay ng babae, kumatok siya dito na agad naman siyang pinagbuksan. 

"Sino ka? Anong kailangan nila?" Tanong ng babae.

"Hindi mo na ba ako na tatandaan?" Tanong ni Margarita. Pinagmasdan siya ng babae at kitang-kita ang pag-iba ng ekpresyon ng mukha nito. Gulat at takot.

"Pasensiya na hindi kita kilala." Isasara na sana ng babae ang pinto, pero mabilis niyang hinawakan ang pinto. 

"Sigurado ka? Eh kung tumawag kaya ako ng pulis, baka pag nasa kulungan ka na maalala mo ako." Biglang parang namutla ang babae.

"Bakit mo binigay si Yasmine sakin? Anong ugnayan mo kay Dianna?" Tanong niya dito, hindi makapag-salita ang babae.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagkway sabi nito.  Kumuha ng cellphone si Margarita at nagdial.

"Police station--"

"Sandali" Pigil ng babae sa kanya, agad naman binaba ni Margarita ang cellphone.

Nilakihan ng babae ang pinto, senyales na pinapapasok siya nito. Tumuloy si Margarita at umupo sa lumang sala set,  umupo naman ang babae sa katapat niya, may batang babaeng lumapit sa babae.

"Saan nang galing si Yasmine?  Bakit mo siya binigay sa 'kin?" Pinaalis muna ng babae ang bata.

"Napag-utusan lang ako." Sagot ng babae.

"Sino?"

"Si Dianna"

"Si Dianna. Pero bakit niya gagawin yun?"

"Hindi ko alam, malayong kamag-anak siya ng asawa ko, nakita ko siya sa t.v. kasama ka, doon ko nalaman na kaibigan mo pala siya. Kaya pinuntahan ko siya para I-block mail. Hindi ko naman sana gustong gawin yun, malaki lang ang pangangailangan ko para maipa-gamot ang anak ko." Mahabang paliwanag ng babae.

"Sino ang tunay na magulang ni Yasmine? Yung batang binigay mo sa 'kin?"

"Ang alam ko... anak siya ni Dianna."

"Ano!?" Napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang gulat sa nalaman niya.

"Alam mo bang, matagal na nalayo ang tunay kong anak dahil sa ginawa mo... Pag babayaran niyo 'to." Punong-puno ng galit si Margarita.  Biglang lumuhod ang babae sa harap niya.

"Patawarin niyo ako, alam ko mali ang ginawa namin ng asawa ko. Napag-bayaran na namin yun, ang dami ng kamalasan ang dumating sa buhay namin. Namatay na rin ang asawa ko, kung makukulong ako paano ang mga anak ko." Umiiyak na ang babae, kahit ang apat na anak nito nag-iiyakan na rin. Isang dalaga, isang binata at dalawang bata pa.

Nakaramdam naman ng awa si Margarita,  tumayo siya at walang paalam na lumabas ng bahay.

    Pag-kaalis na pag-kaalis ni Margarita sa bahay ng babae agad siyang umuwi sa bahay nila.

"ASAN SI DIANNA!?" Halos pasigaw niyang sabi pagka-pasok na pag-kapasok niya ng Mansiyon. 

"DIANNA!!?" Malakas niyang sigaw. Nagulat ang mga katulong dahil kahit na kailan hindi man lang ito sumisigaw.

"ASAN SI DIANNA!?" Sigaw niya uli.

"Margarita bakit?" Mabilis na bumaba si Dianna ng hagdan.

Pag-kababa na pag-kababa nito, walang sabi-sabing sinampal niya ito. Gulat na gulat ito na napa-hawak sa pisngi.

"Bakit?" Tanong ni Dianna, na bakas ang pag-kagulat sa mukha. Lumapit uli si Margarita dito sinampal uli sa kabilang pisngi.

"BAKIT? Huh? Bakit mo ginawa yun?" Malakas na sigaw ni Margarita. 

"Margarita hindi kita maintindihan."

"Hindi mo ako maintindihan.  Ito baka mas maintindihan mo." Sinugod niya uli ito at pinag-sasampal ng kaliwa't kanan, napa-higa na ito pero hindi parin tinigilan ni Margarita sa pag-sampal.

"Nalayo ang tunay kong anak sa 'kin dahil sa kagagawan mo! Anong kasalanan ko sayo?" Sigaw ni Margarita. Nagulat si Dianna sa sinabi nito.

"Margarita"

"Pinalit mo ang anak mo para magkaroon ng magandang buhay, pero ang anak ko ang nag hirap!" Malakas na sampal uli ang binigay niya dito. Sigaw naman ng sigaw ng tama na si Dianna.

Dumating naman si Vincent, si Yasmine at Jelian. Agad na lumapit si Vincent at nilayo si Margarita. Si Yasmine at Jelian naman lumapit kay  Dianna at tinayo ito.

"Margarita ano bang nangyayari?" Tanong ni Vincent.

"Bakit hindi mo tanungin ang babaeng yan kung anong ginawa niya." Pasigaw parin niyang sabi.

"Siya ang may kagagawan ng lahat. Siya ang nag palit kay Yasmine at Kyrene." Gulat na gulat si Yasmine sa narinig,  si Jelian naman naguguluhan din.

Dahil wala parin itong alam sa totoong pagkatao ni Yasmine, mas pinili kasi nilang wag nalang ipaalam sa lahat na hindi talaga Brizalde si Yasmine. Si Margarita,  si Yasmine at Vincent lang ang nakakaalam, yon ang pag-kakaalam ni Margarita.

"Hayop ka! Pag babayaran mo ang lahat. Sisiguraduhin ko sayo na makukulong ka!"

"Mommy please tama na! Wag mong ipakulong si Mommy." Natigilan si Margarita sa narinig, kahit si Vincent gulong-gulo parin, ang mga katulong na gulat na gulat rin sa mga naririnig.

"What did you say? Alam mo 'to?" Tanong ni Margarita sa mahinang boses.

"Alam mo na siya ang tunay mong ina!? SUMAGOT KA!"

"Opo opo opo!" Tarantang sagot ni Yasmine dahil sa lakas ng sigaw ni Margarita. 

"Pero hindi mo sinabi! Pinag-mukha mo akong tanga. Niloko mo ako Yasmine.  Mas pinili mong kampihan ang babaeng pinamigay ka lang, kesa sa 'kin..... na tinuring kang tunay na anak, at minahal kita ng lubos-lubos." Punong-puno ng hinanakit ang dibdib nito at galit.

"Mommy hindi, natakot lang ako." Umiyak na rin si Yasmine.

"Lumayas ka na dito Dianna, hindi ko na  gustong makita ka pa. Baka kung ano pang magawa ko sayo." Mabilis na umakyat si Margarita sa kwarto, naiwan si Vincent,  para alamin mula kay Dianna ang totoo dahil gulong-gulo parin ito.

Agad namang umakyat si Yasmine at sinundan ang mommy niya, kinatok niya ito, at pinihit ang seradura at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Mom!" Dahan-dahan lumapit si Yasmine dito na nakaupo sa kama.

"Mom I'm so sorry! Natakot lang ako, hindi ko alam ang gagawin ko." Umiiyak na sabi ni Yasmine.

"Kung sasama ka na sa pag-alis niya hindi kita pipigilan." Walang emosyong sabi ni Margarita.

"Mom no! I'll stay with you. Hindi kita iiwan." Yumakap si Yasmine sa mommy niya.

"Ikaw parin ang mommy ko! Mahal na mahal kita mommy." Umiiyak na sabi ni Yasmine.

"Let me be alone please! Just leave me alone for a while." kumalas ng yakap si Yasmine at dahan-dahang nilisan ang kwarto. Umiyak ng tuluyan si Margarita, mga ilang sandali siyang umiyak lang, hanggang sa pilit niyang kinalma ang sarili.

Nang tumigil na siya sa pag-iyak. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Kyrene. 

"Hello mommy" Agad na sabi ni Kyrene sa kabilang linya.

"Kumusta ang baby ko d'yan?" Tanong ni Margarita na pigil na pigil pag-iyak, pero hindi iyon nakaligtas kay Kyrene.

"Mommy,  bakit ka umiiyak?"

"Wala anak. Na-miss ka lang ni mommy." Pilit niyang  pinipigil na hindi mapaiyak ng tuluyan.

"Miss na rin kita mommy, kayo ni daddy at si lola."

"Gusto  mo ba na pumunta d'yan si mommy? Sasamahan kita anak."

"Wag na po mommy, alam kong marami kayong ginagawa d'yan ngayon, wag na kayong mag-alala sa 'kin, okay lang ako dito. Nandito na po si Kenneth, kahit papaano nalilibang na ako." Alam kasi ni Kyrene na marami siyang trabaho ngayon, pero alam nitong soon na matapos at gumaan ang trabaho niya lilipad ito ng London para bisitahin ang anak.

"I'm sorry Kyrene anak. I'm so sorry kung hindi kita na protektahan ah." Napaiyak na 'to ng husto.

"Mommy may problema po ba?" Alalang tanong ni Kyrene.

"Wala anak. Wala. Sorry,  OA lang minsan si mommy. Pwede ba anak na bukas na lang tayo mag-skype, medyo maraming trabaho si mommy eh." Pag-sisinungaling nito.

"Sige po mommy, papasok na rin po ako."

"I love you Kyrene."

"I love you too mommy." Mas pinili niyang wag sabihin kay Kyrene ang problema, dahil alam niyang mahirap din ang pinag-dadaanan nito.

Ayaw na niyang madag-dagan pa ang paghihirap nito, naisip niyang sasabihin na lang niya sa mga susunod na araw o kaya pag-punta niya ng London.

**

Paalis na si Dianna at Jelian ng mansiyon,  inaantay nalang nito ang pag baba ni Yasmine. Napatayo si Dianna ng makita si Yasmine na pababa na ng hagdan.  Nilapitan agad ito ni Dianna pagka-baba.

"Yasmine where's your things?" Umiling si Yasmine. 

"It's okay, let's go,  bibili nalang tayo ng gamit mo." Hinawakan nito ang kamay ni Yasmine at marahang hinila, pero hindi tuminag si Yasmine sa kinatatayuan.

"Yasmine,  let's go." Umiling-iling si Yasmine.

"I'm sorry, hindi po ako sasama." Sagot ni Yasmine.

"Yasmine, sumama ka na sakin please! Ako ang mommy mo." Pag susumamo nito sa anak.

"Nandito ka pa rin? Diba sabi ko na umalis ka na." Pababa si Margarita sa hagdan at bakas  parin ang galit sa mukha nito. Hinarap nito si Dianna pagka-baba ng hagdan.

"Aalis na kami, pero isasama ko ang anak ko. Ako ang totoo niyang mommy." Matapang din na pahayag ni Dianna, at muling tumingin kay Yasmine.

"Let's go Yas." Hinawakan uli nito ang kamay ni Yasmine, pero hindi parin kumilos si Yasmine.

"Hindi po ako sasama. Mommy needs me." Sagot ni Yasmine.

"Umalis ka na! O gusto mong tumawag pa ako ng pulis na dadampot sayo." Sabi ni Margarita

"Hindi mo pwedeng pigilan si Yasmine."

"Hindi ko siya pinipigilan, sabi ko sa kanya pwede siyang sumama sa 'yo kung gusto niya. But clearly,  hindi niya gustong ikaw ang maging ina niya... Now. Aalis ka o ipapakalad-kad kita." niyakap nalang nito si Yasmine.

"Babalikan kita anak." Naluluha nitong sabi, yumakap rin si Yasmine, nag bitaw ito ng yakap at kinuha ang mga gamit. Lumapit naman si Jelian kay Margarita.

"Tita I'm sorry po sa ginawa ni mommy and thank you for everything." Ngumiti si Margarita kay Jelian.

"You don't have to say sorry Jelian. Wala kang kasalanan,  mag-iingat ka lagi ah." Nagyakap ang dalawa, bago ito tuluyang umalis.

**
Bar:

"Totoo ba yun Jelian? Gosh! Ibig sabihin, hindi si Yasmine at Kyrene mag-kapatid, kung di kayong dalawa ang mag-kapatid." Hindi makapaniwalang sabi ni Tricia. Na-kwento na ni Jelian sa mga kaibigan ang lahat.

"Anong sabi ni Yasmine?" Tanong uli ni Tricia.

"Alam na niya noon pa, tinago lang nila ni mommy." -Jelian

"Now I know kung saan nag-mana yang si Yasmine... oh I'm sorry Jelian." Hinging paumanhin ni Tricia sa opinyon niya.

"it's okay."

"So, tuloy na ba ang kasal niyo Khielve? Talagang magiging asawa mo na yung babaeng yun." Hindi umimik si Khielve, sa totoo lang ayaw niyang nakakarinig ng tungkol kay Yasmine, talagang suklam na suklam siya dito.

"Si Kenneth pala.  May balita ba kayo kung kailan siya babalik?" Tanong nalang ni Khielve. Nag-tinginan si Zion at Simon.

"Hindi pa daw siya makakauwi, may sakit daw ang erpat niya eh. Ayaw pa siya paalisin ng mommy niya." Sagot ni Simon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top