CHAPTER 70
Brizalde's Mansion:
Nakaupo si Yasmine sa kama, halos kalahating oras na siyang nakaupo lang, habang hawak-hawak ang result ng dna test. Hindi niya magawang buksan dahil sa takot sa pwedeng resulta nito.
Huminga siya ng malalim at pinagmasdan ang sobre, pumikit siya ng madiin at muling dumilat. Dahan-dahan niyang binuksan ang sobre at nilabas ang nakatuping papel.
She slowly unfold the paper as he holds her breath, halos hindi niya magawang buklatin ito, pero ginawa parin niya.
Pagbuklat niya ng papel, agad niyang nabasa ang 0.000% na results. Pakiramdam niya humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya ng ilang segundo.
Bigla nalang rumagasa ang luha niya sa mga mata niya. Tumulo ang mga luha niya sa papel na hawak niya.
"Hindi, hindi, hindi. It can't be happening..." Humagulgol na ito ng tuluyan at dumaos-dos ng upo mula sa kama, pababa sa sahig. Mahigpit niyang nahawakan ang papel.
"Aaaahh! No, no, no! Ayoko, ayoko..aaaahh!" Pumalahaw ang iyak nito.
Agad bumukas ang pinto at niluwa n'on si Ms. Dianna na alalang-alala, agad itong lumapit kay Yasmine at umupo sa harap.
"Yas what's wrong?" Alalang tanong nito.
"NOOO! AYOKOO! Aaahhh!" Halos nag sisigaw na ito.
"Yasmine ano ba? Anong nangyayari sayo?" Hindi siya sinagot nito. Iyak parin ito ng iyak na halos sabunutan ang sarili.
Nakita ni Ms. Dianna ang hawak na papel at kinuha ito. Halos mapanga-nga ito ng husto dahil sa nabasa, natakpan nito ang sariling bibig ng palad niya.
"Yasmine where did you get this?" Halos paanas nitong tanong, pero iyak ng iyak si Yasmine.
"Yasmine! Where did you get this?" Medyo tinigasan nito ang tinig, pero pigil na pigil ang boses.
"YASMINE ANO BA?!"
"Tita! I'm not Brizalde.. how could it be? Who am I? Ayoko tita, ayoko,.ayoko. it can't be.." iyak parin 'to ng iyak.
"Tama na, baka dumating ang mommy mo marinig ka. Tama na." Saway nito ay niyakap si Yasmine. Tumulo na rin ang luha nito na pilit nilalabanan.
"Sino ang mga magulang ko. Sino ang mga magulang....aaaahh!" Kumalas ng yakap si Ms. Dianna.
"Tama na Yas. Please tama na." Umiyak na rin ito.
"P'ano nangyari 'to? How tita, HOWWW?!! SINO ANG MAGULANG KO?" Halos sumigaw ito.
"A--ako.. ako.. ako... ang mommy mo." Iyak ng iyak na rin ito at nakaluhod sa harap ni Yasmine. Natigil si Yasmine sa pag iyak na gulat na gulat.
"What did you say?" Halos tulalang tanong ni Yasmine.
"Ako ang mommy mo. Ako Yas. I'm sorry, I'm sorry., I'm sorry." Humahagulgol na rin 'to habang nakaluhod at ang dalawang palad nakasalikop.
"No! Imposible! You're lying."
"Ako ang mommy mo, ako...I'm sorry." Hahawak sana si Ms. Dianna kay Yasmine, pero tinabig nito ang kamay niya.
"No! No! No! Ayoko, ayoko!" Sigaw nito. Niyakap ito ni Ms. Dianna.
"Yas I'm sorry, hayaan mo akong mag paliwanag please yas, please. " tinulak siya ni Yasmine. Pero yumakap ulit ito.
"Yas please pakinggan mo ako. Mahal na mahal kita."
"LIAR!" Malakas na tulak ang ginawa ni Yasmine dito, napaupo ito pero muling lumuhod sa harap ni Yasmine.
"No Yas! God knows how much I love you."
"Then why? Anong nangyari? Ano? Bakit mo ako pinamigay?" Halos pasigaw nitong sabi.
"Sshh! Yas please! Don't shout. Pag nalaman nila, paalisin ako dito, ikaw. Papayag ka ba na agawin sayo ni Kyrene ang lahat?" Natigilan si Yasmine.
"Hayaan mo akong magpaliwanag. Please Yas. Please."Niyakap ni Yasmine ang tuhod niya at hindi nagsalita.
"Mahal na mahal kita. Kaya nga nandito ako, mula ng ipanganak ka, pinilit kung tumira dito dahil sayo. Nangmakilala ko ang daddy ni Jelian at ipanganak ko si Jelian, mas pinili ko parin tumira dito kesa ang sumama sa daddy ni Jelian. Dahil sayo Yas."Umiiyak na paliwanag nito.
"Bakit mo ako pinamigay?" Matigas ang tinig ni Yasmine na punong-puno ng galit. Huminga ng malalim si Ms. Dianna.
"Margarita and I are bestfriend, classmate kami. Si Vincent naman kaibigan ko din, mas una kong naging kaibigan ang dad mo, bago ang mommy mo. Ako lang ang nag pakilala sa kanilang dalawa." Nagpunas ito ng luha.
"Sabi ko kay Margarita. May nagugustuhan ako, pero hindi ko muna sinabi sakanya kung sino. Isang araw, nalaman ko nalang, si Margarita at si Vincent na. Si Vincent ang taong mahal na mahal ko." Pumiyok ang boses nito at tumulo ang luha.
"Ang bilis ng mga pangyayari, nalaman ko nalang, ikakasal na sila. N'ong araw ng kasal nila, kahit ako ang bride's maid, hindi ako sumipot. Yun ang pinaka malungkot na araw ng buhay ko. Nagpakalasing ako sa isang bar, nakalimot, d'on ko nakilala ang daddy mo. May nangyari samin, pero hindi na ako nagpakita sa kanya. Then I found out, I was pregnant. Hindi ko alam ang gagawin ko n'on, lalo na ng ipanganak kita. Hanggang sa nalaman ko nalang na nanganak na rin ang mommy mo at nawawala ang anak niya."
"Naisip ko na ikaw ang ipalit ko. May inutusan akong gawin yun, ang sakit sakin n'on kung alam mo lang. Pero hindi ko alam kung p'ano kita bubuhayin. Pinilit kung makapasok sa buhay nila Margarita, kahit ang sakit na makitang karga ka ni Margarita, habang masaya siyang niyayakap ni Vincent. Ilang beses kong iniisip at pinangarap na ako yun." Umiyak na naman ito, nakikinig lang si Yasmine.
"Remember, a week before your birthday, binibigyan kita lagi ng regalo. Kasi yun ang birthday mo." Lumapit si Margarita dito, hinawakan ang kamay ni Yasmine.
"Yas, forgive me please. Forgive me." Niyakap niya si Yasmine.
"I'll make it up to you Yas. I'll do everything, please forgive me. Just tell me what do you want, I will do everything for you." Napayakap nalang din si Yasmine dito at nag iyakan ang dalawa.
Naalala din niya ang pagpapahalaga talaga nito sakanya. Naalala niya rin ang mga paalala nito sakanya tungkol sakanila ni Kyrene.
Na magpakabait kay Kyrene sa harap ng mga tao sa bahay at si Kyrene ang pagmukhaing masama.
***
San Sebastian:
Nakaupo si Kyrene at Khielve sa burol sa ilalim ng malaking puno. Nakayap sakanya si Khielve mula sa likod niya at nakaupo siya harap nito.
Madalas silang naka-tambay dito, madalas silang mag-habulan dito. Nag-tanim pa nga sila dito sa ilalim ng puno ng iba't- ibang klaseng halaman na namumulaklak.
"Khielve, may problema ka ba?" Tanong ni Kyrene, mukhang balisa si Khielve at napapansin niya yun.
"Wala" Sagot nito at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan ang ulo niya.
"Ang ganda dito no?" Pinagmamasdan nila ang magandang view.
"Oo, ang ganda." Sagot ni Kyrene habang nakatanaw din sa view.
"Ang dami na natin pinagdaanan no? Unang kita natin, puro tayo bangayan, hanggang sa dumating ang araw na patay na patay ka na sakin."
"Ahaha! Ang yabang. Sino kaya ang patay na patay.. ang alam ko ikaw ang unang na in love sakin eh." Sumandal si Kyrene sa balikat ni Khielve at tumingala kay Khielve. Hinalikan siya nito sa pagitan ng mata niya.
"Please Kyrene, dito nalang tayo. Please." Ngumiti si Kyrene.
"Oo Khlieve, pero pag okay na ang lahat babalik tayo diba?"
"P'ano kung hindi maging okay? Kyrene please, kahit anong mangyari wag na tayong umalis dito." Medyo nagtataka na naman si Kyrene dahil iba ang asta nito ngayon.
Tumayo si Kyrene at humaharap kay Khielve, habang nakatingala si Khielve sakanya. Nilahad niya ang palad niya kay Khielve, inabot naman ito ni Khielve tsaka tumayo.
"May problema ba?" Tanong niya dito, ngumiti lang si Khielve at umiling.
Lumapit ng husto si Khielve sakanya at hinawakan ang dalawang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya kabilaan. Binitawan niya ito, at mukha naman ni Kyrene ang hinawakan, dinikit ni Khielve ang noo niya sa noo nito.
"Natatakot lang ako. Please wag mo akong iiwan kahit anong mangyari." Ngumiti si Kyrene at humawak sa magkabilang wrist ni Khielve habang nakahawak parin ito sa mukha niya.
"Hinding-hindi Khielve. Hinding-hindi. Ano bang nangyayari sayo?" Hinalikan siya ni Khielve sa labi, nilapat lang nito ang labi niya sa labi ni Kyrene ng madiin at medyo matagal na hindi gumagalaw. muling nilayo ang mukha nila at ngumiti si Kyrene.
"Mahal na mahal kita." Sabi ni Khielve habang nakatitig sa mukha niya.
"Mahal na mahal din kita. Halika na, balik na tayo sa bahay." Tumango si Khielve at hinalikan ang noo niya bago bitawan ang mukha niya.
Magkahawak sila ng kamay na bumababa ng burol. Bumalik sila ng bahay nila.
"Banyo kang ako." Sabi ni Khielve at tumango lang si Kyrene.
Pumasok si Khielve ng banyo at si Kyrene na tungo sa kwarto, binagsak niya ang katawan sa kama. Pagpaling niya ng ulo niya, nakita niya ang cellphone ni Khielve, bumangon siya at kinuha ito na nasa sidetable. Pinagmamasdan niya ito.
"Buksan ko kaya." Pagdating kasi nila, hindi nila binuksan ang cellphone nila.
Binuksan ni Kyrene ang cellphone, inantay niyang tuluyang bumukas ito. Wala namang signal, bnuksan niya nalang ang messages. May nakita siyang messages galing kila Kenneth, kahit kay Bella.
Inopen niya ang kay Bella, ang daming messages at mukhang kahapon lang ito na receive, ibig sabihin binuksan ni Khielve ang cellphone.
[Khielve asan kayo ni Kyrene?] Unang message ni Bella.
[Khielve utang na loob asan kayo ni Kyrene? Ang tatay at nanay niya nakakulong.] Biglang kumabog ang dibdib ni Kyrene sa nabasa. Binasa niya ang mga messages.
"Si lola" Anas niya. Bigla nalang tumulo ang luha ni Kyrene.
"Kyrene" Pumasok si Khielve sa kwarto na parang biglang namutla ng makita nitong hawak niya ang cellphone.
"Ano 'to?" Tanong ni Kyrene habang hawak ang cellphone.
"Kyrene let me explain." Lumapit agad si Khielve dito, umupo sa tabi niya at kinuha ang cellphone, agad nitong niyakap si Kyrene.
"I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo. Alam ko kasing babalik ka d'on, pagnalaman mo." Kumalas ng yakap si Kyrene at tumayo.
"Khielve natural! nakakulong sila nanay." Tumayo din si Khielve at pilit pinapakalma si Kyrene dahil tumataas na ang boses nito at tumutulo ang luha.
"Kyrene, kinausap ko na si lola, gumagawa na siya ng paraan." Biglang tumunog ang cellphone ni Khielve agad tumingin si Kyrene dito at mabilis na kinuha sa kama. Binuksan niya agad ito, galing kay Bella ang text.
[Khielve matigas ang lola ni Kyrene, ibalik mo daw si Kyrene tsaka nila I-uurong ang demanda niya laban kila nanay Belen.] Dinemanda ng lola ni Kyrene ang mga magulang niya ng kidnapping, ang pagkakawala niya n'ong sanggol palang siya, yun ang laman ng unang mga minsahe ni Bella.
Mabilis na kumilos si Kyrene, kumuha siya ng damit at pati ang bag niya.
"Kyrene sandali, sandali naman." Pilit siyang pinipigilan ni Khielve.
"Please Kyrene, please. Wag na tayong bumalik."
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nakulong sila nanay dahil sakin. Para bumalik ako. " Tumaas na talaga ang boses niya, sabay iyak. Niyakap siya ni Khielve.
"Okay I'm sorry, I'm sorry, babalik tayo. Tahan na, tahan na." Inalo siya ni Khielve.
***
Umalis agad si Khielve at Kyrene, pagkatapos niyang malaman ang nangyari, nagpaalam na rin sila sa mga tao sa San Sebastian kahit kila Migs. Ngayon nasa San Isidro na sila at pinapark na ni Khielve ang sasakyan sa harap ng presinto.
Agad na bumababa si Kyrene at sumunod si Khielve. Patakbo silang pumasok ng presinto, agad siyang lumapit sa pulis.
"Sir. Belen at Benito Cruz po." Agad niyang tanong. Sinamahan naman sila ng pulis sa kulungan ng magulang niya. Patakbo siyang lumapit dito.
"Tatay!" Tawag niya sa tatay niya na nakaupo sa sahig. Bigla itong tumayo at lumapit sakanya.
"Kyrene anak." Hindi na napigilan ni Kyrene ang mga luha niya.
"Sorry tatay! Sorry po! Sorry po." Paulit-ulit niyang sabi, hinaplos naman ni Khielve ang likod niya.
Hinawakan ng tatay niya ang mukha niya at pinahid ang luha.
"Tahan na, wala kang kasalanan." Pero ayaw parin tumigil ni Kyrene sa pagiyak.
"Si nanay po asan?" Tanong niya sa pagitan ng iyak niya.
"Nakalabas na siya. Inako ko ang kasalanan, sinabi ko ako lang ang kumuha sayo."
"Tatay hindi, hindi naman yun totoo eh. Bakit mo po yun sinabi? Kakausapin ko si lola."
"Kyrene anak!" Napalingon sila mula sa likod, ang nanay at kuya niya magkasama.
"Nay!" Agad siyang lumapit at yumakap sa nanay niya.
"Nanay patawad po!" Halos humagulgol na siya.
"Hindi. Hindi. Wala kang kasalanan. Ako ang dapat humingi ng tawad sayo. Kung alam ko lang na mahihirapan ka lang sa pamilyang yun, hindi na sana kita binigay sakanila." Umiiyak din nitong pahayag at mahigpit na nagyakap ang dalawa.
_______________________________________
Konti nalang ito, matatapos na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top