CHAPTER 7

"Kyrene bilisan mo na diyan. Ihahatid ka na ng kuya mo sa mansyon." Tawag ng nanay niya. Nasa kwarto pa siya naghahanda sa pagpunta ng mansyon...

"Ito na Kyrene. Tuloy na tuloy na ito."Sabi niya sa sarili niya. Binuhat niya ang bag niya at lumabas ng kwarto. Pag labas niya nasa salas  ang lahat. Ang nanay, tatay, kuya at Ella.

Ang lungkot ng mga mukha nito.

"Ate mamimiss kita." Sabi ni Ella na agad yumakap sa kanya.

"Ako din mamimiss kita bubwet." Nagsisimula ng humikbi si Kyrene. Habang hinahaplos niya ang ulo ng kapatid niya.

"Kyrene bakit ka umiiyak? Akala mo magaabroad eh. Nandiyan lang ang hacienda kayang kayang lakarin." Sabi ng kuya niya na nakatayo sa may pinto.

"Kahit na mamimiss ko kayo." Humihikbi parin na sabi niya. Pati ang nanay at tatay niya nagpupunas ng mata na parang naiiyak na.

"Halika na Kyrene! Wag kang O.A."

"Ito naman si kuya agaw trip lagi. Mamimiss mo din ako. Lalo na ang boses ko. Wala kanang maririnig na kakanta sa kubeta." Sabi niya na nagpupunas ng luha. Kumalas ng yakap ang kapatid niya.

"Kyrene anak. Magiingat ka lagi, wag papagutom." Niyakap siya ng nanay niya.

"Tuwing linggo uuwi ka dito anak ah. Wala ng maghihilot sakin." Sabi naman ng tatay niya at niyakap din siya.

Naiiling nalang ang kuya niya sa ginagawa ng mga ito. Dahil akala mo ang layo ng pupuntahan.

"Sige na po. B'bye na.... Bye bubwet, papakabait ka. Wag pasaway kila nanay."

"Opo ate."Sagot ng kapatid niya.

Lumabas na si Kyrene. Sumakay sila sa tricycle. Narating naman agad nila ang mansyon.

"Paano kuya b'bye na. Bahala ka na kila nanay ah." Malungkot na sabi ni Kyrene, pag kababa niya sa tricycle. Bumaba din ang kuya niya at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap dito.

"Alagaan mo sarili mo ah. Pag pinahirapan ka ni seniorito sabihin mo lang. Babangasan ko yun."  Nangiti si Kyrene. Kunyari pa ang kuya niya pero ang totoo malulungkot din naman to sa paglipat niya sa mansyon.

"Kaya mo?" Tanong ni Kyrene.  Humiwalay siya sa pagkakayakap.

"Uhmm. Kaya naman, kaso baka ipakulong ako ni Donya Clara. Ahaha!"

"Hmpf! Sige na bye na." Ginulo gulo ng kuya niya ang buhok niya. Tsaka sumakay uli sa tricycle. Sinundan nalang ni Kyrene ang papalayong tricycle.

***

Nasa kwarto si Khielve. Nakatanaw sa bintana. Nakita niya ang pagdating ni Kyrene.

Pumasok sa bahay si Kyrene kaya naisipan niya ng bumababa.

Pababa siya ng hagdan at nakapamulsa. Nakita niya si Kyrene, nakita din siya nito. Iningusan siya nito.

"Kyrene hija, nandito kana pala." Masiglang bati sakanya ng Donya na kakalabas palang nito mula sa opisina nito na nasa loob lang ng mansyon.

"Magandang umaga po Donya Clara." Nakangiting bati nito.

"Kyrene!  Magiging house mate na tayo." Sabi ni Martha na agad siyang nilapitan. Nginitian naman ito ni Kyrene.

"Akin na Kyrene ang gamit mo. Doon ang kwarto mo sa taas malapit sa kwarto ni seniorito para malapit kayo sa isa't isa." Mapangtuksong sabi nito. Kumunot ang noo ni Kyrene.

"Para pag may kailangan sayo si seniorito madali kang tawagin." Dagdag nito. Binuhat nito ang gamit niya.

"Sige na Kyrene ayusin mo na gamit mo sa magiging Kwarto  mo. Pagkatapos bumaba ka uli para sumabay kana samin sa lunch. " Utos ng Donya.

"Opo" Tipid na sagot niya. Umakyat si Martha at sumunod siya dito. Nasa hagdan parin si Khielve.

"I told you, hindi mo ako matatakasan." He said and smirk. Nakapamulsa parin ito.

"Bwesit ka." Sabi naman ni Kyrene sa mahinang boses. Tsaka ito nilagpasan.

"Ahaha! Thanks P.A." tumawa ito ng malakas. Kaya kahit si donya Clara napatingin dito. Pati ang katulong na nagpupunas ng muwebles.

Pumasok si Kyrene sa kwarto. Maayos ang kwarto niya. May sariling cr. May t.v din.

Hindi na masama. Mas maganda pa to sa kwarto ko. Hindi pala mas maganda to, sobrang ganda na nito kumpara sa kwarto ko.

Mas maayos naman talaga ang kwarto dito ng di hamak sa kwarto niya.

Soft bed vs. Papag, t.v vs. Radyo  aircon vs. Pamaypay,  concrete wall with paint vs. Sawali, toilet bowl vs. Arinola. San kapa.

"Naka aircon kapa Kyrene ah. Kaya komportable ka dito." Sabi ni Martha habang nilalapag ang gamit niya sa gilid ng kama.

"Hindi ko na po bubuksan yan. Sanay naman ako sa paypay lang pagmainit. Tsaka hindi naman ako initin eh." Sabi ni Kyrene habang iniikot ang mata sa kabuuan ng kwarto.

"Gamitin mo na. Si donya naman ang may gusto nito. Baka daw multuhin siya ng lola mo pag hindi ka naging komportable dito. Sabi uli ni Martha. Ngumiti lang si Kyrene.

"Halika ka na Kyrene. Manananghalian na. Mamaya mo na lang ayusin gamit mo." Aya sakanya ni Martha.

"Sige po" Lumabas na sila ng Kwarto.

***

Nasa hapag kainan na sila kasama siya ni khielve at Donya Clara kumakain ng tanghalian.

"Kyrene magdesign ka na ng damit mo para dadalhin ko sa Manila. Ipagawa natin kay Margarita Brizalde." Nanglaki ang mata ni Kyrene sa sinabi ng Donya.

"Po?" Mahinang sabi niya.

"Oo hija, pero ikaw ang magdesign. Diba magaling ka sa fashion." Napatingin si Khielve sakanya at sa lola niya.

"Si lola talaga mapagbiro." Sabi ni Khielve.

"Hindi ako nagbibiro apo. Mahusay yan si Kyrene. Hindi lang Mahusay napaka husay. Alam mo ba na si Kyrene ang nagdedesign ng mga gown pag may sagala. Sakanya nagpapadesign."

"Seriously lola?" Hindi parin makapaniwalang sabi nito.

"Yes apo."

"Ahaha! unbelievable. " Natatawa nitong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.

"Bakit naman apo? Because she's too young para maging magaling?"

"No! Ang baduy kasi niya para maging magaling sa pag design."Nakangising sabi nito.

"Khielve! " Saway sakanya ng lola niya.

"I'm sorry lola, I'm just being honest." Naiiling na sabi nito. Tumungin ito kay Kyrene.

Antipatiko talaga tong bwesit na to. Kung makapanglait wagas. -sa isip ni Kyrene. Sabay subo ng padabog. Tumingin uli siya kay Khielve habang ngumunguya. Nakatingin din sakanya si Khielve na ngingisi-ngisi.

"I'm sorry Kyrene." Donya Clara said apologetically.

"Ayos lang po yun Donya Clara. Hindi naman po ako madaling maapektuhan sa mga pananaw ng ibang tao pagdating sa kakayahan ko." Sabi ni Kyrene at ngumiti.

"Basta Kyrene magdesign ka at ipapagawa ko kay Margarita."

"Wag na po. Magrerenta nalang po ako ng gown. Isang suot lang naman." Tanggi ni Kyrene.

"No no no. I insist, wag ka nang tumanggi." Pamimilit ng donya.

"Oo nga Kyrene,  para magmukhang tao ka, once in your life." Sabi ni Khielve.

"Khielve!" Saway uli ng lola niya.

"Sorry lola." Sabi uli nito at Tumingin kay Kyrene na nakatingin naman sakanya. Kinindatan niya ito.

"Sarap." Sabi nito pagkatapos kumindat kay Kyrene. Nailing nalang si Kyrene.

Natapos silang kumain. Tumulong si Kyrene sa pagligpit pero pinigilan siya ng donya.

"Kyrene wag ka na Diyan. Si Khielve lang naman ang aasikasuhin mo eh. Hindi mo kailangan gawin yan." Sabi ng donya.

"Ayusin mo nalang Kyrene ang gamit ko sa kwarto." Utos ni Khielve at umalis na.

"Sige na Kyrene. Akyat na, ayusin mo na ang gamit ni seniorito." Sabi ni Martha sakanya. Sumunod naman siya at umakyat nalang.

Kumatok siya sa pinto ni Khielve. Pero walang sumagot kaya pinihit niya na lang ang pinto. Sumilip siya sa kwarto.

Nakaupo si Khielve sa kama at nakasandal sa headboard. Naka  headphone at nakapikit. Pumasok nalang siya.

"Kulugo! Hoy kulugo!" Niyugyog yugyog niya ang tuhod nito na nakabend.

Pero biglang hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya. Napaupo siya paharap nito.

"Anong ginagawa mo?" Nanglalaking ang mata niya.

"Could you please stop calling me kulugo. I'm so much gwapo to call me like that." Sabi nito habang hawak ang wrist niya.

"Gwapo. Eehh! Bitawan mo nga ako." Pero hindi siya nito binitawan.

Hinawakan pa ang isa niyang kamay at hinatak pa siya palapit. Nilagay pa nito ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi nito.

"Ano bang ginagawa mo?" Kunot noong tanong niya.

"Hawakan mo mukha ko. Baka kasi malabo ang mata mo at hindi mo makita kung gaano kainis ang mukha ko. Pimples na mismo  ang mahihiyang tumubo dito."

"Bitawan mo nga ako. Makinis nga mukha mo, magaspang naman ang ugali mo." Sabay hatak sa kamay niya. Sabay tayo.

"Alin ba aayusin kong gamit mo?" Tanong nalang niya.

"Sa closet." Lumapit siya closet at binuksan niya ito.

"Ano to? Bakit ganito ka gulo? Parang ukayan lang ah." Tanong niya habang nakatingin sa magulong damitan nito.

"Kaya nga nandiyan ka para mag'ayos. Kung maayos yan. Ano pa gagawin mo?" Hindi na siya sumagot pa.

Nilabas nalang niya ang lahat ng damit nito sa closet at nilagay lahat sa kama na hindi tumitingin. Basta nalang niyang tinapon sa kama.

"Ano ba Kyrene!?" Reklamo ni Khielve.  Lumingon si Kyrene.

"Ahaha! Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Lahat ng damit na tinapon niya natabunan si Khielve.  Dahil nakadapa na ito sa paanan ng kama.

"Hindi ka kasi tumitingin eh." Sabi nito sabay upo uli at sumandal sa headboard.

Kinuha niya pa ang ibang damit sa closet at nilagay sa kama. Umupo siya at sinimulan tupiin ang mga damit.

"Kyrene, totoo bang magaling ka mag design ng damit?" Tumingin siya dito.

"Bakit?  Kasi hindi halata. Kasi baduy ako." Tanong niya dito.

"Well, kinda."

"Salamat! Napaka honest mong tao." Sarkastiko niyang sabi sabay tingin uli sa tinutupi niya.

"My parents thought me how to be honest. That's why." Nakangising sabi nito. Tumingin uli si Kyrene at iningusan siya at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

"Bakit hindi ka mag aral ng fashion design kung yan pala ang hilig?" Tanong nito.

"Gusto ko. Pero wala naman dito sa probinsya ang ganung kurso." Sabi niya.

"Di sa Manila. Sa KY University.  Alam mo bang maganda ang turo dun lalo na pagdating sa Bachelor of Arts in fashion design." Sabi ni Khielve. Tumigil siya sa ginagawa niya at muling tumitingin dito.

"Alam mo ba kung gaano kamahal ang tuition dun? Kahit ata maghapon ako magbabad sa bukid hindi ko kayang tustusan yun eh." Sabi niya na biglang lumungkot. At pinagpatuloy uli ang ginagawa.

"Bakit hindi ka mag apply ng scholarship? Nagbibigay naman doon ng full scholarship."  Sabi ni Khielve na nakatitig lang sakanya.

"Ang totoo niyan. Nag enquire na ako dun. Kaso hindi talaga kaya kahit makakuha pa ako ng full scholarship." Ang totoo gustong gusto ni Kyrene doon magaral. Nag research siya tungkol sa skwelahan.

Pagaari ng mga Brizalde ang KY University si Donya Solidad Brizalde ang principal sa University.  School talaga yun para sa Bachelor of Arts in fashion design and Marketing. 

Pero hindi naglaon lumaki ang skwelahan at lahat ng course ay inooffrer na ng skwelahan. Isa na ito sa prestihiyusong unibersidad sa bansa.

"Ikaw, bakit sa dinami dami niyong katulong ako pa talaga napili mong maging alila mo?" Tanong niya pero hindi siya tumingin dito.

"Dahil gusto kita." Mabilis na sagot nito. Napatingin sakanya si Kyrene.

"Gusto kitang kasama sa pag- ano uhmm.... Pag lumalabas kasi parang armalayt ang bibig mo. At least nalilibang ako." Sabi nito na parang hindi makuha ang tamang salita.

"Gulo mo, sabi mo annoying ang mala armalayt kong bunganga. Tapos ngayon, nalilibang ka. Sabihin mo gusto mo lang ako pahirapan." Naiiling na sabi ni Kyrene at tinuon uli ang pansin sa ginagawa. Nangiti nalang si Khielve.

"Anyway, Bakit hindi mo matanggihan si lola sa mga request niya sayo?" Tanong uli nito.

"Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa lola mo. Marami na siyang nagawa para saamin." Sabi niya na hindi tumitingin dito. Patuloy lang siya pagtutupi. Tumango-tango lang ito sa sinabi niya.

Biglang nagring ang cellphone ni Khielve. kinuha niya at sinagot.

"Hello Zion! Napatawag ka bro?" Excited nitong sabi.

"Pupunta kami diyan. Para may kasama ka naman." Sabi ng nasa kabilang linya.

"Woah! Talaga? Kailan?" Ngiting-ngiting sabi nito. Mas lalong na excite.

"nextweek."

"Okay good!"

"May pasalubong kami sayo?"

"Really. What was that?"

"Something naughty! Something sexy. Ahaha!" Zion said at tumawa ng malakas.

"Parang alam ko na yan ah. Sira ulo." Naiiling na sabi ni Khielve.

"Mayroon bang ganun diyan?" Tumingin si Khielve kay Kyrene sa tanong ni Zion.

"Wala." Sagot niya.

"See, that's why we'll bring you one. Be ready bro." Nailing nalang siya sa sinabi nito.

"Okay." He said and hang up.

Pinatong niya ang cellphone sa side table. Sumandal uli sa head board, In'on ang ipod na kanina hindi naman talaga nakabukas at pumikit.

Lumipas ang ilang sandali natapos niya ang pagaayos ng gamit ni Khielve.  Nagstretch siya ng katawan niya.

"Hay salamat natapos din." Sabi niya habang nag I'stretch ng katawan. Napatingin siya kay Khielve na nakapikit.

"Nakatulog si kulugo." Lumapit siya dito at pinagmasdan ito. Medyo yumuko pa siya.

"Gwapo ka din pala talaga no? Hindi nga talaga sayo bagay ang tawaging kulugo." Aniya habang naka titig dito.

"Hindi lang gwapo din. Saksakan na gwapo kamo." Nagulat siya ng bigla itong magsalita at dumilat. Napaayos siya ng tayo. Napalunok nalang siya.

"Ngayon inaamin mo ng gwapo ako?" Nakangiting tanong nito. Pakiramdam niya namanhid ang mukha niya sa hiya dahil sa ginawa niya.

"Tapos na ako lalabas na ako." Sabi nalang niya sabay talikod at lumabas. Napangiti nalang si Khielve na sinundan ng tingin ang papalabas na si Kyrene.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top