CHAPTER 68

Nagising si Kyrene na nakayakap kay Khielve. Napangiti siya ng mukha ni Khielve ang mabungaran ng mata niya.

"Ang gwapo-gwapo mo talaga." Dinampian ni Kyrene ng halik ang labi ni Khielve at dahan-dahan niyang inalis ang kamay na nakayakap sakanya.

Tumayo siya at agad na lumabas ng kwarto at nagtungo sa banyo. Nagayos ng sarili at lumabas uli, nagtungo siya sa may refrigerator at binuksan.

"Umm.. egg and ham nalang." Kinuha niya ang itlog at ham sa refrigerator na binili ni Khielve kahapon para sa almusal.

Nagsalang ng kawali at binuhay ang apoy at sinimulang e-prito ang itlog at ham, pagkatapos nito nag luto siya ng sinangag.

Pagkatapos niyang magluto at ilagay sa lamesa ang niluto. Naisipan niyang maligo na, pupunta siya ng kabayanan, kailangan niyang bumili ng gamit niya.

After niyang maligo, nagbihis siya ng dati niyang damit, nilabhan niya ito kahapon at natuyo naman agad dahil manipis lang ang tela nito.

Kinuha niya ang bag niya at kinuha ang pouch niya kung saan nakalagay ang mga cards and wallet niya. Kumuha siya ng sticker paper at pen. Nagsulat siya dito ng short note para kay Khielve. Umupo siya sa gilid ng kama at dinikit ang sticker paper sa pisngi ni Khielve, napahikgik pa siya ng bahagya.

"Aalis lang ako señiorito ko." Dinampian niya uli ito ng halik sa labi tsaka siya tumayo at lumabas ng kwarto, may dinikit uli siyang sticker paper sa pangtakim ng dishes, at lumabas ng bahay.

Naglakad siya, may nakita siyang isang grupo ng mga magsasaka na nakaupo sa isang pahingahan. Hindi siya lumabas mag hapon kahapon, mas napagmamasdan niya ngayon ang paligid.

"Magandang umaga sayo ineng." Bati ng isang matandang babae.

"Magandang umaga po." Bati niya dito at nginitian niya ang mga ito.

"Kyrene saan ang punta mo? Halika muna dito." Tawag sakanya ni Berting, lumapit naman siya at pinaupo siya.

"Siya nga pala, ito si Marissa, ang asawa ko at ito naman ang anak ko si Beng-Beng." Pakilala ni Berting sa pamilya niya, Mga 7 taong gulang ang bata, naalala niya bigla ang kapatid niya sa bata.

"Saan ang punta mo?" Tanong ni Berting.

"Pupunta po sana ako ng palengke."

"Mag isa ka lang. Asan ang asawa mo?" Parang nabulunan si Kyrene sa tanong na yun, namula ito sa tanong ni Berting.

"Ang bata mo naman nag asawa. Sabagay ang ganda mo kasi, kaya talagang hindi ka na papakawalan ng boyfriend mo." Sabi ng isang matandang babae.

Pangiti-ngiti lang si Kyrene sa mga tanong nito. Nahihiya din siyang sabihing hindi sila mag asawa. Nakakahiya para sakanyang ipaalam na nakipagtanan siya.

"Opo" Halos paanas niyang sagot, halos walang boses na lumabas sa bibig niya.

"Umm.. may tricycle po bang masasakyan d'yan?" Tanong niya.

"Meron d'yan sa labasan, meron ng nakapilang tricycle d'yan." Si Marissa ang sumagot.

"Sige po mauna na ako." Tumayo siya.

"Ate gusto mo samahan kita?" Sabi ng bata. Napangiti si Kyrene.

"Talaga!?" Tumingin si Kyrene sa nanay at tatay ng bata.

"Sige Kyrene isama mo siya. Beng-Beng, wag makulit ah."

"Opo nanay!" Mabilis na sagot ng bata.

"Halika na." Inalok ni Kyrene ang kamay niya dito at humawak naman.

"Mauna na po kami." Paalam niya sa mga nand'on at umalis na ang dalawa.

***

Nagising si Khielve at ng gagapin ng kamay niya si Kyrene, wala ito sa tabi niya kaya dinilat niya ang mata niya.

Humawak siya sa mukha niya at nahawakan niya ang papel na nakadikit sa pisngi niya, tinanggal niya ito at tinignan.

[Good morning mahal kong señiorito. Aalis lang muna ako, palengke lang, babalik din ako agad. Break fast is ready. I love you. Muawh!]

Napabalikwas si Khielve.

"Bakit hindi niya ako ginising?" Tumayo siya at agad na lumabas. Nagpunta muna siya ng banyo at nagayos ng sarili at lumabas. Pumunta siya ng dining table, may nakita siyang isang sticker paper. Kinuha niya ito.

[Kain ka madami ah. I love you ulit. Double muawh!] Napangiti si Khielve at tinanggal ang takip sa pagkain, pero sinara din niya ulit.

Hindi siya makakakain kung wala si Kyrene. Lumabas nalang siya ng bahay. Nakita niya ang mga magsasaka na mukhang nag aani ng mga gulay. Lumapit siya sa mga ito, para lapitan si Berting.

"Kuya Berting." Lumingon si Berting at agad na lumapit sakanya.

"Señiorito"

"Kuya Berting, nakita mo po ba si Kyrene?"

"Nagpunta lang nang palengke, medyo kanina pa yun, baka pabalik na yun. Kasama naman niya ang anak ko. Halika antayin mo nalang dito, upo muna tayo dito." Sumunod nalang si Khielve at umupo sa pahingahan ng mga magsasaka. Pero hindi siya mapakali patingin-tingin siya sa daan.

"Nag aalala ka ba?" Tanong ni Berting ng mapansin nito ang pag kabalisa niya. Ngumiti at tumango si Khielve.

"Wag kang mag alala. Pauwi na yun." Ngumiti nalang si Khielve.

"Inyo po ba ang lupang sinasaka niyo?" Tanong nalang niya.

"Hindi. Sa mga Roque yan. Mga trabahador lang kami dito." Tumango-tango nalang si Khielve.

***

"Halika na uwi na tayo. Nagustuhan mo ba ang mga pinamili ko sayo?" Tanong ni Kyrene sa bata

"Opo ate, sigurado rin matutuwa ang kapatid ko sa binili mong baril-barilan." Ngumiti si Kyrene dito.

Napansin niya kasing tinitignan nito ang baril-barilan kanina ng ibili niya ito ng manika. Nang tanungin niya, sana daw magkaro'n ng gan'on ang kapatid niya, natuwa si Kyrene sa narinig mula sa bata, bata palang ito pero naiisip na agad ang ikakasaya ng iba kesa sa sarili.

Naisip din niya, kung siguro lumaki sila ni Yasmine na magkasama baka sakaling naging gan'on sila. Ipag tatangol ang isa't-isa sa mga taong maangaaway sakanila, pero hindi eh, hindi sila gan'on, nakakalungkot man, pero mukha silang hindi magkapatid kung magturingan.

Scrreeeecchhhhhh

"Aaaahhhhh!" Napasigaw ng malakas si Kyrene at Beng-Beng kasabay ng nakakabinging sagitsit ng gulong ng sasakyan sanhi ng biglang pag-preno. Kasabay n'on napaupo si Kyrene sa kalsada agad niyang tinignan ang bata.

"Beng-Beng okay ka lang ba-- Aah! Araaay! Ang paa ko." Napadaing siya sa sobrang sakit na nadama niya sa paa niya.

Tumingin siya sa itim na sasakyan at halos isang dipa nalang ang layo nito sakanila at sapol sana sila.

"Miss are you okay?" Boses ng isang lalaki ang narinig niya, tumingala siya para makita ito, pero napayuko uli siya dahil sa silaw sa sinag ng araw.

"Naku naman mister, hindi mo ba nakita ang pagtawid namin, tignan mo nga isang dipa nalang sasalpok na samin ang sasakyan mo. Pambihira naman oh, muntik pang madamay 'tong batang kasama ko, gusto mo bang mapatay ako ng magulang nito, naku! Pagnangyari yun, isasama talaga kita sa hukay ko...aaraay! Ang paa ko." Lumabas na naman ang mala armalayt na bunganga ni Kyrene, na halos walang hingahan na lintanya niya.

Nag aalala man ang stranghero hindi parin nito mapigilang hindi matawa sa sinabi niya, lalo ang isasama siya hukay. Umupo ang lalaki sa tapat niya.

"Sorry miss hindi ko talaga sinasadya, bigla ka kasing tumawid." Hinging paumanhin nito.

"Kuya Migs." Tumingin ang lalaki sa bata at nagulat pa ito.

"Beng-Beng, ikaw pala yan." Kaya muling tumingin sa lalaki si Kyrene ng marinig na kilala ito ni Beng-Beng. Ngayon nagtama ang paningin nila, at nakita ang kabuuan ng mukha ng bawat isa.

"Anghel pala ang nasagasaan mo boss." Tumingin si Kyrene sa taong nag salita na kakababa lang sa sasakyan. Tumingin uli siya lalaking nasa harap niya, nakatingin parin sakanya.

"Hoy mister! Baka naman gusto mong puluti-- aaww!" Halos mapangiwi si Kyrene sa kirot na nanoot sa ankle niya, mukhang na pilay o naipitan ng ugat. Natapilok siya sa sobrang taranta ng makitang masasagasaan sila.

"Miss anong masakit? Tsk. may sugat ka sa siko." Nasugat ang siko niya ng matumba siya at naitukod niya ang siko niya.

"Tulungan mo nalang akong tumayo, at pakipulot ang mga pinamili ko."

"Dadalhin muna kita ospital." Alok ng lalaki.

"Hindi na. Ayoko, ayoko, kailangan ko ng makauwi." Pilit na tumayo si Kyrene, pero tuwing gagalawin niya ang paa niya lalo siyang nakakaramdam ng sakit.

Napansin naman iyon ng lalaki, kaya walang paalam na binuhat siya nito. Napahawak nalang siya sa balikat ng lalaki.

"Ihahatid nalang kita."

"Hindi na. Ibaba mo na ako, mag ta-tricyle nalang kami." Pero hindi siya pinansin nito, tumingin ang lalaki sa kasama nito na agad tumalima at binuksan ang pinto sa may passenger seat. Dinala siya nito sa may passenger seat at sinakay siya d'on. Ito pa ang nagkabit ng seatbelt.

"Beng-Beng halika na dali, sakay ka na." Aya ng kasama nito pagkatapos pulutin ang mga nagkalat na pinamili. Agad naman sumunod ang bata sa kasama nitong lalaki at sumakay sa likod.

Sumakay ang lalaki sa driverseat at tumingin sakanya.

"Sorry talaga miss ah. Ako nga pala si Migs." Sabay lahad ng kamay nito.

"Kyrene" Tipid niyang pakilala at tinanggap ang kamay nito.

"Ako naman si Oscar." Pakilala ng isa at ngumiti lang si Kyrene dito.

"Saan ka nakatira, ihahatid ka na namin." -Migs

"Sa may Villa Isabela lang."

"Since when/Kailan pa?" Sabay na tanong ng dalawang lalaki.

"Kahapon lang." Tumango-tango ang lalaki.

"Kaya pala magkasama kayo ni Beng-Beng." Pinaandar nito ang sasakayan.

Tahimik lang si Kyrene, habang si Migs pasulyap-sulyap sakanya paminsan-minsan, sa likod naman nagdadal-dalan ang bata at lalaki.

"Sigurado ka ba ayaw mong padala sa ospital?" Tumingin si Kyrene dito, umiling-iling siya.

Narating naman nila agad ang lugar kung saan sila tumutuloy. Pinarada ito malapit sa may pahingahan ng mga magsasaka. Nakita agad ni Kyrene si Khielve, bubuksan na sana niya ang pinto.

"Hang on" Pigil sakanya ni Migs. Agad itong bumababa.

"Señiorito Migs magandang umaga po." Bati sakanya ng mga magsasaka.

"Magandang umaga po." Bati nito habang papunta sa passenger seat. Nakatingin din dito si Khielve, bumababa din ang bata at si Oscar.

"Oh bakit kasama ka ni Señiorito Migs Beng-Beng? Asan si Kyrene?" Doon biglang napatayo si Khielve mula sa pagkakaupo.

Tumingin si Khielve sa sasakyan na kasalukuyang binababa naman ni Migs si Kyrene. Alala pero salubong agad ang kilay ni Khielve pagkakita kay Kyrene na buhat-buhat ni Migs. lumapit agad si Khielve sa dalawa.

"Saan kita hahatid?" Tanong ni Migs

"Kyrene, what happened? Halika ka." Alalang tanong ni Khielve at kukunin sana ito ni Khielve.

"Ako na dude, saan ko ba siya hahatid?"

"Akin nang asawa ako. Ako na ang maguuwi sa asawa ko." Matigas at may diin ang bawat salitang sabi ni Khielve.

"Asawa mo" Tanging nasabi ni Migs. Kinuha ni Khielve si Kyrene.

"Anong bang nangyari? Kanina pa ako nag aalala sayo." -Khielve

"Na-sprain ata yung ankle ko." Naglakad si Khielve, pero pinigil muna siya ni Kyrene.

"Beng-Beng kunin mo na yung isang bag." Kinuha naman ng bata ang kulay pulang eco-bag na bitbit ni Oscar.

"Salamat po ate." Nginitian lang ito ni Kyrene.

"Isusunod ko nalang 'to." Sabi ni Oscar na ang tinutukoy ang pinamili niya. Tumango at nagpasalamat nalang siya dito.

Dinala siya ni Khielve sa bahay at pinaupo siya sa sala set at pa squat na umupo sa harap niya.

"Nag almusal ka na ba?" Tanong ni Kyrene kay Khielve.

"Hindi pa. Inaantay kita eh. Bakit hindi mo ako ginising, paano kung may nangyaring masama sayo.. tsk. May nangyari na nga pala. Ano bang nangyari?" Mahabang lintanya ni Khielve, napangiti naman si Kyrene dahil sa susunod na pagsasalita nito.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo?"

"Wala, ang cute mo kasi eh. Para ka na namang armalayt. Ahaha! Nahawa ka na talaga sakin." Napangiti nalang din si Khielve.

Tumayo ito at hinawakan ang magkabila niyang pisngi at pinatingala siya at masuyong halik ang binigay nito.

"Kakahalik ko yun sayo. Wag mo ng uulitin yun ah. Kung di magagalit ako sayo." Ngumiti si Kyrene at muling dinampian siya nito ng halik.

May tumikhim mula sa pinto, tinignan ito ni Khielve na nakahawak parin sa mukha ni Kyrene. Binitawan ni Khielve ang pisngi ni Kyrene at tumayo ng maayos.

"Dinala ko lang yung pinamili." Lumapit si Khielve dito at kinuha ang mga eco-bag.

"Salamat" Tipid niyang sabi.

"Boss ito na ang first aid kit." Bigla namang sumulpot si Oscar mula sa likod nito. Kinuha ito ni Migs.

"May sugat siya siko eh." Sabi ni Migs kay Khielve. Tipid at alangan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng bawat isa. Parang tinatant'ya ang isa't-isa.

"Ano bang nangyari kasi? Pasok muna kayo." Diretsyong sabi niya. Pumasok naman ang dalawa at nilapag muna ni Khielve sa tabi ang mga eco-bag.

"Upo" alok ni Khielve. Umupo ang dalawa sa magkabilang single na wooden sofa.

Umupo din si Khielve sa tabi ni Kyrene sa mahabang sofa sila nakaupo. Tinignan ni Khielve ang siko ni Kyrene, medyo malaking sugat nga ang nand'on.

"Anong nangyari dito?"

"Muntik siyang masagasaan ni Boss." Si Oscar ang sumagot.

"What!? Naku naman, bakit hindi ka nag iingat? Pre naman sa susunod extra careful naman. Pa'no kung nasagasaan mong asawa ko. Naku!" Tuloy-tuloy at medyo inis ang tono ni Khielve.

"Sorry hindi ko sinasadya." Nasabi nalang ni Miguel. Nagtinginan lahat kay Kyrene ng tumawa ito ng mahina.

"Bakit?" Tanong ni Khielve sakanya.

"Sorry, natatawa kasi ako sayo eh. Tanda mo kung pa'no tayo nagkakilala? Muntik mo din akong masagasaan kaya. mas mabait nga siya sayo eh, tinulungan at nag sorry siya sakin, pero ikaw dati ang yabang mo, binayaran mo lang ako." Napakamot si Khielve sa ulo.

"Oo na, sinuklian mo naman ako ng isang itlog sa noo diba?" Sabay tawa ng dalawa.

"Ahaha! Hindi ako makarelate, pero mukhang cute ang love story niyo." Tumingin si Kyrene at Khielve kay Oscar. Sabay tawa uli, dahil sa pagtawa nito kahit hindi naman niya alam ang pinaguusapan nila.

"Gan'on mo din ba siya nabulyawan, katulad ng ginawa mo sakin kanina?" Tanong ni Miguel. Ngumiti si Kyrene.

"Hindi.... mas ma pa d'on. Binasagaan ko pa siya ng itlog sa noo. Arogante kasi 'to." Sabay tingin kay Khielve.

"Hindi naman. Badtrip lang yung araw na yun, kaya nagkagan'on." Tinukoy niya ang pag papatapon ng magulang niya sakanya noon sa probinsya.

Pero yun din ang lubos-lubos na pinagpapasalamat niya, dahil doon niya nakilala ang babaeng mamahalin at magpapabago sakanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top