CHAPTER 66

"Ano ng gagawin natin? Yung anak ko, p'ano kung hindi na si Kyrene bumalik?" Paroon at parito si Ms. Margarita. Hindi ito mapakali. Lumapit ito sa asawa at humak sa magkabilang braso nito.

"Vincent hanapin natin siya, do something please." Pagmamakaawa nito sa asawa na parang gusto ng umiyak.

Nasa living room silang lahat.

"It's Jelian's fault. Siya ang tumulong kay Kyrene para makipag tanan." Sabi ni Yasmine na nakaupo sa sofa.

"Jelian why did you do that?" Mahinahong tanong ni Margarita.

"I'm sorry tita, pero naaawa na po ako Kyrene. Hirap na hirap na po siya, sinabi niya sainyo okay lang siya dito, but the truth is, she wasn't okay." Paliwanag ni Jelian. Umiyak na ng tuluyan si Margarita sa narinig mula kay Jelian.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Jelian Margarita." Tumayo si Dianna at tumingin kay Jelain, alam naman ni Jelian ang  nais ipahiwatig ng mommy niya, kaya tumayo na rin siya.

Nagpapaalam ang dalawa at magkasunod na umakyat. Pumasaok ang dalawa sa kwarto nila.

"Why did you do that?" Tanong agad ni Dianna sa anak. Hindi umimik si Jelian.

"Hindi mo dapat ginawa yun." Patuloy nito bahagya pang naihahampas ang kamay sa hangin.

"Hindi ka dapat nangingialam sa problema nila dito."

"Pero mom, masyado ng kawawa si Kyrene. " -Jelian

"Kahit na. Pa'an kung palayasin tayo dito sa ginawa mo ah." -Dianna

"Then umalis tayo, mom ikaw lang naman ang may gusto dito, sumama nalang tayo kay dad. Sa states,  d'on tayo with dad."

"No. Dito tayo, dito lang tayo." Napaupo nalang si Jelian sa kama. Umupo si Dianna sa tabi ni Jelian at hinawakan ang magkabilang bakikat nito.

"Jelian, dapat ikaw at si Yasmine ang nagkakampihan. Hindi yung si Kyrene ang kinakampihan mo."

"I'm sorry mommy but I can't do that. Mali ang ginagawa ni Ate Yas. Sobra ang obsession niya kay Khielve kahit Alam niyang mahal ni Khielve si Kyrene." Napabuntong hininga nalang si Dianna.

******

"Khielve ang layo na nito." Nakatanaw si Kyrene  mula sa bintana ng sasakyan, halos magdamag silang buma-byahe. Lagpas na sila sa San Isidro, maging sa San Jaoquin.

"San Sebastian" Anas ni Kyrene habang binabasa ang pangalan na nasa arkong gawa sa bato, lupa ang daan na medyo bako-bako. Tumingin siya kay Khielve.

"Khielve hindi ka pa ba pagod?" Ngumiti si Khielve sakanya.

"Makita lang kita, wala na ang pagod ko." Ngumiti si Kyrene at inalis ang seat belt niya.

Naglean sideward siya at tinukod ang kamay sa upuan at hinalikan si Khielve sa pisngi. Nag body language naman si Khielve na parang na boost ang lakas niya sa ginawa ni Kyrene.

"Wow! Whoo! Para akong kumain ng spinach at na-boost ang strength ko." Sabi nito pagkatapos mag body language.

"Ahaha! Ang o.a mo." Natawa ng malakas si Kyrene sa ginawa nito.

Nakapagpahinga naman sila kanina sa isang lodge ng ilang oras. Pero alam niyang pagod na talaga si Khielve.

Maya-maya lang hininto ni Khielve ang sasakayan at binababa ang binta ng sasakyan. Dumungaw siya sa bintana.

"Excuse me. Pwede pong mag tanong?" Tanong  ni Khielve sa isang matandang lalaki at may kasama itong batang lalaki.

"Ano yun Hijo?" Tanong ng matanda.

"Malapit na po ba dito ang Villa Isabela?" Magalang niyang tanong.

"Oo hijo d'yan lang sa unahan." Tinuro ng matanda ang deriksyon.

"Kilala niyo po ba si Berting Benipayo?" Tanong niya uli.

"Si Berting, oo hijo. Tara sundan niyo nalang ako."

"Salamat po." Hindi na niya sinara ang bintana ng kotse at mabagal niyang pinausad ang sasakyan  para ssundan ang matanda at bata.

Narating naman nila agad ang lugar, malapit na nga lang ito. Huminto si Khielve ng makita ang matandang may kausap at tinuturo sila.

Tingin niya ito na ang Berting at agad na lumapit ang lalaki.

"Dito ka muna." Tumango si Kyrene at bumababa na rin si Khielve.

"Magandang umaga, ikaw ba si Seniorito Khielve? Ako si Berting, kapatid ni Ben." Pakilala nito.

"Magandang umaga po, ako nga po."

"Halika ka, d'on ang tutuluyan niyo. Hinabalin ka na sakin ni Ben."

"Maraming salamat po." Agad na tumalima si Khielve para pagbuksan si Kyrene. 

Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at bumababa si Kyrene. Pinakilala siya ni Khielve kay Berting, kinuha muna ni Khielve ang gamit niya bago sila sumunod kay Berting na magkahawak kamay.

"Doon kayo tutuloy." Turo ni Berting.

"Wow ang ganda dito." Manghang sabi ni Kyrene, highland ang lugar.

Isang small wooden cabin ang tutuluyan nila. Mukhang relaxing ang bahay, lalo ang buong lugar dahil sa sobrang green ang paligid at may parang burol sa may bandang unahan. Maraming  nag tataasang puno.

"P'ano mo nalaman 'tong lugar na 'to?" Tanong ni Kyrene.

"Si Kuya Ben, tinawagan ko siya at nagpahanap ako ng lugar.  Kapatid niya si Kuya Ben." Tinutukoy niya si Berting.

"Gan'on ba. Pero p'ano kung--"

"Don't worry nangako siyang walang makakaalam." Putol niya sa sasabihin ni Kyrene.

"Hali kayo, pasok." Binuksan nito ang pinto at pumasok sila.

Pinagmasdan nila ang loob. Kompleto sa gamit, wooden living room set na may nakapatong na foam. May 32 inches flat screen tv, May isang kwarto, magandang kitchen.  Gawa sa black granites ang kitchen counter, may lutuan na rin. May isa pang pinto at mukhang c.r yun na malapit sa kitchen.

"P'ano okay na kayo dito?" Tanong ni Berting.

"Opo kuya Berting salamat po, okay na kami dito." Sagot ni Khielve

"Sige mag pahinga na muna kayo, pag may kailangan kayo, magsabi lang kayo. D'yan lang bahay namin sa kabila."

"Sige po salamat po." Lumabas na si Berting.

Nagpahanap lang si Khielve kay Ben na katiwala nila sa hacienda ng matutuluyan at dito sila pinapunta, sa Roque farm kung saan nag ta-trabho si Berting na nakakabatang kapatid ni Ben, mga edad 33 siguro ito.

Binayaran na rin ni Khielve ang pagtuloy nila dito, pinadalhan niya ng pera si Ben na agad-agad naman kumilos.

Agad na niyakap ni Khielve si Kyrene. Kumalas ito ng yakap at kinulong ang mukha ni Kyrene sa palad niya, at hinalikan ang labi ng maraming padampi-damping halik. Natawa si Kyrene sa ginawa nito, niyakap niya uli si Kyrene ng sobrang higpit.

"Hmm! Finally. Hinding-hindi na kita ibabalik Kyrene. Nag bago na isip ko, dito nalang tayo forever." Gumanti ng yakap si Kyrene ng sobrang higpit din.

"Seryoso ba yun?" Tanong ni Kyrene.

"Aaay!Ahaha!" Binuhat siya nito at inikot at muling binaba at tumingin sakanya.

"Seryoso" Binitawan siya ni Khielve para isara ang pinto at lumapit uli sakanya.  Binuhat siya nito bigla. (Princess style)

"Anong ginagawa mo?" Natatawang tanong ni Kyrene, ngumiti lang si Khielve ng pilyong ngiti. naglakad siya patungo sa pinto sa kwarto.

"Open the door." Utos ni Khielve kay Kyrene, binuksan naman niya ito. Sinipa ni Khielve ang pinto para lumuwang ang pagkakabukas at pumasok sila.

Sinara uli ni Khielve ang pinto, gamit ang paa nito. Hiniga niya si Kyrene sa kama at agad siyang  dumagan dito. Nanglalaki ang mata ni Kyrene sa ginagawa ni Khielve.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya at napapalunok ng paulit-ulit sa isipang may gagawin itong kapilyuhan.

"Honeymoon" Mga pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Khielve.

"Khielve naman eh." Nahihiyang sabi ni Kyrene at umiwas ng tingin.

"Ayaw mo ba?" Nakangiti parin ito.

"S-syempre ayaw, hindi naman tayo bagong kasal para mag honeymoon." Mautal-utal sa simula si Kyrene sa pagsasalita.

"Bagong tanan naman tayo." Nilapit ni Khielve ang mukha sa mukha ni Kyrene. Napapikit si Kyrene ng madiin at natikom niya ng husto ang bibig niya.

Hindi niya maintindihan pero nagki-kiss naman sila. Pero iba ngayon, naiilang siya ng husto. Lalong napadiin ang pikit niya ng haplusin ni Khielve ang pisngi niya ng mga daliri nito.

Narinig niyang natawa si Khielve, kaya dahan-dahan niyang dinilat ang isang mata niya.

"Ang cute cute mo alam mo ba yun." Sabay halik sa labi ng mabilis na halik.

Huminga ng malalim si Khielve at sumeryoso ang mukha nito, dumilat na rin si Kyrene. Pinakatitigan niya si Kyrene ng mabuti.

Masaya siya, masayang-masaya, hindi niya gustong matapos ang araw na 'to. Ipaglalaban niya si Kyrene kahit sino pa ang humadlang. Kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan nila. Para sakanya, si Kyrene na ang pinakaimportante sa buhay niya, hindi niya kayang mabuhay kung mawawala si Kyrene, ito na ngayon ang buhay niya.

"I love you, I kaw ang pinakaimportante sakin ngayon, ikaw ang buhay ko." Malambing at punong-puno ng pagmamahal na sabi ni Khielve at hinaplos ang gilid ng ulo niya.

"I love you too." Sagot niya.

"Salamat ha? Salamat at hindi ka sumuko, salamat at ako ang pinili mo. Salamat at sumama ka sakin." Ngumiti si Kyrene.

"Mas salamat Khielve dahil mahal mo ako, salamat dahil pinaglabanan mo rin ako at hindi ka sumuko kahit nahirapan ka na masyado." Walang kahit na isang pag sisi si Kyrene sa desisyon niya, mahal niya si Khielve, kaya kahit mali man ang pagtatanan ginawa parin niya.

Naniniwala siya na mamaayos din ang lahat, kailangan lang nilang gawin 'to para hindi sila tuluyang pag hiwalayin. Dalawa lang maidudulot ng ginawa nila, matauhan ang mga taong pilit silang pinaghihiwalay o mas mag dulot lalo ng panibagong problema. She would wish na wag naman sana. Ayos naman talaga ang lahat sakanila, si Yasmine lang ang puno't dulo ng lahat. Kayang-kaya pa nitong paikutin ang lola niya kaya lalong nagiging mahirap ang sitwasyon nila.

"Hindi ko talaga gagawin yun. Hindi ko pwedeng isuko ang taong nagiisang dahilan para magkar'on ng saysay ang buhay ko. Ikaw ang buhay ko." Hinalikan ni Khielve si Kyrene sa labi, masuyong mga halik na tinugon naman ni Kyrene.  Tumigil sila pag halik tumingin sa isa't-isa.

"Sige na pahinga ka na muna." Sabi niya kay Khielve. Gumulong si Khielve palayo at humiga sa tabi niya.

Nagyakap nalang at ngumiti sa isa't-isa bago pinikit ang mata, pagod talaga sila sa mag damag na byahe, masakit nag buong katawa.

**

12:00 pm:

Nagising si Khielve sa mga katok na narinig niya mula sa labas, tulog parin si Kyrene. Napangiti siyang makitang katabi niya si Kyrene, masarap sa pakiramdaman niya na makitang pagdilat ng mga mata niya magandang mukha ng mahal niya ang masisilayan niya.

Hinalikan niya ito sa noo tsaka tumayo at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa pinto at binuksan niya iyon.

"Seniorito naistorbo ko po ba kayo? Nag dala lang ako ng makakain niyo." Si Berting ang nasa labas.

"Hindi naman po, naka tulog kasi kami, salamat po. Wala nga kaming makakain." Kinuha niya ang dala nito.

"Pasok po muna kayo." Pumasok naman ang lalaki at nilagay ni Khielve sa lamesa ang pagkain na dala nito.

"Siguro po mamaya pupunta ako ng palengke." May nadaanan naman silang palengke kanina at malapit lang dito.

"Sige kung kailangan mo ng kasama wag kang mahihiyang magsabi."

"Sige ho kuya Berting salamat po."

"Sige mauna na muna ako."

"Sige po. Salamat po uli sa pagkain." Lumabas uli si Berting.

Hinanda ni Khielve ang pagkain, inayos niya sa lamesa lahat, kompleto na rin lahat dito kahit mga utensils, pagkatapos niyang maghain pumasok siya sa kwarto at tinabihan niya uli si Kyrene.

Tinukod niya ang siko sa unan at hinawi ang nga hibla ng buhok nito na humarang sa mukha, nakatagilid ito paharap sakanya.

"Kyrene." Mahinang tawag niya yumukod siya at hinalikan ang sentido nito.

"Kyrene" Tawag niya uli. Umungol ito at bahagyang dumilat.

"Hmm Khielve." Ungol ni Kyrene at yumakap sa bewang ni Khielve at pumikit uli. Napangiti si Khielve.

"Kain muna tayo." Pilit naman dumilat si Kyrene, pero hirap niyang maidilat ang mata niya. Para ito hinahatak sa sobrang antok. Napansin naman yun ni Khielve.

"Still sleepy hmm?" Malambing na tanong nito. Tumango si Kyrene na medyo dilat ang mata ng konti at pinikit uli.

"Gusto mo bang mawala ang antok mo?" Nakangiting tanong nito.

"Paano?" Tanong niya habang nakapikit.

Mabilis ang mga kilos ni Khielve,  bigla siya nitong pinatihaya ng higa at biglang pumatong sa ibabaw niya. Wala sabi-sabing hinalikan ang leeg niya.

Nanglaki ang mata ni Kyrene sa ginawa nito.

"Khielve anong ginagawa mo?" Medyo napalakas ang boses niya. Umangat ng ulo si Khielve at tumingin sa mukha niya. Pilyo ang mga ngiti nito.

"Diba nawala antok mo?" Napangiti si Kyrene ng husto.

"Pasaway ka" Mabilis siyang hinalikan sa labi ng smack kiss.

"Ang cute cute mo talaga." Tsaka ito tumayo.

"Halika na kain ka muna." Yumukod ito at binuhat siya, napahawak nalang si Kyrene sa batok ni Khielve.

"Ang sweet mo talaga no? Hindi ka kaya magsasawang maging sweet?" Nilapit ni Khielve ang mukha sa mukha ni Kyrene at kiniskis ang ilong sa ilong niya.

"Hinding-hindi" Walang nagawa si Kyrene kundi mas lumapad pa ang pagkakangiti ng mga labi niya.

Lumabas si Khielve na buhat-buhat siya at pinaupo siya sa harap ng maliit na dining table. Mas nagulat siya na handa na ang pagkain, nilagyan pa siya ng pagkain sa plato.

"Salamat. Pero sandali, saan ba 'to galing? Nagluto ka ba?" Natawa si Khielve at pinupog ng halik ang ulo niya.

"Patawa ka talaga. Edi sana sunog-sunog yan, pero wag kang mag alala mag aaral akong magluto para sayo." Humatak ito ng upuan at umupo na rin.

"Si kuya Berting ang nagbigay niyan." Tumango -tango nalang si Kyrene at nagsimula silang kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top