CHAPTER 65

Hey guys.. support my other story entitle Legacy "I kiss You 'coz I hate you"(kathniel) pero hindi ko ginamit name nila..

_________________________________

Cafeteria:

"Jelian Bakit hindi pumasok si Kyrene?" Tanong agad ni Khielve pagkaupong pagkaupo nito.

Inabangan kasi ni Khielve si Kyrene kanina sa pagpasok dahil huling kita nila n'ong friday pa at miss na miss na niya ito, pero si Donya Solidad at Jelian lang ang nakita niya. Hindi naman niya ito malapitan.

"Hindi na muna siya pinapasok ni lola, naaksidente kasi si Yasmine,  nag away na naman kasi yung dalawa at nahulog si Yasmine sa hagdan." Nagulat naman ang lahat sa narinig.

"Gan'on ba talaga sila mag away?" Naiiling na tanong ni Simon.

"Kumusta si Kyrene?" Tanong ni Khielve.

"Ayun, iyak ng iyak. Naaawa na nga ako d'on eh. Haist! Nasaktan pa ni mommy."-Sagot ni Jelian na napapabuntong hininga pa.

"Bakit naman gagawin ng mommy mo yun?" Tanong ni Tricia. Halos walang gumagalaw sa mga pagkain, halos lahat walang ganang kumain.

"Malapit kasi si mommy kay Ate Yasmine ayaw niyang nasasaktan yun. Mas paborito pa nga  niya yun kesa sakin eh." Paliwanag ni Jelian.

"Mas mag kakaproblema pa kayo Khielve ngayon." Dagdag nito at tumingin kay Khielve,  napaayos naman ng upo si Khielve.

"Bakit?"

"Balak ni Lola Solidad na ipadala si Ate Yasmine at Kyrene sa London para d'on mag-aral." Paliwanag ni Jelian.

"ANO!?" Napalakas ng husto ang boses ni Khielve.

"Patay problema nga yan." -Zion

"Hindi ako papayag." Nagtinginan lahat kay Khielve.

"May magagawa ka ba?" -Simon

"Itatanan ko si Kyrene." -Seryong -seryoso ang mukhang pahayag ni Khielve.

"Seryoso ka bro?" Tanong ni Kenneth.

"Seryoso ako at kailangan ko ang tulong niyo." Tumingin ito kay Jelian.

"Jelian tulungan mo akong makausap si Kyrene. Gusto ko siyang puntahan."

"Pero malabo Khielve. P'ano kayo magkakausap, hindi siya pinapalabas ni lola Solidad." Napahilamos at napayuko si Khielve, ang dalawang palad nasa likod ng ulo niya habang nakatukod ang siko sa lamesa.

***

"Magagawa kaya natin 'to?" Tanong ni Kenneth habang nasa tapat ng mansyon ng mga Brizalde. Nasa driver seat siya at nasa passenger seat naman si Simon, nasa likod si Zion and Trcia.

Maya-maya lang bumukas ang gate, pinagbuksan ito ni Jelian at agad naman pinasok ni Kenneth ang kotse.

Nagsilabasan ang lahat, humalik naman si Simon sa pisngi ni Jelian at binigyan ito ng bulaklak.

"Thank you. Tara sa loob." Pumasok ang lahat sa loob maliban kay Kenneth.

Pumunta si Kenneth sa likod ng kotse niya at  binuksan ang car compartment.

"Mamaya ka na lumabas, babalik ako. Nandito pa yung bodyguard." Tumango lang si Khielve at muling sinara ni Kenneth ang compartment pero hindi ito tuluyang sinara, medyo nakaawang.

Pumasok muna si Kenneth sa loob at nakita niyang nakaupo ang grupo sa visitors area Umupo din muna siya.

"P'ano makakapasok si Khielve,  nasa labas ang mga bodyguard." -Tanong ni Kenneth

"Ako na bahala." Sagot ni Jelian.

Bumababa naman si Yasmine ng hagdan, wala na itong bandage sa ulo. Pero my nakalagay parin sa braso nito ang supporta sa pilay.

"Wow! Almost complete.  Si Kyrene ang pinunta niyo?" Punong-puno ng pang uuyam na sabi ni Yasmine.

"Akala ko makikita kitang naka wheelchair,  sayang naman." Nakangising sabi ni Trcia.

Inirapan lang ito ni Yasmine at umupo sa may couch na nasa living room. Sa kabilang side ito, nakaharap siya sa labas na salaming dingding.

"Grabe! Muntik ng mamatay mataray parin." Iritang sabi ni Tricia habang naka tingin kay Yasmine na nag c'cellphone.

"Sandali lang, papapasukin ko lang ang bantay." Tumayo si Jelian at lumabas, sumunod naman si Kenneth. 

"Kuya kumain na daw po kayo." Sabi ni Jelian  sa bodyguard.

Tumango ang dalawa at pumasok. Pumanta naman si Kenneth sa kotse at binuksan ang likod. 

"Labas na bro." Lumabas si Khielve.

"Khielve,  ayun ang kwarto ni Kyrene. Umakyat ka sa terrace." -Jelian

"Okay, salamat." Naglakad si Khielve papunta sa may kwarto ni Kyrene, pero na tigil siya ng makita si Yasmine na nakaharap at nakatingin sa labas.

Tumingin si Khielve kay Jelian at sumenyas at tinuro si Yasmine. Agad naman pumasok si Jelian at ng makita ni Khielve na hinarangan nito si Yasmine para hindi siya makita mula sa labas agad siyang tumakbo.

Wala siyang sinayang na oras, agad siyang umakyat sa terrace at dahan-dahan niyang binuksan ang sliding glass door.

Dahan-dahan siyang pumasok, nakita niya si Kyrene na nakahiga at nakatalikod. Bukas ang ilaw  dito. Umupo siya sa gilid ng kama nito at hinawakan si Kyrene sa balikat. Mukhang tulog ito.

Yumukod si Khielve at hinaplos ang ulo.

"Kyrene" Mahinang tawag niya dito. Umungol ito at dumilat naman agad at humiga ng patihaya. Kaya pagkaharap na ang mukha nila ngayon.

"Kumusta ka?" Nakangitin tanong ni Khielve.

"Khielve!" Agad na yumakap si Kyrene kay Khielve, medyo natawa si Khielve. Inangat niya si Kyrene at napaupo ito na nakayakap parin sakanya.

Hinigpitan ni Khielve ang yakap dito. Narinig nalang niyang humihikbi si Kyrene kaya kumalas muna siya ng yakap dito.

Tinitigan niya si Kyrene na umiiyak nga. Nangunot at napatiim ang bagang niya ng makita ng husto ang pisngi nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Kyrene na may pasa na nag kukulay talong na.

"Sino may gawa nito?" Tiim bagang niyang tanong. Pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa galit.

"Si tita Dianna. Nagalit siya, nahulog kasi si Yasmine sa hagdan." Bahagyang umiiyak si Kyrene.

"Ipapaalam ko 'to sa nanay at tatay mo."

"Wag Khielve. Mag aalala yun, susugod yun dito. Siguradong lalong lalaki ang gulo." Marahang hinawakan ni Khielve ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ni Kyrene.  Dinikit niya ang noo sa noo ni Kyrene.

"Sumama ka sakin. Lumayo tayo dito, magtanan tayo." Medyo nagulat si Kyrene sa sinabi nito. Medyo naglayo ang mukha nila pero nakahawak parin si Khielve sa mukha nito.

"Sinabi ni Jelian na ipapadala ka sa London, Kyrene sumama ka. Lumayo tayo." Ngumiti si Kyrene. Humawak ito sa magkabilang wrist ni Khielve habang nakawak sa mukha niya.

"Oo. Oo khielve, sasama ako sayo." Ngumiti si khielve.

"Salamat, salamat Kyrene." Niyakap niya si Kyrene ng sobrang higpit. Hinalikan niya ng madiin ang ulo nito. Awang-awa siya kay Kyrene.

"Wag kang mag alala. Ilalayo kita dito, hindi ka na nila nasasaktan pa. Hmm! Mahal na mahal kita." Hindi sumagot si Kyrene,  hinigpitan lang niya ang yakap niya kay Khielve.

**

Lumabas si Yasmine ng bahay. Nagpapahangin ito ng mapagawi ang mata sa sasakayan na dala nila Kenneth,  napansin nito na nakaawang ang likod nito. Lumapit ito at tinignan, bukas nga ito.

Natigilan si Yasmine at tumingin sa kwarto ni Kyrene,  bukas ang sliding glass door at ang ilaw.

Mabilis na pumasok si Yasmine kahit medyo nanakit pa ang mga balakang nito. Umakyat ito sa taas at nagpunta ng kwarto ni Kyrene at dahan-dahan na pinihit ang door knob. Pumasok ito sa kwarto, wala si Kyrene.

"KYRENE!" Tawag nito, narinig nalang niya ang lagaslas ng tubig mula sa c.r. lumabas nalang ito at muling sinara ang pinto.

Narinig ni Khielve at Kyrene ang mga yabag na papalapit sa kwarto niya at ang pagpihit ng siradora kaya mabilis silang tumalima ni Khielve at pumasok sa banyo.

"Muntik na tayo d'on." Anas ni Khielve. Napapikit si Kyrene at nasandal niya ang ulo sa pinto. Nakaharap naman sakanya si Khielve.

Tinitigan niyang mabuti ito habang nakapikit at dahan-dahan niya nilapit ang mukha dito at hinalikan sa labi ng isang masuyong halik. Napadilat naman si Kyrene at ngumiti dito.

"Kailangan mo ng umalis, magkita nalang tayo sa sunday." Napag usapan nilang sa linggo sila magkikita.

Family day nila yun at sama-sama silang magsisimba. Binigay din ni Khielve sakanya ang cellphone nito para may kontak sila nito.

"Sige" Hinalikan uli siya ni Khielve sa labi tsaka sila lumabas ng C.R.

Nagpunta sila ng terrace at muli siya niyakap ni Khielve.

"Sige na sige na, baka bumalik si Yasmine." Sumampa si Khielve sa grills na hanggang bewang.

"Kyrene" Tawag  ni Khielve at nilahad nito ang palad niya.

Lumapit naman si Kyrene dito, at nagyakap uli sila, isang kamay lang ang ginamit ni Khielve sa pag yakap sakanya.

"Aantayin kita sa sunday ah."

"Oo Khielve. Sasama ako sayo." Nagkalas sila ng yakap at siniil uli siya ni Khielve ng halik sa labi, bago ito mabilis na bumaba.

***

Maagang nagising si Kyrene, agad siyang naligo at nagbihis. Nagalmusal lang sila at muli siyang umakyat sa taas.

Agad siyang pumasok sa  walk in closet  niya at tumingin sa mga bag niya. Kinuha niya ang pinakamalaki, lv damier azur nevelfull ang kinuha niya dahil yun ang pinakamalaki.

Nagtungo siya sa closet niya at kumuha muna siya ng mga underwear at nilagay sa bag niya.

Bigla naman bumukas ang pinto ng walk in closet kaya natigil siya sa ginagawa niya. Si Yasmine ang nand'on.

"Paimportante ka talaga. Bilisan mo na." Tumingin si Yasmine sa bag niya.

Sinara nalang ni Kyrene ang closet niya, inisip niya na baka makahalata pa 'to. Pwede naman siyang bumili nalang ng damit,  lumabas nalang si Kyrene at nilagpasan si Yasmine. 

Tuloy-tuloy siyang lumabas  ng kwarto at bumababa ng hagdan kasunod naman niya si Yasmine.  Nand'on na ang buong pamilya, siya na nga lang talaga ang hinihintay.

Nagsitayuan ang lahat at lumabas ng mansyon. Sumakay ang buong pamilya sa van, si Jelian at Ms. Dianna sa kotse nito. Nakapag text na siya kay Khielve kanina at nand'on na raw ito.

Papunta na sila ng simbahan ngayo, malapit lang ito sa village nila. Hindi nagtagal narating nila ang simbahan at nag sibabaan ang lahat.

Pagbaba ni Kyrene, agad niyang inikot ang paningin niya, nagkatinginan pa sila ni Jelian. Ito naman si Yasmine tumingin din sakanya at lilipat ang tingin kay Jelian. Na parang may nas'sense sa mga kilos ng dalawa.

Pumasok ang buong pamilya sa simbahan at umupong magkakatabi. Katabi ni Kyrene ang mommy niya at sa hindi niya malaman na dahilan tinabihan siya ni Yasmine.

Tumingin lang siya dito at muling tinuon ang pansin sa unahan sa may altar kung saan nag hahanda ang pare. Hindi nagtagal nagsimula ang misa.

Nakinig siyang mabuti sa sermon ng pari, nagdasal siya ng taimtiim at humingi ng tawad sa gagawin niyang pakikipagtanan.

Patapos na ang misa ng naramdaman niyang nagvibrate  ang cellphone na bigay sakanya ni Khielve  Siguro nag t'text na ito sakanya.

Natapos ang misa at nakapila ang iba para  mag pasubo ng ostya. Tumayo ang lahat ng kapamilya niya para mag komunyon. Naiwan si Jelian, Yasmine at Kyrene.

Tumabi sakanya si Jelian at pinisil ang kamay niya na nasa hita niya. Tumingin siya dito at tinanguan siya, na parang sinasabing 'oras na' ngumiti at tumango din siya. Tumayo si Kyrene.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Yasmine.

"Magk'komunyon." tipid niyang sagot.

Pumila siya sa pinakadulo, natapos ang buo niyang pamilya at bumalik sa upuan, tumingin pa siya sa mga ito at nakita niyang nagdadasal, si Yasmine naman at Jelian nakatingin sakanya.

Mukhang nakakahalata ang bruha.. - sa isip niya.

Natapos ang mga sinusundan niya. Siya na ngayon ang magsusubo ng ostya.

"Katawan ni Kristo." Priest says.

"Amen" Sagot niya at tinanggang ang ostya at nag sign of the cross siya.

Tsaka siya dahan-dahan na naglakad sa kabilang side ng simbahan. Mabilis ang mga naging  hakbang niya hanggang marating niya ang main entrance.

"Kyrene" Nagulat pa siya ng biglang may humawak sakanya.

"Jelian!" Nagyakap ang dalawa.

"Bilisin mo,  nan'don  sila Khielve." Tumakbo ang dalawa palayo sa simbahan.

Nakita niya sa di kalayuan ang grupo kasama si Khielve, nakatayo ang mga ito, hindi ito mapakali na halatang grabe ang kaba. Napahinto muna siya.

Nakita naman siya ng mga ito bigla,yung kaba na makikita kay Khielve napalitan ng pananabik at saya ang mababakas sa mukha nito.

Tumakbo siya palapit dito at agad naman siyang sinalubong nito at agad na niyakap at binuhat pa. Tsaka siya uli binababa.

"Salamat dumating ka, akala ko hindi ka na darating eh." Agad na sabi ni Khielve habang hawak ang magkabila niyang pisngi.

"Pwede ba yun. Syempre hindi kita papaasahin." Nagyakap uli sila nito.

"KYRENE!" Malakas na sigaw ang biglang nakapag pagulat sa lahat.

Nilingon nila ito, si Yasmine na galit na galit ang itsura. Mabilis itong lumapit pero agad na siyang hinila ni Khielve palayo. Papuntang sasakyan nito.

"KYRENE!!!" Malakas na sigaw nito, hinarang ito nila Tricia at agad na hinawakan ni Simon at Zion sa magkabilang braso nito.

"BITAWAN NIYO AKO!!" Malakas na sigaw ni Yasmine. 

"Tumigil kana bruha ka. Wala ka ng magagawa pa." Mataray na sabi ni Tricia.

"Bro. Kailangan pagbalik niyo tatlo na kayo ah." Sigaw ni Simon kay Khielve,  nakasakay na si Kyrene at papasaky na rin si Khielve.

"Oo Khielve.  Buntisin mo na agad si Kyrene!" Sigaw naman  ni Zion. Medyo natawa si Khielve sa mga sinabi nito.

"Ingatan mo si Kyrene Khielve." Sigaw naman ni Kenneth.

"Makakaasa kayo. Salamat mga bro." Sagot ni Khielve at agad na sumakay ng kotse.

Pinaandar agad ni Khielve ang kotse para makalayo sa lugar. Nangmakalayo na sila, hininto ni Khielve ang kotse sa tabi.

"Bakit?" Tanong ni Kyrene.  Inalis ni Khielve ang seat belt niya.  Lumapit siya kay Kyrene at niyakap ito.

"Finally. Magkakasama na tayo. Aalagaan kita, pangako." Yumakap din si Kyrene dito.

"Aalagaan din kita. Pero kaya ba natin 'to? Sanay ako sa hirap Khielve, pero ikaw." Kumalas ng yakap si Khielve at tumingin sakanya.

"Kakayanin ko lahat para sayo. Tsaka, babalik naman tayo pag tinanggap na nila ang relasyon natin." May mga savings naman siya, kahit si Kyrene meron din.

"Kaya natin 'to basta magkasama tayo." Hinalikan ni Khielve si Kyrene ng smack kiss sa labi.

_________________________________

Dko alam kung kailan next update wala pa kasi akong gawa, pero... pero subukan kong pabilisin thanks...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top