CHAPTER 63
Nasa kwarto si Kyrene, halos hindi na rin siya palabas ng silid niya. Biglang pumasok si Jelian.
"Kyrene si Khielve nandito." Agad na sabi ni Jelian na parang taranta.
"Huh!?"
"Nand'on sa labas, silipin mo sa terrace." Agad na tumayo si Kyrene at patakbong nagpunta ng terrace.
Malakas ang ulan at nakita niya si Khielve sa gilid ng kotse nito na nakaparada sa tapat ng gate nila, sigaw ng sigaw at tinatawag ang pangalan niya, nakikiusap na kung pwede siyang makausap.
Parang dinudurog ang puso niya sa nakikita niya. Agad siyang tumalima at mabilis na lumabas ng kwarto. Patakbo siyang bumababa, nakita niyang nasa baba ang lola niya nakaupo lang, pati ang ibang katulong pasilip-silip sa labas.
Tumakbo siya papunta sa pinto.
"Kyrene!" Tawag sakanya ng lola niya.
"Lola kakausapin ko lang po si Khielve." Pakiusap ni Kyrene.
"No! You'll stay, hayaan mo siya. Sinabihan na siya pero ayaw parin niyang umalis."
"Lola! Nakikiusap po ako, papauwiin ko lang siya." Pakiusap niya uli.
"Wag mo ngang payagan yan lola, kapag ginawa mo yun, yan ang gagawin n'yan lagi para makapag usap sila." Sabat naman ni Yasmine mula sa likod ni Kyrene, nilingon ito ni Kyrene pero muling tumingin sa donya.
"Lola, please po."
"Sige na Kyrene, labasin mo na si Khielve." Muli siyang tumingin sa likod niya.
"Salamat po daddy." Agad siyang tumakbo sa pinto at mabilis naman siyang inabutan ng payong ng katulong na nasa may pinto.
"Salamat po ate Sally." Ngumiti lang ito sakanya. Patakbo siyang nagpunta ng gate at agad na binuksan.
"Kyrene" Agad siyang sinalubong ni Khielve.
"Khielve ano bang ginagawa mo? Magkakasakit ka niyan eh." Hinawakan ni Kyrene ang kabilang pisngi nito habang hawak niya ang payong sa isang kamay at nagsukob sila.
"Kyrene miss na miss na kita eh." Hinawakan din nito ang mukha niya.
"Kyrene hirap na hirap na ako, hindi ko na kaya ang ganito." Humalo sa tubig ang luhang pumatak sa mata ni Khielve. Niyakap siya ni Khielve, basang basa ito kaya ngayon nabasa na rin siya. Niyakap din niya ito.
"I'm sorry Khielve kung nahihirapan ka ng ganito. Pero gagawin ko lahat para maging maayos ang lahat, pangako." Naiyak na rin si Kyrene.
"Kyrene, sumama ka nalang sakin, lumayo tayo dito. Magtanan tayo, yung malayo sa lahat, yung tayong dalawa lang." Nagulat si Kyrene sa sinabi nito. Kumalas ng yakap si Khielve at muling hinawakan ang mukha niya.
"Tara na Kyrene, sumama ka sakin." Umiling si Kyrene.
"Hindi. maaayos 'to, pangako. Hindi natin kailangan magtanan." Dinikit ni Khielve ang noo sa noo ni Kyrene. Hindi na niya napigil ang luha na pumatak na naman sa mata niya.
Ngayon lang siya nakaramdam ng takot, hindi niya kaya ang ganito, hindi niya kakayanin kung mawawala sakanya si Kyrene.
"Mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kung mawawala ka." Halos magkadikit ang labi nila habang nagsasalita.
"Hindi ako mawawala, nangako ako diba? Ipaglalaban kita." Hinalikan siya ni Khielve sa labi. Madiin na madiin na halik na tinugon naman ni Kyrene. Tumigil ito sa paghalik.
"Sige na Khielve, umuwi ka na muna." Niyakap uli siya ni Khielve ng sobrang higpit.
"Ayoko Kyrene." Lalo nitong hinigpitan ang yakap.
"Khielve sige na."
"Ma'am Kyrene. Pinapatawag na po kayo ng donya." Tawag ng bodyguard sakanya.
"Khielve sige na. Sige na. Wag ng matigas ang ulo mo. Please! Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh." Pero nanatili paring nakayakap si Khielve.
"Khielve please! Sige na. Baka lalong magalit si lola nito." Kumalas ng yakap si Khielve at muling hinawakan ang mukha niya.
"Mahal na mahal kita." Malamlam ang mga mata ni Khielve habang naka tingin sakanya.
"Mahal na mahal din kita, sobra." Sagot naman ni Kyrene at muli siya nitong hinalikan sa labi at pagkatapos sa noo.
Tumango si Kyrene na parang sinasabi niyang 'sige na umalis kana', binuksan ni Khielve ang pinto ng sasakyan tsaka sumakay habang nakatingin parin sakanya bago tuluyan sinarado ang pinto. Pinaandar ni Khielve ang sasakyan at tinanaw nalang ni Kyrene ito habang papalayo.
***
Campus:
"Lola, pupunta po muna ako sa shop." Paalam ni Kyrene sa lola niya, na busy sa mga paper works nito, nakaupo sa desk niya sa opisina.
"Wala ka ng bang classe?" Tanong ng donya.
"Wala na po eh. Half day lang po kami." Sagot niya. Tumango ang donya.
"Sige, gamitin mo na ang sasakyan. Pabalikan mo nalang kami dito mamaya sa driver."
"Opo lola." Tumayo siya at humalik sa lola niya bago lumabas. Nasa labas parin ang dalawang bodyguard.
**
Shop:
Nasa shop siya ngayon, nakaupo at nakatanaw sa dalawang bodyguard na nasa labas ng shop niya, pero ang layo ng iniisip niya. Iniisip niya kung paano siya makakatakas sa mga ito.
Gusto niyang puntahan si Khielve dahil na balitaan niya kila Kenneth na hindi ito pumasok dahil may sakit daw.
Malamang nagkasakit ito dahil sa pagpapaulan nito kagabi. Tumayo siya at lumabas ng shop.
"Kuya, kumain muna kayo. Kasi mamaya pa ako uuwi eh. Tsaka mamaya pa ako susunduin ng driver." Sabi niya sa dalawang bodyguard. Kumuha siya ng isang libo sa wallet at binigay sa isang bodyguard.
"Bumalik nalang po kayo dito pagkatapos niyong mag meryenda." Nag alangan ang dalawa.
Pero naisip ng mga ito na hindi naman siguro siya tatakas dahil kahit naman kailan hindi niya ginawa yun simula ng bantayan siya ng mga ito.
Pumasok uli siya ng shop at muling umupo, umalis naman ang dalawang bodyguard. Tumayo uli si Kyrene at kinuha ang bag na nasa may upuan.
"Maricar lalabas lang ako, magiikot-ikot, pag dumating yung bodyguard pakisabi antayin nalang nila ako dito." Nag opo lang ang sales lady at lumabas na siya ng boutique.
Sinilip-silip muna niya ang dalawa kung wala na nga ito. Nang hindi niya na matanaw, agad siyang tumakbo palayo sa boutique niya.
After niyang makatakas, nag taxi lang siya papunta sa bahay nila Khielve.
Ngayon nandito siya sa tapat ng mansyon ng mga Montillo. Inaantay ang katulong na papalabas na ng bahay at ngiting-ngiti ito pagkakita sakanya.
"Kyrene kumusta?" Masiglang bati ni Inday habang binubuksan ang gate na stainless grills, kaya kitang-kita ang tao sa labas mula sa loob.
"Kumusta ate Inday? Si Khielve po kumusta?" Pumasok si Kyrene ng gate at sabay na naglakad papuntang loob.
"Naku si Seniorito ayun may sakit, ang taas ng lagnat. Ayaw kumain at hindi parin ata umiinom ng gamot." Sagot ni Inday.
"Ate Inday tulungan mo nalang akong maghanda ng pagkain, ako nalang magpapakain sakanya."
"Mabuti pa nga at si Manang Betty kanina pa yun nag aalala, kanina pa pabalik-balik sa kwarto ni Seniorito ayaw talagang kumain." Nagpunta sila ng kusina.
Nand'on din si manang Betty at nangumusta din sakanya. Naghanda sila ng pagkain ni Khielve.
"Buti dumating ka Kyrene, baka mapakain mo, kanina pa tawag ng tawag si ma'am Bettina nag aalala din, hindi pa daw makauwi may meeting pa siya eh." -pahayag ni Manang Betty habang nilalagay ang gamot at tubig sa tray.
"Sige po ako ng bahala." Binuhat ni Kyrene ang tray at umakyat.
Pagdating niya sa taas ng kwarto ni Khielve, tinaas niya ang isang tuhod niya at pinatong ang tray doon habang hawak ng isang kamay. Tsaka niya pinihit ang siradura ng pinto at dahan-dahan tinulak pabukas.
Pumasok siya at muling sinara ang pinto gamit ang paa niya. Nakahiga si Khielve patagilid at nakakumot nakatalikod ito. Naglakad siya papuntang side table at pinatong ang tray.
"Manang Betty ayaw ko nga pong kumain." Napangiti si Kyrene dahil akala ni Khielve si Manang Betty ang pumasok. Paos ang boses nito at halatang may sakit talaga.
"Hay! Sayang naman, ilalabas ko nalang uli ito at uuwi na ako." Napabalikwas ng higa si Khielve na akala mo walang sakit at hindi ng hihina.
"Kyrene!" Bulalas nito.
"Ayaw mo ba talagang kumain, ilalabas ko nalang 'to at uuwi na ako." Kunyari malungkot ang mukha ni Kyrene.
"Hindi! Kakain ako, halika ka nga." Mabilis na sagot ni Khielve. Lumapit si Kyrene at umupo sa gilid ng kama paharap kay Khielve. Hinawakan ni Kyrene ang pisngi at noo ni Khielve.
"Sobrang init mo.hmm!" Sabay tulak sa noo ni Khielve gamit ang hintuturo niya.
"Bakit?"
"Ang tigas ng ulo mo. Bakit hindi ka uminom ng gamot at hindi ka kumakain." Hinawakan ni Khielve ang dalawang kamay niya at ngumiti lang ito. Umusog ito palapit sakanya at niyakap siya.
"Kailangan ko lang ng kisspirin at yakapsule gagaling na ako." Bulong nito kay Kyrene, napangiti naman si Kyrene at kumalas ng yakap. Hinawakan niya ang mukha nito.
"Isang kisspirin." Sabay halik sa labi.
"At isang yakapsule." Sabay yakap ng mahigpit at medyo natawa pa si Kyrene. Kumalas siya ng yakap.
"Ayan na."
"Isa lang, dapat marami para mabilis umepekto."
"Tss. Hindi pwede, ma'oover dose ka." Bigla nalang siyang niyakap ni Khielve.
"Okay lang yun sakin. Gusto kong ma'over dose ng yakap at halik mo." Natawa na talaga si Kyrene at niyakap nalang si Khielve ng sobrang higpit. Ramdam niya ang init ng katawan nito. Kamulas ng yakap si Kyrene.
"Ngayon, kailangan mo ng kumain." Tumayo si Kyrene at kinuha ang pagkain.
Soup muna ang kinuha niya. Asparagus soup. Umupo uli siya sa kama at nagsandok ng soup.
"Say A!" Ngumiti si Khielve at hinigop ang soup na sinubo sakanya ni Kyrene.
"Paano ka pala nakapunta dito? Asan yung mga bodyguard mo? Pinayagan kanaba ng lola mo?" Sunod-sunod na tanong ni Khielve.
"Tumakas lang ako, kaya kailangan kong bumalik agad ng boutique bago nila mapansin na wala na ako d'on." Paliwanag niya, biglang parang lumungkot uli ang mukha ni Khielve sa narinig na Kailangan agad nitong umalis.
"Oh bakit?" Tanong ni Kyrene ng mapansin niya ang malungkot na mukha nito.
"Pwede bang dito ka na muna?" Pakiusap ni Khielve sa mahinang boses. Ngumiti si Kyrene.
"Sige na nga. Bahala na mamaya." Napangiti uli si Khielve ng husto.
"Salamat"
"Kaya kumain ka ng madami para hindi ako uuwi agad." Tumango si Khielve at nagpatuloy itong kamain hanggang sa maubos ang pagkain pati ang prutas.
"Very good ka naman pala eh. Bakit pinapahirapan mo si Manang Betty?" Tumayo si Kyrene at kinuha naman ang gamot.
"Ikaw kasi nagpakain sakin kaya ginanahan ako." Lumapit siya uli kay Khielve at binigay ang gamot at tubig. Ininom naman niya ito at muling nilapag ni Kyrene ang baso sa tray.
"Ibababa ko lang 'to." Binuhat niya ang tray.
"Wag na, mamaya nalang. Dito ka na muna. Baka mamaya hindi ka na bumalik eh." Pigil ni Khielve sakanya. Nilapag nalang uli ni Kyrene ang tray at lumapit uli kay Khielve at umupo sa tabi nito.
"Ikaw talaga. Sige na higa na, pahinga ka na." Umiling-iling si Khielve.
"Ayoko, upo lang tayo dito." Sumandal si Khielve sa headboard at pinasandal din siya nito.
Kinawit ni Khielve ang braso sa bewang niya at ang isang kamay nito, hinawakan ang kamay niya.
"Dapat pala nag kakasakit ako lagi para pinupuntahan mo ako." Hinilig ni Kyrene ang ulo sa balikat ni Khielve at hinawakan din niya ang kamay nito.
"I'm sorry Khielve." -Kyrene
"You don't have to say sorry, walang dahilan para magsorry ka." Hinalikan ni Khielve ang ulo ni Kyrene. Bahagyang tumingala si Kyrene kay Khielve at ngumiti. Hinalikan naman siya nito sa pagitan ng mata niya.
**
"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka." Sermon agad ng lola niya dahil nalaman nito ang pagtakas niya.
Pupuntahan na sana siya nito kila Khielve pero saktong kakapasok lang niya sa bahay.
Hindi na rin siya bumalik sa boutique dahil alam niyang siguradong nagreport na ang mga bodyguard niya sa lola niya.
"Lola sorry po. May sakit kasi si Khielve, dinalaw ko lang siya." Paliwanag agad niya.
"Nagsinungaling ka pa talaga na wala ka ng pasok."
"Lola hindi po, halfday lang po talaga kami."
"But Yasmine told me na may pasok pa kayo." -
"Lola hindi-"
"Go to your room." Putol nito sa sasabihin pa sana niya, agad namang sumunod si Kyrene at mabilis na umakyat.
Pumasok siya sa kwarto niya at kinuha nalang niya ang mga gagawin niyang school works. Mga isang oras siyang abala sa ginagawa niya ng makaramdam ng uhaw, tumayo siya at lumabas.
"Well well well, saan naman nagpunta ang malandi kong kambal?" Medyo sinulyapan lang niya ito sa pamamagitan ng gilid ng mata niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pababa na siya ng hagdan ng biglang hablutin ni Yasmine ang braso niya.
"Ano bang problema mo? Utang na loob Yasmine. Tama na. Panalo ka na, hirap na ako, hirap na hirap na kami ni Khielve sa sitwasyon namin." Pigil ang mga luha ni Kyrene na wag bumagsak dahil sa pagpipigil ng galit kay Yasmine. Halos ng gigil niyang bigkas sa bawat salita.
"Sabi ko naman sayo diba. Gagawin kong impyerno ang buhay mo dito." Taas kilay nitong sabi.
"Ang sama mo. Kanino mo ba nakuha ang ganyang ugali mo? Napaka sinungaling mo pa. Kung ano-ano ang kasinungalingang sinasabi mo kay lola." Ngumisi lang ito.
"Well sorry ka nalang, dahil sa atin dalawa, ako ang paniniwalaan ni lola kahit anong kasinungalingan pa ang sabihin ko." Lumapit pa itong mabuti at dahan-dahang naglakad paikot sakanya, tsaka uli tumigil.
"Sampid ka lang dito, oo. Positive ang result ng dna, pero sa mata ng lahat, I'm the only one and the real heiress of this family." Sinamaan niya rin ito ng tingin, ang pinaka malditang mukha na kaya niyang ipakita, nilabas na niya.
"Yun naman pala eh. Pero kung umasta ka, parang takot na takot ka sakin. Bakit Yasmine, gan'on ka ba na'iintimidate sakin? At masyado mong pinagbubutihan ang pagsira sa buhay ko, samin ni Khielve." Matapang niyang bitaw at nagpatuloy muli.
"Tsk. Naawawa lang ako sayo. Tanggapin mo nalang kasi na ako ang mahal ni Khielve at hindi ikaw. Baka sakaling maging masaya ka pa. Dahil kahit anong gawin mo, ako lang at ako ang mamahalin ni Khielve." Halos manginig ang mukha ni Yasmine sa galit.
"Ang kapal ng mukha mo." Nangigigil na sabi ni Yasmine, halos nakadikit ang mga ngipin nito at hindi bumuka ang bibig sa pagsasalita.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Malakas na sigaw nito sabay sampal kay Kyrene.
"Yasmine ano ba? Tumigil ka na." Puro sangga ang ginawa ni Kyrene.
Hindi niya ito ginagantihan dahil mas lalo lang lala. Nakacross lang ang braso niya sa harap ng mukha niya para maiwasan ang sampal nito.
"Ang kapal mo! Ang kapal mo! Ang kapal mo!...Aaaahh!" Natulala si Kyrene.
"Yasmine!" Halos paanas niyang sambit. nahulog si Yasmine sa hagdan.
"YASMINE!" Tumakbo siya pababa at umupo siya gilid nito. May dugo sa may gilid ng noo at walang malay.
"TULONG!" Malakas na sigaw ni Kyrene.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top