CHAPTER 62

"Miss Cruz, Miss Cruz!" Prof. Calls her.

"Kyrene hoy!" Bahagya siyang sinagi ni Jelian sa braso ng braso nito.

"Huh!?" Tsaka natauhan si Kyrene.

"Tawag ka ni Ms. Belinda." Jelian says.

"Sorry po" hinging paumanhin ni Kyrene.

"Ang layo ng utak mo. Okay class, see you tomorrow." Umalis ang prof.

Sumunod pa ang ibang mga subject nila pero wala talaga ang utak niya sa classe. Iniisip niya ang nangyari ng nagdaang gabi.

Galit na galit si Donya Solidad sakanila ni Yasmine. Pero baliwala naman kay Yasmine yun dahil hindi naman ito apektado, mas apektado si Kyrene ng husto dahil pinagbabawalan na siyang makipag kita muna kay Khielve dahil ito daw ang lagi nilang pinag aawayan, pero syempre hindi naman pumayag si Kyrene.

Natapos ang buong klase at nagsitayuan na sila. Pag labas nila ng Classroom natigilan si Kyrene.

"Nandito parin kayo?" Tanong niya.

"Utos po ni Donya Solidad." Dalawang body guard ang nasa labas. Kung kahapon isa lang ngayon dalawa na.

Seryoso talaga si Lola sa sinabi niya. Grabe naman.

"Kyrene" Napangiti si Kyrene ng makita si Khielve. Lalapit na sana ito sakanya ng harangin ito ng dalawang bodyguard.

"Sandali lang kuya mag uusap lang kami sandali." Pakiusap ni Kyrene. Nagulat naman si Khielve na may mga bodyguard na ito ngayon.

"Pasensiya na po ma'am, pero hindi po pwede, kami po ang malelentikan sa donya."

"Ano bang pinagsasabi niyo?" Inis na sabi ni Khielve at nagtangkang lumapit uli kay Kyrene pero hinawakan na siya ng dalawa.

"BITAWAN NIYO NGA AKO!" Sumigaw na si Khielve.

Pero hinawakan pa siya ng husto ng dalawang bodyguard na halos baliin na kamay niya.

"Ano ba? pwede ba wag niyo siyang saktan." Tarantang sabi ni Kyrene.

"Sorry ma'am sumusunod lang po sa utos."

"Oo na sige na, sasama na ako. Bitawan niyo na siya." Halos pagtinginan na sila ng lahat ng studyante.

"It seems big trouble here." Yasmine suddenly appeared. Tumingin ito kay Kyrene.

"Let's go sis, lola is waiting for us." Yasmine says. Tumingin si Kyrene kay Khielve, gusto na niyang maiyak sa nangyayari.

"Bitawan niyo na siya." Utos niya sa bodyguards, bumitaw naman ang mga ito.

"Kyrene" Sambit ni Khielve. Kyrene mouthed 'I'm sorry' tsaka naglakad palayo narinig niyang napamura pa si Khielve.

***

Cafeteria:

"P'ano na yan Khielve? P'ano kayo ni Kyrene? Demonyita kasi yang Yasmine na yan eh." Iritang sabi ni Tricia.

Nakwento na rin ni Jelian sa grupo ang nangyaring away ng dalawa kaya napag desisyunan ni Donya Solidad na wag na munang makipag kita si Kyrene kay Khielve.

Napayuko nalang si Khielve habang ang ang dalawang kamay nakawak sa noo niya at ang dalawang siko nakatukod sa lamesa. Hindi niya alam ang gagawin, wala siyang maisip sa ngayon, gulong-gulo siya.

"Dammit!" Napamura nalang siya sa sobrang frustration.

"Kailangan kung makausap si Kyrene. Hindi pwedeng ganito kami, tulungan niyo ako please!" Naawa naman ang grupo dito kasi kitang-kita sa itsura ni Khielve ang frustration.

Para itong pinagsakluban ng langit at lupa. T'next niya si Kyrene pero walang reply, malamang kasama pa nito si Donya Solidad.

"Bakit kaya hindi mo nalang patulan si Yasmine, baka payag naman si Kyrene na may kahati para lang hindi na kayo pag bawalan. Two wives ba." Zion suggests.

"Biro lang!" Sabay bawi nito. Lahat ng mata sakanya nakatingin, masama lahat ang tingin sakanya.

"Tingin mo Zion nasa mood akong makipag biruan ngayon?" Seryosong tanong ni Khielve sabay hampas ng kamay sa lamesa at tumayo. Umalis nalang ito.

"It's better to keep your mouth shut! Or better yet, tahiin mo nalang. So insensitive." Bwesit na sabi ni Tricia sabay tayo din nito at umalis. Tumayo na rin isa-isa at nag sign pa si Kenneth ng zip your mouth, si Simon nagsign ng silent.

"Nagbibiro lang eh." Zion utterd and stood up.

***

Ilang araw na ring hindi nakakapagusap si Kyrene at Khielve puro cellphone nalang, gustong-gusto ni Khielve mag kita sila kahit patago pero tumanggi si Kyrene dahil baka lalo daw magalit ang lola niya at mas lalo silang pagbawalan.

Sinabi ni Kyrene kay Khielve na konting tiis lang at pinapalamig lang nila ang sitwasyon, lalo na ang sa pagitan nila ni Yasmine.

"Kyrene samahan mo naman ako sa C. R." Naglalakad sila ni Jelian sa hallway, kakatapos lang ng klase nila at pauwi na sila. Kasunod naman nila ang dalwang bodyguard.

Nagpunta sila sa restroom at naiwan ang dalawang bodyguard sa labas.

"Grabe talaga ang bantay ko. Ang hirap naman ng ganito." Humarap si Kyrene sa salamin. Nagulat siya ng makita niya si Khielve sa salamin. Lumabas ito mula sa toilet cubicle.

"Khielve!" Agad siyang lumingon sa likod niya.

"Kyrene! Halika dito tayo." Hinila siya nito sa cubicle.

"Thanks Jelian." Saad ni Khielve tumango at ngumiti si Jelian at sinara naman ni Khielve ang cubicle.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kyrene pero biglang may tumulong luha sa mata niya.

Hinawakan ni Khielve ang pisngi niya at marahang pinahid ang luha niya.

"Miss na miss na kita." Sabi ni Khielve at niyakap si Kyrene.

Yumakap din ng mahigpit si Kyrene dito. Ramdam na ramdam nila ang pangungulila sa isa't-isa.

"Miss na miss din kita Khielve. I'm sorry, ayaw kasi kitang masaktan eh." Umiiyak na sabi ni Kyrene.

"Ssshh! It's okay, naiintindihan ko. Basta mangako ka na hindi mo ako susukuan ah."

"Promise! Hinding-hindi, alam kong matatapos din 'to." Kumalas ng yakap si Khielve at muling hinawakan ang mukha niya. Ngumiti si Khielve, miss na miss niya talaga ito.

Hinalikan ni Khielve si Kyrene sa labi. Buong puso naman itong tinugon ni Kyrene. Ramdam nila ang pananabik ng bawat isa.

"Where's Kyrene?" Natigil ang dalawa ng marinig si Yasmine. Niyakap ni Khielve si Kyrene at hinalikan ang ulo nito.

"Nasa loob lang." Sagot ni Jelian.

"Bilisan niyo na." Hindi kumikilos si Khielve at Kyrene.

"Lumabas na, bilisan niyo na. Baka bumalik yun." Sabi ni Jelian mula sa labas.

"Sige na muna Khielve, mauuna na kami." niyakap uli siy ni Khielve ng sobrang higpit.

"Mahal na mahal kita. Walang susuko ah."

"Oo Khielve walang susuko, pangako." Kumalas sila ng yakap ay muli siyang hinalikan sa labi tsaka lumabas si Kyrene.

Mga ilang sandali lang siyang nakatayo sa loob para siguraduhing nakalayo na muna ito bago siya lumabas.

Lumabas si Khielve, buti nalang at walang pumasok na studyante dito. Lumabas siya ng restroom.

"I knew it!" Nagulat siya ng makita sa labas ng C. R si Yasmine.

"Tignan lang natin ang punishment na matatanggap ni Kyrene dito." Lumapit si Khielve kay Yasmine at marahas nitong hinablot ang braso ni Yasmine. Sa rahas n'on sapat para mapangiwi at mapaaray ito.

"Subukan mo lang, masaktan lang si Kyrene sinasabi ko sayo." Gigil na gigil na sabi ni Khielve. Napa aah! Nanghusto si Yasmine sa higpit ng pagkakahawak ni Khielve sakanya.

"KHIELVE!" Sabay na napilingon ang dalawa.

"Anong ginagawa mo sa apo ko?" Binitawanan ito ni Khielve agad na tumakbo si Yasmine sa lola niya.

"Lola! Sinasaktan niya ako, nahuli ko kasi sila ni Kyrene sa loob ng restroom." Pagsusumbong ni Kyrene.

"Tantanan mo na Khielve si Kyrene, from now on, kahit tawag o text man lang hinding-hindi mo na magagawa." Galit na galit na pahayag ni Donya Solidad.

Tinawagan kasi ni Yasmine ang lola niya na baka nasa restroom si Khielve at Kyrene kaya pumunta na naman agad ang donya.

"Hindi niyo pwedeng gawin 'to samin." Tiim bagang na sabi ni Khielve, punong-puno na rin ng galit ang dibdib niya pakiramdam niya sasabog na ito.

"Let's go Yasmine." Ngumisi lang sakanya si Yasmine at umalis ang dalawa. Naiwan si Khielve at napakuyom ang dalawang palad.

**

Nasa opisina si Kyrene at kinakausap ng lola niya.

"Talagang nakipagkita ka pa kay Khielve sa loob ng C. R. Sa tingin mo maganda yun?" Biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito.

"Bakit Jelian? Need anything?" Tanong ng donya dito. Lumapit si Jelian at umupo.

"Lola Solidad, wala pong kasalanan si Kyrene, ako po talaga ang may gawa ng pagkikita nila ni Khielve." Nakayukong sabi ni Jelian.

"Na inutos sayo ni Khielve." Napaangat ng ulo si Jelian at hindi sumagot. Dahil humingi talaga sakanya ng tulong sakanya si Khielve.

"From now on, hindi na kayo pwedeng gumamit ng cellphone." Nagtinginan si Kyrene at Jelian.

"Hindi ka na rin pwedeng makipag kita o makipag usap man lang kay Khielve. KAHIT KAILAN, I'consider mo na break na kayo?" Madiin ang bawat salita ng donya.

"Lola hindi, wag niyo po 'tong gawin samin. Mahal na mahal ko si Khielve." Naiiyak na si Kyrene.

"Hihiwalayn mo siya. Mas importante na sayo si Khielve kesa ang magkaayos kayo ng kapatid mo ha?" Pinatatag ni Kyrene ang sarili niya, kailangan niyang manindigan para sakanila ni Khielve.

"Importante po sakin ang pamilyang 'to, si Yasmine kahit gan'on siya mahal ko siya bilang kapatid ko, pero hinding-hindi ko hihiwalayan si Khielve ng dahil lang sa pagiging makasarili niya. Nag mamahalan kami ni Khielve lola, wala akong nakikitang masama d'on." Sumeryoso lalo ang mukha ng donya.

[Mahal kita bilang kaibigan, pero hinding-hindi ko hihiwalayan si Fausto ng dahil sa pagiging makasarili mo.. nag mamahalan kami ni Fausto, wala akong nakikitang masama d'on. Wala na kayo Solidad, tanggapin mo nalang, ikaw naman ang nangiwan sakanya. Pakiusap Solidad!] Isang may paninindigang pahayag ang umalingaw-ngaw sa utak ng donya.

Parehas na parehas sila ni Mirasol. - Sa isip ni Donya habang nakatitig kay Kyrene at napakuyom ito ng palad.

"Yan ba ang natutunan mo sa lola Mirasol mo?" Tanong ng donya sa mahinang boses.

"Siguro po, sabi ni lola, kung alam kung tama, wag akong mahihiyang ipaglaban."

"Kahit may nasasaktan kang iba?" Nakakuyom parin ang palad nito.

"Hindi ko gustong makasakit lola. Hindi naman si Yasmine masasaktan kung tinatanggap lang niya ang totoo." Napapikit ng husto ang donya. Dahil sa bawat salitang binibitawan ni Kyrene parang ang namayapa niyang dating kaibigan ang kausap niya.

"Makakalabas na kayo." Utos ng donya.

"Lola"

"Labas na." Tumayo nalang si Kyrene at Jelian at lumabas ng opisina nito. Wala ng nagawa si Kyrene kundi ang umiyak, niyakap nalang siya ni Jelian.

"Tahan na Kyrene, tahan na." Inalo siya ng inalo nito.

****

Cafeteria:

"Jelian anong nangyari bakit hindi ko makontak si Kyrene?" Tanong agad ni Khielve pagdating na pagdating ni Jelian sa cafeteria.

"Confiscated lahat ng gadget niya, pati ang line ng telepono sa kwarto niya disconnected na rin. Pati ako bawal mag gadget. Wala naman magawa sila tita Margarita, utos ni lola Solidad eh. Tsaka para din daw kasi sa ikakatahimik ng dalawa." Napabuntong hininga ang lahat ng sabay-sabay. Pakiramdam nila pasan na rin nila ang daigdig sa pinag dadaanan ni Khielve at Kyrene.

"Hindi pwede 'to." Anas ni Khielve.

"Pupuntahan ko siya. Kung kinakailangan mag makaawa ako kay Donya Solidad gagawin ko."

***

Naglalakad si Kyrene kasama ng dalawang bodyguard at ni Jelian papuntang parking lot ng school. pagdating nila d'on saktong nakita niya si Khielve na nasa papasakay na sana ng kotse niya. Isang sasakyan ang nakapagitna sa sasakyan ni Khielve at ng sasakyan nila.

Bahagyang lumapit si Khielve papunta sakanya pero agad naman tumingin ang mga bodyguard dito.

Gustong-gusto niya itong lapitan pero hindi niya magagawa, kitang-kita ni Kyrene ang lungkot sa mata ni Khielve. Kyrene mouthed "I miss you so much" kaya hindi na nakatiis si Khielve lumapit ito pero agad na hinarang ng dalawang bodyguard.

Parang gusto ni Kyrene maiyak kaya tumuloy nalang siya sa sasakyan. Narinig pa niyang tinawag siya ni Khielve pero hindi na niya pinansin. Pagpasok niya nand'on na rin si Yasmine at lola niya.

Agad na pinaandar ng driver ang kotse, wala na siyang nagawa kundi ang tignan nalang si Khielve mula sa labas ng sasakyan habang papalayo ang sasakyan nila, kasunod naman ang sasakyan ng dalawang bodyguard.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top