CHAPTER 61
"Kyrene, kumusta?" Masiglang bati ni Inday sakanya habang binubuksan ang gate.
"Hi Ate Inday."
"Kamusta ka, bakit ngayon ka lang napasyal?"
"Busy lang po. Si Khielve po nandiyan?" Pumasok si Kyrene sa mansiyon.
"Oo, nasa kwarto. Malungkot yun ngayon. Nag away ba kayo?" Napabuntong hininga si Kyrene sa narinig.
Naisip niya na wala siyang kaalam-alam na may dinadamdam pala ito.
Nasabi sakanya ni Jelian kanina ang sinabi ni Khielve tungkol sa paguusap nito at ng lola niya. Hindi rin niya nakausap ito dahil sinundo agad siya ng bodyguard para umuwi.
"Hindi po, puntahan ko lang po?" Umakyat siya at dahan-dahang pinihit ang pinto.
Nakita niyang nakahiga si Khielve tulog ito pero may hawak-hawak na frame. Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama.
Dahan-dahan niyang kinuha ang hawak nito at pinaharap para tignan, napangiti siya. Ito yung drawing niya na regalo niya n'ong birthday nito.
Pinagmasdan niya ito habang nakapikit, yumuko siya at hinalikan ito sa labi.
Dahan-dahan naman itong dumilat, nakatingin sakanya pero walang reaksyon, parang naalimpungatan. Yumuko uli siya at hinalikan uli sa labi.
"Kyrene" Kinurap-kurap nito ang mata at biglang bumangon.
"Kyrene" Bigla siya nitong niyakap. Natawa siya ng mahina at niyakap din niya ito.
"Akala ko nananaginip ako eh. Grabe namiss kita sobra." Napangiti si Kyrene, nakakaramdam siya ng saya at lungkot din.
Parang naawa siya kay Khielve na malungkot ito ng nagdaang araw na wala siyang kaalam-alam.
"Aaay!ahaha! Ano ba Khielve." Hiniga siya nito bigla at napunta siya sa kabilang side ng kama. Dinagan nito ang kalahating katawan sa sakanya at pinaka titigan siya.
"Namiss kita." Hinalikan siya nito sa labi ng mabilis na halik, tatlong sunod-sunod. Hinawakan ni Kyrene ang pisngi nito.
"Bakit wala kang sinasabi sakin?" Tanong niya.
"Huh?"
"Sinabi ni Jelian, kinausap ka ni lola. Bakit hindi mo sinabi?" lumungkot bigla ang mukha nito.
"Wala lang, ayaw ko rin na maapektuhan ka. Hindi naman ako papayag na layuan ka eh."
"Pero malungkot ka." Ngumiti si Khielve.
"Not anymore, kasi nandito kana."
"Ahaha!" Natawa ng malakas si Kyrene ng yakapin siya nito at gumulong ito papunta sa kabila niya at yakapin siya ng mahigpit.
"Pasaway ka. Halika baba tayo, ipagluluto kita." Aya nito.
"Ayaw, dito nalang tayo." Siniksik nito ang mukha sa leeg niya.
"Khielve dali na, sa labas na tayo nakakahiya dito eh." Umangat ng higa si Khielve at tumingin sakanya.
"Dito nalang tayo please! Gusto kitang makasama ng matagal." Hinaplos pa nito ang pisngi niya. Ngumiti nalang siya dito.
"Mahal na mahal kita Kyrene, mangako ka na kahit anong mangyari hindi ka susuko ah. Kahit ano pa sabihin ng lola mo." Ngumiti si Kyrene.
"Hinding-hindi." Sagot niya. Tinitigan siya nitong mabuti. Huminga si Khielve ng malalim at marahang hinaplos ang pisngi ng mga daliri.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha at hinalikan si Kyrene sa labi. Tinugon naman ito ni Kyrene, masuyong gumalaw ang labi ng bawat isa.
Pinikit nila ang mga mata nila at dinama ang halik ng bawat isa. Mas punong-puno ng pananabik, punong-puno ng pagmamahal.
He slowly pushed his tongue towards her mouth and Kyrene slightly opens her mouth to accept it.
This is the first time, hindi pa nila ginawa ang ganitong halik na walang lasing sakanila. Ginawa nila ang ganito n'ong lasing si Kyrene.
Pero ngayon pareho silang matino, humawak si Kyrene sa batok ni Khielve at sinabayan ang galaw ng labi nito. Niyakap ni Khielve si Kyrene ng mahigpit habang patuloy sila sa paghalik sa isa't isa.
Yumakap din si Kyrene dito ng mahigpit. They've kissed deep and intimately, lunod-lunod na si Khielve sa malalim na halik nila sa isa't-isa.
Tumigil siya paghalik at bahagyang nilayo ang mukha. Dumilat din si Kyrene at tumitig sila sa isa't-isa.
"Dalaga kana talaga. Ang galing mo ng humalik." Nakagat ni Kyrene ang mga labi niya, bigla siyang nahiya.
"Enough na, baka hindi ako makapagpigil eh." Napangiti si Kyrene. Hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi at sa ilong, pagkatapos sa labi ng smack kiss.
Kaya lalo niyang minamahal si Khielve dahil sobrang taas ng respeto nito sakanya hindi talaga ito nag t'take advantage, alam nito ang limitasyon nila.
Humiga ito sa tabi ni Kyrene, pinaunan siya sa braso nito. Dinikit ni Khielve ang mukha niya sa pisngi niya at ang isang kamay niya sa kabilang pisngi nito.
"I'm hoping na ganito tayo lagi." Paanas na sambit ni Khielve. Humarap si Kyrene dito at ngumiti.
Yumakap siya kay Khielve at siniksik ang mukha sa may leeg nito hinalikan ni Khielve ang noo niya at niyakap din siya.
Mahal na mahal talaga kita Kyrene... sobra, ganito pala ang true love, ang saya, pero pag alam mong possible na magkakalayo kayo... masyadong mabigat sa dibdib.
***
Nagising si Kyrene at kayakap parin niya si Khielve. Tumingin siya sa relos niya.
"Tsk. 8:30 na, nakatulog ako." Tumingin siya kay Khielve na tulog din.
"Khielve" Mahinang tawag niya dito at hinaplos niya ang pisngi nito.
"Khielve, gising na." Nagising naman ito at pag dilat nito. Ngumiti agad ito at hinigpitan ang yakap sakanya.
"Khielve gabi na, kailangan ko ng umuwi."
"Dito ka nalang matulog. Please!" He begs
"Hindi pwede Khielve. Baka mapagalitan ako." Inalis niya ang pag kakayakap ni Khielve at tumayo. Bumangon naman si Khielve at niyakap niya uli si Kyrene.
"I love you Kyrene. Don't give up on me Kyrene ah." Hinigpitan ni Kyrene ang yakap dito.
"Hinding-hindi Khielve, pangako. Sige na uwi na ako." Kumalas ng yakap si Khielve.
"Hahatid nalang kita."
"Wag na, kaya ko na."
"Hindi pwede, hahatid kita." Pamimilit ni Khielve.
May biglang kumatok sa kwarto, sabay silang napatingin sa pinto. Lumapit at binuksan ni Khielve ang pinto.
"Mom"
"Si Kyrene nandiyan ba?" Lumapit si Kyrene sa pinto.
"Tita" Lumapit dito si Kyrene at humalik sa pisngi.
"Your lola is here." -Mrs Bettina
"PO!" Gulat na sambit ni Kyrene. Nagkatinginan si Khielve at Kyrene. Agad na kinuha ni Kyrene ang bag niya.
"Halika na." Hinawakan ni Khielve ang kamay niya at sabay silang bumababa.
Pagbaba nila, agad na tumayo si Donya Solidad. Lumapit si Kyrene at Khielve dito.
"Lola" Masama agad ang mukha nito na halatang galit. Tumingin pa ito sa kamay nila ni Khielve.
"Mauna na kami Bettina, Henry. Sana I'consider niyo ang napagusapan natin." -Donya Solidad
"Sige po Donya Solidad." Sagot ng daddy ni Khielve. Tumingin ang donya kay Kyrene.
"Let's go." Nauna itong pamunta sa may pinto para lumabas.
"Mauna na ako. Magkita nalang tayo sa school." Parang ayaw ni Khielve bitawan ang kamay niya.
Ngumiti si Kyrene dito at tsaka ito bumitaw, nagpaalam muna ito sa magulang ni Khielve bago lumabas.
"Khielve let's talk. " Sabi ng daddy niya. Umupo ito sa sofa, pati ang mommy niya, gan'on din ang ginawa niya.
"Khielve, kinausap kami ni Donya Solidad, nag aaway daw lagi ang magkapatid dahil sayo." Mr. Henry stated
"Is it true Khielve na niligawan mo rin si Yasmine?" Tanong naman ng mommy niya.
"Of course not! Wala akong niligawan sa buong buhay ko kundi si Kyrene lang." Mabilis na sagot ni Khielve
"Gusto niyang layuan mo muna si Kyrene." -Henry
"Sinabi niya din yun sakin. Pero hindi ko yun gagawin, kahit magalit pa sila sakin." Tumayo si Khielve at walang paalam na umalis.
***
Auditorium:
Nakaupo si Khielve kasama sila Kenneth. May conference ngayon para sa mga students ng BS Administration.
"Hi Khielve!" Biglang may tumabi kay Khielve, nilingon niya ito.
"Anong ginagawa mo dito Yasmine?" Tanong ni Khielve na medyo irita ang boses.
"Patabi lang. Kumusta ka?"
"Tingin mo?" Sarcastic niyang tanong.
"Ang sungit naman. Hindi mo na ba talaga kayang makipag kaibigan sakin?" Ngumiti pa si Yasmine sakanya.
"Hindi ko gustong makipag kaibigan sa sinungaling na katulad mo. I don't want to be rude Yasmine dahil naging kaibigan din kita, pero inuubos mo pasensiya ko. Tigilan mo na kami ni Kyrene, kasi kahit anong gawin mo hindi mo kami mapaghihiwalay." Nawala ang pag kakangiti ni Yasmine.
"Really! Paano kung magawa ko?" Taas noong sabi nito.
"Anong mapapala mo?" Tanong ni Khielve at bahagyan ngumisi.
"Tingin mo mamahalin kita pag napaghiwalay mo kami ni Kyrene? I'd rather die kesa ang patulan ka. Tantanan mo na kami Yasmine." Sabay tayo ni Khielve at umalis nabangga pa nito ang tuhod ni Yasmine na nakaharang sa daan. Pigil na pigil naman ito na hindi maiyak.
"Kinakawawa mo lang ang sarili mo Yasmine." Sabi naman ni Zion at tumayo rin at umalis, sumunod naman ang Dalawa pa.
Hindi na nito napigil ang luha na tuloy-tuloy na pumatak at agad naman nitong pinunas.
"Yasmine" Someone calls her, she looks up.
"Lola" Niyakap ito ni Donya Solidad.
Nakita nito na kausap ni Khielve at bigla nalang umiyak kaya tumayo ito sa kinauupuan at nilapitan ito.
****
"Ang bango naman niyan Kyrene." Puri ni Sally sa niluluto niya.
"Specialty po ito ni nanay Ate Sally." Nagluluto si Kyrene ng adobo.
"Ang galing mo naman, maswerte ang mapapangasawa mo, bukod sa mabait ka na, maganda at magaling pang magluto." Ngumiti si Kyrene dito.
"Salamat po."
"Siya maiwan muna kita d'yan." Umalis ito at naiwan si Kyrene. Nakayuko siya sa niluluto at medyo nilanghap ang aroma ng niluluto.
"Alam mo ba na hindi ako kumakain ng adobo? Nagpapasikat ka na naman ba?" Umangat si Kyrene ng ulo ng marinig si Yasmine pero hindi siya lumingon. Pagkway pinagpatuloy niya nalang uli ang pagluluto.
"Ow! Trying to ignore me." Lumapit ito sa tabi niya na nakahalukipkip ang braso.
Tumalikod si Kyrene para kumuha ng asukal na ilalagay sa adobo at muling bumalik.
Lalagyan na niya sana ng asukal ng biglang tinabig ni Yasmine ang kamay niya at nalaglag ang asukal na hawak niya at natapon sa sahig.
"Don't ignore me when I'm talking to you." -Yasmine
"Ano bang problema mo? Baliw ka talaga." Bwesit na bwesit na sabi ni Kyrene. Ngumisi lang ito.
"Baliw pala." Kinuha nito ang sandok na nasa kawali at sinandok sa adobo sabay tapon sa sahig.
Nagulat si Kyrene sa ginawa nito. Mga tatlong sandok ni Yasmine bago nakabawi si Kyrene sa gulat.
"Anong ginagawa mo?!" Pinigil ito ni Kyrene at pilit kinuha ang sandok.
"Ano ba Yasmine! Tumigil kana nga."
"Aaaahhh! Aaahhh!" Nag sisisigaw si Yasmine.
Sa pag aagawan nila ng sandok natabig ang kawali at natapon lahat sa sahig ang laman at ang iba nabuhos sa paa ni Yasmine.
"Yasmine okay ka lang?" Tarantang tanong ni Kyrene.
"LOLA! MOMMY!" Malakas na sigaw ni Yasmine.
"Anong nangyari?!" Tarantang tanong ng Ms. Margarita na agad tumakbo sa kusina kasunod ang iba pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top