CHAPTER 57


__________________________________

Four days to go debut na nila Kyrene. Nasa living room si Kyrene at mag asawang Brizalde.  Pag uwi niya galing ng school, nando'n na ang mag asawa.

"Kyrene, anak." May binigay na sobre kay Kyrene. Kinuha naman niya ito.

"Ano po to?"

"Buksan mo Kyrene." Utos ni Mr. Brizalde. Binuksan ito ni Kyrene at tinignan at muling tumingin sa mag asawa.

"Anak talaga kita. Dapat kagabi pa namin sasabihin sayo, kaso nagkagulo." Paliwanag ni Ms. Brizalde.

"Kayo po talaga." Mangiyak-ngiyak si Kyrene sa nalaman niya. Agad siyang nilapitan ni Ms. Margarita at  niyakap.

"Sasama ka na samin ha?" Yumakap din siya dito at tumulo na ng tuloy-tuloy ang luha niya. Tumingin siya kay Mr. Brizalde, ngumiti ito sakanya at ganun din siya.

Nagkalas ng yakap ang mag ina. Tumingin si Kyrene kay Khielve na nakaupo sa may couch. Parang malungkot ang mata nito, tumingin uli kay Ms. Margarita.

"Pwede po bang...um. bukas nalang. Aayusin ko po muna ang mga gamit ko." Ngumiti sakanya ito.

"Sige. Susunduin ka namin bukas ah." Tumango si Kyrene.

"Babalik nalang kami bukas." Tumayo ito at si Kyrene. Niyakap uli siya nito. Kumalas sila ng yakap at lumapit naman si Mr. Brizalde at niyakap din siya.

"Susunduin ka namin bukas ah. Masayang masaya ako na ikaw ang anak namin." -Mr. Brizalde

"Ako din po. Masayang malaman na kayo ang tunay kong mga magulang." Kumalas sila ng yakap.

"Aalis na kami, babalik na lang kami bukas. Susunduin ka namin." -Mr. Vincent

"Sige po" Nagpaalam ito kay Khielve.

Hinatid lang niya ang mga ito sa labas at muli siyang bumalik sa loob pag kaalis ng mga magulang niya. Nakaupo parin si Khielve sa couch,  malungkot ang mukha nito.

Lumapit si Kyrene dito. Yumukod siya, hinawak niya ang dalawang kamay sa tuhod niya.

"Hoy! Anong problema mo? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya dito.

Marahas nitong hinilamos ang kamay sa mukha nito. Tumayo si Khielve ay niyakap si Kyrene.

"Dapat masaya ako eh. Pero nalulungkot talaga ako ng sobra. Haaay Kyrene! Pakasalan nalang kaya kita, para hindi kana umalis dito." Natawa si Kyrene sa sinabi nito.

"Dahil ba aalis na ako, kaya ka malungkot?"

"Sanay na akong kasama ka eh. Parang hindi ko na kaya kung wala ka dito." Nakayakap parin ito sakanya.

"Kahit naman ako eh. Sanay na rin akong magkasama tayo lagi. Kumain ng sabay, magk'kwentuhan bago matulog. Papasok sa school at uuwi ng sabay." Huminga ng malalim si Kyrene.

"Hayaan mo na. Lagi naman tayong magkikita sa school." Kumalas sila ng pagkakayakap.

"Ako parin ang maghahatid sayo lagi ah. Susundin kita sa bahay niyo at  ihahatid kita pauwi, kakain sa labas at manonood ng movie every week." Napangiti si Kyrene ng husto at hinawakan ang mukha nito.

Pero tumingin muna ito sa paligid kung may tao at muling humarap kay Khielve.  Hinalikan niya ito sa labi ng masuyong halik.

"Mahal na mahal kita. Wag ka ng malungkot." Niyakap nalang uli siya ni Khielve. 

****

"Tito, tita. Maraming-maraming salamat po sainyo."

"Mamimiss ka namin Kyrene. Tahimik na naman ang dining nito." Natawa ng mahina si Kyrene.

Pag sabay-sabay kasi silang kumain, puro kwentuhan, kaya masaya lagi ang dining.  Niyakap siya ni Mrs. Bettina.

"Hayaan mo. Pag kinasal naman kayo ni Khielve dito kana uli titira." Bulong nito sakanya. Natawa ng mahina si Kyrene. Kumalas ito ng yakap.

"Paalam hija. Papasyal ka pa rin dito ah." Niyakap din siya ng daddy ni Khielve.

"Opo tito. Salamat po sa lahat ng tulong." Kumalas ito ng yakap.

"Bye ate. Mamimiss kita, babalik na rin ako ng states." Paalam ni Janilin. Nagbago ang isip ng mga magulang nito. Masyado daw nangunguli ang parents nito sakanya.

"Ako din Janilin mamimiss kita." Kumalas ito ng yakap.

"Bye Manang Betty, ate Inday." Yumakap siya sa mga ito at nagpaalam din sa iba.  Huling lumapit sakanya si Khielve.

"Mag iingat ka lagi ah. Mamimiss kita." Nagyakap sila ni Khielve.  Matagal na yakap.

"Khielve tama na, puntahan mo nalang si Kyrene.  Akala mo naman mangingibang bansa eh." Saway ng mommy niya kaya nagtawanan ang lahat. kumalas ng yakap ang dalawa.

"Mag iingat ka d'on ah." Sabi ni Khielve sakanya. Tumango si Kyrene. 

Nagpaalam at nagpasalamat din ang mag asawang Brizalde tsaka sila umalis.

Hindi nagtagal narating din nila ang mansiyon. Pag apak palang ni Kyrene sa ground ng mansyon, kabado na agad siya. Hindi niya alam kung anong nagaantay sakanya sa pag tira niya dito.

Maisip palang niya si Yasmine alam na niyang isang malaking gulo ang mangyayari sakanila lagi.

"Halika kana anak." Inakbayan siya ng mommy niya at sabay silang pumasok.

May mga katulong at lahat tao sa mansyon nando'n sa bukana ng mansyon.  Nakangiti lahat, pero wala si Yasmine.

"Welcome home apo." Agad na bati sakanya ni Donya Solidad at niyakap siya nito. 

"Salamat po."

"Welcome home Kyrene." Bati naman sakanya ni Ms. Dianna at niyakap din siya nito. Nagpasalamat din siya dito.

"Kyrene!  Welcome." Mahigpit siyang niyakap ni Jelian.

Inakbayan uli siya ni Ms. Margarita.  

"Siya si Kyrene. Ang anak ko." Pakilala ni Ms. Margarita sa mga katulong.

"Welcome seniorita Kyrene." Sabay-sabay na bati ng mga katulong.

"Salamat po, nakakahiya naman seniorita talaga. Kyrene nalang po."  Nangingisi niyang sabi, kaya medyo natawa ang iba sa reaksyon niya.

"Halika na. Akyat tayo, ipapakita ko sayo ang kwarto mo." Aya sakanya ng mommy, ngumiti siya dito.

Nagtungo sila sa may hagdan pero natigilan siya ng makita si Yasmine na pababa ng hagdan. Pagkababa nito lumapit sakanya.

"Welcome in hell my dear twin sister." She whispered

"Thank you for welcoming an angel in your place." Sagot na pabulong ni Kyrene.

Yasmine smirks "Let the battle begins." Pinaningkitan siya nito ng mata at nilagpasan na siya na binangga pa ang balikat niya.

Umakyat na sila ng mommy niya sa taas at pumasok ng kwarto.  Pagpasok palang niya mangha na agad siya.

"Ito ang kwarto mo anak. Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Ms. Margarita. 

"Opo, kwarto ba talaga to? Grabeng ganda." Natawa ng mahina ang mommy niya sa sobrang pagkamangha niya.

Offwhite ang color ng paint at may touch ng hot pink. Malaking kama at may malaking picture niya na kuha no'ng photo shoot nila na nakalagay sa wall.

"Ito ang mga gamit mo. Binili ko yan para sayo." Pinakita sakanya ang mga gadget na nasa table. Namangha siya dito Laptop, ipad, ipod, cell phone.

"Hindi niyo naman po kailangan bilhin lahat ng yan eh." Nahihiyang sabi niya.

"Kailangan mo yan... halika dito." Inaya siya nito sa isa pang kwarto.

Binuksan nito ang pinto at pinauna siyang pumasok. Lalong namangha si Kyrene sa nakita.

"Wow!" Tumingin siya sa mommy niya.

"It's all yours." Nakangiting pahayag nito at muling tumingin.

Walking closet ito at punong-puno ng sapatos ang cabinet at ang isang cabinet puro signature bag na parang lahat ata ng sikat na brand at style nandito na lahat.

"Grabe! Akin po talaga 'to lahat? Sobrang dami." Lumapait sakanya ang mommy niya at niyakap siya nito sa may side niya.

"Lahat 'to sayo. Kapag may gusto kapa sasabihin mo lang sakin ah." Malambing na sabi nito.

"Sobra-sobra  na po 'to. Hindi kaya panaginip lang 'to."

"Ahaha! You're not dreaming." Natawa ng mahina ang mommy niya.

"Nagustuhan mo ba Kyrene?" Lumingon sila mula sa likod nila. And daddy niya.

"Opo! Sobra-sobra na po ito. Parang hindi ko naman 'to magagamit lahat." Lumapit ito sakanya at inakbayan din siya nito.

"Kulang pa 'to. Sa dami mong pinagdaanang hirap, you deserve more than these. We will give you everything that we can give." Ngumiti si Kyrene.

"Salamat po. Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na kayo ang mga magulang ko, parang sa isang iglap ang daming nagbago."

"Kahit kami anak. Hindi namin lubos maisip na ikaw ang anak namin na buong buhay naming inakalang patay na." Sabi ng daddy niya at niyakap siya. Niyakap din siya ng mommy niya.

***

Nakahiga si Khielve para matulog, unang gabing wala sa kanila si Kyrene. Pabaling baling siya sa higaan.

"I terribly miss her!" She took the cellphone from the table.  Agad niyang tinawagan si Kyrene. Ilang ring pero hindi nito sinasagot.

"Tsk. Tulog na kaya siya." Kanina pa siya tawag ng tawag dito. Siguro kanina mga isang oras silang magkausap.

Dapat ihahatid niya ito paglipat nito, pero sinabihan siya ng mommy niya na wag na dahil family time naman daw nila Kyrene.

Tumawag uli si Khielve. This time sinagot na ito ni Kyrene.

"Hello Khielve."

"Kyrene! Kanina pa kita tinatawagan. Bakit ang tagal mong sagutin?"

"Ikaw talaga! Nasa C.R kasi ako. Tsaka akala ko hindi ka na tatawag eh. Late na ah."

"Miss na miss na kita."

"Miss na din kita."

"Tsk. Miss lang. Hindi miss na miss na miss?" Natawa si Kyrene.

"Oo na, miss na miss na miss na miss na din kita."

"Susunduin kita bukas ah."

"Oo, sige na matulog ka na, pag hindi mo ako sinundo ng maaga. Papasok akong mag-isa." Napangiti si Khielve.

"Sige good night. I love you."

"I love you too. Good night."

"Hang up the phone first." He orders

"Ikaw na muna." -Kyrene

"Ikaw na."

"Sige sabay nalang tayo." -Kyrene

"Okay, count of  three... 1....2.....3." He counts. Pero hindi niya binaba ang phone.

"Oh! Hindi mo naman binaba eh." -Kyrene

"Ahaha! Eh hindi mo rin binaba eh." Natatawa niyang sagot.

"Oh sige na nga! Ako nalang. Good night uli, I love you."

"I  love more." Pinatay na ni Kyrene ang phone.

Nilapag uli ni Khielve sa table ang cellphone niya at tumingin nalang sa kisame.

***

Pagbaba ni Kyrene ng hagdan.

"Good morning ganda." Bati ng isang katulong.

"Good morning po." Bati din dito ni Kyrene.

"Ako nga pala si Carrisa. Yaya ako ni Yasmine, kung may kailangan ka pwede mo rin akong maging yaya."

"Salamat mo po." Ngumiti siya dito at umalis na rin ito.

"Ang laki ng bahay." Inikot niya ang paningin sa buong paligid.

"Kyrene anak. Ready ka na pala, nandiyan na ang sundo mo." Sabay tingin ni Ms. Margarita sa may living room.

Nakita niya si Khielve nakatayo, at may dalang flower. Lumapit siya dito at binigay sakanya ang bulaklak at niyakap siya ni Khielve.

"Suki kana siguro ng flower shop  na binibilhan mo." Nakangiting sabi niya habang yakap siya nito. Bumitaw si Khielve ng yakap.

"Medyo" Simpleng sagot ni Khielve.

"Magbreakfast muna kayo." Tumingin sila sa mommy niya. Ngumiti at tumango siya. Humarap uli siya kay Khielve.

"Tara" Hinawakan niya ang kamay nito at sabay na nagpunta ng dining.

Nando'n na rin ang daddy, Ms. Dianna, Jelian at Donya Solidad. 

"Good morning po." Bati ni Khielve sa lahat at gano'n din ang ginawa ni Kyrene. Binati rin siya ang mga ito.

"Seniorita akin na po yan, ilalagay ko sa kwarto mo." Kinuha ng katulong ang bulaklak at nagpasalamat siya dito at  umupong magkatabi si Kyrene at Khielve.

"How's your first night here Kyrene?" Tanong ng Donya.

"Ayos naman po." Sagot niya.

"Good morning everyone." Sabay-sabay na tumingin ang lahat sa kakarating lang ni Yasmine. Pero naningkit agad ito pagkakita kay Khielve na nado'n din.

"Yas halika, magbreak fast kana. Buti naman at papasok kana." Sabi ng mommy niya. Hindi kasi ito pumasok pagkatapos ng nangyari sa event.

"I have to go na." Nagkiss lang ito sa mommy, daddy at lola niya at sa tita niya.

"Yas magbreakfast ka muna." -Donya Solidad.

"Hindi na lola, wala akong gana." Sabay tingin kay Khielve at Kyrene at tumalikod na ito

"Yas just wait. Hahatid na kita." Tumayo si Ms. Dianna at sumunod kay Yasmine. 

Yasmine and Ms. Dianna is on their way to school.

"Yas, tanggapin mo nalang ang mga nangyayari sa buhay mo. Hanggang kailan ka iiwas kay Kyrene?" -Ms. Dianna

"Hindi ko siya kayang tanggapin tita, talagang pinapunta pa niya si Khielve."

"Do you really like Khielve?"

"I really do tita. The way I hate Kyrene."

"Ano bang wala sakin tita na mayroon si Kyrene. Di hamak naman na mas finesse akong kumilos kaysa sakanya." Nag ngingit-ngit ng sobra ang kalooban nito.

"Yas, marami naman nag kakagusto sayo. Maraming ng liligaw sayo. Yung anak ni Gov. Cute yun o kaya yung anak ng ka business partner ng dad mo."

"Tita, si Khielve ang gusto ko. Kung magb'boyfriend ako gusto ko yung mahal ko." Nakatingin lang to sa harap ng kotse habang ang isang kamay nakahawak sa seatbelt. Tumingin ito kay Ms. Dianna.

"Ikaw ba tita?  Bakit kayo naghiwalay ng daddy ni Jelian? Is it because hindi mo rin siya mahal?" Tumingin ito sakanya at muling binalik ang tingin sa unahan.

"Hindi kami magkasundo eh. Mahal ko naman."

"Pero hindi mo gano'n ka mahal. Nainlove ka na ba tita? Yung tipong gagawin mo lahat para sakanya?" Mapait na ngiti lang ang sumilay sa labi nito.

"Once, pero hindi ko naman nagawang ipaglaban o sabihin man lang sakanya." Ms. Dianna answers

"Yas, bata ka pa. Mage'18 ka palang naman, infatuation lang ang narararmdaman mo para kay Khielve."

"Pati ba ikaw tita kampi din sa babaeng yun." Hinawakan nito ang kamay niya.

"Of course not. Ang sinasabi ko lang Yas. Kung aawayin mo si Kyrene ng aawayin, ikaw lang ang magiging masama sa paningin ng lahat. Believe me." Ngumiti si Yasmine ng pilyang ngiti.

**

Papasok si Yasmine sa classroom para  sa BS Ad. Course niya. Pero natigilan siya sa mga narinig sa classmates niya.

"Poor Yasmine,  sa sabrong kahihiyan hindi na pumasok." -Classmate 1

"Buti nga sakanya,  pinahiya niya kasi ako, ayun na pala niya." -Mahra

"Paano pag nalaman niyang ikaw may gawa no'n?" Biglang kumabog ang dibdib ni Yasmine sa galit sa mga narinig. Nakatalikod ang dalawa kaya hindi siya nakita.

"So, hindi na ako na tata-- aaahh!"

"Wala hiyang kang babae ka." Hindi na ni Mahra natapos ang sasabihin dahil hinatak na ni Yasmine ang buhok niya.

"Kakalbohin talaga kitang babae ka." Napatayo si Mahra at agad na humarap kay Yasmine. Agad din itong humawak sa buhok ni Yasmine.

"Tama na! Hoy awatin niyo naman ang dalawa." Sigaw ng isang classmate nila.

"HOW DARE YOU para gawin mo sakin yun!" Sigaw ni Yasmine.

"YOU DESERVE IT! Magnanakaw ka." Sigaw ni Mahra at walang gustong bumitaw sa buhok ng bawat isa.

"What's going on here?" Pumasok ang professor pero walang pakialam ang dalawa patuloy sa sigawan at sabunutan.

**

Principle's office:

"You may go now Ms. Vasques." Tumayo si Mahra at lumabas. Naiwan si Yasmine at ang lola niya sa office nito.

"Lola, I want you to expel her." Lubos parin ang galit nito at mataas ang boses na halos pumuno sa buong opisina.

"We can't do that, you're the one who attacked her. Anong bang nangyayari sayo?"

"Pero pinahiya niya ako. Siya ang nagplay ng record na yun."

"May punishment siyang matatanggap sa ginawa niya. But we can't expel her, q,question tayo pag ginawa ko yun. Gusto mo ba na lumabas pa ang ginawa mo sa media ha?" Hindi na umimik si Yasmine.

"Apo, ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan ah."

"Bakit pag sinabi ko may magagawa ba kayo?" Humina ang boses nito pero seryoso ang mukha.

"Try to tell me. I'll try to understand."

"No one could understand me. Mas kinakampihan niyo lahat si Kyrene diba? Pinapayagan niyo pang pumunta si Khielve sa bahay kahit alam niyong nasasaktan ako." Tumayo ito bigla at lumabas. Napahawak nalang ang Donya sa dibdib niya.

***

Brizalde's Mansion:

"Yas, bakit hindi ka pa bihis? Pupunta tayo ng shop para isukat ang gown niyo." Nakadapa lang si Yasmine sa kama at busy sa laptop niya. Umupo ang mommy niya sa kama.

"I'm not going." Sagot nito na hindi tumingin.

"Yas, kailangan mong I'fit ang gown, para kung may problema maaayos pa." Pangungumbinsi nito.

"I told you na hindi na ako a'attend ng party, the party must go on even without me."

"Yas, it wouldn't be the same without you. Please naman. Kahit para sakin nalang please." Pamimilit ng mommy niya. Humingi ng malalim si Yasmine.

"Okay fine!" Sabay bangon nito. Napangiti ang mommy niya.

"Thanks honey. I'll wait for you outside." Tumayo ito at lumabas. Nagbihis naman si Yasmine.

****
Shop:

"Hi ma'am! Naku siya po ba yung isang anak mo Ms. Margarita? Ang ganda din niya ah." Bati ng isang babae. Ito naman ang shop ni Ms. Margarita na puro gown ang ginagawa.

"Yes, this is Kyrene." Bumati naman si Kyrene sa mga tao na nasa shop.

"Hali kayo, isukat niyo ang gown niyo." Aya ng babae at sumunod naman sila dito kasama si Ms. Margarita.

"Ito yung gown mo Ms. Yasmine." Nilabas nito ang gown at binigay kay Yasmine. Umalis ito at pumunta sa fitting room.

"Ito naman ang sayo Ms. Kyrene." Nagthank you si Kyrene at pumasok sa isang fitting room.

Nagantay si Ms. Margarita sa labas na nakaupo at inantay ang pag labas ng dalawa. Mga ilang minuto naunang lumabas si Yasmine.

"Wow Yas! You're so beautiful." Tumayo ang mommy niya at lumapit dito.

"Thanks mom." Pinuri din siya ng mga nasa shop at gandang-ganda sakanya.

Mga ilang sandali si Kyrene naman ang lumabas.

"OMO! Ang ganda-ganda mo naman at ang ganda talaga ng gown mo. Mukha kang prinsesa." Sabi ng isang babae. Lumingon si Ms. Margarita at Yasmine dito.

Nag iba agad ang expression ni Yasmine ng makita ito at tinignan ang sariling gown.

"Ang ganda-ganda mo anak." Ms. Margarita compliments her.

"Thank you po." Nahihiyang sagot ni Kyrene.

"Talagang mas pinaganda niyo ang gown niya kesa sakin." Reklamo ni Yasmine at nagtingin sakanya ang lahat.

"Yas no! Hindi mo ba gusto ang design ng gown mo? Pero sabi mo sakin the best yan for you."-Ms. Margarita

"Yeah it's the best, pero mas pinaganda  mo ang kay Kyrene." Ngumiti si Ms. Margarita

"So sinasabi mo ba na mas maganda si Kyrene magdesign kesa sakin?" Nakangiting tanong ng mommy niya.

"What do you mean?" She asks, confused, brows furrowed.

"It's her own design." Tumingin si Yasmine kay Kyrene.

  Sabay alis nito at pumasok uli sa fitting room para magbihis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top