CHAPTER 55

"I've found a keychain. May I know kung sinong may ari nito? Isang camera na Keychain." Hinawakan nito ang tali at inangat ang keychain.

"May dalawang letter b na color blue and pink." Napatingin si Kyrene dito.

Si Yasmine biglang napatingin din sa stage at tinignan nito si Kyrene.

"Kyrene!" Tawag ni Yasmine. Lumingon siya dito.

"Kung sinong may-ari nito can you come over here?" Sabi ni Migs habang nakaangat pa ang Keychain. lumingon uli si Kyrene sa stage.

Unti-unting lumapit si Kyrene at sumiksik sa crowd na nasa harap ng stage.

Nakatayo naman si Khielve sa gilid ng stage at inaantay kong sino ang magc'claim ng keychain. Mas pinili niyang ganun ang gawin kesa may magpanggap na naman.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya,  pero parang hindi talaga siya mapalagay hanggat hindi niya nalalaman kung sino ang nag mamay-ari ng keychain.

"Whose keychain is this?"  Migs announced again.

"AKIN YAN!"  Napaayos ng tayo si Khielve ng may narinig siyang nagclaim.

"Kuya akin yan."

"Pwedeng umakyat ka dito?" Sabi ni Migs.

Nakita nalang ni Khielve si Kyrene na umaakyat ng stage.

"Kyrene" Anas ni Khielve na sobra ang pagkagulat sa mukha. Tumingin sakanya si Migs at muling tumingin kay Kyrene.

"Are you sure sayo 'to? Ikaw si Kyrene diba? Yung girlfriend ni Khielve?" Tumango si Kyrene.

"Oo akin yan, sobrang importante sakin yan eh." Sabi ni Kyrene.

"Bago mo 'to makuha, I have some questions you need to answer."

"Wow! Ano 'to quiz bee? Akin nga yan." Natawa ito ng mahina sa sinabi ni Kyrene.

"Ano ibig sabihin ng letter b? Kung sayo talaga 'to."

"Yung pink, butiki, yung blue bungal." Sagot ni Kyrene. 

Napangiti naman ng husto si Khielve at hindi parin makapaniwala sa nakikita.

"Okay check, Sino nag bigay sayo nito?" Yung question na nakasulat may sagot din na nilagay si Khielve.

"Kuya bakit ba ang dami mong tanong?"

"Basta sumagot ka nalang. may nagutos lang." Sabi ni Migs.

"Yung kaibigan ko sa probinsya. Matagal na yun, bata pa kami."

"Saan? Ano naman ang binigay mo sakanya at ano ang pangako niya sayo?" Medyo nangunot ang noo ni Kyrene sa tanong nito.

Pero mga ilang sandali lang biglang parang nagning-ning ang mata ni Kyrene na parang may naisip.

"Nandito ba siya? Nandito si Bungal? Siya ba ang nagpapatanong niyan?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Siguro, pero sagutin mo muna ang tanong bago siya lumabas." Napangiti ng husto si Kyrene.

"Sa hacienda ng mga Montillo kami nagkita noon. Mga 7 years old palang ako noon. May binigay ako sakanyang bracelet, pulang maliliit na buto. Tapos may sinulat siya sa puno na B&B, nag promise siya sakin na pagbalik niya totoong camera na ang dadalhin niya at p'picture'ran niya ako. Kaso hindi na siya bumalik, baka bisita lang kasi sila sa hacienda n'on." Mahabang paliwanag ni Kyrene.

"Ito ba yun?" Lumingon si Kyrene sa likod niya ng may magsalita.

Napaawang ang bibig ni Kyrene ng makita niya si Khielve na hawak ang isang maliit na bracelet na gawa sa mga buto.

"Ikaw?" Hindi makapaniwalang sambit ni Kyrene. Lumapit agad si Khielve sakanya at niyakap siya.

"Butiki! Ikaw pala yun." Sabi ni Khielve habang nakayakap. Wala naman  masabi si Kyrene. Kumalas ng yakap si Khielve.

"Paano mo? Hay sandali nga sa baba nga tayo, mukha tayong tanga dito." Lumingon si Kyrene kay Migs.

"Kunin ko na, akin talaga yan." Binigay sakanya ang keychain at hinila na niya si Khielve pababa ng stage.

Nagpunta sila sa isang bench at umupo. Bigla uli siyang niyakap ni Khielve. 

"Ako to Kyrene, si bungal. Sorry,  buong akala ko si Yasmine eh, that's why I really care for her."

"Ano? Panong si Yasmine?" Kumalas ng yakap si Khielve.

"Kaya B ang tawagan namin, dahil sa Bungal at Butiki. All I know na si Yasmine ang childhood friend ko. Sa cafeteria, nakita kong hawak niya ang keychain. Kaya inakala kong siya."

"Yung nakita kong magkayakap kayo?" Tumango-tango si Khielve.

"Then I found out na nagpapanggap lang pala siya,  buti may nagsabi sakin." Napapikit si Kyrene ng husto sa sobrang pag kainis kay Yasmine.

"Grabe siya, bakit ba siya ganun? Ang sinungaling niya."

"Hayaan mo na ang importante, nalaman na natin ang totoo. Hindi ako makapaniwalang ikaw yun. Akalain mo isang butiki magiging mukhang diyosa." Nakangiting sabi ni Khielve.

"Ikaw naman bungal, pero ngayon ang perfect na ng ngipin mo." Nakangiting sabi ni Kyrene.

"We're really meant to be Kyrene. Isipin mo, matagal na tayong nagkita at ngayon minahal pa natin ang isa't-isa. Hay! Grabe hindi ako makapaniwala, pero sobrang saya kong malaman na ikaw yun." Ngumiti si Kyrene.

"Hindi ka na galit?" Tanong ni Kyrene.

"Galit?"

"Kanina kasi galit ka eh." Ngumiti si Khielve

"Hindi naman ako galit, nagseselos lang ako." Napangiti si Kyrene. Tumayo siya at kinuha ang kamay ni Khielve.

"Halika na nga. Ang seloso mo. Naku! Ako sinasabihan mong selosa, eh mas seloso ka pala." Tumayo na rin si Khielve.

"Ganun talaga, mahal kasi kita. Paano kung maagaw ka ng iba. Di mo ba nakikita,  ang daming nagkakagusto sayo."

"Pero ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko." Sabi ni Kyrene at napangiti ng husto si Khielve. 

"Halika p'picture'ran kita." Hinila siya ni Khielve papunta sa booth nila.

Tumingin siya kay Yasmine na nakatingin din sakanila. Tinitigan niya ito at umiling-iling siya.

"Bro ano yung kanina?" Tanong ni Zion. 

"Mahabang kwento bro, kwento ko sayo next time." In'open ni Khielve ang camera niya.

Pinatayo si Kyrene sa may background design at pincture'ran siya ni Khielve ng pini'cture'ran.

"Ang swerte ni Khielve no?" Wala sa loob na sabi ni Kenneth na nakaupo at pinag mamasdan ang dalawa. Tumingin dito si Zion at tinignan ang tinitignan nito.

"Don't tell me bro may gusto ka pa rin kay Kyrene?" Tumingin sakanya si Kenneth at ngiti lang ang sinagot nito.

*

Samantalang lalong nag ngingit-ngit si Yasmine sa inis.

"Bagay na bagay talaga si Khielve at Kyrene no? Hay! Perfect couple." Malakas na sabi ni Mahra na nasa kabilang booth, sadyang pinarinig nito kay Yasmine.

"It's not over yet. Bomb will explode very soon." She added and smirk. Hindi naman pinansin ito ni Yasmine.

****

Competition:

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Ms. Margarita kay Yasmine at Kyrene.

"Yes mom, I'm so much ready. Ewan ko lang po kay Kyrene." Sabi ni Yasmine at tumingin kay Kyrene.

"Ready na po ako." Sagot ni Kyrene. Ngumiti si Ms. Margarita.

"Mamaya Kyrene mag usap tayo, after the compition,  may sasabihin ako sayo." Tumango si Kyrene at niyakap siya nito ng mahigpit.

"Yas come." Lumapit naman si Yasmine at niyakap sila ng sabay ni Kyrene.

"I love you both." Napangiti lang si Kyrene at yumakap kay Ms. Margarita.

"Hindi ba ako pwedeng sumali diyan." Sabi ni Mr. Vincent. Tumawa lang ang tatlo at lumapit ito at yumakap din.

"Paano, good luck sainyo. Kahit sino manalo sainyo, parehas lang kayong magaling." Kumalas sila ng yakap at hinalikan sa noo ang dalawa ni Ms. Margarita.

"Goodluck my princesses." Hinalikan din ito ni Mr. Vincent.

"Lalabas na kami." Lumabas ang dalawa at nagpunta sa upuan nila.

Malapit lang sila sa mga judges, dalawang mahabang table para sa judges and for Brizalde clan with school board members.

"Good evening ladies and gentlemen, we're celebrating of 15th anniversary of this prestigious school. Thank you all for being here tonight to witness the  traditional competition na taon-taon ginaganap, the fashion design competition,  kung saan magpapakita ang mga young fashion designer to be ng kanilang galing sa pag disenyo ng damit." Announce ng Mc ng event. Pinakilala din nito ang sarili at kasama niyang babaeng MC. Pinakilala nito ang mga judges ng naturang kompitisyon.

Lahat mga sikat na designer din, may isang expert sa pag tingin ng fabric.

"And now, ladies and gentlemen kilalanin natin ang mga contestants na magpapakita ng kanilang creations. " May lumabas na isang studyante at nagpakilala at pinakita din nito ang mga design niya na suot ng mga model nito may mga tanong ang judges na sinagot nito.

**

Back stage:

"Yas, ang gaganda ng design mo sobrang like ko, ito ang pinaka maganda sa mga design mo. Kailan siya ilalabas sa market?" Tanong ng isang model nito.

"After ng birthday ko, yun ang launching day eh." Lahat ng collection ni Yasmine lavender ang kulay ng damit.

Yun din kasi ang isusuot ng mga 18candles niya at terno ang kulay nito sa gown niya.

Kay Kyrene naman pomelo pink, suot din niya ngayon ang isa sa design niya, isang palda na below the knee at spaghetti floral crop top na pomelo pink din ang kulay.

"You're nervous my dear twin sister. Aren't you?" Tanong ni Yasmine dito.

"Hindi naman! Ikaw ba?" Balik na tanong ni Kyrene.

"Of course I'm not, why should I anyway?" Confident nitong sabi.

"Sa dami mo kasing kasalan at kasinungalingan, malay mo nasa likod mo na si Carmie Martin."

"WHAT!?" Kunot noong tanong nito.

"Si karma, tanga!"

"You--" Sabay talikod ni Kyrene at hindi na niya inantay pa ang sasabihin ni Yasmine.

"Yasmine ikaw na." Tawag ng isang babae.

"Guys ready na." Sabi ni Yasmine sa mga model at tumayo. lumabas ito ng stage.

**

"Good evening everyone,  I'm Yasmine Brizalde, second year fashion design student. And now, I'am proud to present you my very own collection. Yasmine's collection." Nilahad nito ang kamay niya at umalis siya ng stage. Isa isang lumabas ang mga model ni Yasmine. 

Kitang-kita naman sa mga mukha ng mga judge ang impress.

Natapos ang mga model at lumabas uli si Yasmine. Umakyat ang ibang judges at tinignan ang damit ng malapitan at hinawakan ang bawat damit, tinignan ang pagkakatahi at ang quality ng fabric na ginamit. Muli silang bumaba at umupo.

"You're absolutely good Yasmine. You choose a good quality fabric material for your each collection." -Judge 1

"Gaano mo siya katagal ginawa? The design. " Judge 2

"Umm.. two weeks." Sagot ni Yasmine.

"Okay, You're good, originality,  creativity and durable of fashion wear are there." One of the judges says.

"Sinong inspiration mo sa pag gawa mo ng ganyang kagagandahang fashion wear?"

"My family, specially my mom. Everybody had been saying, my mom is great in fashion. So, I always bear in my mind, that I should to be like her."

"And I think you made it." Nagthank you si Yasmine at umalis na kasama ng mga models.

"Now, the last but not the list. Kyrene Cruz." Announce ng mc. Lumabas si Kyrene.

"Good evening everyone, I'm Kyrene Cruz, freshman fashion design student.  Nangangarap maging isang fashion designer at ngayon po hayaan niyong ipakita ko sainyo ang aking creation. KYRENE's Collections." pagkasabi niya no'n umalis siya at nagsilabasan ang mga model.

"Impressive designs, halos parehas sila ni Yasmine kagaling." Sabi ng isang judge habang nakatingin sa mga model.

"Yeah, originality and creativity are there."  Natapos ang lahat mag model at kasama na si Kyrene.

Katulad ng ginawa sa mga una, umakyat ang ilan at tinignan ang fabric ng bawat collection. Bumalik uli ito sa mga upuan nila.

"Kyrene Cruz, your designs is absolutely amazing,  to tell you honestly, kung bibigyan ko ng score ang design mo bibigyan kita ng mataas na score. Ngumiti si Kyrene.

"Thank you po."

"But Yasmine Brizalde's collection is definitely good as yours, how confident are you na kaya mong manalo if your materials is not good enough."

"I mean, gumamit ka naman ng tamang material sa bawat collection mo. Halos lahat ng material na ginamit mo ay bagay  sa bawat collection but the cheap one nga lang compared sa mga nauna mong kalaban. At alam naman natin na pagbinenta sa market ay isa sa titignan ng mga costumer ang quality. But honestly, paglabas ng mga model mo, hindi namin nakita na cheap materials ang ginamit mo. It looks high quality fashion wear, mapapansin lang kung lalapitan mabuti at In-inspect ng isang expert." Ngumiti uli si Kyrene bago sumagot.

"Ang totoo po niyan. Naisip ko na yan, paanong mananalo ang isang katulad ko sa ganitong kompetisyon kong isa sa pinagbabasahin ay ang ganda ng materyales na ginamit." Simula ni Kyrene.

"Isa lang po akong scholar ng  prestihiyosong paaralan na to. Walang kakayahang tapatan ang bawat studyante na nag aaral dito sa usaping pera at gara ng mga gamit. Tinitipid ang bawat perang ginagastos." Paliwanag ni Kyrene.

"Ow! I remember, she's  Ms. Margarita's daughter. The long lost daughter." Sabi ng isang judge.

"Ms. Margarita,  she's your daughter, right?" Tanong nito na naka microphone pa.

Hindi parin naman kasi sinasabi sa lahat ang tungkol sakanya pero sa pag model niya mas maraming nag tanong dahil sa twin sisters na caption ng magazine nila.

"Yeah, she is." Nakangiting sagot nito na nakaupo lang din sa dulo ng table at nanonood.

"So, Kyrene,  kung isa ka naman palang Brizalde at alam mong sa estado ng buhay ng pamilya mo kayang-kaya mong gumamit ng mas magandang materials at garments ang business ng pamilya mo. Bakit hindi mo ginawa at mas pinili mo ang cheap materials? " Tanong ng isa.

"I present myself being Kyrene Cruz, being a scholar na nangangarap matupad ang pangarap sa sariling pag sisikap para matulungan ang pamilya."

"Ang point ko po dito. Paano po ang mga mahihirap lang na studyante  at may pangarap sumali sa ganitong kompitisyon, kung sa simula palang alam na nilang wala silang panalo. Kompitisyon po ito ng mga studyante palang, hindi po ng mga professional designer. Mga studyante na hihingi ng pera sa mga magulang nila para pang bili ng materyales. Bakit po hindi niyo baguhin ang criteria, bakit hindi niyo bigyan ng laban ang mga mahihirap na katulad ko." Nagtinginan ang lahat sa isa't-isa. Nagpatuloy uli si Kyrene.

"Design, creativity,  originality, dorable and high quality materials. Bakit hindi niyo po alisin ang high quality materials sa criteria. Sa halip palitan niyo ng resourceful. Gagamit ng cheap materials at doon niyo titignan kung paano gagawin ng isang contestant ang cheap materials into a good quality fashion wear."

"Kyrene was right!" Nagtinginan ang lahat sa isang studyante na tumayo at nag salita.

"Isa rin po akong  fashion design student. 3rd year na ako at katulad ni Kyrene,  isang scholar. Nangarap sumali sa competition na to, but sad to say hindi ko nagawang sumali dahil alam kong sa simula palang wala na akong panalo. Fashion contest is very expensive contest. " Sabi ng isang studyante.

"Yun po ang sinasabi ko." Sabi ni Kyrene.

"I agree with her. Tama siya, kasi kung maraming katulad niya na mahusay na hindi nakakasali dito at hindi napapakita ang galing nila, sayang naman." Sabi ng isang board member.

"Ang totoo po, isa ito sa rason ko kung bakit ganito ang ginamit kong materials yung swak sa budget sa halip na high quality fabric ang gamitin. Gusto ko lang po talagang mabago ang criteria for judging. Naniniwala po ako na resourcefulness of contestants can be considered as a talent." -Kyrene

"One more question Kyrene. Gaano mo katagal ginawa ang mga design mo?" -Judge

"3 days po."

"3 days? Seriously? 10 pieces of collections in just 3 days." Ngumiti si Kyrene.

"Opo" Tumayo ang isang judge at pumalakpak.

"You deserve  for applause! Ibang klase ang pananaw mo sa buhay. Handa kang matalo sa kompitisyon na ito para lang baguhin ang criteria at mabigyan ng chance makasali ang mga hindi nagkakalakas ng loob para sumali dito." Ngiting-ngiti naman si Ms. Margarita at Mr. Brizalde na halata ang pagiging proud dito. Kahit si Donya Solidad.  Nagpalakpakan din ang lahat.

"Sino naman o ano ang inspiration mo sa pagcreate ng mga design na yan?"

"Marami po ang akong naging inspirasyon. Ang mga nakagisnang pamilya ko po. Isa po sila sa mga inpirasyon ko. Ang tawag po nila sakin sa probinsya baduy na fashion designer." Nagtawan ang mga nanonood.

"Hindi po kasi ganito ang itsura ko noon. Lahat po ng gusto kong isuot na damit sa drawing ko dinadaan, dahil sa hirap ng buhay hindi ko naman kayang bumili ng magagarang damit, hanggang sa nakakabuo ako ng iba't ibang disenyo." Tumigil uli si Kyrene at tumingin kay Ms. Brizalde.

"At isa pong naging inspirasyon ko si Ms. Margarita, idol ko na po siya dati pa at pinangarap kong maging katulad niya...... tapos nalaman ko nalang tunay ko siyang nanay, nakakagulantang." Nag tawanan ang lahat sa huli niyang sinabi. Mangiyak-ngiyak naman si Ms. Margarita sa sinabi niya.

"At ang naging dahilan po at tumupad ng pangarap kung makapag aral dito." Hinagilap ng mata niya si Khielve at nakita niyang kasama nila Simon na nakaupo.

"Ang lalaking mahal na mahal ko."

"AKO YUN!" Nagtinginan ang lahat kay Khielve dahil sa pag sigaw nito at tinaas pa ang isang kamay.

Nagtawanan ang lahat sa ginawa nito at nakakuha pa ito ng  batok kila Zion at may mga sinabi dito. Natawa naman si Kyrene sa ginawa nito.

"That was amazing and inspiring story. very touchy." Sabi ng baklang designer.

Nag thank you si Kyrene at umalis. Pumasok siya backstage. Mga ilang sandali lang.

"May I call on all the contestants to join here." Nagsilabasan ang lahat ng contestants at magkakahilirang tumayo sa stage. 

"Now, I got the result of the winners." Announce ng MC. Binuksan  ito ang isang sobre.

"With 85 percentage of criteria for judging.  4th place goes to....... Ms. Cathy Baliaga 3rd year student." Nagpalakpakan ang tao. Lumapit sa unahan ang nakakuha at binigay ang trophy dito at price.

"With 89% of criteria for judging. 3rd place goes to.... Jelian Santos."

"Congrats Jelian!" Niyakap ito ni Yasmine.

"Congrats Jelian." Bati ni Kyrene at niyakap ito ng mahigpit.

Lumapit si Jilian sa unahan at binigay ang trophy dito.

"And now let's proceed to the 2nd place... with 95 percentage of criteria for judging 2nd place goes to...... Congratulation  Kyrene Cruz!" Napangiti ng husto si Kyrene, hindi din niya ineexpect na mag se'2nd place pa siya.

Ngumisi lang sakanya si Yasmine na hindi man lang siya binati. Pumunta siya sa unahan at binigay sakanya ang trophy at price.

"Congratulation Kyrene! You impressed us." Bati ng isang judge sakanya.

"Salamat po." Nagpasalamat lang si Kyrene at tumingin siya sa table kung nasaan sila Ms. Brizalde at ngumiti siya sa mga ito.

Tumingin siya kay Khielve at ngumiti siya dito at inangat ang trophy.

Ngumiti din ito sakanya at nag sabing 'Ang galing mo' na walang boses at nag thumbs up.

"Now, the first place, with 96 percentage of criteria for judging.... wow! That was too close sa 2nd place." Sabi ng Lalaking MC.

"The winner for 2014 fashion design compition is... Congratulation.... Yasmine Brizalde." Palakpakan ang lahat. Lumapit si Yasmine sa unahan na tuwang-tuwa.

"Congratulation Yasmine." Bati ng judge.

"Thank you ma'am." Yasmine says with a wide smile.

"All of you are really good. And too close ng score niyo. To tell you honestly Kyrene,  you impressed us sa ginamit mong materials.. cheap materials turn into a good quality fashion wear. That was so amazing! despite of your young age, kaya mo ng gawin yun. Medyo lumamang lang si Yasmine sa design." Ngumiti si Kyrene.

"Opo! Two weeks po niyang pinaghirapan yun eh. Ginugol niya lahat ng galing niya do'n."Tumingin si Kyrene kay Yasmine.

"Right Yasmine?" Confident na ngumiti si Yasmine.

"Yeah, congratulation." Bati sakanya ni Yasmine. Niyakap nito si Kyrene.

"You're certainly insane to think that you will win over me my dear twin sis." Kakalas na sana ng yakap si Yasmine ng yakapin din siya ni Kyrene ng mahigpit.

"Panalo naman talaga ako, 2nd place and 1st place. Baka nakakalimutan mo, nanalo ka gamit ang design ko. So ibig sabahin ikaw ang walang place o kahit tumuntong sa stage na 'to walang karapatan. Alam mo kong anong title na dapat ibigay sayo? The good stealer." Kumalas si Yasmine dito at sinamaan siya ng tingin.

***

"I don't know!"

"Tapos ninakaw pa niya ang portfolio ni Kyrene. See, ang dami niyang kasalanan. Ayun! Kinakarma tuloy siya. Yung kinaiinisan niya, twin sister pa pala niya at mahal  na mahal ng lalaking mahal niya. Poor Yasmine."

Natigilan ang lahat sa boses na pumuno sa buong gymnasium. Recorded voice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top