CHAPTER 54

Ang daming nakapila sa booth nila Khielve. Picture booth sakanila, magp'picture na kasama sila.

Katapat lang ng booth nila ang booth nila Kyrene. Marami din nakapilang lalaki sa booth nila Kyrene.

Hilera ang mga booth, kabilaan at may daan sa gitna at sa dulo may stage. Kung saan may mga instruments. Music club naman ang may ari no'n. Parang concert naman ang ginawa nila, pwede mag request ng song at kakantahin nila. Pwede rin naman ikaw mismo kakanta.

"Bro asan na sila Kyrene? Pipila ako d'yan pag dating ni Jelian para makahalik." Sabi ni Simon na ngiting-ngiti.

"Wala pa nga eh. Kanina ko pa tinatawagan hindi sinasagot." -Khielve

"Grabe ang mga suot, ganyan din kaya suot nila Tricia?" Tanong naman ni Zion.

"Si Kyrene sigurado hindi ganyan." Ang s'sexy kasi ng mga suot ng mga kasama ni Kyrene. Ang iiksi ng palda. Back less kung back less.. ang iba parang bra style lang.

"Gusto kong magp'picture kay Khielve." Sabi ng isang babae.

"Khielve sayo daw gusto magp'picture to." Sabi ng kasama nila.

"500" Sabi ng kasama nila sa babae.

"Ang mahal naman, may kiss ah." Sabay abot ng 500 ng babae sa kasama nila.

Lumapit si Khielve at inakbayan ang babae. Nagpicture sila at meron uli nagp'picture.

"Woah! Ang ganda nila Kyrene oh! Hanep ang s'sexy." Sabi ni Zion, Kakarating lang ng tatlo.

Tinignan ito ni Khielve at napangiti at biglang iniwan ang babaeng nagp'picture.

"Khielve"

"Sorry sa iba ka na magpicture." Tumakbo ito palapit kay Kyrene.

"Kyrene"

"Khielve" Hahalik sana si Khielve sa pisngi.

"Oppss! You can't Khielve,  may bayad ang kiss ngayon." Hinarang ni Tricia ang palad niya dito.

"Boyfriend ako Tricia."

"So.. money down. Shoot the target, then you'll get your price." Nilahad pa ni Tricia ang palad niya.

"Pambihira naman oh!" Napakamot si Khielve sa ulo.

"Magkano ba?"

"500"

"Ang mahal ah, pag sa bahay libre lang yan eh...Araaay!" Kinurot ni Kyrene si Khielve sa tagiliran.

"Kung ano-anong pinagsasasabi mo ah." Pinangdilatan ito ni Kyrene. Natawa lang ito kahit ang ibang nakarinig nagtawanan.

"Ang ganda mo. My warrior princess." Napangiti si Kyrene,  kilig na kilig naman ang mga nakakarinig dito.

Kumuha si Khielve ng 500 sa wallet at binigay kay Tricia. Pagkatapos ng isang tumira Kinuha agad ni Khielve ang bow kahit marami pang nakapila. Hindi rin nashoot ang target ng huling tumira.

"Hoy Khielve, pumila ka nga, nauna kami." Nagsmirk lang si Khielve dito.

"Babes, Be ready." Sabi ni Khielve kay Kyrene at kumindat pa.

"Oh my Kyrene! You're so lucky." Niyug-yog siya ng isang member ng club na kilig ng kilig. Umirap naman si Yasmine dito.

"Ahahaha!" Everyone burst laughter. Hindi tinamaan ni Khielve ang apple.

"Isa pa nga." -Khielve

"Money down." Nagbigay uli si Khielve ng 500 kay Tricia. binigyan siya uli ng arrow. Tumira uli siya pero hindi na naman tumama.

Inulit niya uli hanggang sa maka apat na siya pero hindi niya talaga matamaan.

"Pambihira naman oh! Kanino bang stupid idea na bow ang gamitin dito? Ang daya ah." Inis na inis na sabi ni Khielve.

Nagtinginan ang halos lahat kay Kyrene at tumingin si Khielve kay Kyrene.

"Idea mo?" Nakangising tanong ni Khielve,  tumango si Kyrene.

"Great idea. Hehe!"  Tawanan na naman ang lahat dito.

"Tama na nga Khielve, ako naman." Inagaw ni Simon ang bow at nagbayad. Tumira si Simon.

"Wohoo!" Tuwang-tuwa si Simon ng tamaan niya ito.

Agad na lumapit si Simon kay Jelian. Hiyawan ang lahat. Hiyang-hiya naman si Jelian.

"Sa pisngi lang." Sabi ni Jelian.

"SA LIPS!" Sigaw ng lahat.

"Sa lips daw." Hinawakan ni Simon ang mukha ni Jelian at dahan-dahan lumapit ang mukha nito.

Napapikit nalang si Jelian hanggang sa halikan siya ni Simon.

Tilian naman ang lahat. Halos lahat ng tao sa booth na nila nanonood.

May tumirang isang lalaki naman at tinamaan ito. Lumapit ito kay Kyrene.

"Kyrene, ikaw ang hahalikan ko ah?" Sabi ng lalaki.

"Aba! Ang lakas ng loob mo ah. Wala ang boyfriend ha?" Singhal ni Khielve. Napakamot ng ulo ang lalaki.

"Yasmine ikaw nalang."

"Sapak! Gusto mo?" Iritang sabi ni Yasmine.

Tumingin ang lalaki kay Tricia pero agad siyang pinakitaan ni Tricia ng nakakuyom na kamao.

"Pambihira naman! Akin na nga yung 500 ko! Hindi naman pala kayo magpapahalik." Iritang-irita ang lalaki at kinuha ang pera, sabay alis.

"Paayos ka kasi muna ng ngipin mo!" Sigaw ng isang lalaki. Tawanan ang mga nasa paligid.

"Woah! Calleb! Go Calleb!" Sigaw ni Stacy dahil si Calleb ang titira.

Hiyawan ang lahat ng tamaan ni Calleb ang target na bagong palit. Lumapit si Calleb sa gawi ni Bianca.

Ngiting-ngiti naman ito, pero nawala ang ngiti ng lagpasan siya nito at pumunta kay Lynne Doll.

Hinawakan nito ang pisngi ni Lynne Doll at hinalikan sa labi na tinugon naman ni Lynne Doll. Hiyawan ang lahat sa dalawa dahil matagal na halik ang ginawa nito.

Si Zion naman ang tumira at tinamaan din nito. Lumapit agad ito kay Tricia.

"Oh anong gagawin mo?" Singhal agad ni Tricia dito.

"Wag kang umangal." Walang sabi-sabing hinalikan ito ni Zion sa labi. Tawanan lang ang lahat dito.

"Pambihira naman oh! Bakit sila na tinatamaan nila?" Angal ni Khielve.

"Ibig sabihin magaling sila." Nakangiting sabi ni Kyrene. Kinuha ni Khielve ang camera niya na nakasabit sa leeg niya at In'on. 

"Picture'ran nalang kita."

"Wag na." Pero kinuhanan parin siya nito ng kinuhan.

Tumigil lang ito ng makitang sumubok din si Kenneth tumira. Tinamaan ito ni Kenneth.

"Swabe!" Nag fist bump sila ni Khielve pag kalapit ni Kenneth.

"Sino hahalikan mo?" Nakangiting tanong ni Khielve. 

Nagsmirk lang si Kenneth at nilapitan si Kyrene nawala bigla ang ngiti ni Khielve. Hinawakan ni Kenneth ang mukha ni Kyrene na nagulat din.

"Hoy Kenneth! Gago ka anong binabalak mo?" Lumingon sakanya si Kenneth.

"Sa pisngi lang." Sabay harap uli kay Kyrene.

"Ang ganda mo talaga." Sabi ni Kenneth at dahan-dahan siya nitong hinalikan sa pisngi.

Tumingin uli sakanya at ngumiti sabay halik uli sa kabilang pisngi at sa noo.

Tumingin uli sakanya at dahan-dahan lumapit sa lips nanglaki ang mata ni Kyrene. Agad naman itong tinulak ni Khielve.

"Ahahaha! Hindi mo mahalikan diba? Ako nalang hahalik." Natatawang sabi ni Kenneth.

"Gago ka ah! Baka gusto mong magkalimutan na tayong magkaibigan."

"Ahahaha! Ang epic ng mukha. Biro lang." Natatawang sabi ni Kenneth.

"Kyrene!" May tumawag kay Kyrene.

"Jacob!" Lalapit sana si Kyrene, pero bigla siyang inakbayan ni Khielve. 

"Ano naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Khielve. 

"Khielve" Saway ni Kyrene.

"Jacob, try ka naman ng one shoot one kiss." Sabi ni Tricia dito.

"P'ano ba?"

"Pay 500 pesos, shoot the target and you'll get the price." Tricia explained

"What's the price?"

"You can kiss whoever you want to kiss."

"Really?!" Napangiti si Jacob at tumingin kay Kyrene.

"Okay" Nagbayad muna ito bago tumira.

"Ahahaha!" Malakas na tawa ni Khielve ng hindi tamaan ni Jacob ang target.

Siya lang ang tumawa samantalang ang lahat tahimik na seryosong nanonood at napa 'hay sayang' naman ang mga babae.

"One more" Jacob says. Hiyawan ang lahat ng tamaan ito ni Jacob.

Lumapit ito sa may banda kila Kyrene at tumingin kay Kyrene at kay Khielve.

"Can I kiss Kyrene?" Paalam ni Jacob kay Khielve. Parang si Kyrene naman ang sobrang nat'tense dahil alam na alam niya na grabe ang selos nito Kay Jacob.

"Sure dude! Generous naman ako eh." Nagulat si Kyrene sa sagot ni Khielve at nakangiti pa ito.

  Lalapit na si Jacob kay Kyrene. Pero biglang hinapit ni Khielve si Kyrene sa bewang at bigla itong hinalikan sa labi.

Nanglaki ang mata ni Kyrene sa ginawa ni Khielve. Nilayo ni Khielve ang labi sakanya at tumingin kay Jacob.

"Okay na dude! Ako na ang gumawa para sayo." Sabay akbay nito kay Kyrene. 

Natakpan nalang ni Kyrene ang mata niya sa hiya dahil ngayon lang siya nahalikan nito sa ganito karaming tao.

Pinadausdos niya ang kamay niya pababa hanggang sa lumabas ang mata niya at ilong at bibig na niya ang natakapan ng kamay niya. Natawa lang sila Zion sa ginawa ni Khielve.

"Hoy Khielve! Marami ditong gustong magp'picture sayo. Wag mo ng bantayan si Kyrene." Sigaw ng kasama nito sa booth.

"Kaya niyo na yan! Kailangan nito ng bantay." Sabay tingin kay Kyrene at ngumiti.

"Khielve, do'n ka na, wag mo na akong bantayan."

"Ayaw mo ba akong kasama?" Nawala ang ngiti ni Khielve. 

"Hindi naman kailangan ka ata kasi do'n eh. Tsaka nakakahiya--"

"Kinahihiya mo ako." Putol nito sa sasabihin ni Kyrene.

"Hindi! Nakakahiya sa ka grupo mo."

"Okay fine! Alis na ako." Sabay talikod nito at iniwan si Kyrene.

"Pambihira talaga oh! Parang bata." Napabuntong hininga nalang si Kyrene.

"Kyrene, kumusta? Mukhang bantay sarado ka ng boyfriend mo ah." Ngumiti lang ng bahagya si Kyrene kay Jacob.

Pero gusto niyang umiwas dito muna lalo ngayon na nagmamaktol si Khielve.

Tumingin si Kyrene kay Khielve at tama nga siya ng iniisip lalong parang sinisilaban ang mata nito na nakatingin sakanya.

"Jacob pasensiya na ah. Kasi ano.. um.." Hindi masabi-sabi ni Kyrene ang gusto niyang sabihin.

Ngumiti si Jacob at tumingin kay Khielve. Tumingin uli ito sakanya.

"Nagseselos ba sakin ang boyfriend mo?" Ngumiti si Kyrene at tumango.

"I see! Kahit naman kasi talaga sinong lalaki kung kasing ganda mo ang girlfriend talagang babantayan ng husto." Nakangiting sabi ni Jacob.

"Jacob naman eh!" Napayuko nalang si Kyrene at natawa naman si Jacob.

Tumingin uli si Kyrene kay Khielve. Nagp'picture na ito sa mga babae at nagk'kiss ang mga babae sa pisngi nito.

Tumingin din si Khielve sakanya.  Pero imbis na mainis siya natawa siya ng malakas na ipinagtaka naman ni Jacob.

"Sorry" Sabi nalang niya kay Jacob.

Pambihira talaga! Akala niya ba magseselos ako. - Nagpipigil na siyang matawa. Tumingin uli siya kay Khielve at masama talaga ang tingin sakanya.

"Naku Jacob pwede bang lumayo ka muna sakin, tsaka na tayo magusap kasi hindi ko na kakayanin ang titig ni Khielve  feeling ko bubulagta na talaga ako dito."

"Ahahaha! Oo nga, baka mamaya panain na ako no'n. Sige, puntahan ko lang si Lucas." Tumango lang si Kyrene at umalis na si Jacob. Lumapit nalang si Kyrene sa grupo.

"Hoy! Kayong dalawa na ba?" Tanong ni Kyrene kay Calleb at Lynne Doll.

"Bagay naman kami diba?" Tanong ni Calleb at umakbay pa kay Lynne Doll.

"Ayos lang! Masyadong maganda si Lynne Doll para sayo." Sabi ni Kyrene.

"Aaaww! Calleb naman eh. Ang sakit no'n ah." Pinisil ni Calleb ng malakas ang pisngi ni Kyrene. Napahawak nalang si Kyrene sa pisngi niya.

"Lynne Doll, bukas ah. Isa ka sa model ko sa competition."

"No prob kyrene, basta ikaw." Sagot nito.

Lumingon uli si Kyrene sa booth nila Khielve wala na ito do'n.

***

Bwesit na bwesit  naman si Khielve. Hindi niya talaga maiwasan na hindi magselos. Sinadya niya talagang magpahalik sa nagp'picture pero nakita lang niyang tumawa si Kyrene. Kaya lalo siyang nainis.

Pumunta nalang siya sa may stage.

"Migs" Tawag ni Khielve sa president ng musical club. Bumababa naman ito sa stage.

"Bakit Khielve?" Tanong nito pagkababa ng stage.

"Request naman dude."

"Sige, ano yun?"

"Pahiram muna ako ng papel at ballpen." Agad naman kinuha nito ang ballpen at papel at binigay sakanya. Naglista si Khielve at binigay dito.

Pinaliwanag niya ang lahat ng gagawin nito at may binigay siya dito.

"Okay!"

"Migs, wag mong sasabihin na sakin yan ah. Basta ang itanong mo lang yung sinulat ko diyan." Nag okay lang ito at umakyat sa stage at kinuha ang mic.

"May I have your attention please, everyone." Announce ni Migs. Nagtinginan ang lahat sa stage.

"I've found a keychain. May I know kung sinong may ari nito? Isang camera na Keychain." Hinawakan nito ang tali at inangat ang keychain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top