CHAPTER 52
Cafeteria:
"Guys, yung birthday party tuloy na tuloy na talaga yun ah."
"Wow! Kasama ba ako sa 18 candles?" Tanong ni Tricia.
"Oo naman syempre at ang isusuot niyo yung mga collection na gagawin ko para sa competition. Fashion show daw ang theme, launching yun ng collection ni Yasmine, pero isasama daw yung mga gawa ko sa launching. At may practice mamaya." Yun kasi ang sabi ni Ms. Margarita sakanya.
Pinadagdagan pa nga nito ang mga collection niya. Dahil 10 pieces lang ang nasa portfolio niya.
"Wow! Ako ang unang-unang bibili ng collection mo Kyrene, promise." Sabi ni Tricia.
"Talaga!?"
"U-huh! Promise." Tinaas pa niya Tricia ang right hand niya.
"Sandali!? Sino escort mo? Diba si Khielve escort na ni Yasmine. " Tricia asks.
"Si Kenneth nalang! Okay lang ba Kenneth?" Tanong ni Kyrene dito.
"Ako!?" Tanong ni Kenneth na tinuro pa ang sarili.
"Anong si Kenneth?" Tanong naman ni Khielve.
"Kasi escort ka na si Yasmine diba?"
"Hindi pwede! Ako escort mo."
"Khielve, kasi gulo na naman to kapag tayo ang nagpartner. Kasi una ka ng um'oo kay Yasmine. Escort lang yun, okay lang yun. After noon, tapos na."
"Ayoko! I will be your escort. Kakausapin ko si Yasmine." Hindi nalang nagsalita si Kyrene. Maya-maya lang dumating si Yasmine.
"Hi B!" Umupo si Yasmine sa katapat ni Kyrene.
"Thanks nga pala Khielve sa pag bantay sakin last friday ah." Malambing na sabi nito.
"It's okay Yas. Pero sana wag mo ng ulitin yun." Khielve says.
"Aaaa! You're really care me."
"Of course! Kaibigan mo ako diba?" Khielve says and smile. Tumingin ito kay Kyrene.
"He's so sweet Kyrene no? Ang bait bait talaga ni Khielve. Sana hindi mo minasama yun." Mapang- asar na sabi nito. Tumingin dito si Kyrene.
"Mabait talaga siya. Lalo na sa mga may mental disorder." Naghagik-gikan sila Tricia, kahit si Jelian na katabi ni Yasmine napa hagikgik. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Yasmine.
"Sorry" Jelian says, sabay tikom ng bibig.
"Babes! Tikman mo to." Sinubuan ni Kyrene si Khielve, ngiting-ngiti naman si Khielve at tinanggap ang pagkain.
Nagtinginan naman ang lahat sa ginawa nito, dahil nag babes pa ito.
"Masarap ba?" Malambing na tanong ni Kyrene.
"Oo, ang sarap, the best ka talaga. Ang swerte swerte ko talaga sayo."
"Maswerte din ako sayo. Alam mo kung bakit?" Sabay tingin kay Yasmine at tumingin uli kay Khielve.
"Bakit?"
"Kasi isipin mo, ang dami-daming nagkakagusto sayo. Pero ako ang nagustuhan mo, ako ang niligawan mo. Kahit na isang baduy na probinsyana pa ako. Bakit nga ba?" Tingin uli si Kyrene kay Yasmine at muling tumingin kay Khielve. Hinawakan ni Khielve ang ibabaw ng kamay niya.
"Alam mo kung bakit? Kasi sayo lang tumibok ito." Sabay turo ni Khielve sa dibdib niya.
Napangiti ng husto si Kyrene, nakatingin lang ang lahat dito kahit si Yasmine na bakas na sa mukha nito ang pagkairita.
Hinawakan ni Kyrene ang pisngi ni Khielve.
"Ang sweet sweet mo talaga! I love you." Napangiti si Khielve pero medyo nagtaka dahil hindi naman si Kyrene ganyan ka'sweet lalo sa harap ng maraming tao.
"Mas mahal kita! Mahal na mahal." Sabi naman ni Khielve. Tumingin si Kyrene kay Yasmine.
"Ang sweet sweet ng boyfriend ko no? twin sis." Sarcastic niyang sabi kay Yasmine. Nanggaliiti naman si Yasmine sabay tayo at walang sabi-sabing umalis.
"Ahaha! Sino ngayon ang napikon." Natatawang sabi ni Kyrene. Nangunot naman ang noo ni Khielve.
"Pambihira naman! Akala ko pa naman totoo ang mga sinabi mo, ininis mo lang pala si Yasmine eh." Napangiti si Kyrene at hinawakan ang kamay ni Khielve.
"Totoo naman yun lahat ng sinabi ko. Gusto kong inisin si Yasmine sa pamamagitan ng pagpapakita sa sakanya kung gaano kita kamahal." Nakangiting sabi niya. Napangiti si Khielve.
"Pambihira naman oh! Gusto niyo pa ba ng dessert? Sa ka'sweetan lang ng dalawang to, solve na ako eh." Angal ni Zion na naiiling pa. Natawa nalang sila.
"Okay din pala pag pinagseselos ka no? Nagiging sweet ka bigla...... Hmm!" Humawak si Khielve sa baba niya na parang nagisip.
"Sa susunod na tawagan uli ako ni Yasmine at magpasundo, mapuntahan-- aaah!"
"Subukan mo lang! Ibabaon talaga kita ng buhay!" Hinampas siya ni Kyrene sa dibdib ng malakas.
"Ahahaha! Biro lang! Takot ko lang sayo." Natatawa na lang ang iba dito.
****
Bwesit na bwesit si Yasmine na pumasok sa classroom niya. Nasa administration dept building siya. Bukod sa fashion design course kumukuha din ito ng business ad. Umupo siya sa seat niya.
"Bwesit ka Kyrene!" She mumbled.
"Shit! Stupid!" Singhal ni Yasmine sa classmate niya dahil nabangga nito ang upuan niya.
"Sorry hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin nito.
"Pasensya! Gusto mo ipa'expell kita dito. Bwesit! Panget na nga stupid pa." Hindi nalang ito nagsalita, umupo nalang ito sa upuan niya na masama ang tingin kay Yasmine.
Natapos ang klase ni Yasmine, paglabas nito nand'on na sila Bianca at Stacy.
"Hey Yas, bakit ganyan na naman ang mukha mo?" Tanong ni Bianca.
"Bwesit na Kyrene yan! Iniinis niya talaga ako ng husto." Inis nitong sabi. Naglakad sila sa hallway.
"Hindi ba sila nag away ni Khielve?" -Bianca
"Hindi! Ang sweet pa nga nila kanina."
"Give up na Yas. Mahal nila ang isa't-isa. Maging masaya ka nalang kaya para sa twin sister mo." Sabi naman ni Stacy. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ito ni Yasmine.
"Will you please shut up Stacy! Isa ka pa eh. Bwesit!" Sabay alis nito at iniwan ang dalawa. Nagtinginan si Bianca at Stacy.
"Ikaw kasi eh." Pinaninisi ni Bianca.
"Halika na nga! Restroom nalang tayo. Hayaan mo na nga muna siya." Nagpunta si Bianca at Stacy sa restroom. Pagpasok nila ng restroom walang ibang tao.
"Alam mo Bianca! I want to be a good girl na. Totoo talaga ang karma." Sabi ni Stacy at pumasok ng toilet cubicle. Naiwan naman si Bianca sa labas at nagsuklay ng buhok.
"What do you mean?" Bianca asks.
"Well, look at Yasmine. Binabalikan na siya ng mga ginawa niya. Kaya lang naman sila naging close ni Khielve dahil sa pagpapanggap niya na siya ang long lost friend ni Khielve eh." Sabi ni Stacy habang nasa toilet.
"Well, true! Kawawang Yasmine, she really in love with Khielve pero hindi naman siya gusto ni Khielve." Sagot ni Bianca. Lumabas si Stacy ng toilet cubicle.
"Tama! Sino kaya talaga ang totoong kaibigan ni Khielve? Kanino kaya yung keychain na yun no?" Humarap si Stacy sa salamin at nag suklay din. Naglalagay naman si Bianca ng lipgloss.
"I don't know!" Sagot nito at muling naglagay ng lipgloss.
"Tapos ninakaw pa niya ang portfolio ni Kyrene. See, ang dami niyang kasalanan. Ayun! Kinakarma tuloy siya. Yung kinaiinisan niya, twin sister pa pala niya at mahal na mahal ng lalaking mahal niya. Poor Yasmine." -Stacy
"Masyadong madrama ang buhay niya. Hindi kasi siya kasing galing ng mommy niya sa pag design, kaya ayun napagdiskitahan ang portfolio collection ni Kyrene." -Bianca
"Pero believe ako kay Kyrene ah. Hindi na siya uli nagsumbong kahit alam na niyang Brizalde siya. Alam ko nung una nanahimik nalang dahil binantaan daw ni Donya Solidad na papatalsikin siya dito sa school." -Stacy
"Katangahan kasi."
"Hindi naman siguro! Mabait lang talaga yun. Siguro naisip niyang hayaan nalang kasi twin sisters naman sila. Ang layo ng ugali nila ni Yasmine, I'm friend of Yasmine pero ang layo talaga ng ugali nila. the good girl and the bad girl." Napangisi pa ito sa sariling sinabi niya.
"Sabihin mo yan kay Yasmine Stacy. Ewan ko lang kung hindi lang singhal ang gawin no'n sayo." Nag final touch lang ito at binalik na sa bag ang mga pang paganda nila.
"Hayaan mo na nga silang mag agawan ng attention ng pamilya nila, ng lalaki at ng title na the real heiress. May the best girl win... let's go." Lumabas na ang dalawa.
May lumabas naman mula sa cubicle.
"Pag sinuswerte nga naman! Akalain mong may makukuha akong alas para sayo Yasmine Brizalde." She played the voice recorder.
"I don't know!"
"Tapos ninakaw pa niya ang portfolio ni Kyrene. See, ang dami niyang kasalanan. Ayun! Kinakarma tuloy siya. Yung kinaiinisan niya, twin sister pa pala niya at mahal na mahal ng lalaking mahal niya. Poor Yasmine." - hanggang sa dulo ng usapan ang narecord nito.
"Pinahiya mo ako kanina. Humanda ka, dahil mas mapapahiya ka sa pasasabugin ko. Yasmine Brizalde! A thief." Ito ang babaeng sininghalan ni Yasmine kanina.
****
Papunta sila Kyrene at Khielve sa location kung saan sila magp'practice para sa debut nila. Kasunod lang din nila ang sasakyan nila Kenneth.
Narating naman nila agad ang location. Bumaba sila ng sasakyan at sabay-sabay ng pumasok sa practice hall.
Magkahawak ng kamay si Khielve at Kyrene. Halos nand'on na lahat. Halos lahat din nakatingin sakanila. Even Jacob was there. Sinalubong agad siya ni Ms. Brizalde pagkakita sakanya.
"Kyrene!" Nagkiss agad ito sakanya.
"Hi tita" Nagbeso din si Khielve kay Ms. Margarita.
"Halika ipapakilala kita sa event organizer." Nagbitaw ng kamay si Khielve at Kyrene sumama muna siya kay Ms. Brizalde.
"Gio, Vida, this is my daughter Kyrene. That's Gio siya ang choreographer and Vida the event organizer."
"Hello po" bati ni Kyrene at nakipagkamay siya sa mga ito.
"Hi, you're so pretty like your mom." Sabi ni Gio.
"Salamat po."
"So, let's start na." Gio says.
"Guys, let's start na. Cotillion muna tayo para makita muna ni Kyrene ang tamang steps." Sigaw ni Gio. Nagsitayuan ang lahat at nagpunta sa kanya-kanyang partner.
Umupo muna si Kyrene sa isang upuan. tumabi sakanya si Tricia at Janilin na nando'n din, hinatid ito ng driver.
"Hi Kyrene!" Tumabi sakanya si Jacob.
"Hi Jacob" bati niya dito.
"Thanks for choosing me as one of your 18roses." Jacob says.
"Salamat din at pinagbigyan mo ako." Sabi ni Kyrene.
"My pleasure." Jacob says.
Si Ms. Margarita na ang nag suggest at nag invite dito dahil sinabi nga ni Kyrene na wala din siyang ibang kilalang pwedeng magiging 18 roses niya.
Sinama niya sa list ang tatay niya, kuya niya and Calleb. Sa 18 candles naman sila Bella, Bubwit, Janilin, Tricia and Jelian at ibang kasama sa fashion design club and classmates.
"Nga pala! Ito yung magazine natin oh." Inabot ni Jacob ang magazine kay Kyrene.
"Wow!" Napa wow lang si Kyrene nang makita ang cover nito. Siya at si Yasmine. twin sisters ang nakalagay na caption.
Naksuot siya ng white balloon mini skirt, red top at may white vest and red high heel shoes.
Black short short and yellow top and yellow heels naman ang kay Yasmine. Binuklat niya ito, may mga picture naman sila ni Jacob.
Nakita naman ni Khielve ang paglapit ni Jacob kaya lalapit sana ito, pero pinigil siya ni Yasmine.
"Khielve mag uumpisa na, tara na."Aya ni Yasmine.
"Yasmine kasi ano! Um.. alam mo naman na girlfriend ko na si Kyrene diba." Simula ni Khielve.
"So..."
"Gusto ko sanang ako ang escort niya."
"What? Khielve no! Um'oo kana sakin eh."
"Yas sorry." Tumingin si Yasmine kay Kyrene at muling tumingin kay Khielve.
"Hindi pa niya naman alam ang steps eh. Tayo muna ang magpartner ngayon."
"Okay" Pwu'mwesto ang dalawa sa unahan. Masamang-masama ang mukha ni Yasmine.
Habang sumasayaw ang dalawa kasama ng grupo. Patingin-tingin naman si Khielve kay Kyrene at Jacob na tumitingin ng magazine at tumatawa.
"Mukhang enjoy na enjoy si Kyrene sa company ni Jacob no?" Hindi umimik si Khielve.
"Alam mo ba n'ong nag partner sila sa photo shoot, ang daming nagsasabing bagay sila. Look at them oh! Siguro tinitignan nila ang magazine ng MB collection." Puro buntong hininga lang si Khielve.
Tumingin si Kyrene sa gawi nila at ngumiti sakanya at muling tumingin kay Jacob na parang may sinasabi si Jacob. Natapos ang sayaw.
"Kyrene! Nakuha mo ba yung steps?" Tanong ng choreographer. Tumayo si Kyrene at ngumiti.
"Naku pasensya na po, hindi ko po nakita eh." Hinging paumanhin ni Kyrene.
Napasuklay si Khielve sa buhok niya sa sinabi ni Kyrene dahil alam niyang wala sa sayaw ang pansin nito kundi na kay Jacob.
"Naku! Ulitin nalang ah, tignan mo na ah. Jacob, wag naman kasi masyadong libangin si Kyrene." Nagkatinginan si Kyrene at Jacob at natawa ng mahina na lalong kina bwesit ni Khielve.
"Ay hindi! Ganito nalang, sumama na kayong dalawa dito. Para makasunod na kayo." Utos ng choreographer.
"Huh!" Tumayo si Jacob.
"Tara Kyrene." Hinawakan siya ni Jacob sa kamay at hinila na siya sa gitna sa katabi ni Khielve at Yasmine.
"Jacob hindi ko pa alam ang steps."
"Okay lang yan enjoy nalang natin." Ginaya nalang ni Kyrene at Jacob ang position ng iba.
Nakahawak si Kyrene sa kamay ni Jacob at ang isang kamay sa malapit sa laylayan ng dress niya.
Nagtinginan si Kyrene at Jacob at natawa ng mahina ng magsimula ang tugtog.
Bwesit na bwesit naman si Khielve na hindi na maipinta ang mukha, parang anytime mananapak na ito.
Tawa ng tawa si Kyrene at Jacob dahil sa mali-maling steps nila. Hanggang sa palitanan na ng partner paikot.
Nagpaikot sila hanggang sa umabot siya kay Simon.
"You're dead Kyrene." Simon says.
"Huh?" Yun lang nasabi ni Kyrene at nagpalit na naman, si Zion naman.
"Tsk tsk tsk! Lagot ka! Lumabas na ang pangil." Zion says and smirk. Nangunot ang noo ni Kyrene. Si Kenneth naman.
"May sasabihin ka?" Tanong agad ni Kyrene. Nagkibit ng balikat si Kenneth.
"Be ready?" Patanong ang tono ni Kenneth.
"Ang weird niyo." Palit uli ng partner at si Khielve naman ang partner niya.
Ngumiti si Kyrene kay Khielve pero hindi ito ngumiti, tinitigan siya nito sa mata. Masama ang tingin sakanya at seryoso a g mukha. Palit uli ng partner.
"Problema n'on?" She muttered. Balik siya kay Jacob.
"Enjoy diba?" Jacob asks.
"Oo, kahit mukha tayong tanga enjoy naman." Natawa pa ang dalawa. Hanggang sa matapos ang sayaw.
"Okay! I think sa susunod makukuha niyo na Jacob and Kyrene. You look cute together, mukha kayong ewan. Ahaha!" Sabi ni Gino at natawa pa.
Nagtawanan naman ang iba maliban syempre kay Khielve. Lumapit si Ms. Brizalde.
"Kyrene, si Jacob nalang ba escort mo?" Tanong ni Ms. Margarita.
"Po" Tumingin si Kyrene kay Khielve, pero hindi ito tumingin sakanya. Lalo namang umangkla si Yasmine sa braso nito.
"So kayo nalang ang partner ah! Anyway, mauna na ako sainyo ah. May gagawin pa ako eh." Lumapit ito at humalik kay Kyrene at Yasmine bago nagpaalam sa iba at umalis.
Inulit nila ang sayaw, nagawa naman nila. Hindi man perfect pero mas maayos kesa sa una.
Ginawa nila ang simula, mula sa introduction, pagrampa ng mga 18 candles at pagsayaw ng 18roses.
"Okay guys, sa susunod na araw naman ang practice. Good job Kyrene, nakuha mo agad ang steps." Bati sakanya ng choreographer.
"Salamat" tipid niyang sagot. Pumunta siya sa upuan niya kung nasan ang bag niya at kinuha niya. Kasunod naman niya si Jacob.
"Jacob, pwedeng akin nalang to?" Sabi ni Kyrene kay Jacob, ang tinutukoy niya ang magazine.
"Sayo talaga yan, meron na ako niyan. Next week, yung billboard mo na ang makikita mo sa Edsa."Nakangiting sabi ni Jacob.
"Totoo!? Wow!" Bulalas ni Kyrene na napalakas pa ang boses. Kaya nagtinginan sakanya ang lahat
"Ahahaha! Ang cute mong ma'excite." Natawa ng malakas si Jacob. Napangisi nalang si Kyrene.
"Sasama ka pauwi o magpapaiwan ka?" Napalingon si Jacob at Kyrene kay Khielve.
"Syempre sasama" Sagot ni Kyrene. Hindi na ito sumagot at tinalikuran na sila.
"Sige Jacob, una na ako. Nga pala pakisabi kay Lucas sama ko siya sa 18roses."
"Sige sabihin ko. Ingat." Umalis na ito at patakbong sinundan si Khielve na papalabas na.
"Khielve!" Tawag ni Kyrene pero hindi siya pinansin nito tuloy-tuloy papuntang sasakyan. Narating niya ang sasakyan ni Khielve, pero nakasakay na si Khielve.
"Goodluck Kyrene!" Sabay na sabi ni Simon at Zion na nasa parking na rin.
"Salamat kahit hindi ko alam kung para saan. Kanina pa kayo, ang weird niyo." Malakas na tawa lang ang sinagot sakanya ng dalawa. Nailing nalang siya.
"Bye Tricia, bye Jelian." Kumaway pa siya dito bago pumasok. Sumakay na rin si Janilin sa sasakyan niya.
"Khielve, tignan mo tong magazine." Pinakita ni Kyrene kay Khielve ang magazine.
Ang cover dapat ang ipapakita niya dito pero nabitawan niya ang ibang pages kaya bumungad kay Khielve ang sweet photo nila ni Jacob na magkaharap ang katawan. Nakahawak si Jacob sa bewang niya at Nakahawak si Kyrene sa balikat ni Jacob.
Nakatawa si Kyrene habang si Jacob seryosong nakatingin sa mukha ni Kyrene.
"Bagay kayo" He gritted his teeth in irritation. Sabay tingin sa unahan at agad na pinaandar ang sasakyan. Tinignan ni Kyrene ang magazine.
"Anong problema? Masama ba pakiramdam mo? Napagod ka?" Sunod-sunod na tanong ni Kyrene. Pero hindi siya nito sinagot.
*****
Brizalde's mansion:
"Hi mom. What's that?" Tanong ni Yasmine sa mommy niya na nasa living room. May nakita itong dalawang malaking box.
"Hi Yas! How's the practice naging okay ba ang lahat? Nakuha na ba ni Kyrene ang steps?" Umupo siya sa tabi ng mommy niya.
"Okay naman! Wow! Nag online shopping ka? Is that for me?" Tanong ni Yasmine ng makita ang sender ng package ng isang sikat na international online shop.
"Umm.. no honey! for Kyrene. Shoes and bags lang naman to eh. But if you want pwede ka kumuha, madami naman to eh." Biglang nawala ang ngiti ni Yasmine.
"Never mind!" Sabay tayo nito at patakbong umakyat sa taas.
Papasok na sana ito sa kwarto pero natigilan ng makita na may nagaayos sa guess room. Lumapit siya dito.
"Hi Yasmine." Bati ni Geline.
"Ano yan ate Gelline? Bakit ni mommy pinapaayos ang guests room?"
"Yan na kasi ang magiging kwarto ni Kyrene, kaya pinapaayos na ng mommy mo."
"What? Bakit kailangan pag isahin ang dalawang kwarto." Irita na naman ito.
"Masyado daw kasing maliit ang isa. Gagawin daw walk in closet ang isang kwarto. Ayan nga ang daming kinuhang gagawa kasi gusto ng mommy mo matapos agad, very soon daw kasi dito na titira ang twin sister mo." Umalis si Yasmine na iritang - irita at pumasok sa kwarto niya. Kinuha nito ang unan niya at pinaghahampas.
"Bwesit ka talaga Kyrene! Bwesit! Bwesit!Aaah! " Umupo ito sa kama.
"Pag sisisihan mo ang pagtira mo dito! Tandaan mo yan. Aaah!" Sabay tapon sa unan. Halos humahangos ito sa galit. Bwesit pa ito lalo dahil ayaw na ni Khielve maging escort niya.
****
Montillo's mansion:
Pumasok si Kyrene sa kwarto ni Khielve. Nakita niya ito nakaharap sa laptop niya. Lumapit siya dito.
"Khielve tara kain na tayo." Aya niya dito, pero hindi ito nagsalita. Lumapit siya sa likod nito at yumukod.
"Khielve kain na tayo." Niyug-yog. Ito ni Kyrene sa balikat.
"I have so many things to do, just let me be alone." Khielve says, expression less.
"Mamaya mo na yan tapusin, kumain na muna tayo." Aya niya uli dito.
"I'm full Kyrene, if you're hungry, then just go down and eat." Walang ganang sabi nito na nakatingin parin sa laptop. Umupo si Kyrene sa kama.
"Khielve mag tagalog ka nga! Alam mo ba si Jacob ang tatas niyang managalog, impressive, kahit sa America siya halos lumaki."
"EDI PUNTAHAN MO SIYA AT SAKANYA KA MAKIPAGUSAP! Bakit ako ang kinakausap mo? Impressive pala siyang kausap." Napawak si Kyrene sa bibig niya at nagulat dahil napalakas ang boses nito at salubong ang kilay.
"Anong problema mo? Bakit sinisigawan mo ako?" Tanong ni Kyrene.
Humarap lang uli si Khielve sa laptop. Tumayo si Kyrene at tumayo sa likod ni Khielve. Sabay malakas na tulak sa ulo nito. Lumingon sakanya si Khielve.
"What's with you?" Iritang tanong ni Khielve.
"Mukha mo! Sinigawan mo kaya ako."
"D'on ka sa poging Jacob mo. Enjoy kang kausap siya diba?" Sabay tingin uli sa laptop. Pero mabilis na ini'scroll- scroll lang nito ang mouse. Napaawang ang bibig niya.
"Ahahahaha!" Nagtatatawa si Kyrene at binagsak ang katawan sa kama. Tumingin sakanya si Khielve.
"Anong nakakatawa Kyrene?" Irita parin ito. Umupo si Kyrene na tumatawa parin.
"Ahaha! Nagseselos ka ba kay Jacob?"
"Hindi!" Sabay harap uli nito sa laptop. Hinatak ni Kyrene ang upuan nito na may gulong at hinarap sakanya.
"Nagseselos ka eh. Ahahaha!" Tumayo si Kyrene at hinatak si Khielve patayo.
"Halika dali!" Pinagtulakan niya ito sa salamin at pinaharap sa salamin.
"Tignan mo ang mukha mo! Ahaha! Ang cute cute mong magselos. Sandali nga." Kinuha ni Kyrene ang cellphone. Pinicture'ran niya si Khielve.
"Anong ginagawa mo?" Tinulak ni Khielve ang kamay niya. Pero kinuhan niya uli ito.
"Ahahaha! Ang cute ng boyfriend kong magselos. Ahaha!" Humiga uli siya sa kama at shinake pa nito ang dalawang paa na tawa ng tawa habang nakatingin sa cellphone.
Napangiti nalang si Khielve dito habang nakatingin kay Kyrene na tawa parin ng tawa.
"Baliw! Tumigil ka na." Pero tawa parin ito ng tawa.
"Ayaw mong tumigil ah!"
"Aaaahhh! Ahahaha! Wag Khielve waaaagggg!" Dinagan siya ni Khielve at kiniliti ng kiniliti sa tagiliran. Tawa din ng tawa si Khielve habang si Kyrene sigaw ng sigaw.
"Ayoko naaa!"
"KHIELVE! ANONG GINAGAWA MO KAY KYRENE!" Tumigil si Khielve at lumingon sa pinto dahil sa pagsigaw ng mommy niya. Tinulak ni Kyrene si Khielve at tumayo bigla.
"Kyrene! Okay ka lang ba? Anong ginawa sayo ni Khielve?" Lumapit agad ang mommy ni Khielve kay Kyrene at hinawakan ang mukha ni Kyrene.
"Wala po" Mabilis na sagot ni Kyrene.
"Khielve anong ginagawa mo?" Pinangdilatan siya ng mommy niya. Tumayo si Khielve.
"Wala! O.A mo talaga minsan mommy." Natatawang sabi ni Khielve.
"Anong o.a! Nagsisigaw si Kyrene eh." Pinalo nito si Khielve sa braso.
"Mommy! Wala akong gagawin kay Kyrene, alam ko iniisp mo. Mataas ang respeto ko sakanya. Kahit ikulong mo kami sa kwarto ng buong isang linggo wala akong gagawin dito." Sabay akbay kay Kyrene.
"Yun lang kung..." Binitin niya ang sasabihin niya at tumingin kay Kyrene.
"Kung siya ang manunukso sakin." Nakangiting sabi ni Khielve. Nanglaki ang mata ni Kyrene sa sinabi nito.
"Ahahaha! Mas cute ang itsura mo oh! Ahaha! Tara na nga babes!" Sabay hila sakanya palabas ng kwarto na nakaakbay parin. Napangiti nalang ang mommy niya. Habang sinsusundan ng tingin ang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top