CHAPTER 51

Bar:

"Kyreeeene!" Tili ni Tricia pagkakita kay Kyrene. Tumayo ito at nagbeso sakanila ni Janilin, ganun din si Jelian. Umupo sila na magkatabi ni Janilin, katabi ni Jelian si Simon na sobrang sweet pero hindi pa naman sila. Si Zion naman at Tricia ang magkatabi.

"Kyrene bakit hindi mo kasama si Khielve?" Tanong ni Simon.

"Busy yun." Sagot niya na hindi man lang ngumingiti. Wala din si Kenneth.

"Buti pinayagan kang pumunta?" Simon

"Bakit naman hindi? Tsaka hindi ko kailangan mag paalam sakanya." Sabay kuha ng san'mig at sinalin sa baso at ininom agad. Nagtinginan ang lahat dito.

"May problema ba?" Tanong ni Tricia, tumingin si Kyrene at nag shrugged lang ito sabay inom uli.

Wala naman siyang balak lumabas pero mas pinili nalang niyang lumabas kesa masiraan siya kakaisip.

"Janilin mag juice ka lang ah. Papagalitan ako ni tita." Sabi niya dito.

"Oo ate" Sagot nito.

"Kyrene!" Halos napatingin ang lahat sa tumawag sakanya.

"Jacob, hi." Bati niya dito at tumayo.

"Hi Kyrene" Bati ng kasama nito.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Jacob kahit si Kyrene nagtaka din.

"Of course, school mate kami. Ikaw pa'no mo siya nakilala?"

"Nagkasama kami sa isang modeling project."

"Sa K.Y ka din nag-aaral?" Tanong niya sa kasama ni Jacob.

"Oo, 4th year."

"Pa'no mo siya nakilala 4th year ka pala?" Jacob asks

"Sikat siya sa school eh." Sagot nito.

"Wow! Talaga, sabagay hindi naman malayong mangyari, a gorgeous like you, no wonder."

"Naku Jacob napaka bolero mo talaga."

"Nga pala I'm Lucas, Jacob's cousin." Inalok nito ang kamay niya at nakipagkamay naman siya dito.

"Siya nga pala mga kaibigan ko... Si Simon, Jelian, Zion, Tricia and Janilin.. Guys ito si Jacob nakasama ko siya modeling, kahapon ko lang siya nakilala at si Lucas." Nakipag kamay ang mga ito.

"Can we join you? kami lang din kasing dalawa eh." Jacob says. Tumingin siya grupo.

"Okay lang ba sainyo na dito nalang sila?"

"Sure!" Sabay-sabay ng ilan except two boys. Tumingin uli siya kay Jacob.

"Okay lang." Umupo ang dalawa at si Kyrene, tumabi si Lucas kay Janilin at Jacob kay Kyrene.

"Mahilig ka rin palang mag bar Kyrene." Jacob. ngumiti si Kyrene.

"Hindi naman, inaya lang ako nila Tricia." Sagot niya at uminom uli ng san'mig.

"Malakas ka pala uminom."

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi, na pangalawang beses ko palang nagpunta sa ganitong lugar at uminom." Ngumiti si Jacob.

"Of course, maniniwala ako, I trust your judgement." Ngumiti lang uli si Kyrene at uminom.

"Kyrene! Nakakadami ka na. Baka malasing ka niyan." Saway ni Tricia dito. Hindi sumagot si Kyrene uminom lang uli.

"Okay din pala ang uminom, paminsan- minsan, nakakarelax." Kyrene says.

Narerelax nga ba ako? Parang hindi naman! Basta gusto ko pag uwi ko tulog agad ako. -Her thought sabay inom uli.

****
"Hay salamat natapos din." Nagunat-unat si Khielve ng braso. Tinignan niya ang wrist watch niya.

"10:30" Anas niya sabay tayo. Inayos lang niya ang gamit niya tsaka lumabas ng kwarto. Nag punta siya sa kwarto ni Kyrene at kumatok.

"Kyrene! Kyrene!" Katok uli siya, pero walang nagbubukas.

"Tulog na siguro." Sinubukan niya pihitin ang siradora ng pinto. Bukas naman kaya binuksan niya.

Madilim sa loob, kinapa niya ang switch ng ilaw sa may pinto at binuksan.

"Asan yun?" Pinatay niya uli ng makita niyang wala sa kwarto si Kyrene. Pumunta siya sa baba, tinignan niya sa living room, kitchen, sa may pool area, sa cabana at sa ibang parte ng bahay wala ito. Umakyat uli siya.

"Baka nasa kwarto ni Janilin." Anas niya habang papaakyat ng hagdan.

Pumunta siya ng kwarto ni Janilin at kinatok, pero wala din nagbukas kaya binuksan niya ang pinto at ilaw. Kumunot ang noo niya ng makitang wala rin si Janilin, sinara niya uli ang pinto.

"Asan sila?" saktong lumabas naman ang mommy niya sa kwarto.

"Khielve, tapos ka na ba sa ginagawa mo?"

"Mom.. tapos na po." Sagot niya.

"Mom, where's Janilin? Wala din kasi si Kyrene eh."tanong niya sa mommy niya.

"Hindi ba nagpaalam sayo?"

"Paalam" He repeats

"They went out, nagpaalam sakin, mag-b'bar daw sila."

"WHAT!? Mommy naman bakit niyo po pinayagan? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Inis na inis na sabi ni Khielve na ikinagulat ng mommy niya.

"You're over reacting Khielve. Pwede ba, let Kyrene enjoy her life. Kung umasta to! Don't be so over protective, hindi maganda yan."

"Mom, you have no idea kung ano ang nangyayari sa mga bar. Babae ang mga yun, paano kung uminom yun at malasing, mababastos yun do'n." Irita parin ito.

"Oh my god! Ganun ba? Puntahan mo na, bilis! Baka mapatay ako ng mga magulang ng mga batang yun." Biglang nataranta naman ito.

"Sigurado sila Tricia kasama no'n." Agad siyang pumasok sa kwarto at kinuha ang cellphone niya at tinawagan agad si Simon.

"Hello Simon, nandiyan ba sila Kyrene?" Tanong agad niya.

"Yes bro, bakit hindi mo to sinamahan?"

"Hindi ko nga alam eh, hindi yan nagpaalam."

"Ganun ba, If I were you, puntahan mo na, may umaaligid na dito oh, lasing na lasing na rin, ayaw magpaawat sa pag inom."

"What? Pambihira naman oh! Bakit hindi mo paalisin."

"Kakilala niya daw to eh."

"Sino?"

"You wanna see?"

"Please" he begs

"Okay, I'll hang up first." Namatay ang linya, pinatong niya sa kama ang cellphone at agad siyang pumunta sa closet para kumuha ng damit. Habang nagbibihis, tumunog ang cellphone niya. Sinuot niya muna ang t'shirt bago niya kinuha ang phone. MMS received. Binuksan niya nakatawa si Kyrene at may kausap na lalaki.

"Ito yung model ah. Talagang ang saya pa niya. Naku! Kyrene." Kinuha niya ang susi ng sasakyan at agad na lumabas.

***

"Kyrene lasing ka na." Kinuha ni Jacob ang baso dito at nilapag sa lamesa.

"Hindi ako lashing!" Hindi na maayos ang pagsasalita ni Kyrene na talagang lasing na.

"Hoy Kyrene! You're drunk. Tumigil ka na nga. Do you have a problem?" Alalang tanong ni Tricia.

"Wala" Kinuha ulit ni Kyrene ang baso at iinumin sana ng biglang may umagaw nito sakanya. Tinignan ito ni Kyrene.

"Enough!" Tiim bagang na mukha ni Khielve ang nakita niya. Ngumisi lang si Kyrene. Kukunin niya sana ang baso kay Khielve pero iniwas nito.

"Isa ka pa eh! Bakit kaba nangingialam?" Inis na sabi ni Kyrene na pinagtaka ng iba, pero hindi na maayos ang salita nito.

"Let's go! uuwi na tayo." Hinawakan ni Khielve ang kamay nito pero agad na binawi ni Kyrene.

"KYRENE! Anong problema mo ba?" Inis na talaga si Khielve dito.

"Pare excuse me lang ah. Ayaw niya ata eh." Lalong nabwesit si Khielve sa pagsalita ni Jacob.

"Excuse me din pre, pwede ba akong makaupo sa tabi ng GIRLFRIEND KO." Punong-puno ng sarcasm at lahat may diin ang bawat salita lalo na ang girlfriend ko. Umusog naman ito at umupo si Khielve sa tabi ni Kyrene.

Hinawakan ni Khielve ang pisngi ni Kyrene at pinaharap sakanya.

"Kyrene! Ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi ka nag paalam? Bakit ka naglalasing?" Inis parin ang boses nito. Hinawakan ni Kyrene ng dalawang kamay ang mukha niya.

"Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko." Lasing na lasing ang boses nito, naniningkit pa ang mata nito.

Dinikit pa ni Kyrene ang mukha sa leeg ni Khielve at dinikit ang labi dito. Para namang nagsityuan ang balahibo niya batok sa ginawa nito.

"Ang bango-bango mo pa." Napangiti si Khielve sa ginagawa nito.

"Ahaha! ang bilis mo pala mapaamo bro. Konting lambing lang ni Kyrene wala agad ang galit ah." Natatawang sabi ni Zion.

"Halika na uuwi na tayo." Malambing na ang boses nito at hinawi pa ang buhok niya. Pinatayo na siya nito, pero sinubsob lang ni Kyrene ang mukha sa dibdib ni Khielve. Niyakap nalang siya ni Khielve.

"Mauna na kami sainyo, kayo Tricia ah! Naku!" Dinuro pa ni Khielve si Tricia. Tumawa ng malakas si Tricia.

"Ikaw ang hilig mong mang sisi. Siguro may ginawa ka d'yan kaya yan nagkakaganyan." Sabi ni Tricia

"Wala akong ginawa. Mauna na kami... Let's go Janilin." Tumayo si Janilin.

"I'll go ahead, it's nice to meet you Lucas." Tumayo din si Lucas.

"It's nice to meet you too. Um.. I'll text you nalang ah." Lucas says, tumango at nagsmile lang si Janilin at umalis na sila, pasuray-suray sa paglalakad si Kyrene habang nakapulupot ang braso ni Khielve dito.

"Janilin do'n kana kay Mang Nestor sumakay." Utos ni Khielve.

"Sige" Sagot nito at nagpunta sa sasakyan. Binuksan ni Khielve ang pinto ng sasakyan at pinasakay ito.

"Careful, mauuntog ka." Hinawakan ni Khielve ang ulo nito at pinasakay. Inayos niya ito ng upo at kinabit ang seatbelt. Tinitigan ni Khielve si Kyrene.

"Ano bang problema Kyrene?" Sabi nito habang nakapikit si Kyrene. Hinaplos nito ang noo niya papuntang ulo at hinalikan sa labi tsaka sinara ang pinto.

*****

Narating nila ang bahay nila. Agad siyang bumaba at pumunta sa gawi ni Kyrene at binuksan ang pinto.

"Kyrene wake up, nandito na tayo." Ungol lang ang sinagot ni Kyrene dito.

Tinanggal nalang ni Khielve ang seatbelt at pilit nilabas si Kyrene at binuhat nalang niya ito. Pinasok niya ito sa bahay at umakyat sa hagdan. Umungol si Kyrene at dumilat ng maramdaman niyang parang dinuduyan siya.

"Wag kang malikot, baka malaglag tayo." Humawak si Kyrene sa balikat ni Khielve ng payakap at hinilig ang ulo sa dibdib nito. Napangiti lang si Khielve.

"Pasaway kang babae ka. Humanda ka sakin bukas." Pinasok niya ito sa kwarto at hiniga sa kama. Binuksan niya ang lampshade. Lumapit uli siya dito at umupo.

Tinukod niya ang braso niya sa unan at tinitigan si Kyrene at hinaplos ang pisngi niya. Dumilat si Kyrene ng bahagya at ngumiti kay Khielve

"I love you Khielve." Anas ni Kyrene at hinawak pa nito ang isang kamay sa pisngi nito.

"I love you too Kyrene. Ang ganda ganda mo." Paanas din na sabi niya. Marahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha nito at hinalikan sa labi.

Naramdaman niya ang pagtugon ni Kyrene kaya ang dapat na damping halik lang tumagal. Hinawakan niya ang pisngi nito at bahagya pa siyang lumapit dito.

It starts with a soft and gentle kisses, habang tumatagal at lumalalim ang halik nila. A lingering kiss turns into a french kiss.

Exploring with each other's mouths, dalang-dala na si Khielve sa malalim na paghalik dahil sa pagtugon ni Kyrene na walang pag aalinlangan.

His lips move to her chin, down to her Jaw, skimmed down her throat hangang sa leeg niya, hinapit pa niya si Kyrene palapit sakanya. He's exploring around her neck with his lips side by side. Pero bigla siyang tumigil.

"Shit! Anong iniisip ko?" He mumbled against her neck. Umangat siya ng mukha at tinignan si Kyrene na tulog na.

"Pambira ka Kyrene! Anong ginagawa mo sakin?" Hinatak nalang niya ang comforter at kinumutan niya ito.

"Naku! Pasalamat ka at hindi ako nakainom. Kung parehas tayong nakainom ewan ko lang kung saan na to nauwi." Tinitigan niya uli ito. Huminga siya ng malalim.

"Pero hindi, mahal na mahal kita at hindi ako gagawa ng kalokohan. Mataas ang respeto ko sayo." Huminga siya ng malalim.

"Pero pambihira ka ang galing mo palang humalik pag lasing." Nahilamos niya ang palad niya sa mukha niya. Hinalikan niya ito sa noo tsaka tumayo at lumabas.

Pumasok siya sa kwarto at humiga. Inunan niya ang dalawang niyang kamay.

Nakadilat lang siya at nakatingin sa dilim, napangiti siya ng maisip ang mga ginawa ni kyrene kanina sa bar at ang halikan nila.

****

Nagising si Kyrene na masakit ang ulo niya. Pagpaling niya ng ulo sa kabilang side. Isang bouquet ng bulaklak ang nakita niya. Napangiti siya. Umupo siya kinuha ang bulaklak, tinignan niya ang card.

[ For my beautiful girlfriend. Good morning seniorita ko, I love you.]

Napangiti siya pero bigla naman niyang naalala ang tungkol kay Yasmine. Binaba niya ang bulaklak sa kama at tumayo. Kinuha niya ang alarm clock sa lamesa at tinignan.

"10 o'clock na. Tsk. Tanghali na, nakakahiya naman, hindi na ako nakatulong sa gawain." Binababa niya uli ang alarm clock at nagpunta ng banyo. Nagayos lang siya ng sarili at nagbihis at lumabas ng kwarto. Nakita niya si Manang Betty na nagpupunas sa sala sa taas.

"Manang Betty, pasensiya na po tinanghali ako ng gising. Ako na po magtutuloy niyan."

"Naku Kyrene hindi na, tapos na rin naman. Tsaka ayaw ka na rin patulungin dito ni Ma'am, tsaka ni seniorito, hindi kana bagay magtrabaho, prinsesa ka kaya." Nakangiting sabi ni Manang Betty.

"Manang talaga." Ngumiti lang sakanya si Manang. Umupo nalang siya sa isang couch na nando'n. Pinikit niya ang mata niya.

Tama nga sila! Hindi solusyon ang alak sa problema. Makakalimutan mo sandali dahil sa kalasingan, pero babalik din pag matino na ang utak mo. Haist! Kainis naman kasi... - Natigil siya sa pagiisip at napadilat ng maramdaman niyang may humaplos sa pisngi niya.

Si Khielve nakayukod sakanya. Nakahawak ang isang kamay sa tuhod at ang isang kamay sa pisngi niya.

"Good morning, hindi ba sumakit ang ulo mo?" Nakangiting tanong nito. Umiling lang si Kyrene. Umupo si Khielve sa harap niya na pa'squat.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam at naglasing ka pa?" Tanong ni Khielve.

Pambihira talaga! kung makapag tanong ng salitang paalam.. akala mo siya marunong mag paalam. - Nakatitig lang siya kay Khielve habang iniisip yun.

"Hoy!" Hinawakan ni Khielve ang kamay niya at bahagyang niyug-yog. Umiling lang siya at tumayo sabay alis. Napapikit si Khielve sabay tayo at hinabol si Kyrene. Hinawakan niya ito sa braso at hinarap.

"Kyrene magusap nga tayo! Ano ba talagang problema mo? Sabihin mo naman, hindi yung ganito, ang tahimik mo, puro ka iling. God kyrene! hindi ako manghuhula." Tuloy-tuloy na sabi niya.

"Meron ka bang sasabihin? O gustong sabihin?" Walang ka ngiti-ngiting sabi ni Kyrene.

"Wala. Ikaw ang tinatanong ko."

"Edi wala tayong pag-uusapan, wala ka palang sasabihin eh." Sabay talikod ni Kyrene, pero pinigil siya uli nito.

"Kyrene naiinis na ako. Napipikon na talaga ako." She gritted her teeth in anger and irritation as she heard him saying those words.

"Mas naiinis at napipikon ako sayo. Man-manloloko." Pumiyok ang boses niya na parang gusto na niyang maiyak.

"Ako manloloko? Pa'no? Kailan?" Gulong-gulong tanong nito. Lalong parang nainis si Kyrene.

"WALA!" Napalakas na ang boses.

"What's going on here? Are you fighting?" Sabay silang napalingon sa mommy ni Khielve.

"No mom/opo." Sabay ni Khielve at Kyrene. Binigyan sila ng tingin ni Mrs. Bettina na parang nagtatanong na 'Ano ba talaga?'.

"Hindi! Ikaw lang naman ang nang aaway sakin eh, hindi ako." -Khielve

"Kasi manloloko't sinungaling ka." Naiiyak na talaga si Kyrene pero pinipigil niya talaga.

"Khielve! Anong ginawa mo?" Pinangdilatan ito ng mommy niya.

"Nothing mom! Wala akong natatandaan na kasalanan ko sayo. Ikaw pa nga ang umalis kagabi na hindi nagpapaalam, nagalit ba ako sayo? Binigyan pa nga kita ng bulaklak." Tuloy-tuloy nitong sabi.

"Sinungaling! Hindi ka umuwi nung isang gabi, magkasama kayo ni Yasmine magdamag." Sabay talikod ni Kyrene at pumasok sa kwarto.

"Haist!pambihira naman, yun pala yun." Marahas niyang nahilamos ang kamay niya sa mukha niya.

"KHIELVE! Anong ginawa mo?" Hinampas ito ng mommy niya sa braso.

"Wala mom!" Sabay alis nito at sinundan si Kyrene. Kumatok siya sabay pihit sa door knob.

Nakita niyang nakaupo si Kyrene sa kabilang side ng kama nakatalikod. Sinara niya ang pinto at nilapitan niya agad ito. Umupo siya sa tabi nito, umiwas ng tingin si Kyrene pero hinawakan ni Khielve ang balikat nito at pinaharap.

"Haist! Wag kang umiyak." Agad nitong hinawakan ang mukha niya at pinunas ang luha nito.

"Kyrene makinig ka, ipapaliwanag ko.".

"Ngayon magpapaliwanag ka! Ang tagal kung inantay na mag paliwanag ka ng kusa." Umiiyak ito.

"Sorry! Nakalimutan ko, tsaka wala naman kasi yun. Tinawagan ako ni Bianca, lasing daw si Yasmine ayaw uwuwi, kaya pinakiusapan akong sunduin ko sa bar. Hindi na ako nakapag paalam sayo, dahil alam ko tulog kana." Mahabang paliwanag niya.

"Sinundo at hinatid mo siya, inabot ka ng umaga." Inis parin si Kyrene.

"Kasi ayaw niyang umuwi, kung ipipilit daw namin na iuwi siya, iwan nalang daw siya na hindi ko naman kayang gawin. Eh kung mapahamak."

"Tapos! Saan mo siya dinala?" Kumalma na ng bahagya si Kyrene.

"Ano sa... um.. sa hotel!" Boogssh! Malakas na tulak ang ginawa ni Kyrene. Kaya nahulog ito at napaupo sa sahig.

"Bwesit ka talaga!" Tumalikod si Kyrene.

"Ang brutal mo ah! Ang sakit no'n ah."Agad na tumayo si Khielve. Pa'squat itong umupo sa harap niya at hinawakan ang kamay niya.

"Kyrene naman wag kang mag isip ng masama, natulog lang siya. Ako sa couch umupo. Kyrene hinding-hindi kita lolokohin ano kaba?" Tumingin dito si Kyrene na may luha sa mata.

Tumayo si Khielve at umupo sa tabi niya at pinaharap uli siya.

"Wala ka bang tiwala sakin?hmm!" Tanong niya at hinawakan ang baba niya.

"Meron, pero kay Yasmine wala. Alam mo naman ang lakas ng tama no'n sayo kasing lakas ng sapak niya ulo." Napangiti ng husto si Khielve. Tumayo ito.

"Halika ka." Pinatayo din siya. Umupo ito sa couch at hinila siya paupo sa hita nito at agad na niyakap.

Hinawakan ni Khielve ang ulo niya at pinahilig sa may balikat niya.

"Selosa naman oh! Bakit kasi hindi ka nagtanong?" Malambing na sabi niya.

"Kailangan bang itanong ko, dapat ikaw ang nagsasabi agad. Hindi ka pa nadala sa nangyari satin nung una. Nag-aantay lang ako ng paliwanag mo."

"Okay, I'm sorry, it was my fault. Pasaway ka! Ganun ka pala magselos ang tahimik mo. Ako tuloy yung parang armalayt ang bibig, mukhang nag kapalit tayo ah." Napangisi ito. Napangiti na rin si Kyrene at yumakap.

"Pa'no mo pala nalaman? Sino nagsabi sayo na kasama ko si Yasmine?" Khielve asks

"Si Yasmine, sabihin ko daw sayo na salamat sa pagbabantay mo sakanya." Sabi ni Kyrene sabay ingos. Napangiti lang si Khielve dito at dinampian siya ng halik sa noo.

"Ikaw, wag ka ng iinom uli ah. magagalit na talaga ako sayo, mapapahamak ka sa ginagawa mo. Pa'no kung hindi ako dumating kagabi? Sigurado natsansingan ka na no'ng panget na yun?" Umangat ng ulo si Kyrene at tumingin dito.

"Sinong panget?"

"Yung model, ano ba pangalan no'n?"

"Si Jacob? Panget ba yun? Gwapo kaya yun, tsaka mabait yun."

"Ganun! Na g'gwapohan kana sa iba?" Pagtatampo nito kunyari.

"Mas gwapo ka parin do'n." Napangiti si Khielve..

"Wag ka na iinom ah! Mag promise ka. Mapapahamak ka sa pag-inom, hindi mo alam ang ginagawa mo eh."

"O.A naman" Humilig uli siya dito.

"Anong o.a? Bakit alam mo ba ang ginawa mo sa bar kagabi?"

"Ano ba?"

"Sabi mo lang naman sakin na ang gwapo-gwapo ko sa harap ng lahat, at inamoy amoy mo pa ang leeg ko." Napaangat uli ng ulo si Kyrene.

"Gumagawa ka ng kwento eh."

"Of course not! Kahit itanong mo pa kila Simon." Nag isip si Kyrene ng bahagya. Humilig nalang uli kay Khielve.

"Yun lang?" Pagkway tanong niya.

"Alam mo rin bang binuhat kita kagabi mula sa kotse hanggang kwarto?" Tanong niya uli. Napangiti si kyrene.

"Ginawa mo yun?" Tumingin siya dito na nakahilig parin sa may balikat nito malapit sa dibdib. Tumingin sakanya si Khielve at ngumiti at bahagyang tumango.

"Yun lang naman pala eh. Ayaw mo ba no'n naging sweet ako sayo kagabi." lumapad ang ngiti ni Khieve.

"Oo, ang sweet mo at ang galing mong humalik paglasing." Nangunot ang noo ni Kyrene. Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Khielve.

"See, hindi mo maalala na nagkiss tayo kagabi? Pasalamat ka at may self-control ako, kung hindi baka kung saan nauwi yun, pero muntik na ah." Napaawang ang bibig ni Kyrene na parang naguguluhan sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"We were kissing intimately last night, actually ikaw nagsimula, simple kiss lang naman sana ibibigay ko sayo pero..." Tumigil ito ng bahagya, nagaantay naman si Kyrene.

"Pero hinalikan mo ako ng french kiss." Bulong niya sa tenga nito. Napaawang ng husto ang bibig ni Kyrene. Umangat uli siya ng ulo.

"French kiss. Diba yun yung wild na kiss?" Ngumiti siya at tumango.

"Hoy ah! Yan gawa-gawa mo nalang yan sigurado."

"Of course not! Kaya nga sabi ko sayo na wag kang iinom. Muntik na kaya tayo kagabi, nakapag control..aaah!" Hinampas ni Kyrene ang dibdib nito.

"Anong nangyari? Anong muntik na? Pa'no?" Nanglaki ang mata niya at nakaawang parin ang bibig niya na parang may naisip.

"Ikaw! Anong ginawa mo sakin. Siguro may tsinansingan mo ako? nakakainis--

"Ssshh! Wala! Ahaha! Ayan ka naman eh." Niyakap niya uli ito.

"Nagkiss lang tayo, tapos, bumababa ang halik ko sa." He paused for a moment. Umangat uli siya ng ulo.

"SAAN?" Napalakas na ang boses ni Kyrene kaya tumawa ng malakas si Khielve.

"Sandal ka lang kasi." Pinasandal uli ito. Nilapit niya ang bibig sa tenga nito.

"Sa leeg mo!" Bulong niya.

"Yun lang! Tumigil ako, kasi n'rerespeto kita, hindi ako gagawa ng kahit na anong kalokohan, pero kung gusto mo naman pwede natin gawin yun. Pero dapat hindi ka lasing." Nakangising sabi niya.

"Tumigil ka nga!" Sinubsob ni Kyrene ang mukha niya sa may balikat nito. Natawa ng mahina si Khielve at hinaplos ang likod ng ulo niya. Umangat siya ng ulo.

"Halika na labas na tayo." Aya ni Kyrene.

"Mamaya na, namiss kita eh." Pinasandal uli siya nito.

"Nakakahiya sa mommy mo, nasa kwarto tayo khielve. Baka kung anong isipin no'n."

"Edi sabihin natin gumagawa tayo ng apo niya. Matutuwa yun."

"Khielve umayos ka nga." Natawa lang ito at hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.

"Mahal na mahal kita! Pag nagseselos ka, sasabihin mo agad ah." Hinawakan nito ang baba niya at inangat.

"Ang cute mong magselos." Binigyan siya ng smack kiss nito at niyakap uli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top