CHAPTER 5
Habang busy si Khielve sa pagkuha ng mga larawan, si Kyrene naman busy sa pagkain ng kung ano-ano na nabibili sa daan, cotton candy, dirty ice cream at iba pang street foods.
"Hi, manila boy ka?" May babaeng lumapit kay Khielve habang kumukuha siya ng picture.
"Yeah" Tipid niyang sagot.
"I'm Carol." The girl said and offered her hand to shake, tinanggap naman ito ni Khielve at nagkamay sila.
"Khielve" Pakilala niya.
"Ito nga pala ang mga kaibigan ko." Pinakilala ng babae ang mga kaibigan niya.
"Saan ka pala nakatira dito?" Tanong uli ng babae na grabe ang pagpapacute na may kasamang ipit ng buhok sa likod ng tenga.
"Diyan lang sa malapit." Sagot niya.
"Saan?"
"Hoy kulugo! Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Baka pwede na tayong umuwi." Napalingon si Khielve pati ang tatlong babae kay Kyrene.
"Who is she?" The girl asked as she's raising her brows.
"A maid." Another girl said.
Peste! Maid? Sabunutan ko kaya tong mga to?
"Excuse me girls."Sabi ni Khielve sa tatlo at nilapitan si Kyrene.
"Bakit ba? May kausap ako. Hindi mo ba nanakita?" Sabi ni Khielve.
"Wow! Hanep, enjoy na enjoy lang. Babae lang pala ang ipinunta mo dito eh! May photography photography ka pang nalalaman. Tanghali na, baka gusto mo ng umuwi o kaya mauna na ako, wala akong oras para maging chaperone mo sa pangbababae mo. My gulay bakit ka—"
"STOP!" He cuts her off. Dahil mukhang wala itong balak huminto sa pagsasalita.
"Pinaglihi ka ba sa armalayt? Don't you know, talking too much is really annoying?"Sabi nito na halos dumikit na ang makapal na kilay nito.
"Mas annoying naman ang ginagawa mo. Gigisingin mo ako at sinira mo ang panaginip ko. Kakaladkarin amo ako dito, para lang panoorin ka sa paki-kipaglandian sa mga mahaharot na ba—
"Haist Pwede ba?! Isa lang ang tanong ko sandamakmak ang sinasabi mo." Buwesit na ito at napalakas na ang boses nito.
"Ano bang gusto mo?" Tanong nito.
"Tanghali na gutom na ako umuwi na tayo." Walang prenong sabi ni Kyrene.
"Tinuro ba school niyo kung paano gumamit ng period." Tanong ni Khielve at nailing.
"Gutom ka pa? Kanina ka pa kain ng kain, gutom ka parin." Hindi makapaniwalang sabi uli ni Khielve.
"Snack lang 'yon. Natunawan na ako." Sabi ni Kyrene at humawak pa sa tiyan niya.
"Grabe! Saan ba may restaurant dito?" Tanong nito.
"Ililibre mo ako?"
"Gusto mo ikaw manglibre." He said and crossing his arms over her chest and looking at her intently.
"Wala akong pera." Sabi niya.
"Oh, wala ka palang pera magtatanong ka pa?" Naiiling na sabi nito.
"Halika doon tayo." Aya ni Kyrene at sumunod naman ito sa kanya.
Nagpunta sila sa isang carinderia, pumasok sila dito at umupo agad si Kyrene sa bakanteng lamesa sa may pinakagitna.
"Ano to?" Kunot noong tanong ni Khielve na nakatayo pa rin at nililibot ang paningin sa paligid.
"Kainan! Hindi ba halata? Ayan oh maraming kumakain." Sabi niya at nginuso pa ang mga taong kumakain.
"Alam ko. Malinis ba dito?"Tanong nito na hindi man lang hininaan ang boses.
"Hoy tumahik ka nga! Mamaya marinig ka ng may ari eh. Siraulong to! Upo ka na nga." Pinangdilatan ito ni Kyrene ng husto, umupo na lang si Khielve sa kaharap niya. May babaeng lumapit sa kanila.
"Ano po kakainin niyo?" Tanong ng waitress.
"Ate sakin po laing, tsaka pritong telapia. Bigyan mo ako ng sawsawan na may kamatis." Sabi ni Kyrene.
Pero parang hindi siya narinig ng babae, nakatingin ito kay Khielve. Tinignan ito ni Kyrene at lilipat kay Khielve ang tingin niya.
"Anaknang! HOY MISS!" Nilakasan ni Kyrene ang boses niya at tumingin naman ito sakanya.
"Umorder na ako diba?"Hindi man lang siya nito binigyan ng pansin dahil muli itong tumingin kay Khielve.
"Sayo sir pogi. Ano order mo?" Tanong nito kay Khielve. Ngumiti naman si Khielve dito nang magkatamis tamis na ngiti. Makalaglag panga ang ngiti nito.
"Kung ano sakanya, ganun na rin sakin." Sabi ni Khielve na nakangiti parin.
Tumango ang babae pero kay Khielve parin nakatingin hindi parin siya nito tignan.
"Anak ng putakte. Hoy Kulugo! sabihin mo nga diyan, pritong telapia at laing sakin sawsawan na may kamatis at tatlong kanin." Sabi ni Kyrene. Dahil mukhang wala itong balak na pakinggan siya.
"Miss, pritong telapia, laing, sawsawan na may kamatis at tatlong kanin.Para sakanya at ganun na rin sakin." Sabi nito at nginitian uli ang waitress.
Ganyan ba talaga siya ngumiti? Bakit sakin parang hindi naman? Bakit nga naman niya ako ngingitian? -sa isip ni Kyrene habang nakatingin kay Khielve.
"Sige sir, mabilis lang po ito." Sabi ng waitress at umalis na.
Hindi nagtagal dumating ang order nila. Binigay sakanya ang order niya na basta lang nilapag sa harap niya, pero pagdating kay Khielve, kulang nalang subuan pa nito.
"Sir kung may kailangan ka pa tawagin mo lang ako." Nakangiting sabi nito.
Tumango lang si Khielve. Pero hindi naman ito umalis kahit nagsimula na silang kumain.
"Miss tatawagin ka nalang namin ah, okay na kami pwede kana munang umalis. Salamat." She said nicely.
"Hmpf" Sabi ng babae at inirapan pa siya.
Nailing nalang siya at pinag-patuloy ang pag-kain.
"Ano masarap no?" Tanong ni Kyrene.
"Uhmm. Oo, paborito mo to?" Tanong ni Khielve.
"Oo, paborito ko to." Kinuha uli ni Kyrene ang isa pang kanin. Napatingin sa kanya si Khielve.
"Ganyan ka ba talaga kalakas kumain?" Tanong ni Khielve na hindi parang makapaniwala ang reaksyon ng mukha
"Oo, bakit? Ngayon ka lang ba nakakitang babaeng malakas kumain?" Sabi niya na hindi tumitingin sa kausap, inabala lang ang sarili sa pagkain.
"Oo, ngayon lang. Yung mga nakakadate ko kasi, 1/4 lang ang laman ng spoon sa laman ng sayo." Tumigil siya pagsubo.
Punong puno ang bibig niya at pilit nilunok ang nasa bibig at uminom ng tubig. Nagsandok uli siya at ginawang 1/4 lang ang laman ng kutsara niya, sinubo at ngumuya ng dahan dahan.
Kumunot naman ang noo ni Khielve sa ginagawa niya.
"Hindi ko malasahan, hindi masarap." Sabay subo uli na punong puno ang kutsara.
"Hmm. Ito ang mmmsarap." Sabi niya na punong puno ang bibig. Napangiti nalang si Khielve sa ginawa niya.
Natapos sila sa pagkain. At lumabas. Nagikot ikot pa sila bago naisipang umuwi.
Sumakay sila ng kotse, pinikit ni Kyrene ang mata. Tinignan siya ni Khielve pinagmasdan siya habang nakapikit.
Biglang dumilat si Kyrene umiwas ito bigla ng tingin. Pinaandar na nito ang sasakyan.
Nakarating sila sa bahay ni Kyrene na walang nagsasalita.
"Sige" Sabi ni Kyrene at lumabas na ng kotse. Pag pasok palang niya ng bakuran.
"KYRENE!!!!!" Napangiwi si Kyrene sa sigaw ni Bella na sinalubong agad siya.
"Kumusta ang date niyo?" Sabi nito pagkalapit na pagkalapit sakanya.
"Anong date pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong niya.
"Date niyo ni Khielve?" Ngiting ngiting tanong nito.
"Hindi yun date, kilabutan ka nga."
"Kyrene! Bukas uli ah." Napalingon sila ni Bella. Sumunod pa pala si Khielve sakanya.
"Anong bukas? Wala ng bukas. Umuwi kana."
"Sige sasabihin ko nalang kay lola na ayaw mo. Sige salamat nalang sa pagsama." Akmang aalis na ito.
"Saan nanaman ba tayo pupunta?" Iritang sabi ni Kyrene.
"Bahala na bukas. Sige."Biglang ngumiti ito at umalis na
"Peste talaga tong lalaking to."
"Kung ganyan naman kagwapo ang mamemeste sakin. Dios ko tatanggapin ko ang
Pamemeste niya." Sabi ni Bella na nilahad pa ang dalawang braso at tumingala.
"Oh di puntahan mo. Sabihin mo pestehin ka niya." Sabi ni Kyrene at pinagtulakan si Bella.
"Grabe naman to. Babae ka ba talaga? Bakit hindi ka kinikilig? Ay kinikilig ka nga pala, sa dream boy mong walang mukha." Crossing her arms then pout.
"Ahahaha!" Tawa ng malakas si Kyrene. Kumunot ang noo ni Bella.
"Problema mo? Anong nakakatawa?" Kunot noong tanong nito.
"Sabi ko sayo wag mong gawin yan. Yang pagnguso nguso mo. Maniwala ka sakin, hindi talaga bagay. Ahahaha!... aray..ahaha!"Hinatak ni Bella ang pispisan nito.
"Ikaw ang peste eh." Sabi nito.
"Oh oh oh. Wag ka ng ngunguso kundi hihilain ko yang nguso mo. Para habang buhay na yan mahaba." Pagbabanta ni Kyrene na natatawa parin.
****
Nakahiga si Khielve sa kama. Tinitignan niya ang mga pictures na kuha niya. Isang larawan na nahagip si Kyrene. Zinoom in niya ang picture. Pinakatitigan niya ito, Si Kyrene nakangiti habang kumakain ng cotton candy.
"Maganda rin pala siya." He muttered.
"Tsss" Nailing siya sa sariling sinabi niya. Tinignan niya pa ang iba.
"Ahahaha!" Bigla siyang natawa sa nakita niya. Picture ni Kyrene na natutulog na nakanganga.
"Ano kaya gagawin nung babaeng yun pag nakita niya to. Siguradong raratratin na naman ako ng mala armalayt niyang bibig. Ahaha!" Sabi niya sa sarili na natatawa habang nakatingin sa
camera
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top