CHAPTER 48
Nagluluto si Kyrene, tinutulungan niya ang nanay niyang magluto. Pero si Inday lang kasama niya dito, iniwan muna sakanya ng nanay niya ang niluluto nito.
Napaigtad siya ng maramdaman niyang may humaplos sa batok niya. Pakiramdam niya nagsitayuan ang balahibo niya sa batok. Lumingon siya dito.
"Khielve"
"Ang sipag naman."
"Tinutulungan ko lang si nanay." Humarap uli siya sa niluluto niya.
"Meron ka palang birthmark sa batok no? Kakaiba, kalahating puso." Tumingin uli si Kyrene dito. Hinawakan niya ang batok niya. Naka tied up kasi ang buhok niya kaya kitang-kita ang pulang-pulang balat sa batok niya na hugis half heart.
"Oo, feeling ko nga, yung kalahati nito nasa taong makakatuluyan ko." Nakangiting sabi niya.
"Wala" Mabilis na sagot ni Khielve.
"Pano mo nasabi?"
"Eh wala naman akong balat. Ako kaya makakatuluyan mo." Napangiti naman ng husto si Kyrene sa sinabi nito na agad humarap sa niluluto.
"Eeehh! Sana may magsabi din sakin ng ganyan." Napatingin sila kay Inday na nakasalikop pa nag dalawang palad at parang nag iimagine.
"Ikaw Kyrene hindi ka ba kinilig sa sinabi ko? Tanong ni Khielve. Agad na binalik ni Kyrene ang tingin sa ginagawa.
"Hindi, do'n ka na nga. Baka masunog pa tong niluluto ko sayo eh." Sabi niya pero nagpipigil siyang mapangiti, kinikilig naman talaga siya.
"Sige na nga aalis na ako.... Kyrene!" Tsup!
Napaawang ang bibig niya ng paglingon niya bigla siyang hinalikan sa labi ng mabilis. Ngiting-ngiti ito and mouthed 'I love you' bago umalis ng kitchen. Agad siyang tumingin kay Inday na buti nalang at busy na uli sa paghihiwa ng gulay.
"Pasaway talaga." She muttered.
****
Kakatapos palang ng klase nila Kyrene, lumabas sila ni Jelian.
"Mauna na ako sayo Kyrene, puntahan ko si ate Yas."
"Sige Jelian." Nauna ng umalis si Jelian at umakyat ng 3rd floor. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan. May miscall at message sakanya. Unknown number.
In'open niya at binasa.
[Hi Kyrene, pwede ba tayong magkita ngayon? This is Ms. Margarita.] Magrereply sana siya ng biglang may incoming call. Sinagot niya ito.
"Hello"
"Hello Kyrene, it's me Margarita, pwede ba tayong magkita ngayon? Actually malapit na ako sa school. Tapos na ba klase mo?"
"Ms. Margarita, tapos na po ang klase ko. Ano po bang paguusapan natin?" She asks
"Pwede ba tayong lumabas? samahan mo ako." Nagtataka naman si Kyrene sa sinabi nito.
"Kasi po, sabay kami ni Khielve uuwi eh."
"Please Kyrene, samahan mo lang ako. Please!" Pakiusap nito. Nagisip saglit si Kyrene.
"Umm, sige na nga po. Sabihin ko po muna kay Khielve."
"Okay, antayin kita sa labas ng school."
"Okay po." Pinatay niya ang tawag. Nagtext naman siya kay Khielve.
Sinabi niya dito ma sasamahan niya si Ms. Margarita at agad naman itong tumawag sakanya.
"Hello Kyrene asan ka?" Agad na tanong ni Khielve pagsagot ni Kyrene ng cellphone.
"Nandito pa sa building, pero pababa na ako."
"Okay antayin mo ako. Papunta na ako diyan."
"Sige" Pinatay niya ang tawag at bumaba ng building.
Mga ilang minuto siyang nagantay, nakita niya na si Khielve at patakbong lumapit sakanya na agad humalik sa pisngi niya.
"Tss sobrang swerte!" Napangiti nalang siya sa narinig niya mula sa isang studyante, na hindi mo alam kung natutuwa o nab'bwesit na swerte siya.
"Talagang swerte ako na boyfriend kita?" Nakangiting tanong niya ka kay Khielve.
"Naman!" Kumpyansang sagot nito at umakbay sakanya.
"Pero mas maswerte ako kasi girlfriend kita." Ngumiti nalang si Kyrene at inangkla nalang din ang kamay sa bewang nito. Tsaka naglakad palayo.
"Bakit ka nga pala makikipagkita kay Tita Margarita?" He asks.
"Hindi ko alam eh, baka tungkol sa modeling." Nagpunta sila sa parking lot. Pinagbuksan siya ni Khielve ng pinto at agad na sumakay sa driver seat pagkasakay niya.
Binuhay ang car engine at agad na pinaandar palabas ng campus. Hininto ni Khielve ang sasakyan sa tabi at lumabas sila ng kotse.
Agad nilang nakita si Ms. Margarita na bumaba ng sasakyan pagkakita sakanya. Agad itong lumapit na ngiting-ngiti.
"Ms. Margarita hello po." Bati niya dito.
"Kyrene! namiss kita." Agad itong yumakap sakanya. She can't help but grinning like a fool sa sobrang pagkaconfused niya sa ginagawa nito. Kumalas ito ng yakap.
"Hi tita" Khielve greets her at nagbeso.
"Khielve hiramin ko muna si Kyrene pwede? Hatid ko nalang siya mamaya."
"Okay po tita, pero saan po kayo pupunta?"
"Sa shop ko lang." Tumango nalang si Khielve.
"Mauna na ako sa bahay ah." Tumango si Kyrene nag kiss pa si Khielve sa pisngi nito.
"Halika na Kyrene." Tumango si Kyrene at sumunod kay Ms. Brizalde.
Sumakay sila ng kotse nito at agad na pinaandar.
"Khielve seems really in love with you." Sabi ni Ms. Margarita habang nagd'drive. Ngumiti lang si Kyrene, hindi niya alam ang isasagot dito.
"And you look the same with him." Ms. Margarita added.
"Opo" Tipid niyang sagot. Nagkwentuhan sila ng nagkwentuhan hanggang sa makarating sa mall.
Pagkababa nila ng sasakyan agad silang pumasok sa mall at pumunta sa isang restaurant. Umupo sila sa table na for two persons.
Um'order si Ms. Margarita, ito na rin ang nagorder para kay Kyrene.
"Kyrene, about your debut, payag ka na ah." Ms. Margarita says.
"Pero Ms. Margarita okay lang naman po kung hindi, sobra po-
"Kyrene I insist, it's a company rule as well, we give our model a welcoming party being a part of our company. So, please! Tanggapin mo na." Pakiusap nito.
"Sige na nga po, kayo pa po ang namimilit ako na ang binibigyan ng party. Nakakahiya naman."
"Salamat! Ako ang gagawa ng gown mo. Or kung gusto mo ikaw nalang. Diba magaling ka naman magdesign?" Sasagot sana si Kyrene ng dumating ang order. Pagkalapag ng order nila umalis ang waiter tsaka siya sumagot.
"Ang totoo po, may d'nesign po akong gown. Kasi po nag imagine din po ako na magkaroon ng debut, ganun po ako, pag nag'iimagine ako ng gusto kong maging itsura ko, d'nudrawing ko nalang po." Napangisi siya sa sarili niyang sinabi. Napangiti din si Ms. Margarita.
"Talaga!? Ahaha! Ngayon matutupad mo na yun, hindi mo na kailangan mag imagine lang." Nakangiting sabi nito. Tumingin dito si Kyrene, pinagmasdan niya itong mabuti.
"Bakit hija?" Tanong ni Ms. Margarita. Umiling si Kyrene.
"Wala naman po, napakabait niyo po. Salamat po." Ngumiti siya ng bahagya dito.
"Napakabait mo ding bata." Ngumiti lang si Kyrene at kumain nalang.
After nilang kumain lumabas sila ng restaurant. Habang naglalakad sila may tumawag kay Ms. Margarita, kinuha nito ang cellphone mula sa bag at sinagot ang tawag.
"Yes honey?"
"Mom where are you? Can we go out for a dinner." Yasmine.
"Sorry Yas, let's go out tomorrow, I'm busy now honey. where are you now?"
"At home"
"Okay, bukas nalang honey ah."
"Okay" Yun lang at pinatay na nito. Tumingin ito kay Kyrene at inakbayan tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Pumunta sila sa isang shop, bago sila pumasok tinignan muna ni Kyrene ang pangalan na nakalagay sa labas nito. MB Collection boutique.
"Good afternoon Ms. Margarita!" Sabay-sabay ng lahat ng sale's lady pagpasok nila.
"Good afternoon!" Ganting bati nito.
"Hi Ms. Margarita, sino po siya?" Tanong ng isang babae na lumapit sakanila.
"Siya si Kyrene, ang magiging model ng clothing line." Pakilala ni Ms. Margarita
"Wow talaga!? Ang ganda mo naman, ako nga pala si Geline, kanang kamay ni Ms. Margarita. Ay hindi pala kaliwang kamay pala, kasi si Ms. Dianna pala ang kanang kamay." Nakipagkamay ito kay Kyrene.
"Ako si Kyrene. Nice to meet you po." Bati niya dito.
"Geline, ilabas mo lahat ng bagong collection na babagay sakanya ah. Ipasukat mo sakanya. " Utos ni Ms. Margarita.
"Okay Ms. Margarita..... Halika ka Kyrene." Ngumiti lang si Kyrene at sumunod dito.
Nilabasan siya ng mga damit at pinasukat sakanya lahat. Kada sukat ni Kyrene tinitignan niya ang tag price, halos lumuwa ang mata niya sa sobrang mamahal ng presyo nito.
May nakatingin naman sakanya mula sa labas ng boutique, pumasok ang mga ito at lumapit sa nakaupong si Margarita.
"Hi tita"
"Hi, Stacy, Bianca. Kumusta?" Nagbeso ang mga ito kay Ms. Margarita.
"We're good tita." Stacy says. Tumingin ang mga ito sa fitting room, at mamaya lumabas si Kyrene mula dito. Nagulat si Kyrene ng makita ang mga ito, tinaasan agad siya ng kilay ng mga ito.
"Okay na ba nasukat mo na lahat?" Tanong ni Ms. Margarita kay Kyrene tumayo ito at lumapit sakanya.
"Opo" Tipid niyang sagot at tumingin sa dalawang babae.
"Geline! Pakiayos mo naman lahat ng sinukat ni Kyrene." Utos ni Ms. Margarita
"Okay Ms. Margarita." -Geline
"Isusuot mo yun lahat ah." Sabi nito kay Kyrene na kinagulat naman ni Kyrene.
"Po! Naku, hindi na po Ms. Margarita, wag na po--
"Ayan ka na naman, tatanggi ka na naman." Putol ni Ms. Margarita sakanya. Hindi nalang nagsalita si Kyrene.
"Girls excuse muna ah." Nagpaalam lang si Ms. Margarita at lumapit kay Geline.
"You're such a gold digger." Bianca says at sinamaan siya ng tingin.
"Tita! We have to go na po. Paalam ni Bianca.
"Okay girls." Ms. Margarita says. Inirapan uli siya ng dalawa bago ito umalis. Lumabas ang dalawa sa shop.
"Gosh! I can't believe this. Bakit siya kailangan bigyan ni tita ng mga damit." Bianca says ang crossed her arms over her chest. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.
"Hello Yas, guess what?" Agad na sabi ni Bianca pagkasagot ng cellphone ni Yasmine.
"What?" Yasmine asks lazily.
"We saw Kyrene and your mom here. Sa boutique ng mom mo, and hulaan mo kung ano ang ginagawa nila?"
"What? But mom told me she's busy, inaya ko siyang magdinner sa labas." Hindi man ito nakikita pero sa tono ng boses nito mukhang irita na.
"Really!? Gosh! Pinagpalit ka ng mom mo sa promdi na yun, nandito sila at halos lahat ata ng design ng damit sa shop binigay sakanya."
"WHAT!?" Nalayo ni Bianca ang cellphone sa tenga nito dahil sa lakas ng sigaw ni Yasmine.
****
Montillo's house:
"Nay mano po." Nagmano siya pagpasok ng bahay. Kasama niya din si Ms. Brizalde.
"Ano yang mga dalawa mo?" Tanong ng nanay niya at tumingin sa mga dala niyang paper bags.
"Mga damit po, binigay ni Ms. Margarita."
"Ganun ba!" Ngumiti ng bahagya ang nanay niya.
"Siya nga pala, dala ko yung contract na pipirmahan niyo para sa pag m'model ni Kyrene." Ms. Margarita
"Ganun ba? Sige upo muna kayo."
"Akyat po muna ako." Paalam ni Kyrene. Tumingin siya kay Ms. Margarita.
"Sige Kyrene, isusuot mo ang mga damit na yan ah."
"Opo, maraming salamat po Ms. Margarita. Sobra-sobra na po to." Hinawakan ni Ms. Margarita ang pisngi niya.
"Wala yun, kulang pa yan Kyrene. You deserve more than that." Niyakap siya nito. Kumalas ito ng yakap.
"Sige po, maraming salamat po ulit." Iniwan ito ni Kyrene at umakyat.
"Hi ate." Nakasalubong niya si Janilin sa hagdan.
"Hi, kumusta? Naka'enrol kana?" Tanong niya dito.
"Oo, papasok na ako bukas." Ngumiti lang si Kyrene at umakyat na.
*****
University:
Pagpasok palang ni Kyrene sa school pinagtitinginan na siya. Sanay na siya lalo at kasama niya si Khielve. Hanggang sa makarating sila ng building, ganun parin, puro bulungan ang naririnig niya pero hindi niya maintindahan. Narating nila ang classroom niya.
"Sunduin kita mamaya." Humalik si Khielve sa pisngi niya tsaka umalis.
Pumasok siya sa classroom nando'n na mga classmate niya. Hindi na siya nakakapasok ng masyadong maaga dahil kay Khielve.
"Oh my god! How could you afford to buy that? Gosh! MB collection, how? Kakalabas lang ng design na yan lastweek meron kana? And how you could-- Jeez!" Hindi maintindahan kung anong reaksyon ang ipapakita ni Tamara.
"Maybe because of Khielve, for sure si Khielve bumili niyan sakanya." Karen says. Umupo nalang si Kyrene sa upuan niya at hindi na ito pinansin.
"Kainis naman! Ayaw ako ibili ni mommy ng bagong collection ng MB, masyado na daw akong magastos." Carrie says.
"Bagay sayo, talagang bagay kang magmodel sa MB collection." Puri ni Jelian sakanya. kaya pala siya pinagtitinginan dahil sa suot niya.
Natapos ang klase nila at lumabas sila ni Jelian. Pagbaba nila ng Building nakita agad niya si Yasmine at lumapit sakanya.
"Anong ginagawa mo Kyrene?" Simula ni Yasmine.
"Huh?" Walang idea si Kyrene sa sinasabi nito.
"Pati si mommy gusto mong kunin ang atensyon, and wow! Tignan mo ang suot mo. Tuwang-tuwa ka ba na pinag uusapan ka dahil sa suot mo?" Nagcrossed pa ito ang braso.
"Pasenya na Yasmine, ang mommy mo ang nagpilit nito hindi ako." Hinawakan ni Kyrene si Jelian sa wrist at hinila palayo. Sinundan siya ni Yasmine.
"Hoy Kyrene!" Tawag sakanya ni Yasmine at humarang sakanya. Nasa may ground na sila ngayon.
"You're social climber, lahat talaga gagawin para lang makuha ang gusto mo. Ang kapal ng mukha mo alam mo ba yun? Stay away from my mom." Halata sa mukha nito ang galit.
"Alam mo Yasmine sa totoo lang, hindi naman ako nagpapansin kahit kanino, lalo na sayo. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang lagi mong napapansin eh. Bakit nga ba kuhang-kuha ko ang atensyon mo? Hindi din ako ang lumapit sa mommy mo, siya ang sumundo sakin dito sa school." Lalong nadagdagan ang galit nito sa narinig na ang mommy niya pa niya mismo ang nagsundo dito. Tinalikuran na ito ni Kyrene. Pero hinawakan ni Yasmine ang braso niya at hinarap uli siya.
"Kung umasta ka akala mo kung sino ka, kahit suotan ka ng maganda at mamahaling damit. You're still nothing but just a poor farmer." Binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak nito.
"Nothing! Talaga lang ah. Pero sa nakikita ko sayo mukhang galit na galit ka sa mahirap na magsasakang to. Hay Yasmine, kinakain ka masyado ng insecurity. Gusto mo na rin bang maging magsasaka?" Lalong galaiti si Yasmine sa narinig.
"Kahit kailan hindi ako maiinsecure sayo? Ang kapal ng mukha mo. Layuan mo ang MOMMY KO!" Sigaw nito at malakas na sampal ang binigay kay Kyrene.
"Ate Yas!" Gulat n gulat din si Jelian sa ginawa nito kahit si Kyrene nagulat.
"At yang damit na yan hindi yan bagay sayo, kaya hubarin mo yan." Hinawakan ni Yasmine ang neckline ng damit niya at pinaghihila.
"Sumusobra ka na talaga!" Hinampas naman ni Kyrene ang mga librong hawak niya sa mukha ni Yasmine. Nagsabunutan ang dalawa.
"Tumigil na kayo!" Sigaw naman ng sigaw si Jelian habang pilit na inaawat ang dalawa. Pero walang gustong magpatalo sa dalawa.
Lumapit na ang mga studyante at halos napapaikutan na sila pero wala man lang umaawat sa dalawa. Dumating sila Khielve, agad itong tumakbo sa dalawa.
"Tumigil na kayong dalawa!" Hinawakan ni Khielve si Kyrene sa bewang at ganun din ang ginawa ni Kenneth kay Yasmine at pinaghiwalay ang dalawa.
"DAMN YOU!" Sigaw ni Yasmine at pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Kenneth.
"Damn you rin! Akala mo hindi kita papatulan ah." Sigaw din ni Kyrene.
"Yasmine! Kyrene!" Natigilan ang dalawa sa pagbabangayan. Nando'n na si Donya Solidad.
Binitawan ni Kenneth si Yasmine. Si Kyrene binitawan na rin ni Khielve.
"Lola she hurt me." Sumbong ni Yasmine.
"Malamang! Sinaktan mo ako eh. Ano akala mo, hindi kita gagantihan."
"YOU!" Sumugod uli si Yasmine at nagpang abot uli ang dalawa. Pero pumagitna agad si Khielve.
"Tumigil na nga kayong dalawa." Sabi ni Khielve habang pilit pinaglalayo ni Khielve. Nilayo ulit ni Kenneth si Yasmine.
"Ang kapal ng mukha mo! You're a gold digger, social climber BITCH!" Sigaw ni Yasmine.
"Yasmine ENOUGH! both of you stop!" Napalakas na ang boses ni Donya Solidad.
"Lola I want you to kick her out of this school." Pasigaw parin ni Yasmine.
"Siraulo ka pala eh! Bakit mo ba ako pinagiinitan?" Pasigaw din ni Kyrene.
"ENOUGH! tumigil na kayong dalawa! Hindi dapat kayo nagaaway." Pasigaw na rin si Donya Solidad.
"NO LOLA! PAALISIN MO SIYA SA SCHOOL NATIN."
"TUMIGIL NA KAYO! hindi dapat kayo nagaaway dahil MAGKAPATID KAYO!" Natigilan ang dalawa sa sinabi ni Donya Solidad na sabay na napatingin sa Donya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top