CHAPTER 46
BAR:
Nakaupo ang lahat sa mini sofa style ng bar. Wala pa sila Kyrene. Mga ilang minuto lang dumating ang mga ito.
"Bella I miss you!" Agad na tumayo si Tricia at Jelian at yumakap kay Bella.
"Miss ko din kayo." Masayang-masaya na sabi ni Bella.
"Hey Bella!" Sabay-sabay nila Kenneth.
"Hello guys. Parang lalo kayong gumwapo ah." Puri ni Bella sa mga ito.
"Thanks Bella." Simon says.
"Wow! New girl. Hi miss beautiful, I'm Zion." Agad na nakipag kamay dito si Zion, na medyo pasigaw dahil sa lakas ng sounds.
"I'm Janilin." Simpleng sagot nito na pasigaw din.
"Hoy hoy hoy! Tigilan mo yang pinsan ko. Minor-di-edad yan." Agad na sabi ni Khielve. Nagpakilala dito sila Tricia at umupo ang mga ito. Magkakatabi yung mga babae at katabi ni Simon si Jelian.
Umupo naman si Khielve at Kyrene na magkabi na nakahawak parin sa bewang.
"Hey Montillo! sagot mo tong gabing to." Agad na sabi ni Zion.
"Yeah sure, no limit." Agad na sagot ni Khielve.
"Wohooo!" Tuwang-tuwa na hiyaw ni Zion.
"Khielve baka naman gusto mong pakawalan si Kyrene, kung makayakap ka." Angal ni Kenneth.
"Wag ka ngang mangialam Kenneth." Sagot ni Khielve pero nakangiti at lalong hinigpitin ang yakap kay Kyrene.
"Oo Khielve, makayakap ka wagas." Sabi naman ni Kyrene.
"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong nito.
"Hindi naman." Nakangiting sagot niya.
"Hey love birds.... Kyrene take this. Drink it." May binigay si Tricia na alak kay Kyrene. Pero agad na kinuha ni Khielve at siya ang uminom.
"Goddammit Montillo! Will you please stop acting like a watchful boyfriend, that's not good." Singhal ni Tricia.
"Hindi siya umiinom Tricia."
"Iinom siya kung papayagan mo. Look Bella oh." Sabay turo sa katabing si Bella. Umiinom nga ito.
"Kayo nalang uminom. Wag mo ng idamay si Kyrene."
"Such a boring boyfriend." Sabay ingos ni Tricia dito. Napangiti nalang si Kyrene.
"Hi guys! Hi Kyrene."
"Miss Lynnedoll hello." Bati ni Kyrene dito. Binati rin ito ng iba.
"Hi guys" Lumapit naman si Calleb sa may table nila.
"Nandito ka rin Calleb? Magkasama kayo?" Tanong ni Tricia.
"Yeah, with friends.. nandun lang table namin." Lynnedoll says.
"Hi Blossom!" Bati ni Calleb kay Kyrene.
"Tumigil ka nga sa kaka Blossom mo Calleb ah! KYRENE!" Singhal ni Khielve dito.
"Tss. Sungit mo ah! Naunahan mo lang ako. Kung alam ko lang na gusto pala ni Kyrene na pinagsisigawan ang pagmamahal sakanya ginawa ko din yun eh." Natawa lang ang iba dito.
"Kahit brinoadcast mo pa yun sa national television, hindi ka sasagutin ni Kyrene. Alam mo kung bakit? Kasi ako ang mahal niya." Kompyansang pahayag nito at ngumisi pa. Sumimangot lang si Calleb.
"Halika na Calleb! Wala kang pagasa kay Kyrene dahil babaero ka... Sige guys." Hinatak na ni Lynnedoll si Calleb.
"Hanep friend! Ang gwapo din nun ah. Ikaw na talaga." Sabi ni Bella tumingin sakanya mula sa likod ni Tricia.
"Bella lasing ka na ba?" Alalang tanong ni Kyrene.
"Hindi! Ito naman O. A. Uminom ka din kasi." Sabay tungga uli ni Bella ng alak.
"Hi guys!" Lumapit si Yasmine sa mga ito.
"Ate Yas, nandito ka rin? Parang kanina lang wala kang balak umalis ah." Sabi ni Jelian, almost shouting. Ngumiti lang si Yasmine dito at tumingin kay Khielve.
"B can we talk?" Pasigaw na sabi nito.
"Yas, nextime please." Pasigaw din na sabi ni Khielve.
"Saglit lang please."
"Hey stealer! Ano na naman ang balak mo ah? Steal Kyrene's boyfriend." Sigaw ni Tricia dito. Sinamaan lang siya ng tingin nito. Bumulong naman si Kyrene kay Khielve.
"Sige na kausapin mo na." Humarap sakanya si Khielve at ngumiti.
Sabay hawak sa kabila niyang pisngi at siniksik ang mukha sa kabilang pisngi niya..
"Okay, dito ka lang ha?" Sabi nito habang nakalapat ang mukha sa pisngi niya.
"OH MY! That's so sweet. Hindi ko akalain na ganyan kasweet ang mga moves mo Khielve." Sabi ni Tricia na kilig na kilig. Irita naman ang mukha ni Yasmine.
Tumayo si Khielve at nagpunta ang dalawa sa kung saan.
"Kyrene wala na si Khielve, bilis inom na." Agad na inabot ni Tricia ang alak.
"Naku wag na-
"Drink it!" Pinangdilatan siya ni Tricia. Kinuha nalang ni Kyrene at ininom napapangiwi siya sa lasa nito.
"Hoy Tricia! Tigilan mo nga si Kyrene ah." Sigaw ni Kenneth kay Tricia.
"Bitter! Bar ang pinuntahan natin hindi simbahan." Sigaw din ni Tricia, binigyan uli ni Tricia ang alak si Kyrene at ininom uli.
***
"Ano paguusapan natin Yas?" Tanong ni Khielve
"Wala naman sasabihin ko lang na may practice tayo tomorrow." Yasmine says
"About that Yas.... umm.. kasi ano, matagal pa naman yung birthday mo diba?" Khielve says.
"Yes"
"Pwede bang maghanap ka nalang ng ibang escort?"
"WHAT!?" Malakas na sabi nito, hindi dahil malakas ang sounds kung di dahil sa inis.
"Kasi birthday din ni Kyrene yun at gusto ko kasama niya ako sa araw na yun."
"Birthday din ni Kyrene?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Alam naman ni Khielve ang birthday ni Kyrene, dahil siya nga ang gumawa ng Facebook account nito.
"Pero B nag promise ka na sakin."
"I'm sorry Yas. I can ask Kenneth or Zion and Simon to be your escort." Sabi ni Khielve.
"B naman! Don't do this to me." Sasagot pa sana si Khielve ng marinig nilang mag salita ang dj.
"Kissing coundown! ARE YOU READY?!" Dj shouted out loud. Biglang napalingon si Khielve sa table nila.
"Asan si Kyrene?" He muttered as he looks around. Si Janilin at Kenneth nalang ang nakaupo dun.
Biglang tinaas ng dj ang kamay nito and released five fingers.
"OKAYYY! 5....." Dj started. Nataranta si Khielve at agad itong umalis, iniwan si Yasmine.
**
"Kissing count down? Ano yun Tricia?" Tanong ni Kyrene kay Tricia. Nasa dance floor sila nito.
"You can kiss whoever you want to kiss." Tricia says.
"Hi!"My biglang lumapit na lalaki kay Kyrene. Nginitiin niya lang ito.
"I'm Justine! You are..."
"Kyrene!" Naiilang man siyang makipag usap, sinagot nalang niya ang tanong nito.
"OKAY! 5....." Dj shouted. Naghiyawan ang mga tao sa paligid.
"4....3...." isa-isang binababa ng dj ang mga daliri. Aalis na sana si Kyrene sa dance floor ng pigilan siya ng lalaki. Medyo hilo rin siya dahil sa kakainom.
"Stay!" The guys said. Hinawakan pa ang braso niya.
"2......1." Kasabay ng biglang pag dilim ng paligid, may bigla naman humatak sakanya at hinapit ang bewang niya.
Tinulak niya ito. Pero hinigpitan nito ang pagkakahapit sa bewang niya.
"It's me." Napangiti si Kyrene ng marinig ang boses ni Khielve.
"I'll kiss you." He said, naramdaman nalang niyang lumapat ang labi nito sa labi niya.
Napahawak nalang si Kyrene sa balikat nito at tinugon ang halik nito. They're kissing passionately, na parang sila lang ang tao sa paligid.
Well, wala naman talaga nakakakita sa kanila. Ang dilim ng paligid. Kasabay ng pagliwanag ng paligid tumigil sila sa paghalikan. Pero nanatiling magkalapit ang mukha nila, ang noo at ilong nila magkadikit. Their lips were inch apart.
"I love you." He says.
"I love you too." She replies.
"Ewww! You're so gross! Bakit mo ako hinalikan?" Naghiwalay sila ng maririnig nilang nagsisigaw si Tricia.
Nakita nilang mukhang naghalikan din si Jelian at Simon... Calleb and Lynnedoll was also there, still kissing each other.
Pinagpapalo naman ni Tricia si Zion, dahil hinalikan siya nito. Natawa nalang sila sa dalawa. Si Bella naman nasa upuan na. Nang marinig nito ang kissing countdown nag tatakbo pabalik sa upuan nila kahit may kasayaw itong lalaki kanina.
"Hoy Tricia! Masakit na ah! Tama na! Ikaw ang humatak sakin ah. Kunyari ka pa diyan." Sigaw ni Zion dito.
"Anong pinagsasabi mo. Ang kapal mo." Sigaw ni Tricia.
"Halika ka na." Inakay na siya ni Khielve papunta sa table nila. Umupo uli sila. Sumunod uli ang lahat at umupo uli.
"Uminom ka ba?" Tanong ni Khielve kay Kyrene.
"Konti lang."
"Tsk. Sabi ko wag kang iinom eh. Bakit ka umalis?"
"Inaya ako ni Tricia magsayaw eh." Inabot ni Khielve ang buhok ni Tricia at hinila.
"Ouch! Problema mo!?"Singhal ni Tricia kay Khielve.
"Ikaw umaayos ka ah. Wag mong dinadamay si Kyrene sa ka'wild'an mo. Pinainom mo pa talaga." -Khielve
"Tss.. ang arte mo, konti lang eh." -Tricia
"Bakit dinala mo sa dance floor?"
"Pambihira ka! Bar to, anong gusto mo? Umupo lang siya magdamag."
"Eh kung hindi ako dumating muntik na tong mahalikan ng iba."
"So! Okay lang yun."
"Naku Tricia umayos ka! Walang ibang pwedeng humalik kay Kyrene ako lang."
"Whatever! Sa susunod mag babar kami hindi na kayo kasama." Tricia says and rolling her eyes.
"Subukan mo lang."
"Tumigil ka na nga! Gusto ko naman sumayaw, hindi naman niya ako pinilit." Awat ni Kyrene dito.
"Kasi naman. Kung hindi kita agad nakita nahalikan ka na nung lalaki kanina."
"Hindi niya yun magagawa, masasapak ko siya bago pa man niya ako mahalikan."
"Wag na wag kang magpapahalik sa iba. Ako lang pwede." Ngumiti lang si Kyrene dito at bahagyang tumango.
*****
Brizalde's mansion:
"Apo nandito ka na pala? Why you're so early." Nakaupo si Yasmine sa sofa sa living room. Wala ito sa mood dahil sa mga nakita niya sa bar, lalo na ang kasweetan ni Khielve at Kyrene.
"Nothing lola, I just wanna go home to catch some z's." Sagot nito na wala sa mood. Pero bigla nalang itong umiyak.
"Hey, what's wrong huh? Bakit ka umiiyak?" -Niyakap ni Donya Solidad si Yasmine
"Si Khielve kasi lola eh, ayaw niya ng maging partner ko sa debut ko. Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa mga kaibigan ko. Alam nila si Khielve ang escort ko." Umiiyak na pahayag nito.
"But why?"
"Because of Kyrene. Siguro sinabi niyang mag quit si Khielve." Pahayag nito.
"Don't cry, kakausapin ko si Khielve. Papakiusapan ko siya, we'll have a dinner tomorrow night sa mga Montillo." Lumiwanag ang mukha ni Yasmine. Kumalas ito ang yakap.
"Talaga po!?"
"Oo, kaya wag ka ng umiyak." Pinunas ng donya ang luha nito.
****
Campus:
Papalabas na si Kyrene ng campus. Nagmamadali siyang lumabas.
Tinext na niya si Khielve na mauuna na sa labas, nagpasundo sila kay mang Nestor nasa auto-shop kasi ang kotse ni Khielve pinapa'enhance ito.
Binigay na uli sakanya ang cellphone nito. Nagtext sakanya si Mang Nestor na kasama nito ang nanay, Bubwet at Bella. Kaya nagmamasali siya. Palabas na rin naman daw si Khielve.
Paglabas niya ng gate nagpaling-linga siya.
"Kyrene!" Napalingon siya sa tumawag sakanya. Si Ms. Dianna kakababa lang ng kotse nito. Lumapit ito sakanya.
"Ms. Dianna, magandang hapon po." Ngumiti siya ng bahagya dito, nakakatot ang mukha nito kaya di siya makangiti, parang galit ito na ewan.
"Kyrene! Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Masyado ka ng maraming atraso kay Yasmine. First, you were accusing her of stealing your work. Second, may gana ka pang tanggapin ang offer sayo na mag model pagkatapos mo siyang pagbintangan. Hindi ba kakapalan ng mukha yun?" Tuloy-tuloy na sabi nito.
"Ngayon si Khielve naman, at hindi ka pa na kontento, you were asking him to quit to be Yasmine's escort for her birthday. Ang kapal ng mukha mo." Galit na pahayag nito.
"Wala po akong alam sa sinasabi niyo, at hindi ko po siya pinagbintangan ng pagnanakaw. Totoo ang sinasabi ko at paninindingan ko yun." Ngumisi lang ito sakanya at mas lalong lumapit.
"You're too ambitious young lady. Wag na wag mong tatanggapin ang offrer na model sayo. Ikaw na ang tumanggi, ayaw ka ni Yasmine makasama."
"Pasenya na po. Si Mr. Brizalde po ang nagbigay sakin ng trabaho na yun. Kung papalitan man niya ako, tatanggapin ko. Pero hanggat wala siyang sinasabi na hindi ako ang model, walang dahilan para tumanggi." Lalong parang nanggaliti ito sa sagot niya.
"Aren't you ashamed?" Pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggan paa. At tumingin uli sa mata niya.
"Maayos ang pananamit mo ngayon. Pero hindi matatakapan niyan ang pinanggalingan mo. Just a promdi girl who ambitious... social climber, wag mong ipilit ang sarili mo sa mundo ng fashion industry, because you're definitely not suited in that world. Isang probinsiyanang nabubuhay sa tulong ng iba."
"Hindi po kami na bubuhay lang sa tulong ng iba. Nagsisipag ang magulang ko para buhayin kami. Pero tama po kayo, marami ngang tumutulong samin, at pinagpapasalamat ko yun." Sinasalubong niya ang titig nito.
"Pero dapat ko po ba yun ikahiya? Dapat po kayo ang unang nakakaintindi sakin diba? Kasi parehas lang naman tayo ng sitwasyon. Nakikitira at nakikikain." Naningkit ang mata nito sa sinabi ni Kyrene.
"Katulad niyo po, nangangarap din akong maging isang fashion designer. Parehas lang po tayo diba? Bigo ka sa pangarap mo maging sikat na designer, kaya niyo ba nasabing hindi ako nababagay sa mundo na yun, dahil kayo mismo nabigo?"
"How dare you to talk to me that way." Pak.... napaawang ng husto ang bibig ni Kyrene sa malakas na sampal na natanggap niya mula dito, halos umikot ang ulo niya.
"Kyrene!" Napalingon siya sa mula sa likod niya.
"Nay!" Tuloy-tuloy ang nanay niya na lumapit kay Dianna at malakas na sampal ang binigay dito. Gulat na gulat ito na halos umikot din ang ulo nito.
"Anong karapat mong saktan ang anak ko? walang hiya kang babae ka." Galit na galit ang nanay niya na dinuro-duro pa ito.
"Walang hiya ka!" Sigaw ni Ms. Dianna, susugod na sana ito at magsasampalan ang dalawa.
"Nay tama na po." Agad na awat ni Kyrene.
"Mommy!" Patakbo rin si Jelian na umawat sa mommy niya.
"Kyrene ano bang nangyari?" Agad na tanong ni Khielve na kakalabas lang din ng campus kasama si Jelian at Simon. Nando'n na rin si Bella na agad bumaba ng sasakyan ng makitang sinampal si Kyrene.
"Akala mo uurungan kitang babae ka ah." Galit parin ang nanay ni Kyrene.
"Ang kapal ng mukha mo para saktan ako." Sigaw ni Ms. Dianna.
"Mas makapal ang mukha mo para saktan ang anak ko. Kahit kailan hindi ko man lang sinampal si Kyrene tapos sasampalin mo lang." Pasigaw din na sabi ni Nanay Belen.
"Nay tama na po halika na." Pilit na hinihila ni Kyrene ang nanay niya.
"Mommy let's go! Bakit mo ba kasi sinampal si Kyrene?" Nakita nila ang ginawa ng mommy niya ng papalabas na sila.
"Kyrene I'm so sorry." Jelian apologized
"Shut up Jelian! From now on hindi ko malalaman na nakikipagkaibigan sa babaeng yan." Sabay tingin ng masama kay Kyrene at sa nanay niya at umalis.
"Sorry talaga Kyrene." Sumunod si Jelian sa mommy niya.
"Kyrene okay ka lang ba?" Tanong agad ni Khielve dito tumango lang si Kyrene.
Pumunta nalang sila ng sasakyan.
"Bakit ka niya sinaktan anak?Sino ba yun?" Tanong agad ng nanay niya. Napapagitnaan siya ni Khielve at nanay niya, sa harap naman Sumakay si Bella at Bubwet.
"Si Ms. Dianna po, kaibigan at secretary po ni Ms. Margarita. Hindi lang po kami nagkaintindihan. Wag niyo na pong isipin yun." Paliwanag ni Kyrene.
"Kaibigan ni Ms. Margarita." Sambit ng nanay niya.
Nakauwi sila sa mansyon, agad na umakyat si Kyrene at kasunod naman nito si Khielve.
"Kyrene, halika ka nga." Hinawakan nito ang braso niya at hinarap siya.
"Anong bang nangyari? Bakit ka sinampal ng mommy ni Jelian?" Tanong ni Khielve.
"Wag mo ng isipin yun."
"Kyrene panong hindi sinaktan ka niya. C'mon tell me. I'm your boyfriend, no secrets."
"Dahil kay Yasmine, nag quit ka daw kasi sa pagiging escort ni Yasmine. Akala niya ako ang nagsabi sayo na mag quit ka."
"What!? Tsk. Bakit niya yun naisip?" Hinawakan nito ang pisngi niya na sinampal ni Ms. Dianna. Mapula pa ito.
"Masakit pa ba?" He asks
"Medyo" Hinalikan nito ang pisngi niya.
"I'll talk to her, for sure kasama yun mamaya sa dinner."
"Khielve wag na, hayaan mo na." Niyakap siya ni Khielve.
"Kyrene, ayaw ko na may mananakit sayo. Lalo kung ako ang dahilan." Gumanti ng yakap si Kyrene dito.
"Salamat, pero hayaan mo nalang. Hindi na yun mauulit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top