CHAPTER 45
Brizalde's Mansion:
Nasa living room ang magasawa nakaupo sa mahabang sofa. Pagdating ni Mr. Brizalde agad itong umakyat para magbihis at sinabi nito sa asawa na may paguusapan sila.
"Hon, ang mga Cruz, nandito ngayon. Sa mga Montillo sila tumutuloy. Gusto daw tayo makausap ng magulang ni Kyrene." Mr. Vincent started.
"Huh? Bakit naman?" Takang tanong nito.
"Hindi ko rin alam."
"Nanggaling ka dun?" She asked.
"Yeah! Hinatid ko si Kyrene, nagkita kami accidentally. Inaya kong magmeryenda, and Mr. Tolentino had seen her and gusto nito na si Kyrene ang maging mukha ng collection natin."
"Oh really! That's good. Finally may napili na siya.... but wait.. Why they want to talk to us... Is it about Kyrene? About sa offer sakanya mag model?"
"I don't think so! Kasi nag usap na kami about that and pumayag na sila." He explained.
"Hi dad, hi mom!" Tumabi si Yasmine at umupo sa gitna ng dalawa. Kasama din nito ang lola niya.
"Dad! May napili na ba kayong new model na makakasama ko?" Yasmine asks.
"Yeah honey!" Mr. Brizalde replies.
"Really! Sino? Celebrity?" She asks.
"No! It was Kyrene." -Mr. Brizalde.
"Kyrene! Who's Kyrene?" Yamine asks. Narrowed her eyes.
"Kyrene Cruz, your schoolmate, yung taga San Isidro?" Mr. Brizalde
"WHAT!?" She exclaimed at napaangat pa sa pagkakasandal.
"Why her? Are you kidding me?" Napapataas na ang boses nito.
"No! Do I look like I'm kidding?" Natatawang sabi nito. She sighs. Irita na ito.
"But why? How? Of all people, why her?"
"Yas! Mr. Tolentino wants her." Mr. Brizalde
"Hindi ko siya kayang makasama."
"Honey! Ayusin niyo na ang gulo niyo ni Kyrene. Baka hindi naman niya sinasadyang, pagbitangan ka." Mrs. Brizalde, hinawi pa nito ang buhok niya, palipat-lipat ito ng tingin sa mommy at daddy niya.
"NO ma'am! Basta ayoko!" Biglang itong tumayo at padabog nitong tinungo ang hagdan.
Nagtinginan ang magasawa at sabay na tumingin sa donya na nakaupo sa single na sofa. Nagkibit balikat lang ito.
*****
"Seniorito ako nalang kasi magluluto ng itlog. Kung gusto niyo ng buo, kayang kaya ko yun." Sabi ni Inday.
"Hindi po pwede ate Inday. Turuan mo nalang ako."
"Khielve what are you doing?" Lumapit ang mommy niya dito habang nagluluto siya ng itlog.
"Good morning mom. I cook egg." Tumingin ito saglit sa mommy niya at binalik din agad ang tingin sa ginagawa.
"At kailan ka pa nag kahilig magluto?" Takang tanong nito.
"At bakit ang dami mong itlog na niluluto?" Tanong uli ng mommy niya.
"Paano ma'am, sasagutin daw siya ni Kyrene pag nabuo niya ang pritong itlog." Sagot ni Inday.
"Oh I see! Then goodluck son, mukhang matatagalan mo pang magiging girlfriend si Kyrene. Ahaha!" Natatawang sabi nito.
"Thanks for the support mom. Lumakas loob ko." He said without looking at his mom. Tumalikod nalang ang mommy nito na napapangiti.
"Oh hi Kyrene! Good morning." Bati ni Mrs. Bettina. Pagtalikod nito saktong nando'n na rin si Kyrene.
"Good morning po ma'am--
"Hmm!" Putol ng mommy ni Khielve.
"Sorry po naiilang po akong tawagin kayong tita." Nahihiyang sabi ni Kyrene.
"Masasanay ka rin. Tignan mo si Khielve ang dami ng itlog na niluto, para lang mapasagot ka." Nakangiting sabi nito. Tumingin si Kyrene sa lamesa. Ang dami ngang itlog.
"Kyrene sagutin mo na kasi si seniorito, isang tray na ang naubos oh." Sabi ni Inday. Tumingin naman siya kay Khielve na seryoso sa ginagawa na hindi man lang siya tinignan.
"Shit! Haist! Okay na eh, nabasag pa eh." Inis na inis nitong binitawan ang shansi. Huling itlog na kasi yun.
"Khielve, nagbibiro lang naman ako. Wag mo naman seryosuhin, okay na yan. Itigil mo na yan." Hiyang-hiya si Kyrene, lalo sa mommy nito.
"Grabe naman, ang daming itlog." Nakagat ni Kyrene ang kuko niya sa kamay. Tumingim sakanya si Khielve.
"Kyrene! Seryoso ako sayo. Mahal talaga kita, kaya gagawin ko talaga lahat lahat para lang makuha ko ang matamis mong oo." Tuloy-tuloy nitong sabi sa harap pa ng mommy niya at ng mga katulong.
Nakagat ni Kyrene ang labi niya sa sobrang hiya. Tumingin siya sa mommy ni Khielve, na ngiting-ngiti naman.
"Naku naman! Haist! Nakakahiya naman. Sige po mauu.....mauuna na ako, papasok na po ako." Para siyang tanga na hindi alam ang sasabihin at gagawin. Umalis nalang siya, pero mabilis naman siyang sinundan ni Khielve.
******
MB Clothing Company:
"Mr. Tolentino, baka naman pwedeng ibang model ang piliin natin? Maraming mas maganda, pwedeng celebrity nalang ang kunin natin." Ms. Dianna says. Trying to convince Mr. Tolentino na hindi si Kyrene ang gawing model.
"But why? She's perfect for teen collection. Innocent look."
"Yasmine and Kyrene have personal issue. So, hindi sila pwedeng pagsamahin."
"Oh Really! then replace her." Napangiti si Ms. Dianna.
"Okay, I'll find another one to replace Kyrene." Nakangiting pahayag nito.
"No, no, no. Not her. Yasmine! Replace Yasmine."
"What!? Hindi naman po pwede yun. Si Yasmine ang anak ng may ari ng company. And ever since siya na ang model ng teen collection ng company." Ms. Dianna states,
"Exactly! Matagal na siyang model, we need something new.... New face..... I'm sorry, I think mali ata na mag invest ako sa company niyo. Napaka unprofessional, dahil lang sa personal na issue idadamay ang negosyo. I'm sorry, kung ganito kayo mag isip, I can't help your business expanding abroad." Napahinga nalang ng malalim si Ms. Dianna.
"I'm sorry Mr. Tolentino!but don't worry, Kyrene will be our new model." Mr. Brizalde states.
"Okay, then. Discussion end." Ito ang pinakamalaking investor ng company nila.
******
Restaurant:
Nasa restaurant ang nanay at tatay ni Kyrene, nakipagkita ito sa magasawang Brizalde.
"Bakit niyo nga pala kami gustong makausap? Tungkol saan?" Tanong ni Ms. Margarita.
Huminga ng malalim ang nanay ni Kyrene.
May nilabas ito mula sa bag at nilapag sa lamesa. Dahan-dahan itong tinulak pausog sa mag asawa. Kunot noo naman na tinignan iyon, na sobrang naguguluhan.
"Ano to?" Mrs. Brizalde asks, as she stared at the things on the table.
"Gusto ko lang sanang itanong kung nakikilala niyo yan." Sabi ni Nanay Belen, kinuha ito ni Ms. Brizalde. At inangat ng dalawang kamay at pinakatitigan. Nagulat ito ng makita.
"Paano! Paano to napunta sainyo?" Gulong-gulong tanong ni Ms.Brizalde.
"Kilala niyo ang damit na yan?" Belen
"Of course! Ako mismo nagtahi nito para sa kambal ko... ito oh! My KY pa. Ang ibig sabihin nito. Kelly and Yasmine." Doon na humagulgol si Aling Belen na kinagulat ng magasawa.
"Belen wag kang umiyak. Pinaghandaan na natin to diba?" Alo ni Mang Benito.
"Bakit? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak Belen?" Alalang tanong ni Ms. Brizalde.
"Nanganak ka sa San Joaquin diba?"Tanong ni Mang Benito. Tumango si Ms. Brizalde.
"Nasa bakasyon kami noon, nung papauwi na kami, biglang pumutok ang water bag ko, kaya doon ako napaanak. Bakit niyo natanong? Bakit ito nasa inyo?" Tanong ni Ms. Brizalde. Ready na rin kasi ang mga gamit nito para sa panga-nganak niya na lagi ng nasa sasakyan in case of emergency, kaya nung manga-anak siya sa San Jaoquin mga damit na gawa niya ang suot ng mga anak nito.
"Ang totoo niyan, kayo nalang ang hindi namin napupuntahan, para itanong ang tungkol diyan." Huminga ng malalim si Mang Benito. Napuntahan na kasi ang ibang mga nasa lista na nanganak ng araw na yun.
"Suot yan ni Kyrene nung makuha ko siya sa nasusunog na Nursery room sa San Jaoquin hospital. Kaya Kyrene ang pinangalan namin dahil sa burdang KY." Napaawang ang bibig ni Ms. Brizalde sa narinig.
"Hindi ko alam kung paano nangyari! Pero possibleng kayo ang tunay na magulang ni Kyrene." Patuloy ni Mang Benito.
"Diyos ko! Buhay ang anak ko, buhay si Kelly." Napaiyak na rin si Ms. Brizalde. Habang yakap-yakap ang baby dress. Si Mr. Brizalde wala ding masabi sa pagkagulat.
"Possibleng yung nakuha niyong bangkay hindi niyo anak."
"Possible nga." Sambit ni Mr. Brizalde at inalala ang pangyayari.
Isang oras palang ang asawa niya ng manganak ito ng mangyari ang sunog . Iniwan niya muna ito para bumili ng gamot sa labas, ni hindi pa nga niya nakikita ang mga anak nila. Pagbalik niya nang ospital, nagkakagulo dahil may sunog daw.
Agad siyang tumakbo sa nursery room, may nakabangga pa siyang isang lalaki na may dalang sanggol. Pero huli na ng makarating siya natupok na ng apoy ang nursery.
"Pero bakit ngayon niyo lang kami hinanap?" Tanong ni Mr. Brizalde.
Pinaliwanag ni Mang Benito na sinubakan naman nilang ireport pero wala naman nagclaim kaya dina nila pinilit pa.
"Diyos ko! Kaya pala ang gaan ng loob ko kay Kyrene, anak ko siya..... Hon, puntahan natin siya, gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap." Naiyak na ng tuluyan si Ms. Margarita.
"Mrs. Brizalde, gusto sana namin, masiguro niyo munang anak niyo talaga siya. Baka kasi mamaya, hindi pala, baka umaasa ang bata. Ayaw namin masaktan siya, baka pwedeng ipa'dna niyo muna siya." Si Mang Benito na ang nakikipagusap dahil hikbi ng hikbi si Aling Belen.
"Pero sigurado ako. Dito palang sa damit." Pagpupumilit nito.
"Hon, tama sila. Dapat tayong makasigurado muna. Malaki ang magiging epekto nito kay Kyrene." -Mr. Vincent
"Sige, pero puntahan natin siya ah. Gusto ko lang siyang makita." Umiiyak parin na sabi nito. Na hinihimas ang likod nito ni ng asawa.
"Let's have a dinner tomorrow night. Tatawagan ko si Henry." Mr. Brizalde states.
*****
Campus:
"Yasmine! Hindi na muna ako sasama sa practice ah. Alam ko naman kung anong gagawin eh." Khielve says.
"But why? Sumama kana. Para mas maperfect natin ang gagawin sa debut." Pamimilit ni Yasmine.
"Bukas nalang uli, may gagawin ako eh. Tsaka hahatid ko si Kyrene." Biglang napatingin ni Yasmine sa bandang likod ni Khielve, nakita nitong nasa may di kalayuan si Kyrene na papunta sa may bahagi nila. Tumingin uli si Yasmine kay Khielve.
"Okay, sige mauna na ako." Hinawakan ni Yasmine ang batok ni Khielve at walang sasabing hinalikan nito sa labi na ikinagulat ng husto ni Khielve.
Agad itong umiwas at naitulak si Yasmine ng bahagya.
"What's wrong with you? Bakit mo ginawa yun?" Iritang sabi ni Khielve. Nando'n naman si Bianca at stacy na nagpipigil matawa.
"What!? It was just a friendly kiss. Ang dami naman gumagawa sa'yo nun, hindi ka nagagalit." Nakangiting sabi nito.
"Not anymore!" Madiin na sabi nito, na iritado parin sa ginawang paghalik sakanya ni Yasmine.
"Hi Kyrene!" Natigilin si Khielve ng may narinig na may tumawag sa pangalan ni Kyrene.
Paglingon niya nakita niyang papatalikod na si Kyrene at sigurado siyang nakita nito ang nangyari.
"Shit!" He cursed, he quickly runs towards her.
"Kyrene!" He calls at agad siyang humarang sa harap nito.
"Kyrene let me explain." Tumingin sakanya si Kyrene.
"Hindi kailangan." Sagot niya at aalis na sana pero hinarangan uli siya.
"Kailangan Kyrene, kailangan. She kissed me, not me." Taranta parin ito sa pagsalita.
"Alam ko, lagi naman ganun diba?" Walang ka ngiti-ngiting sabi niya.
"No Kyrene! Hindi ganun, believe me." Hindi na siya pinansin ni Kyrene.
Aalis na sana ito na biglang lumuhod si Khielve sa harap niya na kinagulat ni Kyrene.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Please Kyrene makinig ka naman, maniwala ka sakin." Sabi nito na nakaluhod.
"Tumayo ka na diyan nakakahiya."
"Hindi ako nahihiya, hinding-hindi ako mahihiya."
"Ayaw mo talagang tumayo?"
"Ayoko" Mabilis nitong sagot.
"Di bahala ka!manigas ka diyan."Sabay alis ni Kyrene, tinalikuran niya na ito.
"KYRENE CRUZ!!!!" Napatigil si Kyrene ng sumigaw ito ng pagkalakas-lakas. Pero hindi siya humarap.
"KYRENE CRUZ! MAHAL NA MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! IKAW LANG ANG BABAENG MINAHAL KO!" Pakiramdam niya pulang-pula na siya sa pagsigaw nito.
Tumingin si Kyrene sa paligid niya. Lahat ng studyante nakatingin na talaga sakanila. Sumigaw na naman ito.
"NARAMDAMAN NIYO NA BANG MAGMAHAL!? YUNG TIPONG GABI-GABI HINDI KA MAKATULOG KAKAISIP SA SAKANYA. YUNG PARANG MASISIRAAN KA NG ULO PAG HINDI MO SIYA NAKIKITA!" Pasigaw parin nitong sabi, agad na humarap si Kyrene dito, dahil siya na ang hiyang-hiya sa ginagawa nito.
"AKO! GANUN AKO, HINDI MAKATULOG! DAHIL SA KAKAISIP SA BABAENG MAHAL KO!"
"MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA KYRENE CRUZ! IKAW ANG BABAENG GUSTO KONG MAKASAMA HABANG BUHAY! IKAW LANG AT WALA NG IBA!"
"I LOVE YOU KYRENE CRUZZZ!!!" Mas lalong nilakasan ang sigaw nito. Hindi na nakatiis si Kyrene nilapitan niya na ito.
"Anong ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya? Tignan mo kung gaano karaming tao ang nakatingin sayo." Pigil na pigil ang pagsalita nito.
"Wala akong pakialam! Hinding-hindi ko ikakahiya na ipagsigawan sa buong school kahit sa buong mundo kung gaano kita kamahal." Nakatitig ito sakanya habang sinasabi ang mga salitang yun.
"Pambihira ka! Nasisiraan ka na ba talaga?" Lumapit ito sakanya at hinawakan ang kamay ni Kyrene.
"Mahal na mahal kita Kyrene! Alam ko marami akong naging kasalanan sayo. Sana mapatawad mo ako, please give me another chance." Punong-puno ng sinsiridad ang mata nito at pagmamahal na rin. Yumuko si Kyrene.
"Mahal din kita!" Paanas niyang sagot, biglang parang lumiwanag ang mukha ni Khielve sa narinig.
"Anong sabi mo?" Tanong nito. Binitawan nito ang kamay niya at kinulong ng dalawang palad ang mukha niya at inangat. Nagtama ang mga mata nila.
"Please Kyrene! Say it again." She just closed her eyes in two seconds too long and open them again.
"Mahal din kita! Mahal na mahal." Napangiti ng husto si Khielve.
"Totoo! Totoong totoo?! Tayo na? Hindi ko na kailangan magluto ng itlog? " Napapangiti si Kyrene sa reaksyon nito. Tumango-tango si Kyrene.
"Oo, ginising mo yung puso ko sa sigaw mo eh! corny, pero totoo." nakangiting sabi niya.
"Ahaha! Woah! Totoo talaga?"
"Aaayyy! Khielve ano ba? Ibaba mo nga ako. Ahaha!" Binuhat siya nito at inikot-ikot. Binaba siya uli nito at niyakap ng mahigpit.
"God Kyrene! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya. Mahal na mahal kita." Punong-puno ng pagmamahal ang bawat salitang binibitawan nito na ramdam na ramdam naman ni Kyrene. Yumakap din si Kyrene dito.
"Mahal na mahal din kita." Kumalas ng yakap ang dalawa. Hinawakan ni Khielve ang isang kamay ni Kyrene at humarap sa mga tao.
"KYRENE AND I ARE NOW OFFICIALLY A COUPLE!" He shouts out loud to let anyone hear it.
"SO STAY AWAY FROM MY GIRLFRIEND!" He shouts again sabay tingin Kyrene.
"Khielve ano bang ginagawa mo? Haist! Nakakahiya naman, lahat na nakatingin satin." Humarap uli sa sakanya si Khielve.
"I don't care! Bakit ako mahihiya? I'm proud of it! Kailangan ko lang sabihin sakanila para wala ng lumapit sayo. Lalo na yung mga lalaking umaaligid sayo."
"I think we have to celebrate it!" Someone speaks up behind their back. Lumingon sila dito. Ang grupo.
"Gosh! Ganyan ka pala ma'inlove Montillo! Talagang ipagsisigawan. Congrats guys." Lumapit si Tricia kay Kyrene at binigyan ng mahigpit na yakap.
"Congrats bro." Boys give him a manly hug.
"This is the best scene that I've ever seen. I love it." Jelian says.
"Kaya ko rin tong gawin Jelian." Nakangiting sabi ni Simon. Napangiti naman si Jelian sa sinabi nito.
"Naku! Bumabanat ka na naman." Zion
"So, let's celebrate. Mag bar tayo, miss ko na mag bar." Tricia.
"Sige magkita nalang tayo sa dati. Uuwi muna kami, isasama rin namin si Bella." Pagsangayon ni Khielve at hinawakan ang kamay ni Kyrene.
Inis na inis naman si Yasmine sa nakita at narinig na ginawa ni Khielve.
***
Kumatok si Khielve sa kwarto ni Kyrene. Bumukas naman agad ito.
"Ready na kami." Bungad ni Kyrene pagbukas ng pinto.
"Wow!" Pinasadahan siya ng tingin ni Khielve.
"Maka wow ka naman."
"You're so beautiful and so sexy. Shall we?" Nilahad nito ang kamay at humawak naman si Kyrene. Kasama din nila si Bella at Janilin. She's wearing royal blue fitted dress ng hanggang ibabaw ng tuhod.
"Mga love birds. Tayo nalang partner New york girl. Wag kang mag e'ingles ah." Sabi ni Bella kay Janilin.
"Ahahaha! Sure Bella." Janilin says.
"Ah! I love your accent. Ang ganda na naman ng pangalan ko." Natatawa nalang sila kay Bella.
Bumaba sila at lumabas ng mansyon. Sumakay sila sa SUV. Magpapahatid nalang sila kay Mang Nestor. Sa unahan si Janilin, silang tatlo sa back seat umupo. Umalis naman agad ang sasakyan.
Yumakap agad si Khielve kay Kyrene, pinatong nito ang baba sa balikat niya paharap ang mukha sakanya.
Tumingin ng bahagya dito si Kyrene, hindi niya maiharap ang mukha niya dahil siguradong magdidikit sa mukha ni Khielve.
"I love you" Bulong ni Khielve. Ngumiti lang si Kyrene.
"I said I love you." Sabi uli nito. Siniko siya ni Bella.
"I love you daw! Sumagot ka nga." Sabi ni Bella. Natawa si Kyrene at Khielve dito.
"I love you too." Pabulong na sagot ni Kyrene.
"Ang hina naman, kinahihiya mo ba ako?" Khielve asks.
"Hindi, nahihiya lang akong marinig nila. Ano ba yan, okay na yun." Dinikit ni Khielve ang mukha niya sa pisngi ni Kyrene. At hinigpitan ang yakap.
"I love you." Bulong niya.
"I love you too." Bulong ni Kyrene pabalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top