CHAPTER 44

"Class dismiss!" Prof. Declared. Nagsitayuan ang lahat at nagsilabasan.

"Susunduin ka ba ni Khielve Kyrene?" Jelian asks.

"Hindi! Hindi naman pumasok eh." Binuksan nila ang pinto.

"Oh my!" Bulaslas ni Jelian. Si Khielve nakatayo at nakasandal sa hallway may dalang bulaklak. Ngiting-ngiti, lumapit ito sakanya.

"Flowers for you señorita ko!" She gulped out repeatedly. Wala siyang masabi at hindi rin siya makakilos para kunin ang bulaklak.

She looked around, everybody is staring at her. Some of them were smiling but most of them glared at her as if they want to kill her.

"Hoy!" Jelian interrupted her.

"For you!" Khielve said and handed the flower to her. She mouthed 'thank you'.

"Let's go," he held her elbow and the other hand is on her back. They walked along the hallway, she was avoiding the students who glared at her by lowering her head as she walks.

Nang makababa sila sa building she sighed with relief as she escaped with those bitches who really want to pull her hair. Hinarap niya si Khielve.

"Sa susunod Khielve, pwede wag mo na tong gawin."

"Bakit naman?"

"Hindi mo ba nakita yung mga babae kung gaano kasama ang tingin sakin."

"Hayaan mo sila, hindi ka nila sasaktan. Lagot sila sakin pagginawa nila yun. Let's go na." Lumingon siya kay Jelian na nasa likod niya.

"Jelian, una na kami."

"Sige" Tipid nitong sagot. Umalis na sila ni Khielve at nagpunta ng parking lot at agad na sumakay na pinagbuksan pa siya ng pinto.

Agad na pinaandar ni Khielve ang sasakyan.

"Akala ko ba hindi ka papasok?" She asks as she stares out of the window at the by passing houses and buildings along the roadside.

"Hindi nga, pumunta lang ako para sunduin ka." She turned to looked at him, he smirks at her. She's turning back to the view outside the car.

"I miss your smile." He said, concentrating on the road ahead.

"Wala naman dahilan para ngumiti." She says keeping her eyes on the roadside.

"I bet, later you will." Nailing lang siya siya sinabi nito.

After 20 minutes, they reached the mansion. He parked the car and she moving out, hindi na niya inantay na pagbuksan siya ng pinto ni Khielve. Agad siyang lumabas at pumasok ng bahay, kasunod lang niya si Khielve.

"ATE!!!" Little girl yelled. Napahinto siya sa gulat.

"Bubwet! Aahhh! Anong ginagawa mo dito?" Agad na tumakbo si Ella at nagyakap ang dalawa.

"Anak!" Tumingin siya mula sa likod ni bubwet

"Nanay! Tatay!" Tumakbo siya at yumakap dito.

"Bakit kayo nandito? Aahh! Miss na miss ko na kayo. Sobra!"

Hindi na napigilan ni Kyrene ang umiyak. Habang nakayakap sa magulang.

Nakasandal lang si Khielve sa frame ng pinto at nakangiting pinagmamasdan sila Kyrene.

"Anak! Ibang-iba ka na. Ang ganda-ganda mo lalo. Mukha ka ng artista." Sabi ng nanay niya habang umiiyak.

"Nanay na namam eh! Ako parin to, kailangan lang pag palit ng damit. Kinukulong pala dito pag baduy manamit." Pagbibiro ni Kyrene. Lalong lumapad ang  pagkakangiti ni Khielve sa nakikitang saya nito.

"Ganun ba anak! Baka naman makulong kami dito."

"Ahaha! Biro lang nay. Si kuya, kasama niyo?"

"Hindi anak eh! Wala kasing tatao sa bukid." Ngumiti lang at tumango si Kyrene.

"Ako ang kasama nila." Someone speaks up.

"BELLA!" She yelled.

"FRIEND!" Bella yelled too. Tumakbo ang magkaibigan pasalubong sa isa' isa at magkayakap na nagtatatalon.

"Bella namiss kita sobra!"

"Ako din!" Kumalas sila ng yakap at pinasadahan siya ng tingin ni Bella.

"Ang ganda mo friend nakakatulaley ka." Manghang sabi ni Bella.

"Ikaw talaga!" Tumingin uli siya sa magulang niya.

"Ano po palang ginagawa niyo dito? Bakit hindi niyo sinabi na darating kayo? Sino naghatid sainyo dito?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Si Khielve anak! Siya ang nagsundo samin sa terminal kaninang umaga." Sagot ng nanay niya.

Tumingin si Kyrene kay Khielve at ngumiti dito ng pagkalapad-lapad na ngiti. Nasa may pinto parin ito.

Sobrang saya niya na nakita niya ang pamilya niya. Tumingin uli siya sa nanay niya.

"Ano po pala ang ginagawa niyo dito? Matatagalan po kayo dito?"

"Saglit lang kami dito anak, dinalaw ka lang namin." Sabi ni Nanay niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry anak ah! Sorry sa mga pagkukulang namin ng tatay mo." Sabi nito habang nakayakap at umiyak na ng tuluyan.

"Nay! Wala po kayong pagkukulang, sobra-sobra po ang ginawa niyo sakin. Ako ang dapat magpasalamat sainyo. Mahal na mahal ko kayo nanay." Sabi nito habang hinihimas ang likod ng nanay niya.

"Mahal na mahal din kita anak."

"Tama na po yan! Dapat happy happy tayo." Sabi ni Bella, nagkalas sila ng yakap. Umupo sila sa living room. Umupo din si Khielve sa single na sofa.

"Kumusta ka dito anak? Sa school mo kumusta ka?" Tanong ng nanay niya.

"Ayos po nay! Mababait po ang tao." Pagsisinungaling niya ayaw naman niyang sabihin maraming bully. Magaalala lang ang mga ito.

"Grabe friend! Akalain mo maganda ka na, may igaganda ka pa pala. Parang nahihiya na tuloy akong maging bestfriend mo." Sabi naman ni Bella, namamangha parin sa itsura niya.

"Pasaway ka! Bigay lang to ni Tricia."

"Talaga!? Ang bait talaga niya no? Grabe mukhang sikat ka sa school niyo. Nakita ko yung pictures mo sa fb. Hanep ang sexy mo dun, ang daming naglalaway na lalaki sayo. Kahit mga taga dun satin yun lagi tinitignan sa computer shop. Ahaha!" Napangiti lang si Kyrene na parang nahihiya.

"Si Tricia kasi may gawa nun." Nahihiya niyang sabi.

"Khielve salamat pala sa binigay mong scholarship kay Kyrene ah! Sabi ni Donya Clara ikaw daw talaga nakaisip nun eh." Napamaang si Kyrene sa sinabi ng nanay niya at tumingin kay Khielve.

"Wala po yun! Deserve naman po niya." Nakangiting sabi ni Khielve.

****

Nakaupo si Bella at Kyrene sa beach chair sa labas ng cabana.

"Friend kumusta kayo ni Khielve? Nasabi niya sakin kanina kung bakit niya nagawa sayo yun. Nagsorry din sakin, mahal ka naman talaga niya. Ang adik lang niya para magisip ng ganun sainyo ni Kenneth." Hindi umimik si Kyrene.

"Ikaw ba mahal mo pa ba siya?" Tumingin siya kay Bella.

"Mahal ko parin siya Bella! Siya lang naman ang minahal ko eh. Kaso nasaktan talaga ako sa ginawa."

"Hindi mo ba siya kayang bigyan ng chance. Tingin ko naman mahal ka niya eh. Sinungitan ko nga siya kanina nung sinundo kami, ayun hingi ng hingi ng tawad. Pati sa nanay at tatay mo humingi ng tawad." Napatingin si Kyrene kay Bella.

"Ha? Eh wala naman alam sila nanay tungkol sa nangyari samin."

"Oo nga! Sinabi niya, humingi siya ng tawad, at nangako pa na hinding-hindi ka na sasaktan." Natigilan si Kyrene at napangiti.

"Mahal mo naman siya diba? Di bigyan mo ng chance."

"Oo Bella! Mahal na mahal ko siya."

****

Nasa living room si Khielve sa taas nanonood ng movie. Tumabi sakanya si Kyrene.

"Khielve salamat sa pagsundo kila nanay." Ngumiti sakanya si Khielve.

"Ikaw pala nagsabi kay Donya Clara na bigyan ako ng scholarship. Salamat ah, hindi ko alam kung paano kita mababayaran."

"One smile Kyrene,  your sweetest smile. That's enough for me." Napangiti naman si Kyrene ng husto.

"Sabi ko sayo kanina diba ngingiti ka."

"Salamat ulit. Sige una na ako matutulog na ako."

"Kyrene sandali!" Tumingin uli si Kyrene.

"Sorry sa sinabi ko sayo, yung sainyo ni Yasmine, hindi ko talaga sinasadya yun. Alam ko naman na hindi mo talaga yun magagawa eh! Pero... mainit lang ulo ko talaga nun, kaya hindi na ako nakapag isip. Masyado akong kinain ng selos eh. Sorry! " tuloy tuloy nitong sabi.

"Selos!?" Ulit niya. Napahawak si Khielve sa batok niya.

"Sayo! Sainyo ni Kenneth,  sorry talaga. Lagi kasi kayong magkasama, umaakbay pa." Umiwas ito ng tingin kay Kyrene. Napangiti naman si Kyrene ng palihim.

"Wala na yun! Okay lang. Sige" Tumayo na si Kyrene.

"Kyrene!" Tawag uli nito, Lumingon naman siya.

"Goodnight!" Ngumiti si Kyrene.
"Goodnight" sagot niya at muling tinalikuran ito.

"Kyrene" Tawag uli nito. Napapangiti na si Kyrene, Lumingon uli siya.

"Sabay tayong pumasok bukas." Ngumiti si Kyrene at tumango. Muling tumalikod.

"Kyrene." Tawag uli nito. Tumingin uli si Kyrene.

"I-- I love you!" Biglang tumalikod si Kyrene at mabilis na umalis at pumasok sa kwarto.

Napasandal si Khielve at napahilamos sa mukha.

"Whoo! Goodluck Khielve John Montillo. Ang tanga mo kasi. Ang laki-laki mong tanga." Sabay hinga ng malalim.

****

"Saan kaya ako pwedeng maghanap ng trabaho." Kyrene muttered habang naglalakad at palinga-linga sa mga shop and resto. Tinitgnan kung may hiring.

Since maaga ngayon ang dismissal sa klase, kaya naisipan niyang umalis.

Si Khielve naman nagpaalam sakanya na sasama kay Yasmine dahil kailangan daw magpractice para sa debut nito.

"Kyrene! " Habang naglalakad siya may biglang tumawag sakanya.

Nilingon niya ito na nasa may pinto ng isang restaurant.

"Mr. Brizalde" Nakangiting sabi nito. Lumapit ito sakanya.

"Hija anong ginagawa mo dito?" Tanong nito pagkalapit.

"Wala naman po, nagiikot-ikot lang baka po may mahanap na trabaho."

"Ganun ba, halika muna sa loob, samahan mo ako magmeryenda." Aya nito.

"Naku Mr. Brizalde wag na po nakakahiya."

"Halika ka na! May kameeting kasi ako, kaso medyo mal'late daw. Wala akong kasama hindi masarap kumain pag walang kasama. Let's go."

"Sige na nga po." Pumasok sila sa restaurant at umupo sa occupied table nito.

Mr. Brizalde signaled the waiter to join them.

"Ano gusto mo kainin hija?" Tinignan ni Kyrene ang menu. Napapalunok siya sa mga presyo.

"Grabe naman ang mamahal, ito po bang steak dito ilang kilo po to? 250 lang ang kilo ng baka, tapos ganun kamahal dito."

"Ahahahaha! Gusto mo ba yan?" Sinarado niya ang menu.

"Hindi po! Kayo nalang po bahala Mr. Brizalde, para hindi ko alam ang presyo. Baka hindi ko malunok eh."

"Ahahaha!okay sige ako nalang." Tawa lang ng tawa ito sa mga sinasabi ni Kyrene. Si Mr. Brizalde na ang namili ng order nila. Kinuha ng waiter ang order at umalis na.

"Bakit ka naghahanap pa ng trabaho Kyrene?"He asks.

"Kailangan po kasi eh. Nakakahiya kila Donya Clara na umasa ng umasa."

"Ganun ba." Natigilan ito at tinitignan si Kyrene na kina'conscious naman ni Kyrene.

"Bakit po kayo ganyan tumingin?"

"Wala naman! Napakasipag mong bata." Ngumiti lang si Kyrene dito. Dumating ang order nila at nagsimulang kumain.

"Vincent!" Napatingin sila sa tumawag dito, isang lalaki at may kasamang babae.

"Vincent! Benedict, classmate mo nung college." The guys says

"Oh yes! Kumusta Benedict." Tumayo ito at nakipag kamay. And give manly hug to each other.

"This is my wife, Cathy." Pakikilala nito sa asawa.

"Hi it's nice to meet you." Nagshakes hand ang dalawa. Tumingin ang lalaki kay Kyrene.

"Is she your daughter? Kamukhang kamukha mo siya ah." A guy said. Tumingin si Mr. Brizalde kay Kyrene.

"No, she's not my daughter."

"Talaga, pero kamukha mo siya. Lalo na nung college day natin, parehas kayo ng mata." Ngumiti lang si Kyrene dito.

"Sige Vincent, nice to see you again."

"Sige" Nagpaalam ito sa isa't isa at ngumiti kay Kyrene bago umalis. Umupo si Mr. Brizalde.

"Nakakahiya naman po, napagkamalan pa akong anak niyo." -Kyrene

"Oo nga, maganda ka kasi.  Ako naman gwapo."

"Ahahaha!" They laughed. Mga ilang sandali pa at dumating na rin ang ka meeting ni Mr. Brizalde.

"Mr. Brizalde,  I'm sorry Masyadong traffic eh." Umupo ang isang lalaki sa table.

"It's okay!"

"Mr. Brizalde, mauna na po ako sainyo. Salamat po sa meryenda." Paalam ni Kyrene.

"Ganun ba, hatid nalang kita sainyo." He offered

"Naku wag na po."

"Who is she?" The guy asks.

"She's Kyrene." Pinakatitigan ito ng lalaki.

"I like her." The guy says. Nangunot ang noo ni Kyrene.

Pambihira tong matandang to. Liken mo mukha mo. - Her thought.

"What do you mean?" Mr. Brizalde asks.

"Diba naghahanap tayo ng new face for the new collection? She's perfect for those collection." Tumingin si Mr. Brizalde kay Kyrene.

Aahh!!akala ko naman kung ano ng like! Tsk tsk. Ang dumi ng utak ko. Hehe!

"Why not! Gusto mo bang maging model Kyrene?" Nakangiting tanong ni Mr. Brizalde.

"Ako po! Model? Weh di nga?"

"Ahahaha!" Natawa ang dalawa sa reaksyon nito.

"Anyway I'm  Fred Tolentino." Pakilala nito at nakipagkamay sakanya.

Isa sa investor sa clothing company ng mga Brizalde. Nakipag kamay ito sakanya.

"Ilang taon ka na ba hija?" The guys asks.

"17 po. Pero 18 na ako next month." She answered

"Pumayag ka na Kyrene, it's big help for you, diba kailangan mo ng trabaho?" Mr. Brizalde says.

"Totoo ba talaga? Baka naman joke joke lang to, pag pumayag ako sasabihin niyo ng VICTIM!"

"Ahahaha!" Lalong tumawa ng malakas ang dalawa.

"You're so funny Kyrene, payag ka na ba?" Mr. Brizalde asks.

"Sige po! Kailangan ko ng trabaho. Akalain mo yun, simpleng trabaho lang hanap ko, magiging model pa ako. Praise the lord." She opens arms as she praised the lord, lalong natawa ang dalawa dito.

"Kailangan lang namin makausap ang parents mo, kasi minor ka pa. Pero sabagay 18 ka na next month. Kelan ba birthday mo?" Mr. Brizalde

"July 20 po. Pwede niyo po makausap si nanay nandito po sila ngayon."

"July 20. Magka birthday pala kayo ni Yasmine." Mr. Brizalde.

"Oo nga po eh."

*****
Montillo's Mansion:

Pagdating ni Khielve sa bahay nila agad itong pumasok.

"Hey son! did you miss me?"

"Mom!" Agad na yumakap si Khielve sa mommy niya.

"Bakit nandito na kayo? Akala ko ba 1 month kayo sa states?"

"Well, tapos na naman ang gagawin dun, so we decided to go back home." Tumango lang si Khielve.

"Dad!" Lumapit sin siya daddy niya at yumakap.

"Kumusta ka dito?" Mr. Montillo asks.

"Fine dad."

"Anyway kasama namin ang pinsan mo." Lumingon ito mula sa likod nito.

"Janilin come here." Tawag ni Mr. Montillo. Lumapit naman ang tinawag nito.

"Remember Janilin?"

"Hi Khielve." Bati nito sakanya.

"Yes of course, hi Janilin. Buti sumama siya sainyo dito. Walang ka bang klase?  Oh! oo nga pala. School vacation nga pala sa states pag ganitong month."

"She wants to study here." Her mom says

"Really! Thats good."- Khielve

"Ayaw daw niya ng k to 12. Ahaha!" -Mrs. Bettina. Pinsan niya ito sa mother side. Since fourth year high school na ito kaya hindi na rin naman niya aabutan ang K-12 curriculum ng bansa.

"Where's Kyrene? Hindi mo siya kasama?" His dad asks.

"Wala pa ba siya dito? Binalikan ko siya sa school sabi ng security guard maaga daw lumabas."

Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun? - He thought

"Nanay Belen" lumapit si Khielve dito at nagmano, na galing sa taas.

"Si Kyrene hijo hindi mo kasama?"

"Hindi po eh, pero baka pauwi na po yun, natraffic siguro. May pinuntahanan kasi ako kaya di kami nagsabay."

"Ayan na pala eh." Lumingon si Khielve mula sa likod niya. Papasok si Kyrene kasama si Mr. Brizalde.

Parang bigla naman namutla ang nanay ni Kyrene pag kakita kay Mr.Brizalde na parang gusto nitong maiyak. Agad na sinalubong ito ni Khielve.

"Kyrene! Saan ka galing? Sabi ko antayin mo ako sa school eh." Ngumiti lang si Kyrene.

"Hi tito! Napasyal po kayo?" Baling ni Khielve kay Mr. Brizalde.

"Vincent napasyal ka?" Lumapit dito ang magasawang Montillo.

"Henry, nandito na pala kayo." Mr. Vincent says.

"Oo, napasyal ka?" Mr. Montillo

"Hinatid ko lang si Kyrene.  Nagkita lang kami sa labas kanina, naghahanap daw siya ng trabaho. Then inaya kong magmeryenda." Tumingin naman sakanya si Khielve at pinaningkitan siya ng mata.

"Hi Kyrene! I'm glad to see you here. Nagkita na pala kayo ng anak ko. Kumusta naman ang taguan niyo? Ahaha!" Yumakap si Mrs. Bettina kay Kyrene,  nahiya naman ng husto si Kyrene.

"Kumusta po ma'am Bettina sir Henry?" Bati ni Kyrene dito.

"Hey, just call we tita and tito. Not ma'am and sir. Please! I can sense you and my son will be, you know someday." Mrs. Bettina says and chuckled aloud.

"Or if you want, mom and dad pwede rin. What do you think son?" Mrs. Bettina gives a flirty giggles.

"I love that." Pagsang ayon ni Khielve na ngiting-ngiti. Hiyang-hiya naman si Kyrene.

"Magtigil kayong dalawa, you make her feel uneasy." Saway ni Mr. Montillo. Hindi talaga si Kyrene komportable. Lumapit nalang siya sa nanay at tatay niya at nagmano.

"Halika Vincent upo ka muna." Aya ni Mr. Montillo.

"Actually, I came here kasi, gusto ko sanang makausap ang parents ni Kyrene." Tumingin ito sa magulang ni Kyrene.

Hindi naman mapakali ang nanay ni Kyrene na napapahigpit ang pag kakahawak sa braso ng asawa.

"Ganun ba." Lumapit ang magasawa at umupo sa living room. Iniwan muna sila ng  mga ito, umakyat din muna si Kyrene.

"Anyway hindi ko pa napapakilala ng maayos ang sarili ko. I'm Vincent Brizalde." Nilahad nito ang kamay niya at nakipag kamay. Nagpakilala din ang dalawa.

"Ano po ba yung pag uusapan natin tungkol kay Kyrene?"Tanong ni aling Belen

"Gusto sana naming kuning model si Kyrene para sa clothing line company namin."

"Model! Talaga? ahaha! Narinig mo yun Benito, magiging model na si Ky-ky." Tuwang-tuwang sabi nito na wala ang kaba sa narinig.

"Ang totoo, pumayag na si Kyrene, kailangan lang din ipaalam sainyo dahil minor padin siya. Kailangan ng consent niyo."

"Kung pumayag na siya walang problema samin... uhmm Mr. Brizalde... ano kasi, gusto sana namin kayong makausap ng asawa mo." Sabi ni Mang Benito.

"Tungkol saan?"

"Sasabihin nalang namin bukas, pagkasama mo yung asawa mo." Nagtataka man si Mr. Brizalde, ngumiti nalang din ito.

"Okay, tomorrow afternoon. Tatawag nalang ako dito."

"Sa ibang lugar sana kung pwede." -Mang Benito

"Okay then, I have to go now, just tell Kyrene nalang na nauna na ako." Nagpaalam ito, pati sa mag asawang Montillo. Pagkaalis nito agad na lumapit si Mrs. Bettina kay Aling Belen.

"Nasabi niyo ba Belen ang tungkol kay Kyrene?" Tanong agad nito. Nasabi na rin ni Aling Belen dito, Pagdating nito kanina nung magtanong kung bakit sila lumuwas.

"Hindi pa, bukas nalang. sabi namin magusap kami, gusto namin kaharap si Mrs. Brizalde." -Aling Belen

"Diyos ko! Paano kung sila nga ang magulang ni Kyrene?" Naiyak si aling Belen sa tanong na yun.

"Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung dapat kong ipanalingin na sila o sana hindi sila ang magulang ni Kyrene. Natatakot ako..... mawawala na sakin ang anak ko." Naiiyak nitong sabi.

*****

Pumunta si Khielve sa Kwarto at kumatok. Sumandal siya sa frame ng pinto. Bumukas ang pinto.

"Oh Khielve! May kailangan ka?"

"Bakit umalis ka ng school kanina?" Tanong nito habang nakasandal.

"Maaga kasi kaming na'dismiss."

"Bakit ka naghahanap ng trabaho? Diba nagusap na tayo tungkol dun?" Khielve asks. She just shrugged her shoulders.

"Be my P.A again, kung gusto mo ng trabaho. Promise hindi na kita pagtitimplahin ng maraming juice." Napangiti si Kyrene.

"Ayoko!" Sagot niya sinalubong ang titig ni Khielve.

"Umm.. how about..... umm. Be my girlfriend." Tumikhim si Kyrene bago magsalita.

"Ayoko! Good night." Sabay sara ng pinto.

"Haist!Pambihira."

"Kyrene!hindi ako susuko." Sabi ni Khielve kahit nakasara na ang pinto.

"Wala kang pag asa, sabi ni Kenneth pag hindi mo nabuo ang itlog wag kitang sagutin." Sigaw ni Kyrene.

"Pag nabuo ko sasagutin mo ako?" Tanong niya, nakasara parin ang pinto.

"Oo Khielve sasagutin ka niya." Sigaw ni Bella.

"Promise yan ah! good night!  I love you." Sigaw uli nito. Tsaka ito umalis. Binuksan uli ni Kyrene ang pinto at sumilip sila ni Bella. Ngiting-ngiti naman si Kyrene.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top