CHAPTER 43
Sorry kung ngayon lang na'update ito, naging busy sa BS ng My Snatcher Wife. Haha!
_________________________________
Napasuklay si Khielve sa buhok niya at napahilamos sa mukha niya.
"Ang tanga ko! Ang tanga ko! Kailangan ko siyang makausap." Agad na tumakbo siya palabas ng room.
Tumakbo siya ng mabilis, malalaking hakbang ang ginawa niya para puntuhan si Kyrene.
Narating niya ang fashion department building at agad na umakyat. Tumakbo siya papuntang classroom ni Kyrene at marahas na binuksan ang pinto. Nagulat ang mga nandun.
"Where's Kyrene?" Habol pa niya ang hininga niya.
"Nasa labas siya." Sabi ng isa, umalis siya na hindi na sinara ang pinto. humawak sa pasamano ng hallway, halos pinagtitinginan siya ng mga nandun.
Nakita niya si Kyrene na naglalakad sa gitna ng ground kasama si Jelian at Tricia.
"KYRENE!" Malakas niyang tawag kay Kyrene. Nagsilabasan na rin ang classmates ni Kyrene para tignan si Khielve.
Tumingin naman si Kyrene sakanya at napahinto ang tatlo sa paglalakad.
Tumakbo si Khielve sa gilid ng hallway na nakatingim kay Kyrene. Pagdating niya ng dulo ng hallway agad siyang bumababa ng hagdan.
Napapreno siya at napahawak sa poste ng building, nakatingin lang si Kyrene sakanya na parang naguguluhan kahit sila Jelian at Tricia.
Agad na tumakbo si Khielve sa gitna ng ground para puntahan si Kyrene at walang sabi-sabing niyakap niya si Kyrene, napayakap naman si Kyrene dito dahil sa lakas ng impact ng pagkakayakap ni Khielve para siyang mabubuwal.
Napanga-nga lang si Jelian at Tricia. Halos lahat naman ng nasa building nakatingin sakanila pati ang ibang studyanteng nasa baba na naglalakad. Kitang-kita naman ni Yasmine ang yakapan ng dalawa na nasa third floor.
"Kyrene I'm sorry!..... I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit na sabi ni Khielve, habang mahigpit na nakayakap at ang isang kamay nasa likod na ulo ni Kyrene nakahawak.
"Kyrene please forgive me! It was all mistake...... my mistake, I'm sorry if I quickly judge you, without asking you first. I'm so stupid to assumed that you've been cheating on me. I'm sorry, I'm very sorry." Humiwalay ng yakap si Khielve at hinawakan ang mukha ni Kyrene na gulong-gulo parin.
"Kyrene I love you! I never stop loving you! I'm sorry sa nasabi ko sayo. Hindi ko sinasadaya, I'm sorry kung nasaktan kita..... Let's talk Kyrene." Hinawakan ni Khielve ang kamay niya. Wala paring masabi si Kyrene na naguguluhan talaga.
"Girls, hiramin ko muna si Kyrene." Tumango lang ang dalawa na wala rin masabi, na tulala din.
Hinila na niya si Kyrene palayo. Sumunod lang si Kyrene dito na walang ano mang salitang lumabas sa bibig.
Dinala siya ni Khielve sa garden at umupo sa bench na nasa ilalim ng puno. Pinaharap niya si Kyrene at kinulong ang kamay sa mga kamay niya.
"Kyrene, I'm sorry sa nagawa ko. Hindi ko sinasadya, akala ko kasi kayo ni Kenneth. Narinig ko siya nung tumawag ako sayo, at sa sinabi niya alam ko na kung nasaan lugar kayo. Akala ko, siya ang gusto mo, akala ko niloko mo lang ako. Hindi ko alam na may pinagdadaan ka pala nun. Kyrene please forgive me. Mahal na mahal kita Kyrene." Doon lang nalinawan si Kyrene, ang matagal na niyang tanong sa utak niya kung bakit na gawa ni Khielve yun, finally nalinawan na siya.
It was all misunderstanding, mistaken. Wrong thoughts ruined their happiness, ang magiging relasyon sana nila.
"Kyrene please come back to me. Lahat gagawin ko para lang makabawi sayo." Huminga ng malalim si Kyrene. Binawi niya ang kamay niya sa pagkakahawak nito.
"Akala mo ganun lang kadali yun, alam mo ba na gabi gabi akong umiiyak dahil sa ginawa mo ah. Masyado mo akong sinaktan." Hinawakan uli ni Khielve ang kamay niya.
"I know, I know! I'm so sorry Kyrene, please patawarin mo ako. Kahit ano gagawin ko patawarin mo lang ako. Gabi-gabi din kita iniisip at nasasaktan, dahil sa katangahan ko. Please Kyrene patawarin mo ako." Pagsusumamo ni Khielve. Binawi uli niya ang kamay niya at tumayo si Kyrene.
"Pinapatawad na kita, pero hindi na kita babalikan. Manigas ka." Sabay talikod ni Kyrene at umalis napamaang si Khielve sa sinabi nito. Pero hinabol niya uli si Kyrene at niyakap mula sa likod.
"Kyrene naman please."
"Ano ba bitawan mo nga ako."
"Kyrene please! Liligawan uli kita."
"Bitawan mo nga ako Khielve! Ano ba? Ayaw ko magka boyfriend na walang tiwala sakin. Tsaka may Yasmine ka na." Bumitaw si Khielve at humarap sakanya, hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.
"Hindi! Magkaibigan lang kami. Maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko, please payagan mo akong ligawan ka uli."
"Ewan ko sayo, Bahala ka! Babalik na ako sa klase ko." Umalis na si Kyrene, Napangiti si Khielve at sumunod kay Kyrene.
Narating niya ang building na sumusunod parin si Khielve sakanya. Lahat ng mata nakatingin sakanila, parang siya na naman ang hiyang-hiya. Marami na naman ang maiinis sakanya.
Pumasok siya ng room, ngiting-ngiti naman si Jelian, umupo siya sa seat niya at umupo din si Khielve. Lahat ng classmate niya nakatingin sakanya.
"Anong ginagawa mo? Umalis ka na." Mahinang sabi ni Kyrene. Ngumiti lang si khielve na pagkatamis-tamis.
Haist! Ayan na naman yung ngiti niya. Sobra kung namiss yun..... Tumigil ka Kyrene, malaki ang kasalanan niya sayo. Wag kang bibigay. - Huminga nalang siya ng malalim.
Dumating ang baklang prof. Nila pero hindi parin umalis si Khielve.
"Hindi ka pa aalis?" Ngumiti lang uli si Khielve.
"Hmm! The heartthrob of KYU is here. Nagshift ka na ba ng course mo Mr. Montillo?" The prof. Asks.
"Pa seat in lang sir, wala kaming klase eh." Khielve says.
"Oh well, it's my pleasure, para naman ganahan ako sa pagtuturo. Ahaha! Just kidding." Tawanan din ang mga studyante sa kalandian ng prof. Na bakla.
"Hmm.. Miss Cruz, ang ganda mo ah, you don't look like a promdi anymore. Look great! Is she the reason why you're here Mr. Montillo?"
"Yes sir!" Mabilis na sagot ni Khielve.
Tinulak ni Jelian si Kyrene gamit ang katawan nito. Ngumiti ito ng mapanuksong ngiti. Natapos ang klase hanggang sa dismissal time.
Paglabas nila ng room. Kasunod parin si Khielve.
"Uwi na tayo ky-ky or gusto mo mag date muna tayo?" Kilig na kilig naman si Jelian na binabangga-bangga pa si Kyrene ng braso nito.
"Uuwi na ako nandun na yun si Mang Nestor."
"Sasabay ka sakin, wala si Mang Nestor, tinext ko siya, sabi ko ako na ang maghahatid at magsusundo sayo mula ngayon." Pagbaba nila saktong nandun rin si Yasmine. Masama agad ang tingin nito.
"B, Hatid mo naman ako." Tuloy sa paglakad si Kyrene. Sumunod naman si Khielve.
"Sorry Yasmine, wala kasing kasama si Kyrene." Sabi ni Khielve habang papalayo kay Yasmine. Nakuyom nalang ni Yasmine ang kamay niya sa inis.
****
Brizalde Mansion:
"Hi Yas, bakit ganyan ang mukha mo? Don't tell me hindi mataas ang grade na kuha mo sa portfolio mo?" Tanong ni Ms. Dianna umupo ito sa tabi ni Yasmine na nasa living room.
"I got flat 1"
"Oh really! I told you, you're good. Eh bakit ganyan ang mukha mo?" Nakangiting sabi nito.
"Si Khielve kasi." Walang ganang sabi nito at pinagcrossed pa nag braso.
"What about him?"
"Inaagaw siya ni Kyrene tita, nagiging close na naman sila." Sagot nito.
"Hi honey!" Dumating si Ms. Brizalde, agad na tumayo si Yasmine at humalik dito.
"What's wrong? Bakit malungkot ang baby ko?"
"Nothing mom, I'm just kind of tired."
"Margarita, why don't you congratulate Yas, she got flat 1 on her portfolio." Ms. Dianna says.
"Oh really! Congratulation honey. Did you fix your work?" Tuwang-tuwang sabi ni Ms. Margarita, medyo nawala ang pagkakangiti ni Yasmine sa tanong ng mommy niya.
"Hey ate Yas, you forgot your portfolio in the car. Very impressive collection ate Yas, parang hindi ikaw ang gumawa." Sarcastic na sabi ni Jelian.
Kakapasok palang nito sa bahay hawak-hawak ang portfolio. Sinamaan naman siya ng tingin ni Yasmine.
"May see Jelian!" Inabot nito kay Ms. Margarita ang portfolio. Binuklat niya ito.
"Wow! Gumawa ka ng bagong design? These are good. No!it's great, really great." Amaze na amaze ito at tumingin kay Yasmine.
"I'm so proud of you honey. It's perfect, hindi mo na kailangan ng tulong ko. You can make it on your own." Pilit ang ngiti ni Yasmine.
"Thanks mom." She said simply.
I hate you Kyrene! You impressed my mom, those are perfect for her, samantalang pag ako ang gumawa laging may mali. -She thought.
"Mama! Tignan mo ang portfolio ni Yasmine, ang ganda ng new designs niya." Tumawang - tuwa parin ito.
"May I see!" Kinuha ito ng donya at tinignan.
"Oh! Para ka ng ang mommy mo kung mag design, lumalabas na talaga ang galing mo. No wonder, why Kyrene claimed your design because these are really good." Donya says.
"What do you mean mama?" Kunot noong tanong ni Ms. Brizalde.
"Well, Kyrene was accusing Yasmine that stole her portfolio." Nagulat si Ms. Brizalde at kahit si Ms. Dianna napatayo sa kinauupuan.
"Really? But why?" Ms. Margarita asks and looked to Yasmine.
"Ang kapal naman ng mukha niya para mangbintang siya. Si Yasmine pa talaga ang pinagbintangan, of all people. Ang lakas ng loob ah." Ms. Dianna says, hindi naman makaimik si Jelian.
"Totoo ba yun Yasmine?" Ms. Margarita asks.
"Yeah!" Tipid nitong sagot napailing naman si Jelian.
"But why?" Hindi naman mapaniwalaan ni Ms. Margarita ang narinig.
"Akyat lang muna ako mom, lola." Kinuha ni Yasmine ang portfolio sabay alis. Sinundan naman ito ni Jelian. Pagdating nila sa taas.
"Ate Yasmine! Ate Yas!" Huminto ito at hinarap si Jelian.
"What?"
"Bakit mo ginawa yun? Totoong ikaw ang kumuha ng portfolio ni Kyrene."
"Naniniwala ka sakanya?"
"Nakita ko na yang design na yan ni Kyrene, pinakita na niya sakin ang ibang design na nasa portfoliong yan. God! I can't believe this. Hindi mo ba kayang gumawa na sarili mong design?"
"Shut up Jelian! Wag mo akong pakialaman." Tinalikuran na siya nito.
"Sasabihin ko kay lola Solidad." Napahinto si Yasmine at hinarap si Jelian.
"Subukan mo lang. Sisiguraduhin kong mawawalan kayo ng tirahan. Dapat alam mo kong sino ang kinakampihan mo, pamilya ko ang nagpapakain sayo. Sainyo ng mommy mo." Buong pagmamalaking sabi nito. Sabay talikod.
"Jelian!" Lumingon si Jelian.
"Mommy!" Lumapit ang mommy niya sakanya.
"Ilan ang nakuha mong grade sa portfolio mo?" Tanong nito.
"1.5 mommy!"
"1.5..Si Kyrene?"
"1.25 mom." 1.25 ang nakuha ni Kyrene dahil late na itong naipasa, pero naimpress parin ng collection niya si Ms. Belinda.
"Natalo ka? Intindihin mo kung paano ka magiging magaling. Wag kang nangingilam ng buhay ng iba. Alamin mo kung saan ka lulugar, kung sino ang kakampihan mo. Understand Jelian?" Mahina pero maautoridad na sabi nito.
"Yes mommy!" Yun nalang nasabi niya at tinalikuran na siya ng mommy niya.
****
"Kyrene halika kain na tayo." Aya ni Khielve kay Kyrene. Pumasok ito sa kwarto niya habang nakaupo si Kyrene sa sidetable at gumagawa ng homework. Nakaupo naman ito sa kama niya.
"Mauna ka na seniorito! May ginagawa pa ako." Sagot niya na busy sa ginagawa.
"Mamaya na yan, please! Gutom na ako eh." Natigil si Kyrene sa ginagawa at tumingin ito kay Khielve sa pamamagitan ng gilid ng mata nito.
Napangiti siya. Para kasing nagiba ito, bumalik ang sigla parang katulad nung sa probinsya sila.
"Kyrene!"
"Seniorito kumain kana kasi! Kailangan ko lang tong tapusin eh."
"Khielve! Kyrene, kung tatawagin mo akong seniorito dapat seniorito KO." Pinagdiinan pa nito ang ko.
"Ang adik!" Bulong niya.
"Antayin nalang kita hanggang matapos ka." Tumayo nalang si Kyrene at naglakad papuntang pinto para lumabas.
"Saan ka pupunta?" Hindi niya pinansin si Khielve, diretso siyang lumabas. Sumunod nalang din si Khielve, bumababa sila at nagpunta ng kusina.
"Hi manang! Hi ate Inday! Sabay na kami ni Kyrene kakain." Masiglang sabi ni Khielve.
"Ang saya natin seniorito ah!" Sabi ni Inday.
"Ganun talaga Ate Inday pag in love." Hinila nito si Kyrene at pinaupo sa dining set na nasa may kusina umupo na rin.
"Talaga! Kanino ka in love seniorito? Dun kay Yasmine?" Inday asks.
"Hindi po! Kay Kyrene po." Sagot nito na nakatingin kay Kyrene, napaawaang ang bibig ni Kyrene sa sinabi nito, kahit ang dalawang katulong na nandun tumingin din kay Kyrene.
"Naku manang hindi po! Nagbibiro lang siya." Tarantang sabi ni Kyrene may kasama pang iling.
"Of course not, kahit kailan hindi ko ginagawang biro ang pag-ibig." Lalong napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Napangiti naman ang dalawang katulong.
"Ang totoo manang, sasagutin na ako ni Kyrene sa probinsya noon. Kaso nagkaraoon kami ng misunderstanding, kaya yun hindi natuloy. Pero ngayon liligawan ko uli siya, hanggang sa mapasagot ko siya." Lalong napangiti ang dalawa sa narinig.
"Talaga! Naku! Bagay kayo alam niyo ba yun?" Sabi Inday at nilapag ang pagkain sa lamesa.
"Tumahimik ka nga! Daig mo pa ang babae kung magkwento ah." Mahinang sabi ni Kyrene pero pinangdilatan niya to. Ngumiti lang si Khielve sakanya.
"Alam niyo ba manang, ate Inday ako ang first ki-hmmm." Napatayo si Kyrene at biglang tinakpan ang bibig ni Khielve.
"Nangiinis kaba? Kumain ka magisa mo." Binitawanan niya si Khielve sabay talikod at akmang aalis na pero napigil siya ni Khielve.
"Ahaha! Hindi na sorry na. Hindi na." Hinila uli siya nito at pinaupo. Ngiting-ngiti naman ang dalawa.
****
"Kenneth"
"Kenneth pwede ba humarap ka na nga! Kilala na nakita, alam ko ikaw yan."
"Pambihira naman to oh!" Biglang na gising si Kyrene.
"Bakit napapanaginipan ko parin siya? Hindi parin siya humaharap." Bumangon nalang si Kyrene. Nagpunta ng bathroom at naligo, nagayos ng sarili at lumabas na ng kwarto. Bumaba at nagpunta ng kusina.
"Hi ky-ky, halika pinagluto kita." Nangunot ang noo ni Kyrene, ngiting-ngiti naman ang katulong. Nagluluto ito, naka apron pa.
Problema nitong lalaking to! Nakakahiya naman ang ginagawa niya. -sa isip niya.
Nilapitan siya ni Khielve at hinila papuntang dining set na nasa may kitchen.
"Okay, take a seat seniorita ko." Pinaupo siya nito. Napahawak nalang si Kyrene sa mukha dahil siya ang nahihiya sa ginagawa nito.
"Ang ganda mo! Kaya ang daming nagkakagusto sayo eh." Nakangiting sabi nito. Balik uli ang ayos sa simpleng ayos, lip tint and light blush on.
Bumalik sa kusina si Khielve at kinuha ang niluto at nilapag sa dining table. Pancake, egg, bacon, ham, hotdog.
"Kyrene si seniorito ang nagluto niyan lahat. Pero itong sinangag si Manang hindi daw siya marunong eh." Hindi naman makapagsalita si Kyrene. Kaso yung itlog durog-durog.
Nakatitig si Kyrene sa pagkain, walang siyang masabi, she was just bitting her lower lip. grinning like a fool, sighing, gulping out of uneasiness. It's awkward for her, very much awkward.
"Kyrene are you okay?" Napaigtad siya ng hawakan ni Khielve ang kamay niya. Tumango-tango lang siya.
"Hi Kyrene!"
"Kenneth!" -Kyrene
"Bro! Musta?" Tumayo si Khielve at nakipag banggaan ng balikat dito, napangiti naman si Kyrene dahil alam niyang hindi talaga nagpapansinan ang dalawa. Kahit si Kenneth medyo nagulat.
"Bro sorry ah!" Pakkkk
"Stupid!" Malakas na batok ang binigay kay Khielve. Napahawak nalang si Khielve sa ulo pero nakangiti.
"Pa breakfast ah!" Umupo si Kenneth.
"Bakit durog ang itlog, medyo sunog ang bacon." Raklamo ni Kenneth.
"Ako nagluto eh! Pinagluto ko si Kyrene." Napangisi si Kenneth.
"Wag mong sasagutin Kyrene hanggat hindi na bubuo ang itlog." Ngumiti lang si Kyrene.
Tanggap naman ni Kenneth na mahal ng dalawa ang isa't-isa.
"Bro hatid mo si Kyrene, hindi ako papasok eh." Napatingin dito si Kyrene at Kenneth.
"Bakit?" Kenneth asks.
"May pupuntahan lang ako." Hindi na uli nag tanong si Kenneth.
Natapos silang kumain at lumabas ng bahay.
"Kyrene! Take care, wag mong papansinin yung mga lalaking umaaligid sayo ah. Lalo na si Calleb." Napailing nalang si Kyrene, tumalikod na siya at papasok na sana ito sa kotse ni Kenneth ng hawakan ni Khielve ang braso niya at pinaharap siya.
Hinawakan nito ang mukha niya at hinalikan ang noo.
"I love you!" Agad na tumalikod si Kyrene, lihim siyang napangiti, hindi niya maiikakaila kinikilig siya sa ginagawa nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top