CHAPTER 4

Khem Yap ito na. Request mo. Bahala ka kung hindi yan maganda. Minamadali mo ako eh. Hehe

*
Nakaupo si Khielve sa sofa habang inaantay si Kyrene, ngayon siya sasamahan ni Kyrene sa bayan para mamasyal.

"Oh, apo. Why are you still here?" Nilingon niya ang lola niya na pababa ng hagdan.

"Wala pa ba si Kyrene?" Tanong uli nito ng makababa ng tuluyan at lumapit ito sa kanya.

"Wala pa lola eh." Sagot nito na medyo hindi na maipinta ang mukha.

"Baka  nakalimutan niya? Mabuti pa puntahan mo nalang siya." Sabi ng lola niya.

"Hindi ko po alam bahay niya lola."

Ako pa talaga pupunta sa kanya. Ibang klase talaga tong babaeng to, nakakainis. Kahit kailan walang nagpapaantay sa 'king babae. Babae ang nag-aantay sakin. Siya lang ang gumawa nito sakin - Sa isip nito na  nanggigil kasi kanina pa talaga siya nag-aantay dito.

"Pasama ka kay Ben." Lumingon-lingon ang lola niya para mag-hanap ng mauutos.

"Martha can you call Ben, please." Utos nito sa katulong na nag-pupunas ng mga muwebles.

"Right away Donya Clara...... Ben Where are you? Yohoo Ben." Sigaw nito habang palalayo at tinatawag na parang aso.

"Don't worry apo malapit lang ang bahay ni Kyrene.  O kung gusto mo naman kay Ben ka na lang magpasama."

"No lola, kay Kyrene na lang." Agad na sagot nito. Dumating naman agad si Ben at lumapit sa mag-lola.

"Ben samahan mo si Khielve kila Kyrene. " Utos ng Donya.

"Opo Donya Clara." Magalang na sagot ni Ben. Tumayo na rin si Khielve at humalik muna ito sa lola niya bago umalis.

"Mag-enjoy ka apo. Mag-ingat sa pag drive." Pahabol na bilin ng lola niya, ngumiti at tumango si Khielve bago sila tuluyang lumabas ng mansyon ni Ben. Agad silang nag-tungo sa kotse na nasa tapat lang ng mansyon at agad na sumakay.

"Ang ganda ng sasakyan niyo señorito." Sabi ni Ben ng makasakay ito, tumingin sa kanya si Khielve at ngumiti.

"Salamat po." Tipid na sagot niya. Binuhay niya ang makina at agad pinaandar palabas ng Hacienda.

"Saan po ba ang bahay nila Kyrene?  Malayo po ba?" Tanong ni Khielve habang binabaybay nila ang daan papunta sa bahay nila Kyrene.

"Malapit lang po. Diyan po señorito, iliko niyo diyan." Sabi ni Ben na tinuro ang daan.

"Ben po ang pangalan niyo? Ilang taon na po kayo?" Tanong ni Khielve habang paliko sila sa isang daan.

"38 na po ako." Sagot nito.

"Ako naman magna-nineteen. Kaya wag niyo na po akong ipu'po." Sabi ni Khielve at ngumiti dito.

"Sige po...ay este. Sige señorito. " sabi nito na ngumiti rin sa kanya.

"Diyan na po ang bahay ni Kyrene. " Turo nito sa isang bahay na nababakuran ng kawayan. Tinigil nito ang sasakyan sa labas ng bakuran nila Kyrene.

Lumabas ang dalawa sa sasakyan. Nagpatiuna na si Ben papasok sa bakuran nila Kyrene at sumunod naman siya dito. Bukas naman ang pinto kaya sumilip dito si Ben, agad din siyang lumapit dito.

"Bubwit, Asan ang ate mo?" Tanong ni Ben sa bata na naglalaro sa loob .

"Nandito po kuya Ben....... Hoy si pogi. Anong ginagawa mo dito? Naku! Dapat hindi ka dapat nagpunta dito." Sabi nito ng makita si Khielve na nasa may pinto na rin, medyo gulat pa ang reaksyon nito.

"Bakit naman bata?" Tanong ni Khielve dito.

"Ella  ang pangalan ko." Sabi nito na lumapad ang pagkakangiti. Kung kanina gulat ito ngayon ngiting ngiti na ito.

"Bakit hindi ako dapat pumunta dito Ella?" Tanong uli ni Khielve.

"Kasi ipapalapa ka daw ni ate sa aso, tatadyakan pa at ilulublob sa ilog." Sabi ng bata at tumiim naman ang bagang nito sa sinabi ng bata.

"Sinabi niya 'yon?" Medyo naningkit pa ang mata nito.

"Ahahah! Si Kyrene talaga oh, walang patawad. Pag pasensyahan mo na 'yon si Kyrene.  Loka-loka lang 'yon, pero mabait. Paano señorito mauna na po ako sainyo." Sabi ni Ben.

"Sige po , salamat." Iyon lang at umalis na ito.

"Bata tawagin mo ang ate mo. May usapan kami sasamahan niya ako eh." Sabi nito.

"Ella nga ang pangalan ko."Sabi ng bata na medyo ngumuso pa.

"Ay sorry! Ella pwede mo tawagin ate mo."

"Sige po. Ano po yan?" Tanong ng bata sabay turo sa camera na nakasabit sa leeg ni Khielve.

"Camera."

"Camera?" Ulit ng bata. Tumango si Khielve.

Paano ginagamit? " Tanong uli ng bata.

"Para kumuha ng picture." Sabi niya at binuksan ang camera.

"Gusto mo kunan kita?" Napangiti ng husto ang bata.

"Sige po."Masiglang sabi ng bata.

"Okay, smile ka." Ginawa nama  ng bata at nilagay pa ang isang kamay sa bewan na animo'y isang model.

"3...2...1...Ayan. Oh tignan mo, pwede ka palang maging model eh. Ang ganda mo. Buti hindi mo naging kamukha ang ate mo." Sabi nito habang pinapakita ang picture sa bata. Tuwang tuwa naman ang bata.

"Halika! Pasok ka pogi, tatawagin ko si Ate." Hinawaka siya ng bata sa braso at hinatak siya papasok at umupo sa kawayan sala set.

Tumakbo ang bata sa may nahaharangan ng kurtina.

"Ate... ate.... ate....ate nandito si pogi." Narinig niyang  paulit-ulit na sabi ng bata, nakatingin lang siya sa may kurtina. Lumabas ulit ang bata at lumapit sa kanya.

"Pogi ayaw gumising eh." Sabi ng bata na nakapout pa.

"Tulog pa?Talaga naman tong babaeng to." Sabi ni Khielve na naiinis na na naman.

"Asan pala ang mga magulang mo?" Tanong nito sa bata.

"Nasa bukid po sila, pati si kuya." Sagot ng bata.

"Pwede bang ako nalang gigising sa ate mo?" Sabi ni Khielve. Tumayo siya.

Tumakbo naman ang bata sa may kurtina at hinawi ang kurtina. Nagulat siya sa nakita. Tulog na tulog nga ito, nakatihaya, nakabukaka pa ang dalawang pa at nakanganga.

Biglang napangisi si Khielve. Hinawakan niya ang Camera at lumapit siya dito at kinunan ng larawan si Kyrene.  Pigil na Pigil ang tawa nito.

"Hoy babae.... hoy babae...." Niyugyog niya ang balikat nito pero ayaw magising.

Yumuko ito sa may mukha nito at pitik ang ilong ng mahina ayaw parin magising, kaya Inulit uli niya pero ayaw parin. Nilakasan na niya ang pitik sa ilong at bigla itong dumilat.

"Ikaw?" Tulalang sabi nio.

"Hindiiiiiiiiiiiiii!!!!!" Malakas na sigaw sabay bangon.

Boooggggsssshhhhh

"Aawww!!" Napahiga uli si Kyrene habang sapu ang noo niya.

"Shit! Dammit!" Mura naman ni Khielve at sapu din ang noo habang nakaupo sa sahig.

Pagbangon ni Kyrene dahil nakayuko ito, nagkauntugan ang dalawa. Sobrang lakas ng pagkakauntog ng dalawa kaya naapa-upo siya sa sahig at napahiga uli Kyrene.

"Señorito!  Ano pong ginagawa niyo dito?" Napalingon si Khielve sa may pinto. Si aling Belen ang nandoon sa may pinto na may bakas ng pag-tataka sa mukha.

"Ano ang nangyari sainyo bakit nakaupo kayo diyan?" Tanong uli nito. Tumayo siya at humarap kay Aling Belen.

"Nagpapasama po kasi ako kay Kyrene, kaso tulog pa po." Sabi nito.  Tumingin naman si Aling Belen kay Kyrene. Nakahiga parin ito at nakapikit habang hawak ang noo.

"Kyrene anak, bakit tulog ka parin? Diba gumising kana kanina?"

"Ang aga pa kasi kanina nay, humiga ako dito sa higaan ni kuya. Nakatulog uli ako." Paliwanag niya pero nakahiga parin ito at naka-pikit.

"Bumangon kana diyan. Nakakahiya kay Señorito Khielve, siya pa ang sumundo sa 'yo." Bigla siyang napadilat ng maalala ito. Dali-daling siyang bumangon.

"Anong ginagawa mo dito kulugo!?"Sabi nito sa mataas na boses.

"KYRENE!" Pinangdilatan siya ng nanay niya.

"Sorry po" Sabi niya at yumuko.

"Pasensya ka na señorito." Hinging paumanhin ni Aling Belen, ngumiti lang si Khielve dito. Bumalik si aling Belen kay Kyrene.

"Tumayo ka na diyan. Bilis na." Tumayo naman si Kyrene. Sinamaan niya ng tingin si Khielve bago pumasok ng kwarto nito.

Sumandal siya sa pinto ng kwarto, pagka-pasok niya.

"Kainis naman panira talaga. Tuwing lilingon na ang dream boy ko, may mga panggulo! Akala ko siya 'yong dream boy ko. Tsk. Buti na lang at hindi." She muttered.

Flash back:

"Sino ka? Maaari ka bang lumingon?" Sabi ni Kyrene sa lalaking nakatalikod na naka varsity Jacket na may KJ ang likod.

Unti-unti naman itong lumingon, pigil na pigil naman ni Kyrene ang paghinga niya habang papalingon ito. Paglingon nito mukha ni Khielve ang nakita niya.

"Ikaw? Hindiiiiiiiiiiiiii!!!!" Saktong paglingon ng lalaki na padilat siya dahil sa pagpitik sa ilong niya, kaya akala niya ito ang dream boy niya.

End flashback:

Kumuha ng damit si Kyrene at muling lumabas ng kwarto at pumunta sa likod ng bahay para maligo dahil nasa likod ang kubeta nila.

Natapos naman agad siyang maligo at lumabas ng kubeta na bihis na. Pumasok uli siya ng bahay at nag-tungo sa may salamin na nakasabit sa dingding na malapit sa sala, kinuha niya ang suklay na kasabit din sa may salamin at sinuklay niya ang basang-basang buhok niya.

Nakatingin naman sa kanya si Khielve habang nagsusuklay siya.

"Tara na." Sabi ni Kyrene ng matapos siyang magsuklay.

"Tapos kana?" Takang tanong ni Khielve.

"Oo, hindi ba halata? Nakabihis na ako." Sabi nito na medyo irita pa din.

Hindi siya magm-make up?!!! Okay ah. First time kung makakitang mamamasyal na hindi nagm-make up. - Sa isip ni Khielve at bahagyang napangiti.

"Ano nginingiti-ngiti mo diyan?" Kunot noong tanong ni Kyrene.

"Wala, ang baduy mo." Sabi nito sabay tayo.

"Buwesit  talaga!" Nanggagaliiting sabi ni Kyrene. Habang sinusundan ng tingin si Khielve na palalabas ng bahay at sumunod na rin iya sa labas. Nandoon naman ang nanay niya sa bakuran.

"Nay alis na po kami." Paalam ni Kyrene.

"Mauna na po kami aling Belen." Paalam din ni Khielve.

"Sige mag-ingat kayo. Anak Kyrene, ikaw na bahala kay señorito ah." Napangiti si Khielve sa sinabi ni Aling Belen at sumimangot naman si Kyrene. Lumabas ang dalawa sa bakuran nila at nag-tungo sa sasakyan nito.

Nagulat si Kyrene ng pagbuksan siya ng kotse ni Khielve kaya nag-tatanong ang mga mata niyang napatitig dito.

"Pasok na, baka hindi ka marunong magbukas kaya ako na nag-bukas." Sabi nito at ngumisi pa.

Buwesit talaga! Antipatiko.

Pumasok na lang si Kyrene, sinara ni Khielve ang pinto at patakbong nag punta ng driver seat at agad na sumakay.

"Mag seat belt ka." Utos ni Khielve, pero hindi siya kumilos.

Malay ko ba kung paano ikabit 'tong seatbelt na to. Hindi pa ako nakakasakay ng kotse buong buhay ko. Wala naman seat belt ang tricycle at jeep. Tanga lang!! Haist! Kaysa mapahiya wag na lang kumilos. -Sa isip niya.

"Haist! Pati seat belt hindi ka marunong magkabit?" Sabi nito na medyo irita ang tono.

Lumapit ito sa upuan niya, tinukod ang isang kamay sa passenger seat at kinuha ang seatbelt. Napasandal si Kyrene at napalunok, dahil sa pagkakalapit nila.

"Gusto mo lang ata na ako ang magkabit eh." He said and smirk.

"Just relax, don't hold your breath." Sabi uli nito na hindi maalis-alis ang pag-kakangisi sa labi.

Bakit ba ako natetense? Ang yabang talaga niya.

"Oohh!"

"Ahahaha! Sorry." He reclined the seat back, kaya napasinghap si Kyrene sa gulat dahil napahiga siya. Muli nitong inayos ang upuan at umupo na rin ito ng maayos na ngingisi-ngisi pa rin.

Tinignan ito ni Kyrene ng masama, tumingin naman uli ito sa kanya.

"Can't help yourself but to stare at me. Well, hindi na ako magtataka kung nag-gwapuhan ka sa 'kin." He said with a wink.

Pinaikot na lang ni Kyrene ang mata niya sa kayabangan nito.

Pinaandar nito ang kotse, hindi nagsasalita si Kyrene habang binabay-bay nila ang daan.

"Saan tayo pupunta?" Khielve asked.

"Sabi mo sa bayan. Diba alam mo naman papunta doon?" Nakasimangot niyang sagot.

"Oo, pero 'yong may magandang kunan ng picture."

"Ano ba gusto mo? Mga hayop? View?" She asked.

"Anything. Something that can catch my attention." He said.

"Mag-hanap ka na lang, kahit naman ano pwede eh. Kung magaling ka, kahit simple kaya mong pagandahin 'yon." Sabi niya na nasa daan lang ang mata nakatingin.

Tinignan siya  ni khielve sandali, at  binalik din uli ang tingin sa daan.

Narating nila ang bayan, sa isang park sila pumunta malapit sa simbahan at maraming tiangge sa daan.

"Bakit maraming banderitas dito? Fiesta ba dito?"

"Oo, malapit na ang santacruzan ng mga baranggay, kaya may tiangge dito." Sabi niya, binuksan  naman ni Khielve ang camera at nagsimula itong kumuha ng mga pictures.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top