CHAPTER 37
"Kayo po pala mga sir. Pasok po." Pinagbuksan sila ng gate ng katulong nila Tricia.
Kilala naman sila nito dahil pumupunta sila tuwing may mga occasion na ginaganap dito.
"Si Tricia po manang?" Tanong ni Zion.
"Nags'swimming po. Punta nalang po kayo dun." Pumasok silang lahat.
Pumunta sila sa pool area. Nakita nila si Tricia at Jelian na katayo at kumakain.
"Oh! What brings you here guys?" Gulat na tanong ni Tricia. Hindi naman ang mga ito pumupunta sa sakanila pag wala naman okasyon.
Lumapit ang apat.
"Hi Jelian, ang sexy mo naman." Simon says, habang nakatitig kay Jelian.
"Thanks." She said simply.
"Where's Kyrene?" Napatingin ang lahat kay Khielve at Kenneth dahil sabay na sabay itong sa pagtanong.
Si Khielve at Kenneth naman nagkatinginan sa isa't-isa.
"I see! Si Kyrene ang pinunta niyo." Umalis si Tricia sa harap ng dalawa.
"Ayun oh!" Tinuro ni Tricia si Kyrene at tumingin naman ang dalawa sa pool. Ang apat actually.
Halos lumuwa ang mata ng apat sa nakikita, si Kyrene nagf'floating habang nakapikit at naka two piece.
"Oh lala! Si Kyrene ba yan?" Sabi ni Simon na nakatingin lang kay Kyrene.
"Oh my God! You two are drooling." Agad na kinuha ni Tricia ang cellphone at pinicture'ran si Khielve at Kenneth na nakatingin lang. Pinicture'ran din nito si Kyrene.
Lumangoy na si Kyrene sa kabilang side ng pool para umahon, nakatalikod ito sakanila.
Hindi parin maalis ang mata ng apat kay Kyrene na nasa taas na at naglakad na sa gilid ng pool. Parang slow motion naman sa dalawa ang lahat.
Pagliko ni Kyrene sa kabilang side para pumunta sa gawi nila.
Gulat na gulat si Kyrene nang makita niya ang apat na nakatingin sakanya. Agad niyang niyakap ang sarili at nagpalinga-linga na parang naghahanap na pantakip sa sarili.
Bigla nalang si Kyrene tumalon uli sa swimming pool sa taranta.
"Ahahahaha!" Tawa ng malakas si Tricia at Jelian sa ginawa ni Kyrene.
"PWEDE BA WAG KAYONG TUMINGIN NG GANYAN! Para kayong mga manyak." Tsaka naman parang natauhan ang apat sa sigaw ni Kyrene at nagsi-iwas ng tingin.
"Sorry Kyrene, hindi ka namin minamanyak, pag hanga lang yun. Ewan ko lang dito sa dalawa kung ano iniisip." Sabi ni Simon at tumingin kay Kenneth at Khielve.....
"Oo nga Kyrene! nasanay lang kasi kami na lagi mahaba ang suot mo. Grabe! may tinatago ka palang ganyan." Sabi ni Zion.
"Anong tinatagong ganyan pinagsasabi mo?" Nakayakap parin si Kyrene sa sarili niya.
"Ibig kong sabihin magandang katawan, makinis na legs at--
"Waaahhh!! Tama na! Wag mo nang ituloy." Putol ni Kyrene sa sasabihin pa sana ni Zion.
"Ahahaha! Umahon ka na nga diyan. Okay lang yan." Sabi naman ni Tricia na natatawa parin kahit si Jelian.
"Penge akong pang patong."
"Wag na!Wala tayong bathrobe dito. Umahon ka na diyan, look at us." Sabi parin ni Tricia.
Lumapit si Kenneth sa pool. Hinubad nito ang t shirt niya.
"Halika Kyrene lumapit ka dito, isuot mo to." Sabi ni Kenneth.
"Wow! Ang sweet naman ni papa Kenneth! Ahahaha!" Sabi ni Zion at tumawa ng malakas. Si Khielve naman hindi na maipinta ang mukha.
Umahon si Kyrene.
"Paano ka Kenneth?" Tanong ni Kyrene.
"It's okay, I have an extra shirt in my car." Tumango lang si Kyrene at si Kenneth pa ang nagsuot sa ulo ni Kyrene ng shirt. Naglakad ang dalawa.
Si Tricia naman kinuhanan na naman ng picture ang dalawa habang naglalakad.
"Oh my god Kyrene! you look hotter, sexier and more seductive when you wear it.
And look at this bagay din kayo ni Kenneth. " Sabi ni Tricia at pinakita ang picture. Tinignan naman nila Zion ang picture.
Nakahawak si Kenneth sa siko ni Kyrene, half naked, nakacream short lang ito.
Si Kyrene naman, naka white shirt na hanggang hita lang na mas nagmukhang seductive lalo dahil sa iksi lang ng t'shirt.
Si Khielve naman umupo nalang sa harap ng table.
"Okay, upload ko to. Ano magandang caption dito?" Nagisip si Tricia.
"Perfect couple!" Suggest ni Zion.
"Hindi pa naman sila couple eh."
"Uhm.. alam ko na." Nag type si Tricia.
"Tag ko kay Kenneth and Kyrene. Yan." Sabi ni Tricia. Nilagyan nalang niyang caption na [Are they bagay?]
"OMG! Ang daming comment ng una kung post. Dali tignan niyo." Tinignan naman ng mga ito.
Collage picture nila khielve at Kenneth na tulala at picture ni Kyrene na nag f'floating. May caption na
[ The two most popular gorgeous men of KYU drool over Kyrene Cruz]
"Tignan mo Kyrene dali, ang daming boys na nag comment. Tignan niyo ang comment. Oh yes! She's worth to drool for. She's the most seductive girl that I've ever seen. And more and more and more!" Binasa ni Tricia ang comments. Inagaw ni Kenneth ang phone at tinignan ang picture.
"Tricia tigilan mo nga to. Burahin mo to. Nakitang mong naka two piece lang si Kyrene I'uupload mo yan." Inis na sabi ni Kenneth.
"O.A mo naman! wag mong sagutin si Kenneth Kyrene, he's not good for you. Masyadong conservative." Sabi ni Tricia.
"Hello B!" Napatingin ang lahat kay Khielve na nakaupo tumawag dito si Yasmine.
"Hey B! Where are you? Are you with Kyrene? I thought you're not feeling well." Sunod-sunod na tanong nito, malamang nalaman nito dahil sa post ni Tricia.
"Sorry, sila Zion kasi nagaya eh, pinilit ako." Pagsisinungaling ni Khielve.
"Can I come? Asan kayo?"
"Wag na pauwi na rin kami, nandito lang kami kila Tricia. Sige na bye!" Binababa na ni Khielve ang cellphone.
"Hanep bro Ah! Kami talaga namilit, ikaw ang nag aya dito ah." Sabi ni Zion.
Umupo ang lahat sa may round table. Kumain sila ng snacks.
"So, ano pala ang ginagawa niyo dito? At paano niyo nalaman na nandito si Kyrene?" Tricia asks.
"Inaya lang kami ni Khielve dito." Sagot ni Simon.
"And you Kenneth! how did you know that Kyrene is here?" Tricia asks again.
"Tumawag ako sa bahay kung saan si Kyrene nag e'stay. They told me she's here." Napatingin dito si Khielve.
Alam niyang nasa amin si Kyrene! Kaya ba siya nandun last week. -Inis na inis si Khielve sa naisip na last week pa nito alam na nandun si Kyrene at siya walang kaalam alam.
"Which is our house." Dugtong ni Khielve sa sinabi ni Kenneth. Parang nagulat naman ito sa sinabi niya. Kahit sila Zion and Simon.
"Sainyo nakatira si Kyrene?" Tanong ni Simon. Hindi sumagot si khielve, tinapunan lang nito si Kenneth nang matalim na tingin.
"Kaya pala alam mo rin na nandito si Kyrene. Paano mo nahuli si Kyrene sa pagtago niya?" Sabi ni Jelian at naghagikgikan sila ni Tricia.
Pakiramdam ni Kyrene nag init ang mukha niya sa sinabi nito, nakahihiya yun para sakanya.
"How about ate Yasmine? Sabi kasi niya kanina magd'date daw kayo." Hindi nalang umimik si Khielve sa tanong ni Jelian.
Bakit nga ba ako nandito? -his thought.
"Ibig mong sabihin bro hindi mo alam na sainyo si Kyrene nakatira?" Tanong ni Zion.
"Yeah! Nag hide and seek sila, that was so exciting. Isn't it Kyrene?" Tricia says and smile playfully.
"Too bad nahuli agad siya." Jelian says and chuckled.
"Paanong hindi siya mahuhuli sa underwear nagtago. Ahahaha!..... Ouuch you're bad!" Tumawa nang malakas si Tricia at Jelian.
Binato naman ni Kyrene ng grape si Tricia at natakapan niya ng palad niya ang mukha sa sobrang hiya.
Si Khielve biglang natawa ng mahina. Kaya napatingin sa sakanya sila Zion pati si Kenneth.
"Ano bang meron? Share niyo naman! Hindi ako makarelate." Sabi ni Zion.
"Never mind Zion, para sa matatalino lang to." Sabi ni Tricia.
"Ano akala mo sakin hindi matalino?" Tanong ni Zion.
"Hindi naman, bobo lang. Ahahaha!"
"Naku Tricia tigilan mo ako ah. Kunyari ka pa. May pagnanasa ka rin naman sakin."
"Ahahaha! Where the hell did you get that crazy idea? In your dream Zion." Tricia says as she rolled her eyes.
"Kunyari ka pa! Sa gwapo at sa sexy kung to."
"Wow! Sexy ka. San banda? Show off." Paghahamon ni Tricia. Tumayo naman si Zion at nagtanggal ng tshrit.
"Hindi ba ako sexy? Sa aming apat ako ang pinaka sexy." Sabi ni Zion patingin-tingin sa katawan niya.
"Ahahaha! Claim it bro. Pagbibigyan ka namin kahit hindi totoo." Natatawang sabi ni Simon.
"Sige si Kyrene ang tanungin natin, hindi yan nag sisinungaling si Kyrene eh! Kyrene sino sexy saming apat? Samin muna ni Kenneth." Tanong ni Zion.
"Huh? Bakit ako?" Tanong ni Kyrene.
"Dali na Kyrene sagutin mo na. Sino sexy sa dalawa?" Tanong naman ni Tricia. Nag aanaty naman ng Sagot ang apat.
"Sexy ka naman Zion, pero..... uhm.. mas attractive si Kenneth." Nahihiyang Sagot ni Kyrene.
"Ahahaha! Si Kyrene gusto mong sumagot ah." Natatawang sabi ni Simon. Natawa din sila Tricia. Ngiting-ngiti naman si Kenneth.
"Ang honest mo talaga Kyrene. Okay lang yun, atleast sexy naman." Umupo uli si Zion at sinampay ang t'shirt sa balikat.
"Eh kay Kenneth at khielve Kyrene. Who is sexier and more attractive between the two of them?" Tanong naman ni Tricia. Naubo bigla si Kyrene sa tanong ni Tricia na umiinom ng juice.
"Sino nga ba Kyrene?" Tanong ni Simon.
"Bakit ba ako ang tinatanong niyo ng mga ganyan? Hindi naman ako expert tumingin ng katawan." Uminom uli siya ng juice dahil sa tense. Hindi siya komportable sa tanong na yun.
"Ang daya mo Kyrene ah, samin ni Kenneth ang bilis mong makapili, ngayon hirap na hirap ka sa dalawa." Sabi naman ni Zion.
"C. R lang muna ako, sasabog pantog ko sa mga tanong niyo." Akmang tatayo si Kyrene pero hinila uli siya ni Tricia paupo.
"You can't leave hanggat hindi mo sinasagot ang tanong." Nakangiting sabi ni Tricia. Tumingin si Kyrene kay Kenneth na nakangiti din sakanya at tumingin naman kay khielve na seryoso naman ang mukha na nakatingin din sakanya.
"Ano uhmm... parehas lang naman, may kanya-kanya silang appeal." Sagot ni Kyrene.
"Specific Kyrene!" Tricia says.
Sino nga ba? Parehas naman kasi talaga eh! Si kenneth ang hot, gwapong-gwapo. Pero mas perfect si khielve.
"Perfect" Wala sa loob na sabi ni Kyrene..
"Who's perfect?" Sabay-sabay ng lahat. Except Kenneth and Khielve.
"Huh?! May sinabi ba akong perfect? "
"Uhu!" Sabi ni Jelian at Tricia. Biglang tumayo si Kyrene.
"C.r lang ako." Agad na umalis si Kyrene.
"She looks tense! Ahaha! Oh my god! Perfect ang tingin niya sa isa sainyo, the question is."
"THE WHO?!" Sabay na sabi ni Simon at Zion. Nagtinginan lang si Khielve at Kenneth.
****
"Tricia una na kami, susuli ko nalang tong damit mo."
"No Kyrene sayo na yan! Bibigyan pa kita ng ibang damit."
"Hindi wag na Tricia nakakahiya."
"No! Wag ka ng tumanggi. May damit akong hindi na ginagamit sayo na yun. Bawal tumangi sa grasya." Napangiti nalang si Kyrene.
"Thanks Tricia."
"Halika! Look at yourself!" Hinarap siya ni Tricia sa salamin.
"You're so pretty!look at you're legs, so flawless, sa totoo lang, walang panama sayo si Yasmine. If you'll change your outfit. Men will drool over you. Believe me!" Natawa lang si Kyrene. Suot niya ang white short-short at fitted red t'blouse.
"Magaling ka naman mag mix and match ng clothes. Hindi mo na kailangan ng tulong eh. Dapat nga ako magpaturo sayo ng tamang fashion style eh."
"Ikaw talaga, fashionista ka na, hindi mo Kailangan ng stylish. Salamat talaga Tricia."
"Tara na." Lumabas na ang dalawa sa kwarto.
Pababa na sila ng hagdan nasa baba ng hagdan ang lahat inaantay lang sila nito. Si Jelian nasa baba na rin.
"Aaa! You're so sexy talaga Kyrene." Sabi ni Jelian nakatingin sa kanila. Nakatingin lang din si Khielve at Kenneth habang pababa ito.
"Kyrene ano ba shampoo mo? Ang ganda ng hair mo. So straight."
"Kahit ano lang." Sagot nito pagkababa niya ng hagdan.
"You're so pretty Kyrene Cruz, ligawan kaya kita." Sabi ni Zion.
"Don't you dare Zion, hindi kayo bagay ni Kyrene." Tricia says. Agad naman itong binatukan ni Kenneth.
"Aaraay naman! Nagbibiro lang eh! Hindi ako manliligaw kay Kyrene, ayaw kung madungisan ang record ko." Ani Zion na kakamot-kamot sa ulo.
"Anong record?" Tanong ni Tricia.
"Record na walang busted since birth. Pag niligawan ko yan, madudungisan ang maganda kung record, siguradong busted ako. Ahahah!" Natawa ang lahat dito sa tinuran ni Zion.
"Buti alam mo." Sabi naman ni Simon.
"Pero sa totoo lang Kyrene ang ganda mo. Kaya humaling na humaling sayo tong dalawa eh." Parang nahiya naman si Kyrene sa sinabi ni Zion.
"Ngayon lang to, nanghiram lang ako ng magandang damit."
"Tara uwi na tayo. Ako na maghahatid sayo Kyrene." Sabi ni Kenneth habang naglalakad sila papalabas.
"Tara na Kyrene, sumabay kana sakin." Seryosong sabi ni Khielve. Tumingin ang lahat dito.
"Hindi na khielve, kay Kenneth nalang ako sasabay." Kyrene says.
"Sakin ka sasabay, alam mo ba kung bakit ako nandito? Pinuntahan talaga kita, tumawag ako kay lola, sabi niya bantayan daw kita, yun ang pakiusap ng nanay at tatay mo. Basta ka nalang umamaalis na hindi nagpapaalam." Sabi nito sabay talikod.
"Nagpaalam ako kay Manang Betty, hindi ako katulad ng ibang tao diyan na basta nalang umaalis at nangiiwan na walang paalam." Iritang sabi ni Kyrene. Natigilan si Khielve sa sinabi ni Kyrene dahil parang patama ang sinabi nito. Pero umalis din at lumabas na.
"Sige na mauna na ako sainyo." Paalam ni Kyrene. Naglakad siya papunta sa kotse ni Khielve at binuksan ang pinto sa passenger.
"Kyrene!" Nilingon niya si Kenneth.
"Ang ganda mo!" Sabi nito.
"Ahahaha! Akala ko kung anong sasabihin eh." Tinulak pa ni Zion si Kenneth.
"Salamat! Ikaw din maganda!"
"Ahahaha!" Tawanan ang lahat at napakamot naman ng ulo si Kenneth.
"Gwapo pala!" Sabi ni Kyrene.
"Bilisan mo na Kyrene!" Tawag ni Khielve.
"Sige na bye na! Bumalik na naman si Kulugo." Pumasok na siya sa kotse. Nagseatbelt siya.
Humarap siya sa may bintana at sinandal ang noo sa salamin. Pinaandar bigla ni Khielve ang kotse.
"Aaaww!" Hawak ni Kyrene ang noo. Naumpog ang noo niya sa biglang pagpaandar nito.
"Tsss! Bakit ka ba nauuntog? Umayos ka nga ng upo." Singhal ni Khielve sakanya. Hindi ito pinansin ni Kyrene sumandal nalang siya sa upuan.
Binuksan ni Khielve ang radyo.
Forevermore:
You were just a dream that I once knew.................................. I never thought I would be right for you
Nagtinginan ang dalawa ng marinig ang tugtog. Pero agad din umiwas ng tingin. Pinatay nalang ni Khielve ang radyo.
Pumikit nalang si Kyrene. Pasulyap-sulyap naman si Khielve dito, sa gilid ng mata nito.
Parang lalo siyang gumanda ngayon! Makinis pala talaga legs niya. Parang hindi nakatira sa bukid........ Haist! Ano ba iniisip ko? - He thought to himself.
Kitang-kita kasi ang hita ni Kyrene dahil maiksi ang short nito.
______________________________
Make me friend in Facebook: Roxan Silo Garcia
Please paki-like niyo naman.
Wattpad stories by whroxie
Thank you guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top