CHAPTER 36
Paalis na si Khielve para makipag kita kay Yasmine. Nasa may gate na siya ng village.
"I forgot my phone." Agad niyang binalik ang kotse, pinarada nalang niya ito sa tapat ng bahay nila.
Bumaba siya at pumasok agad, patakbo siyang umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto. Pinihit niya ang pinto at laking gulat niya ng makita niya ang isang babae nakatayo at ang mas ikinagulat niya may hawak itong brief at nakatakip sa mukha nito.
Hindi agad siya nakilos sa gulat. Kumunot ang noo niya, dahil parang pamilyar ang figure ng babae pero umiling din siya.
Anong ginagawa niya? Siya ba yung bagong katulong? -Unti-unti siyang humakbang at hinablot niya ang brief. Gulat na gulat siya sa nakita niya.
"Kyrene!" Sambit niya. Si Kyrene naman hindi niya alam ang gagawin.
"Sorry, di- di -dinala ko lang ang mga damit mo dito." Tarantang sabi ni Kyrene at agad na lumabas ng kwarto. Naiwan si Khielve na gulong-gulo.
"Si lola" He's muttering and he gets his phone on the side table. Agad niyang tinawagan ang lola niya.
"Hello apo!"
"Lola! What is Kyrene doing here?"
"Ahahahaha!" Malakas na tawa ang sinagot ng lola niya.
"Anong nakakatawa lola?"
"I'm sorry apo, nagkita na pala kayo. Did you find her? Or nagpakita talaga siya sayo? Ahaha!" Natatawa parin ang lola niya.
"What lola?Alam mo to pero hindi mo sinabi sakin." Tumawag na kasi siya sa lola niya nung makita niya si Kyrene sa campus, tinanong niya rin ito kung bakit hindi sinabi sakanya.
Pero hindi nito nabanggit na nandito sakanila nakatira si Kyrene.
"I'm sorry apo, nakiusap kasi sakin si Kyrene na wag kung sabihin sayo. Ano ba kasi ang problema niyo?
"Nothing lola."
"Apo, kung ano man ang problema niyo ni Kyrene ayusin niyo na yan. Nagpunta dito sila Benito, sabihin ko daw sayo na baka daw kung pwede ikaw na muna ang bahala kay Kyrene. Lalo at malayo sila. She really needs you now apo."
"Okay lola, sige na po bye." Pinatay niya ang telepono niya at umupo siya kama.
"Siya yung nakita ko sa kusina." Napangisi si Khielve ng maalala niya yung gabi na yun.
Tumawag uli siya at tinawagan si Yasmine.
"Hello B san kana?" Tanong ni Yasmine.
"B, sorry pero hindi ako makakapunta medyo masama pakiramdam ko eh." Pag dadahilan niya.
"Ganun ba? Gusto mo ako nalang pumunta diyan?"
"No! Uhm.. no need magkita nalang tayo sa bukas."
"Okay!" Dismayadong sabi ni Yasmine. Binababa na ni Khielve ang cellphone.
"Nandito ka Kyrene. Bakit kailangan mo talagang magtago sakin?" Napabuga ng hangin si Khielve.
Napatingin din si Khielve sa hawak niyang brief. Bigla siyang napangiti ng husto ng maalala ang itsura ni Kyrene kanina na pinangtakip ang brief niya.
"Pasaway talaga ang babaeng yun." Tumayo si Khielve at bumababa.
"Manang Betty si Kyrene po asan?" Tanong ni Khielve sa manang na naglilinis ng bahay.
"Nasa kwarto po niya seniorito?" Sagot ni Manang Betty.
"Saan po ba ang kwarto niya?"
"Doon po sa taas sa guest room, sa may living room po."
"Kelan pa po siya dito?"
"Isang linggo na po siya dito." tumango lang si Khielve.
Isang linggo! Nataguan niya ako ng isang linggo. Siya din yung nasa guest room na kinatok ko. He thought and grinned.
Umakyat nalang uli si Khielve at umupo sa living room na nasa taas. Patingin-tingin siya sa pinto ng kwarto ni Kyrene.
****
"Hay anong gagawin ko nagkita na kami." Hindi mapakali si Kyrene sa kwarto niya.
"Ano kayang mangyayari ngayon?"
"Ayyy!" Napag igtad si Kyrene ng biglang may kumatok.
"Kyrene" Tawag ni manang Betty. Tumayo siya at binuksan ang pinto.
"Manang Betty bakit po?"
"May tawag ka sa baba, Tricia daw."
"Ay opo sige po." Agad na lumabas si Kyrene at sabay silang bumababa ni manang Betty.
Kanina pa siya sa kwarto baka umalis na si Khielve, naisip niya. Agad siyang pumunta sa telepono at sinagot.
"Hello Tricia."
"Kyrene asan kana? Nandito na kami ni Jelian sa labas ng subdivision nila Khielve. "
"Sige Tricia, pupunta na ako." Agad niyang binababa ang telepono at pumunta kay manang Betty.
"Manang Betty, diba po nagpaalam ako sayo kanina na aalis, nandiyan na po sila Tricia."
"Sige Kyrene, mag iingat ka lang huh!"
"Opo salamat po. Uuwi din po ako agad, salamat po uli." Ngumiti lang si Manang Betty, agad namang umalis si Kyrene, umakyat lang siya taas at may kinuha bihis na naman siya.
Bumababa siya at agad na lumabas, mga ilang minuto rin siyang naglakad bago narating ang labas. Agad naman niyang nakita ang sasakyan ni Tricia at lumapit siya.
Agad na binababa ni Tricia ang bintana.
"Ang tagal mo, move in." Agad naman pumasok si Kyrene.
"Hi Kyrene!" Bati ni Jelian na nasa passenger seat. Binuhay ni Tricia ang car engine at agad na pinaandar.
"Dapat nagpasundo ka nalang sa loob Kyrene. Ano ba talaga ang problema niyo? Baka pwede mo ng sabihin samin, friends na tayo diba." Sabi ni Tricia.
"Nakita niya na ako kanina." Sabi ni Kyrene.
"Really!? How? Anong sabi niya, nagulat ba?" Tricia asks.
"Magugulat talaga yun sa nakita niya. Nakakahiya."
"Bakit paano ba kayo nagkita? Oh my god! Don't tell me nakita ka niyang nakahubad." Nanglalaki pa ang mata nito.
"Hindi no!"
"Paano kayo nagkita?" Tanong ni Jelian at lumingon pa sakanya.
"Nakita niya ako sa kwarto niya, naglalagay ako ng mga damit sa closet. Tapos bigla siyang pumasok, sa taranta ko natakpan ko yung mukha ko." Kumunot ang noo ng dalawa.
"Anong nakakahiya doon?" Tanong ni Tricia na tinignan siya sa salamin.
"Eh kasi...... brief niya yung pinangtakip ko eh" Napatakip ng mukha si Kyrene, napaawang naman ang bibig ng dalawa.
"OH MY GOD!! AHAHAHA!" Tawa ng dalawa.
"Oohhh! Dahan-dahan naman Tricia." Sa sobrang tawa ni Tricia gumewang ang sasakyan.
"Ahaha! That was so embarrassing. Bakit ka my brief ni Khielve? Pinagnanasahan mo ba siya?" Natatawa parin si Tricia.
"Hoy Tricia grabe ka ah! Bagong laba yun, ilalagay ko nga sa closet niya." Tawa ng tawa ang dalawa. Natawa nalang din si Kyrene sa kagagahan niya.
"Nakakahiya talaga yun. Ahaha!" Sabi naman ni Jelian natatawa parin.
Narating nila ang bahay ni Tricia, pagpasok nila sa gate at bumababa. Nilibot niya ang paninginin.
"Ang ganda ng bahay niyo, nakakalula, parehas din kila Khielve."sabi ni Kyrene. Ngumiti lang si Tricia at inaya sila sa loob.
"Mag swimming tayo."
"Sige! Pero wala akong dalang swim wear." Pagsangayon ni Jelian.
"Don't worry, marami akong swimwear, halika akyat tayo." Umakyat sila sa taas at pumasok sila kwarto. Nilabas lahat ni Tricia ang mga swimwear niya.
"Pili na kayo." Sabi ni Tricia.
"Tricia t shirt nalang sakin." Sabi ni Kyrene.
"NO! Magsuot ka ng swimwear, tigilan mo ang pagiging manang mo ah. Ibang klaseng fashion designer student na to." Pinangdilatan pa siya ni Tricia.
"Ito sakin, susuot ko na ah." Sabi ni Jelian sabay tayo at pumasok ng bathroom.
"Pili ka na Kyrene. Alam mo kasi Kyrene, you need to change, show off some skin and flaunt it." Sabi ni Tricia kay Kyrene. Namili nalang si Kyrene.
One piece sana kaso ang mga one piece ni Tricia puro fashion suit, parang two piece din ang style.
"Ano!? bagay ba sakin?" Tanong ni Jelian paglabas.
"Yes bagay na bagay." Sabi ni Tricia.
"Maganda, pero tingin ko mas bagay to sayo." Sabi ni Kyrene at inangat ang two piece.
"Mas cute kasi to, bagay sa edad mo, hindi revealing, girly, yan kasi medyo umiiksi ang legs mo dahil sa cut ng bikini. Dapat ganitong cut sayo para lumabas lalo ang long legs mo." Napamaang naman sakanya ang dalawa.
"Wow! Oh my god! My fashion instinct ka nga." Bulalas ni Tricia.
"Sige akin na yan magpapalit ako." Sabi naman agad ni Jelian.
"Ipili mo din ako Kyrene ng bagay sakin. Gosh! Totoo talagang magaling ka. But wait, marunong ka sa fashion pero bakit?..." Parang nag alangan si Tricia sa sasabihin
"Bakit baduy ako?" Dugtong ni Kyrene.
"Uhm.. medyo, sorry!" Tricia says.
"Ito lang kasi ang damit meron ako, bata palang ako mahilig na ako magdrawing ng mga damit. Lagi ako nagbabasa ng mga fashion magazine, mga fashion articles, pumupunta pa ako kila Bella para manood ng fashion tv program. May cable kasi sila, nakikikabit sa kapit bahay nila." Natawa si Tricia.
"Kaya natoto ako, lahat ng damit na naiisip kung bagay sakin, ginuguhit ko nalang. Kasi hindi ko naman kayang bumili ng mga signature brand clothes, kaya ganito ako. Kung pwedeng gamitin ginagamit ko, lahat ng damit ko halos mga pinaglumaan lang. Mga bigay lang halos. Alam mo na. Tsaka nasanay na rin ako sa ganito, comportable. Bigla nalang siyang niyakap ni Tricia.
"I'm sorry Kyrene and as a friend, I'm so proud of you. You're such a good daughter." Kumalas ng yakap si Tricia.
"Isipin mo..... Ako, halos lagi nagsho'shopping, pagbinibili pa ko ni mom ng gamit at hindi ko nagustuhan, binabaliwala ko nalang. Samantalang ikaw, walang karekla-reklamo sa buhay." Napalingon ang dalawa kay Jelian na nasa labas na pala.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Tricia.
"Sorry, nakaka touch kasi ang kwento ni Kyrene."
"Ahahaha!" Natawa nalang ang dalawa dito.
"Halika na magbihis na nga tayo." Namili na rin sila ng isusuot. Naunang nag bihis si Tricia at sumunod naman si Kyrene.
Paglabas ni Kyrene.
"Wow! You're so sexy!" Sabay ng dalawa.
"Grabe naman ang mga reaksyon niyo."
"Hindi Kyrene totoo, you're so pretty and sexy. Mas maganda ka pa nga kay Yasmine eh... oopss! Sorry Jelian. Baka isumbong mo ako."
"It's okay, totoo naman." Sabi naman ni Jelian.
"Tara na." Aya ni Tricia.
Kyrene is wearing Victoria's Secret swimwear. hot pink tube style ruffle top and black bikini bottom. Very girly and wholesome.
****
"Manang si Kyrene po? Naglunch na ba yun, parang hindi ko na kitang bumaba." Tanong ni Khielve kay manang Betty, kakababa lang nito mula sa kwarto.
"Hindi nga seniorito eh."
"Tawagin mo na po." Utos ni Khielve.
"Wala po siya umalis, sinundo ng kaibigan ata niya. Pupunta daw siya sa bahay nun." Sabi ni Manang
"One week palang siya sa school sumasama na agad siya kung kani-kanino. Bakit niyo po pinayagan?" Biglang parang nainis ang tono na ikinagulat naman ng manang.
"Matagal na naman daw niyang kaibigan yun, kilala niyo naman daw yun eh."
"Sino daw po?"
"Tricia daw po."
"Si Tricia!"
"Ah! Si ma'am Tricia po, yung girlfriend mo." Parang biglang naalala ni Manang.
"Hindi ko po yun girlfriend, sige po." Tumalikod na si Khielve at kinuha ang cellphone sa bulsa ng short.
"Hello Simon! Punta tayo kila Tricia."
"Anong gagawin natin dun?"
"Wala! Uhm.. hang out. Ayain mo si Zion."
"Okay sige."
"Daanan kita diyan. Alis na ako ngayon." He hangs up and went upstairs.
Bigla naman nagring ang telepono na agad na sinagot ni Manang Betty.
"Hello! Montillo residence. Sino po sila?" Manang Betty says.
"Hello! Can I talk to Kyrene, si Kenneth po to."
"Ay sir Kenneth, wala po siya nasa kaibigan niya."
"Sino pong kaibigan?"
"Si Tricia po."
"Okay po, salamat." Yun lang binaba ng telepono.
"Seniorito aalis po kayo?" Tanong ni manang kay Khielve na kakababa lang nang hagdan.
"Yes manang." Sagot ni Khielve na papalabas ng bahay.
*****
"Ang galing mo naman lumangoy Kyrene." Puri ni Tricia kay Kyrene nasa taas ito ng pool at tinutulungan ang katulong sa paglapag ng mga snacks.
"Let's race Kyrene." Aya ni Jelian.
"Sige" Pumunta sila sa dulo ng pool.
"Ako magbibigay ng go signal." Sabi naman ni Tricia.
"Count of three! 1... 2....3.....Go!" Nag-unahan ang dalawa sa paglangoy.
Nauna si Kyrene sa dulo sabay langoy uli pabalik. Si Jelian na hindi na nakablik.
"Ang galing mo Kyrene!" Sigaw ni Jelian.
"Batang ilog ako eh. Nag kakarera din kami ni Bella."
"Aaaa! I miss Bella." Tricia says.
"Me too" - Jelian
"Ako nga rin eh." Sabi naman ni Kyrene na medyo na lungkot pero nag swimming nalang ulit.
Nag floating siya.
"Wow! I like the way you float Kyrene, you look so sexy." Kinuha ni Tricia ang cellphone at pinicture'ran si Kyrene na hindi alam ni Kyrene.
***
Nasa tapat na sila Khielve ng bahay nila Tricia. Bumababa si Khielve at Zion sa kotse, sa isang kotse naman si Simon at nagdoor bell sila.
"Oh! si Kenneth yun ah." Sabi ni Zion, napalingon si Khielve kung saan pinaparada ni Kenneth ang kotse.
Bumababa si Kenneth ng kotse at naglakad palapit sakanila.
"Bro. Nandito ka?" Nagbanggaan si Kenneth at Zion ng balikat ganun ang ginawa ni Simon. Pero si Khielve hindi ito pinansin.
"Kayo! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kenneth.
_____________________________
Makikita kaya nilang naka swimwear si Kyrene? Sino excited? Give me a stars guys. Loves ya!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top