CHAPTER 32
Papauwi na si Khielve galing ng school, nag hang out muna sila nila Simon sa isang cafe bago siya umuwi ng bahay. Kakapasok palang niya ng subdivision. Papunta ng bahay nila, kumunot ang noo niya sa nakita niya.
"Sasakyan ni Kenneth yun ah. Anong ginagawa niya dito?" Papasok na siya ng gate na pinagbuksan ng maid.
Pinarada niya agad at lumabas ng sasakyan. Pumasok siya ng bahay.
"Manang si Kenneth po nag punta dito?"
"Oo seniorito nagpunta siya, pero umalis din, hindi ka na inantay, may pupuntahan pa daw siya." Sabi ni Manang Betty. Tumango lang siya at umakyat na sa taas.
Pumasok siya sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama. Nagtanggal ng sapatos na nakahiga.
"Anong bang ginagawa niya at nagpunta pa siya dito? Hindi pa siya nakontento sa katrayduran niya sakin." Sabi ni Khielve.
"Kyrene Kyrene Kyrene! Kailangan na kitang kalimutan, pero bakit hindi ko magawa?" Nahilamos niya ang kamay niya sa mukha niya at tumayo nalang.
*****
"Mukhang masarap yan Kyrene ah." Sabi ni manang Betty.
"Recipe po ito ni Nanay. Magaling siyang magluto ng adobo, nakukuha ko naman ang lasa kahit papano."
"Tamang-tama, dito kakain si seniorito, maaga siya umuwi eh."
"PO!?" Napalakas ang boses ni Kyrene.
"Bakit may problema ba?"
"Wala po!" Mahinang sabi niya. Natapos siya sa pagluluto.
"Manang Betty akyat po muna ako. Mamaya nalang po ako kakain, gagawa po ako ng assignment." Paalam niya kay Manang kasi kung magtatagal pa siya baba baka makita siya ni Khielve.
"Oh sige." Yun lang at mabilis na siyang umakyat.
Pero pagdating niya sa pinakataas ng hagdan nagdahan-dahan muna siya dahil madadaanan niya ang kwarto ni Khielve.
"Okay Kyrene! 1... 2... 3.." Sabay takbo papuntang kwarto niya at agad na nilock ang pinto. Hindi na rin niya binuksan ang ilaw.
***
Pagkatapos magbihis ni Khielve nanonood lang siya ng tv. Pag dating ng 7pm naisipan niya ng bumaba para kumain.
"Manang ano po ulam?" Tanong ni Khielve kay manang Betty.
"Adobong manok seniorito. Paghahain ko na po kayo."
"Sige po manang salamat." Umupo si Khielve sa dining table set na nasa malapit sa kitchen. Mas gusto niyang dito kumakain kesa sa dining room talaga kapag magisa lang siya.
Nilagay ni Manang ang pagkain sa lamesa.
"Salamat manang." Sabi ni Khielve at nagsimulang kumain. Natigilan siya ng matikman niya ang adobo.
Kalasa ng adobo ni Nanay Belen. -sa isip niya. Pinagpatuloy uli niya ang pagkain. Natapos siyang kumain at tumayo na.
"Ang sarap ng adobo mo manang." Sabi ni Khielve kay manang Betty na nililigpit na ang pinagkainan niya.
"Hindi ako ang nagluto seniorito." Sagot nito.
"Ganun po ba." Yun lang ang sinabi niya at umakyat na uli.
Pero hindi siya pumasok sa kwarto, umupo siya sa living room sa second floor kung saan malapit sa kwarto ni Kyrene. Binuksan niya ang t.v doon at nanood.
***
"Gutom na ako, nasa kwarto na siguro siya." Tumayo sa kama si Kyrene at dahan-dahang binuksan ang pinto. Pero agad niyang nakita si Khielve na nanonood ng tv.
"Gising pa siya." Patay ang ilaw sa taas. naiilawan lang si khielve ng liwanag ng tv.
Napangiti si Kyrene nang makita niya ito, pinagmasdan niya ito. Matagal niya itong pinagmasdan bago uli niya sinara ang pinto.
Umupo si Kyrene sa kama.
"Namiss ko na rin siya. Haaayy! Kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sakanya." Huminga sya ng malalim.
"Isipin mo Kyrene kung paano ka kakain." Humiga nalang uli si Kyrene.
Patingin-tingin siya sa alarm clock na nasa sidetable. Maliit na flashlight lang ang gamit niya.
8pm
9pm
10pm
11pm
Maya't-maya tinitignan niya kung pumasok na si Khielve, pero 11 pm na gising parin ito.
Binuksan niya uli ang pinto, nakita niya itong humikab at pinatay na ang tv. Tumayo ito at pumasok sa kwarto.
"Hay salamat naman at pumasok din." Kinuha lang ni Kyrene ang balabal niya at tinalukbong sa ulo. Dala parin niya ang flashlight niya.
"Baka sakali lang, baka lumabas uli, para hindi ako makilala." She muttered. Bumababa siya pumunta ng kusina.
Hindi na siya nagbukas ng ilaw, kumuha siya ng pagkain at kumain nalang siyang nakatayo. Mabilis na mabilis ang ginawa niyang pagkain. Natapos agad siyang kumain at hinugasan ang plato na flashlight lang ang ilaw niya.
Kinuha niya uli ang balabal at tinalukbong, hawak hawak pa niya ang flashlight ng isa niyang kamay na nakahawak sa dalawang side ng balabal to enclosed it. Nakatutok sa mukha niya ang flashlight dahil inaayos niya ang balabal. Naglalakad siya habang ginagawa ito.
"Ooohh! SINO KA!"
"Waaahh!" Napasigaw si Kyrene dahil bigla niyang nakasalubong si Khielve at nagulat din siya ng husto. Tinalukbong niya lalo ang balabal niya na mata nalang ang nakikita.
"Sino ka?" Tanong ni Khielve na takot na takot din.
"Sorry seniorito! Uminom lang po ako ng tubig."
"Sino ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?" Niliitan kasi ni Kyrene ang boses niya.
"Huh? Kasi po may sipon ako. Bago niyo po akong katulong."
"Pwede wag kang maglakad ng ganyan ang itsura mo. Tsaka bakit hindi ka nagbubukas ng ilaw?"
"Opo sige po, pasensiya na po." Umalis na si Kyrene.
"Bakit ganun ang boses niya, boses alien, na parang daga. Weird." Sabi ni Khielve at binuksan ang ilaw. Kumuha ito ng tubig at uminom.
Tumakbo si Kyrene sa kwarto niya at agad na sinara ang pinto.
"Dios ko muntik na ako dun. Pangalawang araw ko palang dito, muntikan na ako. Paano ba ako iiwas nito?" Umupo nalang si Kyrene sa kama niya.
****
Campus:
Nasa classroom siya at nagaantay sila ng prof. Maaga uli siyang pumasok at siya uli ang nauna sa classroom.
May tumabi sakanya, kaya nilingon niya ito. Nagulat siya ng makita kung sino ang tumabi sakanya.
"Jelian!" She exclaimed.
"Kyrene! Oh my! you're here." Nagyakap sila nito at muling kumalas.
"Dito ka na nagaaral?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jelian.
"Oo, ikaw din.... Ay oo nga pala sa mga Brizalde to."
"Oh my god! Hindi ako makapaniwala na magkikita tayo dito. Classmates pa tayo." Excited na excited na sabi ni Jelian.
"Oo nga! Fashion design din pala ang course mo. Hilig mo din pala ang fashion, sabagay nasa fashion industry ang mommy mo." Sabi ni Kyrene na ngiting-ngiti sa pagkaexcite.
"Umm.. not really, tourism talaga ang gusto ko, but my mom wants me to be a fashion designer. Bigo daw kasi siya na maging isang sikat na fashion designer, kaya ako daw magtupad ng dreams niya." Jelian says but still smiling.
"Aaaaa! Hindi talaga ako makapaniwala na magkikita tayo dito. Is it a dream come true right? " Jelian says.
"Huh?"
"Diba, I told you, I've wish to have a friend like you. And now ito na, hindi lang a friend like you, ikaw mismo. God is really really good." Tuwang-tuwang sabi nito.
"Oo nga eh! Masayang-masaya din ako, may kaibigan na ako dito." Tuwang-tuwa din si Kyrene.
Natigil lang sila sa pagk'kwentuhan ng pumasok ang prof. Nila.
"Good morning class!" The prof. Greets them.
"Good morning ma'am." Sabay-sabay na sabi ng lahat.
Nagsimulang magturo ang prof.
"Can you define what fashion is? Para sa sarili niyo, kung ano ang fashion para sainyo." Sabi ng prof.
"Ma'am" Carrie raised her hands.
"Yes Miss. Lopez" tumayo ito.
"I difine fashion as dressing well, stylish, be fashionable, you should always stand out to." Sabi nito.
"Okay, Anyone!"
"Umm.. miss Cruz." Si Kyrene ang tinawag kaya tumayo siya.
"Para po sakin fashion is a unique expression of designer and of the persons who wear it. Agree po ako kay Karen ma'am, fashion means dressing well. Pero para sakin po, don't dress to impress others or to stand out, wear whatever you want to wear that can makes you feel comfortable, be yourself and be confident but then make a fashion statement." Paliwang ni Kyrene.
"Wow! Alam mo pala ang fashion statement. Bakit mukhang hindi mo magawa yun?" Sabi ni Tamara na nakalingon sakanya.
"Diyan ka nagkakamali Tamara, I made a fashion statement. Diba nga first day palang yung porma ko na agad ang napansin niyo. Oh diba nakuha ko atensyon niyo sa fashion style ko." Nakangiting sabi ni Kyrene. Inirapan lang siya nito.
"Bakit Promdi? Ikaw ba confident ka sa fashion style mo? Hindi mo ba yan kinahihiya?" Tanong ni Tamara.
"Syempre confident ako, pamana pa kaya to sakin ng lola ko." Sabi niya at hinawakan pa ang palda niya.
"Ahahaha!" Tawanan ang lahat sa sinabi niya kahit Jelian natawa din.
"I'd rather die, kung ganyan lang naman ang fashion style ko. Soooo eeeewww!!!" Sobrang arteng sabi ni Tamara.
"Gosh! Proud ka pa talaga sa porma mo, sooo baduy! Nakakahiya." Sabi naman ni sossy ugly.
Talagang hinahamon ako ng mga to ah.
"Alam sossy ugly."
"What did you just say?" Inis na tanong nito.
"Este, Karen. Ikaw tatanungin ko ah. Ikaw ba proud ka ba sa mukha mo? Hindi mo ba yan kinahihiya?"
"Of course I didn't. I'am very much confident."
"Oh yun naman pala eh. Kung ikaw nga ang taas ng confidence mo kahit ganyan ang mukha, ako pa kaya. Eh mas worse naman ang mukha mo sa porma ko noh?"
"Wahahaha!" Everyone burst laugher.
Kahit si Tamara at Carrie natawa kaya sinamaan nito ng tingin ang dalawa. Tinignan nalang nito si Kyrene na masama tsaka tumingin sa harap. Yung prof. Naman napailing nalang sa mga ito.
"You're so mean!" Jelian whispered.
"Oo nga eh! Parang grabe naman yung sinabi ko. Kasi naman sila eh, lagi nila akong pinagiinitan. Ayaw na ayaw ko pa naman na inaapi ako, kahit mahirap lang ako at ganito ako may karapatan naman siguro akong irespeto." Sabi ni Kyrene na guilty talaga sa sinabi kay sossy ugly.
Natapos ang klase, lunch time na. Nagsitayuan ang lahat, nilapitang ni Kyrene si Karen.
"Karen, sorry sa sinabi ko hindi ko naman sinasadya. Ayaw niyo kasi akong tigilan eh." Inirapan lang siya nito sabay labas.
"Tara na Kyrene, labas na tayo." Aya ni Jelian sakanya. Si Jelian ay 16 years old, dapat nasa high school palang siya.
Dahil maaga siyang pumasok sa kindergarten kaya college na ngayon.
****
Naglalakad sila Khielve, Simon and Zion para pumunta ng cafeteria.
"Alam mo si Kenneth nagmamadali kaninang umalis, nagiiwasan ba talaga kayo Khielve? " Tanong ni Zion.
"Oo nga inaya ko maglunch, may pupuntahan daw siya." Sabi naman ni Simon.
"Sandali! Si Jelian yun diba? Si Kyrene ba yun?" Parang bigla naman kumabog ang dibdib ni Khielve sa narinig na sinabi ni Zion.
"Oo nga si Kyrene! Anong ginagawa niya dito?" Tinignan ni Khielve ang tinitignan ng dalawa.
Nagulat siya ng husto ng makitang si Kyrene nga. Bumilis ang tibok ng puso niya, parang kinabahan siya na ewan. Pero may part na masaya, parang gusto niya itong lapitan at yakapin ng sobrang higpit.
"Kyrene" Paanas niyang sabi na kahit siya parang hindi niya narinig. Nakita niya si Kyrene na tumatawa kausap si Jelian.
"Tara lapitan natin." Aya ni Simon.
Lalapit na sana sila ng biglang nilang nakitang patakbong lumapit si Kenneth kay Kyrene. Hinawakan si Kyrene sa wrist at nagpaalam kay Jelian at hinila na si Kyrene papalayo.
Tumiim agad ang bagang ni Khielve sa nakita niya, pakiramdam niya namamanhid ang mukha niya sa nararamdamang galit. Nakuyom niya ang mga palad niya.
"Alam ni Kenneth na nandito si Kyrene!?" Kunot noong sabi ni Simon..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top