CHAPTER 3

Sinimulan ni Kyrene ang paglilinis ng sasakyan pag-katapos na pag-katapos niyang manang-halian.

"Mukhang wala naman gasgas, makinis pa rin."Sabi ni Kyrene na halos idikit na ang mukha sa harap ng kotse para masigurado na wala talaga itong gasgas. Umaayos siya ng tayo at namewang.

"Grabe kang sasakyan ka gan'on ka pala kamahal, dapat naman nilalagyan dito sa harap ang presyo.  Para naman kung may gustong sumipa dito mag aalangan. Haist! bwesit! kahit gaano ka kamahal wala naman talaga akong pakialam, kung hindi lang apo ni Donya Clara ang amo mo. Peste! baka niyupi pa kita." Salita ng Salita si Kyrene magisa.

"KYRENEEEE!!!!" Napalingon si Kyrene sa sumigaw na pagkalakas lakas. Ang bestfriend niyang si Bella, patakbong lumapit sa kanya.

"K-kyrene...whoo! Na-pagod ako." Sabi nito pagkalapit sa kanya at hinawak ang dalawang kamay sa tuhod.

"Oh Relax muna, inhale.... exhale... inhale.... exhale." Sabi niya na sinabayan pa nilang dalawa ng inhale exhale. Tinakbo nito mula entrance ng hacienda hanggang sa mansiyon.

"Oh ngayon, anong problema mo? Bakit nandito ka?" Tanong niya.

"Wow! Ang ganda ng kotse. Asan si Khielve?" Mabilis na tanong nito na umayos na ng tayo.

"Wow! 'yon ang pinunta mo? Maka Khielve ka, close kayo?" Sarkastiko niyang sabi.

"Ito naman oh! Ang kj." Sabay hampas ng malakas sa balikat niya.

"Waaaaahhhhh!!!" Sumigaw naman ito ng pag-kalakas-lakas na ikinagulat niya ng husto.

"Bakit ba? Bakit ka sumisigaw?" Irita niyang sabi dito.

"Khielve John, KJ.... KJ, Khielve John. Oh my god  friend! hindi kaya siya ang dream boy mo! Diba KJ yung nasa varsity jacket ng dream boy mo." Biglang natigilan si Kyrene at  Napa-isip, pero umiling-iling din pagkwan.

"Hindi siya 'yon, imposible."

"Malay mo naman! Ano itsura niya?" Tanong uli nito.

"Uhmm... panget."

"PANGETTT!!" Sigaw naman ni Bella.

"PWEDE BA WAG KANG SUMIGAW!" Sigaw din ni Kyrene

"Sumisigaw ka nga rin eh. Ano na nga? Ano itsura? Sabi nila gwapo daw eh."

"Pangit nga! maitim, pandak, maraming kulugo sa mukha, bukod sa panget na, panget pa ang ugali, mayabang, antipatiko. Mukha naman kulugo...... Hoy! bakit tulala ka? ahaha!!" Binato niya sa mukha ng basahan na hawak niya si Bella dahil na tulala ito bigla, pero tulala parin ito kahit binato niya ng basahan. Kinuha niya uli ang basahan sa lapag at muling tumingin kay Bella na tulala pa rin.

"Problema mo?" Lumingon siya sa likod niya kung saan ito nakatingin.

"HAAYY kulugo ka!!" Gulat na gulat si Kyrene. Paglingon niya nasa likod niya na si Khielve at ang basahan na pinamunas niya sa kotse na-iitsa niya sa mukha nito.

"Sorry sorry sorry! Hindi ko ka--"

"ANO BA!?" Singhal nito sa kanya, dahil yung basahan pinunas pa niya lalo sa mukha nito sa taranta.

"Hindi ko sinasadya! nandiyan ka kasi, pasulpot-sulpot." Inis na sabi niya ng makabawi. Kung kanina apologetic ang tono niya, ngayon irritated.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Khielve asked.

"Oo tapos na! ayan ah. Malinis na malinis, ang kintab, parang bago uli." Sabi ni Kyrene habang nilalahad-lahad pa ang dalawang kamay niya.

"Bago naman talaga yan. One month pa lang yan sa 'kin, pero dinumihan mo na. Pasalamat ka nga hindi kita pinagbayad eh."

"Aba! Bakit ako magbabayad? wala naman gasgas, kamatis at itlog lang ang binato ko sa kotse mo. At isa pa, ikaw nga ang may kasalanan eh! barubal kang magmaniho, paano kung nasagasaan kami." Tuloy tuloy na sabi ni Kyrene.

"Tss.. Mukhang hindi naman importante ang buhay mo eh." He said and smirk.

"HOY KULUGO! Importante ang buhay ko, maraming iiyak pag namatay ako. Baka ikaw! kaya ka barubal sa pagmamaneho dahil walang kwenta ang buhay mo. Sino ba sa 'tin ang pinatapon ng magulang? Diba ikaw. NAKU! Kung hindi lang kay Donya Clara hinding-hindi ko lilinisan ang sasakyan mong to, baka niyupi ko pa to. Ang kapal ng mukha mo." Parang armalayt na naman ang bunganga ni Kyrene.  Dumilim naman ang mukha ni Khielve sa sinabi niya, sabay alis.

"Ang kapal ng mukha!" Sabay lingon uli kay Bella.

"HOY! ikaw naman, anong problema ba? Kanina ka pa tulala." Sabi niya kay Bella

"Friend I think I'm in love! ang gwa---pwe! Kyrene naman eh, ang dumi niyan eh."

"Ahaha!! Para ka kasing baliw." Tinapon niya uli ang basahan sa mukha ng kaibigan niya.

"Grabe friend ang gwapo niya. Akala ko ba panget? Ito!! wala ka talagang taste. "

"Hindi naman gwapo, mistiso lang."

"Hay, ewan ko sayo. Basta para sakin siya ang pinaka gwapong nilalang na nakita ko." Sabi ni Bella na kilig na kilig at nakasalikop pa ang dalawang kamay sa dibdib nito.

"Basta ako, hinihintay ko ang dream boy ko. Alam ko malapit ko na siyang makita."Sabi ni Kyrene na namumungay pa ang mata na parang nag-i-imagine.

"Pwede ba Kyrene!  Dream boy na walang mukha, puro likod. Baka yan ang mukang kulugo pag humarap. Ahahaha!" Sabi ni Bella na tumawa pa ng malakas.

Hay! Kailan ko kya siya makikita? sana sa susunod  na mapanaginipan ko siya, lumingon na siya.

"Hay Kyrene!  Tignan mo ikaw nga ang tulala. Kinikilig ka sa lalaki na nasa panaginip mo lang. Nandito ang totoo, buksan mo nga ang mata mo." Sabi ni Bella na napapalakas na ang boses.

"Pwede ba Belya! Tigilan mo ako. Kanino ako dapat kiligin? Doon sa Khielve na 'yon."iritang sabi niya.

"Bakit hindi? Ang gwapo niya kaya, kamukha niya kaya si James Reid." Kinikilig na pahayag nito.

"Haist!  Ayan ka na naman eh. Lahat naman na lalaki na makita mo kamukha ni James Reid o kaya ni Daniel Padilla para sayo.... Tignan mo kamukha mo na si Nadine at Kathryn oh." Nangiti si Bella sa sinabi ni Kyrene. Adik na adik ang kaibigan niya kay James Reid at Daniel Padilla. 

"Anak kanang...Tuwa naman siya, jowk lang 'yon. Ahahaha!" Pang-aasar ni Kyrene dito.

"Hay tigilan mo ako diyan." Iritang sabi nito.

"Alam mo Belya."

"BELLA! Tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng Belya."

"Alam mo, tanggalin mo na ang mga pictures ng dalawang idol mo sa kwarto mo. Kasi lahat ng lalaki tingin mo kamukha na nila. Ayon si kuya Ben oh." Lumingon si Bella sa kinaroroonan ni Ben.

"KUYA BEN!!" Tawag ni Kyrene sa boy ng mansyon at agad namam itong lumapit sa kanila.

"Bakit Kyrene?"Tanong ni kuya Ben pag-kalapit.

"Oh Belya! Sino kamukha ni kuya Ben?"Tanong ni Kyrene.

"PESTE! BELLA!" Sigaw ni Bella.

"Dali na, Sino kamukha  ni kuya Ben." Tinignan naman ito ni Bella.

"Si Bentong."

"Ahahaha! Sigurado ka? Hindi si James Reid o Kaya si Daniel." Natatawang sabi ni Kyrene.

"Ewan ko sa inyong dalawa! diyan na nga kayo." Sabi ni Ben na napakamot nalang ng ulo  sabay alis.

"Ahaha! Walk out tuloy si kuya Ben." Natatawang sabi ni Kyrene.

"Nga pala! Bakit ikaw naglilinis niyan? Katulong ka na ba dito?" Tanong ni Bella.

"Hindi, kasi naman! Ako nag dumi nito kanina. Pinagbabato ko ng kamatis at itlog kanina sa palengke. Eh muntik na kaming masagasaan, malay ko naman na siya pala ang apo ni Donya Clara." Mahabang paliwanag ni Kyrene.

"Talaga? Naku! Di kaya soul mate kayo. Pinagtagpo agad kayo." Sabi ni Bella na medyo nang lalaki pa ang mata.

"Tigilan mo nga ako."

*******

Nasa taas kanina ng kwarto si Khielve at nakatingin kay Kyrene na naglilinis ng kotse. Nakita pa niya itong salita ng salita na halos idikit ang mukha sa kotse niya, bumaba siya para puntahan ito.

Narinig niya ang mga panglalait nito sa kanya. Pero nabwesit siya ng sabihin nito na wala siyang halaga kaya siya pinatapon sa probinsya ng magulang niya.

Kaya pumasok at binagsak ang katawan sa sofa. Sumandal at pumikit na lang siya.

Grabe ang babaeng 'yon. Napaka palengkera. She's really annoying!  

"Khielve apo!" Napadilat siya sa pagtawag sa kanya ng lola niya. Ngumiti siya dito.

"Are you tired?" Donya asked and sat down beside him.

"Hindi naman lola..... uhmm... lola. 'Yong si Kyrene ilang taon na?" He asked.

"17 hijo, turning 18." Donya replies.

"No lola, what I mean is. Ilang taon na siyang katulong dito?"

"Ah, ahaha! Hindi siya katulong dito." Kumunot ang noo ni Khielve.

"Yung nanay lang po niya?" He asked.

"Hindi din, pinakiusapan ko lang si Belen na magluto, kasi nga dadating ka. Pag may handaan dito si Belen ang nagluluto. Siya kasi pinaka magaling magluto dito." Tumango si Khielve.

"You hired her?"

"Not really!  Hindi naman kasi siya nag-papabayad eh, parang pamilya ko na rin kasi sila. Yong lola ni Kyrene at ako, matalik kaming magkaibigan noong nabubuhay pa 'yon." Paliwanag nito

"Si Kyrene naman, bata palang 'yan, lagi na yan nandito. Kaya parang apo ko na rin yun kung ituring. Pinapasaya ako n'on lagi, Magiliw na bata."Patuloy nito.

Magiliw ba 'yon...annoying kamo.

"Lola saan po ba pwede mamasyal dito?" Khielve asked.

"Madami apo. Ay sandali!" Lumingon ang donya sa paligid.

"Martha..... Martha!!!" Tawag ng donya sa kasambahay.

"Donya Clara Bakit po?" Patakbong lumapit ang katulong.

"Pakitawag naman si Kyrene? " utos ng Donya.

"Okay po." Umalis ang Katulong. Bamalik naman ito agad kasama si Kyrene.

"Kyrene upo ka." Utos ng Donya at sumunod naman si Kyrene.

"Kyrene hija, pwede mo bang samahan si Khielve bukas sa bayan para mamasyal." Pakiusap ng Donya.

"Po?" Parang gustong tumanggi ni Kyrene at napatingin pa ito kay Khielve.

"Maaari ba hija? Wala ka bang gagawin?" Lumunok muna si Kyrene at pilit na ngumiti.

"Okay lang po, wala po akong gagawin." Sagot ni Kyrene.  Ayaw man niya pero hindi niya matanggihan ang Donya.

Uhmm!! Mukhang hindi niya magawang tanggihan ang lola ah... halatang ayaw niya pero pumayag parin siya... maybe I can used this para magantihan tong annoying girl na to. -sa isip ni Khielve habang nakatitig kay Kyrene.

Hindi makatanggi si Kyrene sa donya dahil malaki ang utang na loob nila dito. Noong buhay pa ang lola nito at may sakit, ito ang nagpagamot dito, ito rin ang gumastos sa libing ng lola niya.  Binigyan din sila nito ng bukid na pwede nilang pagsakahan, kaya pinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para masuklian niya ang kabutihan nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top