CHAPTER 29
"Khielve where are you going? Hindi mo ba kami ihahatid sa airport?" Tanong ng mommy niya kay Khielve.
"Mom may lakad ako. Happy safe trip nalang po." Humalik si Khielve sa pisngi ng mommy niya.
"Saan ka na naman pupunta? Umaga ka naman uuwi. God! Khielve, I thought you've changed. Anak naman what's wrong ba kasi, anong nangyari sainyo ni Kyrene?"
"Mom please! Sige na bye, ingat." Yumakap siya sa mommy niya at umalis na.
Kinuha ng mommy niya ang cellphone ng tumunog ito at sinagot.
"Hello mama."
"Hello Bettina, kumusta?"
"I'm fine mama! We're all fine. Napatawag po kayo?" Mrs. Bettina asks.
"Actually may sasabihin ako sayo, si Kyrene binigyan ko ng scholarship para makapagaral sa KY University." Donya Clara says.
"Really mama! That's good."
"And one more thing, diyan ko siya papatuluyin. Is it okay with you?"
"Yes of course mama! That's great, I think matutuwa si Khielve niyan. Bumalik na naman siya dati niyang gawain, laging umagang umuuwi." Naiiling na sabi ni Mrs. Bettina.
"Really! Pero may pakiusap si Kyrene, gusto niyang maging katulong diyan kung diyan siya titira at ayaw niyang malaman ni Khielve na nandiyan siya." Donya explained.
"What? But why? Imposible naman hindi ni Khielve malaman yun, nasa iisang bahay lang sila."
"Hayaan mo na silang magtaguan, hayaan mo silang makita ang isa't-isa. Those kids are a little bit weird and crazy, ahahaha! Mga kabataan talaga." Natawang sabi ng Donya.
"Okay mama! Kelan ba dating niya? Flight namin ngayon, one month kami sa states for the business trip and for honeymoon as well. Ahaha!" Natawa siya sa sarili ng niyang sinabi.
"Oh really! that's good to hear, that's so sweet. Bukas ang dating niya."
"Okay mama ibibilin ko nalang siya sa mga katulong dito, I have to go na mama, nandito na si Henry, aalis na kami."
"Okay! Mag iingat kayo." Yun lang at binababa na niya ang phone.
"Ready hon?" Mr. Henry asks habang pababa ito ng hagadan.
"Yeah!... Manang halika." Lumapit naman agad ang katulong dito.
"Ma'am bakit po?"
"Manang, may darating dito bukas. Si Kyrene, kayo na ang bahala sakanya. Ayusin mo ang guest room sa taas dun sa may left side. Yun ang magiging kwarto niya and pag gusto niyang tumulong sa gawain bahay, bigyan mo lang siya ng mga light household chores. Okay?" Mahabang paliwanag ni Mrs Bettina.
"Okay po ma'am."
****
"Anak mamimiss kita!" Sabi ng nanay niya sabay yakap kay Kyrene. Umiiyak ito.
"Nanay ako din mamimiss kita, wag ka na po umiiyak. Naiiyak na ako eh." Sabi namam ni Kyrene na naiiyak na rin.
"Ate sama nalang kami." Sabi ni Ella na nakayakap sa hita ni Kyrene.
Humiwalay ng yakap si Kyrene at humarap sa kapatid, niyakap niya ito.
"Wag na iyak bubwit! Saglit lang si ate, pag wala ng school si ate uuwi ako agad." Sabi ni Kyrene habang nakayakap sa kapatid.
"Tay! Ikaw hindi mo ako yayakapin?" Tanong ni Kyrene sa tatay niya na nakatayo lang at nagpupunas ng mata. Lumapit ito sakanya at niyakap si Kyrene.
"Ingat ka doon anak ah! Wag mo pabayaan ang sarili, wag kang papagutom. Mamimiss kita anak." Sabi ng tatay niya.
"Opo tay! Mag iingat ako." kumalas ng yakap ang tatay niya.
"Asan po si kuya?"
"Nandito ako manang!" Lumabas ang kuya niya mula sa kwarto niya. Lumapit sakanya at niyakap siya.
"Ingat ka doon ah! Mamimiss kita, mamisiss ko ang mala armalayt mong bunganga."
"Kuya naman! Mamimiss rin kita kuya." Kumulas ng yakap si Kyrene.
"Sige na, aalis na ako." Lumabas sila ng bahay.
"FRIEND!!"
"Bella!" Lumapit si Bella na umiiyak at nagyakap ang dalawa.
"Aahhh! Kyrene! Bakit ka aalis? Aaahh!" Umaatungal si Bella.
Imbis na maiyak ang mga magulang ni Kyrene medyo natawa nalang ito dahil parang baka ito kung umatungal.
"Bella naman! Bakit ka ganyan umiiyak! Ang pangit eh." Umiiyak ding sabi ni Kyrene.
"Ito naman eh! Lalayas ka nalang, manglalait pa." Hinampas siya nito sa braso. Kumalas sila ng yakap.
"Mamimiss kita! Wag ka na umiiyak. Sige na aalis na ako, nakakahiya kay manong o nagaantay sakin."
"Nay, tay alis na po ako... bye bubwit!" Niyakap uli niya ang mga ito. Tsaka naglakad papuntang sasakyan.
"Ky-ky" Tawag ng kuya niya. Lumingon siya dito.
"Nakalimutan mo." Sabi ng kuya niya at may hawak-hawak ito. Lumapit ito sakanya at binagay sakanya, kinuha naman niya.
Hinawakan niya ang tali at pinagmasdan niyang mabuti. Isang key chain na camera at may dalawang letter B na kulay pink at blue.
"Salamat kuya" sinilid niya ang key chain.
"Bye!" Paalam ni Kyrene.
"Bye anak/ bye ate/ bye friend" sabay-sabay ng lahat.
"Friend tawagan mo ako ah!?" Tumango lang si Kyrene at pumasok na ng van na maghahatid sakanya sa Manila. Pinahatid pa siya ni Donya Clara sa driver nito.
****
Nasa kwarto si Khielve nakaupo sa kama. Nagf'facebook ito gamit ang cellphone niya. Binuksan niya ang notification niya. Laging maraming notifications.
Iniscroll niya ito. Nakita niyang may mga comment si Bella, inopen niya ito. Pic. Nila ni Yasmine. Hinananap niya ang pinakaunang comment ni Bella.
[Ang kapal ng mukha mo GAGO!!!!!!!]
Napahawak nalang si Khielve sa batok at pinisil niya ng bahagya.
"Hindi ako gago! Ako ang ginago " sabi niya sabay hagis ng cellphone sa kama at sinandal ang ulo sa headboard.
Napalingon siya at nakita niya yung regalo ni Kyrene sakanya, hindi parin niya ito binubuksan. Tumayo siya at kinuha yun, umupo uli siya sa kama at pinagamasdan.
Binuksan niya ito, sinira na niya ang balot. Isang frame ang nakita niya pero nakatalikod ito. Tinanggal niya lahat ang gift wrapper, may nalalag na maliit na white envelope. Pinulot niya yun, pero hindi niya binuksan, hinarap muna niya ang frame. Napaawang ang bibig niya ng bahagya sa nakita.
Isang drawing at mukha niya yon, ginamitan ito ng charcoal pencil. Bigla niyang naalala si Kyrene na halos gabi-gabi nakikita niyang puyat at puro itim ang kamay.
"Ito yung ginagawa niya." Anas niya. May nakasulat pa dito.
This man is a definition of perfection. He's simply........ breath- taking.. may signature na ky.
Napangiti si Khielve habang pinagmamasdan ito. Binuksan naman niya ang white small envelope. Kinuha niya ang laman isang sulat, binuklat niya ito.
[ Seniorito ko,
Happy happy birthday, siguro this time habang binabasa mo ito, tayo na. I'm now your girlfriend and you're my boyfriend! Official couple na tayo. Sana nagustuhan mo ang regalo ko! Katulad mo, hindi din kita gusto sa simula, nakapa arogante mo eh, antipatiko pero gwapo ka talaga, walang duda naman yun. Nung hinalikan mo ako nagalit ako, kasi pinakaiingatan ko ang labi ko para sa taong mamahalin ko. Alam mo ba na lagi ko pang nilalagyan ng petroleum jelly ang labi ko para laging malambot. Pero nung second kiss natin, hindi ko napigilan na hindi humalik. Diba tinanong mo kung bakit kita hinalikan. Uhmm... kasi tingin ko, nagugustuhan na kita nun. At simula ngayon pwede ko ng sabihin na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA SENIORITO KO!
Loves, your forever alalay]
Napangiti si Khielve habang binabasa ang sulat. Pero nang matapos niya itong basahan.
"Sasagutin mo ako sa araw ng birthday ko. Pero bakit kayo magkasama ni Kenneth? Hindi ako tanga para hindi malaman kung nasaan lugar kayo." Huminga ng malalim si Khielve.
"Mahal na mahal kita Kyrene, ikaw lang ang babaeng minahal ko." He looks up ang blinked the tears back.
Tumayo nalang siya at inayos ang regalo ni Kyrene, binalik niya ito sa cabinet. He crumpled the gift wrapper and threw onto the bin.
Nag-ayos lang siya ng sarili niya at lumabas na. Makikipagkita siya kila Simon and Zion.
*******
"Kyrene nandito na tayo." Sabi ng driver. Papasok na ang kotse sa malaking gate. Sumilip siya sa bintana ng sasakyan. After 10 hours na byahe sa wakas nakarating din sila.
"Ang laki pala ng bahay nila dito." Anas niya. Modern house ito.
The driver parked the car. She climbs out of the car as her eyes still eyeing at the house. She walks towards the main door.
"Hi, ikaw ba si Kyrene?" Tanong ng isang kasambahay.
"Hello po! Magandang hapon po, ako nga po." Sabi niya.
Diyos ko sana hindi ako makita ni Khielve. - sa isip niya.
"Ako si Manang Betty, halika pasok ka, binilin ka na ni ma'am Bettina sakin." Sabi nito.
"Okay po! wala po ba sila diyan ngayon?" She asks as she enters the house.
"Wala eh! Nasa new york sila ma'am."
"Sino lang po ang nandiyan?"
"Si seniorito lang." Napasinghap si Kyrene sa sinabi nito.
"Nandiyan po siya ngayon?"
"Wala siya, umalis. Lagi naman wala yun." Sabi nito.
"Buti naman!" She muttered
"Ano yun?"
"Wala po." Ngumiti siya dito.
"Halika dun tayo sa taas, sasamahan kita sa kwarto mo." Sumunod naman siya dito paakyat.
"Yan, kwarto ni Ma'am at sir, yun naman ang kay seniorito." Sabi ng katulong habang tinuturo ang mga kwarto.
"Ito naman ang kwarto mo." Binuksan nito ang kwarto at pumasok naman siya.
"Wow! Bakit dito po? Bakit hindi lang ako sa kwarto niyo." Sabi niya
"Yun ang utos ni ma'am Bettina eh."
"Ganun po ba, nakakahiya naman." Nilapag niya ang mga gamit niya.
"Mag aaral ka dito diba? bukas na ang pasukan. Ihahatid ka ng driver."
"Sige po, papaturo nalang po ako kung paano magcommute para sa susunod ako nalang, hindi na ako kailangan mag pahatid."
"Paano? maiwan na muna kita, ayusin mo muna gamit mo tapos mamaya bumababa ka nalang pagkakain na."
"Sige po! Ah manang Betty, si seniorito po dito po yun kakain ng hapunan?" Tanong niya.
"Uhm! Hindi siguro, madaling araw na umuuwi yun. Sige." Lumabas na ang katulong.
"Buti naman!" Sabi niya at inikot uli ang paningin sa kabuuan ng kwarto.
****
"Pasukan na bukas, ready na kayo?" Simon asks.
"Oo, pasukan na bukas, kaya uuwi na ako." Nasa condo sila ni Zion.
"Buti pa nga! Tara na." Aya naman ni Simon.
"Sige kita kits nalang bukas." Sabi ni Zion. Tumayo ang dalawa at lumabas na.
Nakauwi si Khielve sa bahay nila at agad na umakyat sa taas. Papasok na siya ng kwarto ng makita niya bukas ang ilaw sa guest room. Lumapit siya dito at pinihit ang door knob pero nakalock. Kumatok nalang siya. Nakailang katok siya, walang bumukas.
"Manang Betty! Manang Betty!" Pero walang sumagot.
"Manang Betty!" Tawag uli niya habang kumakatok.
"Seniorito! Nagaayos lang ako dito." Sagot sa loob na si Kyrene.
"Okay, akala ko kasi walang tao bukas ang ilaw." Sabi niya sabay alis.
"Bakit ganun ang boses ni manang!" He muttered at pumasok na sa kwarto niya.
****
Nasa C.R si Kyrene ng may narinig siyang mga katok, lumabas siya para buksan ito.
She was about to open the door, when someone spoke suddenly.
"Manang Betty! Manang Betty!"
Waaaahhh! Si Khielve. Anong gagawin ko.
Hindi agad siya nakasagot. Tumawag naman ito.
"Manang Betty!" Napatingin si Kyrene sa hawak niyang towel. Nilagay niya sa bibig niya bago siya nagsalita.
"Seniorito! Nagaayos lang ako dito." Sagot niya habang nakatakip ang towel sa boses para mag iba ang boses niya.
"Okay, akala ko kasi walang tao bukas ang ilaw." Sabi nito. Narinig niyang humakbang na ito papalayo.
"Hay salamat!" Sambit at nakahinga nag maluwag habang nakasandal sa pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top